Chapter 27

4811 Words
Chapter 27 LIGAYA'S POV Nag lakad na ako papasok sa silid namin ni Dakila sabay hawi ng kurtinang nag mimistulang pintuan sa kwarto namin. Tuloy-tuloy lamang ako sa pag pasok na may ngiti lamang sa aking labi. "Mahal, kakatapos ko lang mag luto para sa hapunan natin. Halika na habang mainit pa iyo——" tuloy-tuloy ko na lang na wika na hindi ko na natapos pa kong ano man ang sasabihin ko, sa naabutan ko. Namilog na lang ang mata ko na makita si Dakila na naka tayo sa loob ng kwarto namin. Wala siyang suot na saplot sa katawan, na natatakpan lamang ang hubo't-hubad niyang katawan ang puting twalya na naka takip sa parteng baywang neto. Sa ganung posisyon malaya kong napag mamasdan ang kakisigan niyang taglay lalo't ang pag galaw ng kanyang biceps sa tuwing gumagalaw siya. Kahit naka talikod si Dakila sa akin, hindi talaga maitatago ang kakisigan na taglay nito lalo na rin ang kanyang malapad na balikat at likod. Kusa na lang akong napa lunok ng laway na medyo humarap si Dakila sa kaliwang parte kaya't sumunod naman ang mata kong gumalaw at nasilip na lang ang malaki at nakaka akit na six packs abs nito. Sa tuwing gumagalaw at kumilos siya, iyon din ang pag batak at galaw ng kanyang kaaya-aya at nakaka tulo-laway na katawan. Grabe, Ang ganda talaga ng katawan niya. Hindi ko na lang maiwari kong bakit ako pinag initan nang husto sa simpleng pag masid lang sakanya ng palihim, na para naman sa akin napaka atraksyon naman talaga ng kanyang kakisigan na taglay. Sabayan pa ng seryoso at medyo masungit niyang dating lamang. Natigilan na lang ako sa pag papantasya na matigilan si Dakila sa kanyang ginagawa. Sabay baling ng tingin niya sa akin ng mapansin nito ang presinsiya kong kasama niya sa loob ng silid. Para naman akong tatakasan ng bait lamang na mag tagpo ang mata naming dalawa at kay lamlam at seryosong mga mata kong paano niya ako titigan. Umiwas na lang ako ng tingin para ilihis na lang ang mata ko sakanya, hindi ko rin maipaliwanag sa sarili ko kung bakit na lamang naakit sa magandang katawan nito. Umiwas ka, Ligaya. Umiwas ka sakanya. "Ano ang sabi mo, Mahal?" Pag uulit na lamang na wika ni Dakila na mapa lunok na lang ako ng mariin, na ang mata niya hindi naalis sa akin. "Ang s-sabi ko, kakain na tayong dalawa ng hapunan." Mariin na lang ako napa pikit ng mata. Bakit ba ako nauutal ng ganito? Eh sasagot lang naman ako ng tanong niya ah. Umayos ka nga, Ligaya. Ayusin mo ang pananalita mo. "Ah, bakit hindi ka maka tingin sa akin ng diretso?" Aniya nitong mapakagat labi na lang ako. Punyeta, kailangan pa bang tumingin ako sa'yo? Pwede nanan na sabihin ko sa'yo ang mga bagay na hindi na kailangan na tumingin sa'yo, hindi ba? "Mahal." Pag tatawag niya sa akin muli na kabahan ako nang husto. "Bakit?" Tanong ko pa, na hindi matutok ang tingin ko sakanya ng diretso. Naka pako lang ang mata ko sa kaliwang bahagi ng silid namin na malayo talaga sakanya. Malayo na mapa titig sa kanyang nag aakit na katawan. "Ang sabi ko, bakit hindi ka maka tingin sa akin ng diretso habang sinasabi iyon?" Pag uulit nito na mababang tinig lamang. "Bakit, nahihiya ka bang tumingin ng diretso sa katawan ko?" May pag aakit na tinig na lang nito na kumalabog naman ng napaka bilis ang puso ko. Kainis naman. "Hindi ah." Depensa ko naman na pinag papawisan na nang malala. Bakit dinadala niya ako sa hotseat lamang sa paraan na mga tanong nito? Kainis naman eh. "Talaga lang, huh?" Bahagyang umanggat na lang ang gilid ng labi nito sa pag kakabigkas. "Tumingin kana sa akin, mahal. Nakita mo na rin ang buong katawan ko, bakit ka pa nahihiya riyan? Humarap kana sa akin, bilis na." Pangungulit na lamang nito, na panuyuan ang lalamunan ko sa kanyang sinabi. Ayaw ko nga. Bakit ba naman kasi napaka kulit mo? "Ay basta." Wika ko na hindi mag papatalo at nag palinga-linga pa ako sa loob ng silid namin na mag hanap ng bagay, basta hindi lang mag tagpo ang mata ko sa katawan este guwapong mukha ng asawa ko. Natararanta na akong nag palingon-lingon lang sa loob ng silid namin, na pinag papawisan ng malamig. Hanggang makita ko na lang ang damit ni Dakila na naka patong lang sa ibabaw ng kama namin kaya't walang pag aalinlangan lamang na kinuha iyon at pasadya ko pa nilapitan si Dakila para iabot lang ang damit sakanya. "Ito oh, mag damit kana nga." Nilapit ko pa ang kamay ko kay Dakila na may hawak na damit, samantala naman ang tingin ko naka tingin lamang sa malayo. "Sige na, kunin mo na ito sa kamay ko at mag bihis kan——-" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin na hinatak na lang ni Dakila ang pulsuhan ko kaya't napa subsob naman akong napa lapit sa kanyang katawan. Naririnig ko na mismo ang malakas na kalabog ng sarili kong dibdib sa simpleng ag dikit lang ng katawan namin sa isa't-isa. May kung anong boltahe ang nanalaytay sa katawan ko sa mainit niyang pag hawak sa akin na panuyuan pa ako ng laway sa lalamunan ko. Nanginginig na ang katawan kong umanggat na lang ng tingin para mag tagpo ang mata naming dalawa ni Dakila, hindi ako naka ligtas sa paraan na titig niya sa akin na kay lagkit at nag aakit lamang. Ang isa ko naman kamay naka hawak lamang sa malapad na dibdib nito at bahagyang gumalaw na iyon na mapa tigil naman ako na mag paagaw na lang ang atensyon ko. Napa titig na lang ako sa malapad na dibdib ni Dakila at ang kamay ko biglang gumalaw ng konti na matigilan na lang ako na may mahawakan akong isang bagay na mag papako na lang ng atensyon ko doon. Hindi na lang maalis ang mata ko sa malapad na dibdib ni Dakila na ngayo'y may bakas ng peklat doon na iyon na pala ang nahawakan ko. Hindi ko mawari kong anong bagay ang may kag gawa no'n subalit mukhang malalim nga ang pinag mulan ng peklat ng sugat niya doon. Kinasunod naman ni Dakila kung saan napako ang mata ko at malamlam lang na tinignan nito ang peklat ng sugat niya sa parteng dibdib. "Alam mo ba, mahal sa tuwing gumigising ako tuwing umaga. Tinatanong ko ang sarili ko kung saan ko nakuha ang mga sugat at mga peklat sa katawan ko." Seryosong wika na lang ni Dakila na wala sa sariling mapa titig naman ako sa kanyang mga mata na may bahid ng seryoso, na hindi ko mawari ang kaba na lang ang lumukob sa buong sarili ko sa katagang sinabi niya. Sa totoo lang, hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam ang idudugtong ko nang sasabihin sakanya dahil ako mismo hindi ko rin alam. Hindi ko alam kong sino nga ba talaga siya, at ang kong ano ang tunay niyang katauhan. "Siguro mahal, bago ako maaksidente at mawalan ng ala-ala ko, ang hilig kong makipag away kong sino-sino kaya't puro ako sugat at peklat sa katawan." Pag bibitin na lang nito. "Bago pa ata maging tayo parati na akong sakit ng ulo sa'yo, hindi ba mahal?" Tanong niya na lang sa akin sabay kuha ng damit na hawak ko. "ah, oo." Wika ko na lang sabay tango ng ulo ko at hindi ko magawang tumitig sakanya ng matagal dahil heto't nag sinunggaling na naman ako. Lumayo ng konti sa akin si Dakila at pinanuod ko lamang siyang nag suot ng damit sa harapan ko at pag katapos, hinawakan na lang niya ang buhok ko gamit ang kanyang isang palad. Hindi na ako nakapag salita pa at hindi ko na kaya siyang titigan pa sa mata ng diretso habang binibigkas ko ang mga kasinunggalingan ko. Hindi ko na rin kasi alam ang gagawin ko. Na may parte naman sa dibdib ko ang na gu-guilty sa ginagawa ko. Kailangan ko na lang mag sinunggaling para pag takpan na lang ang katotohanan. Katotohanan na nag sinunggaling ako sakanya. May kakaibang ningning at emosyon na lang ang gumuhit sa mga mata ko, na hindi inaalis ang mata kay Dakila. "Halika na, mahal. Kain na tayo," aya niya na lang sa akin na bago pa ako makapag salita na mauna na siyang mag lakad palabas ng silid namin samantala naman ako nanatili lamang naka tayo sa kina-tatayuan ko. Sumunod na lang ako ng tingin sakanya palabas ng silid at sumilay na lang ang alangan na ngiti at may takot ba lang na namuo sa dibdib ko ng sandaling iyon. DOLORES POV "Magandang umaga, Binibini." "Magandang umaga, Binibining Dolores." Bati na lang ng mga taga silbi na maka salubong sa daan na hindi maipaliwanag kong bakit mas ginanahan pa ako nang husto. "Magandang umaga rin sainyo." Bati ko na lang sakanila na hindi na maalis ang matamis na ngiti sa labi ko. Taas-noo na lang akong nag lakad at ang aking pag lakad buong hinhin at ganda ng prostura, na kagalang-galang naman talaga. Pinag siklop ko na lang ang palad ko habang tinatahak papunta sa aming hapag-kainan. Ilang sandali lamang naka rating na ako at naabutan ko si Ama na mag isa na naka-upo at naka patong na sa lamesa ang masasarap na mga pag-kain doon na mag patakam pa nang husto ng aking sikmura. Lumaki na lang ang matamis na ngiti sa labi ko, na kina-lapit ko sakanya para bigyan siya ng matamis na halik sa pisngi lamang para batiin ito. "Magandang umaga, aking Ama." Bati ko na lang na nabigla naman si Ama sa pag bati ko. "Magandang umaga rin, sa'yo Dolores." Bati ni Ama na kina-ganda naman ng aking kilos na maupo sa tabi niya lang. Inayos ko na ang aking pag kakaupo at hindi ako naka ligtas sa maka hulugang pag suri at masid niya sa akin. "Mukhang napaka ganda ng gising ng aking princesa. Ang iyong maaliwalas na mukha at matatamis mong ngiti ang nag papaganda ng araw ngayon. Ngayon lang kita nakita na ganiyan kaganda ang iyong mga ngiti." Hindi na ako kinasagit pa, bagkus nag lagay na ako ng pag kain sa aking pinggan para makakain na. Tama naman si Ama, hindi ko maipaliwanag kong bakit napaka gaan na lang ng araw ko ngayon. Simula pag gising ko na lang kaninang umaga, hindi maipaliwanag na dahilan kong bakit napaka ganda ng gising at ngiti sa labi ko na para bang napaka masayang araw ito sa akin ngayon. Sa totoo lang talaga, hindi na mawala-wala ang mukha ng lalaking nag sagip sa akin ng gabing iyon. Lalaking nag sagip sa akin sa pag kakabagsak ng sangga, na kamuntik na akong tamaan. Hindi ko alam kong bakit matapos niya akong sagipin ng gabing iyon, hindi na siya mawala-wala sa isipan ko. Subukan mong kalimutan at alisin ang guwapo niyang mukha sa isipan ko sapagkat, hindi ko alam kong anong mahika ang binigay niya sa akin na mag karoon ako ng interes sakanya. Araw-araw ko siyang naiisip at gabi-gabi naman dumadaan siya sa panaginip ko kaya't hindi na talaga maalis sa isipan ko ang guwapo niyang mukha. Ang maganda at matikas niyang pangangatawan. Sa lahat ng mga lalaking dumadaan at nagugustuhan ko, sa misteryosong lalaki lang na iyon napako ang atensyon at interes ko. Marami naman akong nagugustuhan. Marami naman nag kakagusto sa akinpero ang lalaking iyon, iba siya sa lahat. Iba siya dahil mabaliw na ako nang husto ng ganito. Dahil sa kanya sa simpleng pag aalala ko lang ng sandali ng pag tagpo namin na dalawa, nag bigay liwanag at kulay sa akin. Nagagawa niyang pasayahin at pangitiin na lang ako ng ganito na wala naman na dahilan. Umaasa akong mag cro-cross ang mga landas namin muli at makita ko siya sa pangalawang pag kakataon. Sino kaya siya? Ano kaya ang pangalan niya? Sumagi na lang sa isipan ko ang guwapong itsura ng gabing iyon at hindi mawala sa isipan ko ang misteryoso at masungit niyang mga mata kaya't napa-ngiti na naman akong walang dahilan. "Sa tamis na lang ng iyong ngiti, Dolores. Huhulaan ko lalaki ang dahilan ng iyong mga ngiti." Tinukod ni Ama ang isa niyang siko sa lamesa at ang mata'y hindi maalis-alis sa akin. "Ama, paano niyo naman nahulaan na lalaki nga ang dahilan ng pag ngiti ko?" Lumawak pa ang ngiti sa labi ni Ama at umayos ng pag kakaupo. "Halatang-halata naman sa tamis ng ngiti at kakaibang ningning ng mga mata mo, Dolores na Ginoo ang dahilan ng pag ngiti mo. Ganiyan na ganiyan ako no'ng una ko noon nakita ang iyong Ina, na hindi ko rin maalis sa isipan ko ang kapaka ganda niyang mukha." Sabay na kaming nag kuha ni Ama ng pag kain sa lamesa. "Hindi kita pag babawalan diyan sa nararamdaman mo, pero labis akong natutuwa at nagugustuhan mo na rin si Bayani. Sabi ko naman sa'yo at magugustuhan mo rin siya dahil napaka bait niyang bata at mamahalin ka rin niya nang husto. Hay, naku hindi na ako makapag hintay pang dumating araw na ikasal kayong dalawa." Ang salita ni Ama ang mag papawi na lang ng matamis na ngiti sa labi ko. Natigilan naman ako sa pag subo ng pag kain at buong tamlay na lang na binaba ang hawak kong kubyertos sa pinggan. Ang pagiging tahimik at pag bagsak na lang ng enerhiya ko ng sinabi nito, na kina-pansin naman ni Ama kaagad iyon. Bumaling siya ng tingin sa akin, kunot-noo at halatang hindi nagustuhan kong ano man ang nakita niyang bakas na expression sa mukha ko ngayon. "Sandali, huwag mong sabihin sa akin Dolores na may ibang Ginoo kanang nagugustuhan at hindi si Bayani?" Medyo tumalim at dumiin ang tinig ni Ama kaya't ako'y hindi na naka kibo pa. Ang mata'y ko nabahiran ng pag aalinlangan kong paano ko siya sasagutin sa mga tanong niya. Hindi ako naka ligtas sa kakaibang pag titig sa akin ni Ama'y may laman na galit, na alam ko sa sarili ko kung paano siya magalit. "Ama." Kalmado ko lang na pag tawag sa kanyang pangalan at akmang hahawakan ang kamay niyang naka lapag sa lamesa na ako'y nabigla na lang na nilayo niya iyon sa akin, na mag bigay pangamba naman sa puso ko. "Umayos ka riyan, Dolores lalo't mataas ang tingin sa'yo ng Ama ni Bayani at ayaw ko rin mapa sama ng tingin sa akin ni Datu Magwat dahil diyan sa nararamdaman mo.. Naayos at napag planuhan na namin ang iyong pag papakasal na dalawa kaya't ayaw kong mag ka problema pag dating ng araw ng kasal niyo." Malagong at nakaka takot na boses na lang nito ang gumuhit sa hapag-kainan na kina-yuko ko na lang ng aking ulo. "Kong sino man ang nagugustuhan mo, mabuti pang tigilan mo na ang sarili mo sakanya. Si Bayani ang nararapat sa'yo Dolores at habang hindi pa kayo kasal, pag babawalan kita muna na lumabas." Ang salita ni Ama ang mag palaki na lang ng mata ko sa pag kagulat. Ano? Hindi niya maaring gawin iyon, sa akin! "Ho? Hindi niyo iyan magagawa sa akin, Ama." Pag didiinan ko na pinanlakihan niya na lang ako ng mga mata, na kina tigil ko naman sa mata'y nito na nabahiran ng galita pag babanta. Wala sa sariling napa lunok na lang ako ng laway. "Magagawa ko Dolores, dahil ito lang ang nakikita kong nararapat na solusyon para hindi masira lang ang kasunduan ng pag papakasal niyo ni Bayani. Kong ito lang ang natatangging paraan para malayo kita sa Ginoong nagugustuhan mo, paulit-ulit kong pag babawalan na lumabas ka sa balay natin, para sa ganun maka limutan mo na siya. At tigilan mo na rin ang nararamdaman mo para sa lalaking iyon!" Giit nito na tumaas na ang tinig ni Ama kaya't ako nabahala ng husto. "Ama." Mababa at may pag tututol sa aking tinig. "Sumunod kana lang, Dolores." Final na wika na lamang ni Ama. "Hindi ko hahayaan na masira lang ang magandang samahan namin ni Datu Magwat dahil diyan sa nararamdaman mo kong sino man ang lalaking iyan! Nag kaka-intindihan ba tayong dalawa, Dolores?" Asik niya na lang na tinig na hindi na ako naka sagot pa. Katahimikan ang nabalot sa pagitan namin ni Ama sa hapag-kainan. "Dolores!" Tawag na lamang sa akin ni Ama'y kaya't ako napa kurap na lang ng mata, na mag tagpo na lang ang titig namin "Opo, Ama masusunod po." Kay labag sa loob kong sabihin ang katagang iyon, na kina-balik naman ng atensyon nito sa pag kain. Samantala naman ako, nanlamig na lang ang katawan kong naka upo sa tabi niya. Hindi ko na lang namalayan na sobrang diin na ang pag kakahawak ko sa kubyertos at ang mata'y ko naman naging matalim at nakaka takot. ***** Kanina pa ako pabalik-balik na nag lalakad sa parteng likuran ng balay namin, mula roon napag mamasdan ko ang magaganda at makukulay na mga bulaklak na naka tanim doon. Kinagat ko na ang kuko, na hindi na mapakali lamang. Aligaga at napaka layo lang ng iniisip ko ng sandaling iyon, pansin ko ang presinsiya ni Bughaw na naka tayo lang sa likuran ko na pinapanuod lang ako. "Hindi, hindi maari ito." Wika ko na lang na dumiin pa ang pag kakakagat ko sa kuko ko na pabalik-balik na nag lakad sa harapan ni Bughaw. "Maging mahinahon ka lang, Binibini." Ang salita na lang ni Bughaw ang mag papukaw ng atensyon ko na mariin kong sinapo ang mukha ko. "Nag iisip, ako Bughaw!" Giit ko na lang na tumigil at ang pag hingga ko naging mabigat na. "Hindi ako makakapayag na mabulok na lang sa balay nito ng ilang buwan at pag bawalan rin ako ni Ama na hindi lumabas. Hindi, hindi ako makakapayag doon." Isa pa ito ang dahilan kong bakit hindi na lang ako mapakali lamang. Pag babawalan niya na akong lumabas. Akala ko biro lang ni Ama ang kanyang sinabi sa pag uusap namin kanina subalit tinutuhan niya na talaga ang banta. Hindi ako pinayagan ng mga tauhan ni Ama na lumabas ng aking nanaisin na lalo pang kina-kulo ng dugo ko sa inis at galit lamang. Hindi ko na magagawa na gawin na malaya ang mga gusto kong gawin dahil pinag bawalan niya na ako . At sa higit sa lahat, hindi na ako mag kakaroon pa ng pag kakataon na makita ang mukha ng lalaki na nag sagip sa akin. Hindi, hindi pu-pwede ito. Dapat may gawin ako. Hindi ako makakapayag na kontrolin niya lang ang buhay ko nang ganito. "Tama naman ang iyong Ama, Binibini. Iniisip niya lang ang iyong kapakanan at nararapat na gawin sa ikakapayapa ng bawat panig na Nayon. Mabuti pang sundin mo na lang siya para hindi mag sama ang loob ng iyong Ama, sa'yo." "Tapos hindi ako mag kakaroon ng pag kakataon na masilayan na makita ang nag sagip sa akin, Bughaw? Iyon ba iyon?. Aba hindi naman ako makakapayag no'n!" Naging matalim na lang ang mata ko. "Ano ang iyong gagawin, lalabag ka ba sa utos ng iyong Ama, Binibini?" "Ano sa tingin mo, Bughaw?" May laman ang tinig ko na lamang at ang mata'y nabahiran ng galit. "Gagawin ko ang nararapat at kahit si Ama, hindi makakapag pigil sa bagay na gusto ko." Final na wika ko na lang na hinakbang ko ang paa ko paalis, at naramdaman ko ang pag sunod sa akin ni Bughaw muli kaya't ako natigilan. "Binibini," "Huwag mo na tangkain pang sumunod pa, Bughaw. Gusto ko muling makita ang lalaking aking nagugustuhan." "Hindi ko hahayaan na gawin mo ang gusto mo, Binibini. Ako'y mapapagalitan at mapaparusahan rin ng iyong Ama kapag nalaman niyang hinayaan na lang kita na umali—-" "Sundin mo na lang ako Bughaw at huwag kanang sumunod pa sa akin kong ayaw mong saktan ko ang sarili ko." Pag babanta ko na lang na wika na hindi na naka imik pa si Bughaw sa likuran ko. Naroon ang pag aalinlangan at kagustuhan niyang pigilan niya ako sa aking gusto subalit mas matimbang pa rin talaga ang pag sunod niya sa akin. Sumilay na lang ang ngisi sa labi ko, at hinakbang ko na ang paa ko paalis sa lugar na iyon. Nag patuloy na lang ako sa pag lalakad papunta sa aming tarangkahan. Balak kong hanapin muli ang Ginoo na nag sagip sa akin sa huling pag kakataon. Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang masilayan muli. At kapag nakita ko siya, baka sa paraan na iyong magiging kalmado na ako. Binilisan ko na lang ang hakbang ng aking mga paa at mas lalong nararagdagan ang kaba at excitement sa aking dibdib na palapit na ako nang palapit sa aming tarangkahan. Taas-noo na akong mag lakad lamang na may ngiti sa aking labi, na bago pa ako maka alis pa na may humarang na lang sa dinaraaan ko kaya't napawi na lang ang matamis na ngiti sa labi ko. Tumalim na lang ang mata ko na tinignan na lang ang dalawang matangkad at malalaking katawan na tauhan ng aking Ama. Matagal na silang nag sisilbihan sa amin kaya't kilalang-kilala ko na sila nang husto. "Saan ka pupunta, Binibini? Mahigpit na pinag uutos sa amin ng iyong Ama, na hindi ka namin hahayaan na umalis," sambit naman ng katamtaman lang ang laki ng katawan. "Bumalik kana lang sa loob," dugtong naman ng isa na balbas sarado, na uyam ko na lang pinagalaw ang panga ko sa bahid ng iritasyon lamang. "Wala akong pakialam kung ano man ang pinag uutos sainyo ng aking Ama, kaya't paraanin niyo na ako!" isa-isa ko silang dalawa pinasadahan ng matalim na titig, na kahit ako mismo hindi mag papatalo rin. Aba! Hindi ako makakapayag na kontrolin na lang nila ako! Gagawin ko ang gusto ko at walang sino man ang makakapag pigil sa akin! Humingga na lang ako ng malalim at akmang dadaan sa gilid nila na mapa tigil akong muli na humarang na naman sila muli kaya't nag pakawala na lang ako ng malalim na buntong-hiningga para pakalmahin ang sarili ko. Uyam ko na lang na tinignan ang balbas sarado na tauhan ni Ama sa harapan ko, na pinapatay siya sa matatalim at nag babanda kong titig sakanya! "Ano ba, hindi niyo ba ako paparaanin? O baka gusto niyong matanggal sa mga katungkulan niyo!" may laman at bahid ng pag babanta na lang sa tinig ko na pareho na lang sila hindi naka sagot. "Sumusunod lang kami sa Binibini, sa pinag uutos kaya't kong ako sa'yo bumalik kana lang sa silid mo a----" hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ng balbas sarado na pinukulan ko lang naman siya nang malakas at malutong na sampal lamang sa pisngi na labis naman na kina-bigla nito. Hindi na maipinta ang mukha ko sa galit lamang na bigla na lang dumilim ang aura ng mukha ko sa inis na nararamdaman ko. Hindi na maka-kilos pa ang balbas sarado at tiniis niya na lang ang sakit ng pag kakasampal ko na wala siyang magawa kundi tiisin na lang dahil anak ako ng Datu. Lumunok pa ito ng laway kaya't napag masdan ko ang pag galaw ng kanyang Addams apple at pag kurap ng kanyang mata, na hindi na maka tingin sa akin ng diretso. "Papadaanin niyo ako o dadaanin ko pa ito sa dahas na paraan para mag tanda kayong dalawa?!" may pag tatas ng konti ang aking tinig na pinasadahan ng tingin ang dalawang tauhan sa harapan ko, na wala nang lakas pa ng loob ng tumingin sa akin ng diretso sa takot lamang. Tangina! Napaka hina naman pala ng mga ito! "Ano? Gusto ko, maka hanap ng kasagutan sainyong dalawa! Umalis kayong dalawa sa dinaraan ko!" sindak ko na lamang na, kusa na lang umiwas ang dalawang tauhan ni Ama sa harapan ko para bigyan nila ako ng daan. Lumawak na lang ang ngisi sa labi ko sa kanilang expression na wala ng masabi pa at nakikita ko naman ang takot sa kanilang mga mata. "Ipag paumanhin niyo po kami, Binibini." Sabay pang wika ng dalawa na tumalim na lang ang mata kong nilampasan na sila. Naka dalawang hakbang pa lang ako, na huminto ako muli para mag iwan na lang sasabihin sa kanilang dalawa. "Ayaw kong maka labas at malaman ni Ama ang pag labas kong ito ngayon. Kapag nalaman ko lang talaga na nag salita kayong dalawa sa kanya at may sinabi sa mga kasamahan niyo, babalikan ko kayong dalawa at sisiguraduhin kong gagawin kong bangungot ang mga buhay niyo!" banta ko na lang at hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila na hinakbang ko na lang ang paa ko paalis. Dire-diretso lang akong nag lakad at ilang minuto ko na binabaybay ang daan, at nag babakasakali ako na makita ko muli ang Ginoo na nag sagip sa akin. Tumingin lang ako sa kaliwa't-kanan at pinasadahan lamang ng tingin ang bawat tao na maka salubong ko sa daan. Ang ilan naman sa kanila ngumingiti at binabati nila ako ngunit wala ako sa tamang wesyo na batiin rin sila dahil ang atensyon ko lang naka pako na hinahanap ang Ginoo. Hindi ko alam kong ilang minuto na ako nag lalakad at bumaba na rin ang araw dahil dapit alas kwarto na nang hapon ng sandaling iyon. Nag pakawala na lang ako ng malalim na buntong-hiningga at tumingin sa kalangitan na makita ko ang mga ibon na lumilipad. Ang mata'y ko naman nawalan na ng saya at ningning kong paano ako umalis sa balay namin dahil na rin nawawalan na ako ng pag asa na makita ko pa siya dito. Na mag tatagpo pa ang landas naming muli. Mariin ko na lang kinagat ang ibabang labi ko, na pinag patuloy na lang ang pag lakad ko sa daan, na napag pasyahan ko sanang umuwi na ngunit may isang bagay na lang nag paagaw ng atensyon ko. Nakita ko na lang ang familiar na pigura ng lalaking nag lalakad sa kabilang dako na mag pabilis naman ng kalabog ng aking dibdib. Nabigyan ng pag asa at kakaibang saya ang aking dibdib kahit naka talikod siya sa akin alam kong siya iyon. Siya ang lalaki nag sagip sa akin. Ang malapad niyang likod at paraan na tindig na nag lalakad lamang, parang kilalang-kilala ko na siya nang matagal na. Kumilos na nag lakad ang Ginoo salungkat ng daan kong asan ako ngayon at pumasok siyang dumaan sa masikip na daan na hindi gaanong familiar sa akin. "Ginoo,"wala sa sariling wika ko na lamang na bumalik ang sigla ng mga mata ko, na makita lamang siya. Bago pa siya tuluyan na mawala sa mga mata ko muli, natagpuan ko na lang ang sarili kong naka sunod na sakanya. Binilisan ko na ang hakbang ko para sa ganun mahabol ko siya at maabutan. Nanginginig na ang katawan kong tinatahak ang daan lamang na nag lalayo lamang ang layo ko sa Ginoo ng mahigit sampung hakbang lamang. "Ginoo," tawag ko na lang na tinaas ang kaliwa kong kamay para sa ganun, mapukaw ko ang kanyang atensyon subalit hindi niya ako narinig. Napaka inggay ng mga tao na dumaraan sa paligid namin kaya't siguro hindi niya narinig ang pag tawag ko sakanya. Binilisan ko pa ang hakbang ko na mas mabilis kumpara kanina ngunit napaka bilis niya rin mag lakad na hindi ko siya mahabol-habol. Sa kagustuhan ko lang na maabutan ko siya kaya't tinodo ko na talaga ang pag habol sakanya. Lakad takbo na ngayon ang ginagawa ko at dumaplis na rin ang malamig na pawis sa noo ko lamang ngunit hindi alintana iyon sa akin. "Sandali lang, Ginoo, sandal----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko na may naka bungo ako sa daan. Sunod ko na lang narinig na bumagsak na nahulog ang kanyang dala-dalang mga gulay sa lupa na mag tama ang katawan namin. "Pasensiya na ho talaga, hindi ko sinasadya," paumanhin ko na lang sa matandang babae na maka bungo ko. Ngayon, pinulot na nito ang mga nalaglag na gulay sa lupa. Kinagat ko na ang ibabang labi na hindi na ako maka-tiis na tinulungan ko na rin siya sa pag pupulot na dinampot ang huling gulay sa lupa sabay abot no'n sakanya. "Ikaw pala iyan Binibining Dolores, ayos lang po," magalang na wika ng matanda na makilala niya ako. "Ako'y dapat huminggi ng paumanhin sa'yo dahil hindi ako tumitingin sa dinaraan ko," "Ipag paumahin mo rin ako," tugon ko pa at nauna ng mag lakad ang matanda paalis samantala naman ako naiwan na lang na naka tayo sa daan. Sabay lihis naman ng tingin ko sa daan, luminga-linga na lang ako at parang pinag bagsakan naman ako ng langit at lupa na ganun na lang ang pag hihinayang ko na wala na. Wala na ang Ginoo. Hindi ko na siya namataan pa. Wala nang anumang bakas niya. Asan kana ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD