Chapter 41

4991 Words
Chapter 41 LIGAYA'S POV "Bilisan mo diyan, Lira." mahinang pasunod ko na lamang sa kababata kong kapatid at nauna na akong nag lakad. "Sige ho, Ate." ramdam ko ang pag sunod na lang sa akin ni Lira sa aking likuran at mag kasama namin binabaybay ang daan. Pareho kami may dalang timba at lalagyan puno ng mga damit namin. Araw nang sabado ngayon at napag pasyahan namin na mag kapatid, na pumunta sa ilog para doon labhan ang aming mga damit. Maganda kasi doon sa ilog, dahil lamang sa presko at sariwa ang tubig kundi bwelong-bwelo talaga kaming mag laba don. Alas syete pa lang nang umaga tinatahak na namin ang daan papunta sa ilog, na nalilibang naman kaagad kami dahil sa magandang tanawin na aming nadadaanan at mga nag tataasan rin na mga puno sa paligid. Ilang mimuto pa ang aming binabaybay at malapit na rin namin kami sa aming pupuntahan at saktong-sakto rin talaga na inagahan namin ni Lira na pumunta sa ilog para sa ganun, maaga rin kami matapos. "Oh, bakit ang bagal-bagal mo ata ngayon na kumilos, Lira?" kina-silip ko naman sa likuran ko ang naka sunod na kapatid kong naka nguso na at bagsak ang balikat na naka sunod sa akin. Nahalata ko kaagad sa kanyang kilos na animo'y ang tamlay niya. Huminto muna ako saglit, at hinarap siya. "Huwag mong sabihin sa akin, na tinatamad ka?" "Hindi kaya, Ate." depensa naman kaagad nito na kaagad na kina-ayos ang hawak na timba laman ng mga marurumi namin na damit para hindi iyon malaglag. "Busog na busog kasi ako kanina sa dinala mo sa balay na almusal, at kakanin. Napaka rami ko pa naman na kinain bago tayo umalis kanina sa balay. Napaka bigat tuloy ng tyan ko ngayon sa kabusugan," "Iyan kasi eh. Ang takaw-takaw mong kumain," biro ko na lamang na hinigpitan ko ang pag kakahawak ko sa timba rin na dala ko. "Bilisan mo na ang lakad mo at maya't-maya mawawala rin iyan na kabusugan mo kapag nakapag simula na tayong mag laba sa ilo----" hinakbang ko na ang paa ko na ipag patuloy na lamang ang pag lalakad subalit, kaagad naman ako natigilan na may pasadya na bumunggo sa akin na kina-dahilanan na mabitawan ko ang timba na hawak ko. Maririnig mo na lamang ang tunog ng pag bagsak ng timba at kasabay no'n ang pag tilapon rin ng mga marurumi naming mga damit. "Ops, hindi ko sinasadya. Paharang-harang ka kasi sa dinaraanan eh." maarting pag kakasabi ni Dolores at sa likuran niya naka tayo ang malalapit nitong kaibigan. "Ayos lang naman. Ikaw pala iyan Binibining Dolores," pinakita ko na lang ang matamis na ngiti sa labi at bahagyang nag squat na naupo at pinulot na lamang ang nag kalat na mga damit namin sa lupa at nilagay iyon sa timba na nalaglag kanina. Isa-isa kong pinulot ang mga damit at gilid naman ng mata ko nakita ko si Dolores at ang kaibigan niyang naka tayo pa rin sa gilid ko, bahagyang pinapanuod at kinikilatis ang ginagawa ko. "Sa susunod kasi Ligaya, tumingin ka naman sa dinaraanan mo dahil nakaka-abala ka nang ibang tao," salaysay na lamang ni Dolores na may laman at ibang pahiwatig na hindi na lang ako kumibo. "Tumitingin naman kaya ang Ate Ligaya ko, sa dinaraanan niya kanina. Sadya lang na binunggo mo talaga siya," sagot pabalik naman ng kapatid kong si Lira na, kina hinto ko sa ginagawa kong pag pupulot. "Lira, tama na," saway ko na lamang kay Lira na mababang tinig, at mukhang hindi siya nasindak o natakot sa presinsiya ni Dolores at mga kasamahan nito sa harapan namin. Kay tapang naman ng mukha ng kapatid ko, na tumalim na tumitig sa Binibini samantala naman si Dolores walang kibo subalit nando'n ang galit at hindi nito nagustuhan ang pag sagot sakanya ni Lira. "Sandali, pinaparatangan mo ba akong sinadya kong bungguin si Ligaya, ganun ba ang ibig mong ipahiwatig, Lira?" may pag tataas ng boses ang tinig ni Dolores at ang kanyang mata nama'y tumalim. "Hindi ko magagawa ang bagay na iyong pinaparatang sa akin, kahit tanungin mo pa ang mga kasamahan ko alam kong sasang-ayunan nila ang sinabi ko." "Pero talag---" "Tama na niyan, Lira." saway ko na lamang sa kapatid ko na uminit na lamang ang tensyon sa kanilang panig. Tumiim-baga na lang si Dolores at hindi mawala ang lamig at talim sa kanyang mga mata. Binalingan ko na lang ng tingin si Dolores, na hindi pa din nag bago ang timpla ng kanyang mukha at halatang galit nga talaga siya. "Ipag paumanhin niyo po Binibining Dolores, kong ano man ang naging asal ng kapatid ko. Hindi niya ho sinasadya kong ano man ang sinasabi niya ngayon. Ako'y humihinggi rin ng despensa, kong hindi man ako tumitingin dinaraanan ko at ika'y naabala ko," mahinhin na paumanhin ko na lamang sakanya na para sa ganun hindi na uminit pa ito. "Pero Ate, hindi mo kailangan na huminggi ng paumanhin sakanya. Sinadya niya talaga at kitang-kita ko iyo---" "Lira," saway ko naman muli at tinignan si Lira nang kay talim na nag papahiwatig, na sa pag kakataon na ito kailangan niya na talagang tumigil. Tinikom na nang kapatid ko ang kanyang bibig at hindi na dumugtong pa na kahit labag man sa kanyang kalooban. Nag pasalamat talaga ako at hindi na kumibo pa si Lira at huling pag kakataon, binalingan ko ng tingin si Binibining Dolores, hindi na talaga maganda ang kanyang mukha. "Ipag paumanhin niyo po, Binibini," pag hinggi ko nang despinsa sakanya muli. Hindi na maalis-alis ang matalim at nag babantang titig ni Dolores sa kapatid ko na alam ko sa kanyang sarili, na nag pipigil lamang siya. Tinaas na lang ni Dolores ang kanyang isang kilay na animo'y nag tataray at hindi rin ako naka ligtas sa paraan na titig nitong matalim at medyo galit. "Sa susunod pag sabihan mo ang kapatid mo Ligaya. Ayaw ko sa lahat ang pinag bibintangan ako sa hindi ko naman ginawa, papalampasin ko ang araw na ito dahil huminggi ka rin naman ng tawad sa akin pero sa susunod hindi ko na papalampasin pa ang mga ganiyan mga asal!" puno ng diin na pag kakabigkas nito na nag pabaling-baling ang tingin niya sa aming mag kapatid na tumatagos kong paano niya kami tignan na dalawa. "Opo, Binibini." Umayos na lamang ng tindig si Dolores, at taas-noo pa ito na hindi niya ibaba ang sarili niya kahit na sino. Pasimple niyang tinignan sa likuran ang kaibigan na kasama nito na walang kibo at nakikinuod lamang sa mga nangyari. "Halika na Benilda, Hiraya," tawag naman niya sa kanyang nga kasamahan. Sa huling pag kakataon, tinignan ako ni Dolores ng matalim at may pahiwatig na titig bago niya hinakbang ang kanyang paa. Sunod ko na lamang narinig ang yabag ng kanyang paa paalis na kina-sunod naman ng kanyang mga kaibigan nito palayo. Tinatanaw ko lang sila ng titig hanggang tuluyan na silang mawala sa paningin ko, animo'y parang nabunutan ng tinik ang aking dibdib na makompirma lamang na tuluyan nang naka alis si Dolores. Wala nang mata na susunod, sa akin ng matalim. Kinagat ko na lang ang ibaba kong labi at tinapos ko nang pulutin ang mga damit na tumilapon sa lupa. Nang matapos ko nang mailagay iyon sa timba, umayos na ako nang tindig at sumalubong naman kaagad sa akin ang maka hulugan na pag titig sa akin ni Lira. "Bakit ganiyan ka maka tingin sa akin, Lira?" inayos ko ang pag kakabitbit nang timba at naroon ang pag sunod niya ng titig sa akin. "Bakit ka huminggi ng paumanhin kay Binibining Dolores, Ate?" pahiwatig na tinig na lamang nito. "Nakita ko talaga na, pasadya ka talaga niyang binunggo kanina. Hindi mo nakita ang bagay na iyon pero ako, kitang-kita ko talaga," giit na lamang nito na hindi mag papatalo na hinakbang ko na ang paa ko para makapanhik na sa aming pinu-puntahan at sumunod naman siya sa akin. Hindi naman ako tanga na hindi malaman ang bagay na iyon. Kay lawak ng dinadaanan namin at napaka imposible naman na makaka bunggo ako kay Dolores kung hindi nga talaga neto sinadya, subalit mas pinili ko na lang na kumibo at hindi na pahabain pa ang lahat nang ito. Ayaw ko nang sumiklab pa ang tensyon sa pagitan naming dalawa ni Dolores dahil lamang sa ayaw ko nang gulo at higit sa lahat, noon pa man talaga ko alam kong ayaw niya talaga sa akin. Sa simpleng galaw at kilos ko lahat niya iyon napupuna. Sa simpleng ginagawa ko lamang napapansin niya kaagad na hinahanapan niya talaga nang butas na uminit ang pagitan naming dalawa ni Dolores. Hindi ko alam kong bakit ayaw niya sa akin. At kung bakit, napaka init ng dugo niya sa tuwing nakikita niya ako. Mas maganda na ito, ang umiwas na lang sakanya at kahit saan man na mga gulo. Tahimik na kami at gusto kong payapa na lang ang buhay ko. "Alam ko, pero may mga bagay talaga na kailangan natin huminggi ng pasensiya kahit hindi naman natin talaga kasalanan, Lira. Alam kong hindi mo sasang-ayunan itong sinabi ko pero hayaan na lang natin," "Dahil ba anak siya ng Datu kaya't hahayaan na lang natin na ganun-ganunin na lang ang trato niya sa atin? Aba, hindi naman ata tama iyon At----" "Lira, may mga bagay talaga na kailangan natin na umiwas lalong-lalo na sa gulo," paalala ko na lang sakanya na hinawakan ko na lang ang balikat ng kapatid ko. "Hayaan mo na si Dolores, Umiwas na lang tayo, hmm?" pakiusap ko na lang na mababang tinig at hindi ko na siya hinayaan pang makapag salita na pinag patuloy ko na lang ang pag lalakad, na iniwan ko na ang kapatid ko. ***** Ilang sandali lamang na binabaybay namin ang masukal na daan at naka rating na kaagad kami sa ilog. Pag dating namin doon, napa ngiti na lamang ako sa malamig at preskong hangin na tumama sa balat ko, at sumasabay na gumagalaw ang mga halaman at mga puno sa paligid sa bawat pag ihip ng hangin. Napaka ganda ng tanawin na iyong matatanaw, na ika'y ma rerelax talaga na iyong pag mamasdan lamang. Pag dating kaagad namin ni Lira doon, sakto naman hindi naman kami nag iisa dahil may mga mas nauna na saamin na pumunta doon sa Ilog. Kagaya rin naman namin, naabutan namin na ilang kabaryo namin na ganun rin talaga ang pakay ang mag laba sa ilog at nakita ko ang dalawang kumpulan na grupo, na nag sisimula pa lang mag laba. Labis naman akong natutuwa na makilala ang mga kasabayan namin dahil lamang hindi kami nag iisa sa Ilog. Ginala ko na lang ang tingin ko sa paligid at napansin ko na mangilan-ngilan na mga tao, hindi lang pala ang sadya nila ang mag laba sa ilog at mayron din na mag kakaibigan na mas pinili nilang maligo at mag tampisaw sa tubig. Kalalakihan at kababaihan ang naroon at lahat pa sila mga kabataan, medyo malayo-layo rin naman ang pwesto nila sa amin subalit maririnig mo na kaagad ang masaya nilang tawanan at kasiyahan na nag babad sa presko at malamig na tubig. "Halika na, Lira." pukaw ko na lang sa kapatid ko at mag kasabay na kaming nag lakad na dalawa. Nag hanap na kami na dalawa ng magandang pwesto at ilang sandali lamang at naka hanap na kami sa medyo mabato subalit malapit lang naman sa tubig. Binaba na namin ni Lira ang mga bitbit namin sa mabato at pinili ko naman na maupo sa batuhan na ginawang upuan na iyon. Napaka ganda ng pwesto na aming pinili dahil lamang sa magandang ambiance kundi hindi rin direkta na tumatama sa aming balat ang sinag ng araw dahil lamang sa mayayabong na mga halaman at mga puno sa likod namin. Napaka pikit naman ako ng mata ko sa sinag ng araw at napaka ganda ng panahon ngayon. Nag simula na kaming mag laba ni Lira na mag katulong kaming dalawa at maka lipas lamang ng ilang minuto, napukaw na lamang ako na mag salita siya. "Nandito na naman siya," pasaring na wika na lamang ni Lira at may galit ang tono nito. "Huh?" Wala sa sarili kong napa tingin ako sakanya na ngayo'y may tinitignan kong ano sa kabilang dako ko. Hindi na maalis-alis ang matalim na pag titig ni Lira doon na animo'y may kagalit siya, na hindi ko maintindihan. Sa labis ko naman na kuryusidad na malaman kong sino ang kanyang tinitignan, sinundan ko naman kong saan siya naka tingin at ako’y napa kurap na lang ng mata na makilala kong sino iyon walang iba kundi si Dolores. Dolores? Anong ginagawa niya dito? Hindi na mawala-wala ang aliwalas at matamis na ngiti sa labi ni Dolores ng sandaling iyon at base pa lang sa kanilang itsura, kakarating niya pa lang at kasama muli nito si Benilda at Hiraya. "Kainis talaga, sinusundan ba nila tayo?” Uyam na tinig ng kapatid ko na hindi inaalis ang mata niya doon na kinukusot ang mga damit namin na nilalabgan. "Hayaan mo na Lira at baka nag kataon lang." "Ts," Palihim ko na lang tinignan si Dolores na inoobserbahan siyang pinag mamasdan ang mga tap sa ilog. Hindi ko na namalayan kong ilang segundo akong naka tingin kay Dolores, at ako’y mapa lunok na lang ng laway na mag tagpo ang mga mata namin. Hindi ko alam kong bakit umakyat na lang ang kilabot sa aking kalamnan na mag tagpo ang mga mata namin. Kakaiba ang kanyang paraan na titig sa akin na animo’y galit ba siya na hindi ko maipaliwanag kong ano. Ako na ang pumutol ng titig naming dalawa ni Dolores dahil kahit ako mismo, hindi naging komportable. Binaling ko na lang ang mata ko sa aking ginagawa na pag sasabon ng mga damit namin. "Sige na, bilisan na natin at para tayo'y maka uwi na," pasunod ko na lang sa kapatid ko, na hindi na siya sumagot pa. Isang tango na lang ang sinukli niya sa akin at pinag patuloy na namin ang pag lalaba. Maka lipas lamang ng ilang minuto, nandon na kami sa pag bubulnaw ng mga damit namin at sa bawat segundo at minutong lumilipas, hindi ako mapalagay at komportable dahil kahit ipako ko man ang atensyon ko sa aking ginagawa naramdaman ko pa rin ang tagos at pag sunod ng titig sa akin ni Dolores na animo’y pinapanuod niya ang bawat kilos at galaw ko. Titig na puno ng galit at ibang pahiwatig. Titig na may gustong sabihin. Hindi ko alam. Hindi ko alam kong nag iisip na naman ako nang kong ano-ano pero iyon talaga ang pakiramdam ko. Naka tayo lamang siya sa gilid namin at malayang masayang nag ku-kwentuhan at nag kakasiyahan ng kanyang mga kaibigan subalit maya’t-maya ko naman siyang nahuhuli na tumitig sa akin. Hindi ko alam kong bakit ganun niya ako tinitigan subalit iba talaga ang dating no’n sa akin. Tumayo na ako sa aking kina-uupuan para maka buwelo lamang sa pag babanlaw ng mga damit namin na sinasawsaw ko talaga sa ilog para maalis ang naka kapit na mga sabon sa aking nilalabhan. Naging abala at doon lamang naka pako ang atensyon ko sa aking ginagawa hanggang sa kailaliman ng ginagawa ko, ramdam ko na lamang ang pag lapit ni Dolores sa akin. Ano bang kailangan niya na naman? Narinig ko na lamang ang yabag ng paa niyang mahinhin na kumikilos subalit parang ayaw ipahalata. Yabag ng paa na puno ng pag iingat na maging alerto naman ang aking pandinig, sa aking naririnig. Papalapit na nang papalapit ang yabag ang paa niya sa kina-tatayuan. Papalapit nang papalapit na animo’y may pakay. Mariin na lang ako napa kagat ng ibaba kong labi at ramdam ko ang presinsiya niya sa likuran ko. Naging alerto ang aking katawan na umiwas na lamang sa pasadya niyang pag bunggo na naman ulit, na hudyat lumihis na nag kamali na lang ang katawan ni Dolores at mawalan siya ng balanse. Namilog na lang ang mata ni Dolores, at hindi ata siya naging handa sa pag gawang pag iwas ko, at bago siya matumba mabilis naman siyang naka hawak sa dulo ng dress na nilalabhan ko, na gawing suporta na hindi gaanong matumba at bumagsak ang katawan niya sa ilog. Pina-nuyuan na ng laway sa kanyang lalamunan si Dolores na ngayo’y naka hawak siya nang mahigpit sa bestidang puti masiguro na hindi siya mahuhulog. Sa isang iglap ang mata’y niyang may galit kanina ngayo’y nabahiran ng takot at pangamba sa kanyang sarili na ngayon napako na lang ang mata ni Dolores na naka hawak ako sa kabilang dulo ng bestida, na iyon ang maging gabay niya na hindi bumagsak. “H-Huwag mong bibitawan, Ligaya.” Nauutal niyang tinig na dumaplis na lamang ang malamig na pawis sa buong katawan niya na ngayo’y hindi niya nabalanse ang katawan niya na naka apak na lang ang paa niya sa medyo mabato na maliliit. Nanginig na ang katawan ni Dolores sa takot na bumagsak ang katawan niya sa ilog. Parang gusto ko na lang matuwa sa kanyang reaksyon ngayon na hindi na maipinta sa pakikiusap lamang na huwag kong bibitawan ang bestida. Asan na ang tapang mo ngayon, Dolores? Balak mo naman talaga akong bungguin ano? Nakaka-dalawa kana, ah! “Alin ba ang hindi ko bitawan, Dolores?” Pag uulit ko na lamang. “Ito ba?” Niluwagan ko nang konti ang pag kakahawak sa dress kaya’t sumikip na lang ang kanyang pag hingga na bumaba naman nang konti ang katawan niya na palapit nang bumagsak. Pinag halong lamig ng pawis at noo ang nanuot sa buong katawan ni Dolores at ang kanyang mata’y naging malilikot na rin. “Oo, iyan nga! Nakikiusap ako sa’yo Ligaya h-huwag mong bibitawan ang bestida at ako’y mahuhulo———Aghh.” Hindi ko na pinatapos pa ang anumang sasabihin ni Dolores na pasadya kong binitawan ang dress na hawak ko, kaya’t nawalan na lang nang balanse ang kanyang katawan. Sunod ko na lamang narinig ang malakas niyang pag sigaw at tunog ng pag bagsak ng kanyang katawan sa ilog. “Aghhh.” Malakas na tili na lang ni Dolores na ngayo’y pulang-pula na ang kanyang mukha. Sarap na sarap naman akong pinapanuod siya ngayon na naka-upo at basang-basa na ang kanyang katawan kahit na rin ang suot na damit. “Oh my god, oh my god.” Maarte na pag kakabigkas ni Dolores at pinunasan niya ang daplis na basang tubig sa kanyang mukha. Parang naging slow-motion ang pangyayari na ngayo’y kay bigat na ang kanyang pag hingga na animo’y parang bulkan na sasabog anumang oras na tumitig na lang sa akin ng matalim. “L-Ligaya!” Malakas na asik na lang ni Dolores na wala man lang akong naramdaman na anumang takot. “Anong ginawa mo? Bakit mo binitawa——-“ hindi na natapos pa ni Dolores ang kanyang sasabihin na siya’y matigilan na lang na marinig na lang ang munting pag tawa ng mga taong naroon. Napa lunok na lang ng laway si Dolores at ginala niya ang mata niya sa paligid na ngayo’y tinatawanan siya ng mga taong naroon na naka saksi kong paano bumagsak siya kanina. Napa kurap siya ng mata at dumapo na lang ang matinding hiyasa kanyang sarili na ngayo’y may kakaibang ngisi at pag titig sakanya ang mga taong naroon, na tumatawa pa rin. Hindi na maipinta ang mukha ni Dolores na niyuko na lang ang ulo dahil ayaw salubongin ang mata ng mga taong nandoon at pasimple na lang siya tumitig sa akin na kay talim. “Pasensiya kana Dolores, dumulas kasi sa kamay ko, kaya’t nabitawan ko tuloy.” Wika ko na lamang na may pag iinis sa aking tinig. Walang salita ang lumabas sa kanyang bibig subalit, ramdam ko naman sa tagos at pag babanta niyang titig, na alam ko naman na hindi niya ipapakita ang tunay na ugali kahit na sino, dahil mas importante pa rin sakanya ang tingin sakanya ng mga tao. Hindi na ako kagaya noon, Dolores. Hindi ko hahayaan na gawin mo lang akong ka tatawanan. Oh ano, Dolores? Masaya bang, ikaw na ang ginawa kong katatawanna ngayon? Parang kamatis na kapula ang mukha ngayon ni Dolores at panginginig ng kanyang kalamnan kong gaano siya naiinis sa nangyari. “Sa susunod, mag iinggat ka ha? Para hindi kana madulas kagaya nang nangyari sa’yo ngayon.” Pinakita ko na lang ang matamis kong ngiti sakanya na kina-igting naman ng panga nito. Kinuha ko na lamang ang puting bestida sa tubig at nilagay iyon sa timba kasama ng mga nauna pa naming nilagay doon na natapos ng labhan. “Sige maiwan kana namin Binibining Dolores, mukhang nag eenjoy ka ngayon ka sa paliligo mo ngayon ha? Enjoy!” Pag iinis ko pa lalo at kinuha ko na ang timba at binitbit na. Hinakbang ko na ang paa ko para talikuran siya at ramdam ko naman ang pag sunod sa akin ng kapatid kong si Lira. “Saan ka pupunta, Ligaya? Hindi pa ako tapos sa’yo!” Malakas na tili na lang ni Dolores na maririnig mo na lang ang malakas nitong tili kong gaano ito naiinis. “Bumalik ka dito, Ligaya! Ligaya!” Malakas na sigaw na lamang ni Dolores, na imbes lingunin nag patuloy lamang ako sa pag lalakad na animo’y walang narinig. Sumilay na lang ang ngisi sa aking labi na pinag patuloy na lamang ang pag lalakad na wala pa rin humpay siyang kasisigaw sa likuran ko. Akala mo, hindi kita papatulan? Pwes, nag kakamali ka Dolores. DOLORES POV “Hayop ka talaga, Ligaya. Hayop!” Hindi na matapos-tapos ang asik ko habang binabaybay ang daan pauwi. Kay bigat na nang aking pag hingga at panginginig ng aking katawan ang palatandaan kong gaano ako naiinis at nagagalit sa mga nangyari kanina. Kay dilim na nang mustra ng aking mukha at ang mata’y naman nanlilisik na sa galit, na kahit na sino walang lakas ng loob na salubongin ang mata kong galit na galit. “Kainis ka talaga! Hindi ko makaka-limutan ang araw na ito, Ligaya.” Buong gigil ko na lang na pag kakasabi na kina-pikit ko naman ng mata ko at lalo lang akong nangangalaiti sa tuwing naalala ko ang ginawa niya kanina. Ginawang pasadya niyang binitawan ang bestida. Pasadyang ginawa niya, para ipahiya niya lang ako kanina sa harap ng mga tao. Kumulo lamang ang dugo ko na maalala ang nangyari na mag papabigat pa lalo ng dibdib ko. Hindi ako tanga para hindi ko malaman na pasadya niyang ginawa iyon para maka ganti sa akin! Hayop ka talaga, Ligaya! Hindi ko makakalimutan ang araw na ito! Gaganti ako sa’yo! Tumiim-baga na lamang ako at ang mata’y ko’y lalong nanliyab sa galit at ramdam ko naman ang pag sunod sa akin ni Bughaw sa likod ko. Niyakap ko na lang ang katawan ko gamit ang palad ko para maibsan ang lamig na aking naramdaman suot pa rin ang basang damit, na tumatagos sa laman ko ang lamig sa tuwing umiihip ang hangin. “Heto’t suotin niyo itong twalya, para maibsan ang lamig ng iyong katawan, Binibini.” Akmang isusuot sa akin ni Bughaw ang twalya na iritable ko naman kina-tabig ko naman iyon palayo sakanya. “Ilayo mo nga sa akin iyan, Bughaw! Hindi ko kailangan iyan!” Asik ko na lamang na hindi na ito kumibo pa. “Hindi ko papalampasin ang ginawang pag papahiya sa akin ngayon ni Ligaya, hinding-hindi talaga! Gaganti ako sakanya at sa pag kakataon na ito doble ang ibabalik ko sakanya!” Buong gigil na asik ko na lang na sa aking pag babaybay ng daan nakita ko ang isang bulto ng isang tao sa isang tabi. Bulto ng isang tao na mag pasilay na lang pilyang ngiti sa labi ko. Nakita ko na lang si Makisig na mag-isang nag lalakad pasalubong sa akin, at bago pa siya tuluyang maka lampas nag pasiring na ako ng sasabihin. “Hanggang ngayon pala, patay na patay ka pa rin kay Ligaya.” Pasaring kong tinig na kina-hinto naman ni Makisig. Kumunot-noo naman siya at tumigil sa pag lalakad. “Ipag paumanhin mo subalit, hindi ata kita maintindihan Binibining Dolores.” Anito na lumawak pa lalo ang ngisi sa labi ko. “Matagal ko nang kinalimutan ang anumang nararamdaman para kay Ligaya at kami’y mag kaibigan na lamang. Siya mauna na ako sa’yo Binibini.” Nag vow siya sa harapan ko para mag bigay galang at akmang aalis sana na dumugtong pa ako ng sasabihin. “Ganiyan ba ang naka limutan, Makisig? Nagagawa mong sundan siya ng palihim at pumasok sa kanilang balay na walang kanilang pahintulot?”Tumingin sa akin si Makisig at sa pag kakataon na ito puno ng lamlam ang kanyang mga mata. “Malaking kaparusahan ang pwedeng iparatang sa’yong pag labag ng iyong mga ginagawa Makisig at kapag nalaman ito ng aking Ama, tiyak kong hindi mo magugustuhan ang kanyang maaring gawin sa’yo.” Hindi na nag bago ang paraan na mustra ng mukha ni Makisig at ang mata’y naman galit. “Oh, bakit kay talim ng titig mo sa akin ngayon Makisig? Nagagalit ka sa akin ngayon? Sinasabi ko lang naman ang mga nakikita ko Makisig, baka nakaka-limutan mong marami akong taenga at mata sa paligid kaya’t hindi mahirap sa akin na malaman ang mga gusto kong malaman.” “Ano bang kailangan mo sa akin?” “Wala naman, Makisig.” Paligoy-ligoy ko pang wika. “Mag tulungan tayong dalawa Makisig, tutal naman may nararamdaman ka pala kay Ligaya at ako naman gusto ko si Dakila. Nagugustuhan ko at gusto ko siyang maging sa akin.” “Ano, Si Dakila?” Napa buga na lang ng hangin si Makisig at hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Lalo pang lumawak ang ngisi sa labi nito at nilapit niya ang sarili niya sa akin. “Nagustuhan mo talaga nag hambog na Dakila na iyon? Wala kang mapapala sakanya Dolores dahil walang kwentang tao ang gago na iyon!” “Ayusin mo ang pananalita mo kay Dakila, Makisig kong ayaw mong tabasin ko ang dila mo na iyan!” “Ibang klase, may isang tao na ang nag tatanggol na hambog na Dakila na iyon at ikaw iyon, Dolores. Ibang klase ka rin talaga umibig, Dolores at nag kagusto ka talaga sa isang kagaya niya!” “Mas mabuti rin naman si Dakila ang magustuhan ko, kumpara naman sa isang kagaya mo!” Asik ko na lamang na kina talim ng titig niya sa akin. Sumukli rin ako ng matalim na titig sakanya na hindi mag papatalo rin. “Ano handa ka ba, na makipag tulungan sa akin, Makisig? Simple lang naman ang iyong gagawin, ikaw na bahala kay Ligaya at gawin mo na ang dapat mong gawin para mailayo siya kay Dakila. Ang kapalit neto hindi ko ipapalabas sa aking Ama ang aking nalalalaman na pumasok ka sa balay ni Ligaya na walang kanyang pahintulot.” Nilapit ko pa ang sarili ko kay Makisig at hindi na siya naka kibo pa. “Tutal pareho at iisa rin naman ang ating pakay na pareho natin sila nagugustuhan, mag tulungan na lang tayo Makisig, na mag kasira silang dalawang mag-asawa para sa ganun makuha mo na si Ligaya at ganun rin ako kay Dakila. Ano sa tingin mo, Makisig?” Nag laro na lamang ang kakaibang plano sa aking isipan at katahimikan ang nanaig sa pagitan naming dalawa. “Ipag paumanhin mo na lang Binibining Dolores pero kaya kong kumilos mag-isa ko, na hindi ko na kailangan ang tulong mo!” Anito na lang na kina-wala ng ningning ng aking mga mata. “Kaya kong makuha si Ligaya at hindi ko kailangan ng anumang tulong at impluwensiya galing mula sa’yo!” Hindi ko pinahalata na hindi ko nagustuhan ang kanyang sinabi bagkus pinakita ko na lang ang matamis na ngiti sa labi ko. “Sayang naman kong ganun. May narinig pa naman akong magandang balita na babakuran na raw ni Dakila ang kanyang asawa at balak nilang mag pakalayo-layo ni Ligaya at aalis na sa Nayon natin at titira sa sila sa ibang lugar.” Hindi na lang naka kibo pa si Makisig at alam ko sa sarili kong nag-iisip na siya. Ganiyan nga! Ano, ayaw mo pa bang makipag-tulungan sa akin? “Tutal tinanggihan mo ang aking alok sa’yo hindi ko sasabihin sa’yo kong saan sila pupunta.” Wika ko. “Sayang naman Makisig, mukhang hindi mo na makikita pa si Ligaya kapag sila’y umalis na sa ating Nayon at kapag nangyari iyon bababa na rin ang tantya na makuha siya at mabawi rin siya kay Dakila.” Iniling ko na lang ang aking ulo at pina-lungkot ko pa ang aking tinig. Ang mata’y ni Makisig ngayon biglang nag bago ang timpla at lalo pang dumilim ang mustra ng mukha nito na nakaka-takot na. Naka-kuyom na ang kamao ni Makisig at wala nang salita ang lumabas sa bibig at walang pasabi na nag martsa ng kanyang paa paalis na galit at padabog na paraan. Lalo pang lumaki ang ngisi sa aking labi, na pinapanuod na lamang si Makisig palayo at ako’y nasisiyahan sa aking nakikita. “Totoo ba Binibini na aalis si Dakila at Ligaya sa Ating Nayon?” Matapos ng ilang segundong katahimikan nag salita si Bughaw sa likod ko, na nanunuod lamang sa mga nangyari. “Hindi.” “Nag sinunggaling ka kay Ginoong Makisig?” “Oo.” Aniya ko. “Hay, nakakapanabik na talaga Bughaw ang susunod na mangyayari. Tuluyan talaga mag sisiklab ang apoy sa pagitan ni Ligaya at Makisig, mag hintay ka lang.” Sumilay na lang ang mapag larong ngisi at plano sa aking isipan na pinag patuloy ko na lamang ang pag lalakad at ang mata’y ko naman naging matalim sa isang iglap. Hindi ko hahayaan na maging masaya ka, Ligaya! Mag hintay ka lang, malapit na dumating ang araw na maka bawi ako sa’yo! Sumilay na lang ang mala-demonyong ngisi sa aking labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD