Chapter 40

3224 Words
Chapter 40 MARIKIT'S POV Napaka ganda ng panahon ng hapon na iyon, na binabaybay ko ang daan pauwi. Hindi na rin nakaka paso ang sinag ng araw dahil mababa na rin ang araw at mag isa lamang akong nag lalakad. Sa kabila ko naman na kamay, dala-dala lamang ang katamtaman na lalagyan na puno ng aking pinamili sa bayan kanina na mga gulay. Balak ko kssi mag luto ng masarap at masustansiyang ulam para mamayang hapunan kaya't ganun na lang ang aking pag kasabik na maka-uwi lamang. Payapa ang paligid at nalilibang naman talaga ako nang husto na pinapanuod ang nag tataasan na mga puno sa paligid, sabayan pa ng pag galaw ng mga dahon sa bawat pag ihip ng hangin. Ilang minuto kong binabaybay ang daan, kaagad naman napukaw na lang ang aking atensyon na makita ko na lamang ang familiar na bulto ng isang tao. Isang familiar na bulto na may kalayuan sa akin, na makilala ko naman kong sino iyon. Sumilay na lang ang matamis na ngiti sa aking labi, na may hawak siyang basket at alam ko sa sarili kong pauwi na siya galing sa pag titinda. "Ligaya." wika ko na lamang na makita si Ligaya na nag lalakad at nakilala ko na lang ang kanyang likod at kanyang kasuotan na suot. Kahit likod niya pa lang at hugis ng katawan, alam ko na sa sarili kong siya iyon. Sa labis na pag kasabik na tawagin at maagaw ko ang kanyang atensyon, tinaas ko na lamang ang aking kaliwang kamay at nilakasan ko pa ang aking boses para sa ganun mapansin niya ang pag tawag ko sakanya. "Ligaya. Ligaya," matamis na ngiti ang sumilay sa labi ko at ang kamay ko naman, winawagayway ko naman sa hangin para sa ganun makita niya ako. Napa labi na lamang ako na patuloy niya lamang tinatahak ang daan na tila ba'y hindi nito napansin at narinig ang pag tawag ko sakanya. Wala sa sariling binaba ko na lang ang kamay ko, at sinundan ko na lamang si Ligaya ng tingin hanggang tuluyan na nga siyang naka layo. "Sayang, hindi niya ako narinig," bulong ko na lang sa sarili ko at ako'y paalis na sana subalit kaagad naman akong napa hinto na mapansin na lang ang isang tao na bagong dating. Isang taong kilala ko. Nanigas na lang ang paa ko sa lupa, at kumunot na lang ang aking noo na hindi inaalis ang mata ko sa bulto ng isang tao na bagong dating na kakaiba ang kanyang kinikilos. Pasilip-silip siya sa kaliwa't-kanan niya na para masiguro na walang ibang tao na naka kita sakanya. Tumitingin na sinisiguro na walang ibang tao, na maka kita ng kanyang ginagawa. Nag taka na lang ako nang husto sa kakaiba niyang kinikilos at ang kanyang mata naman malilikot na animo'y may binabalak. "Makisig?" mahina ko na lamang na tinig na makilala ko kung sino iyon, na hindi ko maipaliwanag ang sarili ko, kung bakit hindi na lang maalis ang mata ko sakanya na pinag aaralan ang bawat kanyang kilos at galaw. Nang masiguro ni Makisig na walang sino man na tao sa paligid, at mainggat ang kanyang galaw at kilos lamang na sinundan niya ang dinaanan kanina ni Ligaya. Ha? Bakit? Sinusundan niya si Ligaya? Hindi naman doon ang daan, pauwi sa kanyang balay ah? Nag taka naman talaga ako nang husto at kahit ako mismo, hindi ko alam kong bakit patungo rin siya sa dinaanan ni Ligaya. Hindi na lang maalis ang mata ko kay Makisig na patuloy na lamang nag lalakad na sinusundan si Ligaya, na mainggat na paraan na maging seryoso naman akong pinapanuod siya. "Marikit," ang pag hawak na lang sa aking balikat, na kulang na lang mapa lundag ako sa gulat. "Ay hesus, ko!" sinapo ko na lang ang aking dibdib na ngayo'y kumakalabog na iyon ng napaka bilis lamang sa pag kagulat. Hindi na lang nahupa ang malakas na t***k ng aking puso na makita ang kaibigan kong si Elena sa tabi ko, na tila ba'y para bang humiwalay ng ilang segundo ang kaluluwa sa katawan sa bigla-bigla niya na lang na pag sulpot. Naka kunot siya ng kanyang noo at takang-taka naman sa naging reaksyon ko, na pinanuyuan naman ako ng laway sa lalamunan. "Gulat na gulat ka ata, Marikit." puna na lamang nitong, umayos na lang ako ng tindig. "Kanina pa kita tinatawag at mukhang hindi mo ata narinig ang pag tawag ko sa'yo. Halika na at sabay na tayong umuwi," wika na lamang nitong napa tingin naman ako sakanya na napa tango na lang ako. "Sige," wala sa sariling wika ko na nauna na siyang mag lakad sa akin, samantala naman ako naka tayo pa rin. Bago sumunod kay Elena, tumingin muli ako sa dinaanan kanina ni Makisig at Ligaya kanina subalit hindi ko na siya muling nakita pa. Sandali, asan na ba siya? Asan na si Makisig? Sinundan niya ba si Ligaya? Wala na akong nakita pang anumang bulto ni Makisig doon na animo'y nag laho na lang siya na parang bula sa hangin. Iniling ko na lang ang aking ulo, at takang-taka sa aking nakita. Impossible. Impossible naman ata, na sundan niya si Ligaya. Baka nag kataon lang. Kumibit-balikat na lamang ako at nag patuloy na lamang sa aking pag lalakad. LIGAYA'S POV Nagising na lamang ako sa kailaliman ng gabi na marinig na lang ang munting ungol at ungos ni Dakila sa tabi ko. Sumalubong na lang sa akin ang kadiliman ng aming silid, at nag mimistula na lang nag bibigay liwanag ng gabing iyon ay ang pumapasok na konting liwanag na nang gagaling sa buwan mula sa kwarto namin. Naalimpunggatan na lamang ako sa mahimbing na pag kakatulog na kaagad ko naman na kina-silip si Dakila sa tabi kong mahimbing pa rin na natutulog at pabaling-pabaling ang kanyang ulo na tila ba'y napapanaginipan siya na masama. Dumaplis na ang pawis sa kanyang noo at leeg at maya't-maya ko na lamang naririnig ang munting ungol nito sa tabi ko. "H-Hindi, hindi," mahinang wika na lamang nitong pabaling-baling ang kanyang ulo. Naging mabigat na lang ang kanyang pag hingga at hindi na maipinta ang mukha nito na animo'y takot na takot siya na hindi maipaliwanag. "Mahal," mahinang pag tawag ko na lamang na hinawakan ko na lang ang balikat ni Dakila para ito'y gisingin. "Mahal, gising," niyugyog ko ng mahina ang balikat, na tinatawag pa rin ang pangalan niya subalit naging intense ang kanyang ungol na tila ba'y kinakapos siya sa hiningga. "Hindi, Hindi!" malakas na lang napa sigaw si Dakila na umalingawngaw na lang ang malakas niyang tinig sa loob ng silid, na kina-upo niya na lang nito sa papag na hinahabol ang kanyang pag hingga. "Mahal, ayos ka lang b-----" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko, na nabigla na lang ako na yakapin ni Dakila nang ubod nang higpit at kinulong sa kanyang bisig. Nanigas na lang ang aking katawan sa pag kabila lamang, na hindi ko inaasahan na yayakapin niya ako nang ganun. "Mahal, bakit? Ano bang nangyari? hmm?" malambing ko na lamang na tinig at aaminin kong nag alala rin ako. "Pwede bang, yakapin muna kita saglit, mahal?" malambing at tila ba'y parang bata na pakiusap niya na nag hahanap ng taong mapag sasandalan. Hindi talaga siya bumitaw sa pag kakayakap sa akin, hanggang tuluyan siyang mahimasmasan at mawala ang matinding masamang bangungot niya kanina. Hindi ko alam, na bigla na lang kumilos ang kamay kong tinapik-tapik at hinaplos ang likod niya baka sa paraan na iyon maka tulong na mapa kalma sakanya kahit paano. Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa ni Dakila ng gabing iyon na pina kikiramdaman lamang namin ang bawat isa. "May parati akong napapanaginipan, mahal." binasag na lamang ni Dakila ang katahimikan sa panig naming dalawa matapos ng isang minuto na katahimikan. Hindi ako kumibo at hinahayaan ko lang siyang mag salita. "Napaka sama ang panaginip ko, hindi ko alam kong bakit paulit-ulit na lamang ang masamang panaginip ko gabi-gabi na naka sakay ako sa sasakyan at may humahabol sa akin," pag bubukas nito ng kanyang panaginip, at may kong may anong sumuntok sa dibdib ko sa katagang binitawan niya. Hindi ko alam kong bakit, bigla na lang ako dinapuan ng matinding takot at pangamba sa aking sarili, na heto na naman. Paulit-ulit niya na lamang napapanaginipan niya ang bagay na iyon. Ilang buwan na kami nag sasama ni Dakila sa iisang bubong at hindi na mabilang sa kamay ko, kong ilang beses na siya napapanaginipan na masama at paulit-ulit na lamang na iyon ang kanyang napapanaginipan. "May naalala k-ka ba, Mahal? May natandaan ka ba sa iyong panaginip?" wala na akong lakas ang boses kong maitanong iyon sakanya dahil lamang sa takot na nanaig sa dibdib ko. Takot na baka, ito na. Ito na ang bagay na kinakatakutan ko sa lahat. Umiling na lamang si Dakila bilang pag sagot sa akin. "Wala mahal, wala akong matandaan. Hindi gaanong klarado sa akin ang napanaginipan ko." pag bibitin na lamang nito at ang mata'y ko naman nabahiran ng takot lamang. "Hindi ko alam kong bakit ganun na lang paulit-ulit ang napapaniginipan ko... Alam mo mahal? Paminsan, dinadala ako ng panaginip ko sa lugar na kung minsan hindi ko alam kong saan. Lugar na hindi familiar sa akin." sinuntok na lamang ang dibdib ko, ng matinding kaba at takot ang aking puso na hindi na ako nakapag salita pa. Humigpit na lang ang pag kakayakap sa akin ni Dakila at sumukli naman ako ng yakap sakanya pabalik at aaminin kong kumalabog na lang ang aking dibdib sa takot. "Ngayon, okay na ako mahal. Lahat ng pangamba at takot sa dibdib ko, napapawi basta't kasama kita." aniya na lang nitong pinag pahingga na lang niya ang sarili niya sa akin. Ito na ba? Ito na ba ang simula ng pag balik ng kanyang ala-ala? Dapat na ba, ako mabahala? ***** Mag isa ko lang na binabaybay ang daan at ilang sandali natanaw ko na ang balay ni Tiya Belinda. Nag patuloy lamang ako sa pag lalakad, at binuksan ko na ang aming munting tarangkahan at dire-diretso na akong pumasok sa loob. Pag pasok ko lamang sa minsan ko nang naging tahanan ng ilang taon, naabutan ko na lamang ang kapatid kong si Lira na kasalukuyan itong naka upo sa upuan na gawa sa kahoy at nag tutupi ng damit. "Ate, Ligaya." iniwan saglit ni Lira ang kanyang ginagawa para lumapit sa akin nang mapansin at makita niya ako. Lumiwanag naman ang mukha ng kapatid ko at ganun rin ako, sa sabik lamang na makita siya. "Lira," sinalubong niya lang ako nang mahigpit na yakap at sumukli rin ako. "Na-miss kita, Ate." naramdaman ko na lamang ang mainit na katawan ng kapatid na dumapo sa akin na makampanti naman ako. "Na-miss din kita Lira." ginulo ko na lang ang kanyang buhok na kina-hagikhik naman nito. Tuminggala na lang sa akin si Lira at hindi maalis-alis ang matamis na ngiti sa labi. "Nag papakabait ka ba kay Tiya? Baka binibigyan mo siya nang sakit ng ulo parati." Ngumuso na lang sa akin ang aking kapatid. "Hindi kaya Ate, nag papakabait kaya ako kay Tiya at higit sa lahat po pinag bubutihan ko ang pag aaral ko." pag mamataas na lang nito, at kumalas na si Lira sa pag kakayakap sa akin. Doon naman ako nag karoon ng pag kakataon na pumasok, at naabutan ko si Tiya Belinda na ngayo'y may inaayos sa kusina. Samantala naman si Lira tinapos nito ang pag tutupi ng damit. "Tiya," lumapit ako sakanya para mag mano. "Maraming salamat," tugon na lang nito. "May dala pala akong kakanin at paborito niyo pong bibingka." pinakita ko na lamang sakanya ang bitbit kong basket, na kina-liwanag naman ng mukha nito sa aking munting pasalubong na dala "Maraming salamat talaga, Ligaya. Labis ko talagang na-miss ang mga luto mong kakanin." anito na nilapag ko na lang sa lamesa ang dala kong basket laman ng aking pag kain na aking dala. Lumapit na rin sa akin si Tiya at binuksan nito ang naka takip na pag kain sa ibabaw nang lamesa. "Siya nga pala, kumain kana ba? May tira pa kaming pag kain dito na inalmusal namin kanina ng kapatid mo. Gusto mo bang ipag timpla kita ng kape?" umiling na lang ako bilang pag tatanggi. "Hindi na, Tiya maraming salamat na lang subalit busog pa po ako." aniya ko. "Dumaan lang ako rito para ihatid itong mga kakanin bago ako tumuloy mamaya sa bayan para ilako ang mga paninda ko." nilabas ko na isa-isa mula sa basket ang dala kong pag kain para sakanila at tumango naman si Tiya bilang sagot. Naging matamlay na lamang ang mata kong walang kibo lamang na isa-isang nilalabas ang kakanin. Ang mata ko'y nabahiran ng pag aalala at matinding pangamba na ngayo'y lumilipad na lang ang aking isipan na maalala muli ang tagpo kanina. Tagpo kung saan, nagising si Dakila sa kanyang masamang panaginip. Katahimikan ang bumalot sa amin, at ramdam ko pa rin ang presinsiya ni Tiya Belinda sa tabi ko at hindi ako naka ligtas sa pasimple niyang pag suri at kilatis niya sa aking ginagawa. "May problema ba, Ligaya?" ang pag salita na lang ni Tiya Belinda ang nag papukaw nang malalim kong iniisip. "Huh?" wala sa sarili kong tinig na mag tagpo ang mga mata namin at ako'y napa kurap ng mata na hindi ako naka ligtas sa mata niyang may pag kilatis. "W-Wala naman po, Tiya." turan ko na lamang at binalik na lang ang atensyon ko sa ginagawa. Akala ko, titigil na si Tiya sa pag tanong niya sa akin, subalit nag kamali ako dahil nilapit niya pa ang sarili niya sa akin para mag pahabol nang sasabihin. "Kilala kita, Ligaya iyan na pananahimik at simpleng kilos at galaw mo alam kong may bumabagabag na sa'yo." anito na hindi na lang ako naka kibo pa. Dapat ko bang sabihin sakanya ang bagay na nag papangamba sa akin? Kong hindi ko ito sasabihin sakanya, alam ko rin na hindi ako mapapanatag. Hindi ako mapapakali, at mababaliw ako sa kakaisip kapag hindi ko mailabas ito. "Ano iyon? Sabihin mo sa akin," ang salita na lamang ni Tiya ang mag patigil sa akin, at humarap ako sakanya. "Hindi ko alam, kong dapat ba ako mabahala Tiya," pag bubukas ko na lamang at kinagat ko ang ibabang labi bago dumugtong muli ng sasabihin. "Si Dakila po kasi," may takot at matinding pangamba ang tinig ko na binanggit ang kanyang pangalan. "Bakit? May problema ba kayong dalawa?" "Wala naman po," sabay iling ko naman ng aking ulo. "Nag aalala lang naman ho ako kasi unti-unti nang bumabalik ang kanyang ala-ala, Tiya. May napapanaginipan po kasi siya, at alam kong parte iyon ng naka raan niya.. May mga tanong na rin po si Dakila sa akin, at may pag kakataon na hindi ko siya masagot dahil kahit ako mismo hindi ko alam ang sasabihin ko," naging emosyonal ang aking tinig na humarap na lang kay Tiya Belinda na may takot at pangamba ang kanyang itsura sa aking mga sinabi. Binaling ko na lang ang mata ko sa kawalan at hindi ko maiwasan na pangambahan at mabahala na lamang "Gusto ko na talaga tapusin itong pag papanggap ko. I-Itong mga kasinunggalingan ko kay Dakila sa totoo niyang pag katao, p-pero Tiya... S-Sa tuwing nag tatanong siya sa akin hindi ko mapigilan na maisagot siya ng panibagong kasinunggalingan ko na naman muli sakanya kapag nag tatanong siya ng kanyang tunay na pag katao." uminit na lang ang sulok ng aking mata at nadaplisan iyon ng takot sa aking puso. "Sa tuwing nakaka sama ko siya, dinadaga ako ng konsensiya na gusto ko nang aminin sakanya ang totoo, subalit pinangungunahan ako bigla ng t-takot. N-Nagiging duwag ako, hindi ko kaya," basag ko na lamang na tinig "Dahil ba nagugustuhan mo na si Dakila?" tanong na lang ni Tiya Belinda na emosyonal naman akong tumitig sakanya. "Opo, Tiya," pag aamin ko na lamang sakanya at may kong anong naka barang laway sa aking lalamunan at may kong anong naka patong na mabigat sa aking dibdib na napaka hirap sa aking humingga nang maayos.. "Pinilit ko naman na h-hindi mahulog at mag kagusto sakanya. Pinigilan ko naman ang nararamdaman ko para sakanya dahil alam kong mali... Dahil parte lamang ito ng kasinunggalingan at pag papanggap ko subalit sa bawat araw na nakaka-sama ko siya, lalo lamang lumalim ang nararamdaman ko para sakanya Tiya.. Sa tuwing gumigising ako t-tuwing umaga, nag darasal ako na sana hindi na lang bumalik ang ala-ala niya.. Na sana ganito na lang kami," pag bibitin ko na lamang at tuminggala ako para pigilan na tumulo ang bakas na luha sa mga mata ko pero, hindi ko mapigilan na maiyak na lamang. "P-Pero paunti-unti nang dumadating ang kinakatakutan ko Tiya, na baka pag gising ko na lang isang araw, bumalik na ang kanyang ala-ala.. P-Paano na ako? M-Makakaya ko kaya na dumating ang araw na kamuhian niya ako? Paano na lang kong iwan niya ako k-kapag nalaman niya ang totoo na nag sinunggaling ako s-sakanya?" parang gripo lamang na umagos ang daplis na luha sa mga mata ko sa takot na ngayon nalabas ko na ang bigat na kinikimkim ko sa aking dibdib. Bagay na nag papahirap sa akin. Tinakpan ko na lang ang aking bibig, para sa ganun pigilan ang sarili kong mag pakawala nang impit na pag hagolhol ng pag iyak sa kanyang harapan. "Ligaya," hinawakan ni Tiya Belinda ang palad ko. "Huwag mo munang isipin ang bagay na iyan, Ligaya." anito na mababang tinig at iniling ko na lang ang aking ulo bilang sagot, na walang humpay na umiiyak pa rin sa kanyang harapan. "Hindi mo mawala sa akin T-Tiya, ang matakot para sa sarili ko.. Ayaw kong isipin, pero pinangungunahan ako ng takot para sa sarili ko, na baka hindi niya ako matanggap sa pag sisinunggaling ko sakany---" impit na iyak at pinisil na lang ni Tiya ang kamay ko. Nanlabo na ang mata ko sa walang humpay na pag iyak sa kanyang harapan. Sobrang bigat na nang aking puso na pakiramdam ko kinurot ang aking dibdib, sa takot para sa sarili ko. "Mabait si Dakila at ramdam kong mabuti siyang tao, Ligaya," pag papalakas ni Tiya Belinda sa loob ko. "Kapag dumating ang araw na malamam at bumalik ang kanyang alala, tiyak kong mas maiintidihan niya rin kong bakit nagawa mo iyon sakanya. Mag tiwala ka lang sa asawa mo, mahal ka niya at matatanggap ka niya kong ano man ang rason mo." pinisil na lang ni Tiya ang aking palad at niyakap niya na lang ako nang mahigpit. Sumukli ako nang mahigpit na yakap kay Tiya, at sunod-sunod na lamang na pumatak ang butil ng luha sa mata ko. Nang maramdaman ko ang mainit niyang katawan sa akin, na mag pagaan naman ng nararamdaman ko. Kahit paano, naka hanap ako ng tao na makikinig at mailalabas ko lahat ng bigat at sakit, na kinikimkim sa dibdib ko. May taong nandiyan para damayan ako. May taong nandiyan para sa akin, sa panahong naguguluhan at hindi ko na alam ang gagawin ko. Bumagsak na lang ang butil ng luha sa aking mga mata at mariin na lang ako napa pikit. Sana nga, Tiya. Sana nga. Sana magawa mo pa akong matanggap at patawin Dakila, kapag dumating araw na malaman mo ang totoo.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD