Chapter 45

4609 Words
Chapter 45 LIGAYA'S POV Ramdam ko ang panlalamig ng aking palad, na mapa dako naman ang aking tingin sa gawi ni Dakila na ngayo'y walang kibo, na maanggas lamang na naka tayo. Kanina pa siya tahimik at kahit kahati lamang ng mukha niya ang nakita ko, sapat na iyon para makompirma ko kung gaano nakaka hilakbot ang kanyang itsura ngayon. Mariin na lang akong napa lunok ng laway na tahimik ko lamang pinag mamasdan ang malapad na likod ni Dakila at, unti-unti na lang napako ang mata ko sa kaliwa niyang balikat at ako'y nagulantang na lang na makita ang daplis na sugat mula roon. Hindi maalis-alis ang mata ko sa kaliwang balikat ni Dakila na umaagos ang malapot na dugo mula sa kanyang sugat, pababa sa kanyang kamay na kusa na lang tumutulo mula sa sahig na mag bigay ng kakaibang tunog lamang. Tuluyan nang nag hina ang aking kalamnan at napako na lang ang aking tingin sa sahig, at hilakbot ang yumakap sa akin na makita ko si Makisig na naka handusay sa sahig. Nagimbal na ang aking dibdib sa takot at pangamba na ngayo'y hindi siya gumagalaw at kumikilos na animo'y isa na siyang malamig na bangkay doon. Anong nangyari? Patay na ba siya? Pinatay na siya ni Dakila? Dakila, anong ginawa mo? Sumagi na lang ang maraming tanong sa aking isipan at ang aking mukha napalitan ng takot at gimbal sa sunod kong nakita. Wala sa sariling napa takip na lang ako sa aking bibig, para pigilan na kumuwala ang impit na iyak lamang na masaksihan ko ang pag agos ng malapot na dugo mula sa katawan ni Makisig. Uminit ang sulok ng aking mata at nanginginig na ang aking katawan na paulit-ulit kong iniiling ang aking ulo sa takot. Pilit ko sa winawaksi sa aking isipan ang mga nasaksihan ko. "H-Hindi, Hindi." Paulit-ulit ko na lang sinasambit at inaatras ko na lang ang sarili ko palayo na takot na takot lamang. Parang gripo na lamang na lumalandas ang luha sa mata ko at wala nang lakas pang bumangon sa pag kaka-upo, na baka nga tama nga ang hinala ko. Patay na siya? Ano itong nagawa namin? Paano na ito? Namutla na lang ang aking labi sa labis na takot at ramdam ko na ang panlalamig ng aking palad na hindi ko alam ang gagawin ko. "H-Hindi totoo, ito. Hindi." Iniiling ko na lang ang aking ulo na walang katapusan na pag patak ng luha lamang sa mga mata ko. Nanginig na ang aking kalamnan at walang lakas na gumapang lamang sa malamig na sahig na takot na takot pa rin Pilit kong winawaksi sa aking isipan na sana, hindi totoo ang lahat ng ito. Sana mali lang ako na nakita. Sana panaginip lang ito. Gumapang na ako nang mabilis at naging blangko na ang isipan ko, at isang bagay lamang ang sumagi sa isipan ko iyon ang umalis lamang. "H-Hindi, hind——Ahh." Palahaw ko na lamang na pag iyak sa takot na may marahas na humawak sa siko ko. "H-Huwag po, Huwag mo akong hahawakan. N-Nag mamakaawa ako, tama na Makisig. Ahh." Tili ko na lang na pag mamakakaawa at pinag hahampas ko nang malakas ang kanyang katawan para bumitaw siya sa akin. Para tantanan niya na ako. Lalo lamang akong napapa-iyak nang husto na kahit gamitan ko man ng lakas at pwersa siyang itulak palayo subalit hindi niya pa rin ako binibitawan kaya't bumigat na lang ang pag hingga ko. Nanlabo na ang aking mata sa walang humpay na kakaiyak lamang at sumikip na ang aking dibdib sa takot at sakit na wala siyang planong bitawan ako. Tama na. Ayaw ko na. Hirap na hirap na ako Makisig, ayaw ko sa'yo! "P-Pakawalan mo na ako, ayaw ko na sa'yo. Nag m-mamakaawa ako sa'yo ayaw ko na. Ahh!" Impit na lamang na pag palahaw na pag iyak at pag mamakaawa at baka sa pag kakataon na ito pakawalan niya na ako. Ayaw ko na ng ganito. Tama na Makisig, pakawalan mo na ako. Ramdam ko na lamang ang pag bitaw ng kamay sa aking siko at kasunod no'n hinuli na hinawakan naman ang mag kabilang balikat, na pilit pinapaharap sakanya. "Mahal, mahal. Ako ito, ako ito mahal." Malambing na lamang na tinig at maluha-luha ang mata kong tumitig ngayon kay Dakila na naka hawak na pala sa mag kabila kong balikat. Pinag halong pawis, at luha na lamang ang dumaplis sa aking mukha at kasunod no'n ang pag patak ng luha sa mga mata ko. Tumitig na lamang ako sa guwapo at bahid ng pag aalalang mukha ni Dakila, at hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapa buwal na lamang ng pag iyak sa kanyang harapan na makita siya. "Mahal, ako ito." Pag uulit na lamang na tinig ni Dakila na kalmadong tinig at pinunasan niya ang daplis na luha sa pisngi ko. "M-Mahal." Basag ko na lang na tinig at tila ba'y may naka pasan na mabigat na bagay sa aking dibdib na hindi ako maka hingga ng maayos at takot rin sa mga nangyari. "Mahal." Wika ko na lamang at hindi ko mapigilan ang aking sarili na yakapin na lamang si Dakila nang sobrang higpit at doon na bumuhos ang pag hagolhol ko sa kanyang bisig. Nagulat na lang si Dakila sa biglang pag yakap ko sakanya na naramdaman ko naman ang paninigas ng kanyang katawan. Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa ng sandaling iyon at iyak lang ako nang iyak na tanging maririnig mo na lang ng katahimikan ng gabing iyon ang munti kong pag iyak lamang. "Natatakot ako mahal. Natakot ako nang husto dahil akala ko hindi kana darating. A-Akala ko, hindi mo na ako babalikan." Nanginig kong tinig na walang katapusan lamang ang pag patak ng luha sa mga mata ko. Wala akong narinig na anumang salita mula kay Dakila at tahimik lamang siyang nakikiramdam lamang. "Takot na takot ako mahal, natatakot ako na baka balikan ako ni Makisig at baka saktan niya ako m-muli. Ayaw ko na sakanya mahal, huwag mo akong ibigay sakanya, p-pakiusap." Ramdam ko na lamang ang pag mainit na palad ni Dakila na humaplos sa aking buhok at hinahaplos niya iyon na mag pagaan naman sa aking dibdib. Mabagal lamang ang pag haplos niya doon at puno ng lambing, para ipahiwatig na nandiyan lamang siya para sa akin. Pinapahiwatig niyang ligtas ako sa kanyang bisig. Iyon naman ang gusto kong maramdaman. "P-Pakiusap huwag mo akong ibigay kay Makisig, natatakot na ako nang husto sakanya." Impit na sumbong ko na lang sakanya at may naka barang laway sa aking lalamunan na hindi ako maka hingga ng maayos na sinasambit ang katagang iyon. "Hush." Pag aalo na lang sa akin ni Dakila na humigpit na lang ang yakap ko sakanya na maramdaman ko ang mainit niyang katawan na dumapo sa akin. "Nandito na ako mahal. Ipag paumanhin mo kong nahuli na akong naka dating, hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadya na danasin mo ang lahat ng ito. Huwag kanang umiyak, nandito na ako at hindi ko hahayaan na saktan ka pa ulit ni Makisig at kahit na sino. Pro-protektahan kita kahit anong mangyari." Humigpit na lang ang pag kakahawak ko sa damit ni Dakila at napaka sarap at gaan naman sa dibdib kong pakinggan na alam kong ililigtas niya ako. Alam kong handa niya akong ipag tanggol sa mga taong gistong manakit sa akin. Siniksik ko na lamang ang mukha ko sa leeg ni Dakila at naririnig ko ang kalabog ng kanyang dibdib, na parang musika naman iyon sa aking pandinig. Lumandas na lang ang luha sa aking mga mata at pinikit ko na lang ang mata ko. STILL LIGAYA'S POV "Mahal, mahal." Napukaw na lang ang malalim kong iniisip na marinig ang pag tawag ni Dakila sa pangalan ko. "Huh?" Wala sa sarili kong tinig na kina-baling ko naman ng tingin kay Dakila na naka upo sa harapan ko at animo'y hinihintay niya ang sagot ko. "Ano iyon?" "Ang sabi ko, ayaw mo ba ng niluto ko?" Malambing na tinig na lang ni Dakila na napa kurap naman ako ng aking mga mata na mapa tingin na lang sa lamesa, na naka handa na doon ang masasarap na pag kain. "Kanina pa kita kinakausap pero napaka layo ng iyong iniisip. Hindi mo rin ginagalaw ang pag kain sa pinggan mo mahal, may problema ba mahal?" Napa labi na lang ako sa sinabi ni Dakila napa tingin ako sa aking pinggan, na malamig na ang pag kain na naka hain doon na hindi ko pa ginagalaw. Napa sapo na lang ako sa aking mukha sabay nag pakawala ng malalim na buntong-hiningga na lamang. "Ipag paumanhin mo mahal, pero wala talaga akong ganang kumain ngayon." Tugon ko na lamang dahil kahit na rin ako, hindi ko maipaliwanag kong bakit wala talaga akong gana ngayon. Kahit napaka sarap at napaka takam ng mga pag kain na hinanda ni Dakila sa aming agahan subalit hindi talaga ako naka ramdam ng matinding pag kagutom. Malamlam na lang na tumitig sa akin si Dakila at ang mata'y nito napalitan lamang ng pag aalala sa naging sagot ko. "Kailangan mong kumain mahal, hindi kana rin naka kain kagabi. Tyaka wala ka pa rin na sapat na tulog," Tugon na lang nitong hindi na naka-kibo pa dahil tama nga naman talaga siya. Simula gabi hindi ako naka tulog ng maayos matapos ng nakaka takot na pangyayari. Sinubukan ko naman na matulog at ipikit ang aking mga mata para ipag pahingga man lang ang sarili ko kahit konti subalit sa tuwing pinipikit ko naman ang mata ko, nakaka takot na itsura lamang ni Makisig ang naalala ko. Ang nakaka kilabot niyang mukha ang sumasagi sa isipan ko. Natatakot ako na baka, sa pag pikit ko ng aking mga mata sakmalin niya na lamang ako. Natatakot ako, na baka pag mulat ko ng mga mata ko, nariyan na siya sa tabi ko. Bumabalik pa rin sa isipan ko ang nakaka-kilabot na sandali na panloloob niya sa balay namin. Naalala ko, kong paano niya ako saktan. Naalala ko ang pangyayari, kong paano niya ako pag samantalahan at ipilit sa bagay na ayaw ko na mag bigay takot at matinding trauma naman para sa akin. Ayaw ko na. Ayaw ko nang danasin pa iyon. Takot na takot na ako. Mariin ko na lang pinikit ang mga mata ko at sa pag mulat ko naman takot at kakaibang ningning na lamang ang gumuhit doon. "Gusto kong bumawi ka ng iyong lakas mahal. Hmm? Kumain ka pa rin kahit konti lang," sumandok si Dakila ng ulam at nilagyan niya ng gulay ang aking pinggan. Napakagat labi na lang ako at tumingin sa guwapo niyang mukha bago sumagot. "Sige, mahal," matamlay ko na lamang na tinig at kinuha ko naman ang kubyertos at nag simula ng kumain. Sumandok na lamang ako ng saktong portion lamang na kaya kong kainin at pag katapos sinubo na. Sa gilid naman ng mata ko pansin ko ang pag sunod ng mata ni Dakila sa akin na pinapanuod ako, sinisiguro na kakain talaga ako. Sunod-sunod na lanang ako ng pag subo ng pag kain mabagal lamang at wala pa rin na kibo. Nang masiguro ni Dakila na sunod-sunod na ang aking pag subo napag pasyahan niyang sabayan na rin ako. Katahimikan lamang ang bumalot sa aming dalawa ni Dakila sa hapag-kainan na tangi mo na lang maririnig ang tunog ng kubyertos. Ang aming tahimik na pag salo-salo kaagad naman napukaw na marinig namin pareho ang mahinang katok lamang sa pintuan. Napa tigil naman sa pag kain si Dakila na bahagyang nilapag sa pinggan ang hawak na kubryertos. "Sandali lang, mahal." Paalam ni Dakila na kina-tango ko naman. Mabilis siyang tumayo para pag buksan kong sino man ang bagong dating at narinig ko na lang ang mabigat na yabag ng paa niya papunta sa pintuan. Nag patuloy lamang ako sa pag tapos ng aking pag kain, hindi ko na kina-lingon pa kong sino ang dumating, na narinig ko na lamang talaga ang pag bukas ni Dakila ng pintuan at pag bati niya dito kong sino man iyon. "Magandang umaga, Tiya Belinda." Boses ni Dakila. "Si Ligaya?" Iyan na lang ang narinig ko na mabosesan ko kong sino iyon. "Nasa loob po, kumakain. Pasok po kayo, Tiya." Paanyaya na lang ni Dakila dito na kinakausap niya iyon at sunod ko na lang narinig ang yabag ng kanilang mga paa papasok. Nilapag ko muna ang hawak ko ng kubyertos at tumayo na lamang para salubongin ang pag dating ni Tiya. Pag harap ko sakanya, doon ko lamang nakompirma na hindi lamang siya nag iisa kundi kasama niya ang kapatid ko. "Tiya." salubong ko na lang na tawag at bago pa ako maka lapit sakanila, patakbo naman si Lira sa gawi ko at nagulat na lang ako nang niyakap niya ako nang buong higpit sa baywang. "Ate." Nanigas na lamang ang aking katawan sa pag kabigla na siniksik pa ni Lira ang sarili niya sa akin na ayaw niyang bumitaw. Lumapit naman sa akin si Tiya Belinda at naka sunod lamang si Dakila sakanya sa likuran nito. "Kumusta na Ligaya?" Salubong na tanong ni Tiya sa akin at may pag aalala sa kanyang mga mata. "Naka rating na sa akin ang balita na ginawa sa'yo ni Makisig at labis talaga akong nabigla sa ginawa niya sa'yo.. Kalat na kalat at napaka ugong na rin ang balita sa Nayon natin ang panloloob ni Makisig dito sa balay niyo." Mabibigat na lang ang pag hingga ni Tiya at isa lamang ang nakita ko sakanyang mga mata kundi ang labis na takot at pangamba lamang sa balitang naka rating sakanya. Napa kurap na lang ako ng mata ko at hindi naman ako mag tataka kong umugong na lamang ang balita sa lugar namin ang ginawa ni Makisig. "Maayos naman po ako Tiya at isa pa, niligtas ako ni Dakila." Mababa ko naman na tinig na kina-haplos ko naman sa buhok ng kapatid ko na hindi pa rin bumibitaw sa akin. "Pinag- alala mo talaga ako nang husto Ligaya. No'ng malaman ko kaagad ang balita na ginawa niya sa'yo, dali-dali naman kaming puntahan ka at alamin ang kalagayan mo," Nilapit pa ni Tiya ang sarili niya sa akin at maluha-luha na lang ang mata nitong hindi inaalis ang mata niya sa akin. Labis naman nadurog ang aking puso, dahil alam kong pinag aalala ko sila nang husto at lalong-lalo na rin ang kapatid ko. Hindi na rin ako mag tataka kong ganun na lang ang takot at pangamba nila na malaman ang ginawa sa akin ni Makisig, na kahit ako mismo hindi makapaniwala na makakagawa siya ng ganung karahasan sa akin. "Hindi ka naman sinaktan ni, Makisig ano? May sugat ka ba? Ano?" Kinuha ni Tiya Belinda ang kamay ko at sinuri ang kamay ko kong may natamo ba akong sugat o anumang galos sa katawan. Domoble ang pag aalala sa kanyang mga mata na kulang na lang maiyak na siya nang husto na hindi inaalis ang mata niyang inoobserhan ang katawan ko lamang. Hindi na lang ako kumibo at tahimik na pinapanuod na lang si Tiya. "Hayop talagang, Makisig na iyan! Noon pa man talaga may kutob na ako sa lalaking iyan, na hindi gagawa ng mabuti. Ikaw pa talaga ang pinunterya niyang saktan." May halong galit at gigil lamang ang tinig ni Tiya. "Hindi ko talaga siya mapapatawad sa ginawa niyang pag lalapastangan sa'yo! Mapapatay ko talaga ang hayop na iyan, kapag nakita ko siya. Sinasabi ko talaga!" Tumagis na lang ang ngipin ni Tiya at ang mata'y nito nabahiran ng galit lamang sa ginawa ni Makisig. Hinuli ko na lang ang kamay ni Tiya Belinda kaya't napa titig na rin siya sa akin. "Hayaan mo na po Tiya, at pinag babayaran na po ni Makisig ang kanyang mga kasalanan." Tugon ko na lamang. "Kahit na Ligaya, hindi pa rin dapat na gawin ni Makisig iyon sa'yo!" Giit na lanang na tinig ni Tiya Belinda at humigpit pa ang pag kakahawak niya sa aking kamay na gumuhit na lang ang matinding pag alala at takot na maalala na naman si Makisig. "Alam kong nag bigay trauma at matinding takot ang ginawa sa'yo ni Makisig pero huwag kanang mag alala pa at hindi kana guguluhin pa niya." "Ano na po ang nangyari kay Makisig, Tiya?" Mahina ko na lamang na tinig. "Usap-usapan ngayon, na dinala na ng mga tauhan ni Datu Magwat si Makisig at kinulong." Panimula ng sasabihin ni Tiya. Matapos kasi nang insidente na mawalan ng malay si Makisig, ilang sandali lamang at dumating na ang mga tauhan ng Dati at kinuha na siya ng mga ito. Hanggang ngayon wala pa rin kaming balita sa lagay ni Makisig o kong ano na nga ba ang nangyari sakanya. O saan siya dinala ngayon. "Huwag kanang mag alala pa Ligaya at ligtas kana. Hindi kana guguluhin at makaka lapit pa sa'yo si Makisig." Pinisil na lamang ni Tiya ang aking kamay na matamlay lamang akong ngumiti lamang. Kina-lingon ko naman ng tingin si Dakila na naka tayo lamang sa likod ni Tiya, walang kibo at hindi ko mabasa kong ano ba talaga ang tumatakbo sa isipan niya ngayon. Bumuntong-hiningga na lang ako ng malalim at kina-baling ko naman ng tingin kay Tiya. Sana nga po Tiya, Sana nga. **** Dapit alas singko na ng hapon napag pasyahan na umuwi ni Tiya Belinda at Lira, dahil may mahalaga daw silang aasikasuhin. Kahit papaano sa ilang oras nilang pananatili sa aming balay, nalibang naman ako nang husto sa pakikipag kwentuhan sakanila. Matapos nilang umalis, nag asikaso na rin kaming nag handa ng aming magiging hapunan. Sabay na kaming nag salo ni Dakila na kumain at pag katapos naman niligpit ko na ang pinag kainan naming dalawa at hinugasan na ko na rin iyon. Nag ligpit pa ako ng ilang mga kalat at ibang mga gawaing bahay, bago ko napag pasyahan na tumunggo na sa paliguan para maligo na. Mariin na lang akong napa pikit ng mata na bumuhos na lang sa katawan ko ang malamig at preskong tubig. Yumayakap sa akin ang matinding lamig na tumatagos sa balat ko dala ng malamig na ihip ng hangin, at basa na manipis tube dress na suot ko na pang ligo. Hinawi ko na ang basa kong buhok at hinayaan ko na lamang na tumutulo ang tubig mula sa aking balikat. Nag sabon na ako ng aking katawan at pag katapos nag banlaw na rin. Katahimikan ng gabi ang iyong maririnig na wala ng ibang tao ang dumaraan sa labas. Pag galaw at pag sayaw ng mga halaman at dahon ng mga puno sa bawat pag ihip ng hangin. Pinikit ko na lang ang aking mga mata at sumagi na naman sa aking isipan ang nakaka takot na mukha ni Makisig. Ang nanlilisik nitong mga mata na mag bigay pangamba at kilabot na lamang sa aking sarili. Nag simula ng manginig ang katawan ko sa takot at pilit kong kinakalimutan ang masamang alaala kong paano niya ako lapastanganin ngunit nabubuhay lamang ang takot sa aking puso. Minulat ko na lang ang mata ko uminit na ang mag kabila kong mata at dahan-dahan na tinaas ko ang kaliwang kamay ko. Naging intense ang pag hingga ko lamang na hinawakan ang parteng leeg ko, na mag paiyak pa lalo nang husto sa akin. Hinaplos ko ang aking leeg at nanikip naman ang puso ko na maramdaman pa rin ang marahas na pag halik ni Makisig doon. Nararamdaman ko pa rin ang mainit niyang labi at halik sa balat ko na mag pabigat pa ng aking pag hingga. Mamula-mula na ang mata ko at pilit kong hindi maging emosyonal at maiyak na lamang na maalala ang masamang bangungot na gusto ko ng kalimutan. Masamang bangungot na mag papasakit pa lalo sa akin. Kinuha ko na lang ang basang bimpo sa isang tabi at wala sa sariling pinunasan na lamang ang parteng leeg ko para alisin ang kumapit na dumi doon sa pag halik ni Makisig. "Dapat maalis kana, dapat maalis kana." Wala sa sarili kong wika at tuminggala ako para pigilan na lamang ang pag patak ng luha sa mga mata ko na walang tigil na lamang iyon kinukoskos. Paulit-ulit kong pinupunasan ang balat ko na medyo padiin at mabilis na paraan na mamula na iyon sa pag pupunas ko doon "B-Bakit hindi ka pa maalis-alis? Bakit?" Naiiyak kong tinig lamang na hindi ko na mapigilan na umagos na ang luha na kanina ko pa pinipigilan. "Nakaka diri ka! Ayaw ko nang damhin ang halik mo! Ayaw k-ko na." Iniling ko na lang ang aking ulo na walang humpay na kakaiyak lamang. Bumigat pa ang aking pakiramdam na kahit anong pag kuskos na ginawa ko hindi pa rin iyon maalis. Naroon pa rin ang mainit at marahas na pag halik doon ni Makisig na animo'y naka kapit na sa balat ko. Napa hagolhol na lamang ako ng pag iyak sa bigat at kakaibang kirot sa aking puso, na wala pa ring tigil na kinukuskos iyon na para bang pakiramdam ko may naka kapit na nakaka hawang sakit sa balat ko na gusto ko nang alisin. "Umalis kana. Umalis kana!" palahaw ko na lamang na pag iyak, na kahit malinis naman ang balat ko. Pakiramdam ko pa rin, naroon pa rin naka kapit ang mainit na halik at laway ni Makisig sa balat ko. Napa tutop na lang ako ng bibig para pigilan na kumuwala ang impit ko na pag iyak lamang kasabay ang pag bagsak ng daplis na luha sa mata ko at ang isa ko pa rin na kamay walang tigil pa rin na kinukoskos ang balat ko. Binilisan ko pa ang pag kuskos ko nang bimpo sa balat ko at sa pag kakataon na ito dumiin at naging marahas lamang iyon na hudyat masugatan ko na iyon sa walang tigil kong pag pupunas subalit wala na akong pakialam pa. Ang gusto ko na lang matagal na iyon. Ang gusto ko na lang maalis iyon sa para sa ganun, matahimik na ako. "Gusto kong mawala ka, d-dapat maalis kana! B-Bakit anong kuskos ko hindi ka pa rin matanggal-tangal ha? B-Bakit?" Palahaw ko na lamang sa pag iyak na manlabo na ang aking mata sa kaiiyak lamang. Pabilis na nang pabilis na lang ang pag kuskos na ginagawa ko sa leeg ko na hindi ko na ininda ang kirot at pag hapdi no'n sa paulit-ulit na ginagawa mo. "Bakit anong gawin k-ko, nararamdaman ko pa rin nag mainit mong h-halik? Ano ba dapat k-kong gawin? A-An——-" hindi ko na lang natapos ang anumang sasabihin ko na may marahas na humawak sa aking pulsuhan na hudyat matigilan na ako. Malakas niya akong hinatak paharap sakanya at sumalubong kaagad sa akin ang galit at may pag alalang mga mata ni Dakila. "Mahal, tama na ito!" saway niya na lamang na mapa iyak na lamang ako. "M-Mahal," basag ko na lamang na tawag sa kanyang pangalan na tumalim na lang ang paraan ng titig niya sa akin. Umiba ang mustra ng mukha ni Dakila na gumalaw na lang ang mata niyang tumigil sa parteng leeg ko, "Tangina talaga." Matinis na lamang niyang mura at nagulat na lang ako na marahas niyang inagaw sa akin ang bimpo at ako'y nabalik lamang sa readidad na mapa tingin sa bimpo na hawak nito, na mabahiran na iyon ng daplis na dugo. Nanikip na lang ang aking dibdib at maluha-luhang tumitig kay Dakila na hindi pa rin nag babago ang mustra ng mukha nitong madilim at pinag halong galit. Hindi ko na namalayan na nasugatan at nabahiran ng daplis ng dugo ang leeg ko na walang humpay na pag kukoskos doon. Hindi ko na ininda ang sakit at hapdi sa sugat na ginawa ko dahil nagingibabaw pa rin ang kirot at sakit sa dibdib ko na ginawa sa akin ni Makisig. Nanlamig na lamang ang buong katawan ko, at parang batang humihinggi ng tulong kay Dakila kong paano ko siya tignan. "s**t. Ano bang ginagawa mo?!" uyam nitong tinig at iritable na lamang nitong tinapon kong saan ang bimpo na hawak, na mapa-iyak pa lalo ako. Marahas na hinawakan ni Dakila ang mag kabila kong balikat at pinaharap sakanya. "Nararamdaman ko pa rin siya mahal." Basag ko na lang na tinig at dumaloy na lang na umagos ang daplis na luha sa pisngi ko. "Kahit anong p-pag kuskos na gawin ko nararamdaman ko pa rin ang mainit na halik ni Makisig sa balat ko." pag bibitin ko na lamang na unti-unting gumaan ang aura ni Dakila. Ang mata nitong galit at napaka dilim naging malambot at nabahiran ng pag aalala kong paano niya ako tignan ngayon. "Mahal," mababa na tinig na tawag niya sa akin. "G-Gusto kong alisin iyon mahal. Gusto kong alisin na ang marka na binigay sa akin ni M-Makisig, gusto kong alisin para maalis ang bigat na naka pasan sa dibdib ko. Ayaw ko na siyang marandaman m-mahal. Ayaw ko na," iniling ko na lang ang aking ulo at parang may naka tarak na kutsilyo sa dibdib ko, habang sinasabi ang katagang iyon. "Napaka sakit kasi eh, pakiramdan mo ang dumi-dumi ko na. Gusto ko lang naman alisin eh. Dapat dito, kuskosin ko pa nang mabuti para sa ganun maalis na talaga siya ng t-tuluyan," umagos na lang ang bakas na luha sa mata ko at gamit ang isa kong kamay pinag kukuskos ko iyon nang madiin at pwersa na paraan ang leeg ko na marinig ko na lang ang matinis na mura ni Dakila kasunod. "Mahal, tama na," pakiusap na lang ni Dakila na mababang tinig na pilit na inaalis nito ang kamay kong kinu-koskos pa rin iyon nang paulit subalit nag pumiglas ako sakanya. "Tama na nga sabi, mahal!" tumaas na ang boses ni Dakila ng konti na pilit kong inaalis ang kamay niyang pumigil sa akin subalit patuloy akong nag pupumiglas pa rin na gawin ang gusto ko. Lalo pa tuloy akong napapa-hagolhol ng iyak na manlaban pa talaga ako kay Dakila sa bawat hatak at pigil ng kamay nitong naka hawak sa balat kong kinukoskos ang leeg ko. "H-Hindi, a-aalisin ko siya mahal. Aalisin ko!" impit ko na lang na iyak na marahas na kinukoskos pa rin ang balat ko na sanhi dumugo na iyon. "Aalisin ko ito, maha---Ahh!" impit ko na lang na hagolhol nang pag iyak na walang kahirap-hirap na hinuli ni Dakila ang kabila kong pulsuhan at niyakap niya na lang ako nang mahigpit at kinulong sa kanyang bisig na mapa lahaw pa lalo ako sa iyak. "Ano ba! Bitawan mo ako, mahal! Ang sabi ko bitawan mo ako!" malakas na sigaw, na pilit tinutulak paalis si Dakila para bitawan niya ako subalit hindi niya ako binibitawan. Napaka bigat na ng aking dibdib at pakiramdam ko sasabog na ako sa sakit ng aking puso na hanggang ngayon hindi niya pa rin ako binibitawan. Kailangan kong maialis ito. Ayaw ko na. Ang sakit-sakit na. "Tulungan mo akong alisin ang marka ni Makisig sa balat ko, mahal. Tulungan mo a-ako." impit ko na lang na pakiusap sakanya at naramdaman ko ang pag haplos sa likod ng aking ulo na mag pagaan naman ng nararamdam ko. "Tama na mahal, tama na," malambing na pag aalo niya na lang sa akin na humigpit na lang ang pag kakahawak ko sa kanyang damit. "Pakiusap, tama na. Wala na si Makisig, wala na siya. Hindi ko hahayaan na maka lapit pa siya sa'yo at guluhin pa tayo. Nandito lang ako mahal, nandito lang." tanging hikbi na lang ang aking sinagot sakanya at unti-unti ako naging kalmado. Lumandas na lang ang huling luha na pumatak sa aking mga mata at sinisiksik ko na lang ang katawan ko sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD