Chapter 24

4078 Words
CHAPTER 24 LIGAYA'S POV Nagising na lamang ako sa malamig na simo'y ng hangin na tumama sa aking balat. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at una kaagad sa akin sumalubong sa akin ang guwapong mukha ni Dakila na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Mag kaharap kaming mag katabi sa papag at kasalukuyan naman na naka patong ang ulo ko sa kanyang braso na ginawa ko na iyon na unan. Ilang dangkal na lamang ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa, na maka ramdam naman ako ng init sa katawan ko na tumatama ang mainit niyang hiningga sa balat ko. Sa ganun na posisyon, malaya kong napag mamasdan ang kanyang itsura at ang simpleng pag dikit ng katawan namin ang mag bigay init sa pakiramdam ko na napapaso naman ako. Ilang segundo akong napa titig sa guwapong mukha ni Dakila, malaya iyon pinag aaralan ng mabuti. Kusa na lamang akong napa titig sa kanyang makapal na mga kilay. Mayron siyang matangos na ilong at manipis at mamula-mulang malambot na labi. Mayron siyang perpektong panga at makinis na kutis. May konting tumubo na rin na konting balbas kay Dakila subalit hindi pa rin makakabawas sa kanyang natatanging charisma at kakisigan na taglay. Napahinto na lamang ang aking mata sa mga mata ni Dakila. Ang mga mata na iyon, puno ng lamig at ang bibigay sa akin ng kakaibang mysteryoso sa tuwing napapa-titig ako doon. Sa likod naman ng masungit niyang pinapakita sa akin na emosyon, at hindi ko siya lubusang kilala. Alam ko sa sarili kong mabuti siyang tao. Sino ka ba talaga, Dakila? Ano ang iyong tunay na pag katao? Tanong ko na lamang sa isipan ko ng sandaling hindi inaalis ang mata ko sa kanyang mukha. Wala sa sariling tinaas ko na lamang ang kaliwa kong kamay at natagpuan ko na lamang ang sarili kong hinahaplos ang malabot na pisngi ni Dakila, na wala sa sariling napa ngiti na lamang ako. Hindi na lang mawala sa isipan ko, na maalala ang mainit na sandali na pinag saluhan naming dalawa. Ang mainit na sandali, na pinamumulahan na lamang ako ng mag kabilang pisngi sa hiya na tuluyan ko ng naibigay ang sarili ko kay Dakila. Hindi ko lubusang akalain na ganun iyon kasarap at kainit ang aming pag tatalik. Uminggos na lamang si Dakila sa pag kakatulog kaya't inalis ko na muna ang kamay kong humaplos sakanyang mukha. Lumingon-lingon pa ako sa paligid, humahanap lamang ng tamang tyempona makakaalis. Dahan-dahan at puno ng pag iingat na tinaas ko naman ang kamay ni Dakila na naka yakap sa akin para makapag handa ng maka luto ng agahan. Mainggat ang aking kilos at galaw, na sinisiguro lamang na hindi magigising at maiistorbo ito sa mahimbing na pag kakatulog. Matagumpay ko naman na maialis ang kamay ni Dakila at sinunod ko ng alisin ang kumot na naka takip sa hubot-hubad naming katawan na dalawa. Inipon ko na ang buong katawan kong gumalaw na walang tunog at tatayo na sana ako, napa igtad na lamang ako na bahagyang kumirot naman ang pagitan ng hita ko. "Ahh,"mahinang ungol ko na lamang. Simpleng pinasadahan ng tingin na lamang sa tabi ko si Dakila, na mapa natag naman ang loob kong hindi ito nagising. Kinagat ko na lamang ang ibabang labi ko, at hindi na rin maipinta ang mukha ko dahil hindi ko lubusang akalain na totoo nga talaga ang sinabi sa akin ni Tiya Belinda na masakit nga talaga sa una. Nag palingon-lingon ako sa paligid at tinignan ko na rin sa ibaba ng papag kong naroon nga talaga ang mga damit ko, na pinag tatapon kung saan-saan na mapa nguso na lamang ako na wala iyon doon. Kainis naman, asan na ang mga damit ko? *** Lumabas na ako sa silid naming dalawa ni Dakila na simpleng pang bahay lamang na damit ang suot ko. Pag labas at pag labas ko kaagad dumiretso na ako sa kusina para makapag handa na ng agahan naming dalawa. Nag saing na ako ng kanin at sunod ko naman na ginawa ang pag hahanda ng simpleng almusal lamang kagaya ng prinitong itlog, kamote at nilabas ko na rin ang natira pa namin na ulam kagabi na hindi naman naubos. Naka handa na ang lamesa at naka lagay na rin doon ang almusal na ginawa ko kasama na rin ang pinggan at kubyertos. Hinanda ko na rin ang dalawang tasa laman lamang ng tinimplang kape para sa aming dalawa ni Dakila. Kaagad naman akong natigilan na makita lamang siyang palabas na ng silid namin at bagong gising lamang. Simpleng lumang damit at short lamang ang sinuot ni Dakila na bumakat naman doon ang kagandahan at kakisigan niya. Napa dako naman ang tingin ko sa naka-pikit niyang isang mata at magulong buhok na halatang inaantok pa nga talaga ito subalit hindi mababawasan ang katikasan at kaguwapuhan na taglay nito. "Gising kana pala mahal, tamang-tama kakatapos ko lang naman mag handa ng almusal natin," pinakita ko na lamang ang matamis kong ngiti sakanya na tinignan lang naman ako ni Dakila at wala akong narinig na anumang sagot mula sakanya. "Halika na, mag salo na tayong dalawa," Nag lakad lamang si Dakila patungo sa lamesa at piniling maupo naman sa bakanteng upuan na gawa sa kahoy. Dali-dali ko naman na nilapag ang tinimpla kong kape sa lamesa na tig-isa pa kami at pinili na rin umupo sa upuan na kaharap lamang siya. Sumandok na si Dakila ng pag kain at nilagay sa kanyang pinggan at ganun na rin ako. Mag kasabay kaming nag sasalo ng dalawa ng agahan, na tangi mo na lang naririnig ang ingay ng kubyertos na para bang pinapakiramdaman namin ang bawat isa. Habang ngumunguya, sinilip ko na lamang si Dakila na maya't-maya na sinusuri at pinag aaralan ko ang seryoso niyang itsura habang kumakain na ngayo'y naka kunot ang kanyang noo at hindi ko mabasa ang tumatakbo sa kanyang isipan. Kinuha ko na ang kape at marahan na sinimsim ang laman na mainggat ko naman na pinatong muli sa lamesa na matigilan naman ako sa malagong na boses ni Dakila. "Mahal," basag ni Dakila sa pagitan ng malamig na atmosphere sa pagitan naming dalawa na mapa-angat naman ako ng mukha para tignan lamang siya. "hmm?" Tumigil muna saglit si Dakila sa pag subo at umayos siya ng pag kakaupo sa upuan. "Mukhang hindi na muna kita masasamahan sa pag titinda mamaya sa bayan, aalis kasi ako,"kumunot-noo naman ako sa sinabi niya. Nahihiwagaan rin kung saan nga ba siya pupunta? "Huh, saan ka pupunta?" "Kahapon kasi naka salubong ko sa daan si Tiyo Basyo, iyong matanda na tinulungan ko kahapon. Nakilala ko silang mag asawa at inalok niya ako kung gusto ko daw mag trabaho sakanya." Pag bibitin naman nito. Kilala ko naman ang matandang tinutukoy ni Dakila na si Tiyo Basyo kahit na rin ang asawa nitong si Tiya Emilda, maliit lamang ang Nayon namin kaya't ang ilan sa mga tao dito lubusan ko na rin kakilala at ang mag-asawa naman na iyon ang katangi-tangi lamang na pinag hahanap kabuhayan ang pag titinda ng mga pang gatong at iba't-ibang uri ng mga klase ng kahoy na ginagawa sa pag gagawa ng ibang kagamitan. "Ngayon na araw na ang simula ng trabaho ko sakanila, mahal. Mabuti na rin iyon at maka tulong rin naman ako sa'yo." Tugon naman nito na mapa tango naman ako sa sinabi niya. "Sige, kung iyan talaga ang gusto mo mag trabaho. Hindi kita pipipigilan." Pinakita ko na lamang ang matamis na ngiti sa aking labi, na kina-tango naman ni Dakila. Hindi na kaming dalawa nag usap pa ni Dakila hanggang natapos na nga kaming mag salo na dalawa ng agahan. Sabay na kaming tumayo ni Dakila ng matapos kumain, samantala naman ako inuna ko nang ligpitin ang pinanggamitan namin para mahugasan na iyon. Isa-isa ko na rin pinag patong-patong ang pinggan at kubyertos at akma na lamang na kukunin na sana ang tasa subalit natigilan na lamang ako na may mabilis na kamay na inagaw sa akin iyon. "Sandali lan----" hindi ko na natapos na makita na hawak ni Dakila ang tasa na kukunin ko sana. Nabigla naman ako sa susunod niyang gagawin nang kinuha niya na rin sa kamay ko ang hawak kong pinggan na una kong niligpit lamang. "Ako na mahal,"malagong na pag kakabigkas lamang nito. "Ako na ang bahala diyan mahal. Sige na at mag handa kana at baka mahuli ka pa sa unang araw ng pasok mo ngayon," akmang kukunin sana muli sa kamay ni Dakila ang inagaw niya sa akin subalit nilayo niya muli kaya't ngumuso na lamang ako. "Ako na, hayaan mo na muna na tulungan kita, mahal." Presinta na lamang na wika ni Dakila na bago pa ako maka sagot pa nang tumalikod na siya sa akin para ilagay na sa lababo lahat ng iyon. Naka tayo lang naman ako sa likuran ni Dakila at pinapanuod lamang ang malapad niyang likod. Hindi paman siya nakaka apat na hakbang na kaagad naman siya napa hinto na lamang na labis ko naman pinag tataka. "Bakit maha----" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na nabitawan na lamang ni Dakila ang hawak-hawak niya sa sahig kaya't naka gawa iyon ng malakas at nakaka hindik lamang na tunog pag bagsak kasabay lamang ng malakas na pag ungol niya sa akin na mataranta naman ako sa pag-aalala. "ughh," malakas na sigaw na lamang ni Dakila, na umalingawngaw na lamang ang malakas niyang ungol na ngayo'y naka hawak na ang mag kabila niyang kamay sa ulo nito. "Ahh a-aray! ughh!" dumiin na ang pag kakahawak ni Dakila sa kanyang ulo na mamula na ang mag kabilang mukha na iniinda ang pananakit lamang nito kasabay ang nakaka hindik na sigaw nito sa sakit. "Mahal," dali-dali naman akong lumapit kay Dakila at hinawakan lamang ang isa niyang kamay para siya'y alalayan. Lumabas na ang ugat sa leeg ni Dakila at makikita ko lamang sa kanyang mukha ang pinag halong sakit at kirot lamang ng ulo na para bang mabibiyak na iyon sa sakit. "Maupo ka muna saglit," taranta ko naman na tinig na hinila na lamang si Dakila na maupo sa bakanteng upuan na gawa sa kahoy, na hindi na maalis-alis ang malakas na kalabog ng aking dibdib na hindi ko alam ang dapat kong gawin. Nabalutan na ng kaba at takot ang dibdib kong pinapanuod lamang siyang namimilipit sa sakit samantala naman ako, hindi ko alam ang gagawin ko. Naka hawak si Dakila ng mariin sa kanyang ulo na ngayo'y naka pikit na ang mata at hindi na maipinta ang mukha lamang. "Anong masakit sa'yo? Ulo ba? Diyan ka lang at kukunin ko lang ang gamot sa loob ng silid natin," wika ko na lamang dahil may natira pa naman akong gamot na ginawa lamang noon ni Manong Kadyo. "Diyan ka lang huh? Mabilis lang naman ak-----"tumalikod na ako at akmang pupunta na lamang sa loob ng silid namin na kaagad naman akong natigilan na may mainit na kamay na humawak na lamang sa pulsuhan ko. Kahit hindi ko tignan, alam kong si Dakila lamang iyon kaya't humarap naman ako sakanya na ngayo'y naka pikit ang isa nitong mata at mukhang nahimasmasan na ito subalit naroon pa rin ang pag titiis niya lamang sa kirot. "Huwag na mahal, kaya ko na," malambing at matabang lamang na wika nitong mapahinto naman ako, na ang mata ko naman nabahiran ng pag aalala lamang. "Sigurado ka ba? Mainam na uminom ka pa rin ng gamot mo para mawala na ang pananakit ng ulo mo," dugtong ko na lamang dahil natatakot akong bumalik na naman ang sakit niya at baka kung ano pa ang mangyari sakanya. Tumango naman si Dakila sa akin na kahit ipakita niyang maayos na siya, subalit pinapakita niya sa akin na matatag at okay lang siya para sa ganun hindi na ako mag alala pa. "Okay na talaga ako. Naalis naman ang pananakit ng ulo ko at kaya ko pa naman," "Huwag kana munang pumasok ngayon sa trabaho kaya? Mag pahingga kana muna dito sa balay at baka mamaya sumakit na naman ang ulo mo at baka kung ano pa ang mangyari sa'yo," ramdam ko naman ang bahagyang pag pisil ni Dakila sa pulsuhan ko na mapa titig na lamang ako sakanya, na hindi pa rin nag babago ang emosyon na pinapakita. Tumayo naman si Dakila kaya't napa tinggala ako ng konti dahil may katangkaran din naman siya kumpara sa akin na hanggang tyan niya lamang ako. "Maayos lang talaga ako mahal, huwag kanang mag-alala pa sa akin," wika na lamang nito bahagyang ginulo na lamang ni Dakila ang buhok ko. Nag lakad na siya muli at tahimik ko naman siyang pinapanuod na isa-isang pinupulot ang mga nabitawan niya kanina. DAKILA'S POV Napaka taas ng sikat ng araw, at hindi alintana sa akin ang nakaka pasong init na patuloy akong nag tra-trabaho sa patag na lupain ni Tiyo Basyo. Ilang oras na akong naka tayo at pinag hahakot na lamang ang iba’t-ibang klase ng mga mabibigat kahoy, na aking ginawa na nilalagay ko ang mga iyon sa imbakan pag katapos. Dumaplis na ang pawis sa aking noo at likod na suot na damit, sa puspusan na pag tra-trabaho na parang sanay na sanay na ako binubuhat ang mga mabibigat na mga kahoy, na dinadala ko iyon sa isang tabi. Pinunasan ko na lamang ang daplis ng pawis sa aking noo gamit ang puting bimpo. At sa harapan ko naman ang malaki at malapad kahoy na mistulang patungan kung saan ilalagay ko doon ang katamtaman lamang na laking kahoy. Tinaas ko sa kanang kamay ko ang hawak na palakol at walang pag aalinlangan na lamang na pwersahan na sinibak ko na lamang iyon kasabay na pag galaw at pag batak ng maganda kong katawan at bicep sa tuwing ginagamitan ko iyon ng lakas at pwera. Buong higpit ko na lamang hinawakan ang palakol at tinama na lamang ang patalim kaya’t bumagsak na lamang sa patak na lupa ang kahoy na nag kapira-piraso na. Napa tigil na lamang ako sa aking ginagawa na mapansin si Tiyo Basya na paika-ikang nag lakad at bitbit pa nito ang may kabigatan na balde laman ng tubig na kanyang inigib. Pinili muna ng matanda na ilapag muna sa lupa ang kanyang inigib para mag pahingga muna saglit at makikita ko talaga sa kanyang mukha na nahihirapan at mukhang may iinda itong sakit na pilit niya lamang na tinitiis. Pinunasan ko muli ang dumaplis na pawis sa aking leeg gamit lamang ng puting bimpo na naka patong sa aking balikat, na iniwan ko muna saglit ang ginagawa ko. Nilagay ko muna sa isang tabi ang palakop na hawak ko at mangas na lumapit sakanya. Hahawakan na sana ng matanda ang balde na inigib niyang tubig at kaagad naman siyang natigilan, na walang pag aalinlangan lamang na inagaw ko iyon sakanya na labis niya naman pinag tataka. “Ako na ho, rito. Saan ko ba ito ilalagay?” Matabang ko na lamang na pag kakasabi na bahagya naman napa kurap ang matanda na hindi inaasahan ang pag sulpot ko. “Doon na lamang sa isang tabi, Dakila.” Tinuro naman ng matanda kong saan ko ilalagay ang kanyang inigib at tumango na lamang ako. Walang pasabi na lamang na binuhay ko na ang dalawang balde puno ng tubig ng kanyang inigib na walang kahirap-hirap at nag lakad na ako, patungo lamang sa lugar na tinuro nito. Mag kabila ko naman na hawak ang balde at hindi alintana sa akin ang bigat no’n, na naramdam ko naman ang pag sunod sa akin ni Tiyo Basyo sa likuran ko para masiguro lamang na mailalagay ko iyon ng maayos. Nilagay ko na sa isang tabi ang balde sa patag na lupa at humarap na lamang ako matanda. “Maraming salamat, Dakila.” Pasasalamat na lamang nito na wala man lang halong emosyon ang gumuhit sa aking mukha. “Maraming salamat talaga Hijo, na kahit hindi naman kasali ito sa trabaho mo ang personal na pag tulong sa akin ng mga gawain ko dito sa bahay pero tumutulong ka pa rin.” “Gusto ko lang ho kayong tulungan, at tyaka wala naman akong masyadong ginagaww.” Ngumiti na lamang sakanya ng kay tamis si Tiyo Basyo at ang kanyang mata’y tumagos na lamang tumitig sa likuran ko, na kahit hindi ko siya tanungin nahuhulaan ko rin naman kong ano ang tinitignan niya. “Napaka husay, natapos mo kaagad ang pinapagawa ko sa’yong trabaho. Tinapos mo na rin pala ang mga naka imbak na mga kahoy na dapat bukas mo na sisimulan.” Puri na lamang nito na tinapik pa ang balikat ko. “Wala rin naman ho akong ginagawa kaya’t tinapos ko na lahat.” Lumiwanag na lamang ang mukha ng matanda sa sinabi ko. “Napaka sipag mo talaga Dakila, at ako’y natutuwa na ikaw ang kinuha kong taga tulong rito sa akin.. Hinay-hinay lang sa pag tra-trabaho Dakila, at baka mapagod ka nang husto..” pag titigil muna nito. “Patapos kana rin pala sa pag sisibak mo, at pag katapos mo riyan. Iimbak mo na lang doon sa imbakan ang mga nasibak mong mga kahoy at ako na lang ang mag papatuloy niyan mamaya para naman maka-uwi kana.” Tugon na lamang nito at napa tango na lang ako. “Sige ho.” “Maiwan na muna kita, papasok muna ako sa balay namin para tulungan ko ang asawa ko sa pag hahanda ng hapunan namin. Ikaw na bahala rito, Dakila.” Hinawakan at bahagyang pinisil na lamang ng matanda ang balikat ko sabay ngiti ng kay tamis bago nag lakad papasok sa kanyang balay. Sinundan ko na lamang si Tiyo Basyo ng tingin hanggang tuluyan siyang mawala paningin ko. Lumapit muli ako sa naudlot kong pag sisibak ng kahoy para matapos na kaagad iyon. Nang matapos ko ng masibak ang mga kahoy, pasado alas kwarto na pasado ng hapon. Hindi na rin masyado mainit ang sinag ng araw dahil lamang bumababa na ang araw. Hindi pa roon natapos ang trabaho ko na matapos sibakin, binuhat ko na ang mabibigat at medyo may kalalakihan na mga kahoy at nilalagay ko na rin iyon sa imbakan para hindi mabasa ng ulan kong sakali. Yumuko na ako at pinag patong-patong ko na ang mga sinibak kong mga kahoy na medyo may kabigatan rin. Bultuhan ko na rin iyon binubuhat para sa ganun matapos rin ako kaagad. Tahimik lamang akong nag bubuhat ng mga kahoy at nilalagay iyon sa imbakan. Bumalik muli akong nag lakad na lamang sa patag na lupain para kunin ang huling mga nasibak kong mga kahoy, para mailagay na roon. Tinalungtong ko na isa-isa ang mga sinibak kong mga kahoy para sa ganun hindi iyon malaglag, na bago pa man ako matapos sa ginagawa ko na kaagad naman akong natigilan na may halang na sinipa na lamang ang mga sinibak kong kahoy kaya’t tumilapon na lang iyon kung saan. Natigilan ako saglit at tumigil naman sa parteng gilid ko ang apat na pares lamang ng paa. Tumalim na lamang ang tingin ko na pasimpleng tinignan ang tumilapon na mga kahoy sa patag na lupa. “Ops, hindi ko sinasadya!” Hambog na medyo tumatawa pang boses na para bang nanadya pa ang bagong dating.. Uyam ko na lamang na pinagalaw ang aking panga at iniwan muna saglit ang pinupulot kong mga kahoy. Unti-unti akong tumayo at maangas na lamang na hinarap kong sino iyon at nakita ko na lamang si Makisig na naka tayo sa gilid ko at may bahid ng galit ang kanyang mukha. Hindi na maipinta ang mukha ni Makisig, na para bang nanadya ito at ang paraan ng titig sa akin may halong galit na lamang. Malamig ang mga mata kong humarap sakanya at pinadaanan na lamang ng tingin ang lalaki na kasama nito sa likuran. Ts. Ano bang problema ng tarantadong ito? Sinilid ni Makisig ang isa niyang kamay sa bulsa at bahagyang pinagalaw na lamang ang ulo nitong, kina lapit pa ang sarili niya sa akin. “Totoo nga ang kumakalat na balita, na dito ka nga nag tra-trabaho kay Tiyo Basyo, ayos ah.” Hambog na lamang na salaysay ni Makisig na pangisi-ngisi pa ito. Iniling ko na lamang ang aking ulo at wala naman akong mapapala pa kong papatulan ko lamang ang katarantaduhan niya. Hindi ko na lamang pinansin pa si Makisig, at akmang iiwasan na pupulutin na sana ang mga sinibak kong kahoy sa lupa, na ako’y matigilan muli na padabog niya na lamang sinipa ang mga kahoy sa lupa kaya’t lumayo pa ito sa akin na maririnig mo na lamang ang malakas at nakaka hindik lamang na tunog nito. Tumalim na ang aking mata sa aking mata at hindi ko rin gusto ang kanyang ginagawa. “Ano ang problema mo?” Matabang ko na lamang na tinig at hinarap ito. “Problema?” Pagak na uyam na wika ni Makisig na mabahiran ng galit ang mga mata nito. “Ikaw ang problema ko, Dakila. Hindi ko maintindihan na dayuhan ka lamang sa lugar namin pero napaka papel mo na kaagad! Hindi ko alam kong ano ang ginawa mo kay Ligaya para ika’y piliin niya na wala nanan espisyal sa’yo!” Nilapit pa ni Makisig ang sarili niya sa akin na nanatili naman ako sa aking pwesto, kalmado at nakikipag sukatan rin ng matalim na titig sakanya. Taas-noo na lamang si Makisig at nag palitan na sila ng masamang titig sa panig nilang dalawa na namumuo na ang tensyon at kakaibang atmosphere. “Hindi kita gusto Dakila, dahil nakikita ko nag kukubli sa loob mo ang masama mong pag katao. Naamo’y ko na iyon na hindi ka nararapat dito sa lugar namin!” Uyam at asik na lamang nito. “Tumigil kana riyan, Makisig.” Saway naman ng kasamahan na naka tayo lamang sa likuran nito. Tumagos na lamang ang paraan ng titig ko sa kasama nito’y na biglang namutla sa takot sa simpleng matalim at pag babantang pag titig ko lamang sakanya. Ts, napaka hina naman! “Huwag mo akong pigilan, riyan Juanito!” Asik na lamang ni Makisig sa kaibigan kaya’t hindi na ito naka sagot pa. Nanlilisik na ang mata ni Makisig na bumaling na lamang ng tingin sa akin, na wala akong naramdaman na takot at sindak lamang. “Tandaan mo ito Dakila, hindi ako makakapayag na bumagsak sa’yo si Ligaya dahil akin lang siya! Mag hintay ka lang at babawiin ko siya sa’yo,” asik na banta na lamang nito na imbis magalit siya sa sinabi nito, sumilay na lamang ang pilyong ngisi sa aking labi. Domoble na lamang ang galit sa mata ni Makisig na tila ba’y hindi niya nagustuhan ang pag ngisi ko lamang. “Natatawa ka, huh? Sa tingin mo nakaka tawa ba ito, huh?!” Sigaw na lamang nito, na walang pag aalinlangan na kwenilyuhan ako. Hinigpitan pa ni Makisig ang pag kakahawak sa suot kong damit at hinatak palapit sakanya kaya’t nag dikit ang katawan namin. “Bakit may sinabi ba ako?” Matabang ko naman na sagot na lalo pa itong mangalaiti sa galit. Tangina. Pikon naman pala ang isang to eh. “Aba’y tarantado ka talaga! Baka gusto mong upakan kita!” Ambang pananakot na lamang nito humigpit pa ang pag kakahawak sa damit ko na tumitig lamang ako sakanya ng malamlam at walang halong emosyon. “Baka hindi mo kilala ang binabangga mo Dakila, ako ang hari sa lugar na ito at walang sino man ang may mang babastos na lamang sa akin. At hinding-hindi ang isang kagaya mo lamang!” “Sige, gawin mo.” Kumunot na lamang si Makisig. “Ano? Ulitin mo ang sinabi mo!” “Ang sabi ko, gawin mo!” Malamig ko na lamang na tinig na mag tagp ang tingin naming dalawa. “Sige, agawin mo sa akin si Ligaya pero itong tatandaan mo, Makisig dapat naka handa na ang kabaong mo pag katapos!” Lalo lamang sumilay ang ngisi sa labi ko na umakyat na lamang ang galit nito sa ulo. “Aba’y tarantado ka talaga!” Sigaw na lamang nito na ambang tinaas ni Makisig ang kanyang kamao, na itatama sa akin, na mabilis naman na kumilos ang kamay kong bago pa iyon tumama nasalo ko na lamang ang kamao nito. Nanlaki ang mata ni Makisig na tila ba’y hindi siya nakapaniwala na mahaharangan ko ang kanyang pag atake. Namutla na lamang ang mukha ni Makisig na unti-unting sumilay na lamang ang mala-demonyong ngisi sa labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD