Chapter 11

2032 Words
Chapter 11 DAKILA'S POV "Bitawan mo ako sabi e——-" luhaang sigaw na lamang ni Ligaya na patuloy itong hinahatak ng hambog na lalaki. Sino nga ang lalaking ito? Makisig? Ts, napaka pangit naman ng pangalan iyan! "Bitawan mo siya." Matabang ko na lamang na salita, na kusa naman na natigilan ang lalaki sa pwersahan na pag hatak kay Ligaya. Tinukod ko ang tungkod na kahoy na hawak ko sa kanang kamay at umayos ng tindig na hinarap ito. Naging slow-motion na lamang na humarap sakanya ang hambog na lalaki, domoble ang galit sa mata nitong napipikon kong paano ako tignan na wala man lang akong naramdaman na sindak sa presinsiya nito. "Tangina, huwag kang makialam dito, kong ayaw mong lumpuhin pa kita lalo." Banta na lamang nito, na imbis na masindak ngumisi na lamang ako dito, na nang-iinis na kina-igting ng panga naman sa galit na hindi nagustuhan ang kanyang nakita. "Paano kong ayaw ko?" Sagot ko naman pabalik na, bumitaw na lamang sa pag kakahawak sa pulsuhan ni Ligaya at nanuya na humarap sa akin. "Aba, tarantado ka talaga." Pikon na pikon na asik na lamang ni Makisig na ambang susugod sana sa gawi ko. "M-Makisig, huwag." Mahina at may pangingiusap na tinig ni Ligaya na hinawakan lamang ito para pigilan. Maluha-luha ang mata ni Ligaya na pero sarado na ang isipan nitong pakinggan ang dalaga. Huwag mo siyang pigilan. Hayaan mo siyang lumapit sa akin. "Parang, awa mo na, huwag mo siyang sasakta——" hindi na pinatapos pa ng lalaki ang sasabihin nito na padabog na lamang na inalis ni Makisig, ang kamay ni Ligaya na naka hawak sakanya at sabay tinulak na kulang na lang tumalsik ito sa lakas nang impact. "Tangina talaga, huwag kang makialam dito Ligaya." Malakas na sigaw ni Makisig dito, na tahimik niyang pinag aaralan ang katauhan nito na nabalutan ng maitim na aura ang pag katao nito. "Tuturuan ko lang leksyon ang tarantadong lalaking itong pakialamero!" Bumaling ng tingin sakanya si Makisig, nanliliyab na ang mata kong paano siya titigan na handa itong makiiag p*****n kapag kanya'y nanaisin. Wala man lamang siyang naramdaman na pangamba at matinding takot sa presinsiya lamang nitong handang makipag basag-ulo bagkus ganun na ganun pa rin ang emosyon ang kanyang pinapakita dito, na kay lamig lamang at malamlam na walang pakialam sa presinsiya nito. Uyam na pinagalaw ni Makisig ang kanyang leeg, na nag pipigil lamang ng galit at emosyon. Wala itong pinalampas na pag kakataon, na mabibigat ang yabag ng paa na pumunta sa direkston ko at handa na itong sumugod sa akin "Makisig, huwag." Malakas na sigaw na lamang ni Ligaya, na naka tayo lamang sa isang tabi. "Mamatay kana!" Malakas na sigaw na lamang ni Makisig, na patakbong sumugod sakanya. Naroon ang determinasyon na patumbahin na lamang ako. Hindi na ako gumalaw sa aking kina-tatayuan at hinintay na lamang ang kanyang pag lapit. Parang kisap-mata na lamang ang maliksing pag kilos ni Makisig, na pinosisyon ang kamao nito na itatana sa akin na bago pa iyon tumama sa akin. Naging alerto at talas na lamang ang aking pakiramdam ng kanyang pag atake na kaagad naman naka-iwas ang katawan ko sa malakas nitong suntok. Tinukod ni Makisig ang kanyang kaliwang paa sa lupa, para kumuha ng lakas at magandang pag kakataon na umatake muli. Naka handa na pala ang kaliwa niyang kamao na itatama muli sa akin, na bago pa iyon tumama, kaagad ko naman iyon nahawakan. Tiim-baga at maririnig mo na lamang ang malalim na pag hiningga ni Makisig, naroon ang kagustuhan na kitilin ang aking buhay. Ngumisi na lamang ako ng mala-demonyo sakanya at ngayo'y ang kanyang mga mata'y nabahiran ng uyam at matinding galit. "Tangina mo." Puno ng diin na asik ni Makisig, na lalo pang lumiyab ang mga mata nito. Tiim-baga at pinipilit niyang hatakin ang kanyang kamao na hawak-hawak ko pa rin, pilit na binabawi. Subalit hindi naman mahigpit ang pag kakahawak ko sa kanyang kamay na may kong anong enerhiya na lamang na hindi niya iyon mabawi-bawi. Nakaka-dalawang beses na sa pag hatak na lamang si Makisig, lalo pa ito napikon na hindi mahatak-hatak ang kanyang kamao kahit gamitan niya man ito ng lakas at pwersa niya. Sarap na sarap na lamang akong pinapanuod siyang nangangalaiti na sa galit at napapa-mura na lamang. "Putangina mo talaga, gusto mo atang pag lamayan, huh? Pwes ibibigay ko iyan sa'y——-ughhh!" Bago pa matapos ang sasabihin nito, na walang pag aalinlangan na lamang na pinilipit ko na lang ang kamay, na hawak ko pa rin. Maririnig mo na lang ang matinis niyang ungol, na hindi na maipinta ang mukha ni Makisig. Bumagsak na lamang ang kaliwang balikat nito sa pag pilipit ko sa kanyang kamao, sa kirot na nanunuot sa kanyang kalamnan. "May sinasabi ka?" Matabang ko na lanang na wika, na medyo diniinan pa ang pag kakapilipit sa kanyang kamao, na maririnig mo na lamang ang matinis nitong pag mura na lamang. "Hayop ka talaga! Tarantado ka!" Matapang na asik na lamang ni Makisig, na kahit ito'y hirap na hirap lamang lumalabas pa rin ang pagiging matapang nito. Nakita niya sa gilid ng kanyang mga mata ang mabilis na pag atake muli ni Makisig, na itatama ang kanang kamao sakanya kaya't gamit ang hawak niyang sungkod na kahoy mabilis niyang hinampas iyon, na kina-pilipit na lamang nito sa sakit. "Ahh." Ungol na lamang nito, na hindi naging handa si Makisig sa susunod niyang gagawin na inambang niyang hinampas ang tungkod na hawak sa tuhod nito na bahagya itong hindi naka tayo ng maayos. Huling atake niya, na malakas niyang sinikmurahan ito, gamit pa rin ang tungkod na hawak kaya't kusa itong napa-atras ng paa sa lakas nang impact at kusa na siyang napa-bitaw dito. "Ahh." Unggol nito sa sakit at pikit-mata na lamang si Makisig na ngayo'y naka hawak sa sikmura at dinarama ang malakas kong pag tama ng sungkod na kahoy doon. Naging mabibigat ang pag hingga ni Makisig, na kina-ayos niya naman ng tindig na para bang walang nangyari. "Iyan pala ang gusto mo huh? Pwes, pag bibigyan kita!" Asik nitong muli na mabilis naman na sumugod sa gawi niya si Makisig. Sumugod ito sakanya at inambang pag atake na kaagad naman siyang naka-iwas. Pang dalawang atake, ganun pa rin na parang may sariling isipan ang kanyang katawan na iniiwasan lamang ang bawat atake nitong suntok sakanya. Naroon ang determinasyon at galit sa mata ni Makisig na ngayo'y hindi na maipinta nito sa inis ang mukha na hindi ito nakaka-tama ng suntok. Pinag lalaruan niya na lamang ito sa kanyang palad, na pangisi-ngisi pa siyang nakikitang pikon na pikon na. Pang tatlong atake na lamang ni Makisig, naiwasan niya muli ang suntok nito na kaagad na lamang lumihis sakanya, na kaagad niyang mahawakan ang braso nito kaya't nanlaki na lang ang mata ni Makisig na hindi makapaniwala. Nag danak ang pawis sa noo't-leeg nito at at gamit na lamang ang sungkod na hawak niya, pinatid niya si Makisig sa paa kaya't kusa na lamang nawalan ng balanse ang katawan nito. Kasunod na lamang ang malakas na pag bagsak nitong napa-dapa sa mga naka-imbak na mga pang gatong na mga kahoy sa isang tabi, at maririnig mo na lang ang nakaka-gimbal na tunog no'n. "Ahh." Daing muli ni Makisig sa sakit na wala nang lakas pa na bumangon pa. Umayos na lamang siya ng pag kakatayo at binalingan niya sa huling pag kakataon ngayon si Makisig na hirap na hirap ng bumangon. Uyam na lamang na pinagalaw ang panga na makita nito sa kaliwa't-kanan ang pag dagsa ng mga taong nakiki-usyoso sa pangyayari. Naroon ang pag didilim ng mustra ng mukha ni Makisig, naroon ang pag titimpi at gusto niya pang gumanti subalit marami ng matang naka-masid sakanila. Namuo na ang pag bulong-bulongan at pag dami ng mga taong dumarating, sa gawi nila. Hindi na maka galaw at maka-kilos sa kina-tatayuan si Dakila lalo't kakaiba ang paraan na titig sakanya ng mga taong nandon. Kusa na lamang napa titig siya sa kanyang kamay na ngayo'y nanginginig na iyon. Hindi makapaniwala at kahit na rin siya nag tataka sa kanyang ginawa na kong paano niya natutunan na umiwas na lamang sa pag atake nito na lalo't wala naman siyang alam sa pakikipag laban. Hindi niya alam kong bakit parang may sariling isipan ang kanyang katawan na basta-basta na lamang kumikilos na kahit siya mismo, hindi makapaniwala. Namutla ang labi ni Dakila at ang kanyang mga mata'y naging malilikot na rin na hanggang ngayon, gulong-gulo pa rin siya. Nanuyuan ng laway sa lalamunan si Dakila na hindi pa rin inaalis ang kanyang mata sa kanyang kamay. "Dakila," Ang pag tawag sakanya ni Ligaya ang mag patigil sa malalim na pag iisip ni Dakila. Kina-lingon niya ang dalaga na ngayo'y naka tayo sa gilid niya, bakas ang pag aalala at gulat kong ano man ang mga nasaksihan nito kanina. Sandali, Anong nangyari? Ginawa ko ba talaga iyon? Napabagsak ko na lang ba si Makisig ng ganun-ganun lang? Bakit? Papaano ko nagawa iyon? Kusa na lamang napa-lunok si Dakila ng laway at ang kanyang mga mata'y nabahiran ng mga katanungan. MAKISIG'S POV Tiim-baga na lamang na pinagalaw ni Makisig ang kanyang panga na sinusundan na lamang ng tingin si Ligaya at ang lalaking mag lakad paalis. Mabibigat na ang pag hingga ni Makisig at kahit na rin siya napunan ng matinding galit at bigat ang kanyang dibdib na hindi niya matanggap na napa-bagsak na lang siya nang ganun-ganun na lamang ng baldadong lalaking iyon! Uyam na lamang na pinagalaw ni Makisig ang kanyang panga tanda ng panunuya at matinding pag kapikon sa mga nangyari kanina. Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya napahiya nang ganito! Sa tanang buhay niya, ngayon lamang na may nag lakas ng loob na bumangga sakanya. Ako si Makisig at walang sino man ang mag lalapastangan sa akin ng ganito! At hindi sa taong kagaya niya! "Makisig." Pawisang wika ni Julio na makita siyang naka-upo sa lupa at sa likuran niya ang mga naka imbak na mga kahoy na ipang gagatong. Balisa at tarantang lumapit sakanya si Julio na walang pag aalinlangan lamang na hinawakan siya sa braso para alalayan maka- tayo. "Ayos ka lang ba Ginoo? Nasaktan ka b——-" hindi niya na pinatapos pa ito nang sasabihin na tinabig niya na lang ang kamay nito palayo sakanya. "Tangina, huwag mo akong hahawakan." Inis na asik niya na lamang na sumampa na lamang si Julio sa isang tabi, at walang lakas ng loob na umanggal dahil lamang takot ito sa akin. Ang isang kagaya niyang mahinang nilalang, walang kakayahan na umanggal sa isang Makisig! Uyam na lamang na tumayo si Makisig sa pag kakaupo sa lupa at pinagalaw ang kanyang leeg na maririnig mo na lang ang nakaka-kilabot na pag tunog no'n na hindi pa rin mapawi ang nakaka-takot niyang mga mata. Binalingan niya ng tingin ang mga natira pang mga taong naki-usyuso na lamang sa pangyayari kanina kaya’t hindi rin ito naka-ligtas sakanya. “Bakit? Anong tingin-tingi niyo diyan?” Sindak niya na lamang dito na kaagad na takot na takot naman na umiwas ng tingin ang ilan sa kanyang mga ka-Nayon na takot na salubongin ang mata niyang umaapoy na sa galit. Isa-isa na silang nag sialisin na takot at wala nang kibo. Inis na lamang na sinapo ni Makisig ang kanyang buhok para pigilan lamang ang panunuya na kanyang nararamdaman na sinusundan na lamang ng tingin ang dinaanan ni Ligaya kanina at ang kasama nito. Naramdaman ni Makisig ang pag lapit na lamang ni Julio sa kanyang likuran at ang kanyang mga mata’y wala ng bahid ng anumang emosyon. “Sabihin mo nga sa akin Julio, sino ang lalaking kasama ni Ligaya kanina?” Nakaka takot na boses niya na lamang. “Dakila.” Tugon naman ni Julio. “Narinig kong usap-usapan kanina na Dakila raw ang pangalan ng kasama ni Ligaya kanina.” “Dakila pala ang pangalan niya.” Panunuya na wika ni Makisig at hindi niya na namalayan na naka-kuyom na ang kamao niya sa galit. Humanda ka, Dakila! Hindi pa ito ang huling araw na pag tutuos nating dalawa! Bilang na ang mga araw mo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD