Chapter 51

2684 Words
Chapter 51 LIGAYA’S POV “Ugh.” Mahinang ungol ko na lang at uminggos sa pag kakahiga. Dahan-dahan ko na lang minulat ang mga mata ko at bumunggad sa akin ang nipa na dingding. Sandali, asan ako? Anong nangyari? Iyan na lang ang mga katanungan sa isipan kong ginala ko pa rin ang tingin sa paligid na kahit ako mismo, hindi ko alam kong ano nga ba ang nangyari. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at minulat naman kaagad, dahan-dahan ko naman kina-kilos ang katawan kong paupo sa papag. Bago pa ako maka-upo may pumasok na lang sa silid at dali-daling lumapit sa akin. “Mahal.” Rinig kong boses ni Dakila at inalalayan niya akong makaupo. “Huwag ka munang kumilos at baka mapapano ka.” May pag aalala sa tinig nitong iniling ko na lang ang ulo ko, pahiwatig na kaya ko na talaga. “Maayos lang talaga ako, mahal at maayos na rin ang pakiramdam ko.” Tugon ko na lamang at napa hinto na lang ako na mapako na lang ang mata ko na bumunggad sa akin ang maliit na silid naming dalawa ni Dakila. Sandali, Anong ginagawa ko dito? Bakit nandito na ako? Ginala ko na lang ang tingin ko sa buong silid naming dalawa, takang-taka kong bakit narito na ako na kanina lamang umalis ako kanina para bisitahin si Dakila sa kanyang trabaho. Kanina lang pumunta ako kay Manong Basyo at pag katapos no’n wala na akong maalala pa. Hindi na lang ako naka kibo at isang malaking tandang pananong na lang ang gumuhit sa mukha ko, sa mga kong bakit napaka bilis na naka uwi na ako sa balay namin. “Mahal, anong ginagawa ko dito? Anong nangyari?” Tanong ko na lang na gulong-gulo pa rin talaga. Ramdam ko naman ang presinsiya ni Dakila na naka tayo sa gilid ko at ibabot niya sa akin ang baso ng tubig at malugod ko naman na tinanggap. “Uminom ka muna.” Anito na sinimsim ko naman ang tubig mula sa baso at nahimasmasan naman ako nh konti na humahagod sa lalamunan ko ang presko na tubig, na mag paalis naman ng matinding uhaw ko. Nang matapos na akong maka inom, kinuha naman ni Dakila ang baso at nilagay muna sa isang tabi. “Bigla kana lang nawalan ng malay kanina, kaya’t inuwi muna kita dito sa balay.” Dugtong na lang ni Dakila at doon nag karoon ng mga kasagutan sa akin ng mga nangyari. Ganun ba ang nangyari? Nahimatay ako kanina? Sinapo ko na lang ang mukha at umayos ng pag kakaupo sa papag. “Nag paalam na ako kay Manong Basyo na hindi muna ako papasok sa trabaho, para mabantayan at maalagaan muna kita. Mahigit dalawang oras kana walang malay Mahal, kaya’t labis talaga akong nag alala ng husto.” Wala sa sariling napa tango na lang ako sa kanyang sinabi at pinikit ng panandalian ang mga mata ko para ipag pahingga muna kahit saglit. “Kaya pala,” dugtong ko na lang at nag pakawala na lang ng malalim na buntong-hiningga. Ganun ba ako katagal na natulog? Ano ba itong nangyayari sa akin?. “Pasensiya kana mahal, kong napag alala pa kita. Hindi ka tuloy naka pasok sa trabaho ng dahil sa akin.” Mababa ko na lang na tinig at napa tigil na lang ako na hinawakan ni Dakila ang noo ko na ako’y mapa hinto na lamang. Napa titig na lang ako kay Dakila na ngayo’y nabahiran ng pag alalaa at takot ang mata’y na inaalam ang temperatura ko. Sa likod ng masungit at malamig niyang pinapakita na ugali kong minsan, nag kukubli ang pag alalaa at kabutihan sa pag katao niya. “Hindi ka naman mainit at wala ka naman na lagnat,” tugon na lang nito at parang magnet na lang na automatiko na napa ngiti na lang ako, na hindi maalis ang mata ko sa guwapo nitong mukha. “Mag pahingga ka muna ngayon at huwag ka munang kikilos para maka bawi ka ng iyong lakas.. Siguro napagod ka nang husto sa pag lalako mo mag tinda sa bayan kanina, sa susunod huwag mo nang pagurin ang sarili mo.” Paalala na lang nito na lumawak pa ang ngiti sa labi ko. Hinawakan ko ang kamay ni Dakila na naka hawak sa noo ko at binaba ng konti. “Huwag kanang nag alala pa sa akin, at mabuti na talaga ako. Ang lakas-lakas ko kaya mahal.” Pag mamalaki ko na lamang na seryoso naman na tumitig si Dakila sa akin. Kahit ako mismo, hindi ko alam kong bakit bigla na lang ako naka ramdam ng matinding pag kahilo. Sanay na sanay naman ako sa puspusan na mga trabaho at gawain kaya’t nag tataka na lang ako nang husto kong bakit bigla na lang bumigay ang katawan ko kanina. Kong bakit, bigla na lang ako naka ramdam ng matinding pag kahilo na ngayo’y hindi ko naman gaanong nararamdaman iyon? Bakit kaya ganun? Ano ba itong iniisip ko? Ano bang nangyayari sa’yo, Ligaya. Umayos ka nga. Huwag kang mag isip ng kong ano-ano. Maayos ka, at huwag kana dapat pang ikabahala pa. Tiyak na nawalan ka ng malay dahil sa sobrang init ng panahon kanina. Tama, baka doon nga. Nilunok ko na lang ng mariin ang laway ko at sinuklay na lang ang buhok ko gamit ang palad. Napa baling naman ang mata ko sa kabilang bahagi ng silid namin at doon ko na lang nakita ang basket. Namilog na lang ang mga mata ko, at bigla na lang mataranta na may sumagi sa isipan ko na makita ang basket. Oo nga pala. Ang hinanda kong pag kain naming dalawa ni Dakila. Kinagat ko na lang ng mariin ang ibaba kong labi, dali-dali naman na ikilos ang katawan ko paalis ng papag para maka-asikaso ng kakain na kaming dalawa. “Kamuntik ko ng maka limutan mahal, ang hinanda kong pag kain para sa atin. Sandali lang ha? Aayusin ko lang para maka kain na tay———“ hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na bigla na lang humawak si Dakila sa siko ko. Takang-taka naman akong tumitig sa guwapong mukha ng asawa ko at ang mata’y nito nabahiran na huwag ko nang ituloy pa. “Naka kain na ako mahal.” “Huh?” Napa kurap na lang ako ng mata sa sinabi niya. Anong nakaka kain? Eh, baka tumilapon kanina ang ginawa kong pag kain na hinanda ko kanina. Papaano naman siya nakaka kain na wala na ngang natira sa mga niluto ko kanina? “Huwag kanang mag abala pa at mag pahingga kana lang dito.” Dugtong niya na lang muli at pinapabalik niya akong maupo sa papag kaya’t kunot-noo naman akong napa titig na lang sakanya. “Kanina pa ako kumain mahal. Tyaka, hindi naman natapon iyong dala mong pag kain kanina kaya’t iyon na lang ang kinain ko.” Ang salita na lang ni Dakila ang mag pawala ng pangamba at bigat sa dibdib ko. Hay mabuti naman. Akala ko naman, naka limutan niyang kumain ng hapunan sa pag babantay at pag alaga niya lang sa akin. Naka hingga ako ng malalim sa sinabi ki Dakila at kumilos na si Dakila na may kinuha sa parteng gilid nito. Kina-sunod ko naman ng mata ang ginagawa niya at humarap siya sa akin, na ngayo’y hawak niya na ngayon ang katamtaman lang na mangkok at may kasama pang kubyeryos. “Ano iyan mahal?” Taka kong tanong at sinilip ko na lang ang hawak nitong mangkok na kahit ako mismo, hindi ko alam kong ano nga ba talaga ang laman no’n. Napa ngiti na lang ako na makita ang kanyang hinanda, walang iba kundi lugaw. “Lugaw.” Malamig na sagot nito na sumandok na lang si Dakila ng saktong portion ng lugaw sa kutsara na makakain ko at marahan na hinipan pa iyon para sakali na maalis ng konti ang init. Literal na umuusok pa talaga ang lugaw na mukhang bago pa lang iyon na luto. Naamo’y ko na kaagad ang mabangong aroma nito, na mag pakalam pa lalo ng sikmura ko sa gutom. Hindo ko naman talaga maikakaila, na nagugutom na talaga ako na kahit bulate ko sa tyan, umaanggal na talaga. Nang matapos ni Dakila, hipan ang kutsara nilapit niya sa akin iyon para sa ganun tanggapin ko iyon at ang kanyang mustra naman naging seryoso. “May nakapag sabi sa akin, na mainam itong lugaw na ipakain sa may sakit at nararamdaman kaya’t sinubukan kong gawin.” Kwento na lang ni Dakila at may kong anong kiliti at kilig naman ang namumuo sa dibdib ko sa kanyang sinabi. Talaga? Ginawa niya ito para sa akin? Paminsan-minsan nag luluto naman talaga ng ulam si Dakila pero ewan ko ba, kapag mga luto niya sarap na sarap naman akong kainin iyon. Literal, na masarap naman talaga siyang mag luto at may talento naman talaga siya subalit hindi ko alam kong ano ba ang mga kakayahan niyang gawin sa mga putahe. Nilapit pa ni Dakila ang kutsara sa bibig ko, para naman tanggapin na iyon. Dahan-dahan ko naman binuka ang bibig ko at tinanggap ang pag subo nito na kahit medyo nag aalangan at nahihiya pa ako sa una. Ito ang kauna-unang pag kakataon na sinubuan niya ako ng pag kain at pinamulahan naman ako ng mag kabila kong pisngi sa kanyang ginawa. Napa tango-tango na lang ako na malasahan at ninanamnam ang kanyang pag kakagawa na lugaw na nanunuot naman sa lalamunan ko, aaminin kong masarap naman ang pag kakagawa niya. Kumunot na lang ang noo ni Dakila na napa titig sa akin, malayang pinag aaralan ang magiging expression ko base lamang sa pag tikim ko ng niluto niya. “Kumusta mahal? Maayos ba ang pag kakagawa ko? Hindi naman maalat?” Tanong nito na iniling ko naman ang ulo ko para ipahiwatig na hindi naman maalat. Kong totoosin masarap naman talaga ang pag kakagawa niya na malasang-malasa talaga. Sumandok pa muli si Dakila at pag katapos hinipan. Tinanggap ko muli ang pag subo niya sa akin, na ngayo’y ngumunguya na lang ako. Naka upo lamang ako sa papag samantala naman si Dakila naka upo rin sa gilid ng kama at sinusubuan niya ako ng pag kain, may anong kilig at saya ang puso ko na ngayo’y sobrang lapit ng katawan namin sa isa’t-isa. Sa simpleng pag asikaso niya sa akin, ramdam ko naman ang pag aalala at pag aalaga niya nang husto sa akin. Ang sarap pala sa pakiramdam. Hindi ko alam, na ganito pala kasaya. “Oo, masarap na masarap talaga. Mukhang dadaigin mo pa ako sa pag luluto eh.” Hirit ko na lang na tinaas-baba na lang ang kilay ko, na hindi na lang mawala ang matamis na ngiti sa labi ko. Imbes matuwa si Dakila sa sinabi ko, umismid na lamang siya at nag kasalubong na lang ang kilay nito. “Ts, bolero.” Pag susungit na lang nito na kina-lawak pa ng ngiti sa labi ko na hindi na maipinta ang mukha niya. Hindi naman siya galit. Hindi naman nakakatakot ang kanyang itsura. Ang mustra ng mukha niya ngayon iyong, masungit lang na medyo pikon ang dating para sa akin. Gustong-gusto kong inaasar at pini-pikon si Dakila na sarap na sarap naman na pag masdan ang mukha niya kapag nag susungit na. Iyan ang gustong-gusto ko na makita. “Seryoso iyon, mahal.” Giit ko na lamang na mapa awang na lang ng labi si Dakila, na halatang hindi ito natutuwa. “Ts.” Anito na lang at ginulo niya na lang ang aking buhok na mapa hagikhim na lang ako sa kanyang ginawa. “Kumain kana nga, ubusin mo ito.” Masungit na wika na lang nito na sumandok pa ng lugaw at sumilay na lang ang matamis na ngiti sa labi ko bago tinanggap ang pag subo niya ulit ng pag kain. ***** Nagising na lang ako kalagitnaan ng gabi, sa malamig na simo’y ng hangin na lumapat sa aking balat. Unti-unti kong minulat ang mata ko at kadiliman ng kwarto namin ang sumalubong sa akin at ang pag sayaw ng kurtina, na tinatanggay na lamang iyon sa bawat ihip ng hangin sa naka bukas na bintana. Napaka tahimik na ng paligid at wala kanang maririnig na anumang tunog bukod tangi na lang sa kuliglig at mga palaka sa paligid. Naka sandal akong naka unan sa malapad na dibdib ni Dakila, at ang isa niyang kamay naka pulupot naman sa maliit kong baywang at mag katabi kaming naka higa sa kama. Dikit na dikit ang katawan ko sakanya at naririnig ko rin ang bawat pintig ng kanyang puso, na napaka sarap at gaan naman para sa akin na pakinggan. Dahan-dahan akong umanggat ng tingin para silipin si Dakila na ngayo’y mahimbing na itong natutulog sa aking tabi. May kong anong init at gaan akong naramdaman lalo’t mag kadikit ang katawan namin at komportable akong kasama siya. Masaya na ako, na kasama ko siya. Sa tuwing katabi ko siya, ang gaan-gaan lang ng lahat. Pakiramdam ko ligtas ako sa kanyang bisig. Hindi ko alam, tuluyan na nga akong nahulog sakanya. Ilang segundo akong naka titig sa guwapong mukha ni Dakila at sapat na ang liwanag ng buwan na pumapasok sa loob ng aming silid ang mapag masdan ang guwapo nitong mukha. Napaka perpekto niya, na para bang anghel siyang nahulog mula sa langit. Tinaas ko na lang ang aking kaliwang kamay at hinaplos na lang ng mahina ang ang pisngi nito, at may anong ningning ng saya at kislap ang mga ko na hindi mag sasawang panuorin siya ng paulit-ulit. Ang liwanag at kislap na saya sa aking mga mata, biglang napalitan ng ibang emosyon. Emosyon na takot at pangamba na tumitig na lamang sakanyang mahimbing na natutulog pa rin. “Mahal.” Mahina kong tinig na hinaplos pa rin ang kanyang mukha at ang mata’y ko nabahiran ng lungkot at takot. “Magiging makasalanan ba ako, kapag hiniling ko n-na sana ganito na lang tayo? Na sana hindi na bumalik ang ala-ala mo?” Garalgal kong tinig at sumikip na ang aking dibdib dahil ito na naman. Nararamdaman ko na naman ang sakit. Nararamdaman ko na naman ang bigat sa aking puso. Nararamdaman ko naman ang pangamba at takot sa aking puso sa tuwing bumabalik ang isipan ko ang kinakatakutan ko. Ang bumalik ang kanyang ala-ala. Na malaman niya ang totoo. Na posible siyang mawala sa akin. Hindi pa ako handa. Hindi ko pa kaya. Hindi ko pa kayang dumating ang araw na malaman niya ang lahat. Uminit na lang ang sulok ng mga mata ko at parang may naka barang laway sa aking lalamunan na pinipigilan ko na lang na tumulo ang namumuong luha sa mga mata ko. Napaka bigat lalo’t pinipigilan kong maging emosyonal na lamang at mapa buwal ng pag iyak lalo’t sa bawat araw at linggong nag daan hinahabol na ako ng konsensiya ko. Konsensiya, na nagawa kong mag sinunggaling at mag lihim sa’yo. Napaka bigat at sakit ng aking nararamdaman at tila ba’y durog na durog na ako na iniisip na lang ang mangyayari, na hindi inaalis ang mata sakanya. “Kong pwede lang talaga humiling, sana hindi na bumalik ang ala-ala mo mahal para sa ganun ganito na lang tayo. K-Kasama kita parati.” Mahina kong tinig. “Sana hindi mag bago ang tingin m-mo sa akin. Sana hindi mag bago ang nararamdaman mo para sa akin mahal kapag malaman mo ang totoo. Pasensiya n-na kong nagawa kong mag sinunggaling at mag lihim sa’yo.” Pag bibitin ko lamang at parang piniga naman ang puso ko, na binibigkas ang katagang iyon. Sobrang sakit na. Sobrang bigat. Hindi ko alam kong makakaya ko pa ba ito. Hindi ko alam kong makakaya ko pa ba ang sakit at hirap sa aking puso. “Nagawa kong mag lihim ng tunay mong pag katao. Natatakot lang ako, na mawala ka sa akin.. Patawarin mo ako, mahal na mahal lang kita.” Mapait akong ngumiti at kasabay no’n ang pag bagsak na lang pinipigilan kong daplis ng luha sa aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD