Chapter 9

4254 Words
Chapter 9 LIGAYA'S POV Sobrang bilis ng kalabog ng aking dibdib ngayo'y naka dikit ang aking ulo sa malapad at mainit na katawan ni Dakila. Ang isa nitong kamay naka-hawak sa aking ulo at naka-alalay para proteksyonan ako samantala naman ang isa nitong kamay naka hawak sa aking pulsuhan, na maka ramdam ako ng init at kakaibang kuryente na nanalaytay sa katawan ko. Naririnig ko na mismo ang malakas na kalabog ng aking dibdib at init na rin na tumatama ang katawan namin. Sa isang iglap, naging blangko ang isipan ko, sa ilang segundo na mag kadikit ang katawan namin na maririnig ko na lamang ang mabigat na pag hingga nito. Lumunok ako ng laway, biglang nanuyuan ang aking lalamunan sa bilis ng pangyayari kaya't naman dahan-dahan naman ako tumingala para tignan ito, at nakita ko na lamang si Dakila tiim-baga at hindi na maganda kaagad ang mustra ng kanyang mukha. Naka-tutok lamang ang tingin niya sa daan, at ang matatalim at uyam niyang titig na sinusundan ang dalawang lalaki kanina na muntik na bumunggo sa akin. Sobrang mysteryoso at ibang dating ng matatalim nitong mata, na kahit sino man matatakot na tumitig sa mga matang iyon. Ilang segundo kami na ganun na posisyon, pinag aaralan ko ng mabuti ang kanyang mukha hanggang napansin siguro ni Dakila na naka titig ako sakanya kaya't nag bago ang emosyon na pinapakita nito na kina-lingon naman sa akin. Malamlam at walang buhay lamang ako tinignan ni Dakila, sabay iwas ng tingin. "Halika na." Matabang niya na lang na tinig na ako'y naman mabalik sa realidad at napapaso na lamang napa-bitaw sakanya. "O-Oo, sige." Napa kurap ko na lamang na wika na naroon pa rin ang malakas na kalabog ng akong dibdib. "Saan nga tayo, pupunta? Doon diba?" May tinuro na lamang si Dakila mula sa pinaka-dulo ng abalang mga tao na kahit hindi ko naman nakita kong saan ba talaga ang tinu-turo nito na sinang-ayunan ko na lamang. "Oo." Mahinang sagot ko na lamang, na kina-tango na lamang nito. Bago pa ako makapag salita muli, na tinalikuran na ako. Paika-ikang nauna nang mag lakad samantala naman ako tahimik lamang naka sunod sakanya. Nag lakad-lakad pa kami ni Dakila, ilang sandali lamang naka hanap na kami ng magandang pwesto. Pinili ko na lamang sa gilid ng daan, kong saan katabi ko ang ilan mga tao na kakilala ko rin naman na naka latag na ang kanilang mga paninda. Nilagay ko na sa isang tabi ang basket na dala ko at nag latag na lamang ako ng malinis na tela sa lupa para doon ko na lang ilagay ang aking mga bibingka na nagawa kanina. Tamang-tama lamang ang aking pag dating dahil dumadagsa na ang mga mamimili dahil dapit na hapon na iyon, at maririnig mo na lang talaga ang iba't-ibang inggay at pag tawag nila sa mamimili para hikayatin ang mga itong bumili sakanila. Pumwesto na akong tumayo at pinagandahan ko pa ang aking ngiti at pag tawag sa mga taong dumaraan. Sa ilang minuto ko pa lang na pag pwesto doon kaagad din naman akong napa-ubos ng kalahati sa aking mga paninda, dahil na rin iilan sa mga iyon suki ko na at madalas rin naman bumibili sa akin. Sanay-na sanay na rin naman akong nakikipag sabayan sa mga kasama kong kagaya ko rin na tumitinda dahil ilang taon ko ng ginagawa ito. Alam na alam ko na rin kong paano kunin ang kiliti ng mga mamimili sa paraan lamang ng pag hikayat na pag tawag sakanila, pinapakita ang mahinhin at matamis na ngiti sakanila. "Bili na kayo ng masarap na bibingka, bagong gawa ito." Tawag ko na lamang sa mga mamimili. Pinapakita ko na lamang ang matamis kong ngiti at mahinhin na pag aanyaya sakanilang lahat, palingon-lingon rin ako sa kaliwa't-kanan ko at patuloy na lamang na tinatawag sila. "Bili na kayo mga suk——-" "Anong ginagawa mo?" Ang matabang na boses na lamang sa gilid ko ang mag patigil sa akin. "Huh?" Kina-lingon ko naman sa tabi ko na naka tayo si Dakila, naka cross-arms at sobrang pag kabagot nito na naka tingin sa akin. Napa-lunok na lamang ako ng laway at napa-titig na lamang sa malamig at puno ng mysteryoso nitong mga mata, na kanina pa pala ito nag mamasid sa aking ginagawa. "Kailangan ba talagang mag tawag ka sakanila? Hayaan mo na lang sila, at kahit hindi mo sila tawagin, bibili na lang sila sa'yo ng kusa." Walang buhay na salita na lamang nito na naka-kunot pa ng noo. Ano daw? Dinaraanan niya lamang ng tingin ang mga taong dumaraan sa kaliwa't-kanan namin na malamig at inoobserbahan ang mga iyon sa paraang kilos at galaw nila. "Ginagawa ko lamang ito para paanyaya na bumili ang mga tao, Dakila." Napa-labi na lamang nito sa aking sinabi at halatang hindi kumbinsido. "Kailangan bang ngumiti ka?" "Oo naman, kailangan na naka-ngiti ka parati. Hindi lalapit ang mga tao sa'yo, kapag naka simanggot at tinatarayan mo sila kaya dapat maganda rin ang pakikitunggo mo sakanila para sa ganun, babalik-balikan ka nila." Iyon din naman sa isang natutunan ko na dapat marunong kang makisama. Hindi lamang sa ibang tao kundi na rin sa mga mamimili dapat parati kang naka ngiti at maganda ang aura mong haharap sakanilang lahat, para sa ganun maganda rin ang balik nila sa'yo. Sa ilang taon kong ginagawa ito, natutunan at napag aralan ko na rin ang iba't-ibang klase ng mamimili sa bayan na dapat sa lahat mahaba rin ang pasensiya mo. "Ts." Pag susungit na lamang nito sabay iling pa ng ulo. "Gusto mo subukan?" Suhesyon ko naman, na kina-baling ng tingin sa akin ni Dakila. Naka-kunot na ang noo at halatang iritable na naman. "Huwag na, kaya mo na iyan." Lumabas na lamang sa ilong nito ang sinabi at umayos ng pag kakatayo, na hawak sa isang kamay ang sungkod. Iniwan ko muna saglit ang aking ginagawa at kina-lapit sakanya. Lumukot pa lalo ang noo ni Dakila na ngayo'y kay tamis na ang ngiti sa aking labi halatang naiinis sa akin na hindi lamang masabi-sabi. "Dali na Dakila subukan mo lang na gawin ang ginagawa ko. Tiyak na magugustuhan mo rin." Paanyaya ko na lamang sakanya na lalo pang lumamlam ang pag titig niya sa akin. "Bilis na Dakila, subukan mo lang madali lang ito." Hinawakan ko si Dakila sa kanyang kamay at bago pa ito makapag salita pa, hinatak ito palapit na lamang sa pwesto ko kanina. Hindi na maipinta ang mukha nito at inismidan na naman ako muli. Makikita mo na talaga sa kanyang mukha ang hindi kagustuhan ng aking suhesyon.. "Sige na, Dakila." Pinakita ko pa ang matamis kong ngiti sakanya. "Paano ba iyan?" Lumaki na lamang ang ngiti sa aking labi na sa wakas, napapayag ko rin siya. "Ganito lang." Wika ko na lamang na maya't-maya napapa lingon sa gawi niya para gayahin niya ako. "Bili na kayo ng bibingga mga suki, limangpung piso lang kada isa, masarap ito. Bili na kayo." Pinagandahan ko pa ang aking tawag at kasabay na rin ang matamis na ngiti sa aking labi. Tumingin muli akk kay Dakila, ngayon hindi na maipinta ang mukha nito. Lumapit ako sakanya at sinenyasan kong gawin dito ang pasunod ko. Nag pakawala na lamang ng buntong-hingga si Dakila at labag loob na humarap sa mga mamimili. "Bili na kayo ng bibingga mga, limangpung piso lang kasa, isa masarap ito. Bili na." Walang buhay na wika na lamang nitong salita, na para bang nag sasalita siyang robot na walang emosyon at ka amor-amor. Ano ba iyan. "Ganiyan nga. Lakasan mo pa ng konti ang boses mo." Lumapit ako sa gilid niya at iritable naman na napa-kunot ang aking suhesyon ngunit sinusunod din naman niya. "Bili na kayo ng bibingga mga suki, masarap ito at babalik-balikan niyo. Bili na kayo." Medyo lumakas na ang boses ni Dakila, pero ganun pa rin ang tono nito. Dalawang beses na tinawag ni Dakila, ang mamili kaya't ang ilan sa kanila kusang napapa-hinto sa kanilang pag lalakad at napapa-lingon sa gawi namin. Bigla naman sumaya ang aking dibdib na konting-konti na lamang at makukuha na namin ang pulso ng mamimili kaya't dinikit ko pa ang sarili ko kay Dakila para bumulong muli sakanya. "Sabayan mo pa Dakila, ng pag ngiti mo." Mahinang boses ko na lamang na marinig ko na lamang itong mag 'ts' aba. "Bilis na, gawin mo ng ngumiti, lalapit na sila oh." Pasunod ko na lamang muli na hindi inaais ang mata ko sa ilang taong nakuha na namin ng atensyon, na alam ko naman sa sarili kong nakita rin iyon ni Dakila. "Kailangan pa ba niyan?" Pinalabas na lamang ang usok sa ilong nito sabay busanggot, na kulang na lang talaga matawa na lang ako sa kanyang reaksyon. Eh hindi naman mahirap ang pinapagawa ko ah? "Oo naman, kong gusto mo na lumapit ang mga mamili sa atin, dapat sinasabayan mo ng ngiti ang pag tawag mo sakanila." Gatong ko pa, na imbes mag reklamo nag pakawala na lamang siya ng malalim muli na buntong-hiningga. "Ganito ba?" Unti-unting gumalaw ang kabilang bahagi ng labi ni Dakila, pinapakita ang pag ngiti nito pero parang ngiting aso lamang iyon na stiffed na ang kanyang labi sa isang direksyon lamang. "Patingin nga ng ngiti m—-pfft." Kulang na lang talaga mapa-tawa na lang ako sa kanyang itsura subalit pinigilan ko na lamang talaga. "Bakit, may nagawa ba akong mali?" Tumabang ang kanyang tinig at sa isang iglap napawi ang pag ngiti nito na mapansin siguro nitong pinipigilan ko na lamang ang pag tawa ko. "Wala, napaka husay mo pa nga eh.” Wika ko na may pag pipigil muli na pinag sukluban ng maitim at galit na aura muli ito. "Ts, ayaw ko na nga. Ikaw na ang bahala diyan.” Pag susuko nito na bago pa ako makapag salita na iritable na itong nag lakad paika-ika pabalik sa pwesto nito kanina. “P-Pero napaka-husay nga talaga ang ginawa mo Dakila, kailangan mo lang talaga na pag baga butihan pa sa susuno——" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na may mag agaw na naman muli ng atensyon ko na pag lapit sa amin ng dalawang binibini. “Magandang hapon, Ligaya pabili nga kami ng apat na bibingka.” Wika na lamang ni Marikit, kasama nito ang kanyang kaibigan na si Likha. Simple lamang ang kanilang kasuotan ngunit, lumalabas ang tanyag nilang kagandahan at panay ngiti-ngiti pa ang dalawa. “Magandang hapon rin.” Bati ko na lamang sakanilang dalawa at kumuha kaagad ako ng lalagyan para doon ilagay ang bibingka. “Ito na ang iyong mga bibingka, mga Binibini.” Wika ko na lamang na inabot sakanya ito na malugod niya naman tinanggap kapalit ng bayad sa mga bibingka na binili. “Maraming salamat.” Wika na lamang ni Likha, at kahit tapos na silang bumili hindi pa rin sila umaalis sa pwesto namin. “Ligaya.” Pukaw na lamang nito ng atensyon at makikita ko talaga ang simpleng pag ngiti ng Binibini at bahagyang inipit ang ilang hibla ng kanyang buhok sa likod ng taenga nito. “Ano iyon, Binibining Likha?” Umayos ng tindig si Likha at pinagandahan pa nito ang kanyang tindig. “Ipakilala mo naman kami sa iyong Ginoo na kasama nito.” Tukoy na lamang nitong kina-tigilan ko naman. Sinunod ko na lamang ang tingin ni Likha na ngayo’y tumagos sa akin ang titig nito at may tinitignan sa parteng likuran ko. “Oo nga Ligaya, sino ang iyong kasama? Mukhang ngayon pa lang namin siya nakita sa ating Nayon, bago lang ba siya dito?” Wika na lamang ni Marikit at pinagandahan niya pa ang kanyang tinig na pareho na ang dalawa naka-titig sa gawi ng isang tao mula sa lukuran ko na kaagad ko naman kina-sunod. Napa-labi na lamang ako na mapag tanto na si Dakila pala ang tinitignan ng dalawa. Naka baling na lamang ang atensyon ni Dakila sa isang tabi, at masungit at walang bahid na emosyon ang pinapakita na simple lamang na tindig at pormahan nito kaagad niya nakukuha ang atensyon ang mga kababaihan sa Nayon namin. “Oo, mga Binibini bago lang siya dito.” Dugtong ko na lamang na lumaki pa lalo ang ngiti sa labi ng dalawa. Hindi na mapigilan ang kanilang sarili na mag paganda at agawin lamang ang atensyon ni Dakila para mapansin sila ng mga ito ngunit mukhang walang pakialam sakanila ang binata. Hindi na bago para sa akin, ang kanilang ginagawa dahil hindi na rin ako mag tataka kong makuha naman kaagad ang atensyon at mahumaling ang mga kababaihan sa Nayon namin ng itsura ni Dakila dahil lamang sa likas na napaka anggas nito at ang lakas rin ng dating na kahit na sino mabibighani at maakit lamang sa kagandahang lalaki nito. “Magandang hapon sa’yo Ginoo.” Agaw na lamang na pag tawag ni Marikit dito na tinaas ang kaliwang kamay para batiin na lamang si Dakila. Hindi naman nabigo si Marikit dahil naagaw niya rin ang atensyon nitong, kina baling naman sakanya ng tingin ni Dakila subalit walang reaksyon ang mukha at malamlam lamang na tinitigan. “Ako nga pala si Marikit. Ano ang iyong pangalan, Ginoo?" “Dakila.” Pag tatapos na sasabihin ni Dakila, na kulang na lang kilitiin ang dalawa sa malagong at nakaka-akit na tinig nito. Napa-ngiti na lamang ng si Marikit at pinakita ang pag aakit na titig niya dito. “Napaka-ganda naman iyong pangalan, at bagay na bagay sa’yo dahil likas kang dakilang napaka gandang Ginoo.” Pag aakit na wika na lamang ni Marikit, na kina-lingon ko naman sa gawi ni Dakila walang ka amor-amor sa dalawang Binibini na kinukuha ang kanyang loob. “Sang-ayon ako sa sinabi ni Binibining Marikit, Dakila.” Sang-ayon naman ni Likha na tumikhim pa ito at inayos ang magadang damit na suot. “Ako nga pala si Likha ang matalik niyang kaibigan. Ipag paumanhin mo na lang Ginoo sa aking itatanong subalit, mayron kana bang iniibig? Gusto lang namin malaman ni Marikit kong mayron kana bang napupusua——“ “Pasensiya na mga Binibini, subalit mayron na akong irog.” Hindi na natapos pa ni Marikit ang anumang sasabihin niya na mag salita na lamang si Dakila, na unti-unti na lang napawi ang ngiti sa labi ng dalawa. Hindi na maipinta ang mukha ni Marikit at Likha sa gulat hindi inaasahan na maririnig nila iyon na tahimik na rin ako sa isang tabi. Inayos ko na ang aking tinitinda at akmang aalis na sana subalit napa-hinto na lamang ako na may humarang sa aking dinaraan. Malamlam akong napa-titig na lamang kay Dakila, walang emosyon at nagulat na lamang ako na hawakan niya ako sa kamay at pinaharap sakanilang lahat. Hinatak ako ni Dakila palapit sakanya kaya’t nag kadikit ang katawan namin na maka ramdam ako ng init at paninikip ng aking dibdib sa simpleng ginawa nitong, mag bigay ng impact sa aking sarili. “D-Dakila, bakit——-“ hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na umakbay si Dakila sa akin, kaya’t namilog naman ang mata ko. Takang-taka ako kong ano nga ba ang nangyayari at napa-tingin na lamang ako sa guwapong mukha ni Dakila, hindi pa rin nag babago ang paraan na emosyon sa mata nito at malamlam lamang na tinignan ang dalawa. “At ang irog ko na iyon, kundi si Ligaya.” Malagong na pag kakasabi na lamang nito na mamilog na lamang ang mata ko sa sinabi niya. Napaka-lakas na ang kalabog ng aking dibdib na hindi pa rin inaalis ang mata ko sa guwapong mukha ni Dakila, hanggang tumingin siya sa akin at sumilay na lamang ang kakaibang ngisi sa labi nito. Ha? Ano daw? Sandali, anong nangyari? Napa-hawak na lamang ako sa aking dibdib, na maririnig ko na lamang ang malakas na kalabog no’n. Bakit ganito na lang kalakas ang kalabog ng aking dibdib? MAKISIG’S POV Pabalik na si Makisig sa kanyang munting balay, lumalabas ang likas niyang katikasan at kaguwapuhan na taglay lamang na buhat-buhat ang mga sinibak niyang mga kahoy na ipang gagatong sana na kanyang mga nakuha. Dumaplis na ang pinag halong pawis na lamang sa kanyang leeg at noo na hindi na iyon alintana pa sakanya, sabayan pa lamang na lumalabas ang kagandahan na katawan, at muscles niyang bumatak sa pag pasan-pasan niyang mabibigat na pang-gatong. Hindi pa man nakaka-pasok si Makisig sa kanyang balay, nadatnan niya ang dalawang magandang Binibini na mukhang kanina pa naka abang sakanya. Mahinhin at panaka-naka ang mga iyon na sumisilip sa kanyang balay na inaabangan ang kanyang pag dating. Lumaki pa lalo ang ngisi sa labi ni Makisig na makilanlan ang dalawang magandang Binibini na naka abang na sakanya. Simple lamang ang pananamit na suot nito subalit ang lakas ng dating, hindi naman maikakaila ni Makisig na magandang Binibini nga iyon subalit hindi niya iyon gusto. “Makisig.” “Makisig, narito kana.” Salubong sakanya ng mga binibini na pinakita ang matamis na ngiti sa kanilang mga labi na makita siya nito. Humigpit ang pag kakahawak ni Makisig sa buhat niyang mga kahoy at taas-noong nilapitan ang dalawang Binibini. Sinadya ni Makisig na tumigil sa harapan nilang dalawa at bahagyang nilapag muna sa lupa ang kanyang mga, pang-gatong na kanyang pasan-pasan. “Magandang hapon sainyo, mga magagandang Binibini.” Parang mga bibe na kinikiliti na marinig na lamang ni Makisig ang munting pag tawa na kinikilig pa ang dalawa. Napapa-iling na lamang ng ulo si Makisig, hindi maman mahirap sakanya na kunin ang kiliti ng mga kababaihan dahil lamang sa likas na kagandahang lalaki niya na sa simpleng pag papakita niya ng ngiti at matatamis na salita sa mga ito, kaya niya itong pasagutin. Maraming mga kababaihan sa kanilang Nayon ang patay na patay sakanya, subalit nasisiyahan lamang siya nang husto sa pag papansin at pag hahabol na parang mga aso sakanya. “May handog akong prutas at gulay sa’yo, Makisig.” Namumulang parang kamatis na lamang ang pisngi ni Dayang na inabot ang handog na pasalubong. Maganda si Dayang, morena at napaka bata pa pero walang amor lamang iyon kay Makisig. “Kanina ko pa ikaw hinihintay Makisig, may dala pa akong ulam na iyong paborito. Ako ang nag luto nito.” Tala na ianbot naman ang hinandog na pag kain, na malanghap kaagad ni Makisig ang masarap na aroma nito. Iba naman si Tala, mahinhin mag salita subalit napaka bata niyang tignan kumpara sa kanyang edad. “Maraming salamat mga Binibini sa iyong mga handog.” Pinakita lamang ni Makisig ang matamis na ngiti sa kanyang labi, na panukli sa kagandahan ng loob ng mga binibini na pag bigay sakanya ng mg handog na pasalubong. “Basta para sa’yo Makisig.” Dayang, na pinakita ang mag aakit na titig nito sakanya na mapa-awang na lamang ng labi si Makisig. “Gagawin namin ang lahat para sa’yo, aming Makisig.” Tala na dinikit pa ang sarili sakanya na maramdaman ni Makisig ang katamtaman na hinaharap na tumama sa kanyang katawan. Napa-iling na lamang si Makisig, wala siyang naramdaman na init sa pag dikit ng katawan nila ng Binibini, ngunit nag laro na lamang ang kapilyahan sa kanyang isipan. Mas maganda pa rin para sakanya ang hinaharap ni Ligaya, na gustong-gusto niya itong hawakan. “Matagal na akong nag tapat na tunay kong nararamdaman para sa’yo Makisig, kaylan mo ba ako sasagutin?” Pina-liit pa ni Tala ang kanyang boses at lalong diniin ang sarili sakanya. Sa isip-isip na lang ni Makisig, na napaka dali sa mga babaeng ito na kunin ang gusto niya, kapag kanyang nanaisin dahil patay na patay ito sakanya. Subalit hindi niya pag aaksayahan ng oras at panahon ang kanilang magagandang itsura at katawan, dahil isa lamang ang kanyang iniibig, at gustong matikman walang iba ang kanyang sini-sinta na si Ligaya. Parang hagok na hagok na sa laman si Makisig, na hindi na siya makapag hintay na sumapit ang ka-pyestahan sa kanyang Nayon, at kapag dumating ang araw na iyon mapapakasakanya na si Ligaya. Matitikman niya na ito. “Ako ang mahal niya, diba Makisig?” Dayang, na suminggit na lamang na tinulak paalis si Tala sa pag kadikit sakanya. Napapa-ngisi na lamang si Makisig na sarap na sarap siyang pinapanuod na pinag aagawan siya ng dalawang magagandang dilag. Ngumuso na lamang si Tala, walang kibo at dismayado na pag tulak sakanya ni Dayang ngunit hindi na lang kumibo. Suminggit na lamang na lumapit sakanya si Dayang, bahagyang pinag laruan ang malilikot nitong kamay na humaplos sa kanyang matitigas na katawan na may suot na damit. “Ako na lang ang ibigin mo Makisig, mas maganda at mabait pa naman ako kaysa kay Ligaya. Kaya kong ibigay ang pag mamahal ko sa’yo aking Makisig at kahit na rin ang katawan ko, handa kong ibigay sa’y——-“ bago paman umakyat ang mainit na kamay ni Dayang papunta sa kanyang pag kalalaki na nag kukubli sa pantalon, kaagad na hinuli ni Makisig iyon at tinaas. Hinigit ni Makisig si Dayang palapit sakanya kaya’t narinig niya na lamang ang pag singhap ang dikit na dikit na ang kanilang katawan sa puntong ito. Hindi naka-ligtas si Makisig sa malagkit at paraan na inaakit siya na tignan ng dalaga, na hini-hypnotismo siya nito na mapa-sunod sa gusto nito. “Pasensiya na Dayang, subalit si Ligaya lang ang gusto ko.” Nilapit niya ang mukha niya sa dilag na unti-unti na lamang napawi ang matamis na ngiti sa labi nito, at napalitan ng pait. Gamit ang isang kamay ni Makisig, bahagya niyang pina-landas sa maputi at malambot na pisngi ng dalaga na nilalaro niya pa iyon. “Maganda ka, may mabuting puso pero hindi ikaw ang nagugustuhan ko. Si Ligaya lang ang gusto kong mapangasawa, at siya lamang ang aking sinisinta.” Lumabas na lamang ang kapilyuhan sa labi ni Makisig na mapa-kurap na lamang si Dayang, walang salita na lumabas sa bibig nito. “Mukhang malabo na iyan mangyari Makisig.” Singgit na lamang ng salita na bagong dating, na kina-kunot naman ng noo ni Makisig. Kaagad niyang hinanap kong saan nag mumula ang tinig at nakita niya si Julio na bagong dating lamang, na kapitbahay niya. “Nakita ko si Ligaya na may kasamang guwapong Ginoo sa bayan ngayon, at mukhang nag kakamabutihan na ang dalawa. Mukhang nagugustuhan na siya ni Ligaya, wala kanang pag asa pa sakanya Makisig.” Naging mabigat ang pag hingga ni Makisig at hindi niya nagustuhan kong ano man ang kanyang narinig. Wala sa loob na tinulak ni Makisig, palayo sakanya si Dayang na kulang na lang tumalsik ang Binibini sa kanyang ginawa, subalit wala siyang pakialam doon. Tumalim na lang ang mata ni Makisig, at may namumuong galit sa kanyang dibdib, na nag lalakad siya sa gawi ni Julio na paraan na galit at para bang nag hahamon ng gulo. “Anong sabi mo?” Mahina at may pag pipigil na boses na lamang ni Makisig, at hindi niya nakontrol ang sarili na hinawakan ang kwelyo ng damit ni Julio, bahagyang inanggat iyon sa ire. “Maging mahinahon ka lang Makisig.” Pag papakalma na lamang ni Julio, na halata sa mukha ang natatakot na rin. Malilikot na ang mata ni Julio, kilala niya rin kong paano magalit si Makisig, na maiksi lamang ang pasensiya at mainitin ang ulo na kilala ito na madalas na makipag-away na lang kong sino-sino. “Sabihin mo sa akin, paano ako magiging mahinahon, huh?” Uyam na lamang na pinagalaw ni Makisig ang kanyang panga at sa isang iglap naging nakakatakot ang kanyang mata. “Ulitin mo nga ang sinabi mo?! Sino? Sino ang kasama ni Ligaya?!” Tumaas na ang boses ni Makisig, na kusa na lamang si Julio na napa-pikit ng mata sa malakas na singhal nito sakanya. Nanginig na ang katawan ni Julio, at ang pangingilid lamang ng luha sa mata nito ang palatandaan na takot na takot na ito. “H-Hindi ko kilala Makisig.” Nauutal na salaysay ni Julio na hindi pa rin nag babago ang paraan na expression ni Makisig. “Tangina talaga.” Matinis na mura niya na lamang na hinigpitan pa lalo ang pag kakahawak niya sa kwelyo nito, na pag pawisan na nang malala si Julio. “T-Totoo, hindi ko kilala ang Ginoo na kasama ni Ligaya ngayon.” Hindi na nag saayos pa ang salita ni Julio, hindi naka ligtas sa paraan na may pag babantang titig sakanya ni Makisig. Tangina. Paano? Paano niya hindi makilala ang Ginoo, na maliit lamang ang kanilang Nayon? Ginagago mo ba ako? “Ngayon ko pa lang nakita ang Ginoo na iyon sa ating Nayon, maniwala ka Makisig, nag sasabi ako ng totoo. Hindi ko talaga siya kilala.” Uyam na lamang na binitawan ni Makisig si Julio kaya’t pawisan na lamang itong napa-bagsak na napa-upo sa lupa. Wala nang lakas pa ng loob, na bumangon si Julio sa pag kaka-upo samantala naman si Makisig, mabibigat ang kanyang pag hingga na nag pipigil lamang ng galit at emsoyon na kanyang nararamdaman. Tangina. Sino ang lintik na lalaking iyon? Mapapatay ko talaga siya! Nanliliyab na ang mata ni Makisig, at nakaka takot na paraan na titig na handang kumitil ng tao kapag nakita niyang may lumalapit at nag papansin sa kanyang gusto. Hindi na namalayan ni Makisig na naka-kuyom na pala ang kamao niya sa galit, walang salita ang lumabas sa kanyang bibig at walang pasabi na nag martsa na lamang na nag lakad. Akin ka lang Ligaya. Akin! Papatayin ko ang taong, mag hahadlang at kukuha sa’yo sa akin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD