Chapter 3

2790 Words
Chapter 3 LIGAYA'S POV "Lira, Lira." Patuloy na tawag ni Ligaya sa kababatang kapatid para huminggi ng saklolo. Luhaan ang kanyang mata na naka-alalay pa rin sa katawan ng sugatan na lalaki na kanyang natagpuan. Mabibigat na ang kanyang pag hingga at hindi alam ang dapat gawin sa mga nangyari lalo't napaka hina na lamang ang pulso nito. Hindi alintana sakanya na madaplisan ng dugo ang kanyang katawan at suot na damit mula sa katawan nito, ang nasa isipan niya lang ang tulungan ang lalaki. Malilikot na ang aking mata at may takot sa aking dibdib na wala pa ang aking kapatid. Palinga-ling ako sa paligid na hinahanap siya ng aking mata para huminggi ng tulong sakanya pero walang Lira ang dumating. Asan kana ba, Lira? Doon lamang ako naka ramdam ng matinding takot sa tanang buhay ko na katahimikan lamang ang sumagot sa akin mula sa kakahuyan na tangi mo na lang maririnig ang huni ng mga ibon. "Lira, tulungan mo ako. Lira." Ang malakas ko na lamang na pag sigaw ang tangi mong maririnig sa kagubatan na iyon at umihip ng malakas na hangin na tinanggay ang aking buhok sa pag ihip. Ilang sandali lamang, narinig ko na ang yabag ng paa na pag dating na mag bigay pag asa sa puso ko. Base pa lang sa tunog ng pag yapak ng paa, na tumatapak ito sa lupa na mayron itong natatapakan na tuyong dahon na nahulog kaya't nakaka gawa ng kakaibang tunog. Kaagad ko naman hinanap kong saan nag mumula ang tunog na aking naririnig at nakita ko naman ang kapatid kong si Lira na bagong dating lamang, naka-tayo na hawak-hawak ang iilang mga pirasong mga tuyo't na mga kahoy na kanyang mga napulot. "Bakit po ba Ate? Maraming magagandang pwedeng ipang gatong, doon sa kabilang band—-" patuloy na salaysay na hindi na natapos ng kapatid ko ang anumang sasabihin niya, na kaagad siyang napa hinto at napako ang kanyang mata sa gawi kong naka-alalay sa duguang lalaki. Gulat na gulat si Lira na kahit na rin siya hindi inaasahan ang kanyang masaksihan, na naka tulala na lamang siya na medyo natakot. "Lira!" Pukaw ko na lamang na tawag na hindi na kumikilos ang kapatid kong naka-tulala na lamang. "H-Ho?" Wika niyang naging blangko ang isipan nito na namutla na ang labi ng kapatid ko na hindi inaalis ang mata sa duguang lalaki. "Tulungan mo ako, bilis. Idala natin siya sa kubo." Aniya ko pa na humigpit na lamang sa pag alalaay nito na hindi ito malaglag. Hindi pa rin kumilos ang kapatid ko sa kanyang kinatatayuan kaya't kinuha ko naman ang atensyon nito "Lira, bilisan mo. Halika na." "O-Oh sige Ate Ligaya." Taranta niyang binitawan ang mga nakuha niyang mga kahoy kanina at walang pag aalinlangan na mabilis na lumapit sa akin ang kapatid ko para tulungan lamang akong dalhin ang lalaki sa aming munting tahanan. Nag aagaw na ang dilim at liwanag sa kalangitan na manatanaw ko ang munting bahay-kubo namin. Mahigit isang oras namin binaybay ang daan pauwi na mabagal lamang ang aming pag lakad dahil madilim na rin ang paligid at wala nang katao-tao kana rin na makikita. Tanging huni ng ibon at ibang hayop na lang ang maririnig mong inggay sa kapaligiran, na mainggat at pawisan naming mag kapatid na inaakay ang duguang katawan ng lalaki, hanggang matagumpay kaming naka-pasok sa munting tarangkahan na gawa lamang sa kahoy. Nag patuloy kaming dalawa ni Lira sa pag lalakad, hindi na rin alintana sa amin ang bigat ng katawan nito at daplis ng pawis sa noo at leeg namin basta't ang importante maipasok at maidala namin ito sa bahay-kubo para magamot. Nang malapit na kaming matapat sa aming pintuan, umalis na muna si Lira sa pag kakaakay sa lalaki, para ito'y buksan para kami maka-pasok na sa loob. Inayos ko na lamang ang pag kakaakay sa lalaki para hindi ito mahulog at malaglag sa aking pag kakaalay, at sa huling pag kakataon sinilip ko ang kanyang mukha, na walang malay pa rin na halos maligo na ito sa sarili niyang dugo. Nang matagumpay na mabuksan ng kapatid ko ang pintuan, bumalik ito sa pag kakaalalay niya muli at sabay kaming dalawa pumasok sa maliit naming munting-bahay kubo, "Idala natin siya sa silid Lira," pag papasunod ko pa sa kapatid kong, nakuha naman ang ibig kong sabihin sakanya, na sakto naman na naka-salubong namin si Tiya Belinda. "Saan ba kayong nag susuot na dalawa, at kanina ko pa kayo hini-hintay," pag tatalak na lamang ni Tiya Belinda, na dinaanan lang namin ito. "Hindi ako maka-simula mag saing dahil wala pa ang mga pang gaton------" hindi na natapos sa pag tatalak na mamilog na lang ang mata ni Tiya na makita ang akay naming duguan na lalaki. Hindi na ako nag taka kung gano'n man ang kanyang expression sa kanyang nasaksihan na pinag patuloy lang namin ni Lira ang pag lalakad hanggang matagumpay namin itong maidala sa loob ng kwarto. Pinahiga namin siya sa aming papag na higaan na tanging sapin lamang karagumo'y. Habang inaayos namin ni Lira ang katawan ng lalaki na maging komportable ito sa pag kakahiga, ramdam ko kaagad ang presinsiya ni Tiya na pag sunod ng tingin at nanatili lamang ito sa pintuan sa labas ng kwarto, nag tatanaw at pinapanuod lamang ang aming ginagawa na wala pa rin itong imik. Hindi ko rin mabasa kung ano ba talaga ang nag lalaro sa isipan nito sa sandaling iyon, pero hindi ko na lang pinansin pa. "Kumuha ka muna ng maliit na palanggana at tubig Lira, sa kusina." utos ko na lamang. "Ako na muna ang bahala rito, sige na." "Sige Ate," patakbo naman na lumabas ang aking kapatid para kumuha, samantala naman iniwan ko muna ang lalaki. Nag simulang nilapitan ang mga karton sa isang tabi, para humahanap ng lumang bimpo o kaya naman na damit na pwedeng pang punas sa dugo sa katawan nito. Hanggang sa aking pag hahalungkat, kaagad din naman ako natigilan na may humawak na lamang sa aking pulsuhan kaya't natigilan ako sa aking ginagawa. Sumalubong kaagad sa akin ang takot na takot at nag aalalang si Tiya. "Sino ang lalaking iyan Ligaya? At bakit siya duguan at sugatan?" mabibigat ang hiningga nitong napa-titig na lang ako sa kanyang mga mata. "Hindi ko siya kilala, Tiya." Pag aamin ko pa. "Nakita ko siya sa pinag kukuhanan namin ng pang gatong ni Lira at bumagsak ang kanyang sasakyan mula sa bangin. Puno ng sugat at dugo ang kanyang katawan pero mahina na lang ang kanyang pulso, kaya't dinala ko siya dito para tulungan." "Nag iisip ka ba?" mahina na pag papagalit na lang nito sa akin. Kina-baling ni Tiya ang tingin sa naka-higang lalaki sa papag at domoble ang pag alala sa mata nito. "Pwede kang mapa hamak at maparatangan ng kaparusahan ni Datu Magwat sa pag labag mo sa isa sa kanyang mga patakaran.. Alam mo naman na mahigpit na pinag babawal niya na mag dala o mag papasok tayo ng ibang tao na hindi natin ka-nayon at lalong-lalo pa taga ibang lugar," anito na humigpit ang pag kakahawak niya sa pulsuhan ko, na hindi na lang ako umimik. Kaylan man, hindi naman nawaglit sa isipan ko ang mga patakaran ni Datu Magwat sa aming munting Nayon, dahil sa kanyang mga alituntunin na kanyang pinapatupad. Ilang taon ng tahimik at walang gulo ang lugar namin. Masasaya ang mga tao at walang problema dahil lamang sa magandang pamamalakad ni Datu Magwat ng halos ilang dekada na. Gumawa siya ng mga patakataran at ang mga patakaran na iyon ang nilalayo kami sa kapamahaman o anumang gulo na dala mula sa mga taga ibang lugar, na minsan nang nag dala ng gulo sa tahimik at payapa naming Nayon na maraming namatay na mga inosenteng tao. "Hindi natin kilala ang katauhan ng lalaking iyan Ligaya, dapat hinayaan mo na lang siya sa sasakyan at hindi kana lang nakialam. Baka ang lalaking iyan ang mag dala ng banta at kapamahakan sa Nayon natin," "Alam ko naman po ang pinapasok ko, Tiya." Wika ko na lamang na mabahiran ng luha ang matang tumitig sakanya. "Hindi lang maatim ng awa at konsensiya kong pabayaan na lang siya doon at mamatay." Emosyonal na salaysay ko, na unang makita ko pa lang ang lalaki, winaglit ko sa isipan ang mga alituntuntunin sa Nayon namin na kahit labag itong ginagawa ko. Alam kung mapaparusahan ako sa aking pag labag pero wala akong pakialam na doon. Alam ko kung gaano kasakit at kahirap na mawalan ng mahal sa buhay, no'ng mamatay ang mga magulang namin ni Lira. Tiyak kong may pamilya na nag aalala at nag hahanap sa lalaking ito na ayaw ko naman na maranasanan ng mga taong nag hihintay sakanya kung gaano kasakit ang pakiramdam na iyon. "Ligaya," mahinang wika ngunit may pag labag sa tinig ni Tiya Belinda. Binitawan ko ang kamay nitong naka hawak sa pulsuhan ko, at mariin na pinag siklop ang palad naming dalawa. Maluha-luha at may kakaibang kislap ang mata kong nag mamakaawa sakanya na paboran ang aking kahilingan. "Parang awa mo na Tiya, huwag na natin ito ipag paalam kay Datu Magwat at kahit na rin sa iba," pag kukumbinsi ko na humigpit ng konti ang pag kahawak ko sa kamay nito. "Sige na Tiya, tulungan natin siya. Hmm?" aniya kong nag katitigan na lamang kami ni Tiya sa mata at ang katahimikan niya ang mag bigay takot at pangamba sa aking dibdib. Tumingin muna si Tiya sa huling pag kakataon bago nag salita. ** Kanina pa hindi mapakali si Ligaya na nag hihintay mula sa labas ng kanilang maliit na bahay-kubo. Naka-upo lamang siya sa maliit na upuan na gawa sa kawayan, na sa kanyang pwesto natatanaw niya ang kagandahan ng gabi at kumikislap na mga bituin sa kalangitan. Napaka sarap at sariwa ng hangin na kanyang nalalanghap na kusa na lang tinatanggay ang kulay itim niyang buhok sa bawat pag ihip ng hangin. Naririnig na lang ni Ligaya ang huni ng kuliglig sa paligid at tunog ng palaka na mag pagaan pa lalo ng kanyang nararamdaman. Mahigit isang oras na si Ligaya na nag hihintay sa labas, kanina pa naka-tulog ang kababata niyang kapatid na si Lira sa kanilang maliit na sala dahil maaga ito kung dalawin ng antok. Ang tahimik na lamang na pag hihintay ni Ligaya, biglang napukaw na palabas na sa kanilang munting kubo si Tiyo Kadyo ang matandang pang-gagamot at mang hihilot sa kanilang Nayon. Dala nito ang bayong na parati nitong dinadala sa tuwing mag gagamot ito. May katandaan na rin ang matanda dahil nag lalaro ang kanyang edad sa sisenta anyos. Marami ng puting buhok na rin, katamtaman lamang ang pangangatawan at kayumanggi ang kanyang kutis. Naka suot lamang ito ng kupas na pantalon at ang pang itaas naman na kasuotan medyo may kalumaan na nga na longsleeve na itim. Malapit sakanila ang matanda at ilang layo lamang ang bahay-kubo nito sa aming bahay. Si Tiyo Kadyo ang magaling na manggagamot sa Nayon namin na marami na siyang napa-galing na iba't-ibang klase ng sakit gamit lamang ang mga herbal niyang mga gamot. "Kumusta Tiyo Kadyo ang kanyang kalagayan?" iyan kaagad ang salubong niyang tanong dito dahil gusto niyang alamin kong kumusta na ba ang kalagayan ng lalaki. Mahigit isang oras niyang ginamot sa silid ang lalaki, na inaalalayan naman ito ni Tiya sa loob kanina. Hinubad muna ni Tiyo Kadyo ang kanyang suot na salakot na sombrero bago ito sumagot sa tanong ko. "Sa ngayon mabuti na ang kalagayan niya, Ligaya at wala pa ring malay ang Ginoo. Nilinisan at ginamot ko na rin ang sugat sa kanyang katawan," pag bibitin na lang nito ng sasabihin. "Nakapag tamo lang siya ng mga sugat at galos. Mahigit siyam na tama ng bala ng baril ang nakuha ko sa iba't-ibang parte ng kanyang katawan, na matagumpay ko na rin natanggal." Nanlumo ako sa aking narinig na ganun karami pala ang nakuha niyang tama sa katawan. Bakit ganun naman kadami? May naka-away kaya siya? "May nakita akong konting bali sa kanyang kaliwang paa at sugat sa parteng ulo dala siguro nang malakas at sama ng kanyang pag kakabagsak." Marinig pa lang ang binalita niya sa akin, alam ko na kaagad sa sarili kong masama nga talaga ang lagay nito. Napa-gawi na lang ang tingin ni Tiyo Kadyo sa loob ng bahay namin, na kina-sunod ko din naman na alam kung nag aalala rin ito sa lagay ng lalaki. "Hanga talaga ako nang husto sa Ginoo na kahit marami siyang natamo ng tama ng bala sa katawan at sugat ng kanyang pag kaka-aksidente nalampasan niya ang binggit ng kamatayan. Na kung ibang tao, ang makakaranas ng kanyang sinapit ngayon, panigurado namatay na kagaad pero iba ang Ginoo, Binibining Ligaya dahil lumalaban talaga siya." "Sa tingin niyo po Tiyo, kaylan kaya siya magigising?" may pag-alala na sa aking tinig na tinanong iyon. "Hindi ko pa masasagot ang bagay na iyan Binibining Ligaya," anito na kina-bagsak naman ang balikat ko. "Ipag dasal na lang natin na maging maayos na ang kanyang kalagayan para malampasan niya ito. Sige na at mauuna na ako, babalik na lang ako bukas para obserbahan ang kanyang kalagayan. Nabilin ko na rin sa Tiya Belinda mo ang dapat niyong gawin at may iniwan na rin akong gamot at iba pang mga dahon na igagamot sa kanyang mga sugat," kina-tango ko naman sa pag-papaalala nito. Aalis na sana si Tiyo na kaagad ko naman kina-tawag ang kanyang pangalan muli. "Tiyo Kadyo," mahina ko na lamang na boses, panaka-nakang pinag lalaruan ang aking kamay na nag hahanap ng tyempo na masabi sakanya ang aking sadya. "May ipapa-kiusap sana h-ho ako sainyo, tungkol nga pal----" "Huwag kang mag alala Binibining Ligaya, makakaasa kang wala akong ibang pag sasabihan kahit na si Datu Magwat, at kahit na rin ang ibang ka-Nayon natin," pag tatapos nito ng aking sasabihin, na alam niya na siguro ang pinangangambahan ko nang husto. Ang salita niya ang mag paalis ng mabigat na bagay na naka pasan sa aking dibdib. "Nag kausap na kami kanina ng Tiya Belinda mo habang ginagamot ko ang Ginoo kanina at rerespituhin ko ang inyong pakiusap. Kung ano man ang mga nakita at nalaman ko ngayong gabi, makaka-asa kang hanggang dito na lang iyon at hindi na makaka-labas pa," ngumiti na lang ang matanda sa akin na mapanatag pa ang aking kalooban. "Maraming salamat ho talaga Tiyo Kadyo," maluha-luha ang aking mata at kinuha ko sa isang tabi ang katamtaman lamang na basket gawa sa abacca laman lamang ng aming mga naani. "Siya nga pala mayron pala kaming handog ni Tiya para sa'yo, na gulay at iba pang prutas mula sa aming tanim. Dalhin niyo na lang sa inyong pag-uwi para pasasalamat namin sa iyong tulong sa amin," malugod naman na tinanggap iyon ng matanda na kinuha sa kamay ko. "Maraming salamat Ligaya, siya at mauna na ako," paalam na lamang nitong kina-tanaw ko na lamang siyang nag lakad paalis. Nang mawala na sa tingin ko ang matanda, pumasok na ako sa maliit naming kubo at sinarhan na ang pintuan. Pumasok ako sa maliit na kwarto namin at sakto naman pag pasok ko, palabas na si Tiya Belinda bitbit lamang ang ibang mga gamit at tela na may mantya ng dugo ng lalaki na ginamit sa pag gagamot kanina. Ngumiti ako ng alangan kay Tiya na kina-sukli niya na rin sa akin. Naiwan na lamang ako mag-isa sa silid at sapat na ang liwanag na nang gagaling sa gasira na ilaw. Naka higa ang lalaki sa papag at nalisan at napalitan na rin ito ng kasuotan. Sa pang ibaba naman suot nito ang maong na shorts na kulay itim lamang na hanang tuhod ang haba na mga natira pa ata iyon na gamit ng yumaong asawa ni Tiya Belinda, samantala naman walang suot na saplot ang lalaki sa itaas kaya't tumambad sa akin ang kagandahan ng kanyang katawan na may perpekto itong bicep at nag aakit na abs. May mahabang benda sa kanyang parteng balikat pababa hanggang sa dibdib at paikot na iyon sa kanyang katawan. Puno ng sugat at tama ng bala ang kanyang katawan na kahit na ako mismo, hindi makapaniwala na ganito karami ang natamo nito. Hanggang sa ilang minuto kong pag obserba sakanya na naka tayo lamang malapit kung saan ito naka-higa. Napa dako naman ang tingin ko sa parteng mukha nito, hindi ko maitatanggi na may itsura nga ang lalaki. Matangos ang kanyang ilong, makapal na kilay at perpektong panga. Ang kanyang kutis maputi na kung una mo pa talaga siyang titignan, hindi ito taga-rito sa amin ngunit kahit tulog ito na walang malay hindi ko talaga maikakaila na malakas ang charisma at dating nito. Sino ka nga ba talaga? Anong nangyari sa'yo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD