Chapter 50

3183 Words
Chapter 50 LIGAYA'S POV "Binibining Dolores." Iyan na lang ang aking nasambit na pinakita nito ang matamis na ngiti sa labi. Siya? Anong ginagawa niya dito? Tanong ko na lang sa aking isipan, na kahit na rin ako nag taka nang husto na siya ang bubungad sa akin ngayon. Nakaka panibago na siya mismo ang pupunta sa balay namin. Lihim ko na lang na inobserbahan si Dolores na ngayo'y naka tayo sa harapan ko at simpleng kasuotan ang suot nito subalit makikita mo talaga ang kagandahan ng kalidad ng tela na mukhang mamahalin. Maayos at bagsak na bagsak ang maitim at mahaba nitong buhok na napaka ganda naman kong titignan. Napako naman ang pag obserba ko sa mukha ni Dolores na nag ayos naman ito ng konti sa sarili subalit, lumilitaw talaga ang natural na kagandahan nito. Natigil na lang ako sa pag obserba na napako naman ang mata ko sa likuran ni Dolores at naa likuran nito si Bughaw na masungit ang mustra ng mukha na pinapakita. "Ano, titignan mo na lang ba ako diyan Ligaya?" Nabalik na lang ako sa realidad na mag salita na lang si Dolores. "Huh?" wika ko na lang na sa isang iglap naging mataray ang mustra ng mukha at ako'y napa labi na lang na tumaas ang isa nitong kilay at hindi na maganda ang mukha nito. "Hindi mo ba ako papasukin man lang?" "Ah, eh. Ipag paumanhin mo po Binibini." Napaka kurap na lang ako ng mata at taranta na niluwagan na lang ang pag kakabukas ng pintuan bilang pahintulot na maari na silang pumasok. "Pasok ho, kayo." Magalang ko na lang na tinig, na tumabi na lang ako. Wala akong nakuhang anumang sagot kay Dolores, masungit pa rin ang mukhang hinakbang ang paa papasok sa balay namin. Naka sunod naman sa likuran nito ang katiwala na si Bughaw at sumunod naman ako sakanila para asikasuhin. Tumigil na lang si Dolores sa pag lalakad na mapa dako sa maliit naming munting sala. Maayos ang prostura niyang naka tayo at hindi ko mapigilan na kabahan lalo't ang isang maharlika at anak ng isang Datu, bigla-bigla na lang bibisita sa balay naming walang abiso. Medyo kabado rin ako dahil hindi ko alam ang rason at sadya kong bakit bigla na lang siya napa dalaw. Sa totoo talaga, hindi naman talaga kami malapit sa isa't-isa ni Dolores kaya't wala naman na rason na bisitahin niya ako dito. Ginala ni Dolores ang tingin sa paligid, palihim nitong inoobserbahan at pinag aaralan ang balay namin sa paraan na pag masid niya doon sa kasulok-sulokan. Sinundan ko na lang ang mata ni Dolores, walang kibo lamang siya at hindi ko mapagilan na mahiya dahil maliit at hindi naman kagandahan ang balay namin. Medyo makalat at hindi rin kagandahan ang mga gamit namin sa loob. Pinag lalaruan ko na lang ang kamay ko, tensyonado na lang na wala pa ring salita akong nakuha kay Dolores na ang mata niya hindi naalis sa pag masid lamang sa buong balay namin. "Ipag paumanhin niyo, Binibini kong medyo makalat at hindi ako nakapag ligpit pa. Hindi kasi kami nag kakaroon ng bisita lagi eh." mahinang wika ko na lang na tinig. "Ayos lang sa akin." Matabang nitong tinig na naka pako pa rin ang tingin doon. "Maupo muna kayo." Paanyaya ko naman na tinuro ang mahabang upuan namin na gawa sa kahoy na mapa hinto naman si Dolores sa pag mamasid lamang. Kina-baling niya ng tingin ang upuan kong saan ko tinuro at napa-anggat na lang ito ng labi na para bang nadidiri at hindi nito gusto na maupo doon. "Hmm, gusto niyo ba ng makakain at maiinom? Sandali lang at ipag kukuha ko kay——" Akmang kikilos na ako paalis subalit ang salita niya ang mag pahinto na lang sa akin. "Hindi na kailangan pa, Ligaya." Pigil na lamang nitong kina-tingin kay Dolores na naka dikit na ang palad nito. Wala man lang ka amor-amor at sigla ang mukha niyang kaharap ako, napaka tabang lamang at mapapansin mo kaagad iyon. "Huwag kanang mag abala pa dahil hindi rin naman kami mag tatagal pa. Naparito lang ako dahil may sadya ako sa'yo." "Ganun ba? Ano iyon?" Taka kong tinig dahil wala naman idea kong bakit ba siya naparito. Tumitig na lang ako sa mataray at matabang na mga mata ni Dolores, na sa isang senyas niya lang ng kanyang kamay kaagad naman nakuha ni Bughaw ang pinag uutos ng Amo nito. Kumilos na si Bughaw at lumapit sa akin, na inabot lamang ang katamtaman na laking basket na gawa sa abacca. Kahit nag tataka man kong ano ba talaga iyon, malugod ko na lang tinanggap mula sa kanyang kamay. "Tanggapin mo ang munting handog namin para sainyo, Ligaya." Panimula na lang ni Dolores at gumuhit na lang ang tandang pananong sa mukha ko, na nag tataka pa rin sa mga nangyayari. Kumilos na si Bughaw palabas ng balay namin na animo'y kay kukunin doon at ilang sandali lamang pumasok pa siya muli bitbit ang dalawa pang malalaking basket, na kanyang dala. Sandali? Ano ang mga ito? Para saan ang mga ito? Iyan na lang ang tanong sa aking isipan na pinapanuod lamang ni Dolores ang pag lalagay ni Bughaw ng mga basket sa sahig na malapit lang sa kina-tatayuan ko na animo'y isa iyon na handog na mga regalo lamang. "Pina-pabigay iyan ng aking Ama, bilang tulong na na rin sainyo na maari niyong magagamit." Dugtong na lang ni Dolores muli na wala sa sariling napa tingin na lang ako sa hawak ko basket. Takang-taka pa rin na binuksan at silipin kong ano ba talaga ang laman no'n. At labis naman ang aking pag kamangha at gulat sa aking nasaksihan na bumunggad na lang sa akin ang mamahalin at may mga kalidad na mga tela, at iba pang mga gamit na tanging mga maharlika lang na mga tao ang nag kakaroon ng mga ganito. Sandali, Ang mamahal nito. Isa-isa kong tinignan ang mga laman at hindi pa rin ako makapaniwala sa aking mga nasaksihan dahil hindi talaga biro ang halaga lahat ng mga iyon kong tutumbasin mo lang. "Ang aking Ama, labis na nalulungkot sa nangyari sa ginawa sa'yo ni Makisig na pang gugulo kaya't para maka bawi tanggapin niyo ang munting handog namin. Ipag umanhin mo kong ngayon lang kami nag paabot ng tulong dahil abala ang aking Ama sa kanyang tungkulin, kaya't ako na lang ang inutusan niyang ibigay ito sainyo." Nang matapos mailagay ni Bughaw ang mga basket sa harapan ko, bumalik na lang siya muli na pumwesto sa likuran ni Dolores. "Maraming salamat Binibining Dolores pero sobra-sobra naman ata itong binigay niyo sa amin." Wika ko na lang na naka tingin sa mga naka hilera na mga basket sa harapan ko. "Labis talaga akong nag papasalamat at kahit na rin sa Datu. Paki sabi na lang sakanya na maraming salamat. Malaking tulong na ito sa amin." Pinakita ko na lang ang matamis na ngiti sa aking labi at tango lang ang sinagot niya sa akin. "Makaka rating." Wika nito lamang. "Siya at hindi na rin kami mag tatagal, at may pupuntahan pa ako." Paalam nito na mataranta naman ako sa sinabi niya. "Sigurado ka ba Binibini, na ayaw niyong kumain o uminom muna bago kayo umalis? Mag hahanda lang ako na madali." Presinta kong muli dahil nakaka hiya naman na aalis na sila at wala man lang akong naihahanda para sa mga bisita. Iniling na lang ni Dolores ang kanyang ulo at napaka gaan ng aura na pinakita sa akin. "Hindi na kailangan pa Ligaya at ako'y rin nag mamadali." Tugon nito at sa isang iglap lamang naging maaliwalas ang mustra ng mukha at tinig nitong napaka gaan. Napaka layo sa Dolores na kilala ko. Napaka layo sa Dolores na parating mainit ang dugo sa akin. Umayos na lang ng tindig si Dolores sa harapan ko at hinakbang niya ang kanyang mga paa at piniling huminto sa tapat ko. Napa titig na lang ako sa kanyang mukha na may ibang kislap ang mga mata nito at kinuha nito ang kabila kong kamay at hinawakan. "Kong may kailangan pa kayo at tulong, sabi ng aking Ama. Ipag paalam niyo na lang sa amin at kami na ang bahala roon. Siya'y mauna na kami Ligaya." Pinisil na lang ni Dolores ang aking kamay na hawak pa rin at pinakita na lang ang matamis na ngiti sa labi nito. Sumukli rin ako ng matamis na ngiti sakanya at binitawan na ni Dolores ang aking kamay lamang. Tumalikod na siya sa akin at nag lakad na ito palabas ng balay namin at sumunod na lang sakanya si Bughaw. Nanatili lamang akong naka tayo sa aking kina-tatayuan na sinundan na lang sila ng tingin hanggang kusa na lang ito nawala sa paningin ko.. Wala sa sariling napa titig na lang ako sa aking kamay at naramdaman ko pa ang mainit na pag hawak ni Dolores sa aking kamay qr, takang-taka pa din sa nangyari. Sandali, totoo ba iyon? Ngumiti na sa akin si Dolores? Totoo ba iyong nakita? O guni-guni ko lamang? DOLORES POV Taas-noo akong nag lakad at napaka ganda ng aking tindig at prostura. At maka ilang hakbang lamang, huminto ako sa aking pag lalakad at kina-baling ko naman ang munting kubo sa likuran ko. Ang munting kubo na mistulang tahanan ni Ligaya at Dakila. Ang matamis na ngiti sa aking labi at magandang aura na aking pinapakita, unti-unting nag laho at napalitan iyon ng galit at lamig. Biglang nag shift ang mukha ko na napaka talim ng mga mata at madilim ng aura na kahit ikaw mismo matatakot. Ramdam ko naman ang presinsiya ni Bughaw sa likuran ko. Ilang segundo akong nanatili sa aking kinatatayuan at pinapakiramdaman lang ito. "Bughaw, ang panyo ko." Matabang na salita ko na lamang at inabot naman sa akin ni Bughaw ang panyo na parati kong dala-dala. Inis ko na lang na kinuha sa kanyang kamay ang panyo na hawak nito at sinimulan na punasan ang aking kamay para alisin ang naka kapit na mantya doon. Para alisin ang maduming mikrobyo na kumapit sa aking kamay na humawak l sa kamay ni Ligaya kanina. Paulit-ulit kong pinupunasan ang aking kamay, na para bang may naka kapit doon na nakaka hawang sakit na diring-diri na inaalis iyon na ang mata ko naman nabahiran ng galit. "Ughh, kainis." Himutok ko na lamang na paulit-ulit na nililinisan ang kamay ko kasabay na lang ang pag hihimutok ko lamang. Bumigat na lang ang pag hingga ko, na nararamdama ko pa rin sa kamay ko ang mainit nitong palad. Nakaka-inis! "Nakaka diri talaga, gusto ko nang maduwal na hinawakan ko ang kamay niya kanina. Ughh." Walang katapusan na pag hihimutok ko na kahit hindi naman madumi at nakaka hawa ang kanyang kamay, para sa akin hindi ko masikmura na dumikit ang katawan ko sakanya. "Gusto niyong pumanhik muna tayong umuwi sa inyong balay, para maayos na malinisan ang iyong kama——-" hindi ko na pinatapos pa nang anumang sasabihin si Bughaw na inis ko naman na tinapon ang panyo sa gawi nito na padabog lamang. Kaagad naman nasalo nito ang panyo na ginawang pang punas ko at uyam na pinagalaw ang panga ko sa inis. "Hindi na kailangan." Umayos na lang ako ng tindig. “Ano ang iyong binabalak, Binibini?" Ang salita na lang ni Bughaw ang mag patigil na lang sa akin. "Makikipag lapit kana ba kay Ligaya?" "Hindi." Wika ko pang natatawa na lamang na maalala ang kanyang mukha. "Hindi ko siya gusto Bughaw at lalong hinding-hindi ko siya magugustuhan.. Sabihin na natin, nakikipag laro pa lang ako ngayon, lumalapit ako sa mga taong hindi ko gusto para alam ko kong saan ako kikilos." Sumilay na lang ang mala demonyong ngisi sa aking labi at sa huling pag kakataon, sinulyapan ko ang balay ni Ligaya at may namumuong madilim na plano doon. Mag hintay ka lang Dakila. Makukuha rin kita. LIGAYA'S POV Hindi na maalis ang matamis na ngiti sa aking labi, na binabaybay ang daan. Tuminggala na lang ako sa kalangitan at napa pikit na lang ako ng mata ko na tumama sa aking mukha ang nakaka silaw na liwanag ng araw, tinaas ko ang kaliwa kong kamay bilang panangga sa mataas na sikat ng araw na dapit alas onse pasado pa lang ng umaga. Simpleng bestidang tube na lang ang suot ko na kulay dilaw, na lampas tuhod naman ang haba na kusang lumilitaw ang maputi kong kutis. Sa kaliwa kong kamay hawak ang basket na parati kong dala-dala laman lamang ng tanghalian na ginawa ko para sa aming dalawa ni Dakila. Kakatapos ko lang mag tinda ng mga kakanin sa bayan at napa ubos ko naman lahat ng mga paninda ko kaya’t napag pasyahan kong puntahan si Dakila sa kanyang trabaho para sabay na kaming kumain na dalawa ng tanghalian. Nag handa ako ng mga masasarap at nakaka takam na mga putahe na alam ko sa sarili kong magugustuhan lahat iyon ni Dakila, isa rin sa mga hinanda ko ang mga paborito nitong mga ulam kaya’t nakakapanigurado akong matutuwa ito nang husto. Ilang minuto lamang ng pag babaybay ko na ang daan natanaw ko na ang munting balay ni Manong Basyo, na mag palitaw pa lalo ng matamis na ngiti sa labi ko. Hindi na maalis ang saya at pag kapanabik sa aking dibdib lalo’t masisilayan ko muli ang guwapong mukha ng aking asawa, tinagpo ko talagang gumayak na pumunta doon na alam kong naroon pa siya sa trabaho. Humigpit na lang ang pag kakahawak ko sa basket na dala-dala ko at hindi maiwasan na kabahan lalo’t hindi niya alam na pupuntahan ko siya dito. Kinagat ko na lang ng mariin ang ibaba kong labi at hinakbang na ang paa ko papasok sa loob ng lupain ni Manong Basyo na kaagad naman sumalubong sa akin ang malawak nitong lupain. Luminga-linga ako sa paligid at nakita ko naman ang matanda na abala ito sa kanyang ginagawa. Mabilis naman akong lumapit sa matanda na kaagad naman nitong kina-hinto sa kanyang ginagawa na maramdaman lamang nito ang presinsiya kong pag lapit sakanya. “Magandang araw po, Tiyo Basyo.” Magalang ko na lang na pag bati na binitawan muna ng matanda ang hawak nitong hinarap lamang ako. “Oh, ikaw pala iyan Ligaya.” Pangiti-ngiti pa ang matanda na pinunasan ang daplis ng pawis sa parteng noo. “Si Dakila po ba, nariyan pa po ba?” Palinga-linga ako sa paligid at hinahanap ng mata ko ang presinsiya ni Dakila sa paligid subalit hindi ko siya mahagilap. Asan kaya siya? Alam ko naman na narito pa siya sa trabaho at hindi pa iyon naka alis. Hinuli naman ng matanda ang mata kong naka titig sa pag mamasid. “Nasa likod ang asawa mo at may tinatapos pa doon na trabaho.” Wika nitong napa tango naman ako. Napako naman ang mata ng matanda sa hawak kong basket at nag laro na lang ang ngiti sa labi na mahulaan nito kong ano ang hawak ko. “Mukhang sasabay kayo kumain ng tanghalian ngayon. Tiyak na matutuwa ang iyong asawa kapag nalaman niyang dinalaw mo siya dito. Siya at puntahan mo na siya doon, alam mo na ba ang daan?” Tumango naman ako sa kanyang naging sagot. Ilang beses na akong pumupunta at dumadalaw kay Dakila sa trabaho kaya’t alam ko na ang pasikot-sikot sa malawak na lupain ni Manong Basyo. “Oho, maraming salamat po.” Nag vow na lang ako sakanya tanda ng pag galang at nag lakad na ako papunta sa parteng likuran para puntahan na si Dakila. Habang palapit na ako nang palapit, palakas rin ng palakas ang kalabog ng aking puso lalo’t makikita ko na muli si Dakila. Ilang segundo lang na aking pag lalakad at dinala na ang aking paa sa parteng likurang parte ng lupain ng matanda at nakita ko na kaagad si Dakila na abala ito sa pag hahakot ng mga malalaki at mabibigat na mga kahoy. Naka talikod siya sa akin kaya’t hindi nito napansin ang aking pag dating lamang na abalang-abala siya sa kanyang ginagawa na hindi niya man lang alintana ang kabigatan ng kanyang mga hinahakot na animo’y sanay na sanay na siyang mag buhat ng gano’ng klaseng mabibigat. Dumaplis na ang tagaktak na pawis sa kanyang leeg at noo at kahit ang suot niyang damit, nabasa na iyon sa puspusan na pag tra-trabaho na tirik na tirik naman ang araw. Naging moreno na ang kutis ni Dakila na nasunog na ang kanyang kutis na nag tra-trabaho sa arawan pero kahit ganun, hindi pa rin nabawasan ang katikasan at kaguwapuhan na taglay nito. Nag pakawala ako ng malalim na buntong-hiningga na hinakbang ko muli ang paa kong palapit sakanya para gulatin ito sa aking pag dating. Mabagal at mahina lang ang yabag ang ginawaran ko na hakbang, na hindi makakagawa ng anumang tunog at ingay na mag papapukaw ng atensyon nito. Hindi na maalis ang pag kasabik at saya sa puso ko na palapit na ako nang palapit kay Dakila. Pag hakbang ko ng paa ko naka ramdam ako ng matinding pag kahilo, kaya’t napa hinto naman ako sa pag lalakad. Sandali, anong nangyari? Bakit napaka bigat ng pakiramdam ko? Pinikit ko na ang mata ko at minulat muli na baka sa pag kakataon na iyon, maging maayos ang pakiramdam ko subalit parang domoble ang matindi kong pag kahilo. Wala sa sariling napa hawak ako sa aking ulo na umiikot na talaga ang aking paningin. Wala sa sariling hinakbang ko ang paa ko palapit kay Dakila sa bawat segundong lumilipas lalong bumibigat ang pakiramdam ko na kahit na rin ang mga paa ko tuluyan nang nanlambot na nawawalan na ako ng balanse. “A-Anong nangyayari?” Mahina kong tinig at pinilig ko ang aking ulo na nilalabanan ang nararamdaman ko ang matinding pag kahilo na bumigat na rin ang talukap ng mga mata ko. Hinakbang ko muli ang paa ko hanggang tuluyan ko na hindi nakayanan, na tuluyan nang bumigay ang tuhod ko at tuluyan nang bumagsak sa patag na lupain kasabay ang malakas na pag bagsak ko. Tuluyan nang namanhid ang katawan kong wala na akong lakas pang bumangon dahil tuluyan na akong nag hina, kasunod ang pag ikot ng aking paningin. Bumigat na ang talukap ng mga mata ko at pilit kong ginagalaw ang katawan ko subalit wala na akong lakas pa. Tuluyan nang naging tahimik ang paligid para sa akin at nanlabo na ang aking paningin sa bawat segundong lumipas. Nakita ko na lang ang isang lalaki na patakbo papunta sa kinaroroonan ko. Takot na takot at may bahid ng pag aalala ang kanyang mga mata, na paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan ko subalit nakita ko na lang ang pag buka ng kanyang bibig subalit walang boses na lumabas doon. Tumulo na ang bakas ng luha sa aking mga mata at sumilay na lang ang pait na ngiti sa aking labi na hindi inaalis ang mata sa lalaking palapit sa akin. “M-Mahal.” Iyan na lang ang aking nabigkas, tuluyan nang bumigat ang talukap ng mata ko at nilamon na ako ng dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD