Panay ang tingin ni Claire sa relo at pinto ng hotel. Lampas alas – nuebe na ay wala pa ang kanyang kapatid. Kanina pa niya sinusubukang tawagan ito pero cannot be reached ang telepono nito. Natapos na ang speech nito na ang daddy niya at si Felix na lang ang gumawa dahil wala nga si Emilio. Kinakabahan na siya. Baka kung napaano na ang kanyang kapatid.
“Wala pa rin ba si Emilio?” dama niya ang inis sa boses ng ama niya.
“I’m sorry daddy. I cannot contact him,” sagot niya at sinubukan ulit na idayal ang numero ng kapatid.
“Hindi na dapat siya umalis. Alam naman niyang kasali siya sa programa bakit kailangan niyang umalis?” may bahid na ng galit ang boses ng ama niya.
“Tumawag kasi si Kristie at nagpasundo. Sabi naman niya hindi siya magtatagal,” sabi pa niya at muling sinubukang tawagan ang kapatid.
Narinig niyang mahinang napamura ang ama niya.
Maya – maya ay nakikita niyang dumadating si Kristie. Napakunot ang noo niya ng makitang hindi nito kasama ang kapatid niya.
“Where is Emilio?” tanong agad niya dito ng makalapit sa kanila. Nasa tono nito ang pagka – irita.
Kita niya ang inis sa mukha ng babae. “I don’t know. I was waiting for him to get me. Ilang beses ko siyang tinatawagan pero hindi ko siya makontak,” sagot nito sa kanya.
“What? He left and told me he was going to fetch you,” nakakaramdam na siya ng kaba. Baka kung napaano na ang kapatid niya. Muli niyang kinuha ang telepono at idinayal ang numero ng kapatid. Pero tulad ng nauna, cannot be reached pa din.
Maya – maya ay tumunog ang telepono ni Claire. Numero lang ang lumalabas doon. Kinakabahan man ay sinagot na niya.
“Si Claire Lorenzo ba ito?” paniniguro ng kausap.
“Y – yes? S – sino ito?”
“Si SPO2 Leo Katindig ito ng Station 2 sa Manila. Narito kami sa may Jones Bridge sa Maynila. Kaano – ano ninyo si Emilio Lorenzo?” tanong pa nito.
“He is my brother, why?” gusto na niyang umiyak. Talagang doble – doble na ang kaba niya.
“Naaksidente siya dito sa may tulay. Tuloy – tuloy na nahulog sa ilog ang kotse. May mga divers na sa ilog na humahanap sa kanya pero hindi siya makita. Tanging ang kotse at mga gamit lang niya ang nakukuha ng mga divers,” sabi pa nito.
“What?!” at tuluyan na siyang napaiyak. Agad na lumapit ang ama niya at si Kristie.
“Hindi pa ho namin nakikita si Mr. Lorenzo. Pero mas mabuti sigurong pumunta na lang kayo dito para makasiguradong siya nga ang taong nagmamaneho ng kotse,” sabi nito at ibinaba na ang telepono.
Tila wala sa sarili si Claire ng patayin ang telepono.
“What happened?” tanong ni Kristie.
“Emilio had an accident,” at tuluyan na siyang napaiyak.
“What? What happened to my boyfriend?” Nag-uumpisa ng mag-histerikal si Kristie.
“We don’t know the details yet but they can’t find his body.” Sa pagitan ng mga hikbi ay sabi ni Claire.
Ang masayang pagtitipon ay biglang napuno ng parang maitim na ulap. Huminto ang bandang tumutugtog ng masasayang awitin, ang mga tao ay biglang nag-alala kung anong nangyayari. Lahat sila ay nag-iisip kung anong nangyari sa bagong CEO.