Chapter 26

3691 Words
Chapter 26 MAKISIG'S POV Naging mabigat na ang aking pag hingga at ang mata’y ko naman nanlilisik na sa galit matapos ang mga nangyari kanina. Pangyayari na mag papainit pa lalo ng ulo ko. Pangyayari na naisahan na naman ako ng lintik na Dakila na iyon. Mabibigat ang yabag ng aking paa na tinatahak ang daan pauwi, na naka sunod naman sa likuran ko si Juanito. Hindi ko na namalayan na naka kuyom na ahg kamao ko sa labis na pang gigil at pag titimpi, na anumang minuto sasabog na ang emosyon ko. Dire-diretso lamang akong nag lakad, hindi ko na pinukulan pa ng pansin at atensyon na batiin at ngitian ang mga taong maka salubong ko sa daan. Kusa na silang tumatabi at umiiwas ng tingin, takot na salubongin ang mata kong nag babaga na sa galit. Tumalim na lang ang mata ko at ilang minuto pa ang naka lipas, naka rating na ako sa balay ko. Hindi ko na mapigilan mag labas ng sama ng galit na buong lakas na lamang sinipa ang drum sa isang tabi. “Ahh!” Maririnig mo na lang ang nakaka hindik at nakaka takot kong sigaw, at kasabay no’n ang malakas na pag bagsak ng drum sa lupa na maka gawa iyon ng malakas at nakakatakot na tunog lamang ng sandaling iyon. “Ahh! Tangina!” Sigaw ko muli at sinabunutan ko ang aking buhok sa labis na pag titimpi na hindi pa ako nakuntento na pinag sisipa pa ang drum na paulit-ulit na tumilapon iyon kung saan. “Maging mahinahon ka sana, Makisig.” Ang salita ni Juanito sa likuran ko ang mag palalim ng hiningga kong, kina-lingon naman siya. “Anong sabi mo? Maging mahinahon?” Uyam ko na lamang na tinig, at kinalapit ko naman sakanya. Tumigil lamang ako sa tapat ni Juanito na hindi pa rin mawala-wala ang matalim kong pag titig dito. “Sa tingin mo, paano ako magiging mahinahon na naisahan na naman ako ng putanginang, Dakila na iyan huh? Sabihin mo?!” Malakas ko na lamang na sigaw na hindi na ito maka tingin ng diretso sa akin. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang takot lamang na mag kamali sa kanyang sasabihin dahil alam niya kong hanggang saan ang kaya kong gawin! Hanggang saan ang galit ko. “Ang ibig kong sabihin, maging mahinahon ka Makisig na huwag ka munang gumawa ng anumang gulo at pairalin ang init ng ulo mo lalo’t mainit ka pa sa mata ng Datu ngayon.” Pag bibitin na lang nito at mariin ko na lamang pinikit ang mata ko para pahupain ang galit sa dibdib ko. “Diba, minsan mo ng naka away si Amid no’ng isang araw mabuti nga lang talaga at babala lamang ang pinaratang sa’yo ng Datu ng ginawa mong pag bubugbog kay Amid. Kapag nalaman muli ng Datu na nakipag hamunan ka naman ng gulo kay Dakila baka kaparusahan na ang balik niyan sa’y——“ “Wala akong pakialam!” Nag tagis na lamang ang aking ngipin na ngayon hindi pa rin humuhupa ang galit ko. Tangina. “Wala akong pakialam kong maparusahan man ang kapalit sa akin, Juanito. Ang gusto ko lang maka higanti sa putanginang Dakila na iyon! Hindi ko papalagpasin ang pag babastus niya sa akin! Hinding-hindi!” Uyam ko na lamang na tinig at hindi na siya makapag hintay pang muli na mag tuos silang dalawa ni Dakila. Sa ngayon Dakila, swinerte ka lang! Ngayon napa tumba mo ako sa ating pakikipag laban natin pero sa susunod, hindi ko na hahayaan na manalo ka! Hindi ko hahayaan na pahiyain mo ako ng ganito! “Mabuti pang umiwas ka muna sa gulo, Makisig. Baka pwedeng hayaan mo na lang si Dakila at Ligaya, tigilan mo na silang dalawa.” “Hindi, Juanito!” May pag didiin sa aking tinig na hinarap muli dito. “Hindi ko hahayaan na bumagsak si Ligaya sa piling ng Dakila na iyon! Sa akin lang si Ligaya, akin lang siya! Hindi ko hahayaan na maging masaya sila hangga’t nabubuhay pa ako!” Sumilay na lamang ang mala-demonyong ngisi sa aking labi na tumingin na lang sa kawalan. Hindi ko hahayaan na mapunta ka sa iba, Ligaya. Gagawin ko ang lahat para bumalik ka lang sa akin! At kung si Dakila ang haharang sa mga plano ko, hindi ako mag dadalawang isip na patayin din siya! LIGAYA'S POV Pasado alas dos ng hapon, palabas na ako sa balay bitbit lamang ang katamtaman na balde laman ng mga damit namin ni Dakila. Nilapag ko muna saglit sa lupa ang balde para kunin ang palanggana sa loob ng balay at pag katapos lumabas na ako sa balay bitbit ang palanggana para maka alis na. Akmang kukunin ko sana ang balde na nilapag ko subalit natigilan na lamang ako na may kamay na mabilis na kumuha no’n.. “Sandali lan——“ hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na makita si Dakila na bitbit na ang balde na dadalhin ko sana. “M-Mahal.” Tawag ko na lamang dahil hindi ako makapaniwala na susulpot siya ng ganun kabilis sa harapan ko. Simpleng pang bahay lamang na damit ang suot ni Dakila at araw ng linggo iyon kaya’t wala itong pasok ng trahaho kay Tiyo Basyo. Ako naman, hindi na muna ako nag tinda sa bayan para matapos ko ang mga gawaing bahay. “Ako na dito, ako na ang mag bibitbit.” Seryosong tinig nito na hindi ko mapigilan ang sarili kong obserbahan ang seryoso niyang mukha. “Saan ka pupunta at bakit may dala-dala ka nito?” Pasimpleng sinulyapan nito ang balde na hawak niya na laman ng mga damit namin, kunot-noo na nag tataka kong bakit may dala ako no’n. “Ahh, mag lalaba kasi ako doon sa ilog.” Wika ko na lamang. May tubig naman dito sa balay namin na pang kukuhanan ng pang ligo at ilan pang pangangailangan namin sa pang araw-araw ngunit naka sanayan ko na talagang mag laba doon sa ilog. Mas maganda kasi doon dahil komportable at malinis at sariwa rin ang umaagos na tubig doon. Mula bata pa talaga kami, nakasanayan na talaga ng ilang tao sa Nayon namin ang pag lalaba sa ilog dahil hindi pa no’n uso ang puzo-n***o at ilang bukal na mapag kuhanan ng tubig, kaya’t ang ilan na mga ka-Nayon namin doon talaga sa ilog naliligo at nag lalaba. Tumango-tango naman si Dakila sa sinabi ko. “Sige, sasamahan na kita.” Presinta na lamang nito at nagulat na lang ako na walang pag aalinlangan na kinuha pa ni Dakila ang hawak kong palanggana. “K-Kasi ako na ang hahawak diya—-“ hindi ko na natapos na binigyan niya ako ng seryosong titig. Titig na mag patigil naman sa akin. “Ako na.” Pag didiin na salita na lamang nito na ibig sabihin, huwag na akong mapilit pa. “Saan ang daan papunta sa ilog?” Tanong na lang nito na mapa baling ang tingin niya sa akin. “Dito.” Tugon ko at dahan-dahan na ikinilos na lang ang paa kong inihakbang at nauna nang mag lakad at ramdam ko na lang ang pag sunod niya naman sa sa likuran ko. Mag kasama na kaming nag lalakad ni Dakila na ngayo’y tinatahak namin ang daan papunta sa ilog. Hindi naman gaanong nakaka paso ang sinag ng araw dahil hapon na rin iyon at sabayan pa ng sariwang hangin na humahampas sa katawan namin. Tinatanggay na lang sa bawat pag ihip na sumasabay ang pag galaw ang mahaba kong buhok at simpleng bestida lamang na bulaklakan na kulay berde na suot ko. Sa kaliwa’t-kanan namin madadaanan namin ang matatayog na iba’t-ibang mga puno at matataas na mga halaman na rin. Napaka tahimik ng lugar at wala kang ibang maririnig kundi huni ng ibon at ilang mga hayop na naka tira sa kagubatan. Wala na rin kaming madaanan na ibang mga balay sa paligid at kahit na rin mga taong nag daraan wala ka rin makikita dahil kalimitan na lamang ang ibang mga ka-Nayon namin, ang madalas nag pupunta sa ilog at hindi na kagaya ng dati noon na madalas talaga namamalagi sila doon. Nag lalakad lamang kami ni Dakila sa patag na lupa at medyo madamo na daan, na kailangan lang namin mag lakad mula sa balay namin papunta sa ilog ng mahigit kinse minutos na hindi rin naman gaanong malayo. Naka-bisado ko na ang daan at pasikot-sikot na mga lusutan na mga shortcut papunta sa ilog dahil na rin sa madalas nga kaming namamalagi doon na nag lalaba at familiar na rin sa akin ang ibang daanan. Pinag siklop ko na lamang ang palad ko at pasimple na sinilip si Dakila na seryosong nag lalakad sa tabi ko. Seryoso ang kanyang mukha at hindi na ito nag salita matapos naming umalis kanina sa balay, kulang na lang mapanis ang laway ko na hindi kami nag kikibuan na dalawa sa pag lalakad dahil lamang sa pagiging tahimik nito. Pasimple ko na lang tinignan ang guwapong mukha ni Dakila na ngayo’y naka kunot ang noo at medyo masungit ang mukha. Ang tingin ko naman bumaba at napunta na lamang sa katawan nito na ngayo’y naka patong sa kaliwang balikat niya ang balde laman ng damit namin at pinatong niya pa sa ibabaw ang palanggana na binabalanse niya lang iyon doon. Napa dako naman ang mata ko sa malaki at matigas na biceps ni Dakila, na lumabas ang katikasan ng kanyang katawan sa pag buhat ng balde at pag galaw na rin ng kanyang katawan habang nag lalakad. Bumabatak ang kakisigan na katawan nito na para bang napaka gaan lang para sakanya na dalhin iyon. Grabe, ang lakas pala ni Dakila. At ang kanyang katawan napaka ganda. Bumabakat din sa suot niyang damit ang maganda at hulmadong-hulmadong abs nito. Kusa na lang akong napa lunok ng laway, na hindi inaalis ang mata ko sa kakisigan ng kanyang katawan. “Bakit? May sasabihin ka ba? Kanina ko pa nakikita sa gilid ng mata ko ang palihim mong pag titig sa akin, mahal.” Ang salita na lamang ni Dakila ang mag pataranta sa akin nang husto sabay baling ng tingin sa gawin ko, na mag tagpo na lang ang mata naming dalawa. Tila ba’y ako’y napapaso na umiwas ng tingin na mahuli niya akong naka titig sakanya. Kainis. Nahuli niya akong naka titig ako sakanya ng palihim. Pinikit ko na lang ng mariin ang mata ko at kulang na lang dumugo ang ibabang labi ko, sa buong diin na pag kakakagat doon sa labis na kahihiyan sa aking dibdib. “H-Hindi ah, hindi kaya ako naka tingin sa’yo.” Nauutal ko na lamang na pag sisinunggaling, na makita ko ang pag awang ng labi ni Dakila sa naging sagot ko, na kina pula naman ng mag kabila kong pisngi sa naging reaksyon nito. Kainis, hindi niya pinaniwalaan ang sinabi ko? Dapat paniwalaan mo. “M-Mauna na ako sa’yo,” hindi ko na hinintay pang makapag salita si Dakila, na hinakbang ko na ang paa ko paalis. Binilisan ko pa ang yabag ng paa ko para sa ganun, hindi niya makita kong gaano na ako kapula ngayon. ****** Ilang minuto namin na pag babaybay ni Dakila ng daan at naka rating na kaagad kami sa ilog. Napa yakap na lang ako sa sarili ko, sa masarap na hangin na humampas sa katawan ko at napaka gandang tanawin na aking natatanaw ngayon. Kulay berde lamang ang matatanaw mo sa mga maraming halaman sa paligid at matatayog rin na mga puno sa gilid ng ilog ng mag bigay ng sariwang hangin na iyong malalasap. Mababato sa gilid ng ilog, na mayron na maliit at mayron din kalakihan na pwede ka pang maupo doon. Napaka lawak rin ng ilog na mayron iyon na malinaw at napaka lamig na tubig, na umaagos na kay sarap itampisaw at ilublob ang iyong mga paa sa tubig. “Itabi mo na lang diyan sa isang tabi, mahal,” Pasunod ko na buong ingat naman na binaba ni Dakila ang buhat nitong balde at pinili kong tumabi sakanya. Sinundan ko na lamang ang kanyang tingin na tumingin sa kawalan, tahimik na inoobserbahan ang ilog. “Diba ang ganda? Madalas kami dito mag laba ng mga damit namin..” wika ko na lang na hindi maalis ang matamis na ngiti sa labi ko. “Doon naman sa parte na iyon, diyan kami madalas na naliligo ni Lira.” tinuro ko pa kay Dakila ang pinaka dulo ng ilog kong saan kami madalas naliligo ng kapatid ko. Maganda kasi ang pwesto na iyon at medyo malalim ang ilog kaya’t maganda rin mag babad sa malamig na tubig. Tumango si Dakila bilang sagot sa akin at wala na akong narinig pang sagot sakanya. “Diyan ka lang muna mahal, at lalabhan ko lang itong mga damit natin.” Paalam ko sakanya at dinala ko na ang balde at palanggana malapit sa ilog para makapag simula na ako sa pag lalaba. Naupo na ako sa mabato at bahagyang inayos ang suot kong bestida para hindi iyon gaanong mabasa ng umaagos na tubig mula sa ilog. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa ginagawa ko, samantala naman si Dakila bahagyang pamasid-masid lamang itong naka tayo medyo may distansiya rin sa akin. Sa ganung posisyon malaya ko siyang napag mamasdandan at napag aaralan nito ang paligid. Sa kalagitnaan na lang ng pag lalaba ko napa tigil kumilos na lang si Dakila kaya’t nahila nito ang atensyon ko. Naka titig lang siya ng malamlam sa ilog at hindi ko inaasahan ang sunod niyang gagawin na walang habas na lang na hinubad ang suot niyang pang itaas na damit at tinapon na lang sa medyo mabato, ma hindi maabot ng tubig ilog. Napa kurap na lang ako ng mata ko na napa titig na lang sa guwapong mukha ng asawa ko. Sandali, anong gagawin niya? Bakit siya nag huhubad? Tila ba’y naging kaaya-aya at naka akit pag masdan ang malapad nitong balikat at katawan, na mas lalo pang dumagdag ang angas at lakas ng dating niya na ngayong tanging maong na pantalon na lang ang suot nito, Bumaba naman ang tingin ko na mapa dako sa kanyang six packs abs, at biceps nitong batak na batak talaga. Ano kaya ang pakiramdam na hawakan ko, at haplus-haplusin ko ang kanyang abs? Matigas kaya? Masarap? Pinilig ko na lang ang aking ulo para iwaksi na lang ang sumagi sa isipan ko. Ano ka ba, umayos ka nga diyan Ligaya! Ano bang iniisip mo? Pagalit ko naman sa sarili ko. Walang bahid na emosyon na lamang na sumuong na si Dakila sa ilog kaya’t nabasa na ang pantalon na suot nito. Tumigil si Dakila sa pag lalakad na hanggang baywang niya kalalim ang tubig ilog, at sa posisyon na kina-uupuan ko ngayon malaya kong napag mamasdan ang kanyang mala adonis na itsura. Kinukusot ko ang damit na, hindi inaalis ang mata ko sakanya. Gamit ang dalawa kamay ni Dakila, kumuha siya ng tubig mula sa ilog at binasa niya ang kanyang buhok kaya’t umagos na lang na nabasa at tumulo ang tubig mula sa kanyang leeg pababa sa kanyang makisig na katawan. Kusa na lang akong napa lunok ng laway, hindi ko maipaliwag kong bakit pinang initan ako bigla sa simpleng pag masid lamang sa tumulong tubig mula sa abs nito. Kaagad ko naman na lumihis na tumitig sa kanyang katawan na nang aakit at tila ba’y pasong-paso na. Umiwas ka Ligaya. Huwag kang tumitig sakanya. Pigilan mo ang sarili mong maakit at tumingin muli sa magandang katawan ng asawa mo. Bakit naman kasi ganito na mainit na eksina ang madadatnan ko? Inaakit niya ba ako? Bakit pakiramdam ko, oo. Kainis naman oh. Napa tigil na lang ako sa pag muni-muni na binasa na lang ako ni Dakila na nag mumula sa ilog kaya’t mabasa ang sarili ko ng malamig na tubig . “Ay, inaakit!” Tili ko naman na pag kagulat lamang at ngayo’y tinignan si Dakila na ngayon naka harap na siya sa akin at kakaiba ang pinukulan na ngisi sa labi nito. Hindi ko maipaliwanag kong bakit bigla akong natakot at kinabahan sa simpleng pag titig niya sa akin na para bang may binabalak. “Halika na, mahal samahan mo akong maligo.” Paanyaya nito na imbis tumingin ako sa guwapo niyang mukha, lumihis na lang bumaba sa abs nito. Punyeta naman na matang ito oh. Hindi magawang makuntento. “Mamaya na, kailangan ko pang tapusin itong ginagawa ko.” Nguso ko na lamang na tinig at pilit na binabalik ang atensyon ko sa pag tatapos ng pag lalaba ko, para na lang malihis ang mata ko na hindi na lang maakit sa maganda nitong katawan. “Halika na, mamaya na niyan.” Pag kukumbinsi na lamang nito at naragdagan ang kalabog ng aking dibdib na marinig ang tunog ng pag lapit sa akin ni Dakila. Huli na para maka takbo pa ako dahil mabilis niyang nahawakan ang pulsuhan ko, na kina milog naman ng mata ko. “M-Mahal.” Tawag ko na lang at napa singhap na lang ako na parang papel niya lang akong nahatak paalis sa aking pwesto na naka upo. “Ayaw ko nga sabi. Ayaw kong malig——ahh!” Tili ko na lang na hinatak ni Dakila ang pulsuhan ko pasuong sa tubig kaya’t nawalan akong balanse na mapa-subsob na lang ako sa matipunong pangangatawan niya at kasabay no’n pareho nang nabasa ang katawan namin ng tubig na nag mumula sa ilog. “Mahal naman eh, ayaw ko nga maligo. Tignan mo, nabasa na ang damit ko.” Hinutok ko na lang dahil pareho na kaming nabasa na dalawa. “Akala ko, ba ayaw mong maligo pero bakit naka dikit na ang katawan mo sa akin, mahal?” May pag tutukso na tinig ni Dakila na gumalaw ang kanyang mata na kina-sunod ko naman kong saan siya naka tingin. Namula na parang kamatis na lang ang mukha ko sa hiya na ngayo’y naka pako ang mata ni Dakila sa kamay kong naka hawak sa malapad nitong dibdib, samantala naman ang isa niyang kamay naka hawak sa baywang ko na maging suporta. “Ewan ko, sa’yo!” Inis ko na asik na kina-tulak si Dakila palayo sa akin, ngunit bago ko pa siya tuluyan mapalayo sa akin. Napa singhap na lang ako na hinapit niya pa ako palapit sakanya kaya nag lingkis na nag dikit na lang ang katawan namin. Pakiramdam ko, pinanuyuan ako ng laway sa lalamunan sa simpleng pag dikit lang ng katawan namin na maka ramdam ako ng init at kakaibang kuryente na nanalaytay sa katawan ko. “Gusto ko, ang posisyon natin ngayon, mahal.” Nag aakit nitong tinig na tumitig siya sa mata ko, na para bang hini-hypnotismo niya ako sa paraan na malagkit na pag titig niya sa akin. Pulang-pula na lang ang mag kabila kong pisngi sa kanyang sinabi sabay lihis ng tingin palayo sakanya. “Bumitaw kana mahal, kailangan ko lang tapusin ang ginagawa ko.” Nahihiya ko na tinig. “Mamaya na, maliligo muna tayo.” Anito na hinigit niya ako palapit sakanya kaya’t sumikip na lang ang pag hingga ko na mas lalo pa nag kadikit ang mga katawan namin ni Dakila. “Pwede naman tayo maligo habang nag lalaba, hindi ba?” “Huh? Paano?” Wika ko na lamang at hinawakan ni Dakila ang baba ko at unti-unti niyang pinaharap sakanya kaya makita ko ang kakaibang pag ningning no’n. Nakaka paso rin ang simpleng pag hawak niya sa baba ko kaya’t napa titig na lang ako sa guwapong mukha ni Dakila. “Pinag loloko mo naman ata ako mahal e——hmmmp.” Hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na siniil niya na ako ng matamis na halik sa labi, na mamilog na lang ang mata ko sa pag kagulat. Kumalabog na lang ng napaka bilis ang puso ko na maramdaman ang mainit nitong labi, na para bang nababaliw na ako sa umaapaw na damdamin ko. Sandali, bakit ganito? Bakit, ganito na lang ang nararamdaman ko? Nagugustuhan ko na ba siya? Mali ito, maling mali. THIRD PERSON’S POV Mula sa isang tahimik at medyo madilim na Opisina, mag isa lamang naka upo ang isang misteryosong lalaki sa swivel chair. Naka harap siya sa malaking glass window kong saan natatanaw niya ang nag tataasang mga gusali at mga building sa labas mismo ng kanyang kompaniya. Naka-dekwatro lamang naka upo ang lalaki na naka suot ng itim, mamahalin na suit at ang kanyang mata’y nabahiran ng dilim lamang. Pinag siklop ng lalaki ang kanyang palad at ilang sandali lamang rinig niya ang pag bukas ng pintuan hudyat ng may pumasok. Sunod niya na lang narinig ang yabag ng paa nito, na hindi na siya nag tangka pang lingunin kong sino iyon. Tumigil na lang ang yabag ng paa sa kanyang likuran ang kanyang tauhan para ipamalita na bagong impormasyon na nahanap nito. “Kumusta? Naka kuha kana ba ng bagong impormasyon, tungkol kay Damian?” Gumuhit na lamang ang malamig na tinig sa boses ng misteryosong lalaki na hindi inaalis ang tingin sa kawalan. “Wala po Sir Travis.” Tugon na lang na wika ng tauhan nito na kina-talim naman ng mata nito sa kanyang narinig. “Pinuntahan namin ang huling lokasyon ni Sir Damian pero wala po kaming makuhang bagong impormasyon sa kanyang kinalalagyan ngayon. Kasalukuyan pang nag hahanap ang mga kasamahan ko sa karating lugar kong saan huling nakita ang lokasyon ng kanyang GPS pero walang bakas ni Damian, wala silang nahanap.” Tinaas na lamang ni Travis ang kaliwa niyang kamay sa ire para ipag pahiwatig na wala na siyang kailangan pa dito. Sa gilid ng kanyang mata nakita na lang ang pag yuko nito para mag bigay respitu at nag lakad na ito paalis. Sunod na lang narinig ni Travis ang pag bukas-sara ng pintuan na hudyat naka alis na nga ito kasabay na lang ang malalim niyang buntong-hiningga niya na lamang. Tumalim na lang ang mata ni Travis at ang kanyang mata’y nakaka takot na sa dilim. Tangina. Asan kana ba, Damian?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD