Chapter 6

2954 Words
Chapter 6 LIGAYA'S POV "Kumusta po Tiyo Kadyo ang kanyang kalagayan?" Iyan kaagad ang naitanong ni Ligaya matapos tignan ni Tiyo Kadyo ang kalagayan ng lalaki. Kanina pa siya nag aabang sa labas ng silid, para lamang alamin ang magiging kalagayan nito at labis siyang nangangamba lalo't naabutan niya ito sa labas ng kanilang balay at walang malay. Hindi niya alam talaga ang gagawin sa sandaling naabutan niya iyon doon, na halos mataranta na siya. "Mabuti naman ang kanyang kalagayan, at sa tingin ko nag kamalay na ang Ginoo sa isang buwan niyang pag kakatulog sa kanyang pag kaka-aksidente, ngunit kailangan ko pa siyang obserbahan ang kalagayan niya sa pag dating ng mga araw." Naiwika ng matanda na mag paalis ng naka patong na bigat sa dibdib ni Ligaya sa sinabi nito na makompirma na maayos na ang kalagayan nito. "Nilagyan ko na rin ng ilang gamot ang kanyang mga sugat. At siya nga pala may ginawa akong gamot, na ipapainom mo na lang sakanya kapag siya'y magising. Makaka-tulong iyon para mapa-buti ang kalagayan niya." Paalala nitong kina-turo na lamang ang lumang lagayan, laman ng herbal na gamot na ipapa-inom sa lalaki. Bilang pag kuha sa pinag uutos ng matanda, tumango na lamang si Ligaya na kina-tingin niya naman ang kapatid niyang si Lira na abala ito sa pag babasa ng libro sa maliit nilang sala. Silang dalawa lamang ng kanyang kapatid ang naroon sa kanilang balay dahil maagang pumunta ang Tiya Belinda niya sa kanilang maliit na lupain para tignan ang iba nilang mga pananim doon. "Maraming salamat talaga Tiyo Kadyo sa mga naitulong niyo." Tumango na lamang ang matanda sa akin. Pinag laruan ni Ligaya ang kamay, nag hahanap ng tyempo na sabihin sa matanda ang kanyang gustong sabihin. "Siya nga pala Tiyo Kadyo." Tawag ni Ligaya dito kaya't ang matanda matigilan na tumitig na lamang sakanya. "Sa tingin ko ho, nag dududa na po si Binibining Dolores, at may nakakakita ho sa ilan sa mga ka-Nayon natin na madalas po kayong namamalagi dito sa aming balay. Mag iingat ho kayo, mas mabuti siguro ho n——-" pinutol na ng matanda ang aking sasabihin na suminggit na ito. "Salamat sa iyong pag-paalala Binibining Ligaya, mag-iinggat ako." Aniya na ngumiti na lamang ito sa akin. Iyan rin ang isang pinangangambahan ni Ligaya nang husto na mainit siya sa mata ng Binibini, na hindi ito titigil hangga't hindi nito malalaman ang bagay na gusto nitong malaman. Kilala ni Ligaya si Binibining Dolores, na hindi na lang ito uupo na lamang at hahayaan ang mga balitang nakaka-abot sakanya. Natatakot rin si Ligaya na baka isang araw, malaman ng Binibini at iba sa kanilang ka-Nayon na nag dala siya ng estranghero at taga ibang lugar sa kanilang Lugar, na posible niyang ikapamahak at pwede rin madamay ang mga taong malalapit sakanya kaya't hangga't maari kailangan niyang mag doble ingat ngayon na may nakaka-halata na madalas pumupunta ang matanda sa kanilang balay. "Huwag kang mag-aalala Binibini, kahit may malaman man sila, wala akong sasabihin.. Siya maiwan na kita at may pupuntahan pa ako na gagamutin ko sa ibang ibayo." Paalam na lamang nitong kina-tango na lamang ni Ligaya. "Sige ho Tiyo Kadyo." Ngumiti na lang ng matamis sakanya ang matanda at nag lakad na ito palabas ng kanilang balay, na kina-sunod naman ni Ligaya na tinignan ito hanggang tuluyan na itong mawala sa kanyang tingin. Nang masiguro niyang naka-alis na nga ito, nag ligpit na siya sa kanilang balay at napag pasyahan niyang silipin muna saglit ang Ginoo sa kanilang silid. Naabutan niya itong walang malay pa rin na naka-higa sa papag at hindi maikubli ni Ligaya ang pag aalala sa sinapit na lamang nito. Tinignan niya ang mahimbing na natutulog na Ginoo, may tumubong bigote dito at medyo matured na ang mukha nito ngunit hindi talaga maikukubli ni Ligaya na may itsura nga talaga ang lalaki. Sa ilang minuto na pag masid ni Ligaya sa Ginoo, napansin niya ang konting dumi sa parteng katawan nito kaya't nag lakad na siya sa isang tabi. Kinuha ni Ligaya ang malinis na bimpo at palanggana na may laman ng maligamgam na tubig at pag katapos pinili niyang pumwesto na lamang sa gilid ng kama kong saan ito naka-higa. Mainggat na naupo lamang si Ligaya sa papag at nilagay ang iba pa niyang kinuha sa tabi, para naman sa ganun maging komportable siya sa kanyang gagawin. Nilublob ni Ligaya ang malinis na bimpo sa tubig at pag katapos piniga niya para maalis ang tubig na kumapit doon at dahan-dahan na pinunasan ang katawan ng Ginoo. Mainggat lamang ang ginawang pag punas ni Ligaya, para maiwasan na magising at maabala niya ito sa mahimbing na pag kakatulog. Habang pinupunasan ni Ligaya ang makisig na katawan ng Ginoo, manghang-mangha siya sa kagandahan ng katawan neto. Sa hubog pa lang ng katawan nito, alam na kaagad ni Ligaya na naalagaan nito ang magandahan ng pigura. Pinag patuloy na lamang ni Ligaya ang kanyang ginagawa na simulan ang pag pupunas sa kamay nito, iniinggatan na madaplisan na matamaan ang sariwang sugat na hindi pa masyadong magaling. "Dalawang linggo na lang Ligaya, dalawang linggo na lang at sasapit na ang ka-pyestahan sa Nayon natin, hindi na ako makapag hintay pang maging asawa kita at hindi kana makaka-wala pa sa akin." Hanggang sa sumagi na lamang sa isipan ni Ligaya ang katagang binitawan ni Makisig na sila'y mag kausap kanina. Ang bagay na iyon ang mag panikip ng kanyang dibdib at mag dala ng takot sa kanyang puso. Biglang natigilan si Ligaya sa pag pupunas sa katawan ng Ginoo at walang gana na lamang na ipag patuloy ang kanyang ginagawa. Paulit-ulit na nag babalik sa kanyang isipan ang sinabi nito na mag yakap sa dibdib niya pag tutol na lamang sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib. Ayaw niyang dumating ang araw na ikasal siya kay Makisig. Hindi niya kaya. Ayaw niyang mag pakasal dito. Sobrang higpit ng pag kakahawak ni Ligaya sa bimpo at naging mabigat na rin ang kanyang pag-hingga. Hindi niya namalayan na may daplis na palang luha ang namuo sa kanyang mata na maisip na lamang malapit na ang nalalapit na ka-pyestahan sa kanilang Nayon. Paano na ito? Makakaya ko ba? Makakaya ko bang tanggapin ang kapalaran kong maikasal sakanya? Ngunit hindi ko talaga kaya. Hindi ko siya lubusang iniibig. Hindi ko siya gusto. Hindi na lamang namalayan ni Ligaya na umagos na lamang ang luha sa kanyang mga mata, wala sa sariling napa titig na lamang sa Ginoong walang malay pa rin. THIRD PERSON'S POV Isang ungol na lamang ang pinakawala ng lalaki, unti-unti niyang minulat ang kanyang mga mata, bahagyang nag adjust ang kanyang paningin sa kanyang nakikita na medyo malabo at hindi klaro sakanya. Humawak na lamang ang lalaki sa kanyang noo, marahang napapa-pikit na lamang na madama ang panaka-nakang pag kirot no’n ng konti ngunit hindi na gaanong kasakit simula kanina. Ilang sandali naka-higa sa gano’ng posisyon ang lalaki na nakikiramdaman na lamang hanggang mapag tanto niya na nasa loob na naman siya sa hindi familiar na silid kong saan siya naroon kanina. Parang batang nawawala ang lalaki na palinga-linga na lamang sa bawat kanto ng maliit na silid, hindi niya mawari kong asan siya at kong ano ang ginagawa niya sa lugar na ito. Malamlam lamang ang mata ng lalaki, walang bahid ng anumang kahit na anong emosyon na kahit na sino matatakot na lamang sa paraan ng matatalim niyang pag titig. Dahan-dahan na gumalaw ang lalaki, kinikilos at pinipilit ang sarili na maupo na lamang sa papag kong saan siya naka-higa, ngunit napapa-ngiwi na lamang siya sa kirot at sakit sa tuwing gumagalaw ang katawan niya doon rin sumasabay ang pag sakit ng kanyang mga sugat. “Ahh.” Hirap na wika na lamang ng lalaki na matagumpay na naka-upo na lamang sa papag. Hindi na maipinta ang kanyang mukha sa kirot na napa-hawak na lamang sa kanyang parteng tyan na mayron na benda pa rin. Iyon ang kumikirot sa lahat ng kanyang mga sugat na para bang hinuhukay ang laman niya sa maling galaw at kilos niya na lamang. Kaya naman na tiisin ng lalaki ang iba pa niyang hindi nag hilom na sugat subalit iba pa talaga ang tama sa parteng tyan niya na mukhang malalim ang sugat niya doon. Tiim-baga na lamang ang lalaki, pinasadahan ng tingin ang maliit na silid, kong saan siya naroon. Nakikiramdam lamang siya at nakikita niya pawang mga luma at walang kasigla-sigla ang bawat mga gamit na naroon sa silid na iyon. Humingga na lamang ng malalim ang lalaki, bahagyang pinilit na naman ang sarili na tumayo para umalis sa lugar na ito. Dahan-dahan at mainggat lamang ang kilos ng lalaki na binabalanse ang katawan niyang tumayo mag-isa, hanggang nalagwit na lamang sa kanyang isipan na bali pala ang kanyang kaliwang paa, kaya’t napa sigaw na lamang ang lalaki sa sakit na diniin niya ang parteng paa na may bali sa sahig. “Ughh.” Hindi malaman-laman ng lalaki kong saan nanggaling ang sakit na kanyang naramdaman na tuluyan na siyang mawawalan ng balanse sa kanyang pag kakatayo, na babagsak ang katawan niya sa matigas na papag. Bago pa tuluyan na bumagsak, may pumasok na tao sa silid at may hawak itong lagayan, laman ng inumin na bagong dating lamang. Taranta naman ang tao, na hula niya babae iyon na makita siyang nag kamalay na. Hindi nag atubili pang nilagay muna ang inumin sa isang tabi, at mabilis na lumapit sakanya para siya’y alalayan na hinawakan siya nito sa kamay na hindi lamang matumba. “Huwag ka munang babangon, hindi pa gaanong magaling ang mga sugat m——“ bago pa makatapos ng sasabihin na iritado naman na tinabig ng lalaki palayo sakanya ang babae. Sa lakas ng kanyang pwersang pag kakatulak. Gulat na gulat ang babaeng napa sampa na lamang sa matigas na pader, na kulang na lang mawalan ito ng balanse. “Tangina, huwag mo akong hahawakan!” Tiim-baga na wika na lamang ng lalaki na kina-talim niya naman ng tingin sa babae. Napa-lunok ng sariling laway, halatang nagulat at natakot ito sa kanyang ginawa ngunit walang pakialam na lamang ang lalaki dito. Hindi maalis-alis ang matatalim niyang titig sa babae at sabay hingga ng malalim. Dinaanan niya na lamang ng tingin ito at pinilit ang kanyang sarili na balansehin ang kanyang katawan para maka alis sa pesteng lugar na ito. Samantala naman ang babae, hindi maikilos ang katawan nito na pinapanuod lamang siya sa kanyang ginagawa. Gustong tumulong at lapitan siya ngunit, hindi nagagawa ang tangkang plano sa tuwing binabalaan niya ito sa paraan lamang ng matatalim na pag titig na lamang dito. Pinilit ng lalaki na ihakbang ang kanyang paa, bahagyang napapa-hingga na lang ng malalim sa tuwing tiniis niya ang kirot ng kanyang paa na hinahakbang na bagal lamang. Nakaka-tatlong hakbang pa lang ang lalaki, hanggang tuluyan na siyang nag kamali ng hakbang na kina-kirot ng malala ng kanyang bali kaya’t siya’y napa-ungol na lamang. Bago pa tuluyang bumagsak ang kanyang katawan, mabilis naman umalalay sakanya ang babaeng naka-tayo lamang sa isang tabi na kanina pa siya pinapanuod. “Ahh, tangina aray!” Daing na lamang ng lalaki na mainggat naman siyang inalalayan ng babae na mapa-upo sa papag na higaan para maging komportable siya. “Sinabi ko naman sa’yo na hindi pa magaling ang mga sugat mo.” Mahina lamang na pagalit sakanya ng babae na malambing na mala-anghel na tinig. Kumunot-noo na lamang ang titig ng lalaki, binabantaan sa paraan na pag titig niya lamang doon na hindi man lang ito nasindak sakanya. “Maupo ka muna riyan, at mag pagaling.” Anito na kina-iwan muna sakanya ng babae para may asikasuhin. Sinundan na lamang ng tingin ito ng lalaki, halatang iritado at pikon sa pag tulong na lamang sakanya nito. “Sinabi ko naman sa’yo, na hindi ko kailangan ng lintik na tulong mo!” Lumabas na ang usok sa ilong ng lalaki na kina-tigil naman ng baabe sa kanyang ginagawa. Humarap sakanya at malamlam lamang siyang tinignan. Doon na kompirma ng lalaki na may hawak itong lumang lagayan, na hindi niya mahulaan kong ano nga ba talaga ang laman no’n. “Huwag ng matigas ang iyong ulo, Ginoo.” Kumunot na lamang ang noo ng lalaki at mabibigat ang kanyang pag hingga na lamang. “Heto’t may dala akong gamot. Inumin mo ito para maka tulong na bumalik ang iyong lakas.” Lumapit sakanya ang babae, nilalapit ang hawak nito na lagayan ng inumin para tanggapin niya iyon at inumin. Gamit ang dalawang palad na hawak iyon ng babae, na nilapit pa lalo sa mukha ng lalaki kaya’t malanghap niya ang mabaho at hindi kaaya-aya nitong amo’y. Bumaliktad ang sikmura ng lalaki na maamo’y na lamang ang mahabo na inumin. “Sige na, inumin mo na it——“ hindi na pinatapos pa ng lalaki ang anumang sasabihin nito na iritado niya na lamang na tinabig ang hawak nitong lalagyan hangga’t tumilapon na lamang iyon na tumama sa pader, at natapon ang laman no’n. Nagulat at hindi inaasahan ng babae ang kanyang ginawa na hindi na ito nakapag salita pa. “Tangina, hindi ko kailangan iyan!” May pag titigas pa sa kanyang sinabi na bumuntong-hiningga na lamang ang babae. Walang-imik at halatang nadismayado ito sakanyang ginawa. Tahimik lamang na pinulot ng babae ang tumilpon na lagayan at pag katapos humarap sakanya. Napa-titig na lamang ang lalaki sa babae, at ngayon niya lang napansin na maganda pala ito. Bilugan ang kanyang mukha na maamo at napaka ganda. Hindi naman ito katangkaran, sakto lang ang pangangatawan nito na lumalabas ang kurba na ganda ng katawan sa simple lamang na suot na duster na green na may desinyo pa na mga bulaklakan. Kasing kulay ng gabi ang maganda at maitim nitong buhok at lumalabas ang natural na kaputian ng kutis nito na parang nyebe. Natural na mamula-mula ang pisngi at ang kanyang labi naman kurting puso naman ang kanyang labi, na lumalabas ang natural na pamumula no’n. Hindi maalis-alis ang paningin ng lalaki sa magandang babae sa harapan niya, na tyanta niya lamang na bata pa ito base pa lang sa mukha at hugis ng katawan nito. “Sino ka? Asan ako?” Mabigat ang pag hingga ng lalaki na maitanong iyon sa babae na parang batang nawawala na lamang. Gulong-gulo naman ang lalaki, hindi malaman kong ano ba talaga ang nangyari at kong bakit siya narito. Kahit pilitin niya man ang sarili na alalahanin kong anong nangyari sakanya subalit, wala siyang katiting na matandaan. Bakit wala akong maalala? Ugh. Tangina! “Ako si Ligaya Cabuang.” Pag papakilala ng babae na kahit na rin siya hindi ito kilala. Ngayon niya pa lang nakita ang babae sa tanang buhay niya. Ligaya? Anong klaseng pangalan iyan! “Narito ka sa aming Nayon sa palanan, Isabela.” Tuloy na salaysay nito ngunit wala siyang matandaan kong asan siya naroon. Pilit inaalala ng lalaki ang lugar na ito, subalit sumasakit lamang ang kanyang ulo sa tuwing sinusubukan niya alalahanin ang mga nangyari. “Ugh.” Mahinang ungol niya na lamang na mariin na napa-pikit na lamang ng mata na bahagyang kumirot na lamang iyon. Pilit na tinatandaan ng lalaki ang kanyang pangalan subalit wala siyang maalala. Para siyang tao, walang identity sa mundo na kahit sarili niya mismo hindi niya kilala. Nagulantang ang lalaki at napa-titig na lamang siya sa dalawa niyang kamay, hindi umimik at halatang napaka-layo ng kanyang iniisip. Namawis na ang kamay ng lalaki at kasabay ang panlalamig ng buo niyang katawan na maluha-luha na wala pa ring maalala. “Na-aksidente ka at natagpuan kitang walang malay at sugatan kaya’t dinala kita sa aming balay para gamutin. Mahigit isang buwan kang walang malay, mabuti na lang Ginoo at nag kamalay kana buong akala ko hindi kana makaka-ligtas pa.” Patuloy na salaysay nito. “May naalala kana ba kong saan k———“ “Sino ako?” Wala sa sariling nasambit na lamang ng lalaki ang katagang iyon na mapa-titig na lamang sa babae sa harapan niya. Gumilid ang luha sa kanyang mata at humi-hinggi ng kasagutan dito. “Sabihin mo nga sa akin, sino ba talaga ako?” Pang uulit niya na lamang na naiwika na kahit na rin ang babae hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. Halatang gulat na gulat rin ito, at panandalian lamang iyon na nabalik rin naman sa wisyo. “Wala ka ba talagang maalala?” Pag uulit na lamang ng babae, na napa-iling na lamang ang lalaki ng ulo at sabay napa-hawak sa kanyang mag kabilang ulo na nabahiran ng benda. Pinipiga niya na ang kanyang ulo, nag babakasakali na makakahanap rin siya ng kasagutan sa kanyang mga katanungan sa kanyang pag katao pero wala pa rin. Blangko ang kanyang isipan. “W-Wala.” Dugtong na lamang na naiwika nh lalaki na tumitig sa inosenteng mata ng babae. “Wala akong naalala, nagising na lamang ako na narito na ako. Wala akong matandaan na kahit na a-ano, hindi ko rin alam kong sino ako.” Namumutla na ang lalaki sabay lunok na lamang ng laway sa kanyang lalamunan, umaasa siyang makakakuha siya ng kasagutan dito. “Talaga bang wala kang maalala, Dakila?” Naiwika na lamang ng babae, naguguluhan na lamang na napa-titig ang lalaki dito. Kunot-noo at takang-taka. Dakila? Sino iyon? Iyon ba ang pangalan ko? Lumapit sakanya ang babae at piniling lumapit sa kanyang pwesto kong saan siya naka-upo sa papag. “Hindi mo na talaga matatandaan ang iyong pangalan? Dakila ang pangalan mo at ako ang iyong irog.” Anito na nagulantang na lamang ang lalaki sa kanyang narinig. Napa-awang na lamang ng labi ang lalaki, halatang gulat na gulat sa kanyang narinig. Tangina. Ano? Siya ang Irog ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD