(Chapter 13)
"Marie, mag handa ka. Uuwi tayo ng pilipinas bukas." Wika ni Rose sa anak niya habang hawak hawak ang Cellphone niya..
"Bakit po? May problema po ba?" Tanong ni Marie habang abala sa paglalagay ng whitening Cream sa mukha niya.
"Wala naman. Naiintriga na kasi ako eh. Nagkakamatayan na ang mga anak ng mga dati kong kaklase. Ito ngat kamamatay lang kagabi ng anak ni Sharmaine." Biglang napatingin si Rose sa ina niya.
"Ha? Bakit naman daw po? Nakakatakot naman!"
"Hindi ko nga alam eh. Ano kayang nangyayari sa kanila? Kay babata pa ng mga anak nila para mamatay."
"Ay diba Classmate nyo yung Beth? Yung mama ni Neth?"
"Oo, bakit?" Tanong ni Beth.
"Idol na idol ko yun eh. Gusto ko siyang makita. Pwede bang makipag kita ka, kay tita beth, at nang makita ko si Neth at makapag papicture ako sa kanya."
"Talagang sikat na siya no? Ang swerte ni Beth at may anak siyang artista."
"At dahil diyan, excited na akong umuwi." Wika ni Marie at saka tumuloy sa kwarto niya. Mag sisimula na siyang mag empake ng mga gamit niya.
Si Rose, pala isipan parin ang mga nangyayari sa mga kaklase niya. Sa isip niya ay tiyak na pag uwi niya sa pinas ay masasagot na lahat ng tanong niya.
"Iaabot mo nga saakin ang letrato ng susunod na mamamatay?" Utos ni Cindy sa lalaking utusan niya.
"Ito po. Aileen ang pangalan niya. Siya ang anak ni Lyndrez." Sagot ng lalaki sabay abot ng litrato.
"Ah, siya na pala yung napadalahan ng sapatos ni Joan. Magaling! Tatlo nalang! Hahahahaha!" Tumawa ng malakas si Cindy.
Tumungo ang mata ni Cindy sa tubig sa planggana. Doon ay nakikita niya ang katawan ni Joan, na mismo ay siya ang kumokontrol.
Malaki ang mga ngiti ni Joan habang naglalakad sa kalye. Natutuwa siya sa sinasapit ng mga nagsusuot ng sapatos. Hindi isip ni Joan ang tumatakbo sa kanyang katawan. Buong katawan ni Joan ay si Cindy ang kumokontrol pati hanggang sa pag iisip niya si Cindy parin.
Habang naglalakad si Joan ay nakasalubong niya si Lyndrez. Lukot na lukot ang mukha nito at halata na may problemang dinadala.
"Hahaha! Bantayan mo ang anak mo! Susunod na siya!" Bulong ni Joan habang dumadaan si Lyndrez.
"Grabe! Hindi pa naiilibing ang anak ko, namatay na agad si Shane. Hindi na talaga tama ito. Lima na ang namamatay. At puro anak natin yun. Anong meron sa sapatos nayun? Sino may gawa ng lahat ito?" Tanong ni Carmelita kay Lanie na ngayon ay kausap niya.
"Kaya nga. Nakakaintriga na. Nakakatakot!" Sagot Lanie.
"Si Lyndrez, Beth at Rose kamusta kaya? Okay lang kaya ang mga anak nila?" Biglang tanong ni Carmelita.
"Speaking of Lyndrez. Ayan oh, umaarangas ng lakad." Wika ni Lanie.
Agad agad na tumungo si Lyndrez sa kinauupuan nila Carmelita at Lanie.
Isang iyak ang sumalubong kina Lanie. "May numero naring nakaukit sa paa ng anak ko!" Biglang sabi ni lyndrez.
Napalaki ang mata nila Carmelita. "My god! 'Wag naman sana siya ang sumunod!"
"Ano pa ang ginagawa mo dito? Dapat bantayan mo ang anak mo. Wag mo siyang lalayuan at baka kung ano mangyari sa kanya." Babala ni Lanie.
"My god! Nabalitaan nyo ba yung nangyari kay Shane. Namatay na daw yun!" Umaarangas na sabi ni Maricris.
Hindi na nagulat sina Carmelita at lanie, sapagkat alam na nila ang nangyari.
Nagtaka naman si Maricris ng makitang umiiyak si Lyndrez.
"Oh bakit, Lyndrez? Anong nangyari sayo? 'Wag mong sabihing nakapag sukat narin ng sapatos ang anak mo?" Tanong ni Maricris.
"Wala kaming alam sa nangyari. Nagising nalang si Aileen ng may suot siyang sapatos. Pag gising niya, nilalamig na siya kahit na mainit ang panahon. Tulungan nyo ako, anong dapat kong gawin?! Paano makakaligtas ang anak ko sa kamatayan naito!?" Natataranta na si Lyndrez.
"Ano nga ba ang dapat nating gawin? Wala tayong ideya kung paano pumatay ang sino mang dimonyo na may kagagawan nito sa mga anak natin." Galit na wika ni Maricris.
"Ang mabuti pa ay bantayan mo nalang muna ang anak mo, Lyndrez. Pasensya kana, pare-parehas tayong walang alam sa mga nangyayaring kababalaghan na ito." Niyakap nalang ni Lanie si Lyndrez.
Imbis na umiyak nang umiyak ay minabuti nalang ni Lyndrez na umuwi para bantayan ang anak niya. Pagdating niya sa bahay ay ganun parin ang lagay ng anak niya. Nilalamig parin ang buong katawan.
Tinititigan niya ang numero na nakaukit sa paa nito.
"Anong ibig sabihin ng 09 at 59 naito?" Tanong niya sa sarili. Gulong gulo na si Lyndrez. Mababaliw na siya sa mga nangyayari.
Namumugto at ang tamlay tamlay ng mukha ni Sharmaine, habang nakaupo sa tabi ng kabaong ng anak niyang si Shane. Hindi niya inaakalang sasapitin yun ng anak niya. Ang sabi ng iba, nagpakamatay daw ito, pero naniniwala si Sharmaine na may pumatay sa anak niya. Yun ang aalamin niya, Nila ng mga kaklase niya.
"Matulog ka na muna, Sharmaine. Wala ka pang tulog ah." Wika ng tita niya.
"Okay lang po ako, Tita. Wag nyo nalang po ako intimdihin." Walang gana niyang sagot.
Napatingin ang tita niya sa kabaong ni Shane. Nagtaka lang siya sa numero na nakaukit sa paa nito.
"Ano ito? Bakit may numero na nakaukit sa paa ng anak mo? Gawa ba yan ng puneralya?" Nagtatakang tanong ng tita niya.
"Hindi po. Gawa po yang ng sapatos na sinukat niya. Sapatos na may dalang kamatayan." Nagtaka ang tita niya sa sinabi niya.
"Ha? Okay kalang ba, Sharmaine?" Hindi maintindihan ng tita niya ang sinasabi niya.
Para hindi na humaba ang usapan ay hindi nalang kumibo si Sharmaine. Tinuon nalang niya ang pansin sa kung bakit nangyayari ang lahat ng ito.
Papauwi na si Cindy galing sa bayan ng pagbulungan na naman siya ng mga tao.
"Nakatakot ang itsura niya!"
"Oo nga eh. Ang sabi sabi, mangkukulam yan."
"Pero bakit nahahalata kong hindi nagpapalit ng damit yan. Bakit lagi niyang suot ang bistidang sky blue nayan?"
"Ewan ko diyan.Dati daw na maganda yan eh. Kaya lang, nasunog siya sa isang bakanteng lote. Maswerte ngang nakaligtas eh."
"Ang pangit na niya ngayon. Muka na siyang halimaw."
"Oo nga eh. Kaya nga ilag ang mga tao diyan. May lahi daw kasing mangkukulam."
Sa araw-araw na sa tuwing lalabas ng bahay si Cindy ay puro bulungan ang nadidinig niya. Bulungan na panget siya, mangkukulam, manbabarang, tikbalang, halimaw at kung ano ano pang masasakit na salita. Sanay na siya sa araw araw na pag pyestahan siya ng mga tao. Nagwawalang kibo nalang si Cindy. Imbis na makipag away ay tinatandaan nalang niya ang mukha ng mga makakati ang labi at bibigyan niya ng malubhang sakit sa pamamagitan ng maitim na dasal hanggang sa mamatay ang taong gagamitan niya nun.
Pero isa lang ang sinisisi niya kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Yun ay dahil sa karumaldumal na ginawa ng dati niyang mga kaklase sa kanya.
Pag pasok niya sa bahay ay isa isa niyang tinitigan ang mga litrato ng gumawa ng kasalanan sa kanya. Tinignan niya ang mga yun ng matalim na tingin. Damang dama sa mata niya ang galit sa puso niya.
"Dahil sainyo dinadanas ko ang impyernong ito. Hinding hindi ko talaga kayo titigilan! Gagantihan ko lahat ng may kasalanan saakin! Sisiguraduhin kong walang makakaligtas!"