Chapter 12

3040 Words
Chapter 12 LIGAYA'S POV Bago pa sumapit ang alas ng umaga, gising na talaga sila. Si Tiya Belinda naman una nitong pinupuntahan sa kanyang pag gising ang mga pananim nito sa aming munting bakuran, dinidiligan niya ang mga iyon at inaayos. Ang kapatid ko naman na si Lira, naka toka naman ito sa pag aayos ng aming hinigaan sa aming munting maliit na sala kong saan mag kakatabi silang tatlo matulog doon at pag katapos, pumupunta naman ito sa labas para mag walis ng mga tuyong dahon na mga nalaglag. Abala naman ako sa pag luluto ng aming munting almusal. Simpleng agahan lamang ang aking ginawa at napa-ngiti na lamang ako ng maamo'y ang masarap na aroma ng prinitong itlog at ibang aking mga niluto na nag nunuot sa aking ilong. Nilagay ko na iyon sa munting plato at tumalikod na ako para ilagay iyon sa aming munting lamesa, na hindi ko inaasahan na may bulto na pala ng tao na kanina pa sa likuran ko. "Jusko," wika ko na lamang na naroon ang malakas na kalabog ng aking puso, na napa hawak na lamang sa aking dibdib sa pag kagulat na hindi ko inaasahan na maka-salubong ko siya.. "D-Dakila," tawag ko na lamang na makilanlan ito, na mapa titig na lamang ako sa kanyang mukha na wala man lang itong kareaksyon. Sandali, kanina pa siya dito? Bakit hindi ko man lang napansin at narinig ang pag dating niya? Nanuyuan ako ng laway sa aking lalamunan at pilit na pinapakalma ang aking sarili. Aaminin ko naman na nagulat ako sa bigla niyang pag sulpot dahil hindi ko naman inaasahan na magigising siya ng ganito kaaga. "G-Gising kana pala," alangan ko na lamang na wika na tahimik lamang inoobserbahan ito na mukhang kakagising niya pa lamang. Kahit simpleng kasuotan lamang ang ipasuot kay Dakila, hindi mo naman talaga maitatanggi na bagay na bagay iyon sakanya at sabayan pa ng malakas na dating na medyo magulo pa ang buhok nito. Ang maanggas na dating at hindi palakibo ang mag dagdag katikasan pa rin sakanya. Malamlam lamang akong tinignan ni Dakila at aaminin kong hindi ako komportable sa paraan na pag titig niya sa akin, na puno iyon ng lagkit at parang may gustong ipahiwatig. "Nagugutom kana ba? Ipag paumanhin mo at hindi pa ako tapos dahil nag sasaing pa lang ako ng kanin." Salita ko na lamang para putulin na lamang ang mainit na tensyon na namumuo sa pagitan namin. "Sandali at ipag titimpla muna kita ng kape habang nag hihintay na maluto ang sinaing ko, dito ka lang mun-----"akmang mag lalakad na sana ako para ipag gawa siya ng kape na kaagad naman akong natigilan na may mainit na kamay ang pumigil sa akin kaya't ako naman napa-hinto. Hindi ko maipaliwanag ang simpleng pag hawak niya lamang sa akin na mag bigay init at sensasyon sa katawan ko, na kina-angat ko naman ng tingin para tignan si Dakila subalit ganun pa rin na emosyon ang pinapakita sa akin. "Bakit, Dakila?" mahina ko na lamang na tanong at nag hihinggi ng kasagutan sakanya. Malamlam lamang ang kanyang mga mata at wala pa ring kibo, unti-unti niyang nilapit ang sarili niya sa akin at pinapanuod ang susunod niyang gagawin. Bahagyang hinawi na lamang ni Dakila ang konting hibla ng aking buhok gamit ang kanyang kamay at inipit niya iyon sa likod ng aking taenga, kaagad naman nanigas ang buong katawan ko na hindi maka-kilos sa simple nitong ginagawa. Napa-titig lamang ako sa malamig at mysteryoso niyang mga mata na para bang pinapasunod niya ako sa paraan na gusto niya. Nanatili akong naka-titig sa kanyang mukha na sunod na lamang gumalaw ang kamay ni Dakila na humamplos na lamang iyon sa aking pisngi, na lumakas ang kalabog ng aking dibdib na ngayo'y dikit na dikit na ang katawan namin. Bakit biglang uminit? Bakit ganito na lang kalakas ang t***k ng aking puso? Normal ba ito? Ilang segundo siyang naka titig sa kaliwa kong pisngi, hinahaplos na iyon ang parte na iyon kong saan dumapo na lang ang malakas na sampal sa akin ni Makisig kahapon na naroon pa rin ang konting pamumula at kirot na lamang na dala na malakas na pag kakasampal nito. Nag laro lamang ang ibang emosyon sa kanyang mga mata na ilang segundo na ganun na posisyon ang katawan namin na mag kadikit pa rin. Lumunok na lamang ako ng laway at pilit na pinapakalma ang nararamdaman kong hindi ko mabasa kong ano nga ba ang tumatakbo sa isipan niya ngayon at ito lang ang nakita ko sa kanyang mga mata. Ang bahid ng pag aalala na hindi niya inaalis ang mata sa pisngi ko. "B-Bakit Dakil-----" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na kaagad naman siya lumihis ng tingin na tila ba'y napapaso. Sa isang iglap ang mata nito'y may bahid ng pag aalala kaagad din naman napalitan iyon ng lamig. Lamig na madalas niyang pinapakita sa amin. "Wala." Matabang na wika na lamang nitong lumayo at bumitaw na lamang sa akin si Dakila. At bago pa ako makapag tanong pa sakanya, tumalikod na siya sa akin. Walang-lingon na nag patuloy lamang sa pag lalakad na kina-sunod ko naman ng tingin sakanya hanggang kusa itong mawala sa paningin ko. Naiwan naman akong tulala at hindi maka kilos sa kinatatayuan ko at naguguluhan sa nangyari. Sandali, anong nangyari doon? Wala sa sariling napa hawak na lamang ako sa aking pisngi, na hinawakan kanina ni Dakila na kahit naka-alis na siya'y tila ba'y nararamdaman ko p rin ang mainit niyang kamay na naka hawak doon. STILL LIGAYA'S POV Tahimik at napaka-lalim lamang ang aking iniisip. Sa isang kamay ko naman dala ang katamtaman lamang na basket na madalas kong dinadala sa tuwing umaalis ako at sumagi na naman sa isipan ko ang pangyayari kanina. Pang yayari kong saan mag kadikit ang katawan naming dalawa ni Dakila kaninang umaga. Naalala ko ang kanyang mata'y na puno ng lamig at isa lamang ang nakita ko sa matang iyon ang bakas ng pag aalala. Imposible. Si Dakila, mag aalala sa akin? Napaka-labo naman ata iyon. Winaglit ko na lamang sa aking isipan ang ibang paraan na titig nito sa akin kanina at kahit na rin ang guwapong itsura nito. Umayos ka nga Ligaya. Bakit mo ba siya iniisip? Saway ko na lamang sa aking isipan. "Pinag uusapan sa Nayon natin ang ginawang eskandalo ni Makisig kahapon sainyo. Okay ka lang ba Ligaya, hindi ka ba niya sinaktan?" May pag alalang tanong na lamang ng kaibigan kong si Liwayway kaya't naputol na lamang ang malalim kong iniisip. Nilingon ko na lamang siya sa tabi kong nabahiran ng pag aalala ang kanyang mukha. Kasalukuyan kaming mag kasama ni Liwayway, na maka salubong ko ito sa bayan kanina at heto't pauwi na sila pareho sa kanilang balay. "Oo, okay lang naman ako Liwayway, huwag kang mag-alala." Naka-hingga naman ng maluwag ito sa aking sinabi na para bang nabunutan naman ng tinik sa dibdib nito. "Hanggang ngayon pinag-uusapan pa rin ng mga ka-Nayon natin ang nangyari at nasaksihan nila kahapon kong paano pinag initan ng ulo ni Makisig si Dakila." Aniya nitong muli. "Napaka sama talaga ng ugali ng Makisig na iyon at kong umasta siya parang kong sino na pati si Dakila dinamay niya.. Nararapat lang sakanya na mapahiya at turuan ng leksyon ang lalaking iyon dahil napaka hambog." May bahid ng galit sa tono ni Liwayway subalit hindi na ako kumibo pa. "Hayaan mo na lang Liwayway, balang araw makaka hanap rin siya ng katapat niya." "Basta, hindi ko talaga siya gusto. Noon pa talaga, hindi ko na gusto ang ugali ng Makisig na iyan. At kong ako talaga ang tatanungin, hindi ko ibibigay ang basbas na siya ang mapangasawa mo sa nalalapit na ka-pyestahan sa Nayon nati—— May problema ba Ligaya?" "Huh?" Nawika ko na lamang na ngayo'y naka titig na pala siya sa akin, na mapansin siguro nito ang pananahimik ko na lamang. "Wala naman, Liwayway." Nag pakawala na lamang ako ng malalim na buntong-hiningga ngunit kahit sabihin ko man na walang problema, subalit hindi ko mapigilan ang mabahala. "Nag aalala lang talaga ako at baka balikan ni Makisig si Dakila. Kilala mo naman iyon, hindi ba? Hindi siya titigil hangga't hindi siya nakaka-ganti lalo't napa-hiya siya nang husto sa mga tao kahapon." Iyan naman talaga ang pinanganngambahan ko sa lahat ang balikan at saktan na lang ni Makisig si Dakila. Kilala ko siya at kahit na rin ang ugali nito, na hindi titigil hangga't hindi siya nakaka ganti sa mga taong may atraso sakanya. Alam ko ang kakayahan at kayang gawin ni Makisig, na basagulero at mahilig mag hanap ng gulo. Nanangamba lang talaga ako nang husto na baka dumating ang araw na saktan at gawin pa siyang masama kay Dakila. Siguro pinalad lang talaga si Dakila kahapon kaya't siya nasaktan ni Makisig. Eh paano pa sa mga susunod? Eh paano kaya, kong mas marahas pa ang gawin niya kay Dakila? "Huwag kanang dapat ipangamba pa, Ligaya.. Panigurado hindi na babalikan ni Makisig, si Dakila lalo't mainit na siya sa mata ng mga tao dito sa lugar natin. At tyaka nag iiwas na iyon ngayo'n sa anumang gulo." Pag papalakas loob na lang sa akin ni Liwayway subalit, hindi pa rin maalis ang takot sa dibdib ko. "At kong sakali na malaman ko talaga na sinaktan ma ni Makisig, ipag paalam mo lang sa akin Ligaya at bubugbogin ko talaga siya." Pinakita ni Liwayway ang kanyang kamao na handa siyang saktan si Makisig. Ngumiti na lang ng kay tamis sa akin si Liwayway at Pinakita na lang ni Liwayway ang matamis na ngiti na para bang may magnet na kusa na lamang akong nahatak at napangiti na rin. Ang aming masayang tawanan at kwentuhan na dalawa habang nag lalakad, kaagad din naman naputol na makasalubong namin ang familiar na bulto na kaagad din namin kina-tigil ni Liwawayway sa pag lalakad. Sumukli na lang ako ng matamis na ngiti sa labi na makilala ito. "Magandang hapon po, Tiyo Kadyo." Magalang ko na lang na bati na makita ang matanda. Suot nito ang luma at madalas na kasuotan na palaging suot at sa kabilang kamay naman hawak karagumoy na gawa sa basket na parati nitong bitbit. "Magandang hapon po." Liwayway. "Magandang hapon rin sainyo, mga Binibini." Wika naman ng matanda. Nang mpag tanto na lang ni Liwayway, na ako ang sadya ng matanda kaya't bumaling siya ng tingin sa akin. "Siya at maiwan ko muna kayo, Ligaya. Mauna na ako Tiyo Kadyo." Ngumiti na lang ng kay tamis si Liwayway at nauna na itong mag lakad. Sinundan ko na lamang ng tingin si Liwayway, na nag lakad paalis, kina-baling ko naman kay Tiyo Kadyo na nasa harapan ko pa rin at pinakita ko na lamang ang matamis kong ngiti sakanya. Mag kasama na kami ni Tiyo Kadyo na tinatahak ang daan papunta sa aming balay, mga ilang segundo lamang na pinag babaybay namin at natanaw na namin ang aming munting kubo. "Ipag paumanhin mo Ligaya kong ngayon lang ako naka balik dito, marami kasi akong ginamot sa kabilang lugar." Wika na lamang ng matanda. "Ayos lang po Tiyo Kadyo at naiintindihan ko naman po." Tuluyan na kaming naka pasok sa munti naming tarangkahan na gawa sa kahoy at naka sunod naman ito sa akin. "Tuloy po kayo." Aya ko na lamang hanggang naka pasok na kami sa munting balay namin. Naabutan ko naman si Lira at si Dakila na kasalukuyan naroon sa munti naming maliit na sala. Naka-upo sila sa upuan na gawa sa kahoy at pinapakita na lamang ni Lira ang libro na madalas niyang binabasa, na may tinuturo na mga imahe doon. Kaagad din naman natigilan ang dalawa, na mapansin ang presinsiya namin ni Tiyo Kadyo na bagong dating kaya't sinara muna ni Lira ang hawak na libro. "Siya Kuya Dakila, mamaya ko na lang ituturo muli sa'yo ang mga natutunan ko kanina sa skwela.” Walang imik na lamang si Dakila sa isang tabi, na kina-tayo naman ng kapatid ko at nauna na itong mag lakad palabas ng aming balay. Hindi na lang maalis ang tingin ko ngayon kay Dakila na walang imik ito sa isang tabi. "Dakila." "Sino siya, Ligaya?" Matabang nitong wika na hindi inaalis ang mata kay Tiyo Kadyo na nasa tabi ko. "Ahh, kasama ko pala si Tiyo Kadyo, siya iyong gumamot sa'yo no’ng naaksidente ka.” Kilala ko na lamang sakanya na kina-singgit naman na kina-salita ng matanda. "Kumusta, Ginoo? Ano ang iyong nararamdaman ngayo——-" "Sandali, Kadyot?" Napa-awang na lamang ng labi si Dakila na nasabihin iyon. "Dakila." Saway ko naman sakanya, na kina-lingon ko maman sa tabi ko si Tiyo Kadyo halatang nagulat ito sa pag tawag na lamang sakanya ni Dakila. Paktay. Kinagat ko na lamang ang ibaba kong labi at may hiya sa aking dibdib na tinawag na lamang ni Dakila na Kadyot ito. Anak naman ng tupa oh. "Kadyot ang pangalan mo, ang bantot naman.” Pag uulit na lamang na wika ni Dakila at napa-labi na lamang. “Siguro sa ganiyan na edad mo, ang hilig mo pa sigurong kumadyo——-" bago pa natapos ni Dakila ang kanyang sasabihin na mabilis naman akong lumapit sakanya at tinakpan ang bibig para patahimikin. Sobrang pula na ang aking mag kabilang pisngi sa kahihiyan at parang gusto na lang talaga mag palamon sa kahihiyan sa mga sinabi nito. Ano bang problema niya? Kainis naman oh. "Ano ba, Dakila." Saway ko naman na mababang boses at pinanlakihan ng mata para patahimikin na lamang ito. "Itikom mo nga ang bibig mo at nakakahiya kay Tiyo Kady——-“ bago ko pa matapos ang sasabihin ko, na iritado naman na inalis ni Dakila ang kamay ko na naka takip sakanyang bibig, malamlam ang mata at halatang iritado kong paano ako tinignan. Wow ah? Siya pa ang iritado ngayon matapos no'ng mga sinabi niya? Jusko po. Wala na akong mukha na ihaharap sa matanda matapos niya itong pahiyain, na bumaling na lang ako ng tingin kay Tiyo Kadyo na walang imik pa rin. “Ipag paumanhin niyo po Tiyo Kadyo ang kanyang inasal, siguro po dala pa ito ng kanyang pag kaka-aaksidente kaya't kong ano-ano na lang ho ang pinag sasabi niya." Alangan na lang akong ngumiti sa matanda na binalingan ko na lang ng tingin si Dakila, na wala lamang sakanya ang mga sinabi nito sabay pikit na lamang ng mata ko ng mariin. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako naka ramdam ng matinding hiya nang ganito. Ano bang nangyayari sa'yo Dakila at nasabi mo iyon? Ano ba kasi ang iniisip mo? Kainis naman kasi eh. “Ayos lang naman iyon Binibining Ligaya, naiintindihan ko naman." Salaysay na lamang ng matanda. "Ngayon ko lang nalaman Ginoo, na palabiro ka pala.” Dinaraan na lamang ng matanda sa pangiti-ngiti matapos no’ng mga sinabi ni Dakila at kina-baling na lang nito ng tingin sa gawi ni Dakila na perinting naka-upo at walang imik pa rin. "Pasensiya na po talag Tiy——" "Maari mo muna kaming iwan, Ligaya at susuriin ko lang sa huling pag kakataon ang Ginoo." Aniya na lamang nitong alangan naman akong tumango. “Sige ho.” Bago ko sila iniwan sa tinignan ko na lamang si Dakila sa huling pag kakataon, at walang imik na lamang na hinakbang ko ang paa ko palabas ng aming balay. **** Kanina pa ako nag hihintay sa labas ng aming balay habang sinusuri naman ni Tiyo Kadyo ang kalagayan ni Dakila. Mahigit mag bente minutos na sila sa loob ng balay at hanggang ngayon hindi pa rin lumalabas ito. Tumingin na lamang ako sa kalangitan at medyo nag aagaw na ang dilim at liwanag sa kalangitan, sabayan pa ang pag masid ko sa pag galaw at pag sayaw ng mga puno sa bawat pag ihip ng hangin. Malaya ko na lamang pinapanuod ang aming maliit na bakuran, at mag-isa lamang akong naka-upo sa upuan na gawa sa kawayan. Hanggang ang aking malalim na pag iisip, biglang napukaw na lamang ng nakita kong palabas na nang balay namin si Tiyo Kadyo kaya’t sinalubong ko naman siya. “Kumusta ho, Tiyo?” “Maayos naman siya Ligaya kaya’t huwag kanang ipangamba pa. Wala naman akong nakitaan na impeksyon sa kanyang mga sugat at hihintayin na lang natin na gumaling ang mga iyon.” Aniya nito na kina-tango ko naman. “At isa rin ang napansin ko sakanya Binibining Ligaya, para bang wala siyang maalala.” Pag bubukas na lamang ng usapan ni Tiyo na mapa tingin ako sakanya. “Oo nga ho, Tiyo.” Pag sasang-ayon ko naman. Sa tingin niyo po kaya Tiyo Kadyo, babalik pa siya sa dati, na gagaling siya?” “Iyan ang hindi ko pa matukoy at masasagot Ligaya.” Aniya na lamang nito. “Wala akong sapat na kagamitan at kakayahan, para matukoy lamang ang tunay niyang kondisyon kong kaylan babalik ang kanyang ala-ala.. Mas makakabuti na mapa-tignan siya sa spesialista kong ano na nga ba talaga ang tunay niyang lagay at sa ganun masuri talaga siya nang husto..” “Bakit kaya ganun, Tiyo na wala siyang maalala?” “Siguro epekto na rin na malakas niyang pag kakabasagsak ng kanyang ulo kaya’t naapektuhan rin ang kanyang memorya na wala siyang matandaan.” Hindi na lang ako umimik at ngayon nag karoo ng kasagutan kong bakit, ganun na lang ang kalagayan ni Dakila. Hunawak na lamang ang matanda sa aking kaliwang balikat at ngumiti ito ng kay tamis sa akin, alam siguro nitong nababahala na ako. “Mas makakabuti siguro Ligaya na paalahahanin mo sa Ginoo ang mga bagay-bagay sa paligid niya at makaka-tulong iyon na mapa-bilis ang pag balik ng kanyang ala-ala.” aniya na lamang nito. “May iniwan akong bagong gamot na ipapainom sakanya at ipapahid sa kanyang pilay, para bumalik na ang kanyang lakas. Siya at, mauna na ako Binibini.” Paalam na lamang nitong kina-tango ko na lamang. “Sige po Tiyo Kadyo, maraming salamat po.” Sinundan ko na lamang ng tingin si Tiyo Kadyo na mag lakas paalis. Nang mawala na siya sa tingin ko, wala sa sarili na lamang akong napa tingin sa aming munting balay na nabahiran ng pag-aalala ang aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD