Chapter 10

3388 Words
Chapter 10 LIGAYA'S POV Dapit mag aalas-singko pasado ng hapon na kami naka tapos sa pag titinda, napa-ubos ko na rin ang mga bibingka na mga tinda ko at sobrang saya ko dahil hindi ko na kailangan pang tumagal para lamang maubos lamang ang aking mga paninda dahil pinakyaw na ng ilan sa aking suki. Nag paalam na ako sa aking mga kakilala at ilan sa mga kasamahan na naroon pa rin sa kanilang mga pwesto, kailangan rin daw nilang paubusin ang kanilang mga natirang mga paninda bago nila pasyahan na umuwi. Bago dumiretso sa aming balay, bumili muna ako ng mga kailangan at sinadya ko talagang bumili ng sariwang isda na ipang dadagdag na ulam para mamaya. Hawak ko naman sa kabilang kamay ko ang basket, doon ko na rin nilagay ang mga nabili ko kanina at mag kasama kaming dalawa ni Dakila na tinatahak ang daan pauwi sa aming balay. Hindi na rin nakakapaso ang sinag ng araw dahil dapit hapon na rin, binabagalan ko lamang sa pag lakad dahil sinasabayan ko si Dakila na paika-ika at hirap kong mag lakad. Napapa-pikit na lamang ako na nilalanghap ang sariwang hangin, na sa gilid ko naman nadadaanan pa kaming masasayang mga batang nag lalaro sa daan at ilan sa mga ka-baryo namin na nakaka-salubong namin. Sa dalawang minuto na mag kasama kaming dalawa, hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapa-lingon sa gawi ni Dakila. Walang imik at seryoso ang kanyang mga mata na pamasid-masid lamang ito sa paligid, pinag aaralan ang bawat makikita niya at mga taong nakaka-salubong namin. “Kumusta? May naalala kana ba?" hindi ko mapigilan na maitanong iyon sakanya. Hindi rin ako komportable sa tuwing tahimik at wala siyang kibo, na hindi ko mababasa kong ano nga ba talaga ang tumatakbo sa isipan niya ng sandaling iyon. "Wala, wala akong maalala," pag tatapos lamang ni Dakila ng kanyang sasabihin na hindi maalis ang mata sa paligid. "Pawang bago ang mga nakikita ko ngayon, kahit pilitin ko man, wala talaga akong matandaan. Hindi ko sila kilala lahat." salaysay na lamang nitong mapa-lunok na lamang ako ng laway. Sa loob-loob ko naman, gustong gumaling na siya. Gusto kong matandaan niya na ang kanyang naka raan ngunit sa tuwing naiisip ko naman iyon, doon lamang nawawaglit sa isipan ko ang matinding takot at kaba lalo't nagawa kong mag sinunggaling sakanya. Nagawa kong itago sakanya ang totoong katauhan niya. Napa kurap naman ako ng mata at matamlay lamang na sumagot. "Ganun ba? Huwag mo munang pilitin ang sarili mong alalahanin, balang araw babalik din naman ang ala-ala mo Dakila. Makikila mo rin sila at ang ibang mg aka-Nayon natin dito." pinakita ko naman ang matamis kong ngiti sakanya. Wala akong lakas ng loob na makipag titigan sakanya ng matagal habang sinasabi sakanya ang mga kasinunggalingan ko. Bumuntong-hiningga na lamang ng malalim. Naroon pa rin ang konsensiya at bigat sa aking dibdib sa ginagawa kong pag sisinunggaling sakanya at kahit na rin sa ibang tao tungkol na rin sa kanyang tunay na katauhan. Binalik ko na lamang ang atensyon ko sa daan at ilang segundong katahimikan naming dalawa. Napaka-lalim na lamang ang aking iniisip ng sandaling iyon, kong makakaya ko pa bang ilihim sakanya ang totoo. Kong makakaya ko pa bang ipag patuloy ito. "Ano iyan?" ang malagong na salita na lamang ni Dakila ang mag papukaw ng malalim kong iniisip. Kaagad naman akong napa-lingon sa tabi niya na ngayon naka-titig na lamang siya sa kamay ko na kina-sunod ko naman ng tingin, na mapag-tanto na tinitignan niya pala ang bibingka na kanina ko pa hawak-hawak. "Ahh, muntik ko ng maka-limutan. Para sa'yo," inabot ko na lamang sakanya ang tinira kong bibingka na may ngiti sa aking labi. Kumunot-noo naman ang noo ni Dakila, nag aalangan kong kukunin niya ba iyon sa kamay ko o hindi. “Huwag na," matabang nitong wika sabay iwan ng tingin. Iniling niya na lamang ang kanyang ulo bago pa ako maka sagot pa, nang mauna na siyang nag lakad muli kaya't kaagad ko naman siyang hinabol. “Sandali lang.” Wika ko pang binilisan ko pa ang aking pag lakad-takbo. Nang tuluyan ko na siyang mahabol, sinadya ko talagang humarang sa kanyang dinaraanan kaya't kusa na lamang napa-tigil si Dakila, kunot-noo at halatang iritado sa akin subalit mas pinili niyang kalmado at hindi kumibo. “Sige na kunin mo na, na tanggapin mo na kasi itong bibingka," nilapit ko pa sakanya ang bibingka para kunin niya iyon sa kamay ko. "Ts, sa'yo na iyan dahil wala ka pang kain muna kanina." matabang niya na lamang na wika at hindi ko mapigilan na mapa-ngiti na lang sa kanyang sinabi. Ganun ba iyon, Dakila? Nag-aalala ka ba sa akin na wala akong kain simula kanina? Hindi ko mawari kong bakit may saya na lamang sa aking dibdib, nang sinabi niya iyon na kahit sa paraan na masungit niyang pag trato sa akin. Alam ko naman na nag oobserba at nag-alala siya para sa akin. “Huwag mo na akong alalahanin. Kumain na ako bago umalis kanina sa balay, kaya't busog pa rin naman ako. Sige na kunin mo na sa kamay ko Dakila," tumitig na lamang si Dakila sa hawak kong bibingka, at wala talagang planong kunin iyon. “Sige na.” Nilapit ko pa lalo sakanya at matabang lamang siyang tumitig sa akin. Ilang segundo ko atang hawak-hawak ang bibingka, na naramdaman kong wala naman siyang planong kunin iyon sa aking kamay kaya’t sinadya kong lumapit sakanya. Kinuha ko na lamang ang kaliwang kamay ni Dakila at doon nilagay ang bibingka. “Para talaga iyan, sa’yo Dakila at pasasalamat na rin sa pag sama mo sa akin kanina. Sobrang saya ko talaga, dahil napaubos ko ang mga paninda ko.” Hindi ko maiwasan ang aking sarili na masabi iyon sakanya. Labis akong nag papasalamat sakanya dahil sa pag sama niya sa akin dahil sa kanyang tulong, na kaagad niyang nahihila ang atensyon ng mamimili sa bayan lalong-lalo na ang mga kababaihan. Kusa silang lumalapit na kahit hindi ko rin naman sila tawagin, ang sadya lamang talaga nila ang mag papansin kay Dakila. Tuwang-tuwa silang lahat sa Ginoo, na gusto lamang talagang silayan ang katikasan at guwaponh itsura nito kaya’t naubos ang mga paninda ko kanina. "Bukas ulit samahan mo ako, huh?" Hirit ko pang wika na kina-busanggot naman nito. “Ts, ayaw ko nakaka-inip.” Pag susungit na lamang nitong hindi na ako kumibo pa na napa-titig na lamang si Dakila sa hawak ngayon na bibingka. “Sige na, tikman mo ang ginawa kong bibingka. Masarap iyan.” Pag mamalaki ko na lamang dahil iyon naman talaga ang specialty ko sa lahat ng aking ginagawa, ang bibingkang tinuro sa akin ng yumao kong Ina. Hindi naman kasi simpleng bibingka iyon, dahil gawa iyon sa specialty na paraan at pinama rin sa akin ni Ina ang kanyang mga recipe na kaagad ko naman natutunana at pinag aralan iyon para makuha iyon. Tama lang naman ang lasa ng bibingka at hindi rin naman nakaka-sawa kaya’t binabalik-balikan na rin naman ng lahat dahil sa likas na kakaiba no’n sa lahat. Malaki naman ang bibingka na aking ginagawa na kayang dalawang tao ang pwedeng kumain no’n. Mabubusog ka talaga dahil lamang sa masarap at mabigat rin naman sa tyan kong kainin kaya’t binabalik-balikan ng mga ka-nayon na bumili no’n dahil na nga rin sa masarap iyon. “Mamaya na.” “Ngayon na, bilis.” Pangungulit ko pa sakanya. “Ts.” Pag susungit na lamang ni Dakila at wala sa loob na lamang na tinaas ang kaliwang kamay na hawak ang bibingka. Sinimulan niyang tikman iyon samantala naman ako, naka tayo pa rin sa gilid niya na hindi mapakali na lamang na hinihintay ang magiging litis niya sa aking ginawa. Hindi ko alam kong bakit nakaka-kaba rin pala ng ganito na kahit sabihin nilang masarap naman ang mga gawa ko, pero pag dating kay Dakila iba ang bigay na impact sa akin. Naging slow-motion lamang ang pag nguya ni Dakila, samantala naman ganun pa rin ang emosyon na pinapakita. Ano? Masarap ba? Pangit na ang lasa? Napa-sobra ba ang timpla ko? Pawisan na ako ng todo at hindi mapakali na wala pa rin akong makuhang sagot sakanya sa pag tikim niya no’n. Hindi ko na namalayan na napag dikit ko na pala ahg aking palad, na hinihintay ang kanyang magiging sagot. “Ano? Masarap ba? Pumasa ba sa panlasa mo?” Singit ko na lamang na tanong na kaagad naman natigilan si Dakila sa pag nguya. Binaba niya ang hawak na bibingka, na naka dalawa kagat rin naman siya siguro doon. “Oo, masarap.” Ang matabang na salaysay nito ang mag paalis ng tinik sa aking dibdib at naalis ang pangamba sa puso ko sa sinabi niyang masarap iyon. “Mabuti naman at nagustuhan mo.” Sumilay na lamang ang matamis na ngiti sa aking labi at inayos ko pa ang pag kakabitbit ng basket na dala-dala ko. Lumingon-lingon rin ako sa paligid, medyo bumaba na nga ang araw at nag didilim na rin. “Halika na, kailangan na natin mag madali at mag gagabi na.” Pasunod ko na lamang na wala ng kibo pa ito. “Baka hini-hintay na tayo ni Tiya Belinda ngayon sa bala——-“ hindi ko na lamang natapos pa ang aking sasabihin, na humarap na lamang sa daan. Ang matamis na ngiti sa aking labi kaagad napawi na makita na lamang ang bulto ng isang tao sa harapan naming dalawa ni Dakila na kanina pa pala kami pinapanuod. Bulto ng isang tao na madilim ang mustra at kakaibang titig ang pinukulan niya sa amin, dalawa na mapa-kurap na lamang ako ng mata. “M-Makisig.” Tawag ko na lamang ng mahinang tinig, na makilala ito. Hindi ko maintindihan kong bakit may kaba na lamang ang namuo sa aking dibdib, sa paraan na titig nitong uyam at puno ng galit. Pinagalaw na lamang ni Makisig ang kanyang panga, ang isang kamay naman naka-lagay sa loob ng bulsa nito na maanggas na nag lakad palapit sa kina-roroonan naming dalawa. Kusa na lamang kaming napa-tigil ni Dakila sa palapit nitong presinsiya at pasadya pa itong tumigil sa harapan namin. “Ano ang iyong sadya, Makisig?” “Wala naman,” aniya nitong medyo hambog na paraan ng pag salita na bumaling ng tingin sa gawi ni Dakila na nasa tabi ko lamang na tahimik lamang nag mamasid. “Mukhang ngayon lang kita nakita.. Ilang taon na akong naka tira dito, na halos kilala ko na ang mga tao dito sa Nayon namin pero ngayon ko pa lang nakita ang pag mumukha mo. Bagong salta ka lang dito, ano?” Umawang na lamang ng labi si Makisig, kinikilatis at inoobserbahan si Dakila mula ulo hangga’t paa, na mag bigay takot sa aking dibdib. “Makisig.” Saway ko na lamang na mahinang boses, subalit hindi pa rin ito mag papaawat na nag patuloy pa rin ito sa kanyang ginagawa. Nilapit pa ni Makisig ang sarili niya kay Dakila, at uyam na pinagalaw ang panga. “May naka rating kasi sa akin na balita na may pumo-porma na sa aking sinta.” Makahulugan at may laman na salaysay nito na hindi inaalis ang masamang titig sa gawi ni Dakila. “Ang pinaka-ayaw ko talaga sa lahat, ang may nakikialam sa pag ma-may-ari ko. Sabihin mo nga sa akin, Ikaw ba iyon? Ikaw ba ang pumo-porma sa aking magiging asawa?” Mahina subalit may galit sa paraan na titig na mag bigay pangamba sa aking dibdib. Sa isang iglap na lamang nabahiran ng galit ang mata nitong hinahamon na lamang si Dakila sa tagos nitong tinitigan. Tuluyan nang dinaga ang aking dibdib, at aaminin kong napaka-lakas ng kalabog ng aking puso dahil lamang sa presinsiya na pag dating ni Makisig. Kilala ko ang ugali nito na hambog at hilig talagang gumawa ng gulo, natatakot rin ako na baka pag buntongan na lamang ng init ng ulo nitong saktan na lamang nito si Dakila. Mainitin ang kanyang ulo at kong minsan hindi na lamang makontrol ang kanyang emosyon kapag nagagalit ito, kaya’t ang iba sa ka-Nayon kinaka-katakutan talaga siya na maka-bangga. Sinadya pa ni Makisig na nilapit ang sarili kay Dakila na hinahamon ito sa paraan na gusto nito, na mamuo na ang tensyon sa kanilang panig. Malamlam at walang kibo na lamang si Dakila, nakipag titigan kay Makisig na ngayo’y hindi rin naman nag kakalayo ang tangkad at hugis ng kanilang pangangatawan, subalit mas malaki pa rin naman ang katawan ni Dakila kumpara dito. Hindi nagustuhan ni Makisig ang pag babastos na hindi siya sinagot ni Dakila kaya’t domoble ang inis at galit sa dibdib nito. “Oh bakit, hindi ka makapag-salita? Huh? Ikaw ba iyon?!” May pag tataas ng konti sa boses ni Makisig, at hindi ako handa sa sunod niyang gagawin nang tinulak na lamang si Dakila sa dibdib nang malakas kaya’t kusa na lamang napa-atras ito ng isang paa subalit kaagad din naman naka-balanse ng katawan na kamuntik ng matumba. “Tarantado, huwag kang lumalapit kay Ligaya, kundi hindi ako mag dadalawang isip na babasagin ko ang pag mụmukha mo!” “Ano ba, Makisig.” Saway ko na lamang ditong, akmang susugod pa sana sa gawi ni Dakila na kaagad din naman akong pumagitna, at tinulak siya palayo. “Ano bang problema mo? Pwede bang, huwag kang gumawa ng eskandalo?” Mahina subalit may pag taas ng konti ang aking boses. Naging mabibigat na lamang ang pag hingga ni Makisig, naroon pa rin ang pag titimpi na kontrolin ang emosyon at galit na saktan na lamang ito, sa paraan na tagos niya ito kong titigan. Lumunok ako ng laway at tinignan ko rin si Makisig na galit na paraan sa kanyang ginawa. Ano bang problema niya? Gagawa pa talaga siya ng gulo? Tinignan ko naman si Dakila, na ngayo’y wala pa ring kibo at nanatili lamang malamlam ang kanyang mata, na parang wala lamang sakanya ang ginawa ni Makisig. Pero hindi naman ako makakapayag na tumahimik na lang at walang gawin. Tumingin rin ako sa kaliwa’t-kanan ko at iniiwasan kong makuha namin ang atensyon ng ibang mga tao, na kina-baling ko naman muli ng tingin kay Makisig na naroon pa rin ang galit sa mga mata nito. “Pwede bang umalis kana? Umalis kana, Makisig.” Sigaw ko na lamang na pag tataboy sakanya. Dumilim pa lalo ang mustra ng mukha ni Makisig, hindi nagustuhan ang kanyang narinig kaya’t may pag hahamon na lumapit sa akin, na buong tapang naman akong nakipag titigan sakanya ng matalim na hindi mag papasindak sa isang kagaya niya. “Bakit, pinapaalis mo na ako?” Mahina subalit uyam nitong titig. Nanlisik na nag mata ni Makisig at ang panginginig ng kanyang katawan ang palatandaan, na hindi na ito mag papapigil pa. “Oo, pinapaalis na kita, Makisig.” Matapang kong wika. “Umalis kana, at pwede bang tantanan mo na ako? Alam mo naman na hindi kita gusto, at huwag kang umasta na pag mamay-ari mo ako, pwede ba?” Umanggat na lamang ang labi nito sa aking nasabi at para na itong sinapian ng masamang espiritu na nabahiran ng maitim na aura ang pag katao nito. “Hindi ako aalis, Ligaya. Kong papaalisin mo ako, isasama kita sa pag alis ko.” Nagulat na lamang ako na marahas niyang hinawakan ang pulsuhan ko. “Ano ba, bitawan mo nga ako, Makisig.” Sigaw ko naman na nag pupumiglas na makawala sa kanyang pag kakahawak. “Hindi.” May pag tutotol sa boses nito na nakaka takot na boses. “Hindi ko hahayaan na sumama ka sa lalaking iyan! Sasama ka sa akin, sa ayaw at gusto mo!” Sindak na lamang nitong pwersahan akong kinaladkad na, nakipag hatakan naman ako sakanya na ayaw sumama. Namula na ang aking mukha at ginamit ko ang lakas at pwersa kong maka-alis sa kanyang pag kakahawak subalit kahit gamitan ko man ng buong pwersa ko, hindi pa rin sapat ang lakas ko kumpara sakanya. “Ano ba, Makisig.” Sigaw ko na lamang na nakikipag hatakan rin sakanya na ayaw sumama na bumigat na ang aking dibdib na parang papel niya lamang akong hinihila. “Bitawan mo nga ako sabi, ano ba!” Sigaw ko na lamang na makahanap na lamang ng pag kakataon, na tinapakan ko lamang ang paa ni Makisig nang malakas kasabay na lamang ang matinis na pag sigaw nito sa sakit. “Ahh, tangina.” Maririnig mo na lamang ang nakakak-gimbal nitong sigaw na mura na lamang, na namililipit na sa sakit. Lumabas na lamang ang ugat sa kanyang leeg na walang kapantayan na sakit ng kanyang nadarama. Medyo lunwag ang pag kakahawak niya sa aking pulsuhan kaya’t doon ako naka hanap ng tyempo na maka-wala sa kanyang pag kakahawak na hindi paman ako nakaka talayo, napa sigaw na lamang ako na buong lakas na lamang ako sinampal ni Makisig. “Ahh.” Sigaw ko na lamang na mapa-pikit na lamang ako sa sakit na nanuot sa aking balat ang kirot at sakit, na medyo nahilo ako sa lakas ng kanyang pag kakasampal ngunit tiniis ko na lamang. Gumilid na ang luha sa aking mga mata at kay bigat na lamang ng aking dibdib na hinuli ulit ni Makisig ang pulsuhan ko at domoble ang galit sa kanyang mga mata, na hinila niya ako palapit sakanya kaya’t nag kadikit ang katawan namin. Mabibigat ang aking pag hingga at may bakas na luha ang aking mata na tumitig sakanya. “Hindi, sasama ka sa akin! Akin ka lang.” Sigaw na lamang ni Makisig, na humigpit pa lalo ang pag kakahawak niya sa pulsuhan ko na alam kong mag iiwan iyon ng marka pag katapos. “Akin ka lang Ligaya! Halika na!” Sigaw na lamang nitong pwersahan muli akong hinatak na sumama sakanya. “Bitawan mo ako sabi e——-“ “Bitawan mo siya.” Ang malamig na lamang na wika sa likuran namin ang kusang mag patigil sa aming dalawa ni Makisig. Parang slow-motion lamang na humarap kaming dalawa para hanapin kong saan nag mumula ang tinig, na umigting ang panga na lamang ni Makisig na makitang naka tayo si Dakila sa likuran namin, at walang bahid na emosyon ang mga mata nito. “Tangina, huwag kang makialam dito, kong ayaw mong lumpuhin pa kita lalo.” Banta nito na, wala man lang akong nakitang takot sa mukha ni Dakila. “Paano kong ayaw ko?” Matabang na lamang nitong salita, na hindi naman nagustuhan ni Makisig ang kanyang narinig kaya’t binitawan niya ang pulsuhan ko. “Aba, tarantado ka talaga.” Galit na asik nitong susugod sa gawi ni Dakila, na kahit nanginig ang katawan ko sa takot nagawa kong lumapit sakanya. “M-Makisig, huwag.” Awat ko na lamang na humawak sa braso nito para pigilan dahil sa takot lamang na saktan niya ito. “Parang, awa mo na, huwag mo siyang sasakta——“ hindi ko na lamang natapos ang sasabihin ko nang padabog na inalis ni Makisig ang kamay kong naka hawak sakanya at tinulak na lang ako na muntik na akong tumalsik sa lakas nang impact. Mabuti na lang talaga, nabalanse ko na lamang ang katawan kong hindi matumba. Yumakap na lamang ang matinding takot sa aking dibdib na pasugod na si Makisig sa gawi ni Dakila. “Tangina, gusto mo talagang turuan ng leksyon para tumanda.” Sigaw na lamang ni Makisig na maliksing sumugod sa gawi ni Dakila na hinanda na ang kamao para suntukin lamang ito. “Makisig, huwa——“ sigaw ko na lamang na bago pa tumama ang kamao ni Makisig, tuluyan na akong nanghina na makita na lamang na nasalo ni Dakila ang kamao nitong isusuntok sana. “Tangina.” Matinis na lamang na mura ni Makisig, hindi makapaniwala na ngayo’y hawak-hawak ni Dakila ang kamao nito. Mabibigat na lamang ang aking pag hingga at napa-titig na lamang ako sa mata ni Dakila na ngayo’y puno sobrang dilim pero nakita ko ang nakaka-takot at nakakapanindig, balahibo na paraan na titig nito kong paano tinignan si Makisig. Ang kanyang mata’y puno ng lamig at dilim na kahit sino, ayaw mong masaksihan. Ito lamang nakompirma ko, ang kanyang mata’y wala akong nakitang kaluluwa na gumuhit doon, na tuluyan na akong pinalambutan ng aking mga tuhod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD