Chapter 58

3109 Words
Chapter 58 DAKILA'S POV Nagising na lang siya sa dumapong liwanag sa kanyang mukha. Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata at bahagyang uminggos sa pag kakahiga, at doon niya nakita na napaka taas na ng sinag ng araw. Napaka sarap at sariwang hangin ang pumapasok sa silid, na tinatanggay pa ang kurtina sa bawat pag ihip no'n. Umupo na lang siya sa papag at doon niya napag tanto na mag isa lang siya sa silid. Wala na siyang pinalampas pang pag kakataon, bumangon at nag lakad na palabas ng kwarto. "Mahal." Tawag niya na lamang na hinawi niya ang kurtina na nag mimistulang pintuan ng kanilang silid, bumunggad na lang sakanya ang napaka tahimik na kanilang balay. At wala siyang makitang anumang bakas ng kanyang asawa niya sa loob. Asan kaya siya? Naging seryoso na lang ang kanyang mukha at pinag patuloy niya ang kanyang pag lalakad hanggang dinala ang kanyang paa papunta sa kanilang maliit na hapag-kainan at doon niya napansin ang naka handa na pag kain sa ibabaw ng lamesa. Inalis niya ang naka takip sa pag kain at nakita niya na lang ang masarap na almusal na ginawa nito. Hindi niya mapigilan na mapa ngiti na lang na makita ang masarap at mabangong aroma nito. Dalawang masasarap na putahe ang niluto ng kanyang asawa at pansin niya rin na naka handa ang dalawang pinggan at mga kubyertos para lamang sakanilang dalawa. "Mahal?" Tawag niya ulit sa asawa para sa ganun sabay na silang makapag salo ng almusal na dalawa subalit katahimikan ng balay ang sumagot sakanya. Kumunot na lang ang kanyang noo at hinakbang niya ang paa niya muli para hanapin na ito para sabay na silang dalawa makapag salo ng agahan. "Mahal." Ginala niya ang paningin niya sa kaliwa't-kanan subalit wala siyang makitang anumang bakas nito. Hindi pa man siya nakaka tatlong hakbang na mariin na lang siyang napa pikit ng mata na maka ramdam na lang siya ng matinding pag kahilo at pananakit ng kanyang ulo. Huminto muna siya saglit sa pag lalakad at hinawakan niya ng mariin ang ulo niya, na sa halip mawala ang pananakit lalo lamang iyon kumikirot. "Ahh." Mahinang ungol niya na lang na humigpit na ang pag kakahawak niya sa ulo baka sakali na maka tulong iyon na mawala ang kirot at sakit subalit parang lalo lamang itong lumalala. Bumigat na ang kanyang pag hingga at mariin niyang pinikit ang mga mata niya na tinitiis na lang ang pananakit no'n. Tangina. Huwag ngayon. Pakiusap. Huwag ngayon. "Ahh." Matinis na ungol niya na lang sa sakit na mas lalong tumitindi ang kirot at pananakit ng ulo niya na mas matindi pa ito sa mga naunang sinusumpong siya. "Ahh, a-ang sakit." Mahinang ungol niya na lang na hindi na maipinta ang kanyang mukha sa kirot na animo'y hinuhukay na ang kanyang ulo sa matinding pag kirot no'n na animo'y mabibiyak na ang kanyang ulo sa sakit. Namanhid na ang kanyang buong katawan at kasabay no'n ang pamumula ng kanyang mukha na hindi niya na matiis ang kirot na mas matindi ito sa mga nauna. "T-Tama na. Tama na!" Sigaw niya na lamang na para bang pinapakiusapan na tumigil na ito. Huwag ng sumakit ang kanyang ulo. Minulat niya ang isa niyang mata at ang isa naman naka pikit na at mariin siyang napa lunok ng laway. Hirap na hirap niyang hinakbang ang kanyang paa palabas ng kanilang balay na sa tuwing hinakbang niya ang paa niya hindi pa rin mawala-wala ang sakit no'n na pinapahirapan siya nang husto. Tumagis na lang ang kanyang panga at napa ungol na lamang siya ng malakas na kasabay ang matinding pag kirot na lang ulo niya na pinipiga iyon sa sakit. "Ahh! Tangina!" Umalingawngaw na lamang ang malakas niyang sigaw sa loob ng kanilang balay. Naka hawak siya ng mariin sa kanyang ulo at lumitid na lang ang ugat niya sa leeg sa natinding sakit lamang na pulang-pula na ang kanyang mukha. "Ahh! Tama na! Ang sakit na!" Nakaka hindik ang kanyang malakas na pag sigaw hanggang tuluyan nang nanlambot ang kanyang tuhod at nawalan siya ng balanse kaya't napa luhod na lang siya sa malamig na sahig. Naka tukod ang isa niyang kamay sa sahig para gawing suporta na hindi siya bumagsak at sa pag kakataon na ito naging intense at mabigat na ang kanyang pag hingga na namimilipit pa rin sa sakit. Humigpit pa lalo ang pag kakahawak niya sa kanyang ulo at hindi na matapos-tapos ang matinis niyang ungol lamang. "Ahh, t-tama na. Tama na." Hinawakan niya ng mariin ang kanyang ulo at para bang mababaliw na siya sa matinding pag kirot na hindi niya malaman kong saan nanggaling ang sakit na pinag dadasal niya na sana matapos na ito at tumigil na ang sakit. "T-tangina! Tama na!" Mariin niyang sigaw at sabay mulat ng kanyang mga mata. Ibang emosyon ang nag pakita sa kanyang mga mata. Ibang pag katao ang lumabas doon at sa pag kakataon na iyon, na isang mabangis at nakaka kilabot na nilalang ang iyong masasaksihan. LIGAYA'S POV "Diyan mo na lang ilagay iyan, Ligaya sa isang tabi at ako na ang mag aayos niyan." Pag papasunod sa akin ni Tiya Belinda na tuluyan na kami maka pasok sa balay niya. Nauna na ako sakanya sa pag pasok at pinili kong ilagay ang bitbit na basket sa ibabaw ng lamesa. Ramdam ko naman ang presinsiya ni Tiya na naka sunod sa likuran ko at kagaya rin sa akin bitbit niya rin ang dalawang basket laman lamang ng mga naani niya sa munti naming lupain. Inayos ko na lang ang basket sa pag lalagay ko na hindi iyon malaglag sa ibabaw ng lamesa at pag katapos dali-dali naman akong lumapit sakanya para kunin sa kamay niya ang isang basket na hawak, dahil mukhang hirap na hirap na siya sa pag dadala no'n. Binigay naman sa akin ni Tiya ang isang basket na hawak niya at mag kasabay naming dalawa nilagay iyon kasama ng nga nauna pa namin na nilagay doon. "Maraming salamat Ligaya." Pasalamat na lang ni Tiya at lumapit na siya sa basket at isa-isa niyang nilabas ang laban mula sa basket para sa ganun ayusin. "Gusto mo bang uminom muna at baka nauuhaw kana." Presinta na lang nito na tumanggi na lang ako sakanya. "Hindi na Tiya, hindi naman ho ako nauuhaw." Lumapit ako sa gawi niya at tinulungan ko na siya sa pag aayos ng mga naani niya. Alam ko naman ang gagawin ko dahil ito mismo ang madalas namin ginagawa noon simula no’ng dito pa ako naka tira sa balay ni Tiya. Tumutulong na ako sakanya noon sa pag aani ng mga pananim namin at kahit na rin pag titinda sa bayan. Ito mismo ang kadalasan naming gawin at libangan ng kapatid ko ang pag tutulong kay Tiya at kahit ilan na rin na mga gawaing bahay. "Pansin kong marami-rami ang mga naani mo ngayon kumpara dati." Wika kong naka pako ang mata ko sa basket na bitbit namin kanina. Ilang taon na akong tumutulong sa pag aani at pag tatanim ng iba't-ibang mga prutas at gulay sa munti naming lupain at masasabi ko talagang mas marami ngayon ang mga naani ni Tiya. Napaka taba no’n at hitik na hitik iyon kumpara sa mga mas nauna talaga na mga nauna namin na mga naani. "Oo nga at ako'y labis na natutuwa na napaka rami namin naani na dalawa ni Lira kahapon at ngayon tignan mo hindi pa rin maubos-ubos." Hindi na mawala ang matamis na ngiti sa labi ni Tiya habang binibigkas niya ang bagay na iyon. "Ako na lang ang mag-isang bumalik sa lupain natin kanina at mag isang nag ani dahil may pag susulit ngayon sa skwela ang iyong kapatid, kailangan niyang maaga pumasok.. Gusto nga akong tulungan sa pag titinda pero hindi ko na hinayaan.” Pag bubukas na lang ni Tiya ng kwento na mapa tango naman ako sa sinabi niya. "Gusto mo ba Tiya, tulungan ko na lang po kayo sa pag aani? Wala naman kasi akong gagawin mamaya.” Presinta ko na lang dahil wala naman akong gagawin mamaya. Hindi naman ako mag titinda ng mga kakanin mamaya kaya’t bakante ako ngayong araw. "Huwag na Ligaya at labis-labis na itong naani namin ng kapatid mo simula pa kahapon. Baka bukas at sa susunod na araw na kami muli mag aani kapag napa-ubos na namin ito.” Aniya ni Tiya at mapa dako naman ang mata ko sa kabilang bahagi ng balay ni Tiya na may nakita pa akong dalawang basket na naka lagay na puno ng mga naani nila na tantya ko naman na mga nakuha nila iyon kahapon. “Aayusin ko muna itong mga naani ko at ilan dito pipiliin ko pa kong alin ang pwede ibenta sa bayan mamaya." “Sige ho, Tiya.” "Siya nga pala, kumain kana pala ng almusal? May natira pa akong pinag almusalan namin ng kapatid mo at baka nagugutom kana.. Sandali lang at kukuha lang ako ng pingga——-" akmang aalis si Tiya na kaagad ko naman siyang pinigilan. “Huwag na ho, Tiya.” Pigil ko na lamang sakanya na tumitig naman siya sa akin na takang-taka. Mariin ko na lang pinikit ang mata ko na maalala na lamang ang isang bagay. Patay! Oo nga pala. Kailangan ko na palang pumanhik na bumalik sa balay namin. Kainis. Bakit ko ba naka limutan iyon? “Kamuntik ko na palang maka limutan, kailangan ko na po palang umalis, Tiya." Taranta kong tinig na binitawan ang ginagawa ko na maalala na kailangan ko na palang maka balik sa balay namin. Ano bang nangyayari sa'yo Ligaya? Bakit nakalimutan mong kailangan mong bumalik kaagad? Kay diin na ang pag kakakagat ko sa ibabang labi, na mapag tanto lamang na nag handa pala ako ng masarap na agahan para sakanilang dalawa ni Dakila para sabay silang mag salo ng almusal, pero heto’t naka limutan ko na. Sinakto niya talaga, na gumising ng maaga para ipag handa lamang siya ng masarap na agahan at dapat tapos na ako bago siya magising pero heto’t wala ako. Nang matapos akong makapag luto, lumabas muna ako saglit dahil may kailangan pa akong bilhin sa bayan na ipang dadagdag ko sa agahan namin. Ilang minuto lamang na pag lalakad ko at naka salubong ko si Tiya Belinda at nag presinta na akong tulungan siya na makita kong hirap na hirap na ito sa pag bibitbit ng basket na dala-dala nito. Hindi ko na namalayan na nalibang na ako at hindi ko na napansin ang oras. Kainis naman. Bakit naka limutan kong may kailangan pa pala akong gawin? Baka sa sandaling ito, gising na si Dakila. Kainis naman oh. “Sige na Tiya at kailangan ko na hong umalis." Taranta ko na lang na tinig na nag mamadali ng kumilos na maka gayak ng maka alis. “Mauna na ako sainyo, hindi na ako mag tatagal dito, Tiya." Paalam ko na lang sakanya na animo'y may hinahabol na oras na kailangan ko na kaagad maka uwi na sa balay namin. "Sigurado ka ba na hindi kana kakain bago ka umalis?” Pag aalok na lang ni Tiya na iniling ko na lang ang ulo ko bilang pag tatangi. “Heto’t may papaya na hinog dito dalhin mo na ito sa iyong pag alis.” Presinta na lang ni Tiya na hinawakan niya na ang hinog na papaya para ipadala sa akin. "Hindi na siguro Tiya dahil mayron pa naman kaming tira doon sa bala——-“ Hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na humawak na lang si Tiya sa pulsuhan ko kaya’t napa tigil na lang ako sa pag mamadali ko. “Ligaya, sandali lang.” Pigil na lamang siya sa akin kaya’t wala sa sariling napa baling na lang ako ng tingin kay Tiya na ngayo’y gulat na gulat na naka titig siya sa akin. Ilang segundo akong natigilan na naka hawak pa rin siya sa pulsuhan ko na animo’y hindi makapaniwala. “Bakit ho, Tiya?” Lakas-loob kong tanong na napa kurap naman siya ng mata niya at halos wala siyang tinig na maibigkas. Gamit ang isang kamay, pigil-pigil ni Tiya na hawakan ang pulsuhan ko na hawak niya pa rin at nilapit niya ang sarili niya sa akin. “Sandali lang Ligaya, buntis ka ba?” Ang salita na lamang ni Tiya Belinda ang mag bigay gulat at hindi ko maipaliwanag ang mararamdaman ko sa katagang binigkas niya. Napaka lakas ng pintig ng aking puso at tuluyan na akong pinag pawisan ng malala sa aking kina-tatayuan sa mga narinig ko. Huh? Ano? Buntis? Buntis ako? **** Hindi na maalis ang matamis na ngiti sa aking labi, na nag lalakad pabalik sa aming balay. May kong anong saya, pag kasabik at kaba na lang sa aking dibdib na maalala na lang ang sinabi ni Tiya Belinda kanina. Ano, buntis na talaga ako? Totoo ba ito? Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko at nag karoon na rin kasagutan sa akin kong bakit nitong naka raang mga araw madalas akong naka ramdam ng pag kahilo. Kaya pala, palagi akong inaantok at pagiging matamlay ko dahil nag dadalang-tao na ako. Wala sa sariling napa hawak na lang ako sa aking tyan, at hindi ko akalain na may namumuhay na doon na munting anghel. Anak naming dalawa ni Dakila. Pinag laruan ko na lang ang palad ko para pakalmahin muna saglit ang sarili ko, na binabaybay pa rin ang daan pabalik sa amin. Ilang minuto na pag lalakad na napa hinto na lang ako na matanaw na lang ang munti naming balay, may anong kaba at nerbyos na namumuo sa aking dibdib lalo’t palapit nang palapit na ako sa amin. Sabik at medyo kinakabahan na rin akong sabihin na rin kay Dakila na mag kakaanak na kaming dalawa. Humigpit na lang ang pag kakahawak sa basket, na may laman iyon na hinog na papaya at ilang prutas na bigay ni Tiya Belinda bago ako umalis sa kanilang balay. Nag pakawala muna ako ng malalim na buntong-hiningga bago ko hinakbang ang paa kong pinag patuloy ang pag lalakad. Hindi na maalis-alis ang matamis na ngiti sa aking labi hanggang maka rating na ako sa balay namin. Tinulak ko na ang pintuan namin pabukas at sumalubong kaagad sa akin ang maliit na munting sala namin. Ginala ko ang tingin ko sa kaliwa’t-kanan at kaagad kong nakita si Dakila na naka tayo siya malapit sa lamesa at naka talikod siya sa akin. Malaya kong pinag mamasdan ang malapad niyang likod at wala siyang imik. “Mahal.” Tawag ko sakanya na hinakbang ko ang paa ko papasok sa balay namin. Humahanap rin ako ng tyempo na sabihin sakanya na buntis na nga ako. “Gising kana pala, pasensiya kana kong medyo natagalan akong maka uwi. Tinulungan ko pa kasi si Tiya Belinda na ihatid ang mga naani niyang mga prutas at gulay sa balay niya.” Pag bubukas ko na lang ng usapan namin at naka lapit na ako sa gawi ni Dakila, na wala pa rin akong nakuhang anumang sagot sakanya. Pansin ko na rin ang pagiging tahimik niya at walang kibo na naka talikod pa rin sa akin. Pinag sawalang bahala ko na lang ang pagiging tahimik niya at nag asseum na lang ako na wala siya sa mood dahil bago pa lang siyang gising. Pinili kong huminto na lang sa gilid ni Dakila at nilapit ko sakanya ang hawak kong basket para ipakita sakanya ang laman no’n. “Siya nga pala mahal, may pinadala si Tiya Belinda na hinog na papaya at ilang mga prutas dito. Tignan mo oh, nandito ang paborito mong pruta——-“ hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na mabigla na lang ako na padabog na lang na tinabig ni Dakila ang hawak kong basket na magulat na lang ako pag kabigla, na tumilapon na lang ng kay lakas ang basket sa malamig na pader kasabay ang pag tilapon ng laman no’n. Napa kurap naman ako ng mata kong ang malakas na tunog ng pag tilapon ng mga prutas pag katapos nag pagulong-gulong na lang iyon sa sahig. Nabigla na lamang na wala sa sariling napa baling na lang ang tingin ko sa gawi ngayon ni Dakila ngayon naka tayo pa rin sa harapan ko. Hindi na maipinta ang mukha niya sa galit, at nabahiran ng madilim na aura ang kanyang pag katao na panuyuan na lang ako ng laway sa aking lalamunan sa nanlilisik niyang mga mata sa galit. Hindi ko maipaliwanag kong bakit, may takot at kaba na namuo sa aking dibdib na hindi pa rin inaalis ang mata ko sakanya. Hinakbang niya ang paa niya palapit sa akin at wala sa sariling napa atras ako ng paa ko palayo na takot na takot lamang. “M-Mahal.” Mahinang tawag ko na lamang sakanya. “B-Bakit mahal? May problema b———“ hindi ko na natapos na naman ang susunod kong sasabihin na hindi ako maging handa, na mabilis niyang sinakmal na hinawakan ang leeg ko at napa ungol na lang ako ng malakas na sinampa niya akong sinandal sa malamig sa pader na maka ramdam ako ng sakit sa malakas niyang pwersa. Maluha-luha na lang ang mata sa takot na yumakap na lang sa akin at wala sa sariling napa hawak na lang ako sa kamay niyang naka sakmal pa rin naka hawak doon, at pilit na inaalis iyon. Sumikip na lang ang pag hingga ko, na dumiin pa lalo ang pag kakadiin niya doon sa leeg ko, na mamilipit na ako sakit . “Ugckk, m-mahal.” Hirap na tinig kong mariin na napa pikit ng mata ko na walang kahirap-hirap lamang na maianggat niya ang katawan ko sa ire na sumikip na lang ang pag hingga ko. Pilit na nag pupumiglas pa rin akong inaalis ang kamay niyang naka hawak pa rin sa leeg ko sa abot ng aking makakaya, na mamula na ang mukha ko na nauubusan ng pag hingga sa puno ng gigil at diin niyang pag kakahawak doon. Bumilis na lang ang kalabog ng aking dibdib, at pinang hinaan at tuluyan na akong pinag hinaan, na sumalubong sa akin ang nakaka kilabot at madilim na aura na lang ni Dakila ang bumunggad sa akin. Maluha-luha na lang ang mga mata ko at kilabutan pa ako nang husto sa nakaka takot at nanlilisik niyang mga mata sa galit, na para bang ibang tao ang kaharap ko ngayon. Tumulo na lang ang bakas na luha sa mga mata kong, para siyang nakaka takot na demonyo sa harapan ko na manginig na lang ako sa takot. Mahal, bakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD