Chapter 5

2856 Words
Chapter 5 THIRD PERSON'S POV Palinga-linga lamang ang lalaki sa kaliwa't-kanan niyang naka hawak sa kaliwang parte ng kanyang tyan na may parteng sugat, gulong-gulo siya at hindi alam ang gagawin. Hindi siya familiar sa kanyang nakikita na hindi niya alam kong asan siya, na tanging kakahuyan lamang ang kanyang nakikita. Naging mabibigat ang pag hingga ng lalaki at malilikot ang mata at parang hinigop na ang kanyang katawan na hindi maka-alis sa kanyang kinatatayuan ng sandaling iyon. Mariin pinikit ng lalaki ang kanyang mga mata at pilit na inaalala ang pangyayari subalit kahit anong pilit niya, wala siyang maalala kahit isang katiting na bagay. Sandali, asan ako? Anong lugar ito? Pinipilit ng lalaki sa abot ng kanyang makakaya na may maalala siya subalit wala talaga, hanggang pinipiga niya ang utak na may maalala sa mga nangyari hanggang kusa na lamang kumirot ang kanyang ulo. Kirot at sakit na hindi niya alam kong saan nanggaling. "Ahh," matinis na lamang napa-ungol ang lalaki at napa-hawak sa mag kabila niyang ulo na tila ba'y nabibiyak na iyon sa sakit. Hindi na maipinta ang mukha ng lalaki na bawat segundong lumilipas lalong sumasakit iyon na nanunuot sa kanyang kalamnan na para bang dinudurog ang ulo niya. "Ang sakit! Ahhh!" hindi na nakayanan ng lalaki ang sakit ng kanyang ulo na lumabas na lamang ang ugat sa kanyang leeg sa malakas niyang ungol na lamang na pag sigaw. Naka hawak siya ng mariin sa kanyang ulo, para kahit papaano maibsan ang kirot na kanyang nararamdaman ngunit hindi pa rin nakaka-tulong iyon. Pulang-pula na ang mukha ng lalaki na namimilipit na siya sa sakit hanggang hindi niya na nakayanan, kusa na lamang nanghina ang kanyang katawan at hinang-hina na lamang na napa-luhod sa lupa na para na siyang mababaliw sa sakit na kanyang nararanasan. Hindi na dinarama ng lalaki ang sakit ng kanyang katawan at ilang sugat dahil mas matimbang pa talaga ang sakit ng kanyang ulo. Buong higpit na naka hawak ang lalaki sa kanyang ulo na may benda, at mariin na lamang napa-pikit muli ng kanyang mata, kasunod na lamang ang matinis niyang pag sigaw na hindi niya na makayanan pa ang sakit. LIGAYA'S POV Tahimik lamang nag hihintay si Ligaya sa labas lamang ng munting bahay-kubo, at hinihintay na lumabas ang kanyang kapatid. Panaka-naka siyang pasilip-silip para tignan lamang kong palabas na ba ito. Hindi naman gaanong mainit sa napiling napwestuhan ni Ligaya dahil lamang malimlim doon dala ng matatayog na mga puno malapit sa kanyang kinatatayuan at sabayan pa ng masarap ng pag ihip ng hangin. Hanggang sa isang minuto na lamang na pag hihintay ni Ligaya, dumating na rin ang kanyang kababatang kapatid na kanyang hinihintay. Abot-langit na ang matamis na ngiti sa labi nitong palabas sa munting bahay-kubo at kasabay niyang pag labas ang iilan na mga batang hindi rin naman nag kakalayo ang kanilang mga edad. Iba't-iba ang kanyang mga kaklase, mayron naman na lalaki at mga babae at iilan pa sa kasabayan nito hindi rin naman mag kakapareho ang kanilang mga edad, may mga mas bata pa sakanyang kapatid at ang iba naman may edad rin naman na gustong ipag patuloy ang kanilang pag aaral. Maliit lamang ang kanilang munting Nayon at kong minsan hindi na ito naabot pa ng edukasyon dahil lamang malayo at parteng liblib na ang kanilang lugar. Kokonti lang naman ang mga estudyanteng nag aaral, at bilang lamang sa isa o dalawang tao lamang ang nag tuturong guro sa mga bata na kung minsan limitado ang kanilang tinuturo na hanggang elementary lamang. Tinituruan lamang ang mga kabaryo namin sa simpleng pag susulat, pag bibilang at pag babasa. "Ate Ligaya," matamis na pag salubong sakanya ng kapatid na si Lira. Kagaya ng ibang mga estudyante wala silang suot na mag kakapareha na mga uniforme sa araw ng pasok, na simpleng pang bahay lamang na suot na damit pwede na iyon. "Kumusta ang pag aaral mo? Pinag butihan mo ba?" kina-hawak naman ni Ligaya ang buhok ng kapatid na bahagyang ginulo na mapa-ngiti naman ito. "Oo naman po," yakap ng kapatid niya ang isang libro na madalas nitong binabasa na sabay na nilang tinahak ang daan pauwi sakanila. Nakaka-sabayan nila ang ilang mga kaklase ni Lira na pauwi na rin na ang iba sinundo pa ng kanilang mga magulang. "Pinag butihan ko ang pag aaral ko, dahil gusto kong makapag tapos ng pag aaral dahil gusto ko maging nurse Ate," naiwika na lamang ng kanyang kapatid. "Nurse?" "Oo Ate Ligaya," sang-ayon nito na kina-tingin na lang sa daan. "Gusto kong maka tulong sa mga Kanayon natin dahil kakaunti lang naman ang mangggamot. Kapag nag kakaroon ng malubhang sakit o karamdaman ang mga ka-baryo natin wala kaagad silang nahahanap na tulong kaya't gusto ko talagang matupad ang pangarap ko Ate," may ngiti sa labi ng kanyang kapatid habang kinu-kwento ang bagay na iyon. Nakikita naman ni Ligaya ang pag sisikap ng kanyang kapatid sa pag aaral, na kung minsan hilig talaga nito mag basa ng mga libro para dagdag sa kanyang kaalaman. Malaki ang pangarap ng kanyang kapatid simula bata pa lang ito, naiku-kwento na nito sakanya ang mga bagay-bagay na gusto nito pag laki at iyon nga ang maka tulong sa kanilang Nayon. "Oo naman, maabot mo ang pangarap mo kapag pinag butihan mo lang ang ginagawa mo. Kapag malaki kana at kaya mo na ang gusto mo, matutunan mo rin na maka tulong sa Ka-nayon natin sa paraan na gusto mo." Ngumiti si Ligaya ng kay tamis dito hanggang sa ilang sandaling katahimikan, pinukaw muli ang kanyang atensyon. "Ate Ligaya?" "Hmm?" "Gusto ko sanang mag aral sa syudad." kina-hinto naman ni Ligaya ang sinabi ng kapatid at kina-tingin dito. Wala siyang nakikitang pag aalinlangan na sinabi ang bagay na iyon na gustong-gusto talaga nito na ipag patuloy ang kanyang pag aaral sa malayo. "Gusto ko kasing ipag patuloy ang pag aaral ko, para maging ganap akong nurse Ate Ligaya. Hindi ko naman matutupad ang mga pangarap ko kung dito lang ako." Aniya nitong napa titig na lang si Ligaya sa mukha ng kapatid, mukhang seryoso nga ito sa sinasabi. "Iyan ba talaga ang gusto mo?" kina-tango na lang ni Lira ang kanyang tanong. "Naka-usap ko no'ng naka raang linggo si Abby na doon na daw sila titira ng kanyang mga magulang sa syudad Ate, at naikwento niya pa sa akin na mag aaral daw siya sa sikat at magagandang skwelahan at mag tatapos sa kurso na gusto niya," namilog ang mata ng kanyang kapatid habang kinu-kwento ang bagay na iyon, na alam niyang gustong sundin ni Lira ang gusto niya at iyon ang makapag tapos sa pag aaral sa kurso na gusto nito. Hindi naman matutupad ang pangarap na gusto nito lalo’t wala naman na sapat na edukasyon ang kanilang Nayon sa kursong gusto nito. Kilala naman ni Ligaya ang tinutukoy nito, si Abby lang naman ang kaidaran ng kanyang kapatid na si Lira at hindi naman impossible sakanya na makilala rin ang mga magulang nito dahil maliit lang naman ang kanilang Nayon. Hindi naman pinag babawal ni Datu Magwat sakanila na pumili ng ibang landas na tatahakin, na kung gusto mong manirahan sa karatig nayon o kahit man sa syudad. Kailangan mo lang talaga huminggi ng formal na basbas na pahintulot sa Datu bago ka maka-alis pero ang ilan sa mga ka-Nayon nila mas pinili na dito manirahan dahil dito na sila nag kamulat. Kahit salat man sa buhay ang ilan sa mga kabaryo niya, masaya at payapa na nandito na ang kanilang pinag kakabuhayan. "Gustong-gusto ko talaga Ate tumira sa syudad at doon mag aral," mahinang wika ni Lira, na hindi alam ni Ligaya ang isasagot sa kapatid. "Dadalawa na nga lang tayo Lira, tapos iiwan mo pa ako." Mababang tono ng salita ni Ligaya na kina-iling naman ng kanyang kapatid para ipahiwatig na mali ang kanyang iniisip. "Syempre naman hindi Ate, isasama kita sa pag alis ko at kasama rin natin si Tiya Belinda," taas-noong wika na lamang nitong kina-hawak ni Ligaya ang balikat ng kapatid at sabay nilang tinahak ang daan pauwi sakanila. “Huwag na doon sa syudad Lira, tiyak kong delikado at hindi naman natin gaanong kabisado ang lugar na iyon. Para sa kagaya natin napaka hirap mag adjust sa isang lugar na hindi naman natin nakagisnan na tirhan..” pag bibitin niya. “Dito na lang tayo sa Nayon natin Lira, kahit maliit lang ang lugar natin basta't mag kakasama tayong tatlo na masaya, okay na ako doon. Hayaan mo sa mga susunod na lang natin pag usapan ang gusto mo, okay ba iyon sa’yo?" kina-ngiti niya na lang ng kay tamis at sumukli na rin naman ang kanyang kapatid. "Sige Ate," tumango na lang sakanya si Lira at pinakita ang matamis na ngiti. “Bilisan mo sa pag lalakad at kailangan na natin mag madali, ipag luluto kita ng paborito mong ula----" hindi na natapos pa ni Ligaya ang anumang sasabihin niya na may mag agaw ng kanyang atensyon. "Ligaya." Ang pag tawag sa kanyang pangalan, unti-unting kina-wala ng matamis na ngiti ng dalaga. Kaagad nilang hinanap kong saan nag mumula ang boses at kaagad niyang nakita ang paparating na si Makisig na iniwan saglit ang buhat-buhat na sinibak na mga kahoy na ipang gagatong sa isang tabi. Hindi nagustuhan ni Ligaya ang presinsiya nito at kakaibang ngiti na sumilay sa kanyang labi kong papaano siya tignan ng Ginoo. Simpleng maong na short na hanggang tuhod ang suot ni Makisig at pang itaas naman ang longsleeve naman na kulay grey na bumakat ang kakisigan na kanyang pangangatawan sa suot nito. May daplis na pawis na namuo sa leeg at noo ni Makisig na mukhang kakatapos lang nito sa kanyang ginagawa. May pagka hambog at parang hari kong mag lakad si Makisig palapit sakanila. Guwapong-guwapo sa sarili sa pamamaraan lamang na kinikilig ang mga kababaihan sa kanyang taglay na kaguwapuhan sa simpleng pag lakad lamang nito na napapadaan lamang. Kinikilig na ang mga kababaihan at hindi maitago kong gaano sila nag huhumaling dito ngunit iba si Ligaya sa mga ito, na wala man lang siyang naramdaman na kilig sa simpleng pag lapit at pag papansin sakanya ngunit inis ang nararamdaman niya sa binata. “Kumusta kana aking pinaka mamahal na Binibining Ligaya," pinalawak pa lalo ni Makisig ang ngiti sa labi na pinapakita sakanya ang maputi at pantay-pantay nitong ngiti. Matagumpay na naka lapit ito sakanya na walang pag aalinlangan na tumabi at umakbay sakanya, at hinatak siya nito palapit kaya't nag kadikit ang kanilang mga katawan. Walang anumang naramdaman si Ligaya dito kundi nag aalangan sa kanilang posisyon at nag sitayuan ang balahibo niya sa katawan. "Makisig ano ba," iaalis niya sana ang kamay nitong naka akbay sakanya ngunit hindi niya naituloy nang humigpit pa ang pag kakahawak sa balikat, sabay hinatak siya kaya’t mag kadikit na ang katawan nilang dalawa. "Iwas na iwas ka naman sa akin Ligaya, dapat masanay kanang parati akong lumalapit sa’yo, para naman mas makilala pa natin ang isa’t-isa aking irog.” Pinagalaw ni Makisig ang kanyang kilay at tinaas-baba na napa-ngiwi na lang si Ligaya. “Nandito ka pala Binibining Lira, okay lang ba sa’yo na hiramin ko saglit ang iyong kapatid? Ipapasyal ko muna siya saglit at ipapakita sakanya ang ginagawa kong magiging tahanan namin, kapag kami’y kinasal na. Kong gusto mo, sumama kana rin sa amin at may ipapakita ako sa’yo.” Preskong wika na lamang nitong kina-baling sa gawi ni Lira, tahimik lamang ngunit hindi nagustuhan ang presinsiya ni Makisig. Lingid sa kaalaman, hindi lamang si Ligaya ang hindi gusto si Makisig kundi si Lira rin dahil sa pagiging hambog ng Ginoo at masama ang ugali. Umiling na lamang ng ulo si Lira, hindk maipinta ang mukha at hinakbang ang paa palayo sa gawi ni Makisig na ayaw mag padikit dito. “Tumigil kana nga diyan Makisig.” Saway naman ni Ligaya na mahinang boses na kina-baling naman sakanya ng tingin. “Oh bakit? Wala naman masama sa sinasabi ko Ligaya.” Dugtong muli nito. “Nag papa-alam lamang ako ng formal sa kapatid mo, gusto ko lang maging malapit sakanya dahil kapag kinasal tayo, pamilya ko na rin ang pamilya mo.” Pinalawak pa ni Makisig ang ngiti sa labi, na nanalaytay naman sa katawan ni Ligaya ang kilabot sa tuwing tumitingin siya dito. Naging mabibigat ang pag hingga ni Ligaya at hindi na siya umimik pa. Ang matagalim niyang titig kay Makisig ang hudyat kong paano niya hindi nagugustuhan ang sinasabi nito. Imbes masindak si Makisig sa matalim niyang pag titig, nilapit pa lalo ang mukha nito sakanya sabay paiwan ng sasabihin. “Dalawang linggo na lang Ligaya, dalawang linggo na lang at sasapit na ang ka-pyestahan sa Nayon natin, hindi na ako makapag hintay pang maging asawa kita at hindi kana makaka-wala pa sa akin.” Ngumisi na lamang si Makisig at akmang hahalikan siya nito, mabilis naman na kumilos ang katawan ni Ligaya sa gagawin ng binata. Tinulak niya nang malakas si Makisig palayo sakanya kaya’t napa bitaw sila sa isa’t-isa. Naging mabigat ang pag hingga ni Ligaya, na hindi mawala-wala ang matalim niyang titig dito na labis niya naman kina-iinis na hindi man lang ito naapektuhan sa malakas niyang pag kakatulak dito. “Tumigil kana sa kahibangan mo Makisig, hindi kita gusto. Hindi ako makakapayag na maka-isang dibdib ang isang hambog at antipatikong lalaking kagaya mo!” Asik na lamang ni Ligaya at pinagalaw na lamang ni Makisig ang kanyang panga, palatandaan na hindi niya nagugustuhan ang kanyang narinig. “Ano pang tina-tayo mo riyan? Umalis kana Makisig, umalis kana!” Taboy niya na lamang sa binata. Pinakita na lamang ni Makisig na kalmado lamang siya sa binitawang salita ni Ligaya ngunit naroon ang galit at pag titimpi niya dito. Hindi na nag salita pa si Makisig, halatang dismayado at galit sa nangyari. Walang salita ang lumabas sa bibig nito at masama ang loob na nag martsa paalis na hindi naalis ang pag babantang titig sakanilang dalawang mag kapatid. Nag lakad na ito paalis at nilapitan ang iniwan na pang gatong na iniwan sa isang tabi at nag lakad na ito paalis. Sinusundan lamang ito ni Ligaya ng tingin na galit pa rin hanggang kusa na itong mawala sa kanyang mata. “Ate Ligaya.” Pukaw na tawag sakanya ni Lira, na ngayo’y may pag aalala na sa mata ng kapatid niya kong paano siya tignan. Hindi na namalayan ni Ligaya na naka-kuyom na ang kamao niya sa galit dito at may umagos ng luha sa kanyang pisngi dahil lamang sa nangyari. Napa-kurap na lamang ng mata si Ligaya, na kaagad niyang kina-punas ang daplis na luha sa pisngi at patay malisya na lang, na para bang walang nangyari. “Okay ka lang po ba, Ate?” “Oo, okay lang ako.” Sagot niya na pinakita na lamang ang matamis na ngiti, para ipakita na maayos lang talaga siya, ngunit kabaliktaran naman ang sinabi niya sa totoo niyang nararamdaman. Sa bawat araw na nag daan, lumiliit ang pagitan nilang dalawa ni Makisig dahil palapit na nang palapit na ang ka-pyestahan sa kanilang Nayon. At ang araw na iyon ang araw ng kanilang pag- iisang dibdib. Bumalik muli ang takot at sakit sa damdamin ni Ligaya na kailangan niyang mag pakasal sa taong, hindi niya naman napupusuan. Bumibigat lamang ang kanyang nararamdaman na nay halong kaba na ayaw niyang tumuloy. Hindi niya alam kong paano niya tatakasan ang kapalaran na naka-guhit na sa kanyang mga palad. Humingga na lamang ng malalim si Ligaya, winawaksi sa kanyang isipan ang mga nangyari sabay lunok na lang ng mariin. “Halika na, umuwi na tayo Lira.” Aya ni Ligaya sa kapatid at nauna na siyang mag lakad. Hanggang tinatahak nila ang daan papunta sa kanilang maliit na bahay-kubo, malalim at tumatakbo ang isipan ni Ligaya. Hanggang ang malalim niyang pag iisip, biglang napukaw na lamang na maka pasok na silang dalawa ng kanyang kapatid sa maliit nilang tarangkahan na gawa lamang sa kahoy. Namilog ang kanyang mata sa gulat at natigil sa pag lalakad na makita niya ang sugatan na lalaki na naka higa na ito sa lupa at walang malay. Hindi niya alam kong anong nangyari. Hindi niya alam kong bakit napunta ito sa labas ng munti nilang tahanan, ngunit malinaw sakanya na tulungan ito. Nataranta at mabilis na lumapit si Ligaya sa lalaki para alalayan lamang ito samantala naman si Lira naka tayo sa isang tabi gulat na gulat at hindi malaman ang gagawin. “Halika rito Lira, tulungan mo akong idala natin siya sa loob ng balay.” Pakiusap naman ni Ligaya sa kapatid na doon muli ito natauhan. Lumapit na saknaya ang kapatid at tinulungan siya nitong ianggat ang katawan at maiayos lamang ang pag kakahiga nito sa lupa. “Gising, gising.” Pukaw niya na lamang sa lalaki at marahan na dinampi na tinapik ang pisngi nito para magising. “Gumising ka, Ginoo.” Bumalik na naman ang pag aalala sa dibdib ni Ligaya na makita lamang ang kalagayan nito na naka higa sa lupa at ang mata naman ni Ligaya may bahid ng takot at maluha-luha na naman. Ano ba kasing nangyari sa’yo, Ginoo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD