Chapter 42

3516 Words
Chapter 42 LIGAYA'S POV Mag kasalo kaming dalawa ni Dakila na kumakain nang almusal sa hapag-kainan. Naka lapag na sa lamesa ang niluto kong prinitong itlog at nilabas ko rin ang tira naming ulam kagabi. Naamo'y ko rin ang mabangong aroma ng kape na mag pakalam pa lalo ng gutom sa akin. Mabagal lamang ang paraan ng pag subo ko ng pag kain at hindi ko maiwasan na pasimpleng sulyapan ng tingin si Dakila. Napaka seryoso ng kanyang mukha habang kumakain at kanina pa itong walang kibo simula no'ng maupo siya sa harapan ko. Medyo basa-basa pa ang kanyang buhok, na kaliligo lamang subalit bagay naman sakanya ang medyo wet look na itsura. Simple lamang ang suot niyang t-shirt na damit at pang ibaba naman na kasuotan, ay ang pantalon na maong na handang-handa na siya sa pag pasok sa trabaho. Hindi ko mawari, kong bakit parang magnet na lang ang titig ko, na hindi maalis-alis ang mata ko sa masungit na expression na pinapakita. Sarap na sarap naman akong pinag mamasdan ang guwapo niyang mukha at kahit ang galaw at kilos niya gusto ko na lang panuorin. Hindi ko na alam, kong ilang segundo napako na lang ang titig ko sakanya na napa tulala na lang ako. Nang mapansin siguro ni Dakila na may matang kanina pa naka masid sakanya kaya't dahan-dahan naman siyang napa anggat ng mukha at sakto naman na mag salubong na lang ang titig naming dalawa. Binigyan na lang ako ni Dakila ng malamlam at malamig na emosyon, na animo'y hini-higop niya ako sa paraan na nag aakit na titig nito. Sa labis na pag kataranta ko naman, umiwas na lang ako ng titig at ramdam ko naman ang pangangamatis ng mukha ko sa hiya. Paktay! Nahuli niya akong, naka tingin sakanya. "Bakit, ganiyan mo ako titigan mahal?" Ang malagong niya na lamang na tanong ang mag pa pikit ng mariin sa akin. Kainis naman. Ganun, na ba kahalata ang malagkit kong titig sakanya? "Hindi a-ah." Depensa ko na lamang na kahit ako mismo, wala nang lakas na salubongin siya ng tingin. Grabe, Ligaya huling-huli kana pero ang lakas mo pa talagang mag deny ah? Kinagat ko na lang ang ibaba kong labi at ramdam ko na ang pag lamig ng palad ko na ngayo'y nakikita ko sa gilid ng mata ko ang pag sunod niya ng tingin sa akin. Ang pag ngisi niya lamang, ang mag bigay kaba sa akin na animo'y hindi siya kumbinsado sa anumang sinabi ko. Ano ba, Maniwala ka naman, Dakila. "Hindi daw, pero sobrang lagkit ng mga titig mo kanina," napa-anggat na lang siya ng labi at umayos na naupo sa upuan. "Sa iba kaya ako naka tingin, at hindi sa'yo." giit ko na lamang na hindi mag papatalo sakanya. Lumawak na lamang ang ngisi sa labi ni Dakila, na ako'y palambutan naman ng mga tuhod na makita lamang ang ngisi nitong nakaka-bighani. Aba, huwag kang ngumi-ngiti sa akin ng ganiyan, Dakila. Sabi nang huwag kang ngumiti, at ako'y naakit. Ewan ko ba, kong bakit may ibang dating sa akin ang kakaiba niyang ngisi, na gusto ko na lang iyon pag masdan. Minsan lang siya ngumiti kaya't para naman sa akin, nakaka gulat at parang achievement na para sa akin ang mag ganun siya. "Sabi mo eh." kibit-balikat na lamang nitong tinig. Binaling na lang ang atensyon ni Dakila sa tasa ng kape na naka lapag sa lamesa at kinuha niya iyon. Sumunod naman ang tingin ko sakanya na ngayo'y sinimsim niya ang laman no'n kaya't binaling ko naman ang atensyon ko sa pag tapos na lang ng kinakain ko. Ilang segundong katahimikan sa panig naming dalawa, na kaagad naman napukaw ang atensyon ko na bigla na lang tumayo si Dakila at nilapag nito sa lamesa ang tasa na hawak. Akmang ikikilos niya sana ang katawan niya paalis, na bigla naman akong napa-tayo sa aking kina-uupuan at kina tigil naman ni Dakila. "Sandali, aalis kana mahal? Eh? Hindi mo pa natapos ang pag kain m—-" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na mapako na lamang ako sa pinggan ni Dakila. Napa-kurap naman ako ng mata na mapag tanto na wala na ngang laman iyon. Wala na akong nakita pang tirang ulam at kanin sa kanyang pinggan. Sandali, naubos niya na? Kahit rin ako gulat na gulat at takang-taka sa aking nakikita na ngayo'y wala na iyon na laman, na kanina pa lang puno pa ng pag kain ang kanyang pinggan. Asan na iyon? Naubos niya na iyon? Ganun kabilis? Oh sadya lang talaga na lumilipad na ang isipan ko, sa pag papantasya sakanya kanina kaya't hindi ko na namalayan na naubos niya na iyon? "Ano?" Pag-uulit na lamang na tanong na mapa labi na lang ako. Umawang na lang ang labi ni Dakila at rinig ko na ang yabag ng kanyang paa palapit sa akin. Tumigil na lamang si Dakila sa gilid ko kaya't napa tinggala naman ako dahil may katangkaran rin naman siya sa akin. "Kanina ko pa naubos," "Ah eh, ganun ba?" Alangan na lang akong napa-ngiti para itago na lang ang hiya sa dibdib ko, na hindi ko man lang napansin na naubos niya na pala ang pag kain niya. "Aalis kana ba?" "Oo," malamig na sagot na lang nitong mapa baling naman ang mata ko sa lamesa, kung saan nakita ko ang lalagyan na hinanda ko para sakanya. "Siya nga pala, para sa'yo mahal," walang pag aalinlangan na kinuha ko na lang ang lalagyan at inabot kay Dakila. Hindi na maalis ang matamis na ngiti sa aking labi na ngayo'y walang kibo na lang kinuha ni Dakila sa kamay ko ang lalagyan, at naka balot pa iyon para talaga masiguro na hindi matatapon. "Maraming salamat," tugon niya na lang at nakita ko naman ang bahagyang pag galaw ng mata ni Dakila sa aking ginawa na tila ba'y nag tataka siya kong ano ang laman no'n. "Ahh, nag luto ako mahal na isa sa mga paborito mo na ginataang santol at tyaka adobo," wika ko na lang na hindi maalis-alis ang matamis na ngiti sa aking labi. "Baon mo iyan para mamayang tanghalian," tumango-tango naman si Dakila sa naging sagot ko. "Alam na alam mo talaga mahal, ang mga paborito ko," anito. "Mapapasarap talaga neto ang kain ko mamaya lalong-lalo na sarap ng mga luto mo." hinawakan na lang ni Dakila ang aking ulo at naka ramdam naman ako ng kilig at init sa simpleng pag hawak niya doon. Inayos ni Dakila ang pag kakahawak sa hinanda kong pag kain na handa na siya na umalis. "Siya nga pala mahal, baka makaka-uwi ako ng maaga mamaya. Wala naman kaming gagawin masyado na trabaho ni Manong Basyo sakanila kaya't pag labas ko mamaya mamasyal tayo," kina-laki naman ng ngiti sa aking labi ang kanyang sinabi at mayron din parte sa aking puso ang nasabik lalo't sinabi nitong mamasyal kami mamaya. "Sige, mahal." Lumapit na lang sa akin si Dakila at napa pikit na lang ako ng aking mata na maramdaman ko na lang ang simple niyang halik sa aking buhok, na mamuhay ang matinding kilig at taba sa aking puso sa kanyang ginawa. Mistulang parang may nag sisiliparan na mga paru-paro sa aking tyan lalo't maramdaman ko na lang ang pag dikit ng katawan namin. Napa mulat na lang ako ng mata ko na bahagyang lumayo sa akin si Dakila at tumitig na lang ako sakanya. "Mag-iingat ka dito mahal." paalala niya na lang na kina-tango ko naman. "Oo, mahal ikaw din." humawak na lang si Dakila sa aking ulo at bahagyang ginulo ang buhok ko. Isang tango lang ang sinagot niya sa akin at nag lakad na siya palabas nang balay namin, na kina-sunod ko naman sakanya ng tingin na nanatili lamang ako sa aking kina-tatayuan. Kusa na lang nawala si Dakila sa paningin ko at gumuhit na lang ang matamis na ngiti sa aking labi. Mamasyal kami mamaya! Nang matapos na akong kumain nang almusal, niligpit ko na kaagad ang aming pinag kainan at hinugasan na rin naman pag katapos. Nag ligpit muna ako sa aming balay at nag linis, bago ko sinunod na tinupi ang mga natuyong mga damit namin. Habang gumagawa ng mga gawaing bahay, hindi na maalis-alis ang matamis na ngiti sa aking labi at pag kasabik lamang na mamaya lalabas silang dalawa ni Dakila. Hindi ko maipaliwanag ang saya sa aking puso lalo't panigurado mamasyal silang dalawa sa bayan, kaya't ganun na lang kasigla ang araw ko. Saan kaya kami pupunta na dalawa,ni Dakila? Pinag dikit ko na lang ang aking palad at kulang na lang mapunit ang labi ko sa lawak ng ngiti, lalo't iniisip ko pa lang ang mga gagawin naming dalawa mamaya sa aming pag alis. Marami nang pumapasok sa aking isipan na mga anong bagay na mag pasabik pa lalo sa akin nang husto. Tinapos ko na kaagad ang mga gawaing bahay at siniguro ko talaga na wala na akong gagawin pa, para sa ganun masulit ko ang araw na ito para sa aming dalawa. Nang matapos na ako sa aking gagawin kinuha ko na ang basket na parati kong dinadala at tinahak ko na ang daan papunta sa bayan. Balak ko kasing mag luto mamaya ng masarap at espisyal na pag kain na mga paborito ni Dakila kaya ngayon pa lang mamalengke na ako ng mga rekado sa aking lulutuin. Dapit alas dyes pa lang nang umaga at binabaybay ko na ang daan at simpleng tube na bestida lamang ang suot ko, na lumitaw ang maganda at maputi kong kutis. "Magandang umaga, Ligaya." "Magandang umaga rin Tiya Lagring," bati ko naman sa matanda na maka salubong ko ito sa daan. "Mukhang napaka aliwalas ata ng iyong mukha Hija. Labis akong natutuwa na makita kong, kong tamis ng iyong ngiti," puna na lamang nito na mapa tigil naman ako. "Dahil ba ito sa iyong asawa na si Dakila?" "Paano niyo naman po nasabi iyan, Tiya?" aniya ko. "Dahil sa iyong ngiti at ang mata mo naman may kakaibang ningning na napaka layo kumpara noon," anito. "Talagang napakabait at buti naman talaga ng iyong asawa na wala na akong masabi sakanya. No'ng isang araw nga at tinulungan niya ako, at kahit nga ilang mga ka-Nayon natin tinutulungan niya na wala siyang hinihinggi na anumang kapalit. Napaka swerte mo talaga na si Dakila ang iyong napangasawa asawa," hinawakan ni Aling Lagring ang aking kamay na matamis na ngiti na lang ang sinukli ko. "Opo, Tiya." tugon ko. "Siya at mauna na po ako sa'yo,Tiya." Isang tango na lang ang sinukli niya sa akin ng matanda na tinahak ko na ang daan. Ilang sandali lamang, at naka rating na ako sa bayan, at binili ko na ang mga kailangan ko kagaya nang gulay at sariwang isda lamang. Hindi naman masyado matao sa bayan kaya't mabilis rin naman ako naka bili ng mga kailangan ko. Nang masiguro kong nabili ko na lahat, napag pasyahan ko nang umuwi na. Hawak ko na sa kabilang kamay ang basket at maka lipas lamang ng ilang minuto na katahimikan at ako'y napa tigil sa pag tawag sa akin. "Ligaya, Ligaya," ang familiar na boses na lang ang pag tawag sa akin ang mag pahinto sa akin. Kaagad din akong napa hinto at kina-lingon kong sino iyon at nakita ko naman ang kaibigan kong si Marikit na patakbong lumapit sa akin. "Oh, Marikit." tawag ko na lang na hini-hinggal naman siyang huminto sa tapat ko. Dumaplis ang pawis sa kanyang noo at hinahabol pa ang kanyang hiningga, na tinakbo niya lamang para maabutan ako. "Ikaw pala," "Akala ko, hindi na kita maabutan," pinanuyuan si Marikit ng laway at umayos siya ng tindig. Napako naman sandali ang mata ni Marikit sa aking pinamili at sabay na naming tinahak ang daan mag kasama. "Mukhang marami ata ang iyong lulutuin ngayon Ligaya." "Ahh ito ba?" tinaas ko na lang ang hawak kong basket. "Balak ko kasing pag lutuan si Dakila mamaya para sa hapunan namin, na paborito niyang mga pag kain kaya niramihan ko na ang binili ko." "Kaya naman pala," may kakaibang pahiwatig ang kanyang ngiti na pinako na lang ang mata niya sa daan. "Kaya pala, hindi na maalis-alis ang matamis na ngiti sa labi mo dahil si Dakila pala ang dahilan. Ikaw ha, talagang nagugustuhan mo na ang asawa mo," bigla na lang niya akong siniko na animo'y kinikilig na iniling ko na lang ang ulo ko. "Ikaw, Marikit saan ka pupunta?" tanong ko naman na makita na wala siyang anumang bitbit. "Pupunta kami mamaya sa Ilog at maliligo kami ng kasintahan ko. Gusto mo palang sumama?" iniling ko na lang ang ulo ko bilang pag tatanggi. "Gusto ko sanang sumama, Marikit pero marami pa kasi akong gagawin eh." sumimanggot na lang si Marikit sa naging sagot ko. "Ay, sayang naman." bumagsak na lang ang balikat nito sa pag kadismaya na hindi ako makakasama sakanila. "Labis na talaga akong nag tatampo sa'yo na hindi na kita nakakasama. Simula no'ng ikasal kana kay Dakila, hindi na natin nagagawa ang mga ginagawa natin noon dahil naging abala kana," may halong pag tatampo sa kanyang tinig na umakbay ako sakanya. "Huwag kanang mag tampo riyan, Marikit." nilapit ko ang sarili ko sakanya. "Hayaan mo, babawi ako sa'yo," "Talaga? Pangako babawi ka sa akin?" naka ngusong tugon naman nito. "Oo naman," anito ko na lang na hindi na maipinta ang kanyang mukha at naka simanggot pa rin. "Ngumiti kana riyan, Marikit. Kaylan ba ako nangako na hindi ko tinupad, hmm?" malambing kong tinig na tinaas-baba ko pa ang kilay ko at unti-unti naman na lumiwanag ang kanyang mukha. Sumilay na lang ang matamis na ngiti sa aking labi at hindi naman mahirap sa akin na pasiyahin at pataasin ang kanyang mood lamang. "Sige na nga," nag kangitian na lang kaming dalawa ni Marikit na tinahak namin ang daan na mag kasama. Ilang minuto pa ang naka lipas na binabaybay namin ang daan at pansin ko ang pananahimik ni Marikit sa tabi ko. Wala siyang kibo at maya't-maya ko siyang nahuhuli na nag nanakaw ng sulyap sa akin na para bang may gusto siyang sabihin subalit hindi niya alam kong papaano niya sisimulan. "Bakit, Marikit? May gusto ka bang sabihin?" kinagat na lang ni Marikit ang ibaba niyang labi at pansin ko ang kamay nitong pinag lalaruan na na may bumabagagabag sakanya. Naging malilikot na ang kanyang mata at tila ba'y nababahala siya na kahit ako mismo nag aalala sa kakaiba niyang kinikilos. "Ligaya," sa wakas nag kalakas siya nang loob na banggitin ang pangalan ko. "Hmm," "Mag iingat ka parati." ang maka hulugang tinig niya lang ang mag bigay impact para sa sarili ko. Hindi ko alam kong bakit, ibang dating sa akin ang pahiwatig na salita ni Marikit na bigla akong kinabahan. "Bakit? Huh?" "Basta, ipangako mong mag iingat ka parati." anito na lang nito na mag kasalubong na lang ang kilay ko, hindi ko mahulaan ang gusto niyang ipunto. "Hangga't maari huwag kang lalabas na walang kasama at parati kang mag pasama kay Dakila," naging malilikot na ang mata at nabahiran na iyon ng takot. "Sandali, hindi kita maintindihan Marikit," tugon ko na lamang na pilit hinuhuli ang kanyang titig subalit umiiwas siya. "Ano ba kasi ang nangyayari?" "Si Makisig," ang pag banggit niya sa pangalan ni Makisig ang mag pakaba sa akin nang husto. "Huh, si Makisig? Ano sakanya at bakit nasali siya dit-----" "Nong naka araw kasi nakita kita na pauwi at nakita ko si Makisig na palihim kang sinusundan," lumunok pa ito ng mariin ng laway bago dumugtong muli nang sasabihin. "Hindi ko alam basta kakaiba ang kilos at galaw niya nang mga araw na iyon.. Iba talaga ang kutob ko rito Ligaya. Alam naman natin na patay na patay sa'yo si Makisig noon hindi ba? Natatakot lang talaga ako na baka may gawin siyang masama sa'yo," Pinang hinaan ako ng aking mga tuhod sa aking mga narinig at aaminin kong may yumakap na takot at pangamba ako sa aking sarili. Ano, sinusundan ako ni Makisig? At, bakit? Bakit, hindi ko napansin iyon? "Marikit," hinawakan ko na lang ang kamay ni Marikit na ramdam ko na ang pag lamig ng kanyang palad at kay puti ng kanyang labi sa nerbyos lamang. Kilala ko ang kaibigan ko, kapag sinabi niya lahat iyon totoo. Humigpit ang pag kakahawak ni Marikit sa palad ko at ramdam ko ang pag aalala niya sa akin. "Kaibigan kita Ligaya at para na rin kitang kapatid ko kaya't nag aalala lang talaga ako sa'yo." tumitig na lang ako sa mata ng kaibigan ko. "Paalala ko lang sa'yo na huwag kang lalapit pa kay Makisig at umiwas ka sakanya kahit anong mangyari Ligaya, hindi natin alam ang tumatakbo sa kanyang isipan ngayon.. Basta, ipangako mo sa akin, na mag iingat ka parati at parati ka mag sarado ng iyong pinto kapag mag isa ka lang sa inyong balay," paalala na lang nito na bumigat na ang aking pag hingga. "Marikit," mahinang tawag ko na lang at kahit na rin ako natakot lalo't si Makisig na ang pinag uusapan ngayon. "Siya at maiwan na kita Ligaya, huwag mong kakalimutan ang paalala ko sa'yo." tugon na lang nito at matamlay siyang ngumiti na kina-bitaw niya ng kamay sa pag kakahawak sa akin. Sinundan ko na lang ng tingin si Marikit na nag lakad palayo na kahit ako, walang lakas nang loob na ihakbang at igalaw ang katawan ko. Wala sa sariling napa hawak na lang ako sa aking dibdib, at napaka lakas na ang kalabog no'n na nanaig pa rin ang matinding takot sa aking puso. ***** Naka rating na ako sa aming balay at nilagay ko na ang aking mga pinamili sa lamesa. Kumain na ako ng tanghalian at tinapos ko na rin ang mga dapat kong tapusin na mga gawain. Napaka bilis ng oras at dapit alas kwatro na nang hapon ng sandaling iyon kaya't napag pasyahan ko nang maligo at sinuot ko lamang ang presko at magandang bestida. Hinayaan ko na lamang naka lugay ang basa ko pang buhok at hindi na ako nag ayos pa sa aking sarili. Nang matapos na ako ng mga dapat kong gawin at hinanda ko na ang mga lulutuin ko para sa aming hapunan mamaya. Habang nag gagayat ng mga rekado, inuna ko na ang pag saing ng kanin. Balak kong tatlong ulam ang aking gagawin na alam ko sa sarili kong paborito ang lahat ng iyon ni Dakila. Pinasarap ko pa lalo ang aking pag kakaluto para sa ganun magustuhan niya ang gawa ko. Maka lipas lamang ng ilang oras at natapos rin ako. "Ayan, tapos na." pinag dikit ko na ang aking palad na hindi inaalis ang mata ko sa hapag-kainan kung saan naka lagay na doon ang aking hinanda. Napa ngiti na lang ako na maamo'y ang masarap na aroma ng pag kain, na alam ko sa sarili kong magugustuhan lahat ng ito ni Dakila. Naka ayos na rin ang baso, pinggan at mga kubyeryos sa lamesa, na hinihintay ko na lang ang kanyang pag dating, para sa ganun sabay na kaming dalawa mag salo ng hapunan. Tumingin ako sa bintana at ngayo'y nag aagaw na ang dilim at liwanag sa kalangitan na bandang alas sais na iyon ng hapon at ilang sandali na lang at uuwi na si Dakila. Inayos ko muna ang aking suot na damit at ang aking sarili para sa ganun maayos at presintable akong haharap kay Dakila kapag dumating na siya. Pinagpag ko ang suot kong bestida para alisin ang naka kapit doon na dumi sa aking pag luluto kanina. Napa tigil na lamang ako sa aking pag aayos ns marinig ang mahinang katok mula sa pintuan. Lalo pang sumilay ang matamis na ngiti sa labi ko, at naka ramdam ng pag kasabik na mapag tanto, kong sino iyon. Kumalabog na lang ng mabilis ang aking puso at umayos ako ng tindig. "Nandito na siya," wala sa sariling wika ko na lang na mamuhay ang saya sa aking puso lalo't nandiyan na si Dakila. Hinakbang ko na ang paa ko palapit sa pintuan, at may halong kilig at saya ang dibdib ko na tinatahak ang daan. Hinawakan ko na ang seradura at inalis na ang pag kakandado ng pintuan para salubongin lamang si Dakila ng matamis ng ngiti sa labi. Pinihit ko na pabukas ang pintuan at binuksan na ang pintuan. "Mahal, nandito kan------" unti-unti na lang nawala ang matamis na ngiti sa aking labi, na bagkus si Dakila ang sasalubong sa akin kundi ibang tao ang nakita ko sa likod ng pintuan. Siya? Anong ginagawa niya dito? Napa kurap na lang ako ng aking mata at may lumukob na takot at pangamba sa aking puso na makita ang bulto ng isang tao na naka tayo sa harapan ko. Kay dilim ng mustra ng kanyang mukha at ang kanyang mata naman nag babaga na sa galit, na panuyuan ako ng laway. Wala sa sariling napa atras na lang ako ng aking paa sa takot na makilala kong sino iyon. "M-Makisig," wala sa sarili kong tawag sa kanyang pangalan na unti-unti na lamang gumuhit ang mala demonyong ngisi sa kanyang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD