Chapter 4

3657 Words
Chapter 4 LIGAYA'S POV "Magandang umaga Binibining Ligaya." "Magandang araw, Ligaya." Iilan lamang iyan na mga Ginooo na bumati sakanya na maka salubong niya ang mga ito sa daan. "Magandang umaga rin." Pinakita ni Ligaya ang matamis na ngiti at pag bati sa mga Ginoo na hindi na maalis ang titig at matatamis nilang mga ngiti. Nag patuloy lamang si Ligaya sa pag lalakad, na hawak niya sa kabilang kamay ang katamtaman lamang na basket gawa sa abbacca. Kay sarap at sariwa ng simo'y ng hangin na tinatanggay na lamang ang maitim at mahabang buhok ni Ligaya. Tanging suot niya lamang ang offshouldrer na puting damit na komportable siyang suotin iyon at pang ibaba naman kulay asul na mahabang palda na lagpas tuhod ang haba, na ayaw niyang ipakita ang kanyang balat. Simple lamang ang ayos ni Ligaya subalit, lumilitaw ang natatanggi at natural niyang kagandahan. Ang maputi at makinis niyang kutis ang nangingibabaw at pag tama ng sinag ng araw sa kanyang balat, nag bibigay natural na pamumula ng kanyang pisngi kaya't napapa baling ng tingin sakanya ang mga Ginoo. "Oh, bakit pangiti-ngiti ka riyan, Liwayway." Hindi mapigilan ni Ligaya na punain ang kanyang kaibigan sa tabi niya lamang na may ngiti sa labi. Kasama niya si Liwayway at tinatahak nilang mag kasabay papunta sa maliit nilang bayan para mamalengke, araw kasi iyon ng Linggo at kapag ganun na araw maraming mga kabilang Nayon ang pumupunta sa bayan nila at nag babagsak ng mga sariwang isda, na iyon ang kanilang pakay ngayon. "Wala lang, natutuwa lang talaga ako na maraming mga Ginoo ang nag kakagusto sa'yo." Hindi maitago ng kaibigan niyang si Liwayway ang mapangiti at kiligin na pinapanuod kong gaano siya batiin ng mga Ginoo na kanilang makaka-salubong sa daan. Hindi na bago para kay Ligaya ang pag bati sakanya ng mga Ginoo at ang iba pa sakanila nag tatapat ng tunay nilang nararamdaman sakanya, kundi hindi niya na lang iyon pinapansin. Wala pa kasi sa isipan ni Ligaya ang umibig, at ayaw niyang pumasok sa isang relasyon dahil wala pa siyang napupusuan sa mga ito. "Hindi na ako mag tataka kong maraming nag kakagusto sa'yong mga Ginoo dahil di hamak na ikaw ang pinaka magandang Binibini dito sa Nayon natin." Hindi mapigilan na maiwika ni Liwayway na pinanlakihan naman ito ng mata ni Ligaya. "Huwag ka ngang mainggay diyan Liwayway, at baka may maka rinig sa'yo at kung ano pa ang isipin nila." Saway niya na lamang sa kaibigan dahil ayaw niyang may maka labas pa ito at may maka rinig sa iba pa mga tao na pag mulan ng kwento-kwento. "Eh ano naman kung marinig nila? Totoo naman kaya na ikaw ang pinaka magandang dilag sa Nayon natin." Giit na lamang na pinilig na lamang ni Ligaya ang kanyang ulo na hindi na lamang siya nag dugtong pa ng sasabihin. "Siya nga pala, pupunta kami ni Antonio sa batis mamaya at maliligo. Gusto mo bang sumama?" Paanyaya na lamang nito na kina-iling na lang ng ulo ni Ligaya. Tinutukoy nito ang kanyang nobyo na si Antonio na ilang taon na ang dalawa mag kasintahan. "Pasensiya na Liwayway, ngunit hindi ako makakasama sainyo." Aniya niya. "Marami pa kasi kaming aasikasuhin ni Tiya at tutulong din ako sakanya mamaya na pupunta sa lupain namin para umani ng mga paborito niyang mga pepino." Ngumuso na lamang ang kaibigan niya, na marinig ang kanyang sinabi. Nalulungkot at halatang dismayado na hindi na naman siya makakasama muli. "Ano ba iyan." Himutok nito na may pag tatampo sa boses. "Ilang linggo kanang tumatanggi sa paanyaya ko Ligaya na parati kana lang abala. Nakaka-tampo kana, iniisip ko talaga na ayaw mo na akong kasama." Napa-ngiti na lamang si Ligaya sa kaibigan na lumalabas ang pag ka-natural na pamumula ng pisngi kapag nag tatampo ito sakanya. "Hindi naman sa ganun Liwayway, marami lang talaga kaming inaasikaso ni Tiya kaya hindi na ako nakaka-sama sa'yo. Hayaan mo sa susunod sasama na ako." "Pangako iyan ha?" "Oo." Ngumiti na lang si Ligaya ng kay tamis dito. Hanggang naka rating na nga sila sa maliit na bayan nila. Dapis alas syete pa lang ng umaga, kagaya nang inaasahan ni Ligaya marami na sa mag kababayan nila ang maaga ng namamalengke na makikita mo na lang ang mga babae, lalaki at iilan pa doon mga matatanda na kasama ang kanilang mga anak. Maliit lamang ang kanilang palengkean, ngunit dinadagsa naman talaga kapag araw ng Linggo. Marami-raming tao ang mga nandon at mainggay talaga na iba-ibang tao ang iyong makikita. Sa parteng gilid ng daan naka pwesto na ang ilang taong tumi-tinda, naka latag na sa papag na nilalagyan na lamang nilang sapin, na doon pinapatong ang iba't-iba na kanilang mga paninda mag simula sa gulay, prutas, isda at kong ano-ano pang makikita mong pinag bibili ng mga tao sa kanilang bayan. Mag kasama na sila ng kaibigan niyang si Liwayway na bumili ng kanilang sadya na kanilang kakailanganin at pag katapos sabay na rin naman silang nag lakad pauwi sa kanilang munting tahanan. Mahigit sampung minuto lang naman ang lalakarin nila ng kaibigan na si Liwayway mula sa munti nilang bahay, may nakaka salubong at sabay rin sila na iba sa mga kababayan nilang pauwi na rin galing sa pamamalengke. Masaya silang nag lalakad at nag ku-kwentuhan ng kanyang kaibigan sa daanan na lupa na may konting mga damo. Sa kaliwa't-kanan nila matatayog na puno at mga matataas na mga halaman lamang ang makikita mo. May naka tirik din naman na mga bahay-kubo sa paligid na kanilang dinaraanan hanggang sa ilang minuto nilang pag-uusap hindi na nila namalayan na natapat na sila sa munting bahay-kubo ni Liwayway. Humigpit na lamang ang pag kakahawak ng kaibigan niya sa basket at hinarap siya nito para mauna na. "Siya at mauna na ako sa'yo Ligaya, at ako'y mag sasaing pa saami——-" "Ligaya." Ang pag tawag na lamang sa kanyang pangalan na matigilan sila pareho ni Liwayway. Hinanap nila ang nag mumula ng tinig na kaagad silang napa hinto na makita ang bagong dating na si Dolores at kasama nito ang katiwala na taga-silbi niya na si Bughaw. Simple lamang ang suot na damit ni Binibining Dolores na puting bestida ngunit, galing sa maganda at espisyal na tela dahil lamang mayaman at kilalang anak ng Datu sa kanilang Nayon. Kagalang-galang at nire-respito nila ang Binibini dahil lamang sa kilalang mayaman at matataas na antas ang kanyang angkan. Pinag aralan mabuti ni Ligaya ang mukha ni Dolores, na hindi na kaagad maganda ang pinapakita na pag titig sakanya na hindi niya mahulaan kong bakit. Hindi mapigilan ni Ligaya na pag masdan rin si Bughaw na naka tayo lamang sa likod ng Binibini, na wlaang expression na pinapakita sa mukha nito. Matangkad si Bughaw, at kayumanggi lamang ang balat nito na tantya niya kasing edad lamang ito ni Makisig. Kulay itim at medyo kulot-kulot naman ang kanyang buhok subalit hindi pa nila ito nasisilayan na ngumiti man lang dahil parati itong naka-busanggot, na natatakot ang kanyang aura. Matikas at maganda ang hubog ng pangangatawan na halatang batak na batak sa pag tra-trabaho, ilang taon na rin si Bughaw nag nag sisilbi sa pamilya ni Datu Magwat. Marami rin itong katangian kagaya ng magaling mangaso, at ito rin ang taga protektor nila. "Magandang umaga sainyo, Binibining Dolores." Pinakita ni Ligaya ang matamis na pag bati sa Binibini na sabay pa sila ni Liwayway na niyuko ng konti ang ulo para mag bigay respitu dito na hindi nag babago ang expression na naka-itaas pa ang isang kilay neto. "Ano po ang ipag lilingkod namin sainy——-" "Ipag paliwanag mo nga sa akin, kong bakit madalas sainyo si Mang Kadyo?" Diretsang tanong nito na hindi na ito nag paligo'y-lingoy pa ng sasabihin. Hindi na naka-imik pa si Ligaya, na kahit hindi na siya mag tanong alam niya na ang tinutumbok nito. "May naka-kita na ka-Nayon natin na madalas siyang namalalagi na pumupunta sa inyong balay, na kahit wala naman na may sakit sainyo." Nilapit pa ni Dolores ang kanyang sarili sakanya, nililitis siya sa paraan na titig nitong kina-higpit niya na lang sa pag kakahawak sa basket na hindi pinuputol ang titigan nilang dalawa. Mataray siya tinignan ni Dolores, at napa-anggat pa ng labi na mag bigay tensyon sa pagitan nilang dalawa, pero sa dibdib naman ni Ligaya namumuo ang takot sa kanyang dibdib na malaman ng Binibini ang totoo. "Sabihin mo nga sa akin Ligaya, may iba pa bang trina-trabaho si Mang Kadyo sainyo na hindi namin alam?" Aniya nitong napa-lunok na lamang si Ligaya. Hindi na siya mag tataka kong malaman man ni Binibining Dolores ang pabalik-balik na pag dalaw sakanila ng mang-gagamot na maliit lamang ang kanilang Nayon, na napaka-imposible na hindi malaman nito ang pag punta sa kanilang balay. Lumunok na lamang ng laway si Ligaya, hindi niya alam kong ano ang ipapaliwanag dito na kilala niya naman si Dolores. Hindi ito basta-basta sasadya na kakausapin na lang siya ng ganun, na hindi pina-iimbestigahan ang bagay-bagay na dapat siyang maging mainggat sa dapat niyang sagutin dito. Umanggat na lamang ang gilid ng labi ni Dolores, nag lalaro ang kapilyahan at plano sa kanyang isipan ang pananahimik niya. Umayos ang Binibini ng tindig at may pag tataray pa rin ang mga mata. "Hindi makaka-tulong ang pananahimik mo na lang Ligaya. Kong ayaw mong mag salita, mapipilitan ako netong ipag alam sa aking Ama ang tungkol dito. At siya na mismo ang mag tatanong ng mga bagay na gusto kong malaman kay Mang Kadyo kong bakit pabalik-balik siyang pumupunta sainyong balay.." may pananakot sa kanyang boses na mapa-lunok na lamang ng laway si Ligaya. Pinipilit niyang ipakita na hindi siya naapektuhan at natatakot naikwika nito pero mukhang porsigedo nga talaga ang Binibini na malaman ang totoo. Nang akmang aalis na sana si Dolores, doon na siya nag salita. "Madalas kasing sumasakit ang tyan ko kaya't madalas pumu-punta si Mang Kadyo sa balay namin para gamutin ako." Napa hinto naman ang Binibini na kina-baling ng tingin sakanya, na naka kunot pa ng noo. Lumunok muli si Ligaya ng laway at inipon ang lakas na sumagot muli dito. "Iyon ang rason kong bakit pabalik-balik siya sa amin.. Nasagot ko na Binibining Dolores ang iyong mga katanungan?" Naiwika na lamang ni Ligaya na alam niya naman na hindi titigil ang Binibini hangga't hindi nito nalalaman ang gusto niyang malaman. Sinabi niya lamang iyon para hindi na ito mag tanong pa sakanya at para na rin tantanan siya nito. Katahimikan ang sumagot sakanila, na kina-tiim-baga naman ni Dolores hindi nagustuhan kong ano man ang kanyang narinig. Tinignan lamang siya nito mula ulo hanggang paa, na sinusukat siya nito at pag katapos tumikhim na lamang na wala nang ihahabol pang sasabihin. "Wala na." Anito na naging malamig ang boses nito sabay talikod sakanilang dalawa. "Halika na Bughaw, mauna na tayo." Masungit na lamang na salaysay ni Dolores at nauna na itong mag lakad na taas-noo pa. Naka sunod na lamang sa kanyang likuran si Bughaw at nag patuloy ito sa kanilang pag lalakad hanggang tuluyan na nga silang naka layo sakanila. Tila ba'y nabunutan naman ng tinik ang dibdib ni Ligaya nang tuluyan na itong maka-alis at sumunod na lang ang malalim niyang pag lunok na kamuntik na siyang mahuli nito. "Sabihin mo sa akin, Ligaya. Ako lang ba? Ako lang ba ang naiinis sakanya?" Himutok na pabulong na salaysay na lamang ni Liwayway sa tabi ko, kina-sunod namin ng tingin pareho ang dinaanan kanina ni Dolores. "Porket anak siya ng Datu at kilala ang kanilang angkan ang lakas ng loob niyang ganun-ganun kana lang? Wala eh, matagal ko na talagang napapansin may galit sa'yo ang Binibining Dolores na iyon kaya't ganun siya umasta." "Hayaan mo na lang Liwayway at huwag kanang mag sabi pa ng kong ano-ano sa Binibini at baka may maka rinig sa'yo at mapagalitan ka." Saway niya na lamang na hindi na ito naka-imik. Halatang nainis ito sa binitawan na salita sa akin kanina ni Dolores. "Siya mauna na ako sa'yo at baka hanapin pa ako ni Tiya." Paalam niya na hinakbang niya na ang paa para iwan ang kaibigan. Iniiwasan niya rin na mag tanong pa ng kong ano-ano ito sakanya. Nakaka- ilang hakbang pa lang si Ligaya na kaagad siyang napa hinto na humarang sa kanyang dinaraanan si Liwayway. "Sandali, Ligaya." Pigil nito sa akin. "Ano iyong sinabi kanina ni Dolores, totoo bang parating pumupunta si Manong Kadyo sainyo?" "Oo." "Eh wala kana man nababanggit kapag mag kasama tayong may nararamdaman kang sakit." Hinuhuli nito ang aking tingin kaya't umiwas na lamang ako. Makulit si Liwayway kong minsan na alam kong hindi siya nito tatantanan hangga't hindi malalaman ang gusto. "Nakalimutan ko lang na banggitin sa'yo Liwayway. Sige na." Akmang dadaan sana siya sa gilid nito, na kina-harang naman muli sakanya na mag tagpo ang mata nila ng kaibigan. "Sandali, nag sinunggaling kay Binibining Dolores," giit nito na may kaba sa kanyang dibdib. "Tama nga, nag sinunggaling ka lang kay Binibining Dolores, na may sakit k——hmmp." Hindi niya na hinintay pang makapag tapos ito ng sasabihin nang tinakpan niya ang bibig nito para patahimikin. "Huwag ka ngang mainggay, Liwayway." Saway niya na lamang dito na kina-alis ng kaibigan ang kamay na naka takip sa bibig nito kaya't napa bitaw silang dalawa. "Diba, sinabi ko na nga bang hindi ka nag sasabi ng totoo sakanya." Giit nito. "Mga bata pa lang tayo Ligaya matalik na tayong mag kaibigan na dalawa at alam na alam ko na ang simpleng galaw at kilos mo kapag nag sisinunggaling ka." Anitong napa buntong-hiningga na lang siya ng malalim. "Oo na Liwayway." Pag susuko niya na lamang dito. "Ano ba kasi ang nililihim mo na hindi mo maamin-amin kay Binibining Dolores?" Tanong nito naman sakanya na kina-buntong-hiningga ng malalim na kina-harap sakanya muli. "Kapag sinabi ko ba sa'yo Liwayway ang totoo, pangako wala kang pag sasabihan kahit na sino? Atin-atin lang ito ha?" "Oo pangako, Ligaya." Tugon naman nitong hindi niya na lang kina sagot pa. **** Sakto naman na pag kapasok nila sa munting silid, naabutan nila si Tiyo Kadyo na kasalukuyan na nag gagamot at mukhang patapos na nga ito. Kina-lingon naman ni Ligaya ang kaibigan niyang si Liwayway sa kanyang tabi, gulat na gulat na masaksihan ang lalaking naka-higa sa papag at puno ng sugat ang katawan nito. Tahimik lamang sila ng kaibigan niyang nag hintay na naka tayo sa isang tabi, hanggang matapos na nga ang matanda sa kanyang ginagawa at tumayo ito. Bitbit niya ang bayong na gawa sa karagumoy, na doon niya nilalagay ang ibang mga dahon at gamit sa kanyang pag gagamot lamang. Lumapit sakanya ang matanda. "Kumusta na po Tiyo Kadyo ang kalagayan ng Ginoo?" Tanong niya muli na kina-lingon naman ng matanda ang walang malay pa rin na Ginoo. Doon nasaksihan ni Ligaya ang katawan nitong na ilang mababaw na sugat na lang nito ang magagaling na at ang iba naman hindi pa lubusang magaling, na pabalik-balik na ginagamot ito ng matanda. Marami ng pinag bago sa katawan ng Ginoo kumpara no'ng una niya itong matagpuan, puno ng sugat at galos ang katawan nito pero ngayon konti na lamang dahil ilan doon humilom at gumaling na. Labis na nag aalala si Ligaya dahil mahigit isang buwan na itong walang malay pa rin, na hindi nila alam kong hanggang kaylan ito sa na ganung kalagayan. "Naparito lang ako para palitan ang benda niya sa katawan at tignan ang kalagayan." Tugon ng matanda. "Sa ngayon maayos-ayos na ang kalagayan niya Binibining Ligaya, kumpara no'ng mga naka raan na dinala mo siya dito. Kina-lulungkot kong sabihin, hindi ko alam kong kaylan siya magigising, ar kong mag papatuloy na ganito na lamang siya." Malungkot na wika na lamang ng matanda. "Ganun ho ba?" Dismayado niyang wika. "May iniwan na akong gamot sa ibabaw ng lamesa, gamutin mo na lang iyon sa kanyang at makaka-tulong maka hilom sa malalim niyang sugat sa katawan." Kina-turo naman nito kong saan naka lagay ang iniwan nitong gamot, na kaagad niya naman nakita. "Sige ho Tiyo Kadyo maraming salamat po." "Sige mauna na ako sa'yo." Isang tango na lang ang sinagot niya at nag patuloy na ang matanda lumabas ng silid. Bumuntong-hiningga na lamang si Ligaya ng lalalim, nag lakad siya papunta sa lamesa para kunin ang gamot. Lumapit siya sa papag kong saan naka higa pa rin ang Ginoo at kagaya ng dati walang saplot ito kundi lamang ang bendang puti ang naka-pulupot sa katawan nito. Kumuha ng saktong gamot si Ligaya na nilagay niya sa palad at marahan lamang na pinahiran ng gamot na ginawa ni Tiyo Kadyo ang ilang sugat ng Ginoo na hindi pa gaanong nag hilom. Malaking pinag bago ang katawan ng lalaki at medyo tumubo na rin ang bigote nito ngunit hindi pa rin talaga mababawasan ang natatanging-kagandahang lalaki neto. "Sino siya Ligaya? Anong nangyari sakanya?" Sa wakas nagawa rin mag salita ng kaibigan niya matapos ng gulat kong ano man ang nakita ito. “Hindi ko siya kilala Liwayway at kahit na rin ang kanyang katauhan. Nakita ko lang siyang duguan at ganito na ang kalagayan dahil nahulog ang sinasakyan niya sa bangin at hanggang ngayon wala pa rin siyang malay." Pag bibitin na lamang ni Ligaya ng sasabihin. “Pwede ba Liwayway, walang makakaalam na kahit na sino, ang tungkol sa Ginoong ito?” Malambing niyang pakiusap sa kaibigan na kina-lapit naman nito sa gawin niya. “Oo naman Ligaya, makakaasa kang wala akong ibang pag sasabihin.” Kina-ngiti na lang ni Ligaya ang naging sagot ng kaibigan. THIRD PERSON'S POV Nagising na lamang ang lalaki sa mahabang pag kakatulog. Pag mulat niya na lamang ng mata, bumunggad sakanya ang hindi familiar na lugar na ginala niya ang kanyang mata sa paligid, ngunit hindi niya malaman kong asan siya. Nakita niya na lamang ang gawa sa kahoy na bahay at bawat kanto ng paligid, parang ibang-iba sakanya na ngayon niya pa lang nasaksihan. Bumangon ang lalaki sa pag kakahiga, mariin na napapa-pikit na lang mata at mahinang unggol ang pumuwala sa kanyang bibig sa sakit na nanunuot sa kanyang laman. Napa-hawak na lamang ang lalaki sa katawan at nahawakan niya ang puting benda na naka-pulupot sa kanyang katawan at iilan pang marka ng sugat na hindi niya alam kong saan nanggaling. Kahit masasakit at kumikirot ang sugat niya sa tuwing ginagalaw niya ang katawan, tiniis na lang ng lalaki na mahalaga sakanya ang umalis sa lugar kong asan siya ngayon. Matatalim at seryoso ng mukha ng lalaki, na palingon-lingon na lang sa kaliwa’t-kanan niya na mapa-pikit na lamang ng mariin na bigla siyang nahilo kaya’t napa hawak siya sa ulo. Doon niya lamang napag tanto na may naka-pulupot na puting benda sa kanyang ulo na hindi niya alam kong bakit. Matagumpay na naka-upo ang lalaki sa papag at matigas na higaan na wala siyang ibang gamit na nakikita kundi mga luma lamang. Inipon ng lalaki ang lakas na tumayo at ihakbang ang kanyang paa para lumakad at kasamaang palad, kumirot ang kaliwa niyang paa na sanhi mapa-unggol na lamang siya ng malakas na hindi niya nabalanse ang katawan kaya’t malakas siyang natumba sa papag na sahig. Maririnig mo na lang ang malakas niyang pag bagsak at kasabay ang malakas niyang unggol na pinakawala sa bibig. “Ughh.” Malalakas na lamang ng unggol ng lalaki, hindi na maipinta ang mukha niya sa sakit na nanunuot sa kalamnan at ang kanyang mata’y naging nakakatakot na. Lumabas na lamang ang ugat sa leeg ng lalaki at palatandaan ng pamumula ng kanyang mukha, kong gaano siya nahihirapan at nasasaktan na napa-hawak na lamang siya sa kaliwa niyang paa para damhin ang sakit. Ilang segundo na naka higa na ganung posisyon ang lalaki, bago mag lakas loob muli na itayo ang kanyang katawan sa pag kakabagsak. Mabagal at mainggat lamang ang kanyang ginagawang kilos at panaka-nakang napapa-unggol na lamang ng mahina, kapag naigagalaw niya ng mali ang katawan na may sugat para siyang namimilipit sa sakit. Matagumpay muli na naka-tayo ang lalaki, binabalanse muli ang kanyang sarili na hindi matumba na naroon pa rin ang kirot na ayaw niya nang damhin. Mabibigat na rin ang pag hingga ng lalaki at ang mata’y naman niya’y puno ng lamig at nakakatakot. Pinili ng lalaki, na humawak sa pader para maka kuha ng suporta na maka-tayo bago niya hinakbang ang kanyang paa ng mabagal at mainggat lamang. Paika-ika kong mag lakad ang lalaki, makikita mo talaga sa kanyang mukha na nahihirapan na kumilos lalo’t puno ng sugat ang kanyang katawan at ang kanyang kaliwang paa naman may bali kaya’t nahihirapan siyang kumilos. Sa bawat hakbang na ginagwa ng lalaki, makikita mo talaga ang kakisigan na taglay lalo’t wala itong suot na pang itaas na damit, tanging puting benda lamang na naka-pulupot sa kanyang katawan. Suot ang lumang pantalon ang pang baba naman na kasuotan nito at wala itong suot na sapin sa paa kaya’t nararamdaman ng lalaki na bugbog sarado ang kanyang buong katawan na nahihirapan na siyang kumilos. Hindi alam kong saan pupunta ang lalaki, na para bang naliligaw siya na parang bata na hindi alam kong saan siya dadalhin ng kanyang paa. Naging blangko na rin ang isipan ng lalaki at nakaka ramdam ng matinding hilo at panlalabo ng kanyang paningin ngunit, pinilig niya ang kanyang ulo para labanan lamang kong ano man ang nararamdaman niya na inipon niya ang lakas niya hanggang tuluyan siyang maka labas sa lugar na ito. Matagumpay na naka labas ang lalaki sa maliit lamang na bahay, naka hawak sa kanyang kaliwang bahagi ng tyan na kumikirot sa tuwing nag lalakad siya. Kaagad bumunggad sa lalaki ang hindi familiar na lugar na napapalibutan lamang iyon ng kakahuyan at lugar na nag pabaling-baling ang kanyang tingin sa kaliwa’t-kanan na tila ba’y nawawala na siya. Naging mabibigat ang pag hingga ng lalaki at ang kanyang mata’y naman naging malilikot at takot na takot na hindi alam ang gagawin. Sandali, asan ako? Sino ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD