Chapter 59

3297 Words
Chapter 59 LIGAYA'S POV "Ugckk m-mahal." Hirap kong tinig na pilit kong inaalis ang kamay niyang naka sakal sa leeg ko subalit hindi ko pa rin maalis. Sobrang higpit at puno ng gigil na kahit gamitan ko man ng lakas at pwersa, hindi pa din sapat ang lakas kong makawala sa kanyang pag kakahawak. Bumigat pa lalo ang pag hingga kong diniin pa ni Dakila ang katawan ko sa malamig na pader at para akong manok na nag pupumiglas na nauubusan ng hangin na sumikip pa lalo ang pag hingga ko. Bumunggad sa akin ang nakaka takot at nakaka kilabot na bulto ni Dakila sa harapan ko. Yumakap na lang ang pangamba at nerbyos sa dibdib ko na tumitig sa kanyang mga mata na napaka lamig at walang bakas na anumang emosyon. Hindi ko alam, pero bigla akong nagulatang sa nasaksihan ko na ngayon ibang-iba na siya. Nabahiran ng madilim na aura ang kanyang pag katao na kahit ako mismo, pag hinaan na tumitig sa mga mata niyang sobrang mapanganib. Bakit? Bakit parang may iba sa kanyang mga mata? Bakit pakiramdam ko, ibang tao ang kaharap ko ngayon? Gumilid na ang luha sa mga mata ko, at wala pa ring humpay na nag pupumiglas na makawala sa kanyang pag kakasakal. Sa bawat segundong lumilipas dinadaga ng takot ang buong katao ko, na ayaw kong salubongin ang mata niyang umaapoy na sa galit. Mahal? Bakit? Tama na ito. Nahihirapan na ako. Ano bang magawa kong pag kakamali? Ano bang nangyayari? Gusto ko man tanungin iyon sakanya subalit, wala na akong lakas ng loob dahil pinangunahan na ako ng takot at pangamba sa dibdib ko. "M-Mahal." Humigpit pa lalo ang pag kakahawak ko sa kamay ni Dakila para ipahiwatig na tumigil na siya. Para ipahiwatig na nasasaktan na ako, subalit para bang determinado siyang ituloy ang kanyang bibabalak. Binabalak, na kitilin ako sa kanyang mga kamay. "T-Tama na, nasasaktan na ako. Mahal." Hirap at pikit-mata kong saad na lamang na mapa ungol na lang ako ng mahina na humigpit pa lalo ang pag kakahawak niya sa leeg ko, na hudyat sumikip na lang ang pag hingga ko na namimilipit na sa sakit. Pulang-pula na parang kamatis ang mukha kong hirap na nag makakaawa pa rin sakanya subalit wala akong nakitang anumang katiting na awa doon kundi para bang sarap na sarap pa siyang pinapanuod akong nahihirapan. Sarap na sarap siyang pinapanuod akong nauubusan ng hiningga sa kanyang mga kamay. Kumakalampag na rin ang mga paa at kamay kong walang tigil pa din na nag pupumiglas na makawala, na naka anggat pa rin ang katawan ko sa ire. Naging intense na lang ang pag hingga ko, at naging determinado akong maka alis subalit ganun pa rin na nauubusan na ako ng hangin. "M-Mahal, pakiusap." Sapat na ang lakas ng boses ko para marinig niya ang pag mamakaawa ko. Nanubig na ang mata kong tumitig sa mga mata niyang ganun pa rin na emosyon na gumuhit doon, na sumikip na lang ang puso kong tumitig sakanya na wala na iyong Dakila na kilala ko. Mahal tama na ito. Nasasaktan na ako ng sobra-sobra. "T-Tama na, mahal nasasaktan na ako, ugckk." Basag kong tinig at pilit na lang akong nag papakatatag sa bawat sandali. Hindi ko na kaya. Sobra na akong nahihirapan. Sa huling lakas ko, patuloy pa rin akong nag mamakaawa at nag pupumiglas pero wala pa ring pag babago sakanya. Nilapit ni Dakila ang sarili niya sa akin, at lumitaw na lang doon ang napaka mapanganib na nilalang na pinanuyuan ako ng balahibo sa katawan. "Ano? Nasasaktan kana?" Mapag larong ngisi ang gumuhit sa kanyang mga labi, na pag hinaan pa ako lalo na tumitig doon. "Nasisiyahan pa akong makipag laro sa'yo Ligaya, diba ito naman ang gusto mo?" Parang nasa ikalaliman ng lupa ang lagong ng kanyang boses, na tumindig pa lalo ang takot sa puso ko. Ano? Anong sinasabi niya? "A-Anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan Dakila." Nauutal kong tinig. Wala akong katiting na idea kong ano man ang sinasabi niya. "Hindi ko alam ang sinasabi m——-" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na nilapit ni Dakila ang sarili niya sa akin, na maka ramdam ako ng init sa pag lapit niya subalit init ng takot ang naramdaman ko. Pinili na lang ni Dakila na ilapit ang mukha niya sa gilid ng pisngi ko para may ibulong samantala naman ako nakikiramdam lamang. Dumampi na lang ang mainit niyang hiningga sa balat kong mariin na lang akong napa lunok ng laway. "Damian." Maikling pag kabigkas niya na mag bigay tandang pananong sa mukha ko sa katagang binitawan niya. "Damian ang pangalan ko." Pahiwatig na tinig nito na nanalaytay na lang ang malamig na pawis sa katawan kong at nanginig pa lalo ang katawan kong mag kasalubong ang titig naming dalawa. Unti-unting kina-layo ni Dakila ang sarili niya sa akin at domoble ang takot at pangamba sa dibdib ko, na makita ang nakaka takot niyang mga mata na sunod-sunod na lang ako napa lunok ng laway ko. Pakiramdam ko, pinalambutan na lang ako ng tuhod at buong katawan ko sa mga narinig ko at kahit ako mismo hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam ang ipapaliwanag ko. Napa kurap na lang ako ng mata ko naging malilikot na lang ang mga mata kong takot na takot sakanya. Damian? Sandali? Bumalik na ang kanyang ala-ala? Paano? Kaylan? Pero, bakit? Naging aligaga at hindi na ako mapa kali ng sandaling iyon subalit tumindi pa lalo ang pangamba at takot sa puso ko na ayan na nga. Dumating na nga ang bagay na kinakatakutan ko ng husto. Ang bumalik ang kanyang ala-ala. Ang malaman niya ang totoo. Ang malaman niya ang bagay na tinatago ko sakanya ng mahabang panahon. Hindi. Hindi pa ako handa dito. Hindi pa ako handa, na malaman niya ito. Hindi pa ako handa, na bumalik ang kanyang ala-ala. "M-Mahal." Uminit na lang ang sulok ng mata ko at takot na takot na hindi ko alam kong paano ko sisimulan ipaliwanag sakanya ang lahat. Hindi ko alam kong paano ko sasabihin na hindi ako masasaktan. "Hayaaan mo akong mag paliwanag sa'yo, hindi ganun iy——-ugckk!" Namilipit na lang ako sa sakit na humigpit pa lalo ang pag kakasakal niya sa leeg ko kasabay na lang ang mahinang pag ungol ko ang maririnig mo ng sandaling iyon. "Mahal? f*****g bullshit!" Manunuya niyang asik na galit at napa ungol na lang ako na diniin niya pa lalo ang likod ko sa pader na maka ramdam ako ng kirot at sakit sa kanyang pag kakagawa subalit lahat ng iyon tiniis ko. "You played with me, Ligaya! All this time, you lied and used me, just to have what you wanted, tapos aasahan mo pa talaga akong makinig sa mga paliwanag mo! That's f*****g bullshit!" Napa pikit na lang ako ng mata ko umalingawngaw na lang ang nakaka takot niyang boses, na manginig pa lalo ang katawan ko sa takot. "M-Mahal, ahh." Hirap kong tinig at humigpit pa lalo ang pag kakahawak ko sa kamay na naka hawak sa leeg ko at pilit na inaalis iyon sa abot ng aking makakaya. Pinag hihinaan na ako nang husto na alam kong mag iiwan ng marka sa balat ko ang higpit na pag kakasakal niya sa akin na lakas-loob akong tumitig sa mga mata niya. "P-Pakiusap, makinig ka muna sa akin. Hindi ko naman talaga intensyon na saktan at mag sinunggaling s-sa'yo." Hirap kong tinig at mariin na napa pikit na lang ng mata na hirap na hirap na mag salita. Anumang segundo babagsak na ang luha sa mga mata ko sa bigat na bagay na naka pasan sa dibdib ko. Hindi ko alam na ganito pala ito kahirap Hindi ko alam na ganito pala ito kasakit. "N-Naipit lang naman ako sa isang sitwasyon mahal, kaya't nagawa ko lang iyon sa'yo.." Pigil-hiningga kong pag papaliwanag . "Gulong-gulo at hindi ko na kasi alam ang gagawin ko ng sandaling iyon kaya't iyon na lang ang naisip kong paraan. Iyon lang ang naisip kong magandang solusyon na alam kong makaka-tulong s-sa akin.. Sinubukan ko naman eh. Sinubukan ko naman na sabihin at aminin sa'yo ang t-totoo wala lang akong lakas ng loob." Parang may naka tarak na isang daan na mga kutsilyo sa dibdib ko habang sinasabi ko ang bagay na iyon. Hindi ko alam na ganito pala kahirap at kasakit. Maniwala ka sa akin, mahal. Hindi ko ginustong saktan ka. Hindi ko ginustong mag lihim at itago sa'yo ang totoo. Natatakot lang ako na kamuhian mo ako. Natatakot lang ako na mag iba ang tingin mo sa akin. Natatakot lang ako na iwan mo ako. Gustong-gusto ko na iyon sabihin sakanya subalit, wala na akong lakas pa ng loob dahil sobrang bigat na ng dibdib ko. Ayaw ko na ng ganito. "Nag mamakiusap ako s-sa'yo, tama na ito." Basag kong tinig na tuminggala ako para pigilan na lang na bumagsak ang luha sa mga mata ko. Pilit ko man na maging matatag at hindi maging emosyonal subalit hindi ko pa rin kaya, labis akong nahihirapan nang husto. "I-Ipag paumanhin mo mahal, kong nagawa ko man na saktan at mag sinunggaling sa'yo pero maniwala ka. Lahat ng pinakita sa'yo, lahat ng pina ramdam ko sa'yo na mag kasama tayo, lahat iyon toto—-" "Shut it!" Napa pikit na lang ako ng mata ko na dumaongdong na lang ang nakaka kilabot na sigaw niyang mag paiyak pa lalo sa akin. Nanginig kong minulat ang mga mata kong tumitig sa kanyang mga mata na lalo pa iyon nanliyab sa galit. Nasasaktan na ako dahil wala na. Labis ko na siyang nasaktan. Ipag paumanhin mo mahal ang nagawa ko sa'yo! Sana magawa mo pa akong patawarin pag katapos neto. "I don't want to hear any lies from you again, Ligaya! Malinaw na sa akin ang mga nakita ko! If I were to choose, I would've ended your f*****g life!" Buong gigil nitong asik na nilapit niya pa ang mukha niya sa akin at doon na bumagsak ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko na kaya. Labis na akong nasasaktan. Tiim-baga na lang tumitig sa akin si Dakila at hindi ako naging handa sa susunod niyang gagawin at padabog niya na lang akong binitawan, na mapa salampak na lang akong napa upo sa malamig na sahig na doon na lang akong napa hagolhol ng pag iyak. Hindi ko na lang ininda ang malakas kong pag kakabagsak sa sahig, dahil sobra ng napaka sakit ng puso ko. Parang gripo na lamang na umagos ang luha sa pisngi kong naramdaman pa rin ang presinsiya ni Dakila na naka tayo sa harapan ko, tahimik lamang akong pinapanuod habang umiiyak ng tahimik. Tanging hikbi na lang ng pag iyak ang nagawa kong isagot sakanya. "Let's end this f*****g play house thing, Ligaya! Tapos na rin ako makipag laro sa'yo!" Asik na lamang nitong muli at para bang may naka bara sa aking lalamaunan, na marinig ang katagang iyon. Hindi Huwag. Huwag mo itong gawin sa akin, mahal. Iniling ko na lang ang aking ulo na pahiwatig na ayaw ko. Walang humpay na umaagos ang luha sa pisngi kong tumitig na lang sa walang emosyon na mga mata ni Dakila. Parang biniyak pa lalo ang puso ko, sinimulan niya na akong tinalikuran. Hinakbang niya na ang paa niya paa paalis, na mag paiyak pa lalo sa akin ng husto na pinapanuod siyang umalis. Naka apat na hakbang pa lang siya na mag paiwan na ako ng sasabihin muli. "Aalis ka? Iiwan mo ako?" Basag ko na lamang na tinig na mag pahinto na lang kay Dakila sa pag lalakad. Pinag halo ng pawis at luha sa mga mata kong tumitig na lang sa malapad na likod ni Dakila na walang kibo at hindi man lang ako nagawang lingunin. Labis akong nasaktan, dahil hindi niya ako nagawang tignan sa mata. "Akala ko ba, hindi mag babago ang pag tingin mo sa akin? Bakit ganito m-mahal?" Tuminggala ako para pigilan na pumatak ang luha sa mga mata ko, pero hindi pa rin eh. Parang may kusang buhay iyon na patuloy lamang iyon lumalandas. Patuloy lamang iyon bumagsak na mag paiyak pa lalo sa akin na wala akong magawang sagot mula sakanya. "Bakit hindi mo kaya akong pakinggan kahit ngayon lang, mahal?" Garalgal kong tinig at pumatak na lang na tumulo ang luha ko muli. Kahit napaka liit ng tantya umaasa akong pakikinggan mo ako. Kahit napaka liit ng pag asa, pang hahawakan ko na sana huwag kang umalis. At hindi mo ako iiwan. "Akala ko ba, tatanggapin at hindi mag babago ang pag tingin mo sa akin kahit malaman mo ang totoo. Asan ang pangako na iyon, mahal? Akala ko ba mahal mo ako?" Impit kong pag iyak na tumitig sakanya muli na nanatili lamang naka tayo at katahimikan ang sumagot sa akin. Ilang segundo nabahiran ng katahimikan sa panig naming dalawa ni Dakila, at nakikiramdam lamang sakanya. "Love?" Pagak nitong asik na puno ng galit at puot sa kanyang tinig. "I just made it all up those promises and I never said I'll fulfill that though." Anito na mag pabiyak pa lalo ng puso ko sa katagang sinabi niya. Bakit ganito na? Hindi, hindi. "And I never did love you not ever once Ligaya," ang salita nito ang mag pagimbal pa lalo sa akin nang husto. "N-No, hindi iyan totoo." Iling kong tinig na pilit winawaksi sa sarili kong hindi iyon totoo. Pilit na winawaksi sa isipan kong, sisinunggaling lang siya sa akin. "Hindi totoo iyan, diba? Sinasabi mo lang iyan sa akin dahil galit ka. Sinasabi mo lang iyan dahil gusto mong saktan. H-Huwag naman ganito m-mahal, huwag mo naman akong saktan ng ganito dahil nahihirapan na ako." Nanlabo na ang mata ko sa walang humpay na pag iyak lamang na para bang sasabog na ang puso ko sa sakit ng dibdib ko. "Alam kong mahal mo ako, na totoo ang pinakita mo sa akin na pag mamahal na mag kasama tayo. Ramdan kong iyon mahal, alam kong mahal mo rin ak———" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na pinag patuloy niya na lang ang pag hakbang ng paa niya paalis, na mag pahagolhol pa lalo sa akin ng pag iyak. Sa bawat hakbang ng kanyang paa, nag bibigay kirot at sakit sa aking puso. Hindi. Hindi. Huwag kang umalis. Huwag mo akong iwan. "Mahal." Basag kong tinig, na nag mamakaawa pa rin sa huling pag kakataon na huwag siyang umalis. "Mahal, huwag kang umalis, mahal." Paulit-ulit kong pag tawag sakanya na walang humpay pa rin na umiiyak na naka upo sa malamig na sahig. Nanikip na lang ang dibdib ko, na nag bingi-bingihan lamang siya sa pakiusap at pag tawag ko sakanya. Tuluyan na siyang naka labas sa balay namin na iniling ko na lang ang ulo na paunti-unti nang nawawala ang bulto niya sa paningin ko at natakot ako nang husto na hindi ko na siya makikita pang muli. "H-Huwag mahal." Basag kong tinig, na kahit nanginig man ang katawan ko, pilit kong kumilos na bumangon sa pag kakaupo. Hinakbang ko na lang ang paa kong sinundan na lang si Dakila palabas ng balay namin na walang humpay pa rin na umiiyak. Binilisan ko pa lalo ang lakad-takbo na aking ginawa para maabutan siya hanggang tuluyan na akong naka labas sa balay namin at lalo pa akong pinag hinaan nang husto na humampas na lang sa akin ang malamig na simo'y ng hangin. Lumunok na lamang ako ng mariin ng laway, at hindi ko na siya nakita pa. Para bang bigla na lang nawala si Dakila na parang bula sa hangin Lumingon ako sa kaliwa't-kanan ko at nag babakasali na makita ko siya, pero wala na. Hindi ko na siya nakita pa. Wala ng anumang bakas at anino niya sa paligid. Tuluyan na akong napa iyak na hindi ko siya makita na tanging matatayog lamang na mga puno sa paligid ang nakita ko. Hindi. Huwag mo itong gawin sa akin, mahal. Sobrang tolero na ang isipan ko at gulong-gulo na, hindi ko na lamang namalayan ang sarili kong tumakbo para sundan siya. Para habulin siya. Hindi ko alam kong saan ko siya unang hahanapin. Hindi ko alam kong saan ako dadalhin ng aking mga paa, pero bahala na. Basta takbo lang ako nang takbo, na pumasok na ako sa masukal na kakahuyan na paulit-ulit tinatawag ang kanyang pangalan. Nag babakasali akong maabutan ko pa siya. Nag babakasali ako, na makikita ko pa siya. "H-Huwag mahal." Impit na pag iyak ko na lamang na binilisan ko pa lalo ang pag takbo ko, na patuloy na lumalandas ang luha sa mga mata ko. "Huwag kang umalis, huwag mo akong iwan mahal." Hagolhol na pag iyak ko na lamang na lumingon ako sa paligid, subalit wala akong nakitang anumang anino niya. Hindi ko na namalayan kong ilang minuto na akong tumatakbo sa masukal na kakahuyan, hindi ko na ininda ang pananakit ng paa ko sa walang humpay na pag takbo basta makita ko lang siya. Nanlabo na ang mga mata ko sa walang humpay na pag iyak lamang, wala na akong pakialam kong maging kaawa-awa man ako sa kanyang paningin basta’t gusto ko lang siyang maabutan. Gusto kong huminggi ng tawad sakanya. Gusto ko siyang maka usap at ipaliwanag sakanya ang lahat-lahat. Hindi ko kaya ng ganito. Hindi ko kayang mawala siya sa akin. "H-Huwag mong gawin ito sa akin, mahal pakiusap." Aniya ko na lamang na iniling ko na lang ang ulo ko na tumatakbo pa rin ng mabilis. Pinag hihinaan at kinakain ng takot ang dibdib ko, na hanggang ngayon hindi ko pa rin siya makita.. "M-Maha——-Ahh." Hindi ko na lang natapos ang sasabihin na maka ramdam ako ng matinding pag kirot sa parteng puson ko na mapa ungol na lang ako ng mahina. Napa tigil na lang ako sa pag takbo at napa hawak na lang ako sa malaking puno sa tabi ko para kumuha ng suporta. Dumaplis na lang ang malamig na pawis sa leeg at noo ko sa pag takbo ko lamang. Pinanuyuan na ako ng laway sa lalamunan, para kumuha ng lakas sa pag takbo kanina pa na lalo pang tumindi ang sakit no’n. Napa hawak na lang ako sa tyan ko, na imbes mawala ang sakit at kirot para bang lalo pa iyon tumindi na mag pakawala na lang ako ng ungol lamang. "Ahh." Nag patuloy na lang ang pag kirot ng puson ko na hindi na maipinta ang mukha ko sa sakit na humigpit pa lalo ang pag kakahawak ko doon. “Ahh, aray.” Daing ko na lamang sa sakit at tuluyang nanlamig ang buong katawan ko na makita na lamang ang pag agos ng dugo sa pagitan ng hita ko, na mamutla pa ako ng husto. Hindi. Hindi. Huwag ang anak ko. "H-Hindi, hindi anak." Wala sa sarili kong sambit na naririnig ko na ang malakas na t***k ng puso ko na walang bukas na umaagos ang dugo doon na mag bigay takot sa sarili ko. Iniling ko na lang ang ulo ko na hindi alam ang gagawin ko na patuloy pa rin na umiiyak ng tahimik. Tumingin ako sa paligid, para maka hinggi ng tulong subalit lalo lamang akong natakot, na wala akong makitang ibang taong dumaraan kaya’t dinaga na lang sa takot ang dibdib ko. "H-Hindi ko sinasadya, anak." Impit na pag iyak ko na lamang na patuloy pa rin umiiyak na humigpit pa lalo ang pag kakahawak ko doon. “Hindi ko sinasadya, h-huwag mo rin akong iwan anak. Huwag, hindi ko kaya. H-Huwag.” Umagos na lamang ang huling bakas ng luha sa mga mata ko at napa pikit na lang ako ng mga mata ko. Huwag anak ko. Hindi ko sinasadya.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD