Chapter 25

4111 Words
Chapter 25 DAKILA'S POV "Aba'y tarantado ka talaga!" Tinaas ni Makisig ang kanyang kamao na itatama sa akin, na mabilis ko naman nasalo ang kanyang kamao. Nanlaki lamang ang mata ni Makisig, na tila ba'y hindi siya nakapaniwala na mahaharangan ko ang kanyang pag atake. Domoble ang galit sa kanyang mga mata at pilit niyang hinahatak pabawi ang kanyang kamao subalit kay riin ng pag kakahawak ko doon, na kahit anong gawin niyang pwersa at lakas hindi niya mabawi-bawi ang kanyang kamao. "Tarantado ka talagang hayop ka! Baka gusto mo ata pag lamaya——ughh." Hindi na natapos pa ni Makisig ang kanyang sasabihin na pinilipit ko na lamang ang kanyang kamao na walang kahirap-hirap kasabay na pag bagsak ng balikat niya, na hindi na maipinta ang kanyang mukha sa sakit. "Makisig." Tawag naman ng kasamahan nito na si Juanito, na akmang dedepensahan na tulungan ang kanyang kaibigan subalit sa isang pag babanta ko lamang na titig kaagad napako ang paa nito sa lupa. Kay dilim ng mustra ng aking mukha na tinignan lamang si Juanito na ngayo'y pawisan na halatang natakot kaagad ito. Napaka hina naman ng kasama nito! "Ugh. A-Aray ko. Putangina mo!" Namula na lamang ang mukha ni Makisig at lumabas na rin ang ugat sa parteng leeg neto na, hindi na matiis ang sakit lamang na simpleng pag pag kakapilipit ko sa kamao nito. “Papatayin talaga kitang hayop ka, Dakila. Mag hintay ka lang!” Sindak na asik nitong muli, na wala man lang akong naramdaman na takot sa kanyang pag babanta. "Talaga? Papatayin mo ako, Makisig? Sige lang.” Nilaput ko pa ang mukha ko sakanya, na kina-tagis ng panga nito sa galit at hindi maka ganti. “Gusto kong makita kong paano mo ako patayi——“ hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na mabilis nang kumilos ang isang kamao ni Makisig at malakas na inambangan ako ng suntok sa mukha. Napa bitaw na lamang ako sa pag kakahawak kay Makisig, na ngayo’y naka hawak na ako sa pisngi ko na dinarama lamang ang malakas niyang pag kakasuntok doon. Pinagalaw ko na lang ng maigi ang panga ko at sa isang iglap nabahiran ng lamig at nakaka takot ang aking mga mata na tinignan siyang naka ngisi sa harapan ko. Ts! Ang lakas niya din palang sumuntok, huh! Uyam kong pinasadahan ng tingin si Makisig na naka posisyon na ang kamao na handa ng umatake, at lalo pang sumilay ang nakaka lokong ngisi sa labi na nagawa nito na maka ganti sa akin. Ayus ah. Maliksi na lamang na sumugod muli si Makisig sa gawi ko at sa pag kakataon na ito, naging maliksi at mabilis ang kanyang mga galaw na inambangan lamang ako ng sunod-sunod na suntok. Mabilis at parang may sariling pag iisip na lang ang katawan ko, na kusa na lamang iniiwasan ang bawat kanyang mga pag atake sa paraan ng pag ilag at pag atras lamang. Nakikita ko na sa mata ni Makisig ang determinasyon na mapa bagsak ako sa bawat suntok at pag atake niya. Gumalaw na ang katawan ni Makisig na sinipa na lamang ako ng kay lakas, na mabilis ko naman naharangan ang kanyang depensa sa pamamaraan ng pag harang ng braso ko. Napa atras na lamang ako ng isang paa sa lupa sa lakas nang impact, na bahagyang pinagalaw ni Makisig ang kanyang ulo na makita nitong naka-tama siya sa akin. Sumugod siya muli sa akin at sa pag kakataon na ito naging marahas at magaling ang kanyang kilos. Ang kanyang kamao, puno ng pwersa at lakas lamang sa bawat pag tama ng atake niyang mga suntok. “Hahaha!” Tawa na lamang ni Makisig na nakikipag sagutan naman ako ng suntok at bawat atake niya. Hinaharangan ko ang bawat malalakas niyang mga suntok, na nakita ko kaagad sa kanyang mga mata ang pag aapo’y sa galit na kagustuhan na patayin niya mismo sa kanyang mga kamay! Hindi naman ako makakapayag, na mag tagumpay ka, Makisig. Inambangan na tinaas na lamang ni Makisig ang kanyang kamao na itatama sana sa akin, subalit kaagad naman akong naka-iwas. Nanginginig na ang kanyang katawan sa pag gigigil, na hindi niya pa ako napapabagsak, na pinag lalaruan ko lamang siya sa paraan na pag atras at pag harang ng kanyang pag atake. “Mamatay kana!” Sigaw na lamang ni Makisig na inambang umatake naman ang kaliwa niyang kamao, na bago pa iyon tumama sa akin subalit mabilis naman lumihis ang katawan kong naka-iwas kaagad sa atake niya. Dumaan na lamang sa gilid ng mukha ko ang kamao ni Makisig na bago pa siya maka gawa ng hakbang, na nahuli kong nahawakan ang kamao na itatama niya sana sa akin. Similay na lamang ang mala-demonyong ngisi sa labi ko, na hindi inaasahan ni Makisig na naka handa na pala ang kamao kong pinaambangan siya nang malakas na suntok sa sikmura, kaya't napa ubo na lamang siya sa lakas nang impact. "Ugh." Ungol na lamang ni Makisig, na hindi na maipinta ang mukha nito sa sakit sa malakas kong pag kakasikmura at hindi pa ako nakuntento na timaan ko siya nang mag kasunod na suntok sa mukha na mapa daing ito sa sakit. At pang huli lamang na atake, sinipa ko nang kay lakas ang kanyang dibdib kaya’t napa-atras na lamang ng dalawang hakbang si Makisig palayo sa akin. Tinukod niya ang paa niya sa lupa, para kontrolin lamang ang katawan niyang hindi matumba sa lakas ng lakas kong pag kakasipa. Tumalim pa ang mata ni Makisig na ngayo’y umaapoy na iyon sa panlilisik. “Tangina.” Matinis na lamang na mura ni Makisig na ngayo’y hindi na maayos ang pag kakatayo niya, at naka hawak sa parteng dibdib na iniinda ang malakas kong pag kakasipa ko doon. Naka pikit na ang isa niyang mata at hindi pa rin nabawasan ang matalim na niyang pinukulan pag tingin sa akin. Inis na lamang pinunasan ni Makisig ang dumaplis na dugo sa gilid ng kanyang labi at parang sinapian ng madilim na aura ang kanyang pag katao na makompirma na natamaan ko na siya. “Ito pala ang gusto mo, huh? Sige, tignan lang natin kong makaka-ligtas ka pa dito Dakila!” Lumawak lamang ang ngisi sa labi ni Makisig na nilabas sa likuran ang tinatagong patalim. Matapang at malamlam na lamang akong tumitig sakanya na hindi man lang nabahiran ng anumang takot na may hawak na siyang armas. “Ahh, tangina.” Naririndi ko na lamang na tinig na naiinip. “Ang rami mong satsat, Makisig. Iyan ba ang kaya mo lang gawin? Sige, na ibigay mo!” Pag iinis ko na lamang at hindi naman ako nabigo, na kina-dilim pa lalo ng mustra ng mukha nito. Pikon naman pala ang isang ito, eh! Humigpit ang pag kakahawak ni Makisig sa patalim at mabilis na lamang na sumugod na umatake muli. Sa pag kakataon na ito, naging determinado ang galaw at pag tarak ng patalim ni Makisig sa akin, na itatama sa tyan ko na mabilis naman akong umatras. Pangalawang pag atake ni Makisig na itatarak na lamang ang patalim sa mukha ko, na bago pa siya mag tagumpay na mabilis ko naman nahawakan ang kanyang kamay na may hawak na patalim. “Hahaha!” Parang nababaliw na tawa na lamang ni Makisig, na ginamitan niya ng malakas na pwersa gamit na diniin pa lalo na nilapit ang talim ng kutsilyo palapit sa laman ko. Palapit na nang palapit ang patalim na babaon na iyon sa laman ko, na bago pa mangyari iyon buong lakas ko naman na depensahan ang lakas ni Makisig na naka hawak sa patalim na itatarak niya sa akin. “Papatayin kita! Papatayin kita! Hahaha!” Walang katapusan na salaysay ni Makisig na para bang nawawalan na ito sa katinuan. Hindi pa ito nakuntento na ngayon tumulong rin ang isa niyang kamay na naka hawak sa kutsilyo kaya’t dalawa na ang kamay niyang nag tulong para itarak iyon sa akin. Nag tagis na lamang ang panga ko sa galit, na nilalabanan ang lakas ni Makisig sa abot ng aking makakaya na ngayo’y ilang dangkal na lang ang layo no’n sa laman ko, na sa bawat pag lapit ng patalim mas lalong nagiging hagok na nasisiyahan na lamang si Makisig. Bago pa tuluyan na bumaon ang patalim sa laman ko, gumalaw na lamang ang isa kong kamao na paulit-ulit na pinag susuntok si Makisig sa tagiliran. Maririnig ko na lamang ang pag galaw ng kanyang katawan sa bawat pag suntok ko sa tagiliran niya na hindi ko tinitigilan. Sarap na sarap naman ako na pinapakinggan ang bawat pag tama ng kamao ko sa laman niya na mag bibigay kakaibang tunog na lamang iyon. Naka sentro lamang ang atensyon ni Makisig sa pag tarak ng patalim sa mukha ko, samantala naman ako walang tigil na pinapahirapan siya na balak kong baliin ang mga buto niya sa walang humpay na pag suntok lamang sa tagiliran niya. Sa bawat segundo na nag daan, nakita ko na nasasaktan si Makisig sa bawat malalakas kong suntok subalit nag tatapang-tapangan pa rin siya sa bandang huli. Tinitiis niya na lamang ang sakit na malalakas kong pag suntok na para bang wala siyang nararamdaman kahit sa loob-loob naman paunti-unti na siyang nahihirapan. Sige lang. Tiisin mo pa, Makisig. Tignan na lang natin, kong saan hahantong ang katigasan mo! Kinuyom ko pa ng mariin ang kamao kong ginamitan lamang ng malakas na pag suntok sa tagiliran nito kaya’t medyo lumuwag ang pag lapit ng patalim na itatama sa mukha ko, kaya’t doon na ako naka kuha ng magandang pag kakataon. Isa pang malakas na suntok ang pinatama ko sa mukha ni Makisig kasabay ang malakas na ungol nito sa sakit. "Hayop ka talaga, Dakil——" hindi na natapos ang anumang sasabihin na buong lakas kong sinipa ang patalim na hawak niya, na kusa na lamang tumalsik kong saan. Aambang na aatake muli si Makisig na suntok na mabilis ko naman nahawakan ang kanyang braso, na kina-laki naman ng mata nito sa gulat. Hinatak ko ang braso niyang hawak-hawak ko pa rin sabay inanggat ang kanyang katawan na parang papel sa ire, at pag katapos buong lakas kong binalibag na lamang ang katawan nit0 kung saan. Tumama na lamang nang malakas ang katawan ni Makisig sa matigas pader at pag katapos nag pagulong-gulong naman na bumagsak ang katawan niya sa mga naka imbak na mga kahoy sa isang tabi, na maririni mo na lang talaga ang malakas ungol niya sa sakit at ingay na lamang ng mga kahoy na nasagi niya. "Ahh." Mahinang ungol na lamang ni Makisig na ngayo'y naka higa sa kahoy na dinarama ang sama ng kanyang pag kabagsak at tama na para na itong bulate na namimilipit na. Naka-pikit pa ang mata nito na maririnig mo na lang ang munting daing niya sa sakit. Wala sa sariling napa baling ako sa isang tabi at nakita ko ang patalim na kutsilyo ni Makisig na naka baon ito na naka tarak sa kahoy sa isang tabi. Nasisiyahan lamang akong nag lakad palapit doon sabay binunot iyon, na maririnig mo na lang talaga ang kakaibang pag tunog no’n. Naka baon talaga iyon nang husto na palatandaan kong gaano kalakas ng pag kakasipa ko doon kanina. Maangas na lamang na hinakbang ko ang paa ko palapit sa kinaroroonan ni Makisig, malayang pinapanuod ang kanyang pag hihirap na sarap na sarap naman ako. "Makisig. Makisig." Malakas na pag tawag na lamang ni Juanito at nilapitan si Makisig na nataranta na, makita na hindi na maka bangun ng kanyang kaibigan. Bumakas na lamang ang matinding pag alala sa mukha ni Juanito na hindi alam ang unang gagawin. “Ahh, a-aray! Tangina.” Daing pa muli ni Makisig na ako’y mapa labi na lamang. Hinawakan na lamang ni Juanito ang isang kamay nito para tulungan maka bangon. "Ayos ka lang ba? Tutulungan na kit——" "Tangina! Hindi ko kailangan ng tulong mo, Juanito!" Uyam na lamang na asik ni Makisig na tinabig ang kamay ni Juanito palayo, na kina-bigla naman nito. Minulat ni Makisig ang isa niyang mata, samantala naman ang isa naka pikit. Naka hawak siya sa parteng tagiliran na hindi na maipinta ang mukha sa sakit lamang pero, nangingibabaw ang talim at sama ng tingin niya sa akin na hindi niya matanggap na napa bagsak ko na naman siya. “Hayop ka talaga, Dakila! Hayop ka!” Malakas na sigaw na lamang ni Makisig na akmang babangun para gumanti na naman sa akin muli subalit bago pa ito maka tayo, napa ungol na lamang siya na bahagyang kumirot ang tagiliran niya. Kaya’t napa balik na lang siya sa pag kakahiga sa mga kahoy na naka-imbak kasabay mong maririnig ang matinis na pag mura nito. “Ahh! Tangina mong, hayop ka! Hindi pa ako tapos sa’yo!” “Anong kaguluhan ito?” Taranta na lamang na napalabas sa balay si Tiyo Basyo na marinig na lamang ang malakas na ingay na kanyang narinig lamang. Pabaling-baling lamang ng tingin ang matanda sa paligid at kaagad naman ito natigilan at nanlaki ang kanyang mata sa gulat na makita ang ilang naka imbak na mga kahoy, na nag kalat sa lupa. Bumaling ng tingin sa akin si Manong Basyo, naguguluhan kong ano nga ba ang nangyayari ngunit kaagad naman natigilan ito na mapa dako na lang ang tingin niya sa gawi ni Makisig na hindi na maka bangon kasama ang kaibigan nito. “Makisig ikaw na naman? Ano ito? Nag hahanap kana naman ba ng panibagong gulo ngayon?" “Huwag kang makialam dito, Tanda!” Asik na lamang ni Makisig dito. “Manahimik ka!” Sita niya na lamang na pikit-mata na pinilit ang kanyang sarili na bumangon na mag-isa samantala naka alalay naman sa likuran niya si Juanito. “Umalis kana Makisig, bago pa kita isumbong sa Datu na dito ka pa talaga nag hahanap ng gulo!” Pananakot na lamang na asik ng matanda na uyam na pinagalaw ni Makisig ang panga na nag titimpi lamang ng galit na gusto pa sanang gumanti subalit, may mata ng naka masid sakanya. “Ahh, Tangina talaga.” Matinis na lamang na mura nitong napa-igtad na lang si Makisig na bahagyang kumirot ang parte ng tagiliran nito. “Halika na, Juanito!” Mabibigat na lamang ang pag hingga ni Makisig na kinilos ang kanyang katawan paalis sa lugar ngunit hindi pa rin ako naka ligtas sa matatalim at nag babantang titig niya sa akin. Dahan-dahan nang inihakbang ni Juanito ang paa niya paalis sa lugar na iyon at naka sunod naman sakanya si Makisig, at bago sila tuluyan na maka lampas sa akin pasadya na lamang na huminto si Makisig sa gilid ko para mag paiwan ng banta. "Hindi pa ako tapos sa'yo Dakila, tandaan mo ito pasalamat ka lang at may umawat sa akin, kundi pinag lalamayan kana ngayon!" Banta nito na lamang, na imbes kilabutan ako sa pinag sasabi niya, matapang na lamang akong nakipag titigan kay Makisig. Nabahiran na lamang ng malamig at kakaibang hangin sa pagitan namin, na nag kakasukatan na kami ng matatalim na titig sa bawat isa na walang sinuman ang gustong mag patalo. “Hindi ko man nabawi ngayon si Ligaya, subalit babawiin ko siya sa’yo sa mga susunod. Mag hintay ka lang, malapit ko na siyang makuha at hindi ang isang kagaya mo ang mag haharang lahat ng mga gusto ko. Mag hintay ka lang.” Banta na lamang nito na kina-lapit ko pa ang sarili ko sakanya. Hindi naging handa si Makisig sa susunod kong gagawin sabay hatak na lamang ng kwelyo ng suot niyang damit palapit sa akin, na mag tama ang katawan namin. Bago pa siya makapag react, mabilis kong nilabas ang patalim na hawak ko kanina at ambang nilapat ang talim ng kutsilyo sa leeg niya. Kusa na lamang napa lunok ng laway si Makisig, halatang nagulat at may halong takot na rin sa kanyang mukha, na hindi niya inaasahan na gagawin ko iyon. Maling galaw at kilos niya na lamang tatarak na ang patalim sa kanyang laman at alam niya rin sa kanyang sarili ang mangyayari, kapag sinubukan niyang pumalag. Naging malilikot na ang mata ni Makisig subalit hindi pa rin naalis ang kakaibang galit sa mata nito lamang na pinukulan niya sa akin ngunit kailangan niyang maging kalmado. Sinadya kong nilapit ang bibig ko sa taenga ni Makisig para may ibulong. “Sige, hihintayin ko ang pag babalik mo Makisig, hindi na ako makapag hintay na pabagsakin kita ulit sa susunod na pag tutuos natin,” sumilay na lamang ang nakaka-lokong ngisi sa labi ko na unti-unti ko naman na kina-layo ang sarili ko sakanya, na dumilim pa lalo ang mata nito sa galit lamang. Sumilay na lang ang ngisi sa labi ko sabay bitaw sa pag kakahawak ko sa kwelyo niya at kina-inalis ko na rin ang naka tutok na kutsilyo sa kanyang laman, na maka hingga ito ng maayos. Mistula lamang si Makisig na naka tayo sa harapan ko, naka sunod ang matalim niyang pag titig sa akin. Nag lalaro ang kapilyuhan sa labi ko sabay kinuha ang kanyang kamay at nilagay doon ang patalim. “Halika na, Makisig.” Aya na lamang sakanya ni Juanito na mababang tinig na nag mamasid sa isang tabi. Hinatak niya na ang kamay ni Makisig paalis, at nag patanggay na lamang ito sa pag hatak ng kaibigan. Sabay na silang nag lakad palayo, na naroon pa rin ang galit sa kanyang mga mata lamang na pinukulan sa akin. Sinundan ko na lamang sila ng tingin palayo at ang isa ko naman na kamay naka silid sa bulsa ko. Walang pasabi na pinunasan ko ang daplis na sugat sa gilis ng labi ko na matinis na lang akong napa mura na nabahiran ng dugo iyon. “Ugh. Kainis." Himutok ko na lamang at naging matalim na ang mata kong sinusundan ito ng tingin hanggang kusa na itong mawala sa paningin ko. Sumilay na lamang ang mala-demonyong ngisi sa labi ko. Hihintayin ko ang sandaling, dumating ang araw na iyon Makisig. Hindi na ako makapag hintay pa! LIGAYA'S POV Nag aagaw na ang liwanag at dilim sa kalangitan, napaka tahimik at payapa rin sa labas ng aming balay. Abala naman ako sa pag tutupi lamang ng mga damit namin, sa maliit na sala hahang hinihintay na umuwi si Dakila. Alam ko kasi, na ganitong oras ang tapos ng trabaho ni Dakila kay Tiyo Basyo kaya't mga anong minuto lamang nandito na rin iyon sa balay namin. Nilapag ko na sa isang tabi ang natapos ko nang naitupi na damit ko at sinunod ko naman ang pantalon ni Dakila. Ilang minuto lamang na naka lipas napatigil ako sa aking ginagawa na marinig na lamang ang familiar na yabag ng paa na parating lamang. Yabag ng paa na mag bigay saya sa dibdib ko. Nabuhayan naman ang dibdib ko, dahil alam ko sa sarili kong si Dakila na iyon kaya't narinig ko na lamang ang pag bukas ng pintuan at sumunod na lamang ang seryosong mukha ni Dakila na pumasok sa loob ng balay namin. "Nandito kana pala, mahal." Matamis ko na lamang na pag bati sakanya subalit wala man lang siyang imik. Iniwan ko saglit ang pag tutupi ko para sa ganun, salubongin ko siya sa kanyang pag dating. "Kumusta naman ang trabaho mo?" "Maayos naman." Dugtong nito na mababa lamang ang tono na hinubad ni Dakila ang sapin na tsinelas sa paa. Bakit ganun? Bakit ang tabang naman ata? Siguro napagod siya nang husto sa unang araw ng trabaho niya kaya siguro nawalan na siya ng lakas. "Ahh, nagugutom ka? May hinanda akong bilo-bilo na meryend——" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na inabot na lang sa akin ni Dakila ang isang supot na lalagyan na kumunot naman ang noo ko. "Ano iyan?" Taka ko na lamang na wika na tumitig sa itsura ni Dakila na ngayo'y lumihis ng tingin na ayaw salubongin ang tingin ko. "Pasalubong, nilagang mais binili ko sa bayan." Nag patuloy ang malamig na boses niya na wala sa sarili na lamang na kinuha ko ang supot sa kamay niya. "Naisip kong dalhan ka, dahil nagustuhan mo kahapon iyong pinadala sa atin no'n ni Tiya Emilda at Tiyo Basyo na nilagang mais at kamote." "Maraming salamat." Hindi na lang maalis ang matamis na ngiti sa labi ko sa katagang sinabi niya. Hindi ko lubusang akalain na matatandaan niya na nagustuhan ko kahapon ang nilagang mais. Hindi ko akalain na dadalhan niya ako ng pasalubong. Hindi ko mawari kong bakit parang kiniliti ang tyan ko sa kilig, sa simpleng pag dala niya ng pasalubong sa akin na naalala niya talaga ako. "Gustong-gusto ko talaga iyong nilagang mais kahapon na dala mo, napaka tamis at napaka-sara——" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na mapako na lamang ang mata ko sa parteng mukha ni Dakila. Nagimbal na lamang ang dibdib ko na makita ang pasang sugat sa parteng gilid ng labi nito na mag bigay takot at pangamba naman sa dibdib ko. "Mahal, anong nangyari diyan?" Wika ko naman na akmang hahawakan na sana ang pisngi ni Dakila para ipaharap sa akin subalit, kina-layo niya naman ang mukha niya na para bang ayaw ipakita iyon. "Wala ito." Matabang na wika na lamang na pilit ko naman hinuhuli nag titig niya subalit, kusa siyang umiiwas na lamang. "Anong wala. Parang may sugat ka." Hinuli kong hinawakan ang pisngi ni Dakila ipinaharap sa akin kaya't naging klaro sa akin na makita sugat sa gilid ng kanyang labi, na mamula-mula pa na halata ngang sariwa pa iyon. "Ts, Ligaya." Nag tapo ang mata naming dalawa ni Dakila at iritado naman na kina-iwas niya ng tingin sa akin na mabahala na talaga ako nang husto na makitang may sugat siya. "Nadapa lang ako." "Hindi iyan simpleng pag kadapa lang iyan na sugat mo mahal. May nangyari ba sa trabaho? Hmm?" Pilit ko siyang pinapaamin. Kahit hindi niya sabihin sa akin, alam kong may malalim na dahilan kung bakit hindi niya maamin-amin sa akin ang totoo. "Wala nga." "Sinabi ko naman sa'yo na huwag kanang pumasok sana kanina sa trabaho mo, tignan mo. Nag kasugat ka." "Kaya ko mag trabaho Ligaya." Giit na lamang nito na humarap na lamang sa akin si Dakil kaya't nag katitigan kaming muli. "Anong kaya, eh tignan mo. Hindi ka pa nga nag tatagal sa trabaho mo, may sugat kana kaagad." Wika ko na nag pakawala na lang siya ng malalim na buntong-hiningga. "Okay, sige.. Si Makisig." Pag aamin niya na mapa-kurap naman ako ng mata ko. "Huh?" "Si Makisig ang may gawa nito, sumugod siya kanina sa pinag tra-trabahuhan ko para mag hanap muli ng gulo." Ano? Si Makisig ang may kagagawan nito? Hindi ko maipaliwanag kong bakit umakyat na lamang ang galit ko sa ulo na malaman na kagagawan ni Makisig ito. Hindi pa ba siya titigil? Buong akala ko kapag nag nakawala na ako sakanya, tatantanan niya na ako. Pero ito na naman, nag hahanap na naman siya ng panibagong gulo at si Dakila pa talaga ang napunterya niya na balikan? "Napaka sama talaga ng ugali ng lalaking iyan. Diyan ka lang at tuturuan ko siya ng leksyo——" akmang aalis na sana ako subalit hinawakan naman ni Dakila ang pulsuhan ko kaya't napa tigil naman ako muli. Ramdam ko na ang pamumula ng pisngi ko sa galit na hindi lang malabas-labas sa galit lamang. Kailangan talaga na maturuan siya ng leksyon para mag tanda na, hindi parati na ganito na lang ang ginagawa niya na parati niya na lang kami ginugulo. "Huwag na mahal. Siniguro ko na din kanina, na hindi na sa atin, manggugulo pa ang Makisig na iyan." Britonong boses na lamang ni Dakila na mag pagaan naman ng dibdib ko sa sinabi niya. Nag pakawala na lang ako ng malalim na buntong-hiningga at may halong lungkot na mapa titig na lang sa sugat ni Dakila. Kasalanan ko kung bakit siya nasaktan, at na gu-guilty ako dahil kasalanan ko ang lahat ng ito. "Pasensiya na mahal, dahil sa akin nasaktan ka tuloy." Wala sa sariling hinawakan ko na lamang ang pisngi ni Dakila na malapit sa parteng sugat nito sa gilid ng labi at marahan na hinaplos na lamang iyon. Hindi maalis ang kakaibang pag ningning ng mata ko na hindi inaalis sa kanyang sugat. Hinawakan ni Dakila ang kamay kong naka hawak sa kanyang pisngi, at mariin na diniin para damhin niya pa lalo iyon.. "Ngayon, maayos na ako mahal." Wika nito na sumilay na kang ang matamis na ngiti sa labi ko na maramdaman ang init ng kanyang palad na hawak niya pa rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD