Chapter 49

3807 Words
Chapter 49 LIGAYA'S POV Dapit ala una pa lang pasado ng hapon mag kasama na kami ni Dakila binabaybay ang mabato at madamong daan. Matapos naming kumain ng tanghalian at nag gayak na kaming umalis sa aming balay para maka alis na. Ginala ko na lang ang aking tingin sa paligid pinapanuod ang madaanan namin na nag eenjoy naman ako ng lubusan dahil sa magandang tanawin na aking napag mamasdan. Tangi ko na lamang nakikita ang matataas na mga dahon at mga mayayabong na kakakuyan sa paligid, kaya't hindi direkta na tumatama ang sinag ng araw sa aming balat. Hindi na maalis ang matamis na ngiti sa aking tinatahak namin ang daan mag kasama. Naroon na lang ang saya sa aking dibdib lalo't mamasyal kaming dalawa ni Dakila ngayon at susulitin namin ang oras na kaming dalawa lang mag kasama. Hindi na rin ako mapandaugaga lamang lalo't isa pa rin sa akin na palaisipan kong saan kaming dalawa pupunta. Tinanong ko naman si Dakila kong saan nga ba talaga kami pupunta subalit tikom lamang ang kanyang bibig na ayaw sabihin sa akin. Kainis naman. Bakit hindi niya man lang masabi sa akin, kong saan kami talaga pupunta? Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pag mamasid sa dinaraanan mo at tinatanggay lamang ng ihip ng hangin ang suot kong manipis na bestida at may maliit na mga burda na mga bulaklak na lumitaw ang mala dyebe kong kutis. Hinayaan ko lamang naka lugay ang maitim at mahaba kong buhok at natural na namumula ang aking pisngi na matamaan ng sikat ng araw. Napaka sarap at presko pa ng simo'y ng hangin na mag pagaan pa lalo ng aking nararamdaman. Sinilip ko si Dakila ko na ngayo'y mag katabi lang kaming nag lalakad. Simpleng maong na pantalon at t-shirt na luma ang suot nito, ngunit lumalabas ang lakas ng appeal ng kanyang dating ngayon sa kanyang itsura at bumakat rin ang kagandahan hubog ng katawan at muscles nito na napaka tikas niya kong tignan. Hindi ko talaga maikakaila na may dating at itsura naman talaga si Dakila lalo't maraming mga kababaihan sa Nayon namin ang nag kakagusto talaga sakanya. Guwapo si Dakila, sa malamig at masungit na expression nito lalo ito nagiging maanggas kong titignan. May kong anong saya at hinaplos ang aking puso lamang na ngayo'y mag katabi naming binabaybay ang daan mag kasama at hawak naman ni Dakila sa kabilang kamay nito ang basket laman ng baon naming dalawa kung sakali man na maka ramdam ng gutom sa aming pamamasyal. Umanggat na lang ang aking mukha na mapa baling ng tingin kay Dakila na ngayo'y mapanis na ang laway sa aking lalamunan, na hindi man lang kami nag papansinan at nag uusap na dalawa. Hindi ko mapigilan na obserbahan ito na ngayo'y naka pako lang ang mata niya sa daan at kanina pa ito tahimik. Malamig at matalim ang emosyon na kanyang mata na pinapakita ngayon, na animo'y galit lamang iyon at napaka lalim ng kanyang iniisip. Simula no'ng umuwi si Dakila sa balay namin matapos ng trabaho, kakaiba na ang aura niya na kahit na rin ako nag taka nang husto dahil kakaiba ang kanyang kinikilos. Kakaiba ang kanyang akto na ngayon ko pa lang nakita. Kanina pa siya tahimik at hindi ako mapakali na parang ibang-iba siya ngayon. Ano bang nangyari? Bakit kaya napaka tahimik niya? May nangyari ba kaya sa trabaho niya? Tanong ko na lang sa isipan ko, na kahit gusto ko man na ibuka ang aking bibig at mag salita subalit pinapangunahan ako ng takot at alangan na gawin ngayon. Mariin na lang ako napa kagat ng ibabang labi at hindi na lang maalis-alis ang tingin ko kay Dakila, at napag desisyonan ko na lamang na itikom na lang ang aking bibig at huwag nang mag salita pa. Nag patuloy pa ang malamig na atmosphere sa pagitan naming dalawa ni Dakila habang binabaybay ang daan. Nilibang ko na lang atensyon at tingin ko sa paligid at hindi ko rin talaga mapigilan na mag nakaw ng tingin kay Dakila na napaka tahimik pa rin. Pumasok na kami ni Dakila sa isang masukal na kagubatan na kahit rin sa akin hindi na familiar kong asan na ba talaga kami at kong anong lugar na ba ito. Naka sunod lamang ako sa likod ni Dakila at malaya kong pinapanuod ang malapad niyang likod na nauna na siya sa pag lalakad. Maka lipas lamang ng mahigit sampung minuto na pag babaybay ng daan sumalubong na lang sa amin ang magandang batis. Napa hinto ako sa pag lalakad na hindi na lang maalis ang aking tingin sa magandang tanawin. "Wow." Iyan na lang ang nasambit ko na hindi inaalis ang mata sa kagandahan ng lugar na iyon. Parang batang manghang-mangha naman ako sa aking nakikita na ngayo'y napaka ganda ng lugar na ito na tila ba'y paraiso. Puno ng kakahuyan ang paligid at tangi mo na lang makikita ang mayayabong na mga halaman at nag tataasan na mga kahoy. Sa kabilang dako naman makikita mo rin ang katamtaman bato na pwede mo naman na upuan at may mga malalaki rin. Kulay berde lahat ng aking nakikita na napaka gaan lamang pag masdan at mayron din na mga bulaklak roon na naka tanim na kusa na lang tumubo. Maririnig mo na lang ang lagaslas ng tubig na umaagos mula sa batis at mukhang napaka presko na mag tampisaw at ilublob ang mga paa mo doon lalo't napaka linaw ng tubig. Hindi na maalis ang kakaibang ningning ng mata ko sa saya ng aking nakikita lalo't napaka ganda rin ng panahon, na tirik na tirik ang araw at kulay asul din ang kalangitan. Nag sasayaw naman nag sisiliparan ang mga ibon sa kalangitan at wala kang inggay na marining kundi lamang sa mga ibon at ibang hayop sa paligid. "Napaka ganda naman dito mahal." Wika ko na lang na domoble pa ang mata ko sa pag kislap na pinako ang mata ko sa kaliwa't-kanan na hindi ako mag sasawang panuorin iyon na kay ganda na parang paraiso. Marami na akong mga batis at ilog na napupuntahan dito sa Nayon namin subalit iba ito sa lahat ng mga napuntahan ko. Likas naman talagang maganda at wala pa naman na anumang marka na napuntahan na nga ito ng ibang tao dahil sa itsura ng batis at linis ng paligid. "Labis kong nagustuhan talaga dito." Pinag dikit ko na lang ang aking palad at ramdam ko naman ang pag tabi lamang ni Dakila sa akin, subalit wala pa ring kibo. Naka tuon lamang ang mata niya kong saan ako naka tingin subalit nag patuloy ang malamig na presinsiya lamang nito na wala man lang na salita sa pa rin. "Alam na alam mo talaga ang mga gusto ko mahal. Paano mo nalaman ang lugar na ito?" Kina-baling ko naman ng tingin sakanya, na hindi maalis ang matamis na ngiti sa aking labi para hintay ang magiging sagot nito. Masungit at malamig ang expression na pinapakita sa kanyang mukha. "Kay Manong Basyo." Matabang na wika nitong napa tango na lang ako. "Napunta kami rito no'ng minsan kaming napa daan sa lugar na ito." Bago pa ako maka sagot pa, hinakbang na ni Dakila ang kanyang paa palayo sa akin na mapa nguso na lang ako. Nag lakad na si Dakila na bitbit ang hawak na basket para humanap ng magandang pwesto kong saan nito ilalatag ang dala namimg kumot at balak naming dalawa na mag latag na lang sa damuhan at maupo na lang kumain doon mamaya. Nang maka hanap na si Dakila ng pwesto medyo malapit lang naman sa batis, nilapag nito muna ang basket na hawak sa damuhan at simulan na ilabas ang kumot para ilatag na. Pinako na lang ang mata ko sa batis at sumilay na lang ang matamis na ngiti sa aking labi, na labis na lang ang aking galak na pinapanuod iyon. Hindi na ako makapag pigil na lumapit na lang sa batis para maka ligo na. Tinaas ko na lamang ang laylayan ng suot kong bestida para hindi gaanong mabasa ng tubig at nilublob ko na lang ang aking mga paa sa malamig na tubig. Ang sarap. Ninamnam ko ang malamig at preskong tubig sa aking mga paa na patuloy umaagos ang tubig, may natapakan rin ako na medyo mga bato subalit sakto lang naman ang mga laki. Hinakbang ko ang paa ko sa medyo malalim na parte ng batis, na kusa na lang ako tumigil na hanggag tuhod na kalalim at parang bata na lang akong sabik na sabik na. Hawak pa rin ng isa kong kamay ang aking suot na bestida samantala naman ang isa, inaanyaya ko si Dalila samahan niya akong maligo. Tamang-tama napaka init pa naman ng panahon at napaka sarap mag babad at ilublob ang iyong katawan lamang sa preskong batis. "Halika na mahal, samahan mo ako dito. Maligo na tayong dalawa." Kina-baling na lang ng tingin kay Dakila na naka talikod at abala sa kanyang ginagawa na tinatapos ang pag lalatag. Nalapat niya na ang kumot na dala namin sa patag na damuhan na mag mistula naming upuan iyon mamaya. Ngayon abala naman si Dakila na nilalabas isa-isa ang mga dala-dala namin mula sa basket. "Huy, mahal." Tawag ko na lamang na hindi na makapag hintay na samahan niya ako dito. Napa iling na lang ako ng aking ulo at sumilay na lang ang kalokohan sa aking isipan. Nilublob ko ang kamay ko sa tubig at sinabuyan ko si Dakila ng tubig subalit hindi siya naabot. Ay sayang hindi naabot. Lumawak na lang ang ngiti sa aking labi at sa pag kakataon na ito nilublob ko muli ang kamay ko sa tubig at sinabuyan ko siya mang paulit-ulit na tinatawag ang kanyang pangalan. "Halika na mahal, haha. Bilis n———" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na napa lakas ang aking pag saboy na kadahilanan na mabasa na nga si Dakila, at mabasa ito ng tubig sa likod subalit konti lang naman. "Ano ba!" Singhal na lamang sa akin ni Dakila na iritable na unti-unti na lang mawala ang matamis na ngiti sa aking labi. Tumitig na lang ako ngayo'y kay Dakila na kay dilim ng mustra ng mukha nito na pinag halong inis ang gumuhit sa mukha kong pano niya ako tignan ngayon. Kakaiba ang paraan ng titig sa akin. Titig na kaya akong patigilin. Titig na yumakap na lang ang takot sa aking puso sa madilim nitong aura. Napa lunok na lang ako ng laway at aaminin kong nabigla at hindi ko inaasahan na ganun na lang ang kanyang magiging reaksyon nito sa aking ginawa. Hindi ko na maikilos at maigalaw ang aking katawan na tila ba'y naka pako na lamang iyon sa kinatatayuan kong, hindi pa rin humuhupa ang paran na madilim ang mukha nito kong paano niya ako tignan ngayon na may takot naman sa aking puso. "Ipag umanhin mo, mahal. Hindi ko s-sinasadya." Sapat na ang hina ng boses ko na marinig niya ang sinabi ko. Hinilamos na lang ni Dakila ang kanyang mukha gamit ang palad nito kasabay ang pag kawala lamang na mabigat na buntong-hiningga na animo'y kinakalma ang sarili nito. Kinagat ko na lang ng mariin ang ibaba kong labi at hinakbang ko na ang paa ko palapit sakanya at nerbyos sa aking dibdib na palapit nang palapit ako sakanya. "Ipag umanhin mo mahal, hindi ko sinasadya na basain ka." Tugon ko na lang ngunit wala pa rin siyang kibo at hindi pa rin napapalitan ang masamang aura nito. Tinapos ni Dakila ang pag lalabas ng laman ng basket at may anong pag tataka sa aking dibdib dahil parang iba siya ngayon na hindi niya ako magawang tignan ng maayos. Iba ang kanyang kinikilos at inaakto ngayon sa akin. Ano ba kasi ang nangyari? Bakit parang napaka lamig niya sa akin? May nagawa ba ako? "May problema ba mahal? Napapansin ko kasi na parang kanina ka pa tahimik," tugon ko na lang na hindi pa rin maalis ang mata ko sakanya na baka sa pag kakataon na ito, sabihin niya sa akin. Sabihin niya sa akin kong ano ba talaga ang problema. "Wala." Matabang nitong salita na biglang bumigat na lang aking dibdib sa kanyang sinabi. Sinusundan ko na lang ng mata ko ang ginagawa ni Dakila at may lungkot sa aking puso na kahit hindi niya sabihin sa akin, ramdam kong may problema. Ramdam kong may mali. Emosyonal na lang ang aking mata, na puno ng pangingiusap na tumitig sakanya na makumbinsi siya na sabihin sa akin kong ano ba talaga iyon. Gusto ko rin maka hanap sakanya ng mga kasagutan dahil nahihirapan na rin akong ganito siya. Ganito kalamig ang pakiki-tungo niya sa akin. " "Eh, mahal. Pwede mo naman sabihin sa akin kong may may problema ka para naman mapag usapan nati——-" hindi ko na naman muli na matapos na iritable niya akong hinarap at galit na mustra ng mukha. "Wala nga sabi!" Giit na lang nito na nag tagis na ang kanyang ngipin na ako'y mapa kurap na lang ng aking mata at lamig niya ako tignan na mag panikip pa lalo ng aking puso. Bago ko pa maibuka ang aking bibig na kumilos na si Dakila na mag lakad at nilampasan niya na ako, dire-diretso siyang nag lakad na sumuong na lang na maligo sa batis na hindi niya na ako tinapunan pa ng tingin. Sinundan ko na lang ng tingin si Dakila na may lungkot sa aking mga mata kong paano siya tignan. Naiwan na lang akong naka tayo lamang at wala sa sariling napa hawak na lang sa aking dibdib, at may kong anong kirot na lang akong naramdaman sa malamig niyang trato sa akin. Nanikip na lang ang aking hiningga at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman na sinusundan na lang siya ng titig. Bakit ganito? Bakit napaka sakit ng puso ko? ***** Tuminggala na ako sa kalangitan at mababa na sikat ng araw na dapit alas kwartro pasado na ng hapon no'n. Nabahiran ng lungkot ang aking mga mata na mag kasama kami ni Dakila na binabaybay ang daan pauwi sa aming balay na hindi man lang nag kikibuan. Nauna na akong mag lakad samantala naman si Dakila naka sunod sa likuran ko, na nauna lamang akong tatlong hakbang sakanya. Nabalot ng malamig na atmosphere sa pagitan namin na walang gustong bumasag ng katahimikan. Pinag lalaruan ko na lang ang aking mga kamay at hindi ko na kayang ganito kabigat na hindi kami nag papansinan. Nanatili lamang kami sa batis ng mga ilang oras na tumambay at, naligo. Sinulit namin ang oras na kami lang mag kasama na dalawa ni Dakila subalit nag patuloy ang malamig na pakikitungo niya sa akin na para bang napaka lalim ng kanyang iniisip. Bilang lang sa kamay ko ang sandali na kinausap niya ako habang naroon kami sa batis at napaka bigat sa pakiramdam ko na nakikiramdaman lamang kaming dalawa. Hindi ako sanay na ganito na para bang hindi kami mag kakilala na dalawa. Hindi naman siya ganito sa akin. Pakiramdam ko, iniiwasan niya ako subalit hindi ko naman alam kong ano nga ba ang rason. Ewan ko. Naguguluhan na ako. Hindi ko rin alam. Naging emosyonal lamang ang aking mga mata at napaka bigat naman ng aking dibdib sa bawat segundong lumilipas na marinig ko ang mabigat niyang yabag ng paa sa likuran ko. Natanaw ko na lang ang aming balay at doon lalo ako nalungkot nang husto, panigurado mag papatuloy na ganito kaming dalawa. Nag pakawala na lamang ako ng malalim na buntong-hiningga at napa tigil na lang ang malalim kong iniisip na may biglang humawak sa kamay ko. Wala sa sariling napa anggat na lang ako ng tingin at labis akong nabigla na bumunggad sa akin ang guwapo at masungit na mukha ni Dakila. Dakila? Malamig ang emosyon ni Dakila na pinapakita na naka pako lang ang mata sa daan, samantala naman ako gulat na gulat at hindi makapaniwala na bigla niya na lang hinawakan ang kamay ko at heto mag kahawak kamay kami habang nag lalakad. Hindi ko alam ang magiging reaksyon at mararamdaman ko na maramdaman ko ang mainit niyang kamay. Hindi ko lubusang inakala na mabilis siyang makaka lapit sa akin. Kanina lang nasa likuran ko siya. Naka tunganga lang akong naka tingin sa guwapong mukha ni Dakila habang nag lalakad kaming dalawa, na pinapanuod siyang seryoso at walang imik pa rin. Wala sa sariling napa tingin ako sa kamay naming mag kahawak pa rin at aaminin kong may init at tuwa naman sa aking dibdib sa pag lapit niya sa akin. "Ipag paumanhin mo mahal, kong nasinghalan at sa naging akto ko kanina sa'yo,” napa anggat na lang ako ng tingin na marinig ang malagong niyang boses. Nag tagpo ang mata naming dalawa ni Dakila, at malamlam niya akong tinignan at may ibang pahiwatig ang titig nito. “Masama lang talaga ang pakiramdam ko ngayon at marami lang talaga ang pumapasok sa isipan ko.. Nahihiya ako sa'yo na dapat masayang araw ito para sa ating dalawa gaya ng pinangako ko sa'yo pero sinira ko lang.” Anito at binalik niya ang atensyon niya sa daan at hindi na lang ako sumagot pa. Wala na ang lamig at itim na aura sa mukha niya at ngayo'y napalitan na iyon ng kakaibang liwanag at pag ka seryoso. Ramdam ko naman na sincere siya sa pag hinggi ng paumanhin sa akin at masasabi ko talaga na bumalik na ang Dakilang kilala ko. “Hayaan mo babawi ako sa'yo sa sunod a-----“ hindi ko na pinatapos pa si Dakila ng anumang sasabihin na tinaas ko na lang ang kaliwa kong kamay at hinawakan ang parteng leeg niya para alamin kong mainit ba ito. Napa tigil na lang si Dakila sa pag lalakad at ganun rin ako at hindi naman siya mainit. Napalitan lamang ng pag alalaa ang mukha kong tumitig sakanya. “Wala ka naman sa sakit mahal at hindi ka naman mainit,” tugon ko na lamang na mapa awang na lang ng labi si Dakila sa sinabi ko. Ewan ko ba, biglang sumaya ang dibdib ko na makita siyang unti-unti na lumiliwanag ang mukha nito at bumabalik ang dati niyang sigla. Masaya akong nakita siyang ngumingiti na. Iyon naman talaga ang gusto kong makita. Malagkit ang paraan na titig niya sa akin, at walang salita na lamang na kinuha niya ang kamay kong naka hawak sa kanyang leeg. Dahan-dahan nitong niyuko ng konti ang sarili at nilagay sa parteng noo nito ang kamay kong hawak niya pa rin. “Dito masakit mahal,” anito na may ibang kislap at pahiwatig ang titig niya sa akin, na para bang nag susumbong siya na iyon naman talaga ang nararamdaman niya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko na sinabi niya iyon, dahil nakikita ko ang hirap at nararamdaman niya sa tuwing sumusumpong na sumasakit ang kanyang ulo. Ilang beses ko na siya nasaksihan na masaktan at ayaw ko nang danasin niya pa iyon. Kong pwede lang talaga na sana huwag na mag sumpong ang sakit niya. “Pasensiya na mahal, wala man lang akong maitulong sa’yo para maibsan ang sakit na nararamdaman mo tuwing sinusumpong ng sakit ng ulo mo,” may kakaibang kislap na lungkot lang ang gumuhit sa mata ko. Humigpit ang pag kakahawak ni Dakila sa kamay kong hawak niya pa rin na naka lapat sa kanyang noo at ngumiti na lang siya ng matamis sa akin. “Ngayon maayos na ang nararamdaman ko ngayon mahal, dahil nandiyan ka. Ikaw ang aking pahingga.” May anong kilig at kiliti ang humaplos sa aking puso sa katagang kanyang binigkas na hindi ko mapigilan na sumilay na lang ang ngiti sa labi ko rin. STILL LIGAYA'S POV Nagising na lang ako na tumama na lang ang liwanag sa aking mukha. Uminggos na lang ako sa pag kakahiga at kinapa ko na lang ang kaliwang bahagi ng kama at wala akong nahawakan. Minulat ko na lang ang aking mata at gumulong na lang ako sa pag kakahiga, doon ko lang napag tanto na mag isa na lang ako sa higaan. Umupo na lang ako sa papag at ginala ko na lang ang tingin sa silid naming dalawa at katahimikan ang sumalubong sa akin. Tinatanggay na lang ang puting kurtina sa bawat ihip ng hangin na tumatagos sa balat ko. “Mahal?” Tawag ko na lang kay Dakila subalit wala akong sagot na nakuha. Sinuklay ko na lang ang buhok ko gamit ang palad ko at binaba na ang paa ko sa papag at sinuot ko na ang sapin sa paa. Simpleng bestida lamang na puti ang suot ko na pang bahay at sapo-sapo ang mukha ko palabas ng kwarto namin na inaantok pa. Pag labas ko katahimikan ang sumalubong sa akin at walang anumang bakas ni Dakila sa balay namin. Naka bukas na ang ilang bintana kaya’t pumapasok ang sariwang hangin at base pa lang sa tirik ng araw, mukhang tinanghali na nga ako nagising. Nag patuloy ako sa pag lalakad at napa tigil na lang ako na mapa dako sa lamesa at naka lagay doon ang pinggan at kubyertos na naka handa na. May nakita rin ako sa lamesa na natatakpan ng pinggan at inalis ko na lang iyon para tignan kong ano iyon at bumunggad na lang sa akin ang masarap na almusal na hinanda ni Dakila para sa akin. May anong kilig at saya ang aking puso na pinasaya niya ako. Kahit hindi naman gaanong special ang hinanda niya, alam kong pinag handaan niya iyon para lang sa akin. “Si Mahal talaga.” Nailing ko na lang na wika na hindi maalis ang matamis na ngiti sa aking labi at may namuong kilig na lang sa puso ko. Nilapag ko na ang pinggan na hawak ko na mistulang takip sa pag kain at natigilan na lang ako na marinig ang mahinang katok mula sa pintuan. Napa baling na lang ang aking tingin sa pintuan at nag tataka. Sino kaya iyon? Kumunot naman ang noo ko, na hindi inaalis ang mata sa pintuan dahil wala naman akong inaasahan na bisita ngayon kaaga. Kong si Dakila naman iyon, hindi na iyon kakatok pa. Kinilos ko na ang sarili ko palapit para pag buksan na kong sino iyon. Nang maka lapit na ako sa pintuan, inalis ko na ang kandado ng pintuan at hinila na lang pabukas iyon at bumunggad na lang sa akin ang bulto ng tao na naka tayo sa likod ng pintuan. “Magandang umaga, Ligaya.” Pinakita na lang nito ang matamis na ngiti sa kanyang labi na na mabigla naman ako hindi ko inaasahan na siya ang makikita ko. Siya? Anong ginagawa niya dito? “Binibining Dolores.” Mahina ko na lang na pag kakasabi na pinakita niya na lang ang matamis na ngiti sa kanyang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD