Chapter 48

4303 Words
Chapter 48 DOLORES POV Dapit alas nuwebe pa lang ng umaga bihis na bihis na ako. Mag kadikit lamang ang palad kong tinatahak ang daan sa isang pribado at kahit na sino napaka-hirap pasukin. Wala man lang ka amor-amor ang aking mukha habang nag lalakad, naging matabang at walang bahid na anumang emosyon lamang iyon na pinapasadahan ko ng tingin ang bawat madaanan ko na mga tauhan. Naka sunod naman si Bughaw sa aking likuran at sinisiguro talaga nitong walang sino man ang mag tatangkang manakit sa akin. Lumingon ako sa kaliwa't-kanan ko na habang pumapasok kami sa pribado na lupain parami nang parami ang nakikita kong naka bantay na mga tauhan. Naka posisyon silang naka hilera na naka bantay na bawat sulok at kanto, mukha nila ang iyong makikita. Nakaka takot ang kanilang mga itsura na kahit na sino walang mag papangahas na sila'y galitin lamang. Nakakatakot ang lugar na iyon na nababakuran ng makapal at napaka taas na bakod na kahit sino mahihirapan na maka pasok dahil lamang sa higpit ng securidad ng paligid. Isa-isa ko lamang pinasasadahan ng tingin ang mga nakikita ko sa aking pag lakad hanggang ilang sandali pa napa hinto na lamang ako na sa pinaka dulo sumalubong kaagad sa aming pag dating ang dalawang tauhan, na malalaki ang kanilang mga katawan na naka harang sa daan. Huminto naman ako sa aking pag lakad at ganun rin si Bughaw sa likod ko. Sa isang matalim at maka hulugang senyas lamang, kusa silang tumabi para bigyan kami ng pahintulot na pumasok. Matalim ang pinukulan kong titig sa dalawang bantay na mga lalaki, hindi ko man lang binababa ang sarili ko kahit na sino. Mataray akong tumitig sakanila at hinakbang ko na ang aking paa palampas sakanila na maririnig mo na lang talaga ang mabibigat na yabag ko. Naka sunod lamang si Bughaw sa likuran ko at pag lampas namin sa mga tauhan, kaagad naman bumalik ng pwesto ang taga bantay sa kanilang mga posisyon na naka harang sa daan. Mag kasama naming tinatahak na walang nag salita lamang, hanggang dinala ang aking paa sa isang pribado at pinaka dulo na bahagi kong saan lamang naka piit ang isang taong gusto kong makita. Taong gusto kong alamin ang kanyang kalagayan. Tumigil na lang ang mabigat na yabag ng paa ko sa isang katamtaman lamang na kwarto at sumilay na lang ang matamis na ngiti na makita ito. "Kumusta kana, Makisig?" maka hulugang kong tinig at hindi ko inaalis ang mata ko sa isang lalaki. Naka-sandal itong naka upo sa pader at naka patong ang kanyang dalawang kamay sa ibabaw ng kanyang tuhod. Naka yuko ito at tila ba'y napaka lalim ng iniisip at base pa lang sa ayos nito na kanina pa ito sa kanyang posisyon. Pasimple ko na lang na pinag masdan ang silid, masikip, madumi at wala masyadong pumapasok na liwanag roon. Matibay ang mga pader na kahit sino man naka piit na naka kulong doon, hindi basta-basta makaka takas. Simple ko na lamang pinag masdan si Makisig na ngayo'y isang t-shirt na luma at pantalon na maong na suot nito. Nabahiran ng dumi ang katawan nito, bakas rin ang natamong galos at sugat sa katawan nito na mukhang napuruhan siya masyado kong titignan. Katahimikan ang sumagot sa akin at mabibingi kana lang talaga na wala itong kibo pa rin. Umayos ako ng tindig at hindi ko inaalis ang mata ko sakanya na naka yuko pa rin ang ulo at ang tingin naman naka pako sa sahig. Ilang sandali pang pag hihintay unting-unti na umanggat ng ulo si Makisig, parang slow-motion lamang ang pag tagpo ng mga mata namin na animo'y hinihigop niya ako sa paraan na malamig na titig nito. Nakakakot ang mga mata nitong nag babanda na sa paraan na titig lamang. "Oh bakit galit na galit ka sa akin? Nag tatanong lang naman ako sa'yo Makisig. Oh ano na? Kumusta ang tulog mo dito, masarap ba?" pag iinis ko at hindi naman ako nabigo doon. "Nang-iinsulto ka ba?" pikon na tinig nitong lalo pa akong napa ngisi sa sagot nito, na umigting naman ang panga nito na iritable. "Napaka pikon mo naman masyado, Makisig. Gusto ko lang naman malaman ang kalagayan mo kaya ako nag tatanong," wika ko na lang na hindi maalis ang matalim na titig sa akin. Imbes sumagot, kinilos na lang ni Makisig ang sarili niyang tumayo kaya't pinapanuod ko namam itong kumilos at nag lakad palapit sa akin. Mabagal lang na paraan ang hakbang nito subalit mabigat at nag bibigay kilabot lamang. Hanggang ang mabigat na yabag na lang, huminto sa harapan ko at hindi ako naka ligtas sa galit na paraan ng mata kong paano niya ako tignan. Hindi rin ako nag patalo, at sumukli lamang ako ng ganti na malamig na titig. Nag mimistulang harang sa pagitan naming dalawa ang matibay rehas na gawa sa kahoy. "Kong wala kana man na magandang sasabihin, Binibining Dolores, makaka alis kana. Hindi kita kailangan at kahit na rin ang pag iinsulto mo!" tumalim na lang ang titig nito, na hindi man lang ako natakot. Sino siya para katakutan ko? Napa-buga na lang ako ng hangin sa naging wika niya at umayos na lang ng tindig. Hindi ako naka ligtas sa paraan na pasimple nitong pag obserba lamang na kinikilatis ako. "Hindi kana man siguro napunta dito para tulungan akong maka labas, hindi ba?" napa angat na lang ako ng labi at hindi na lang naka sagot. Pagak na lang itong natawa lamang na nakuha na nito ang sagot kong bakit ako dumalaw. "Tangina talaga, sinasabi na nga ba eh. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa'yo Binibini, na wala kapa naman na magagawa. Wala ka pa rin na kapangyarihan na tulungan ako dahil naka depende ka pa rin naka sandal sa iyong Ama.. Sunod-sunuran ka pa rin sakanya, kaya nga hanggang ngayon naka tali ka rin sa kasunduan mo kay Bayani, hindi ba?" pag iinis lamang nito na kina talim naman ng titig sakanya. Hayop siya! Hindi na ako naka kibo subalit nag babaga na ang mata ko kung paano ko siya tinignan, na pinapatay ko siya sa paraan na titig. Lumawak na lang ang ngisi sa labi nitong nag tagumpay naman siyang inisin ako. Naging mabigat na lang ang pag hingga kong hindi kumibo lamang na kina-layo ni Makisig ng konti sa harang. "Umalis kana Binibini, dahil sinasayang mo lang ang oras ko. Hindi kita kailangan," pag bibitin na lang nito at tumagos na lang ang titig ni Makisig sa likod ko na alam kong naka pako ang mata niya sa gawi ni Bughaw na walang kibo at nakiki ramdam lamang. "Umalis kana at isama mo na sa iyong pag alis itong, tauhan mong naka buntot sa'yo na parang aso!" "Hindi ako ang kaaway mo rito Makisig at tyaka hindi ko naman kasalanan kong bakit ka nakulong at napunta ka sa ganiyan na sitwasyon. Naging padalos-dalos ka kasi sa kilos at desisyon mo na hindi ka man lang nag iisip." Wika ko na lang. "Kong nakipag tulungan ka sana sa akin, hindi ka sana nakulong at higit sa lahat naka-sama mo sana ngayon si Ligaya, na hindi kana nag titiis pa dito." naging mabigat lamang ang pag hingga nito na hindi inaalis ang mata sa akin. "Kong ano man ang ginawa ko, Dolores wala akong pinag sisihan doon!" Lumingon ako sa kaliwa't-kanan ko kunwari nag mamasid lamang kong saan siya naka piit pero ang totoo naman gusto ko lang naman siyang galitin. Nag pakawala ng mapag larong ngisi sa labi kong hinarap si Makisig muli. "Talaga ba Makisig? Bakit sa tingin mo masaya ka sa sitwasyon mo ngayon?" Napa labi kong tinig at hindi na lang ito naka kibo pa. "Tignan mo nga ang sarili mo ngayon, naka kulong ka at nag titiis sa maliit at masikip na sildang ito. Samantala naman si Ligaya at Dakila masayang nag sasama at ikaw nag durusa. Nakaka-awa ka talaga, mabubulok ka dit----" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na bigla nitong hinampas nang malakas ang harang na maka gawa iyon ng nakaka hindik na tunog lamang. "Tangina mo talaga!" Aliwngaw nitong mura lamang at mas nag babaga ang matinding apoy ang mga mata nito at nag pipigil lamang. "Napaka hayop mo talaga, hintayin mo lang dito, Dolores na maka labas ako at ikaw ang unang babalikan ko!" Buong gigil nitong banta at hindi ako naging handa sa susunod niyang gawin na nilabas ni Makisig ang kanyang kamay sa harang at akmang hahatakin palapit sakanya subalit, mabilis naman akong naka layo. Malakas na lang na sumampa ang katawan ni Makisig sa rehas at kasunod no'n ang malakas na kalabog ng aking dibdib na sa unang pag kakataon yumakap na lang ang matinding kaba sa aking puso. "Tangina mo!" Maririnig mo na lang ang nakaka bingi at nakaka hindi na matinis na pag mura na lang ni Makisig pag katapos, at pilit kong nag papakatatag sa aking nararamdaman. "Putangina mo talaga!" Paulit-ulit nitong sigaw na kinakalampag na ang matibay na rehas na gusto niyang kumuwala doon na animo'y nakaka takot na nilalang na naka piit doon. Akmang susugudin ni Bughaw na bugbogin sana si Makisig na bago pa ito maka lapit, hinarang ko na ang kamay ko sa kanyang dinaraan, palatandaan na huwag na siyang gumawa ng anumang hakbang na kina-hinto naman kaagad nito. Pasimple ko naman na kina-lingon si Bughaw galit na galit at namuo na ang tensyon sa pagitan nilang dalawa ngayon ni Makisig. Iniling ko na lang ang aking ulo at kalmado na tumingin kay Makisig, na umigtid na ang ugat sa leeg nito. "Sa akin kana ngayon nagagalit, Makisig? Ano bang nagawa ko sa'yo?" Kalmado kong tinig at hindi ko maintindihan kong bakit bigla-bigla na lang siya sa akin nagalit na ngayo'y maayos naman kami kanina. "Huwag kanang mag maang-maanggan pa Dolores, alam ko na ang lahat!" Gumalaiti pa lalo na nanlisik ang mga mata nito, na kina-taas naman ng kilay ko. "Hindi naman aalis si Ligaya at Dakila kasalunggat ng mga sinabi mo sa akin. Tangina talaga. Nag pagago ako sa'yo! Ginamit at nag paniwala mo ako sa iyong mga kasinunggalingan! Ikaw ang may kasalanan kong bakit ako nakulong rito!" Napa anggat na lang ako ng labi sa kanyang sinabi. So alam mo na nga ang totoo. Napaka tanga mo naman talagang mag paniwala sa akin! Napaka tanga mo, na hindi mo naisip na isa iyon sa mga patibong ko. Hindi na importante sa akin kong paano niya nalaman ang bagay na iyon, wala ka rin naman na magagawa pa Makisig. Nangyari na ang nangyari. Naging malamig na lang ang mga mata ko, na walang kinakatakutan na kahit na sino. "Huwag mong ibaling ang iyong pag kakamali sa akin Makisig dahil una sa lahat, ikaw ang may kasalanan kong bakit ka umabot sa sitwasyon na ito ngayon. Hindi ko naman kasalanan kong nag paniwala ka sa mga kasinunggalingan ko." Lumawak na lang ang ngisi sa aking labi, na kina-dilim ng mustra ng mukha nito sa galit lamang. "Hayop ka talaga! Hayop!" "Sige, murahin at pag salitaan mo akong masama, wala na akong pakialam pa sa'yo Makisig!" iniling ko na lang ang aking ulo na wala na akong nararamdaman na awa at konsensiya sa ginawa ko. "Mabubulok ka sa kulungan na ito Makisig. Malapit na ang iyong hatol at hindi mo na matutupad ang inaasam-asam mong maka sama si Ligaya, nakaka-awa ka talaga.. Huwag kang mag alala, itutuloy ko na ang binabalak kong makuha si Dakila at mag sasama kaming dalawa." taas-noo ko pang tinig at tinignan na lang si Makisig na hindi na maipinta ang mukha nito. Iyon naman talaga ang aking binabalak, ang kunin si Dakila. Ang maging akin siya. "Napaka dali lang naman sa akin na kunin si Dakila, ang kailangan ko lang gawin, ay ang alisin si Ligaya sa landas ko." Pilya ko na lang na ngiti at tumalim ang titig ko at hindi ko na hinintay pa ang anumang sasabihin nito, na kina-talikod ko na lamang para iwan ito. Hinakbang ko na ang paa ko paalis sa lugar na iyon, na wala na akong nakuhang anumang salita mula kay Makisig. Nakaka ilang hakbang pa lang ako ng aking paa, na kusa na lang ako napa tigil na mag pahabol pa ng sasabihin ito. "Sige gawin mo ang binabalak mong gawin Dolores, pero magagaya ka rin sa akin!" Maka hulugang tinig na lamang nitong, wala sariling napa lingon na lang ako sa gawi ni Makisig. Nanlaki na lang ang aking mata at kay bigat naman ang hiningga kong naka pako ng tingin sakanya na ngayo'y naka at mapag larong ngisi ang sumilay sa labi nito. "Ano?" "Hindi mo talaga naiintindihan ano?" Iniling na lang ang ulo nito na nahihiwagaan naman ako sa sinasabi niya. "Makukulong at mabubulok ka rin kagaya ko sa mga rehas na ito Dolores kapag tinangka mong galawin o saktan si Ligaya! Akala mo ba, magagawa ng lakas at kapangyarihan mong mapag hiwalay silang dalawa? Huwag kang mag patawa, hinding-hindi mangyayari ang bagay na iyon!" Kinuyom ko na lang ang aking kamao sa pag titimpi na hindi inaalis ang mata sakanya. Ako ata si Dolores! Lahat nang gusto ko, nakukuha ko! Lumunok pa ako ng mariin ng laway bago sumagot muli. "Hindi mo alam ang kaya kong gawin Makisig, hindi ako kagaya mong mababang uri! Datu ang aking Ama sa Nayon na ito, at lahat ng gusto ko makukuha ko at isa na doon si Dakila!" Giit ko na lamang na hindi mag papatalo lamang. Wala pa akong gusto, na hindi nakukuha! Ako ata ito! Imbes tumigil na si Makisig, mukhang hindi base pa lang sa itsura nito. "Ilang beses ko nang sinubukan Dolores na pag hiwalayin silang dalawa, pero anong napala ko? Protektado ni Dakila si Ligaya, at kahit ano pang gawin mong paraan na mapag hiwalay silang dalawa hindi ka mag tatagumpay." Bumigat na lang ang aking pag hingga sa sinabi nito. Protektado? Isang kalokohan! "Ilang beses ko na nakaka banga si Dakila, na kahit malakas ako hindi ko siya napapa-bagsak basta-basta. Iba si Dakila, Dolores iba siya.. Kong ako sa'yo Dolores huwag mo nang ituloy pa kong ano man ang binabalak mo dahil hindi mo lubusang kilala ang binabangga mo. Mag sisisi ka lang sa bandang huli kapag sinubukan mong galawin si Ligaya." May laman na tinig na lang nito na napa lunok na lang ako ng mariin. Pangisi-ngisi na lamang si Makisig na animo'y nakikipag laro at may ibig ipahiwatig na kahit, na bago ko pa ibuka ang aking bibig tinalikuran niya ako at binalik ang sarili nito sa dati nitong pwesto na pag kakaupo lamang. Napa kurap na lang ako ng mata ko at tumalikod na rin, at ilang segundo akong naka tayo at hindi gumagalaw sa aking kina-tatayuan. Hind ko alam kong may anong takot at pangamba ang yumakap na lang sa aking puso sa katagang binigkas nito. Bakit ganito na lang ang naramdaman ko? Normal ba ito? DAKILA'S POV "Napaka aliwalas ng iyong mukha ngayon, Dakila. Tuloy ba kayo ni Ligaya sa inyong pamamasyal ngayon?" Ang salita na lamang ni Manong Basyo ang mag patigil sa akin sa pag hahakot lamang ng mga malalaking mga kahoy. Dumaan ang matanda gilid ko, at inimbak rin sa isang tabi ang mga kahoy na dala nito Nilapag ko muna sa lupa ang mga nahakot ko, na hindi man lang alintana sa akin ang kabigatan no'n dahil sanay na sanay na siya sa pag bubuhat. "Oho, Tiyo Basyo, tuloy po kami sa aming pamamasyal mamaya." Pinunasan ko na lang ng aking kamay ang dumaplis na pawis na namuo sa aking noo, na napa tango naman ito. Tirik na tirik ang araw na dapit alas onse pa lang ng umaga subalit puspusan ko pa rin na tinatapos ang aking trabaho. Maaga kong natapos ang dapat tapusin na dapat gawin at naihatid ko na rin ang ilang mga bilin ni Tiyo Basyo ang mga kahoy na binili ng ilang mga Ka-Nayon namin sa kanilang mga balay. "Mabuti naman kong ganun," anito na lang. "Balak mo bang idala si Ligaya doon sa batis na nadaanan natin no'ng naka raan?” Tanong nitong napa tango na lang ako. No’ng naka raang linggo na mag kasama silang pauwi ni Tiyo Basyo galing sa pag dadala ng kanilang mga nahakot na mga kahoy, mula sa pinag kukunan nila. Napadaan sila sa masukal na kakahuyan at nakita nila ang magandang batis sa kalagitaan ng kagubatan kaya’t doon siya namangha nang husto sa ganda no’n. Tila ba’y paraiso iyon kaganda at napaka kulay at marami ka pang makikitang naka tanim ng mga bulaklak doon na kusa na lang iyon na tumubo. Kay lamig at linaw ng tubig at una niya pa lang nakita ang lugar na iyon, tunay nga talaga siyang nabighani at sinabi niya pa sa kanyang sarili na babalik siya doon. Hindi na si Tiyo Basyo ang kasama niya kapag bumalik na siya doon kundi kasama niya na si Ligaya. “Oho.” "Maganda doon Dakila at tiyak na magugustuhan ni Ligaya kapag dinala mo siya doon, matutuwa iyon panigurado. Hindi lang maganda ang batis na iyon, kundi napaka sariwa at linaw pa ng tubig doon." Lumapit sakanya ang matanda at humawak sa balikat niya at hindi na siya makapag hintay na bumalik siya doon. Alam niya naman sa kanyang sarili na magugustuhan ng kanyang asawa kapag dinala niya ito doon dahil gustong-gusto nitong maligo sa ilog. “Kokonti pa lang na tao ang nakaka tuklas ng lugar na iyon kaya't maso-solo niyo doon na mag kasama.. Siya pumanhik kanang umalis at baka hinihintay kana ng asawa mo.” "Ayos lang naman Tiyo Basyo dahil maaga pa naman. Tatapusin ko muna ang trabaho ko dito sainyo bago ako umalis.” Akmang kukunin niya ang nilapag niyang kahoy para bubuhatin iyon na kina-awat naman siya nito. "Huwag na, Dakila ako na ang bahala riyan." Pigil na lamang nito na kumunot-noo na lang akong tumitig sa matanda na abot langit na ang matamis na ngiti sa labi nito. Tumango na ito sakanya, bilang pahiwatig na maari na siyang umalis subalit, nag aalangan naman siyang sundin ito. “Sige na, pumanhik kanang umalis Dakila at konti na rin naman ang dapat kong tapusin na mga trabaho dahil tinapos mo na lahat. Kayang-kaya ko na ito mag isa.” “Pero Tiyo.” Wika niya na lang. “Bibihira lang kayong mag karoon ng asawa mo ng oras para sa isa't-isa kaya't gusto kong sulitin mo ang araw na ito para sainyong dalawa.. Sige na umalis kana, baka nag hihintay na sa'yo si Ligaya.” Tumango na ito sa akin bilang pahiwatig na kailangan ko nang sumunod sakanya at wala na rin siyang nagawa kundi sumunod na lang rito. “Sige po, mauna na ako sainyo Tiyo Basyo.” “Sandali lang, Dakila hintayin mo ako.” Awat ng matanda at akmang aalis na sana siya. Mabilis itong lumapit sa kanilang balay at mukhang may kukunin. Ilang sandali lamang siyang naka tayo at hinintay ang pag balik nito at ilang saglit lang may dala na itong katamtaman lamang na lalagyan at inabot sakaya. “Para sainyo, Dakila.” Pinakita na lang ng matanda ang matamis na ngiti sa labi nito. “Para saan ho, ito?” Taka niyang tinig na kahit siya nag tataka kong bakit siya binigyan nito at naka balot pa. “Nag luto ang asawa ko ng masarap na pag kain. Nang malaman niyang balak niyong mamasyal ngayon ni Ligaya, nag tira na siya ng baon para may makain naman kayo at hindi magutom pag punta niyo doon.” Nilapit pa sakanya ang lalagayan na nag papahiwatig na kunin niya na iyon sa kamay nito. “Sige na at tanggapin mo na iyan para sainyo talaga iyan.” Pag hikayat na lang nito na kinuha niya naman sa kamay iyon. “Sige ho, maraming salamat.” “Sige mag panhik kanang umalis at mag iingat kayo. Mag pakasaya kayo sa inyong pamamasyal.” Yumuko na lang siya sa harapan nito bilang tanda ng pag galang na kina-ngiti na lang nito. Hinakbang niya na ang kanyang paa palabas sa lupain ng matanda at tinatahak niya na ang daan pauwi sa kanilang balay. Mag-isa lamang niyang binabaybay na hawak pa rin ang lalagyan na binigay sakanya ng pag kain. Binabati at nginingitian naman siya ng mga kakilala niya na kaagad niya naman itong binabati rin pabalik. Tumingin na lamang ako sa pag kain na binigay ni Tiyo Basyo na hindi na maalis ang pag kasabik at matamis na ngiti sa aking labi lamang. Ilang minuto na lang na binabaybay ang daan at malapit na siya sakanila at hindi niya ininda lamang ang tirik na tirik na araw dahil na rin sa malamig na simo’y ng hangin. Hindi niya maipaliwanag ang saya at hindi na siya makapag hintay na maka-uwi at masilayan ang magandang mukha ng kanyang asawa. Ibang saya ang binibigay sakanyang puso sa tuwing unuuwi siya galing na trabaho, at mukha nito ang unang gusto niyang makita. Gusto niyang marinig ang malambing na boses nito Hindi niya mawari kong anong saya at excitement sa tuwing nakaka-sama niya ito. Napa-hinto na lamang siya sa pag lalakad na matanaw na niya ang munti milang balay, na napa anggat na lang ang kanyang gilid ng labi at napa tingin muli sa hawak na pag kain. “Tiyak, na magugustuhan ito ni mahal.” Wika niya na lang na akmang ihahakbang niya na sana ang kanyang paa na maka ramdam siya ng kirot at matinding pag kahilo. “Ahh, anong n-nangyayari?” Napa hinto na lang siya sa kanyang pag lalakad at mariin na pinikit ang kanyang mata, na umiikot na talaga ang kanyang paningin. Pinilig niya na lang ang kanyang ulo at marahan na dinarama ang konting kirot na mahina lamang subalit iba ang dating sakanya. Minulat niya ang kanyang mata at napa hawak na lang sakanyang ulo, na imbes mawala ang matinding kirot at pag kahilo subalit parang hindi niya na makontrol pa iyon. Lalo lamang umiikot ang kanyang paningin. “Ahh.” Daing niya na lang na mahina na hindi niya maipinta ang mukha sa kirot na unti-untimg sumasakit ang ulo niya. Nanghina na ang kanyang katawan at naging mabigat na rin ang pag hingga na ngayo’y parang binibiyak na sa sakit ang kanyang ulo na nanunuot sa kanyang laman na hindi niya alam kong saan galing iyon. “Ahhh ang s-sakit!” Malakas na ungol niya na lamang na namula na ang kanyang mukha na lumabas na ang ugat niya sa leeg na parang pinipiga ang kanyang ulo. Humawak na lang siya ng mariin sa kanyang ulo para sa ganun maka tulong sa kirot ng kanyang ulo subalit kahit napaka higpit ng pag kakahawak niya doon, hindi pa rin iyon mawala-wala. “T-Tama na. Ahhh.” Maririnig mo na lang ang malakas niyang ungol na pag sigaw lamang ng katahimikan ng tanghali na iyon, na wala sa sariling nabitawan niya na ang hawak na lalagyan na hudyat mahulog iyon. Maririnig mo na lang ang tunog na pag bagsak no’n sa lupa at at pag tilapon ng pag kain. An isa niya naman na kamay humawak na rin sa kanyang ulo. “Ahhh, a-aray! H-Huwag ngayon, pakiusap. Huwag ngayon.” Impit niya na lang na pakiusap na mas tumindi pa ang kirot, kumpara noon. Nanghihina na lang ang kanyang katawan na bumagsak at kusang napa-luhod na lamang sa lupain na hindi matapos-tapos ang kanyang malakas na ungol sa sakit. Pinanuyuan na siya ng laway sa lalamunan at kasabay no’n ang mabigat na pag hingga niya kasunod lamang. Mariin niyang pinikit ang kanyang mga mata at pulang-pula na ang kanyang mukha sa kirot na pinipiga nang paulit-ulit ang kanyang ulo na animo’y mabubuwal na iyon sa sakit. “Ughh!” Ungol niya na lamang na malakas at may nakikita siyang paulit-ulit na sumasagi sa isipan niya ang isang parte ng kanyang mga kaganapan. Mga kaganapan na paulit-ulit niyang napapanaginipan. Nnaroon siya sa sasakyan at may humahabol sakanya. Napaka dilim ng pangyayari at hindi gaanong klaro sakanya. May nag hahabol sakanya at hindi niya mawari kong ano at kong sino. Kasunod na lang ang nakaka hindik na mga putok na nag bibigay kilabot sakanya kasunod na pinikit niya ng mariin ang mata niya. Pabilis nang pabilis ang pangyayari sa kanyang isipan at napaka-ikli lamang na kahit na rin siya, hindi niya mawari kong ano ang nakikita niya. Mariin niyang pinilig ang kanyang ulo, at napa ungol na lang ng malakas na kasunod lamang na napalitan iyon naman ng ibang kaganapan na nakita niya ang magandang balay. At nag tataasang mga gusali, at naka suot siya ng marangya ng kasuotan. Malayong-malayo ang kanyang nakikita na buhay niya sa naka-gisnan na buhay ngayon at sunod-sunod na ang mga nakikita niyang mga imahe at kasunod ng pag tindi ng pag kirot ng kanyang ulo na lumitid na lang ang ugat sa kanyang leeg kasabay ang nakaka hindik na sigaw niya sa sakit. “Ughh.” Umalingawngaw na lamang siyang napa sigaw at napa tinggala na lamang na hawak-hawak pa rin ang mag kabila niyang ulo sa matinding kirot na tumatagos sa laman niya. “T-Tama na, Tama na!” Sigaw niya na lamang nang malakas kasabay ang pag mulat ng kanyang mga mata. Hinang-hina siyang napa tukod ang kanyang kaliwang kamay sa lupa, at napaka bilis ng kanyang pag hingga na animo’y kinakapos na siya ng hangin. “B-Bakit?” Wala sa sarili niyang tinig at naguguluhan at kasabay ang pag patak ng luha sa kanyang mga mata. Ang kanyang mukha nabahiran ng matinding takot at pangamba sa kanyang mga nakita. “Bakit w-wala doon si Ligaya? Bakit wala siya doon?” Paulit-ulit niya na lang na sambit na takot na takot at gulong-gulong. Hindi niya namalayan na napaka higpit na ng pag kakakuyom ng kanyang kamao at ang mata’y naging malamig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD