Chapter 44

4950 Words
Chapter 44 LIGAYA'S POV "D-Dakila," iyan na lang ang nasambit ko na naka tingin sa madilim at nakaka takot niyang mga mata. Bigla kaagad ako nangilabot na hanggang ngayon hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ni Makisig na hawak-hawak niya pa rin at pinapatay niya ito sa talim at sama kong paano tignan. Mariin na lang ako napa lunok ng laway at namumuo na ang tensyon sa pagitan nilang dalawa lalo't si Makisig walang kibo pa rin ngunit nakikipag kompitensiyahan ito ng matalim na tingin kay Dakila, na animo'y nakikipag laro ito sa paraan na titig nito. Dumaplis na lang ang malamig na pawis sa aking noo na napako na lang ang tingin kay Dakila sa huling pag kakataon ngunit, walang bahid na emosyon siyang pinapakita. Kay talim ng titig niya kay Makisig na nag papahiwatig na hindi niya nagustuhan kong ano man ang kanyang nasaksihan. Ngayon ko lang nakita na magalit ng ganito si Dakila na mas nakaka kilabot ang kanyang itsura. Ilang beses ko na siyang nasaksihan na magalit subalit iba ito ngayon. Mas nakaka takot siya, na para bang napaka bangis niyang nilalang na handang pumatay ng tao na kanyang nanaisin. "Dakila," mapag larong ngisi sa labi na lang na naiwika ni Makisig, wala siyang takot na naramdaman sa tagos na paraan na titig sakanya nito. "Kahanga-hanga hindi ko inaasahan na darating ka, hindi mo tuloy naabutan ang ginawa ko sa asawa mo." pinakita na lang ang pilyong ngisi sa labi. Kina-lingon ko naman si Dakila na walang kibo sa sinabi ni Makisig, na naging slow-motion lamang ang pag galaw ng kanyang ulo at binaling niya ang tingin niya sa akin. Napa kurap na lang ako ng aking mata na mag tagpo ang titig naming dalawa at wala akong nakuhang anumang emosyon doon kundi napaka lamig lamang. Pinanindigan ako ng balahibo sa katawan sa malamig na emosyon at kay dilim ng aura nito na kahit ako mismo natakot na rin lalo't ibang-iba na siya ngayon. Umigting na lang ang panga ni Dakila at binalik niya ang tingin kay Makisig at sumukli na lang siya ng mapanganib na ngisi sa labi nito. "Nakita ko nga ang ginawa mo sa asawa ko." Gumuguhit na lang ang lamig na tono nito na kina-kunot naman ng noo ni Makisig, hindi niya lubusang akalian na magiging kalmado ito matapos ng mga naabutan niya. Umayos na lang ng tindig si Dakila at hindi inaalis ang mata kay Makisig. "Ngayon, ako naman ang maniningil sa'yo!" Sa isang iglap naging maging mabangis ang mata nito. "Tangina mo talaga." Tumaas ng konti ang tinig ni Makisig at naka handa na ang isa niyang kamao na itatama sa mukha ni Dakila at parang kisap-mata kabilis ang kanyang atake subalit, hindi nito inaasahan na napa ungol na lamang siya sa sakit na walang kahirap-hirap na pinilipit ni Dakila ang kamao na hawak nito. "Ahh tangina!" Umalingawngaw na lamang ang malakas nitong sigaw sa loob ng aming balay, na mamula na ang mukha nito na nanunuot sa kanyang laman ang kirot. Napaka lamig lamang ang mata ni Dakila, na naka hawak pa rin sa kamao na kahit hindi naman masyado malakas ang pag kakapilipit niya doon na labis naman itong nasasaktan. Pinag halong galit at sakit ang mukha ni Makisig, na pilit niyang binabawi ang kamao sa pag kakahawak nito subalit gamitan niya man nang lakas at pwersa, may kong anong enerhiya na hindi niya mabawi iyon. "Ahh." Pinilig na lang ni Makisig ang kanyang ulo na nasasaktan na ito nang husto na hanggang ngayon kinikilos ni Dakila ang kamay na pinilipit pa rin ito kaya't lumabas na lang ang ugat sa kanyang leeg. Kumalampag na lang ang katawan ni Makisig na hindi na matiis ang sakit at kirot lamang na nanunuot sa kanyang laman. "Hayop ka talaga, Dakila! Hayop ka!" Matinis na mura nito sa sakit na kay talim na pinukulan niyang titig dito subalit si Dakila kalmado lamang na animo'y nakikipag laro lamang dito. Nangalaiti na sa galit at inis si Makisig na walang binatbat ang kanyang lakas kumpara kay Dakila. Tumiim-baga na lamang ito at hinanda niya ang kabila niyang kamao na iambang na suntukin si Dakila sa mukha, ngunit parang hangin lamang na kabilis na kumilos si Dakila na umilag sa atake nito. Nanlaki lamang ang mata ni Makisig sa pag kabigla na hindi niya inaasahan na makaka iwas ito kaya't gumuhit na lang ang matinding galit sa mata at porsigedo na patayin si Dakila, na sunod-sunod siyang umatake nang suntok lamang subalit nakaka iwas at ilag naman si Dakila sa bawat tama nito. "Papatayin kitang putangina ka! Hayop! Hayop!" Dumaongdong na lang ang nakaka hilakbot na sigaw ni Makisig at napaka dilim na ng kanyang aura na mas nakaka takot na ito kumpara kanina. Kinuyom na lang ni Makisig muli ang kaliwang kamao at inipon ang buong enerhiya na inambang na suntukin si Dakila muli na bago pa ito tumama, namilog na lang ang mata ni Makisig na hindi niya aakalain na mauunahan siya nito. Hinatak ni Dakila nang kay lakas ang kanang kamao ni Makisig na hawak niya pa rin at pag katapos lamang na sinipa niya nang ubod ng kay lakas ang dibdib nito na mapa-ungol na lang si Makisig. "Ahh." Mahinang daing na lang nito na napa atras na lang nang dalawang hakbang si Makisig sa lakas nang impact ng pag kakasipa nito. Mariin na lang na napa lunok ng laway si Makisig at napa hawak siya sa kanyang dibdib na dinarama pa rin ang malakas na pag kakasipa sakanya ni Dakila, na lalo pang umigting ang panga nito sa irita lamang. Maipipinta na sa mukha ni Makisig ang sakit sa mukha, subalit umayos na lang siya nang tindig na para bang walang nangyari at pinakita muli na hindi siya nasaktan sa malakas na atake nito. Lalo pang dumilim at mas nakaka takot ang mata ni Makisig na napipikon na ito na naisahan na maman siya ni Dakila. Pinosisyon niya muli ang kanyang katawan at kamao na handa na muling sumugod, at hindi niya matatanggap para sa sarili niyang mapapatumba na naman siya ni Dakila. Kinuyom pa ni Makisig ang kanyang kamao at mabilis lamang na sumugod siya sa gawi ni Dakila at inambangan ito nang sunod-sunod na suntok lamang. Naging mabilis ang sagutan nila ng suntok at palitan nang atake sa isa't-isa na manginig na lang ako nang husto na pinapanuod silang nag aaway sa harapan ko. Sa bawat segundong lumilipas lalo lamang dinadaga at bumibigat ang aking pag hingga lalo't umaapoy ang tensyon sa pagitan nila ngayon. Nanginig na ang kalamnan ko sa takot lamang na baka mag kasakitan silang dalawa at mauwi ito sa madugong away. Kilala ko si Dakila at kahit na rin ang kanyang kakayahan sa pakikipag-away at nababasa ko kaagad sa kanyang mukha na hindi niya papalampasin ito kagaya rin ni Makisig. "T-Tama na, Makisig." Mahinang tawag ko na lang kay Makisig na gumilid na ang daplis na luha sa mata kong tinignan siya ngayon para tumigil na. Para na siyang sinapian ng demonyo na galit na galit at nakikita ko sa mata niya na determinado talaga siyang pabagsakin at patayin si Dakila pag katapos ng away na ito. Nangangamba ako nang husto lalo't alam ko sa sarili ko na isa lamang ang mananalo sa away nilang dalawa. Isa lang ang matitirang buhay kaya't natatakot ako para kay Dakila. Ayaw ko siyang masaktan at mapa hamak. "P-Pakiusap, Makisig, tigilan mo na ito." Basag ko na lamang na tinig na bumigat na naman ang aking pag hingga lalo't wala akong nakuhang sagot sakanya. Tama na. Huwag na kayong mag-away! Bumagsak na lamang ang butil ng luha sa mata ko at aaminin kong nanlamig na ang palad ko sa takot at pangamba na yumakap sa akin. Kina-baling ko naman ngayon si Dakila na maanggas lamang naka tayo sa harapan ni Makisig, at wala man lang ako nakita na takot para sa kanyang sarili lalo't hagok na hagok si Makisig na gantihan siya nito. "Tangina mo, Dakila!" Sigaw na lang ni Makisig na inambangan nang malakas na suntok si Dakila subalit kaagad naman naka iwas si Dakila. Pangalawang atake na suntok muli ni Makisig na maka-iwas ito muli kaya't sumiklab na lang ang galit sa kanyang mga mata na hindi siya maka tama. Inambangan niya ng pangatlong suntok ito subalit, hindi niya inaasahan na naunahan na siya ni Dakila na maliksing kumilos at malakas siyang siniko sa ulo nang kay lakas na mahilo ito sa lakas ng impact. Hindi pa nakuntento ito na walang pag alinlangan lamang na hinawakan ni Dakila ang sa ulo, para hindi na maka takas pa, at inumpog na lang kay lakas ang ulo ni Makisig sa pader, na maririnig mo na lang ang nakaka sindak na tunog ng pag tama no'n. "Ahh." Malakas na ungol na lamang ni Makisig, na wala na itong lakas pang maka ganti sa sunod na atake sakanya ni Dakila. Mabilis ang galaw ni Dakila na hinanda na ang kanyang kamao na sinikmurahan na lamang si Makisig nang dalawang beses na mapa-ubo at mapa igtad na lang ito sa sa sakit. "Ugh." Daing na lang nitong muli na namula na ang mukha nito sa labis na sakit at wala ng lumabas na tinig sa kanyang bibig. Hindi na maipinta ang mukha ni Makisig sa kirot na nanunuot sa kanyang laman sa sunod-sunod na atake sakanya ni Dakila. Hindi pa doon natapos ang pag papahirap na ginawa niya kay Makisig na kinuyom na lang ni Dakila ang kamao niya at ilang beses na tinamaan na pinag susuntok nito ang tagiliran ni Makisig na animo'y babaliin niya iyon na walang humpay niyang pinapahirapan. "Ugh!" Daing na lang ni Makisig sa sakit lamang na naka hawak nang mahigpit sa braso nito para hindi na maka takas pa, at ang mata ni Dakila sumiklab na sa galit na walang humpay niyang binabasag ang tagiliran sa malalakas na suntok na mapa daing ito ng malakas. "Tangina mo!" Kumilos ang katawan ni Dakila muli na hinigpitan niya ang pag kakahawak sa braso nito at hindi pa siya nakuntento na inanggat niya ang katawan nito sa ire na parang papel lamang kagaan na binalibag ito nang kay lakas. Maririnig mo na lang talaga ang nakaka hindik na pag tama ng katawan ni Makisig na bumagsak sa lamesa, at sunod na tunog ng pag kahulog ng katawan nito sa malamig na sahig. Mabibinggi kana lang talaga na umalingawngaw na lang na tumilapon at mahulog ang pag kain at mga pinggan na naka patong sa lamesa, na masagi nito. "Ahh." Walang katapusan na daing na lang nito na namimilipit na parang uod ang katawan nito sa sakit. Luhaan ang mata kong pinapanuod ngayon si Makisig na wala nang lakas pang kumilos sa sama ng kanyang pag bagsak lamang, na mag panuot na lang sa kalamnan ko ang mabigat na yabag ng paa lamang. Nakaka kilabot ang yabag ng paa na aking naririnig kaya't kina lingon ko naman na hinanap kong saan iyon nag mumula at ako'y mapa lunok na lang ng laway na maramdaman ko ang presinsiya ni Dakila, na maanggas at nakaka hilakbot ang kanyang itsura ngayon ma kay talim na pinapanuod si Makisig na naka handusay sa sahig. Wala siyang naramdaman na awa sa kanyang mga mata at ito lang ang nakita. Sumilay na lang ang mala-demonyong ngisi sa labi ni Dakila na animo'y nasisiyahan pa siya sa kanyang pinapanuod ngayon. DAKILA'S POV Mabigat lamang ang yabag ng paa ko na pinapanuod si Makisig na ngayo'y namimilipit na sa sakit. Parang napaka sarap na musika na aking pinapakinggan ang kanyang pag ungol na nahihirapan at nasasaktan. Hinakbang ko na lang ang paa ko palapit sakanya na kina-kilos naman ng katawan nito na bumangon. Mabagal lamang iyon subalit, pinipilit niyang kumilos sa abot ng kanyang makakaya na naka pikit pa ang isang mata ni Makisig. "Bumangon ka riyan!" Nakaka takot na tinig ko na lamang na inuutusan ito na hindi inaalis ang mata ko sakanya. Kay dilim na nang mustra ng aking mukha at ang aking mata'y nabahiran ng galit na hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nalilitis. Ako dapat ang mag papahirap sakanya! Ako ang hahatol sakanya, kong hanggang saan dapat danasin niyang pag papahirap sa aking mga kamay! Mala-demonyong ngisi na lang ang sumilay sa aking labi na pinapanuod si Makisig na bumabangon mula sa kanyang pag kakahandusay. Matagumpay siyang naka tayo lamang ng maayos at naka hawak siya sa kanyang tagiliran na dinarama pa rin ang malalakas kong atake sakanya. Ano masakit ba? Hindi pa ako tapos sa'yo, Makisig! Nag sisimula pa lang ako sa'yo! Tumiim-baga na lang si Makisig, na hindi na mawala-wala ang mata nitong mapanganib at kay talim, na hindi niya matanggap na napa bagsak ko na naman siya! Napaka hina niya naman! Iyon na ba ang lakas niya? Iyon na ba ang kakayahan niya sa pakikipag laban? Nakaka-bagot naman pala kong ganun! Matapang ang kanyang mukha at umigting na lang ang panga nito sa inis lamang. Palihim ko lamang pinag aaralan ang kanyang kilos at galaw at tantya kong hindi na mahirap sa akin na patumbahin ang isang kagaya niya. "Tangina mo!" Matinis na mura nitong napa anggat na lang ako ng labi at mabilis na sumugod muli sa akin si Makisig. Sunod-sunod ang kanyang bawat atake na mga suntok na kaagad naman akong nakaka-iwas at depensa lamang na lalong lumalim ang galit at kagustuhan niyang mapa tumba na lang ako. Nakikipag laro lamang akong umiiwas at umilag sa bawat suntok niyang at hinanda niya na ang kamao niyang iambang isusuntok sa akin, at bago pa tumama iyon sa pag mumukha ko hinanda ko na ang kamao kong kanina pa naka abang at inambangan siya nang malakas na suntok lamang at na mabilis itong naka ilag. Tangina. Maliksi at naging mabilis ang sagutan naming dalawa ng suntok sa bawat isa na walang gusto mag patalo. Tumama muli ni Makisig ang malakas niyang depensa na suntok muli sa akin, at hinarang ko na lang ang aking kamay na sinangga sa atake niya na tumagis na lang ang aking panga sa galit. Kinuyom ko na lang nang mariin ang aking kamao at nakaka ilag na si Makisig sa bawat suntok ko. Pangalawang mag kasunod na suntok ang pinaulanan ko sakanya subalit, niyuko na lang nito ang kanyang ulo at umilag na lamang. Pang huling atake ko na malakas na pwersa nang suntok, na maliksi ang kanyang katawan na umilag at hindi ako naging handa na kanina pa pala nag hihintay ang kabila niyang kamao at tinamaan niya ako nang malakas na suntok sa pisngi. "Ah, tangina." Matinis ko na lang na mura na napa atras ng isa kong paa sa lakas nang impact ng kanyang kamao na nanuot sa laman ko ang sakit. Domoble ang galit sa aking mata na ngayo'y pangisi-ngisi lamang si Makisig na naka posisyon sa harapan ko at nasisiyahan na naisahan niya ako. Ang lakas niya palang sumuntok ah! Bilib din ako sa kanyang kakayahan! Pinagalaw ko na lang ang aking panga na mabahiran ng daplis na sugat ang gilid ng labi at dinura ko na lang ang bakas ng dugo sa sahig, na hindi naputol ang mainit na tensyon sa pagitan naming dalawa. "Ito pala ang gusto mo, pwes pag bibigyan kita!" Tumalim na lang ang aking titig na kumuha na lang pwersa at diniin ko ang paa ko sa sahig at mabilis na lamang na kumilos pasugod sakanya. Sunod-sunod ang ginawaran kong atake na suntok na nag papalitan ang kaliwa at kanan kong kamao na binibigyan siya nang malalakas na atake lamang. Napapa atras na lang ng paa si Makisig sa lakas nang impact na, hindi niya makontrol ang aking mga kilos na dinedepensahan na hinaharangan niya iyon sa pamamagitan lamang ng pag sangga ng kanyang mag kabilang kamay na pino-protektahan niyang hindi dumaplis ang suntok ko sa mukha nito. Naging malilikot na ang mata ni Makisig, hindi rin siya nakaka hanap ng tyempo na maka lusot na umatake sa bilis at liksi ng katawan kong kumikilos na pinapaulanan siya nang mag kabilang mga suntok at sipa lamang. Inipon ko ang lakas kong inambangan muli siya ng malakas na suntok, na mapa-ngisi na lang ako nang malawak na napa atras na lang siya ng kabila niyang paa sa lakas nang impact at hindi pa ako nakuntento na mabilis na lumapit sakanya at hinawakan ko ang kanyang ulo at tinuhod ko na lang nang paulit-ulit ang kanyang mukha, na hindi na siya naka kilos pa. Maririnig ko na lang ang napaka sarap na tunog na tumatama ang tuhod ko sa mukha nitong, nag bibigay gaan na pakinggan para sa akin na hindi ko na binigyan siya ng pag kakataon na maka kilos sa aking mga atake. Kinuha ko na lang ang lubid na naka sabit sa isang tabi at hinawakan iyon sa mag kabilang dulo na ginawang armas iyon. Sumagot rin nang malakas na suntok si Makisig na mabilis akong naka ilag at pangalawang atake na binigyan niya ako ng side kick na mabilis kong sinangga ang lubid na hawak ko na tumalim ang mata nito sa galit. Pang dalawang atake na gagawin sana ni Makisig na mabilis kong hinigpitan ang pag kakahawak sa lubid na hawak ko nilapat iyon sa kanyang leeg at kay lakas nang aking pwersa na sinampa na lang ang katawan niya nang kay lakas sa malamig na pader na tumama na lang ang likod nito doon. Buong higpit ko sa lubid at diniin ko na lang na nilapat iyon na sinasakal siya sa paraan na pwersahan kong ginagawa iyon, na gumanti rin si Makisig na nilalabanan ang malakas kong pwersa. Namula na ang mukha ni Makisig at lumabas na ang ugat sa kanyang leeg lamang na nabahiran ng sariwang dugo ang gilid ng kanyang pisngi at may bakas na tama at sugat ang kanyang mukha lamang. "Haha anong gagawin mo sa akin, Dakila? Papatayin mo ako? Sige gawin mo na!" Matapang na asik na lang ni Makisig, na humigpit pa lalo ang pag kakadiin ng lubid sa leeg nito na sumikip na lang ang kanyang pag hingga. Hirap na hirap na si Makisig na nilalabanan ang lakas ko, subalit nagawa niya pa rin mag tapang-tapangan. Namula na ang mukha ni Makisig na puno ng galit lamang iyon, na nag pupumiglas siyang maka wala sa pag kakasakal ko sakanya ng lubid. Nilapit ko pa lalo ang mukha ko sakanya at isang pilyong ngisi na lang ang gumuhit doon. "Oo, papatayin kita!" lumabas na lang ang nakaka gimbal na tinig kong, kina-higpit ang lubid na hudyat umanggat na lang ng konti ang katawan ni Makisig na sarap na sarap naman akong pinapanuod siyang kinakapos at nahihirapan. Umigting na lang ang panga ni Makisig at hindi na maipinta ang mukha nito sa sakit at hirap lamang. Nanginig ang kamay nitong humawak sa parteng lubid na naka diin sa leeg nito at pilit na inaalis iyon, sa abot ng kanyang makakaya. Nakipag kompitensiyahan rin ako sakanya na sa bawat pag hatak niya ng lubid paalis, iyon din ang pag diin ko doon na hudyat bumigat na lang ang pag hingga nitong kinakapos na. Lalo pang gumuhit sa aking mata na determinasyon na kitilin siya sa aking mga kamay. "Ugh, tangina mo talaga Dakila!" matapang na asik ni Makisig sa pagitan na nahihirapan. "Tandaan mo itong hayop ka, babalikan kita!" banta na lang nitong naka hawak ng mariin sa lubid. "Babalikan mo ako?" umanggat na lang ang labi ko na animo'y nag iinis pa. "Hihintayin ko iyon Makisig pero sa ngayin ikaw muna ang pag lalaruan.. Paunti-unti kitang pahihirapan sa kamay ko hangga't ikaw na mismo ang humuling sa akin na tapusin ko na ang buhay mo, Makisig!" bumitaw na lang ang nakaka kilabot kong ngisi sa labi na magimbal na lang ang buong pag katao ni Makisig sa takot lamang. Ganiyan nga! Matakot ka! Iyon naman ang inaabangan ko, ang matakot ka sa iyong buhay! At babawiin ko iyon sa'yo. "Tangina mo t-talaga ugckk!" matinis na mura na akmang susugod muli subalit diniin ko pa ang lubid na mapa ungol na lang itong kinakapos na umiba na ang mukha nito. Hirap na hirap na si Makisig at lalo pang nauhaw ako sa kagustuhan na panuorin siyang kinakapos sa pag hingga. Paunti-unti siyang nalalagutan ng hiningga sa harapan ko. "Ano masarap ba? Ito ba ang gusto mo, huh?" pag iinis ko lamang at sa isang iglap ang mata ko nabahiran ng galit at talim. Hindi pa ako tapos at kinawit ko ang lubid sa kanyang leeg, na ginawang kwentas iyon at pag katapos hinigpitan ko pa lalo ang pag kakahawak doon na hudyat sumikip iyon na nasasakal na siya. "Ugchhk." Tila ba'y manok na kinakapos sa hiningga na hinigpitan ko pa lalo ang pag kakasakal ng lubid sa leeg niya kumalampag pa ang katawan nitong hirap na hirap ng humingga. Lumawak na lang ang nakaka gimbal na ngisi sa labi ko at hindi pa ako nakuntento na hinatak ang lubid nang kay lakas na madala ang katawan nito, at kay lakas na hinampas ang ulo nito sa pader na maririnig mo na lang ang nakaka gimbal na tunog at pag katapos hinila ko ang katawan nitong inumpog pa muli ang kanyang ulo sa kabilang kanto ng pader na mapa ungol na lamang ito sa sakit. Hindi ko na siya binigyan pa ng pag kakataon pang maka ganti at sunod na atake ko na lamang, na lumitid na ang ugat sa leeg ko sa lakas ng pwersa na hinatak na lang ang lubid at inanggat na lang ang katawan ni Makisig ng walang kahirap-hirap na binalibag iyon kong saan lamang. Maririnig mo na lang talaga ang nakaka kilabot na pag bagsak ng kanyang katawan sa malamig na sahig na nag pagulong-gulong pa ang katawan nitong tumilapon lamang. Kahit hinang-hina na ang katawan nito at marami ng daplis ng sugat at dugo ang katawan nito, nagawa pang itukod ni Makisig ang kaliwa niyang paa at kamay sa sahig, bago pa tumama ang katawan niya sa malamig na pader. Bumigat na lang ang pag hingga nitong kina-baling ng tingin niya sa akin na ngayo'y ang mata umaapoy na samantala naman ako maanggas na naka tayo na pinapanuod siyang puno ng sugat at dugo. Pinosisyon ko na ang katawan ko at maliksi na sumugod sa gawi ni Makisig na sinipa na lang siya subalit mabilis na inalis ni Makisig ang lubid na naka sakal sakanya at naka ilag. Pinatid ko na lamang ako na niyuko pa niya ang kanyang sarili na kaagad naman akong napa talon na naka iwas sa atake nito. Pangisi-ngisi pang tila ba'y parang nababaliw ang itsura ni Makisig ngayon na gumuhit ang determinasyon sa kanyang mga mata. Sumugod muli si Makisig sa akin na nag double kick itong sinipa na lang ako na naharangan ko ang kanyang kaliwang paa na atake. Umikot na lang si Makisig na inambangan ako ng dalawang mag kasunod na sipa na naharangan ko ang atake nitong kilos. Pomisyon na lamang si Makisig na pomorma sa harapan ko at nilabas na lang sa kanyang likod ang kinukubli nitong patalim na hawak. tangina talaga. Humigpit na lang ang pag kakahawak ni Makisig sa patalim at maliksi siyang sumugod na inambangan ako nang mag kasunod na atake, na mabilis naman akong nakaka iwas. Atras lamang ako nang atras at walang katapusan na tinatarak niya sa akin ang patalim na naiiwasan ko naman kaagad iyon. "Mamatay kana!" sigaw na lang ni Makisig na nangalaiti sa galit na hindi pa rin maka tama at pasugod na tinarak sa akin ang kutsilyo na mabilis ko naman nahawakan ang kamay niyang may patalim. Humigpit na lang ang pag kakahawak doon na nilalabanan ko ang pwersa at lakas niyang inaagaw iyon sakanya subalit, hindi pa rin niya binibitawan iyon. Nag kompitensiyahan na kami ng lakas sa isa't-isa na walang gustong mag patalo. "Papatayin talaga kita, Dakila. hahaha!" tila ba'y nababaliw na pag tawa na lang nitong napa sigaw na lang ng malakas at ginamit niya ang lakas niyang ibaon ang patalim sa aking dibdib. Tumalim na lang ang mata kong na nakikipag agawan pa rin doon at tinutulak ko na lang palayo ang kutsilyo sa akin subalit mas porsigedo siyang ilapat ang talim sa dibdib ko. Humigpit na lang ang pag kakahawak ko sa kutsilyo at ilang pulgada na lang kalapit ang talim na lalo pang naging hagok si Makisig na ilapat iyon sa aking dibdib. "Hahaha!" lumitid na lang ang ugat ko sa leeg at lumabas na ang muscle ko braso na nilalabanan ang lakas ni Makisig na bago pa tumarak ang talim sa laman ko, na inambangan ko nang mag kasunod na malakas na suntok lamang sa mukha si Makisig. Walang tigil ko na lang pinag susuntok ang kanyang mukha na bumulwak na lang ang dugo sa kanyang ilong at ang mahinang pag ungol na lang nito sa sakit. Walang humpay ko na lang siyang pinapahirapan hanggang tuluyan nang mawalan ito ng lakas na pwersa na naka hawak sa patalim kaya't doon naman ako naka hanap ng pag kakataon na kumilos. Humigpit na lang ang pag kakahawak kong naka agaw pa din sa patalim at nilihis kong ginalaw ang kamay ko kaya't tumarak na lang ang kutsilyo sa pader. "Putangina mo talaga!" hinugot na lang ni Makisig ang patalim na naka tarak sa pader at mabilis siyang kumilos ang kamay nito at napa ungol na lang ako na dinaplisan niyang tinarak ang kutsilyo sa aking balikat. "Tangina!" mura ko na lamang na sinilip ang aking balikat na ngayo'y umagos na lang ang malapot na dugo doon sa aking kamay na hindi ko na lang ininda ang sugat at hapdi. Duguan na ang mukha ni Makisig na sumugod siyang muli, na ambang itatarak muli ang patalim na mabilis akong naka iwas. Pangalawang atake na ambang niyang itatarak ang patalim sa aking dibdib na mabilis na lang kumilos na nahawakan ang kamay nitong may hawak na patalim. "Papatayin na talaga kita sa pag kakataon na ito, Dakila!" mala demonyong ngisi sa labi ni Makisig na imbes matakot pinakita ko na lang ang nakaka takot na ngisi sa labi ko. "Talaga ba, Makisig?" anito ko. "Pwes, pasensiyahan tayo ngayon!" sinipa ko na lang nang kay lakas ang tuhod ni Makisig, na bumagsak na lang ang kaliwang balikat nito sa sakit at kasabay ang nakaka hindik na sigaw. Walang pag aalinlangan na pinilipit ko na lang ang kanyang kaliwang kamay nang sobrang lakas na mamilipit ito sa sakit. "Tangina mo! Ahh!" Binali ko na lang nang walang kahirap-hirap ang kamay nito na sanhi mabitawan na lang nito ang hawak na patalim at bago bumagsak sa sahig, mabilis kong nasalo ang kutsilyo na walang pag aalinlangan lamang na tinarak ko nang kay lakas ang kutsilyo sa kanyang dibdib. "Ahh tangina." Matinis na lang na mura ni Makisig, na hindi na maipinta ang mukha. Hindi pa ako nakuntento na binunot na lang ang patalim at tinarak muli sa laman nito na mapa igtad na lang ito sa sakit. Bumulwak na lang ang sariwang dugo at paulit-ulit kong tinarak at binunot ang patalim sa dibdib nito na maririnig mo na lang talaga ang nakaka hindik na tunog lamang ng kanyang laman na animo'y hinihiwa. Nanlisik na ang mata ko sa galit na walang humpay na pinag sasaksak na lang si Makisig at binunot ko nang kay lakas ang patalim kaya't dumaplis na lang na tumalsik ang dugo nito sa aking leeg at damit na parang wala lamang sa akin iyo "Putangina mo!" hirap na mura ni Makisig na kinilos niya ang katawan na gagantihan sana ako subalit sunod ko naman na pinunterya ang hawak pa rin nitong kamay at doon ko binaon muli ang patalim sa kanyang kamay, na mapa igtad na lang ito sa sakit. "Ahh!" hiyaw na lang sa sakit ni Makisig na hindi na nito matiis ang kirot at sakit lamang. Gumuhit na mapanganib sa aking mata na hinugot muli ang patalim at binaon pa ito lalo sa laman nito na maririnig mo na lang ang malakas na sigaw ni Makisig sa kailaliman ng gabi. Binunot ko pa ang kutsilyo at binaon pa iyon nang kay lakas na mapa lahaw ito sa sakit, sabay hinila ang patalim na naka baon sa laman nito paakyat sa kanyang braso na kinalampag na lang ni Makisig ang katawan niya sa sakit lamang. "Ahhh! Hayop ka talaga, Dakila!" Sigaw na lamang nitong namimilipit na sa sakit at binunot ko muli ang kutsilyo at huli kong pinatamaan na tinarak na lang ang patalim sa balikat nito na bumulwak na parang gripo na umaagos ang malapot na dugo nito. "Putangina mo t-talag---- hindi ko na siya pinatapos pa ng sasabihin na malakas ko na lang na sinipa nang kay lakas ang kutsilyo pabaon sa kaliwang balikat nito na maririnig mo na lang ang alingawngaw na pag sigaw na lamang nito sa sakit. "Ahhh!" nakaka takot ang malakas na sigaw na lamang ni Makisig na kinilos ko na lang inikot ko na lang ang katawan ko at nag double kick na lang nang kay lakas ang mukha ni Makisig na bumulagta na lang ang katawan nitong bumagsak sa malamig na sementado. Umagos na lamang ang malapot na dugo nito sa sahig at wala nang lakas pang bumangon sa tama at nawalan na ito ng malay. Pinapanuod ko lamang siya ngayon na naka handusay at mapag larong ngisi sa labi na lang ang gumuhit sa labi ko. Umayos na lang ako ng tindig at bahagyang napa hawak na lang sa aking leeg at iritable na lang ang sumukli na makita na nabahiran ng dugo iyon. "Ah, f**k!" uyam ko na lamang na mura at sa isang iglap naging mas nakaka takot at mabangis na lang ang mata ko na kahit na sino matatakot na tumitig sa matang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD