Chapter 8

2806 Words
Chapter 8 LIGAYA'S POV May init at kuryente akong naramdaman sa simpleng pag tama ng mga katawan namin ni Dakila. Pinanuyuan kaagad ako ng laway at pinag pawisan naman ang aking katawan na sobrang kalapit na ang katawan namin sa isa't-isa na hindi ko maikilos ang katawan ko. Dahan-dahan at kabado naman na tuminggala ako para tignan ito, at sumalubong kaagad sa akin ang malamlam at seryosong mga mata nito. Ang kanyang mata'y puno ng lamig at kayang palambutin ang aking mga tuhod sa paraan na pag titig niya sa akin. Iba ang dating ng mata ni Dakila kong paano niya ako tinignan, sobrang mysteryoso at para bang hinihigop niya ako na hindi ko rin mawari kong ano. Kusa na lamang ako napa-lunok ng laway at ilang segundo ata kami na ganung posisyon na dalawa na kahit ako mismo naging blangko na ang isipan ko. Hanggang kusa na lamang gumalaw ang mata ni Dakila, na kina-sunod ko naman ng tingin hanggang huminto ang tagos niyang pag titig sa aking kamay na naka-hawak sa malapad niyang dibdib kaya't naman ako napa-bulalas na lamang na mapag tanto ang ginawa ko. Kaagad naman akong lumayo sakanya na tila ba'y napapaso kasabay na lamang ang malakas na pintig ng aking puso samantala naman ito'y naka tayo lamang sa harapan ko walang reaksyon sa mga nangyari. "Ipag paumanhin mo ang aking ginawa," hindi ko alam kong narinig niya ba ang sinabi ko dahil kasing hina na lamang iyon ng utot kalakas. Naging malilikot na ang mata ko at wala akong lakas ng loob na tignan si Dakila ng diretso sa mata dahil nahihiya lamang ako sa ginawa ko. Ano bang nangyari sa'yo, Ligaya? Bakit mo ginawa iyon? Pagalit ko na lamang sa sarili ko at ramdam ko ang pamumula ng aking mag kabilang pisngi sa nangyari. Walang kibo pa rin si Dakila, na para bang wala lamang sakanya ang nangyari sobrang anggas niyang naka tayo sa harapan ko. Tinitingala ko na siya dahil lamang may katangkaran din naman siya sa akin na hanggang tyan niya lang ata ako. Hindi ko na mabilang ang pag lunok ko ng laway at sa gilid lamang ng mata ko nakita ko ang mata nitong naka masid pa rin sa akin, inobserbahan niya lamang ako na tinignan mula ulo hanggang paa na kinikilatis niya ako sa paraan na titig nito na hindi ako maging komportable na lamang. "S-Sige, na at lalabas na ako. Ipag paumanhin mo ulit ang a-aking ginawa," nauutal kong tinig at hindi ko na hinintay pang maka sagot pa si Dakila at tinalikuran ko na siya. Mabibilis lamang ang yabag ng aking paa na nag lakad, walang lingon-lingon na lamang dahil gusto kong maka-alis na sa silid na iyon na hindi na mag tagpo pa ang mga mata namin, hanggang sa pag layo ko lamang sakanya napadpad na lamang ako sa maliit na sala namin. Kulang na lamang kapusin na ako ng hiningga hanggang napa titig na lamang ako sa pintuan ng silid kong nasaan pa rin si Dakila. Hinang-hinang mapa-sapo na lamang ng aking noo at napa hawak na lamang ako sa aking dibdib na maririnig ko na mismo ang malakas na kalabog ng aking puso. Lumunok muli ako ng laway at ramdam ko ang pag iinit ng aking pisngi sa nangyari na kahit ako mismo hindi ko maintindihan kong bakit ganun na lamang ang naramdaman ko. Bakit ganito na lamang kalakas ang kalabog ng aking dibdib? Bakit naapektuhan ako sa simpleng pag dikit lamang ng katawan namin? Anong nangyari sa'yo, Ligaya? Bakit ganito na lamang ang naramdaman ko? STILL LIGAYA'S POV Napangiti na lang si Ligaya na nilagay sa lamesa ang ginawa niyang bibingka sa gawa sa kahoy nilang lamesa kasama ng mga nauna niya pang ginawa. Naamo'y niya kaagad ang masarap na aroma na nag papanuot sa kanyang ilong na matakam na lamang siya nang husto. Nang matapos na siya, inayos niya na ang kanyang mga ginawa para ilagay lamang iyon sa katamtaman lamang na basket para mamaya wala na siyang gagawin pa na ang tahimik niyang pag aasikaso bigla na lang napukaw na marinig na lamang ang boses sa gilid ko. "Hmm, ang sarap sarap naman po niyan Ate Ligaya," naikwika na lamang ng kapatid niyang si Lira na hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala ito. Kay tamis ng sinukli na ngiti sa kanyang labi at kakaibang ningning ang mata niya naman na tinignan ang mga nagawa kong mga bibingka. Napa-iling na lamang ako ng aking ulo na kanina nakita ko itong tahimik lamang, nag babasa ng libro sa maliit nilang sala. Nang maamo'y nito ang masarap na bibingka na ginawa ko, hindi mapigilan ang sarili na lumapit sa akin. Sa tuwing nag luluto ako ng ibang kakanin at iba pang mga luto, si Lira kaagad ang unang tumitikim ng aking mga ginagawa. Lingid sa kaalaman, isa rin naman talaga sa hilig ko ang mga luto ng mga pag kain at iilan pa doon mga kakanin na tinitinda ko na lamang sa bayan sa tuwing sapitan ang araw ng palengkean. Isa rin naman sa pinag hahanap-buhay namin ni Tiya Belinda ang mag tinda na lamang ng kong ano-ano katulad na lamang ng mga niluluto ko at ilan naman doon ang mga naani namin na mga prutas at gulay sa maliit lang namin na lupain. Kahit mahirap at hindi naman kalakihan masyado ang mga nakikita namin sa araw-araw, masaya at payapa naman ang pamumuhay namin. "Oo na, oo na, alam ko na iyan," naiwika ko na lamang na kumuha ng isang pirasong bibingka na aking ginawa at nilagay na lamang iyon sa lalagyan na kina-bigay ko naman sa kapatid ko. "Alam ko naman na gusto mo lang na tikman ang ginawa ko." tugon ko na lamang na kina-lapit ko na lamang sa kapatid ko ang lalagyan na domoble ang ngiti sa labi nito. Pinag dikit ni Lira ang kanyang palad at hindi na talaga maitago sa mukha nito ang pag kasabik lamang na matikman na ito. Ganiyan, na ganiyan talaga si Lira, gustong-gusto talaga nitong tikman sa lahat basta kapag luto ko na namana ko raw sa yumao naming Ina ang talento ko sa galing at sarap ng pag luluto nito. "Kilalang-kilala mo talaga ako Ate, kaya't paborito ko talaga ang mga gawa mo eh, ang sarap kaya nito at ang bait mo pa." gamit ang tinidor tinusok na nito ang bibingka at nilantakan nang kainin iyon na sarap na sarap na lamang. Ginulo ko na lamang ang buhok ng kapatid ko, na kina-lawak na lamang ng ngiti sa labi ko. "Ikaw talaga, dinadaan mo pa talaga ako sa mga pag bolero mo para lang mapag-bigyan kita." Iling ko na lamang na wika, na kina-layo ko na lamang sa kapatid ko. Binalik ko na ang atensyon ko sa pag aayos ng aking ititinda mamaya, sinisiguro talaga na wala na akong makakaligtaan pa na maka-limutan kapag umalis na ako. "Kapag katapos ko neto, pupunta muna ako sa bayan para ilako lamang itong mga paninda ko. Ikaw na muna ang maiwan sa balay Lira, at umalis si Tiya Belinda at baka mamaya na iyon makaka-uwi." Naikwika ko na lamang na naka-tuon naman ang atensyon ko sa ginagawa, napapansin ko naman ang kapatid ko na kahit tahimik itong kumakain nakikinig naman ito sa akin. “Nakapag luto na pala ako ng ulam, mag saing kana lang ng kanin maya-maya.. At siya nga pala Lira, ikaw na muna ang bahalang tumingin-tingin muna kay Dakila habang wala pa ako." Habilin ko na lamang sakanya. "Sige Ate Ligaya, ako na po ang bahala sakanya." Nakampanti naman ang kalooban ko sa nasabi ni Lira. "Siya nga pala Ate, bakit kaya hindi mo ipatikim kay Dakila ang iyong ginawang bibingka. Panigurado't magugustuhan niya rin iyan." Suhesyon na lamang ng aking kapatid na kina-tingin ko na lamang sa bibingka na hawak ko. ***** Hawak ko na lamang ang katamtaman na lalagyan lagay ang bibingka na aking ginawa. May kaba na namumuhay sa aking dibdib na nag lalakad na ako papunta sa munti naming silid, na maalala ang sandaling nangyari sa amin kanina ni Dakila. Nangyaring nag kadikit na lamang ang mga katawan namin. Nag pakawala na lamang ako ng malalim na buntong-hiningga at pilit na winawaksi sa aking isipan na dapat maging kalmado lamang ako. Tama nga. Dapat kalmado ka lang Ligaya. Huwag kang mahiya sakanya. Si Dakila iyan, ang irog mo. Pasunod ko na lamang sa isipan ko at lumunok ako ng laway muli at lakas loob na lamang nag lakad papunta sa aming munting silid. Hinawi ko kaagad ang kurtina na nag mimistulang harang pagitan sa kwarto at una kaagad sumalubong sa akin ang katahimikan. “Dakila, pinag dalhan pala kita na aking bibingka na gaw——“ hindi ko na natapos pa ang anumang sasabihin ko na makita na lamang itong pilit na tumatayo. Binabalanse niya na naman ang katawan, na hindi matumba kaya’t bago pa ito mawalan pa ng balanse mabilis akong lumapit sakanya para alalayan. “Dahan-dahan lang, hindi mo pa kayang kumilos.” Wika ko na lamang naka suporta pa rin sa katawan nito na hindi na walang bahid na anumanh emosyon. Naka-kunot na ang noo ni Dakila at naramdaman ko ang pag alis niya ng sarili ko palayo sakanya. “Ts, kaya ko na ito. Kaya kong tumayo na mag-isa.” Matabang na salaysay na lamang nitong, hirap na hirap na. Hindi na maipinta ang mukha ni Dakila, dinarama pa rin ang pag kikirot ng kanyang mga sugat na hindi pa gaanong nag hihilom. Napapa-pikit at napapa-ngiwi na lamang ito sa tuwing, natatamaan ang masakit sa katawan kaya’t maririnig ko na lang talaga ang mahinang ungol na pinakawala sa bibig. “P-Pero kailangan mo pa rin mag ingat lalo’——“ “Sinabi ko na ngang, hindi ko kailangan ng tulong mo.” Pag susungit na lamang sa wika na kina-upo na lamang nito sa papag. Nanatili lamang akong naka tayo sa harapan niya, hawak pa rin ang bibingka samantala naman si Dakila naka-busangot at hindi na maganda ang mood na pinapakita sa akin. Napa-hawak na lamang si Dakila sa parteng tyan, na iyon ata ang masakit at walang buhay na tinignan ako. “Ano iyan?” Napa-kurap na lamang ako na naka titig na pala ito sa hawak kong bibingka. “Ahh, nag gawa ako ng bibingka. Baka kasi gusto mo, kaya’t dinalahan kita.” Pinakita ko na lamang ang matamis kong ngiti sakanya ngunit inismidan niya lang ako. “Ayaw ko niyan.” Anito na malaglag na lang ang panga ko sa sinabi niya. Ha? Pero bakit? Masarap naman ang bibingka ko ah? “Aalis ka?” “Oo, pupunta muna ako saglit sa bayan para ilako ang mga paninda ko.” Aniya ko. “Pero napag bilin ko naman ang kapatid kong si Lira, na siya na muna ang kasama mo dito sa balay habang wala pa ako.” “Sasama ako sa’yo, nakaka-inip dito.” “Huh?” Ano daw? Napa-kurap na lamang ako ng mata ko at tinignan muli ito na mukhang hindi nga ito nag bibiro sa kanyang sinabi. “Hindi mo ba narinig?” Pag uulit nitong may pag susungit pa rin sa tinig. “Sasama ako sa’yo, gusto kong mag libot-libot at baka sakali na may maalala ako.” anito na lamang. “P-Pero hindi pa magaling ang mga sugat mo, at tyaka malayo-layo ang bayan sa amin mapapagod ka lang sa pag lalaka——-“ “Kaya ko.” Bago pa ako makapag salita na pilit na tumayo muli ni Dakila na alam ko sa sarili ko, hindi ko na siya makukumbinsi sa pag kakataon na ito. Mag kasama kami ngayon na nag lalakad ni Dakila papunta sa maliit namin na bayan, ilang minuto lamang ang babaybayin namin na pag lalakad mula sa aming balay bago maka rating doon. Mabagal lamang ang paraan na pag lakad ko at maya’t-maya ko na lamang sinisilip si Dakila sa tabi ko na paika-ikang nag lakad at may hawak ang sungkod na gawa lamang sa kahoy para maging suporta na maayos ang kanyang pag lalakad. Sa bawat pag hakbang lamang ng paa ni Dakila, nakikita ko na hirap na hirap talaga siyang kumilos na hindi na maipinta ang sakit ngunit pinipilit lang naman na sumama sa akin. Simpleng asul na palda lamang ang aking suot ma hanggang lagpas tuhod naman kahaba samantala naman ang pang itaas naman ang puting off shoulder na damit. Hinayaan ko na lamang naka lugay ang mahaba kong buhok at lumalabas ang pag ka natural na pamumula ng aking pisngi sa tuwing, natatamaan ng sinag ng araw. Hawak ko sa kabila kong kamay ang katamtaman lamang na basket laman ng bibingka na aking ititinda sa bayan. Dapit alas tres pa lang ng hapon, hindi naman masyado masakit ang sinag ng araw dahil hapon na rin, at sabayan pa ng sariwang hangin na humahampas sa aking balat. Nag lalakad lamang kami sa lupa na medyo mabato na daan, sa kaliwa’t-kanan naman ang matatayog na puno ng mga kahoy sa paligid sabayan pa ng mga balay na nakikita namin. May nakaka-salubong at may nakikita naman kaming mga ka-Nayon namin na nag lalakad. Iilan sakanila kusa napa-tigil sa kanilang mga ginagawa at hindi mapigilan na mapa-pako ang kanilang mga mata kay Dakila. Ang kanilang paraan na titig nila kay Dakila, manghang-mangha sila at inoobserbahan nila ito mula ulo hanggang paa, kini-kilatis ang katauhan nito dahil ngayon pa lang nila makita ang Ginoo. Maliit lamang ang bayan namin at halos kilala na namin ang isa’t-isa kaya’t ganun na lamang ang pag sunod ng mata nila sa amin habang nag lalakad. Hindi na rin ako mag tataka kong kaagad mapuna at maagaw ng atensyon mga tao si Dakila. Literal naman talaga na napaka anggas at lakas talaga ng dating nito, sa mga kababaihan dahil lamang sa tanyag na guwapo talaga nito na kaya niyang kunin kaagad ang atensyon ng mga tao. Lumabas ang katikasan at kagandahan na pangangatawan ni Dakila na suot lamang ang longsleeve na brown at pang ibaba naman na kasuotan ang maong na pangalon. Ang masungit na pinapakita na emosyon nitong pinapakita ang mag bigay anggas talaga sakanya. Napa-kagat na lamang ako ng ibabang labi para itago na lamang ang kaba sa aking dibdib, sinilip muli si Dakila sa tabi ko na walang imik pa rin at masungit na mukha ang pinapakita. Naka-tutok lamang ang mata nito sa daan, walang pakialam sa pag bulong-bulongan at kakaibang pag titig sakanya ng mga tao. Palingon-lingon lamang si Dakila sa kaliwa’t-kanan niya inoobserbahan ang mga taong maka salubong namin sa daan, hindi ko mabasa kong ano ba ang tumatakbo sa isipan niya ngayon dahil matapos namin umalis sa balay kanina tahimik na ito. Hanggang sa ilang minuto naming pag lalakad na dalawa, narating na namin ang palengkean. Makikita mo na kaagad ang mga tao sa kaliwa’t-kanan namin na mamimili na makikita mo ang babae, lalaki at iilan pa doon mga matatanda. Sa isang tabi naman makikita mo rin ang ibang mga ka-baryo namin na naka latag na ang iba’t-iba nilang mga paninda sa gilid at tinatawag ang atensyon ng mga tao, na pinaanyaya ang mga ito na bumili sakanila. Dumadami na rin ang mga tao sa palengke, kapag ganun talagang oras at araw talaga dinadagsa talaga ng mamimili na halos nag kakabungguan na ang mga tao at maririnig mo na lng ang malakas nilang mga inggay. “Halika na, Dakila. Nasa doon pa sa dulo ako mag pu-pwesto.” Naiwika ko na lamang na tumingin lamang sa akin si Dakila at walang imik pa rin. Humigpit na ang pag kakahawak ko sa basket at nag patuloy na kaming nakipag siksikan sa mga tao sa daan na abalang bumibili at tumitingin na mga bibilhin. Mabagal lamang ang pag lakad ko, maya’t-maya sinisilip ko si Dakila para alalayan ito sa pag lalakad. “Tabi, tabi kayo diyan. Tabi.” Sigaw ng dalawang malalaking katawan ng lalaki na pasan-pasan ang sako-sakong laman ng uling. Mabibilis ang kanilang pag lakad na para bang nag mamadali, kusa na lamang umiiwas at tumatabi ang mga tao sa daan. “Tabi kayo riyan.” Sigaw nitong muli na namilog na lamang ang aking mata, at hindi ko inaasahan na nasa harapan ko na sila. Hindi na ako naka-kilos sa aking kina-tatayuan at bago pa sila maka lapit sa akin, may mainit na lamang na kamay ang humatak sa akin palayo sa gitna ng daan. Napaka bilis ng pangyayari at natagpuan ko na lamang ang aking sarili na tumama sa mainit na bisig. Hindi pa rin ako makagalaw sa aking kinatatayuan at ramdam ko ang panginginig ng aking katawan sa nangyari, na tuluyan na ngang naka layo ang mga lalaki. Pinanuyuan ako ng laway sa aking lalamunan, dahan-dahan akong tuminggala at domoble pa ang kalabog ng aking puso na mag tama na lamang ang mata naming dalawa ni Dakila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD