Chapter 57

4100 Words
Chapter 57 DOLORES POV "D-Dakila." Iyan na lang ang nabigkas ko na tumitig sa kanyang mga matang nakaka takot. Nanalaytay kaagad ang kilabot sa katawan ko na makita lamang siya sa likod ng pintuan. Sandali, anong ginagawa niya dito? Paano siya naka pasok? Maraming katanungan ang sumagi sa isipan ko, ng sandaling iyon subalit pinakita ko na lang na maging kalmado sa harapan niya. Hindi na nag bago ang paraan ng titig sa akin ni Dakila na napaka dilim ng kanyang aura ngayon at ang mata niya'y umaapoy na sa galit na animo'y naka gawa ako ng pag kakamali. Hindi niya naman siguro alam ang ginawa ko hindi ba? Bakit ka matatakot, Dolores? Wala siyang alam na ikaw ang nasa likod ng nangyari kay Ligaya kaya't huwag kang kabahan sakanya. Huwag kang matakot sakanya. Sigaw naman ng isipan ko muli. "Hindi ko inaasahan na ika'y makita ngayon dito sa aming balay. Malalim na ang gabi, at mga ganitong oras hindi na ako tumatanggap pa ng mga bisita." Pinakita ko na lang ang matamis na ngiti sa aking labi, na nasisiyahan na makita ko siya. Nanatili lamang si Dakila naka tayo sa harapan ko, walang kibo at naka pako lang ang mata niya sa akin at malamlam akong tinitigan na mag bigay anggas pa lalo sa akin ang kanyang dating sa masungit nitong itsura na pinapakita sa akin. Huwag mo naman akong titigan ng ganiyan at natutunaw ako, Dakila. Kinikilig ako. Ganiyan na ba ako kaganda sa iyong paningin para hindi maalis ang mata mo sa akin? Sasabog na ang damdamin ko sa kilig at saya ng sandaling iyon. Napaka lakas na ang kalabog ng puso at hindi ko maipaliwanag na nadarama ko na makita lamang siya na nandito mismo sa balay namin. Napaka dali naman pala neto. Akala ko, mahihirapan pa akong makuha si Dakila sa piling ni Ligaya pero nag kamali ako. Siya na mismo ang unang lumapit sa akin. Nag pakahirap pa ako na gumawa ng paraan para mawala sa landas ko si Ligaya. Hindi talaga ako nag kamali, alam ko rin na gusto niya lang ako at nag papakipot lang siya sa simula. Abot hanggang taenga na ang matamis na ngiti sa labi ko ngayon at ramdam ko na ang pangangamatis ng mag kabila kong pisngi na malagkit niya akong tinignan. Pinalandi ko pa ang pag papansin sakanya na, inipit ko ang hibla ng buhok sa likod ng taenga ko at malagkit siyang tinignan. "Dapat mag papahingga na ako sa mga oras na ito dahil malalim na ang gabi. Kong ganiyan ba naman na Ginoong matipuno at napaka guwapo ang bibisita sa akin ngayon, handa akong mag papuyat." Makamandag ang ngiti sa labi ko ngayon na hinakbang ni Dakila ang paa niya papasok sa loob ng kwarto ko, na bumilis pa lalo ang t***k ng puso ko. Hindi na maalis-alis ang matamis na ngiti sa labi ko ma tuluyan ng naka pasok si Dakila sa loob ng kwarto at waang pag aalinlangan na sinarhan niya ang pintuan. Nilock niya iyon para masiguro na walang ibang tao ang makaka pasok. Walang taong ibang makaka istorbo sa aming dalawa. Doon pa lang lumundag-lundag na ang puso ko sa tuwa sa kanyang ginawa. Ito na ba iyon, Dakila? Mapapa sa akin kana talaga? "Oh, bakit sinarhan mo ang pintuan, Dakila?" Pinalandi ko pa ang tinig ko at hinakbang ko ang paa palapit sa gawi niya. Huminto ako sa tapat ni Dakila at umanggat ng tingin kaya't nag kapantay kami na titig na dalawa. "Hindi ko naman alam na gusto mo pala akong masolo." Pinalandas ko ang kamay na haplusin ang napaka ganda at matigas nitong braso at muscles, na manghang-mangha na maka hawak no'n sa unang pag kakataon. Ang tigas talaga. Ang sarap-sarap talagang haplusin no'n. Napaka ganda talaga ng katawan mo Dakila, at ako'y hindi nag kamali na ikaw ang nagustuhan ko. Naka tayo lamang si Dakila sa harapan ko, walang imik at inoobserbahan niya ako sa paraan ng titig nito na malagkit na labis naman akong masabik ng husto. "Ang totoo talaga niyan Dakila matagal na kitang gusto. Kong ito ang gusto mo, handa naman akong ibigay ang sarili ko na buong-buo Dakil——-" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko, na mabilis na lang sinakmal na hinawakan ni Dakila ang panga ko nang marahas na labis ko naman kina-bigla. Hindi ko inaasahan ang kanyang gagawin na buong pwersa niya akong sinampa nang malakas sa matigas at malamig na pader, na mapa ungol na lang ako sa lakas at sakit ng impact ng kanyang pwersa. "D-Dakila." Hirap ko na lamang na tinig. Nag danak na lang ang malamig na pawis sa buong katawan ko na ilang pulgada na lang ang layo ng katawan namin sa isa't-isa at lumitaw ang nakaka takot na demonyo sa harapan ko. Mariin na lang ako napa pikit ng mata na na lalong humigpit pa ang pag kakahawak niya sa panga ko na mapa igtad na lang ako sa sakit. Gumilid na lang ang luha sa mga mata ko at pilit na inaalis ang kamay niyang naka hawak sa panga ko subalit hindi niya pa rin binibitawan. "Ano ba! Nasasaktan ako!" Asik ko na lang na matapang na tinig, na pilit pa rin inalis ko ang kamay niyang naka hawak sa panga ko para bitawan niya iyon, subalit napa ungol na lang ako ng mahina na mas lalo niyang hinigpitan iyon na mamilipit na lang ako sa sakit. "Ah, D-Dakila." Hirap kong tinig na ngayo'y umaapoy ang mata niya sa galit at puno ng diin, gigil ang pag kakahawak niya doon na mamula na ang mukha ko sa sakit at hirap. "D-Dakila, tama na." Hirap na pakiusap ko na naging porsigedo na alisin ang kamay niyang naka hawak doon. Nangingiusap at pag mamakaawa ko siya tinignan na tama na, subalit wala akong nakitang awa sa mga mata dahil puro lang iyon galit. Bakit? Bakit, niya ito ginagawa sa akin? Dumiin pa lalo ang pag kakahawak niya sa panga ko, na bumigat na lang ang pag hingga ko na tiniis na lang ang pag kakahawak niya doon na kay sakit. "Ahmm, t-tama na." Hirap kong tinig na lalong umapoy sa galit at dilim ang mga mata niya, na alam ko sa sarili kong mag iiwan ng marka sa balat ko pag katapos. Kailangan kong maka alis. Kailangan kong maka wala sa lalong madaling panahon at baka ano pa ang gawin niya sa akin. Uminit na ang sulok ng mata ko sa takot na ang isang kamay ko, tinatanggal pa rin ang kamay niyang naka hawak ng mariin sa panga ko ng madiin. Hanggang napa baling na lang ako ng tingin ko sa kaliwang bahagi na makita na lang ang naka patong na babasagin na vase at jewelry box doon sa ibabaw ng drawer na mag bigay pag asa naman sa akin. Mariin na lang akong napa pikit ng mata sa kirot na dumiin pa ang pag kakahawak ni Dakila na animo'y babaliin niya iyon sa higpit na pag kakahawak. Padiin nang padiin ang pag kakahawak ni Dakila sa panga ko, na nag pupumiglas na akong makawala sa kanyang pag kakahawak. Inabot ko na lang kunin kong ano man ang naka patong sa drawer na patuloy pa din nanlaban sakanya. Bumilis rin ang pag kapa ko doon na mahawakan, na sumisikip na ang pag hingga kong nauubusan ng hangin na maging determinado akong makuha iyon. Pilit kong inaabot ang vase sa gilid ko subalit at nasagi ko lang na mahawakan iyon na pang hinaan pa ako lalo. Inipon ko na lang ang natitirang lakas sa dibdib ko na pilit na inaabot iyon sa aking kamay hanggang sa tuluyan kong mahawakan ang vase. Pikit-mata na ang isa kong mata sa sakit na lalong diniin pa lalo ni Dakila ang sarili ko sa matigas na pader na mapa ungol na lang ako ng mahina at umapoy ang determinasyon na patayin niya ako sa labis na higpit at pang gigil na pag kakahawak niya sa panga ko. "D-Dakila." Hirap kong tinig, maluha-luha ang mata kong tumitig sakanya ngayon na domoble ang apoy na galit doon. Humigpit na lang ang pag kakahawak ko sa babasagin na vase at walang pag aalinlangan malakas ko na lang hinampas sa ulo ni Dakila ang vase, na maririnig mo na lang ang nakaka hindik na pag kabasag no'n na pag tama sa ulo nito ng malakas na maka hingga naman ako ng husto na mapa bitaw na siya sa pag kakahawak sa panga ko. Parang nabunutan lamang ako ng tinik sa dibdib at mariin na napa hawak na lang sa panga ko, na kahit hindi na siya naka hawak doon ramdam ko pa rin ang kakaibang sakit na nanunuot sa panga ko. Mariin na lang akong napa lunok ng laway at nanlambot na ang tuhod ko na ngayo'y naka tayo lamang si Dakila sa harap ko, walang imik at para bang hindi siya nasaktan sa malakas kong pag hampas sa kanyang ulo. Ilang segundo siyang natigilan at parang naging slow motion lamang na unti-unti siyang humarap sa akin at ang pag tagis ng kanyang panga sa galit na tuluyan na akong nilukob ng kilabot sa kalamnan ko. Napaka dilim ng kanyang aura na panuyuan ako ng laway sa kakaiba niyang pag titig sa akin na lalo ko pa siyang ginalit. Wala na akong sinayang pang pag kakataon at mabilis na lang akong kumilos na kinuha ang jewelry box sa isang tabi para ihampas muli kay Dakila subalit bago ko pa magawang mahawakan iyon, na maunahan na ako ni Dakila at sumikip na lang ang pag hingga ko na may naka amba na lang na matalim na patalim sa leeg ko. "Sige, subukan mong hawakan at babaon ang patalim na ito sa leeg mo!" Banta na lang ni Dakila na tuluyan akong nanigas sa kinatatayuan ko sa takot. Napa kurap na lang ako ng mata at dumaplis na lang ang malamig na pawis sa buong katawan ko na tumitig sa kanyang mga mata, takot na takot na hindi nga talaga siya nag bibiro sa kanyang sinasabi. Nanubig na lang ang mata ko at kahit takot na takot nagawa kong tumitig sa kanyang mga mata. "B-Bakit mo ito ginagawa sa akin, Dakila? Ano bang kasalanan ko sa'yo ha?" Mahina at hirap kong tinig. "Anong nagawa mong kasalanan?" Napa awang na lang ito ng labi na anumang oras babagsak na lang ang luha sa mata ko pero kailangan kong maging matatag. Kailangan kong ipakita sakanya na hindi ako natatakot dahil talo ako neto dahil alam kong gagamitin niya ang takot ko panlaban sa akin. "Hindi mo alam o nag mamaang-maanggan ka lang, Dolores? Alam ko na ang ginawa mo na inutusan mo ang mga tauhan mo para saktan si Ligaya." Ang salita nito ang mag bigay gimbal sa buong pag katao ko. Naging malilikot na ang mata kong takot na takot lamang sa kanyang sinabi. Alam niya na ba? Paano niya nalaman? Hindi na importante sa akin kong, paano niya nalaman ang bagay na iyon. Ang alam ko lang sa sarili kong, delikado at hindi na ako ligtas. "W-Wala talaga akong alam sa sinasabi mo, Dakila." Pag sisinunggaling ko lamang sabay lunok ng mariin. Mas mabuti na ito, na kahit anong mangyari hindi ako aamin sakanya. Wala siyang malalaman sa akin. Hindi ako tanga para umamin na lang ng ganun, Dakila. Dumiin na lang ang naka ambang patalim sa leeg ko, na manigas na lang ang katawan ko sa takot at tinignan siya ngayon na nag titimpi at nag pipigil siyang saktan ako. "Maniwala ka, Dakila wala talaga akong alam sa sinasabi mo." Giit ko na lamang na pinag pawisan na ako ng malala na pinaninindigan ko ang pag sisinunggaling ko sakanya. "Wala akong ginawa sakanya at inosente ako at hindi ko magagawang saktan siya.. S-Siguro ibang tao ang gumawa no'n na may lihim na galit sakanya pero maniwala ka, hindi talaga ak——" hindi ko natapos ang sunod na sasabihin ko na gumalaw na lang ang patalim pababa sa leeg ko, na manalaytay na lang ang kilabot doon na gumagalaw na nilalaro niya iyon sa balat ko. Nanginig na ang kalamnan kong lumalandas na lang iyon pababa lamang hanggang tumigil ang patalim sa parteng kaliwang balikat ko. "Anong gagawin mo sa akin, Dakila? Sasaktan mo ako? Papatayin mo ako?" Matapang kong na mag kasalubong kami ng titig na dalawa. "Kong ako sa'yo huwag mo ng ituloy ang binabalak mo, baka nakaka limutan mong nasa teritoryo ka namin ngayon at maraming mga naka bantay na mga tauhan ang aking Ama kapag ginawa mong saktan ako." Banta ko na lamang sakanya na hindi pa rin nag bago ang emosyon na pinapakita nito. Hindi ako natatakot sakanya. Alam ko naman hindi niya ako magagawang saktan. Napaka impluwensiya ng aking Ama at kapag nagawa niya akong kantiin at saktan, alam ko ang mga tauhan ni Ama ang makaka laban niya "Kapag sinaktan mo ako, hindi kana makaka labas pa ng buhay sa lugar na ito, Dakila! Pag sisihan mo lang ito, tandaan mo ito!" Matinis ko na lang na asik na hindi nag bago ang galit na emosyon sa mukha ko. Unti-unting nilapit pa ni Dakila ang mukha niya sa akin na ilang dangkal na lang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa. Piniling itapat na lang ni Dakila ang bibig niya sa gilid ng taenga ko para may ibulong. "Talaga ba? Alin bang mga tauhan ang tinutukoy mo Dolores, iyong mga naka bantay sa labas at loob ng balay ninyo?" Wika nitong nanlaki na ang mata ko sa kanyang sinabi. "Wala ng tauhan na pinag mamalaki mo sa akin dahil pinatay ko na silang lahat.. Huwag kang mag aala isusunod ko ang pinaka mamahal mong, Ama." Unti-unting nilayo ni Dakila ang mukha niya sa akin na tumitig naman ako sakanya at nabahiran ng takot ang mata ko. Huwag. Huwag ang aking Ama. Lalo pang lumawak ang ngisi sa labi ni Dakila, na yumakap na lang ang matinding kilabot at pangamba sa puso ko na binigkas niya ang aking Ama. Hindi. Huwag ang Ama ko. "Hayop ka talaga, Dakila huwag na huwag mong idadamay dito si Ama kundi ako ang papatay sa'yo!" Matinis ko na lang na asik . "Papatayin kita, Dakila, mag hintay ka lan——-Ahhh!" Hiyaw ko na lang sa sakit na walang ano-ano binaon na lang ni Dakila ang patalim sa balikat ko, na mamilipit na ako sa sakit. Maririnig mo na lang ang ungol ko sa sakit na ngayo'y umagos na lang ang sariwang dugo mula sa pag kakatarak niya doon ng patalim sa balikat ko. "Ahh!" Sigaw ko na lang ng malakas na nanunuot sa laman ko ang kirot na hindi ko malaman-laman kong saan nanggaling na para bang hinihiwa ang laman ko. "Ahh, ang tagal mo naman Dolores." Naiinip na wika ni Dakila na naka ngisi na animo'y nasisiyahan akong namimilipit na sa sakit. Binaon niya pa lalo ang patalim sa laman ko, na mapa hiyaw na lang ako sa sakit na nabahiran ng luha at pawis ang mukha ko ngayon. "Ahh, tangina." Matinis ko na lang na mura na naka pikit na ang isa kong mata na tinitiis na lang ang kirot sa hapdi. "Ano, masakit ba, Dolores?" Wika na lang ni Dakila na nilapit niya ng konti ang sarili niya sa akin na kadahilanan na bumagsak na lang ang luha sa mga mata ko. Nanginig na iyon sa takot na ngayo'y nasaksihan ko ang pag agos ng malapot na dugo mula sa aking balikat. "Huwag kang mag aalala, paunti-unti na lang kita pahihirapan sa kamay ko at isusunod ko ang Ama mo." Pinakita na lang ni Dakila ang mala demonyong ngiti sa labi na bumagsak na lang ang pinipigilan kong luha kanina pa. "Binibini? Okay lang po ba kayo riyan sa loob?" Ang salita ng taga silbi ang mag patigil sa amin pareho ni Dakila. Dumaplis ang luha sa mata kong umagos l at sabay kaming napa tingin pareho sa pintuan, at binalik ko ang mata ko kay Dakila na wala man lang na takot na nag lalaro sa kanyang mga mata. "Binibini?" Ulit na tawag nito na pag pawisan na ako ng malala at kasunod no'n ang mahina niyang pag katok mula sa pintuan. "Sige, subukan mong mag sumbong at sumigaw, hindi mo na makikita ang pinaka mamahal mong Ama." Wika na lang ni Dakila na maging malilikot ang mata ko lamang na takot na takot at hindi alam ang gagawin. Gusto ko sumigaw. Gusto ko mag sumbong. Gusto kong huminggi ng tulong subalit natatakot ako na baka totohanin niya ang banta na saktan si Ama. Mahal ko ang Ama ko, at kahit kong minsan hindi kami nag kakasundo na dalawa ayaw ko siyang mapahamak at masaktan. Ayaw ko siyang mawala. Walang tigil na umaagos na lang ang luha sa mga mata ko na naririnig na patuloy pa rin na kumakatok ito sa pintuan. "Binibini?" Pag uulit na tawag nitong mariin na lang ako napa pikit na marinig ko ang paulit-ulit niyang pag tawag sa akin. "Papahirapan ko rin ang iyong Ama kagaya ng pag papahirap ko kay Bughaw at sa mga tauhan mo." Wika na lang ni Dakila na lumabas na lang ang kapilyuhan sa ngisi nito at mariin na lang akong napa pikit ng mga mata ko. "Kapag gumawa ka lang ng pag kakamali at pumasok siya dito, katapusan niyo na pareho!" "Binibini? May nangyayari po ba diyan sa loob?" Tinig na lang nitong pumatak na lang ang huling luha sa mga mata ko na wala akong lakas pa na mag salita. "Binibini?" Tawag nito na walang humpay pa rin na tinatawag ang pangalan ko at pinikit ang mata ko. Inipon ko na lang ang huling lakas sa aking dibdib bago ko ibuka ang aking labi. "H-Huwag kang papasok." Mahina at basag ko na lang na tinig. "Maayos lang po ba kayo diyan sa loob, Binibini? Para kasi pong naka rinig ako ng pag kabasag at pag sigaw po po." Anito na lang na mariin akong napa lunok ng laway. "Gusto niyo po bang pumasok diyan p——" "Huwag na!" Pigil ko na lang na tinig at kasabay no'n ang pag bagsak ng luha sa mga mata ko sa takot. Huwag kang pumasok, pakiusap. Umalis kana. Sigaw ko na lamang sa isipan kong tinataboy siyang umalis na. "Huwag kanang pumasok dahil maayos naman ako, u-umalis kana. Maayos lang naman ang lahat." Nautal kong tinig na dumaplis na lang ang malamig na pawis sa leeg ko, na naramdaman ko pa rin ang presinsiya nito sa likod ng pintuan, hindi umaalis doon. "P-Pero po Binibini." "Umalis kana nga! Alis na!" Malakas ko na lamang na sigaw na walang tigil na bumubuhos ang luha sa mga mata ko. Masama ang loob ko sa mga nangyayari ngayon subalit ayaw kong mapahamak si Ama. Ayaw ko siyang masaktan. "Sige po, Binibini." Salita na lang nito at rinig ko na lang ang yabag ng kanyang paa paalis at unti-unti ko nang narinig na humihina na ang paa nito na hudyat tuluyan na siyang naka alis. Umagos na lang ang luha sa mata kong tumitig na lang kay Dakila muli na hindi pa rin nag babago ang emosyon na pinapakita. "Nagawa ko na, a-ang gusto mo, Dakila..Pakiusap, huwag mong idamay dito si Ama, wala siyang kasalanan dito. Huwag mo siyang sasaktan." Pakiusap ko na lang sakanya at sana naman sa pag kakataon na ito, pakinggan niya ako. "Huwag mo akong sasaktan, maawa k——Ahh!" Hiyaw ko na lang sa sakit na walang ano-ano marahas na binunot na lang ni Dakila ang patalim sa laman ko at binaon niya muli kaya't namimilipit na ako sa sakit. "Ahhh!" Walang humpay na pag sigaw kong napa tigil naman ako muli na nilapit ni Dakila ang kanyang sarili sa akin na hawak pa rin ang patalim na naka tarak sa laman ko. "Sa susunod na malaman ko lang na pinakialaman at sinaktan mo si Ligaya hindi ko alam ang maari kong gawin sa'yo Dolores.." nangingilabot ang binibitawan nitong salita na kahit takot na takot nagawa kong tumitig sa mga mata niya. "Kapag nagawa mong mag sumbong at mag salita, makikita mo na lang pag gising mo, na naka sabit na ang pugot na ulo ng iyong Ama sa labas ng iyong balay." Banta na lang nitong iniling ko na lang ang aking ulo, na pahiwatig na huwag niyang gawin iyon. Nanlabo na ang mata ko na wala pa ring tigil na umaagos ang luha sa mata ko. Marahas na binunot na lang ni Dakila ang naka tarak na patalim sa laman ko, na mapa sigaw na lang akong muli. Nang hihinang napa upo na lang ako sa malamig na sahig, na naka sandal pa rin ang likod ko sa pader na hawak ang kaliwa kong kamay sa balikat kong umaagos doon ang sariwang dugo. Tahimik na lang akong umiiyak at nanatili lamang naka tayo si Dakila sa harapan ko. Nanginginig ang katawan na takot na takot at ilang segundo niya akong pinag masdan. Hindi ako maka titig sakanya ng diretso sa takot lamang na saktan niya ako at ang aking Ama. Wala na akong narinig pang anumang salita mula kay Dakila at naka hingga na lang ako ng maluwag na hinakbang niya ang paa niya palabas ng silid at sunod ko na lang narinig ang pag bukas-sara ng pintuan na palatandaan naka labas na nga siya. Sinandal ko na lang ng mariin ang likod ko sa malamig na pader kasabay na lang ang pag agos ng luha sa mga mata ko. Diyos ko. Ano itong halimaw, na nasaksihan ko? TRAVIS POV Hinawi na lang ni Travis ang sanga na humarang sa kanyang dinaraanan, sa pag tigil ng kanyang pag lalakad napaka seryoso at nakaka takot na itsura ang bubunggad sa’yo. Maanggas siyang naka tindig na ang isang kamay niya naka lagay sa bulsa, na pinapanuod lamang ang kanyang mga tauhan na abala ang mga ito. Lumingga-lingga siya sa paligid na puno kakahuyan lamang ang kanyang mga nakikita na walang bakas na anumang tao o bahay ang makikita mo. Sa ilang buwan niyang pag tra-trabahong pag hahanap at dinala na lang siya sa lokasyon na hindi niya inaasahan na makaka punta siya doon. Lugar na napaka layo kong saan siya nag simula mag hanap. Lugar na napaka hirap ng puntahan. Lugar na hindi niya lubusang akalain na dito siya dadalhin ng kanyang pag iimbestiga. Ngumuya-nguya na lamang siya na may naka salpak na bubble gum sa kanyang bibig, napapa ngisi na mabusisi na tinitigan ng kanyang mga tauhan ang sasakyan sa kanyang harapan. Sasakyan na nasunog at mukhang abandonado na ng mahabang buwan. Mapapansin mo kaagad na halos mayupi na iyon sa sama ng pag kakabagsak, na mabasag ang mga salamin at pintuan nito. Mapapansin mo rin ang ibang marka ng mga tama ng bala ng baril, sa iba’t-ibang katawan ng sasakyan na mukhang hindi simpleng aksidente na bigla na lang itong bawala na parang bula. At ang sasakyan na iyon, pag ma may-ari ng taong matagal niya ng hinahanap. Nanatili siya sa ganong posisyon na naka tayo at hinahayaan niya lamang ang mga tauhan niyang mag tuklas at kumilos na mag isa na tinitignan ng maigi ang sasakyan sa harapan nila. Ilang segundo na katahimikan, lumapit na sa gawi ni Travis ang kanyang katiwalang tauhan. Pinili nitong huminto sa tapat niya para ipag bigay alam ang kanilang mga nakuha na impormasyon. “Kumusta? May nakuha ba kayong anumang bakas ng katawan ni Damian sa loob?” Nakaka takot niyang tinig na hindi inaalis ang mata sa dalawang tauhan niyang kumikilos na nag iimbestiga sa paligid. “Wala ho, Sir.” Anito na lang na maging seryoso ang kanyang mga mata sa binalita nito. “Wala kaming nakitang anumang bakas ni Sir Damian sa loob ng kanyang sasakyan bago ito masunog. Tumingin-tingin na rin kami sa paligid pero wala kaming nakitang anumang bakas niya.” Napa ngisi na lang siya sa naging balita nito sakanya. “Gawin niyo na ang pinag uutos ko sainyo na hanapin siya!” Ginala niya ang paningin niya sa masukal na kakahuyan. “Malapit lang siya dito. Kumilos na kayo!” Utos niya sa tauhan niya na yumuko na lang sa harapan niya ito para mag bigay galang sakanya. “Yes Sir.” Nag simula ng gumalaw ang kanyang mga tauhan at nag kanya-kanya na silang kumilos papasok sa masukal na kagubatan para, gawin ang kanilang mga trabaho. Hindi na lang maalis ang mata ni Travis sa naiwang sasakyan ni Damian sa harapan niya, at sumilay na lang ang nakaka lokong ngisi sa kanyang labi pag katapos. Tangina ka talaga, Damian. Nandito ka lang pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD