Chapter 7

2772 Words
Chapter 7 LIGAYA’S POV Palabas na si Ligaya ng silid dala lamang ang lalagyan na dala-dala niya kanina, na kaagad siyang sinalubong ni Tiya Belinda na kina-hinto niya naman. “Bakit ka nag sinunggaling sa Ginoo Ligaya?” Salubong sakanya na tanong na alam naman ni Ligaya ang tinutumbok nito. Hinatak niya ang Tiya Belinda niya palayo sa mismong silid para hindi marinig ng Ginoo kong ano man ang sinabi nito. “Alam mo naman na hindi iyon totoo, hindi ba? Sana hindi kana lang nag sinunggaling pa sakanya sa totoo niyang pag kata——“ hindi na pinatapos pa ni Ligaya ang anumang sasabihin nito na hinarap niya na ang Tiya Belinda niya. Medyo malayo-layo na ang pwesto nila sa mismong silid, at makaka siguro naman talaga siyang hindi na nito maririnig pa ang pinag-uusapan nilang dalawa. Takot rin naman siyang malaman nitong nag sinunggaling siya dito. “Pasensiya na po talaga Tiya, naging blangko rin naman ang isipan ko kaya’t nasabi ko ang bagay na iyon.” Pag aamin na lamang ni Ligaya dito na nagiging malilikot na ang kanyang mata at hindi alam rin ang gagawin. Pasilip-silip rin siya sa pintuan, sinisiguro na hindi lumabas ang Ginoo at marinig ang lahat. Hindi niya naman talaga intensyon na mag sinunggaling sa Ginoo subalit nadulas lamang talaga siya. Kusa na lamang na lumabas sa kanyang bibig ang mga nasabi niya, na hindi masyado napag isipan. Alam niya naman na nag kamali siya, maling mag sinunggaling dito pero ano pa ang magagawa niya? Hindi niya na kailangan pang bawiin pa kong ano man ang mga nasabi niya dito. “Kahit na Ligaya, mali pa rin ang ginawa mo.” Anito na may pag aalala sa boses. “Sabihin mo pa rin sa Ginoo ang totoo, at masama ang nag sisinunggaling, alam mo iyan Ligaya kaya’t bumalik ka sa silid at kausapin mo ulit siya. Tiyak naman maiintindihan niya kong bakit nasabi mo ang lahat ng iyon sakanya.” “Ayaw ko Tiya.” Mahina subalit may pag tutotol sa wika ni Ligaya. Tumingin siya sa Tiya Belinda niya na emosyonal na mga mata. “Hindi ko babawiin kong ano man ang mga sinabi ko kanina.” Final na desisyon niya na lamang. “Ligaya.” “Sana naman intindihin mo naman ako Tiya, kong bakit nagawa kong mag sinunggaling ng ganun saknya. Gusto ko lang naman takasan ang kapalaran ko kay Makisig. Hindi ko siya tunay na iniibig, hindi ko gusto si Makisig Tiya at ayaw ko rin mag pakasal sakanya.” Uminit na ang mag kabilang mata ni Ligaya at bumabalik na naman ang kirot sa kanyang dibdib sa tuwing napag uusapan ang pag iisang dibdib nila sa nalalapit na ka-pyestahan. “Ito lang ang natatanggi na naisip kong paraan para maka-wala sa kasunduan na ito at ang Ginoo lang iyon ang susi sa mga problema ko. Gusto ko lang naman maging malaya Tiya, bawal na ba akong maging masaya at gawin ang gusto ko n-ngayon?” Garalgal na tinig ni Ligaya na hindi na umimik pa ang Tiya Belinda niya. Wala naman siyang ibang paraan. Nang marinig niya lamang kanina na walang maalala ang Ginoo tungkol sa kanyang naka-raan doon niya na sinamantala ang pag kakataon, na baka ito na ang sagot para matakasan niya ang pag-iisang dibdib niya kay Makisig sa nalalapit na ka-pyestahan. Wala na siyang ibang paraan. Naging blangko na siya. Gulong-gulo na siya nang husto. Hindi ko na alam ang gagawin ko para matakasan lamang ang kapalaran ko, kaya’t ginamit ko na lamang ang Ginoo para hindi mag pakasal kay Makisig. Alam kong mali itong ginawa ko. Maling mag sinunggaling, pero kong ito naman ang paraan na makaka-tulong sa akin para hindi makasal kay Makisig. Kong babalik ulit ako sa desisyon na papipiliin ako muli, itong desisyon na ito ang paulit-ulit kong pipiliin. Malamlam lamang akong tinignan ni Tiya Belinda, hindi ko mabasa nag emosyon at tumatakbo sa isipan niya ngayon. Nag darasal lamang ako na sana pumayag ito at suportahan niya ako kahit ngayon lamang. Kinuha ni Tiya Belinda ang isa kong kamay at tyaka hinawakan. “Iniisip lang kita Ligaya,” anito na mahinang boses. “Ayaw ko lang na dumating ang araw na masasaktan at mapapahamak ka dito sa ginagawa mo at kapag malaman ni Datu Magwat ang tungkol sa Ginoo na iyan.. Mahalaga ka sa akin Ligaya, kayong dalawa ng kapatid mong si Lira kaya’t pino-protektahan at nilalayo ko kayo sa kapahamakan hangga’t maari.” Pag bibitin nito ng sasabihin, maluha-luha ang mata ni Ligaya at ang kanyang mata’y naman may pag mamakiusap dito. “Kayong dalawa na lang ng kapatid mo ang pamilya na mayron ako kaya’t alalahanin niyo kong bakit ganito ako sainyo.” Pinisil ni Tiya Belinda ang aking mag kabilang kamay. “Naiintindihan ko naman po iyon Tiya.” Aniya ni Ligaya. “Pwede bang huwag niyong sasabihin sa Ginoo at sa iba ang tungkol dito?” Mahinang pakiusap niya na lamang na nag hihintay ng kasagutan. Hindi na lamg umimik ang kanyang Tiya at mag pabigat na lamang sa nararamdaman ni Ligaya ang pag bitaw nito sa kanyang kamay sa pag kakahawak nito. “Tiya, pakiusap.” Mahinang tawag na lamang ni Ligaya na tuluyan na siyang nanlumo sa kanyang kina-tatayuan na umiwas na lamang ito ng tingin sakanya. Tinalikuran na siya ni Tiya Belinda at kina-sunod niya naman ito ng tingin na nag lakad palayo na binalik ang sarili sa naudlot na ginagawa. Lumunok na lamang ng laway si Ligaya, nag hihintay pa rin ng kasagutan sa pakiusap niya nito ngunit wala pa rin siyang nakuhang sagot. Natakot rin siya na baka hindi nito paboran ang kanyang kahilingan. Tumigil ang kanyang ang Tiya Belinda niya at may kinuhang karton sa parteng naka tago malapit sa maliit naming kusina, at pinag lalaruan niya na lamang ang kanyang palad para pakalmahin lamang ang kanyang sarili na hinahayaan lamang ito sa ginawa. “Tiya, nakikiusap sana ho ako sa’yo. Alam kong medyo mabigat-bigat itong hini-hinggi kong pabor sa’yo, baka naman sana n——-“ hindi na naipag patuloy pa ni Ligaya ang sasabihin niya na humarap sakanya si Tiya Belinda at may hawak na itong mga gamit na labis niya naman na pinag tataka. Nakita niya ang ilang naka-tuping mga lumang gamit sa kamay nito na pinag tataka naman niya nang husto. Nilapit pa ni Tiya ang hawak nito sa akin, palatandaan na kunin ko na iyon sa kanyang kamay. “Kunin mo na itong mga naka-tago ko pang ilang gamit ng yumaong asawa ko na si Julio, ipagamit mo muna sa iyong irog. Tignan mo na lang riyan, kong may kakasya sakanya na mga damit na pwede niyang suotin pansamantala.” May kong anong saya ang humaplos sa puso ni Ligaya sa sinabi ng kanyang Tiya, kaya’t hindi niya mapigilan ang sarili niyang yakapin ito nang buong higpit para mag pasalamat. Naramdaman niyang nabigla naman ito sa kanyang ginawa, kina-launan na lamang sumukli na rin ito ng yakap na madama ni Ligaya ang mainit na katawan nitong tumama sakanya. “Maraming salamat ho talaga Tiya. Maraming salamat.” Naikwika niya na lamang na siya na ang kumalas sa pag kakayakap nilang dalawa, may daplis na luha sa mata niya sa saya lamang. “Basta sa ikakasaya mo, Ligaya.” Anito na kina-ngiti rin ng matanda na kinuha niya sa kamay ang ilang pirasong damit. “Naiintindihan ko ang nararamdaman mo ngayon kaya’t susuportahan kita, kaming dalawa ng kapatid mong si Lira.. Basta’t ang hiling ko lang sa’yo kapag natapos na ang mga problema mo, gusto kong aminin mo sa Ginoo ang totoo.” “Opo Tiya, maraming salamat talaga.” Sumilay na lamang ang matamis na ngiti sa labi ni Ligaya at sa huling pag kakataon, kina-tingin niya naman sa damit na hawak ngayon. **** Tahimik lamang nag lalakad si Ligaya bitbit lamang ang kapirasong mga damit para sa Ginoo. Nag patuloy lamang siya sa pag lalakad at hinawi na lamang ang kurtina na nag mimistulang pintuan sa kanilang maliit na silid. “Dakila, pinag dalhan pala kita ng damit na iyong susuoti——“ hindi na natapos ni Ligaya ang anumang sasabihin na napako na lamang ang mata niya na madatnan ang Ginoo na ngayo’y naka tayo at naka-talikod sakanya kaya’t hindi napansin ang kanyang pag dating. Hirap na hirap itong binabalanse ang kanyang katawan para lamang maayos siyang maka-tayo sa kabila ng pilay sa kaliwang binti nito. Naka-tayo lamang si Ligaya at hindi niya malaman ang sarili kong bakit parang naka-pako na lang ang paa niya sa sahig na hindi maka-kilos o maka-galaw man lang, nanatili siyang naka-titig sa magandang katawan ng Ginoo na ngayo’y walang suot na pang itaas. Tanging itim na pantalon na lamang ang suot nito at inaalis ang puting benda na naka-pulupot sa katawan nito. Pinapanuod na lamang ni Ligaya si Dakila na ngayo’y abala sa kanyang ginagawa, na makikita mo talaga ang kanyang katikasan at matipunong pangangatawan sa tuwing gumagalaw ang kanyang braso na pinag patuloy sa kanyang ginagawa. Kusa na lamang napa-lunok ng laway si Ligaya sa magandang tanawin na kanyang napag mamasdan, hindi niya naman maitatanggi na nang-aakit at maganda nga talaga ang katawan ni Dakila na kahit ilang beses niya na itong nakita hindi niya maitago talaga ang pag kamangha kong minsan. Malapad ang kanyang balikat at masasabi talaga ni Ligaya na maganda ang hubog ng katawan nito at napa dako na lamang ang kanyang mga mata sa parteng likod nito na makita niya talaga ang ilang mga peklat. Ang ilan malalim na peklat at isang bagay ang mag paagaw ng atensyon ni Ligaya na makita ang parang hiwa na peklat sa kabilang likod ng katawan nito. Malayong-malayo ang peklat sa parteng likod nito na hindi naman iyon kasama sa pag kaka-aksidente na lamang ng Ginoo. Bakit kaya ang rami niyang sugat? Para saan kaya ang mga iyon? Bakit ganito na lamang karami? “Anong ginagawa mo?”ang matabang na lamang na boses na nag salita, ang mag pawala sa ulirat ni Ligaya. Kinabahan siya nang husto at matatakot ka sa malagong na tinig nito, na hinanap niya naman kong saan nag mumula ang boses at ngayo’y malamlam siyang tinignan ni Dakila. Ibang-iba ang paraan na titig nito sakanya na para bang hini-higop ka sa nakaka takot at puno ng mysteryo niyang mga mata. Hindi maintindihan ni Ligaya kong bakit kaya siyang sindakin ng mata’y may pag susungit na mapa-lunok na lamang siya na mapa-titig sa walang emosyon niyang mga mata. “A-Ahh eh.” Parang gusto niyang pukpokin ang sarili niyang naging blangko na lang ang isipan niya sa sadyang kakaibang pag titig na lang nito sakanya. Bakit nauutal ka Ligaya? Umayos ka nga. Pagalit niya sa kanyang sarili, na kaya siyang pakabahin nang husto nito. “Dinalahan kita ng maipang-papalit mong damit.” Pina-nuyuan si Ligaya ng laway na mabilis na kumilos naman ang kanyang paa at dali-dali naman na lumapit dito para ibigay ang kapirasong damit ki Dakila. Nilapag ni Ligaya ang damit sa ibabaw ng papag at maayos naman siyang tumayo sa harapan nito na medyo may distansiya rin naman. Hindi siya naging komportable sa paraan na pag titig nito na sinusundan siya ng tingin hanggang matapos siya, samantala naman si Dakila maanggas na naka tayo at tumitinggala pa siya dahil may katangkaran din naman iyon sakanya. Hindi maintindihan ni Ligaya kong bakit ganun na lang kainit at kakaibang tensyon ang lumukob sa kanyang pag katao na walang imik pa rin si Dakila. Tahimik at parang kinikilatis lamang siya nito na tignan ngunit may pag susungit pa din. “Hindi ko kasi alam ang gusto mong suotin kaya’t dinala ko na lang iyan lahat. Pumili kana lang ng gusto at komportable mong suotin a——-“ “Wala ka bang planong umalis?” Pag tatapos nito ng sasabihin niya na mawala ang matamis niyang ngiti at napalitan ng alanganin na ngayo’y kunot-noo at masungit siya nitong pinapakitungguhan. ‘Ang sungit niya naman’ Sa loob-loob niya na lamang. Bakit kaya ang sungit niya? Hindi na siya marunong ngumiti man lang? Napansin ni Ligaya na iba talaga ang aura ng Ginoo na hindi niya pa nakitang ngumiti man lang. “Ahh eh, o-oo.” Para itago na lamang ang pag kadismaya at hiya sa sinabi nito. “Sige, umalis kana.” Matabang na lamang na wika na hindi na hinintay pa ni Dakila ang sasabihin niya, umiwas na ito ng tingin. Hirap itong kumuha ng kapirasong damit na nasa unahan sa mga naka-tupi Pinili lamang ni Dakila ang simpleng puti na tshirt na sa loob niya kasya naman iyon sa Ginoo. Pinapanuod na lamang ni Ligaya itong kumilos na suotin iyon habang dahan-dahan niyang ini-hahakbang ang paa palabas ng silid. Sa totoo lang talaga, ayaw pa ni Ligaya na iwan ito dahil gusto niya pa itong tulungan kong sakali na may iba pa nga ba itong kailangan. Napa-kurap na lamang si Ligaya ng mata at nanuyuan ng laway sa lalamunan, na masungit na tumitig sakanya muli si Dakila, nag papahiwatig na umalis na siya. “Ano pang tinatayo mo diyan?” “Oo, lalabas na.” Alangan na lamang siyang ngumiti, itatago lamang ang malamig na atmosphere sa pagitan nilang dalawa. “Ts.” Pag susungit na lamang na kina-balik ang sarili sa pag susuot ng damit. Maya’t-maya naririnig na lamang ni Ligaya ang matinis na pag mura na lamang nito kaya’t maagaw ang kanyang atensyon na tignan si Dakila sa kanyang ginagawa na ngayo’y nahihirapan itong suotin ang damit. “Ts, bakit ang hirap!” Himutok na lamang na wika nito sa inis na dinaraanan lamang sa sama ng loob na hirap na hirap ito na suotin iyon sa kabila ng sugat at bugbog sarado katawan nito. Kinagat na lamang ni Ligaya ang ibabang labi at hindi na lang pinansin pa ito. Nag patuloy lamang ito sa pag himutok, hirap na hirap din isuot ang kanyang kabilang kamay sa damit dahil kailangan niya pang i-anggat ang kamay, na iyon naman ang hindi magawa ni Dakila dahil nga nahihirapan ito. Bago paman maka-labas si Ligaya ng silid, nag pakawala na lamang siya ng malalim na buntong-hiningga at tinignan niya muli si Dakila na nahihirapan na kumilos. Hindi niya naman kayang tiisin at tignan na lamang ito nahihirapan sa ginagawa nito kaya’t umatras siya ng kanyang paa at nilapitan ito. “Tulungan na kita.” Presinta niya na lamang na maka-lapit dito. “Tulungan na kita para hindi kana mahirapan riyan.” Kumunot-noo na lamang si Dakila na tutol sa kanyang gusto, na kina-lalayo ang sarili niya sakanya na ayaw mag pahawak. “Ts, hindi ko kailangan ng tulong mo.” Pag tataboy nito sakanya na nag pumilit pa talaga siyang tulungan ito at hawakan ang laylayan ng damit na kaagad naman tinabig iyon ni Dakila na labis niya naman kina-bigla. “Ts, Umalis kana nga sabi! Hindi ko kailangan ng tulong mo!” Inis na asik na lamang na binantaan na siya ng matalim na titig ngunit hindi pa siya nag pasindak. “Eh, nahihirapan kana. Hayaan mo lang ako na tulungan ka.” hinawakan niya ang kabilang kamay ni Dakila para lamang tulungan ito na maipasok ang kamay sa damit ngunit nag mamatigas pa rin ito na lumalayo sakanya kaya’t sinusundan niya pa rin ito. “Mabilis lang naman ito, Dakil——“ hindi inaasahan ni Ligaya na mawalan siya ng balanse na namilog na lamang ang kanyang mata. Hinintay niya na lamang ang sarili niya na bumagsak hanggang napa-subsob na lamang ang kanyang katawan sa malapad at matigas na dibdib ni Dakila. Bumilis ang kalabog ng dibdib ni Ligaya na para bang hihimatayin na siya at tila ba’y napapaso at may kakaibang kuryente siyang naramdaman sa simple lamang nag pag dikit ng kayawan nila. Kahit naman naka bukas ang bintana sa silid, para bang domoble ang init na pinag pawisan siya nang husto. Kusang napa-kurap na lamang ng mata si Ligaya at nanuyuan siya ng laway sa lalamunan na ngayo’y ang kamay niya naman naka hawak sa matipuno nitong dibdib at naririnig niya ang pag t***k ng puso at malalim na pag hingga na lamang ni Dakila. Nanginig ang katawan ni Ligaya na dahan-dahan umanggat ng tingin para tuminggala. Nanigas ang katawan niya na mag tagpo ang mga mata nilang dalawa na tila ba’y hini-hypnotismo at tinutunaw siya sa paraan na pag titig nito. May init siyang naramdaman sa simple lamang naka-alalay ito na naka hawak sa kanyang baywang, para hindi siya matumba na mag pabilis pa lalo nang kalabog ng kanyang dibdib. Sandali, Bakit ganito? Bakit ganito na lang kabilis ang t***k ng puso ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD