Chapter 47

2336 Words
Chapter 47 LIGAYA'S POV "Magandang hapon, Ligaya." "Magandang hapon rin sa'yo." bati ko na kakilala ko na maka salubong ko sa daan na pinakita ko na lang ang matamis na ngiti sa labi ko. Pinag patuloy ko ang pag babaybay ng daan pauwi at nginingitian at binabati ko sila sa tuwing nakaka-salubong at ganun rin sila sa akin. Mababa na ang araw dahil pasado alas tres pa lang ng hapon, na matapos akong mag tinda ng mga kakanin sa bayan kaya't heto natapos at napaubos ko rin lahat ng mga dala-dala ko. "Oh kumusta kana, Ligaya?" bati ng matanda na isa rin sa mga kakilala ko. Nag lalaro sa singkwenta na ang edad nito pero malakas pa naman na kumilos. "Heto, okay lang naman po, Tiya. Kayo, ho?" "Ito mabuti rin," pinakita nito ang matamis na ngiti sa labi lamang na may dala-dala itong basket laman ng mga nakuha siguro nito na mga gulay. Napako naman ang mata ng matanda dala-dala ko at pinakita na lang ang matamis na ngiti sa labi."Mukhang napaubos mo na ang iyong mga paninda ngayon, Ligaya. Pauwi kana ba?" kina-tango ko na lang ang naging tanong nito. "Oho, maiwan ko na po kayo Tiya." paalam ko na lamang sa matanda, at hinakbang ko na ang paa ko paalis. Mag kaiba na kami ng daan na dinaanan ng matanda at humigpit na lamang ang pag kakahawak ko sa basket, at bahagyang tuminggala sa kalangitan na hula ko naman nasa pasado alas tres pa lang pasado ng ng hapon banda iyon. Napaka sariwa ng ihip ng hangin at marami ka rin makikitang nag sisiliparan na mga ibon sa kalangitan na animo'y nag hahabulan ang mga iyon. Nag pakawala na lang ako ng malalim na buntong-hiningga na napaka gaan na lang ang aking pakiramdam na nawala ang naka pasan na mabigat na bagay sa aking dibdib at sa wakas makaka hingga na rin ako ng maluwag. Maka lipas na ang apat na araw at heto't pilit kong binabalik at buhay ko sa normal na payapa at walang kina-takutan na nagagawa ko na mga dati kong nagagawa noon. Hindi naman kasi maganda na mag patali at mag pakulong lang ako sa takot ng mga nangyari na ginawa sa akin ni Makisig, na kailangan kong mag patuloy ng buhay ko. Sa ngayon naka piit pa rin naka kulong si Makisig at mahigpit na binabantayan siya ng mga tauhan ng Datu at hanggang doon na lang ang balita na alam ko, tungkol sakanya. "Mahal," ang pag tawag na lang sa akin ang mag paputol ng malalim kong iniisip. Kaagad naman sumigla at mag pabigay excitement sa aking dibdib na makilala ko ang boses na tumawag sa akin. Mabilis ko naman hinanap kong saan nag mumula ang tinig na ganun na lang katamis ang ngiti sa labi ko na makita si Dakila naka tayo sa malayo. Ganun na lang katamis na ngiti sa labi ko na makita ko siya. Mabilis siyang lumapit sa kinaroroonan ko at huninto sa tapat ko. "Amin na iyan, ako na ang mag dadala," kinuha na lang ni Dakila sa kamay ko ang mga bitbit ko at hinayaan ko na lang siyang humawak no'n. Mag kasabay naming binabaybay ang daan pauwi at hindi ko mapigilan ang sarili kong kiligin at mag nakaw ng sulyap sa guwapo nitong mukha . “Tapos kana ba, mahal sa trabaho mo?" "hmm oo," tumango-tango pa nitong saad na naka pako lamang ang mata nito sa daan. Katahimikan ang yumakap sa panig namin na dalawa, na malaya naming pinapanuod pareho ang mga nakaka salubong namin. Ewan ko ba, ang saya-saya ko na siya lang ang kasama ko. Iba ang saya at gaan ang binibigay niya sa akin na kampanti ang kalooban ko. "Ikaw? Napa ubos mo ba ang mga paninda mo kanina?" "Oo, mahal," abot langit kong pinag mamalaki na napa ubos naman ako ng mga paninda ko. “Napa-ubos ko lahat kaya't mamaya mag luluto ako ng masarap na hapunan natin. Ano ba ang gusto mo mahal?" "Kahit na ano." tipid na salita nito na kina-tango ko na lamang na hindi na ako sumagot pa. Nabalutan ng katahimikan sa panig naming dalawa habang nag lalakad na wala ng pumutol pa ng katahimikan na animo’y pinapakiramdaman lamang namin ang isa’t-isa. "Mahal?" Binasag na lang ni Dakila ang katahimikan sa pag tawag niya sa akin. "Hmm?" “Bukas palang tanghali hindi ako papasok sa trabaho, balak kong lumabas tayo bukas," pag bibitin na lang nito na ma excite naman ako sa sinabi niya. Talaga? Lalabas kami bukas? Kulang na lang tumalon ang puso ko sa pag kasabik na sinabi niya na lalabas kami. Parang teen-ager naman naman akong kilig na kilig lamang sa katagang kanyang sinabi dahil simula no’ng ikasal kami na dalawa, hindi naman kami gaano nakaka-labas o kaya naman nakaka pasyal na kami lang na mag kasama kaya’t ganun na lang katuwa ang puso ko. Tumitig na lang ako sa seryosong mukha ni Dakila. “Ipag paumanhin mo mahal, kong hindi natuloy ang pangako na pag labas natin noon dahil maraming nangyari pero hahayaan mo babawi ako sa’yo ngayon.” Parang may magnet na lang na kusang gumuhit ang matamis na ngiti sa aking labi sa sinabi niya. “Sige mahal.” May kakaibang ningning ang aking mata na hindi na makapag hintay pa. Saan kaya kami pupunta? Tiyak kong napaka ganda no’n kong nat kataon. Kinagat ko ang ibabang labi at pasimpleng kina-sulyap si Dakila sa tabi ko. “Saan tayo pupunta, bukas mahal?” Wala eh. Labis na akong nasasabik na malaman kong saan ba kami pupunta na dalawa. Lumingon na lang sa akin si Dakila at bahagyang umanggat ang labi nito. “Malalaman mo rin, bukas.” Pabitin na lang nito na humaba na lang ang nguso ko sa sinabi niya. Ano ba iyan. May pa suspense pa talaga? Ayaw niyang sabihin? "Anu ba iyan, napaka daya mo nama---“ hindi ko na natuloy ang sasabihin na walang ano-ano na inabot niya na lang sa akin ang balot na mukhang pag kain, na mag patigil na lang sa akin. Nag kasalubong na lang ang kilay ko sa pag tataka na tumitig lamang sa hawak niya. “Para sa'yo,” seryoso na salita na lang ni Dakila at hindi pa rin mawala ang pag kakunot ng noo ko. “Ano iyan?” Wala rin talaga akong kaalam-alam kong ano ang laman no’n at labis naman akong nag tataka nang husto dahil kanina wala naman siyang dala ah? “Basta, kunin mo na.” Nilapit pa ni Dakila iyon para pahiwatig na kunin ko na iyon sa kanyang kamay. Kinuha ko na lang sa kamay niya ang balot na inabot niya sa akin at naka balot pa iyon sa dahon ng saging. Malaki iyon at medyo katamtaman lamang ang laki na labis ko naman pinag tataka kong ano ba talaga ang laman no’n. Sa labis na kuryusidad lamang at dahan-dahan ko naman na binuksan iyon at tumambad naman sa akin ang masarap at mabangong nilagang mais. Nag ningning na lang ang mata ko sa galak at tuwa na makita iyon. “Wow, nilagang mais.” Parang bata na napaka saya kong saad at hindi na ako nakapag pigil pang kumagat na doon. Napa pikit at ninamdam ko na lang ang sarap na nanunuot sa aking bibig ang lambot at tamis ng nilagang mais. Sunod-sunod ang ginawa kong pag kagat doon na kinikilig at sabik na sabik lamang. “Mahal, dahan-dahan lang at mainit pa iyan.” Saway naman sa akin ni Dakila ngunit hindi na ako nag papigil pa. “Hindi iyan mahal.” Wika ko na lang na hindi ko na dinama na medyo mainit pa nga subalit kayang-kaya ko naman kainin. “Salamat mahal, alam na alam mo talaga ang paborito ko.” Wika ko na lang ma kina-iling na lang ng ulo ni Dakila at pag katapos inabot ko sakanya ang mais na hawak ko, na kina-kunot naman ng noo niya. “Bakit?” “Hati tayo mahal.” Nilapit ko pa ang nilagang mais para tumikim “Huwag na, para sa'yo talaga iyan.” Pag tatangi lamang nito. Tinabig ni Dakila palayo ang inalok ko sakanyang pag kain at nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa na kinuha niya ang kabila kong kamay at hinawakan. “Halika na,” seryoso nitong tinig na hindi na ako naka imik pa na ngayo’y mag kahawak na ang aming mga kamay at hinatak na lang ni Dakila ako na pasunod sakanya na kina-kilos ko naman, na matunaw na lang ang aking puso. Napaka lakas na ng kalabog ng aking dibdib na maramdaman ko ang mainit niyang kamay na naka hawak sa akin. Parang kamatis na kapula ang aking mukha na kinikilig lamang na hindi niya pa rin iyon binibitawan. Napaka sarap at gaan lamang ng aking puso na mag kasama naming binabaybay ang daan pauwi, na hanggang ngayon hindi niya pa rin binibitawan ang kamay kong hawak-hawak niya pa rin. Mala lipas lamang ng ng ilang minuto napansin ko ang maya’t-maya na pag nakaw ng tingin sa akin ni Dakila. Malamlam lamang ang kanyang mga mata at kahit hindi ko direkta tignan, nababasa kong may gusto siyang sabihin sa akin. “Bakit mahal? May gusto ka bang sabihin?” “Wala naman.” Pag bibitin na lamang nito na hindi inalis ang mata ko sakanya. “Naisip ko lang, napaka swerte ko pala sa’yo na ikaw ang napangasawa ko. Ikaw iyong tipong babae na maalaga, mapag mahal at higit sa lahat napaka buti.” Wika na lamang nitong unti-unti na lang napawi ang matamis na ngiti sa labi ko. Ang sigla ng mata ko napalitan ng ibang emosyon na nabahiran ng pangamba kong paano ko siya tignan. “Hindi ako mabuti, kagaya ng tingin mo sa akin mahal.” Maikli at may laman kong tinig na mag bigay impact naman sa dibdib kong sinasabi ang katagang iyon na pinag lalaruan ko na lang ang kamay ko. Malilikot ang aking mata at wala na akong lakas pa ng loob na tumingin sakanya ng diretso dahil nahihiya ako. Nahihiya ako dahil hindi naman talaga akong naging mabuti sakanya. Nakokonsensiya ako dahil hindi ako naging totoo at tapat sakanya. Uminit na lang ang sulok ng mata ko at pinag halong pait at lungkot lamang lalo’t pinag kakait ko sakanya ang totoo. Totoong tunay niyang pag katao. Dinadaga na ako ng konsensiya sa aking puso lalo’t sa bawat araw na nag daan, pabigat nang pabigat ang kasalanan ko sakanya. Napa kurap na lang ako ng mata ko at tuminggala na lang para pigilan na maging emosyonal at maiyak lamang.Lumunok ako ng laway at tila ba’y napaka hirap sa akin lalo’t napaka bigat na ng aking dibdib. “Mali ang tingin mo sa akin mahal, na hindi ako perpekto. Kagaya rin ako ng ibang tao na nakaka-gawa rin ng pag kakamali.” Pag bibitin ko na lamang at sabay hiningga ng malalim lalo’t parang sinuntok ang dibdib ko sa kirot na patuloy akong nag sisinunggaling sakanya. Patuloy kong nilalayo siya sa katotohan. “Alam mo ba mahal.” Lakas loob kong nag wika na pinako ko na lang ang tingin ko sa daan dahil natatakot ako. Natatakot akong tumingin sakanya ng diretso at baka hindi ko mapigilan ang sarili kong umamin sakanya. Baka hindi ko mapigilan ang sarili kong maiyak na lamang sa harapan niya. “May nagawa akong malaking pag kakamali sa isang tao na mahalaga sa akin,” pag sisimula ko na lamang at inipon ko ang lakas sa aking dibdib. “Hindi ko alam kong magagawa niya pa ba akong tanggapin at patawarin sa mga nagawa ko sakanya kapag nalaman niya ang totoo na nag sinunggaling ako sakanya.” Parang may naka barang laway sa aking lalamunan na sinasambit ang katagang iyon. Wala naman akong ibang tao, na pinaparinggan kundi siya lamang. Napaka sakit. Napaka hirap pala ng ganito. Gusto ko sakanyang sabihin at aminin subalit, wala akong lakas. Napaka hina ko. Napaka duwag ko. Tuminggala na lang ako para pigilan na umagos ang luha sa mga mata ko at pakiramdam ko sasabog na iyon sa bigat na pasan-pasan sa dibdib ko. Humingga ako ng malalim bago nag salita muli. “Duwag kasi ako. Wala akong lakas ng loob na aminin sakanya ang totoo dahil mahina ako. Dahil duwag ako at natatakot rin ako na ako na baka na dumating ang araw na malalaman niya ang totoo, at baka hindi niya ako m-matanggap sa mga kasalanan ko sakanya.. Natatakot akong dumating ang araw na kakamuhian at iiwan niya ako sa bandang h-huli,” basag ko na lamang na tinig at wala sa sariling napa baling na lang ng tingin sa gawi ni Dakila. Maluha-luha na ang aking mga mata na pinipigilan ko na lamang ang maiyak. Nag tagpo ang mga mata naming dalawa ni Dakila, malamlam lamang siyang tumingin sa akin at labis akong nasasaktan dahil hindi ko nababasa ang tumatakbo sa kanyang isipan ngayon. Pasensiya na mahal. Nag kamali ako. Pasensiya na, naging duwag ako. Humigpit na lang ang pag kakahawak ni Dakila sa akin na bahagyang pinisil niya iyon na labis naman akong na durog sa kanyang ginawa. Pinapa ramdam niya sa akin na nariyan lamang siya sa tabi ko kahit anong mangyari. “Mahal.” Basag ko na lamang na tinig at ang ibang emosyon ang nag lalaro sa kanyang mga mata lamang na nag aalala siya sa akin at dinadamayan niya ako. “Kong sino man iyan, mahal. Alam kong mapapatawad at matatanggap ka rin niya, sa pag dating ng araw.” Pinisil na lamang ni Dakila ang aking kamay na mag pagaan naman ng aking dibdib sa kanyang sinabi. Tumango na lamang ako ng aking ulo at nabahiran ng luha ang mga mata kong tumitig na lang sakanya, na sumilay na lang ang mapait na ngiti sa aking labi. Sana nga mahal. Sana nga kapag dumating ang araw na iyon. Magawa mo akong patawarin at tanggapin. Sana pag dating ng araw na iyon, hindi mag bago ang nararamdaman mo para sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD