Chapter 53

4722 Words
Chapter 53 LIGAYA'S POV Nagising na lang ako na tumama ang sinag ng araw sa aking mukha. Umingos na lang ako sa pag kakahiga at dahan-dahan kong minulat ang mata ko, na makita na napaka taas na ang sinag ng araw. Napaka-balikwas na lang ako sa pag kakahiga at naupo sa papag, at hindi ko inalintana kong sabog man ang buhok ko at may panis na laway na namuo sa gilid ng labi ko. Hala, tanghali na ako. Dali-dali na akong kumilos pababa ng papag, at sinuot ko na ang sapin sa paa. Hindi na ako nakapag palit ng pantulog na kasuotan sa pag mamadali ko at wala na akong pinalampas na segundo na tinahak palabas ng aming silid. Hinawi ko na ang kurtina na nag mimistula naming pintuan ng kwarto namin at lakad-takbo na ang ginawaran ko dahil tinanghali na naman ako na nagising. Kainis talaga. Bakit ngayon pa? Ano ba iyan, Ligaya? Pagalit ko na lang sa sarili kong nag hihimutok na nahuli na naman akong gumising. "Mahal, pasensiya na tinanghali ako ng gising. Sandali lang at ipag luluto kita ng agaha——" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na kaagad akong napa hinto na matapat ako sa aming hapag-kainan. "Gising kana pala, mahal." Ang salubong na tinig na lang ni Dakila ang mapa kurap ako ng mata. Naka tayo siya sa tapat ng lababo na mukhang kakatapos niya lang mag luto at ngayo'y hawak ang isang katamtaman na mangkok laman ng pag kain na ginawa nito. "Maupo kana, para maka kain na tayo." Paanyaya na lang nitong mamilog na lang ang mata ko na wala sa sariling napa titig na lang sa lamesa sa gilid ko, na ngayo'y naka lapag na doon ang masarap na almusal na hinanda ni Dakila. Naka ayos na rin ang pinggan, kubyertos, baso at tubig at hindi mawala ang sinanggag na niluto nito, prinitong itlog at masarap na almusal na kanyang ginawa. Ang kailangan ko na talaga doon ang maupo at saluhan siyang kumain. Napa tampal na lang ako ng aking mukha at pasimpleng pinag masdan si Dakila ngayo'y simpleng pantalon na itim ang suot at pang itaas naman ang v-neck na t-shirt na puti, na mag palabas pa lalo ng katikasan at ka-guwapuhang taglay nito sa kanyang ayos ngayon. Oo, mala adonis naman talaga ang kanyang kaguwapuhan na taglay. Ang ganda rin ng pangangatawan. "Tamang-tama, tapos na rin akong mag luto, balak na sana kitang gisingin para sabay na tayong maka kain." Anito na dumaan na lang si Dakila sa gilid ko, at kina-sunod ko naman ng tingin sakanya na nilagay nito sa lamesa ang huling niluto nito. Lalo pa akong mapa lunok ng laway, na pinapanuod sa lamesa ang nakaka takam na pag kain, na mag pagutom pa lalo sa akin ng husto na maamo'y lamang ang masarap na aroma at mag pakalam ng aking sikmura. "Ganun ba?" Napa sapo na lang ako ng mukha ko at mariin na pinikit ang mata. "Pasensiya na talaga mahal, nangako pa naman ako sa'yo na ako mag hahanda ng almusal natin pero ikaw na ang gumawa. Babawi na lang ako bukas, mas aagahan ko pang gumising, pangako." Tinaas ko pa ang kaliwang kamay ko na animo'y nanunumpa sakanya, na hinawakan ako ni Dakila sa balikat at ginaya niya akong maupo sa bakanteng upuan. Sumunod na lang ako sakanyang maupo sa upuan na sinusundan pa rin siya ng titig. Kinis naman. Ano ba itong nangyayari sa akin? Ligaya, ano na? Kinagat ko na lang na mariin ang ibaba kong labi at kasabay ang pag pikit ng mata ko. Sa totoo lang talaga, hindi ko alam ang nangyayari sa akin na halos mag iisang linggo na akong ganito. Parati na lang akong inaantok at tinatamad. Konting kebot ko lang na pag aasikao, nababagot na akong kumilos na halos na gusto ko na lang talaga humilata at matulog. Hindi na nga din ako nakaka tinda ng mga kakanin araw-araw dahil sa hindi malaman na kadahilanan na tinatamad nga talaga ako. Hindi naman ako ganito na bagutin at antukin na madalas tinatanghali na akong magising. Kong minsan nga nagigising na lang ako na wala na si Dakila at naka pasok na ito sa kanyang trabaho. Sinapo ko na lang ang mukha ko gamit ang palad ko at tinignan si Dakila na inaayos ang lamesa. Kagabi naman maaga naman ako natulog at hindi naman masyado ako napuyat, pero heto ngayon tinanghali na naman ako. Inaantok pa talaga ako kong totoosin na gusto ko pang ipag pahingga at matulog muna saglit. "Ayos lang sa akin iyon, mahal." Anito na kina-sunod ko naman si Dakila ng tingin na maupo ito sa bakanteng upuan na kaharap ko lamang. "Naiintindihan ko naman na napagod ka nang husto sa pag lalako mo kahapon at iba pang gawain dito sa balay. Mas maganda iyon na nakapag pahingga ka ng maayos at maka bawi ng tulog mo." Sumandok si Dakila ng sinanggag at nilagyan nito ang aking pinggan. Eh pano naman ako mapapagod, na wala naman akong ginawa masyado dito sa balay, Gusto ko pa sanang sabihin iyon kay Dakila, subalit mas pinili ko na lang na itikom ang bibig ko. "Kahit na, basta mamaya babawi ako. Ipag hahanda kita ng masarap na tanghalian at hapunan." Giit ko na lamang na hindi mag papatalo dahil nangako pa naman ako sakanya pero heto't hindi ko nagawa. "Hindi na kailangan mahal, ang gusto ko kumain ka ng marami." At sa pag kakataon na ito nilagyan ng masarap na itlog at ilang gulay ang pinggan ko na mapa titig na lang ako sa guwapong mukha ni Dakila. Alangan na lang akong ngumiti kay Dakila at nag sandok na rin siya ng sinanggag at ulam niya sa kanyang pinggan at sabay kaming dalawa nag salo ng agahan. Matapos naming kumain, niligpit ko na lang ang pinag kainan naming dalawa samantala naman si Dakila nag asikaso na siya dahil paalis na ito sa trabaho. Nang paalis na si Dakila, hinatid ko siya sa may pintuan. "Sige mahal, aalis na ako." Paalam na lang ni Dakila na kina-lapit niya naman sa akin na tuminggala naman ako ng konti para mag kapantay kami ng titig na dalawa. "Mag-iingat ka rito, mahal kita." Hinawakan na lang ni Dakila ang pisngi ko na maka ramdam ako ng konting init ng kanyang palad at unti-unti niyang kina lapit ang mukha niya sa akin. Napa pikit na lang ako ng mata ko na maramdaman ko ang mainit na pag dampi ng kanyang labi sa akin, na may nag siliparan na mga paru-paro doon na kinilig naman ako sa kanyang ginawa. Limang segundo mag kalapat ang labi naming dalawa at kina layo ang sarili niya sa akin. Ngumiti lamang si Dakila ng matamis na ngiti sa labi at nag lakad na siya palabas ng balay, samantala naman ako naka tayo lamang sa may pintuan na sinundan lamang siya ng tingin paalis . Tinaas ang kaliwang kamay, kina-kaway sa ire tanda ng pag papaalam sakanya na hindi na mawala-wala ang matamis na ngiti sa labi ko. LIGAYA'S POV "Pauwi kana ba Ligaya?" Ang salita na lamang ni Tiya Bebang ang mag patigil sa pag liligpit ko ng mga tinitinda ko. Tinignan ko na lamang ang matanda na katabi ko sa pwesto dito sa Bayan at sinuklian ko na lang siya ng matamis na ngiti sa labi. "Oho," tugon ko na lamang na binalik ang atensyon ko sa pag liligpit ng mga gamit ko para sa ganun, maka panhik na akong maka alis. Tamang-tama at alas tres pasado pa lang ng hapon at heto't napa ubos ko na naman ang mga paninda ko at labis talaga akong natutuwa ng husto dahil maaga na naman akong makaka-uwi. "Napaka swerte mo naman at napa ubos mo na kaagad ang mga paninda mo." Singit naman ni Tiya Bebang na sinilip nito ang basket na parati kong dala na wala na ngang natira doon. Naka upo pa rin ang matanda sa pwesto nito at naka latag ang kanyang mga tinitinda, na konti na lang ang natira sakanya. Mga maya-maya na alas kwarto, mag dadagsa na ang mga mamimili at tiyak mapapaubos rin nila ang kanilang mga paninda. "Uuwi kana ba?" "Hindi muna po Tiya, dadaanan ko pa si Dakila sa trabaho at sabay na kaming uuwi na dalawa." Isa-isa ko nang nilagay sa basket ang mga bitbit ko at pag katapos sinarhan na. Balak ko kasing daanan ngayon si Dakila sa trabaho at sabay na silang uuwi na dalawa. Balak niya kasing mamalengke muna para sa ganun, ipag hahanda niya ito ng masarap na hapunan para mamaya. Gusto ko lang naman maka bawi sakanya dahil tinanghali na ako gumising at sa simpleng pag luto lamang ng mga paborito nitong mga pag kain, ang alam kong makaka bawi ako sakanya. "Kayong dalawa talaga, mahal na mahal niyo ang isa't-isa ni Dakila na hindi na kayo mapag hiwalay pa." Napa iling na tugon na lang ng matanda, na kina lawak pa lalo ng ngiti sa labi ko. "Siya, at mauna na po ako sa'yo Tiya." Binitbit ko na ang basket na dala ko para sa ganun maka alis na. "Maiwan ko na ho kayo, Tiya." Paalam ko at isang tango at sukli sakanya. "Siya at mag iingat ka." Paalala na lang nito na, matamis na ngiti lamang ang sinukli ko at hinakbang ko na ang paa ko paalis. Nag lakad na ako papunta sa pinag tra-trabahuhan ni Dakila, na hindi na mawala ang matamis na ngiti at pag kasabik sa aking dibdib na makita siyang muli. Tamang-tama at napaka aga pa naman at panigurado maabutan ko si Dakila sa pinag tra-trabahuhan nito dahil mamaya pa naman na alas-singko ang uwi nito sa trabaho. Binabaybay ko na ang daan papunta sa balay ni Tiyo Basyo, at mababa naman ang sikat ng araw dahil hapon na nga. Nag lalakad lamang ako sa patag at medyo madamo na daan at sa kaliwa't-kanan ko naman ang mayayabong na mga halaman at mga matataas na mga puno. May nakaka salubong naman ako na mga Ka-Nayon namin na binabati at nginingitian lamang ako kaya't sumukli rin ako ng pag bati pabalik. May mga balay rin sa paligid at nalibang naman ako ng husto dahil sa aking napag mamasdan sa paligid. Mahigit ilang minuto kong pag babaybay at natanaw ko na ang munting balay ni Tiyo Basyo. Nang maka pasok na ako sa munting lupain ng matanda, ginala ko naman ang mata ko sa paligid. Hinahanap ng mata ko ang presinsiya lamang ni Dakila subalit katahimikan ang sumalubong sa akin. Wala akong nakitang anumang tao o anumang bakas ni Dakila doon kaya't lumingon ako sa kaliwa't-kanan ko para hanapin siya. Asan kaya siya? Hindi kaya naka uwi na? "Ligaya." Ang malambing na tinig ang mag patigil sa pag mamasid ko. Hinanap ko naman kong saan nag mumula ang tinig at nakita ko naman ang asawa ni Tiyo Basyo, mukhang kakalabas lang sa kanyang balay. "Magandang hapon po, Tiya." Magalang kong tinig na lumapit na lang sa matanda at nag mano, bilang tanda ng pag galang. "Maraming salamat, Ligaya." Anito na mahinhin na tinig. "Anong ginagawa mo dito?" "Ah, pinuntahan ko lang si Dakila po." Tugon ko na lamang sakanya. "Alam ko naman po na hindi pa ito oras ng kanyang uwian, pero huwag kayong mag alala Tiya at mag hihintay lang muna ako dito sakanya hangga't matapos ang kanyang trabaho. Aasahan niyong hindi ako makaka-abala sainyo." "Si Dakila ba ang pinuntahan mo dito?" Pag uulit na lang nito na mapako naman ang mata ko sakanya. "Kakaalis niya lang at sinabi na uuwi na siya." Huh? Uuwi? Bakit napaka aga naman? "Huh? Umuwi na po siya, Tiya?" "Oo kakaalis niya lang mahigit dalawang minuto na ang nakaka lipas, hindi mo ba siya naka salubong sa daan?" Iniling ko na lang ang aking ulo bilang sagot sakanya. "Hindi po, hindi ko naman po kasi alam na maaga pala siyang uuwi ngayon." Wika ko na lang dahil kahit na ako mismo nag taka rin na maaga siyang umuwi ngayon. "Sige po Tiya, maraming salamat po at ako'y papanhik ng umalis." Paalam ko na lang sakanya at yumuko na ako sa harapan ng mata at nag gayak na akong umalis. Nag lakad na ako palabas at naka labas na nga ako sa munting lupain ng matanda. Nag pakawala na lamang ako ng malalim na buntong-hiningga at hinakbang ko na ang mga paa ko, at hindi pa naman ako nakaka layo na maka salubong ko si Dolores. Pangiti-ngiti pa ang dalaga at napaka aliwalas talaga ng kanyang mukha ngayon. Nang matapat ako sakanya, isang matamis na ngiti lamang ang ginanti ko para sa ganun tanda ng pag galang at respitu na rin sakanya at lumihis na ako ng tingin para sa ganun maka uwi na nga sa balay namin. Bago pa ako, tuluyang maka lampas kay Dolores, nag paiwan naman kaagad ito ng sasabihin. "Pauwi kana ba Ligaya?" "Oo, Binibini." Sagot ko naman na kina-tigil saglit muna at lumingon sakanya na ngayo'y napa tigil na rin ito. Nag patango-tango pa si Dolores bilang sang-ayon at kina sunod ko naman ng kanyang mga mata na mapa titig ito sa hawak kong basket subalit kaagad niya naman binawi na tinutok niya ang mata sa akin. "Baka gusto mong sumama sa akin ngayon. Doon ka muna sa balay namin, at mamaya mag kakaroon ng pag titipon naman kami ng aking mga kaibigan. Mag papahanda ako ng masasarap na mga putahe para lang sa'yo." Paanyaya na lang nito na alangan na lang akong ngumiti. Sa totoo lang talaga pangalawang beses niya na itong pag-aanyaya sa akin ngayon pero kailangan ko na talagang maka uwi. Balak ko kasi ngayon na mag handa ng masarap na hapunan namin ni Dakila para maka bawi sakanya. "Maraming salamat na lang Binibini, pero mukhang hindi ako makakasama sa'yo.. Nakaka hiya naman na sumalo sainyo dahil wala pa akong ayos at napaka dugyot ko pa galing pag titinda." Iyon na lang ang dahilan ko baka sa ganun naman, hindi niya na ako pilitin. Nakaka-hiya man na tumanggi sakanya pero hindi talaga ako pwede ngayon. "Ayos lang naman iyan Ligaya na kahit pinag halong pagod at pawis kana sa katawan mo sa pag tra-trabaho, napaka ganda mo pa ring tignan.. Kong gusto mo, papahiramin na lang kita ng damit pag dating natin sa balay namin at doon kana rin maligo." Suhesyon na lang nito na ngumiti na lang ako ng matamis. "Pasensiya na talaga Binibini," pag tatanggi ko na para bang may hinahabol na oras na tumitingin sa kaliwa't-kanan na kating-kati naman ang mga paa kong maka uwi na. "Alam kong nangako ako sa'yo no'ng huli tayong nag kausap na babawi ako, pero hindi talaga ako pwede ngayon dahil may mahalaga pa kasi akong gagawin. Pasensiya na talaga." Mababa ko na lamang na tinig na umanggat na lang ang gilid ng labi ni Dolores. Hindi pa rin nag babago ang paraan na expressionsa mukha na napaka gaan at panay ngiti niya talaga. Nawala ang masungit at mataray niyang mga mata at ngayo’y napalitan ng aliwalas sa mukha nito. "Naiintindihan ko naman Ligaya." Pinakita nito ang matamis na ngiti lamang at lumapit ng konti sa akin. "Baka naman sa susunod na paanyaya ko, makaka sama kana sa amin." Isang matamis na ngiti sa labi na lang ang sinukli ko dahil hindi ko talaga alam ang maisasagot ko. "Siya nga pala Ligaya, kamuntik ko ng maka limutan. Parang nakita ko si Dakila." Pag bibitin na lamang nito na binaling niya ang tingin sa kaliwang bahagi ng kakahuyan na animo'y may tinitignan kaya't sa labis naman na kuryusidad ko, kina sunod ko naman ng tingin kong ano ang tini-tingnan niya. “Mukhang nakita ko si Dakila na pumasok sa masukal na daanan na iyan kanina." Tinuro ni Dolores ang kakahuyan na daanan medyo sampung hakbang lang naman ang layo sa kina-tatayuan namin. Ha? Doon dumaan si Dakila? Ey, bakit doon siya dumaan? Anong ginagawa niya doon? Naka titig lamang ako ng ilang segundo sa tinuro ni Dolores na kahit ako mismo nag tataka ng husto at hindi ko malaman kong bakit doon si Dakila dumaan, na kasalunggat naman ang daanan na iyon pauwi sa balay namin. "Nag tataka talaga ako ng husto kong bakit pumasok si Dakila sa masukal na daan na iyan. Ano kaya ang gagawin niya doon? Hindi kaya, may pupuntahan siya?" Labis na kuryusidad na tinig na lang ni Dolores kaya't wala sa sariling napa tingin rin ako sakanya. Nag tagpo ang mga mata naming dalawa at ang noo ko naman naka kunot lamang, kaya't pina lawak niya pa ang matamis na ngiti sa labi na mas matamis pa ngayon. "Ay, hihi." Pina tamis niya pa lalo ang ngiti sa akin at umayos ng tindig lamang. "Napaka daldal ko naman masyado. Siya at maiwan na kita Ligaya at baka ako'y hinanap na sa amin." Nauna nang mag lakad si Dolores paalis kaya't kina-sunod ko naman ng tingin siya hanggang kusa na siyang mawala sa paningin ko. Halos isang minuto rin akong naka tayo sa kina-tatayuan ko na hindi inaalis ang mata sa tinuro na masukal na daanan kanina ni Dolores. Nag lalaro pa talaga ang katanungan sa aking isipan kong bakit doon dumaan si Dakila at kong saan siya pupunta? Nag lalaro na lamang ang mga samo't-saring katanungan sa isipan ko ngayon hanggang ngayon wala pa rin talaga akong kasagutan. Hindi ko namalayan ang sarili kong hinakbang ang mga paa ko para sundan na lang si Dakila. Napa hinto na lang ako ng mga paa ko na ngayo'y natapat na lamang sa isang daanan at makikita mo na lamang ang mayayabong na mga dahon at matataas na mga puno sa paligid. Ilang segundo kong pinag aaralan ang daanan na pinasok kanina ni Dakila at nag lalaro sa isipan ko, kung susundan ko ba siya o pipiliin na lang na umuwi na lamang. Ano ba kasi ang ginagawa mo dito, Dakila? Tanong ko naman sa isipan ko na kahit ako mismo, hindi ko alam kong bakit siya'y pumasok dito. Napa lunok na lang ako ng mariin sa sarili kong laway na hindi inaalis ang mata ko sa daanan na medyo masukal na nga iyon at bihira lamang iyon daanan ng mga taga saamin. Ilang segundo akong naka tayo doon at nag tatalo pa nga ang isipan ko. Nag pakawala na lang ako ng malalim na buntong-hiningga, bago ko simulang ihakbang ang paa ko papasok sa masukal na gubat. Nag patuloy lang ako sa pag lalakad, na hinahawi ko pa ang sanga at ilang mga dahon na naka harang sa dinaraanan ko. Nag patuloy lamang ako sa pag lalakad na mas marami pa ang nakikita kong mga puno at mga mayayabong na mga halaman at dahon. Katahimikan kaagad ang bumunggad sa akin sa pag pasok ko doon, na wala akong narinig na anumang inggay na mabibinggi kana lang talaga dahil sobrang tahimik. Nag palingon ako sa kaliwa't-kanan na nag patuloy pa rin sa pag lalakad na bitbit ko pa ang basket. Tahimik lamang akong nag lalakad at pinag mamasdan ang bawat madaanan kong nalibang naman ako ng husto dahil lamang sa magandang tanawin. Ang huni ng mga ibon na lang ang aking naririnig sa aking pag babaybay ng daan. Hindi naman ako mahirapan dahil sinusundan ko naman ang mismong daanan na patag na lupa at konting mga damo na parang ginawa ng tao, na mismo maging gabay kong saan iyon patunggo. Hindi ko na alam kong ilang minuto na akong nag lalakad lamang na hinahanap ko pa rin ng aking mata ang presinsiya ni Dakila. Malayo-layo na rin ang aking narating at bawat minutong lumilipas, lalo nang bumababa ang araw sa kalangitan at yumayakap na ang kadiliman. "Mahal?" Mahinang tinig ko na lang at napa haplos na lang ako sa kanang balikat ko na yumakap na lang ang matinding simo'y ng hangin sa balat ko. "Mahal, nandito ka ba?” Tawag ko muli ngunit katahimikan ulit ang sumagot sa akin. Nag palinga-linga ako sa paligid at binabaybay ang daan, na umaagaw na ang dilim at liwanag sa kalangitan. Asan kana ba, mahal? Sabi ni Dolores, dito ka lang dumaan, pero asan kana? May lungkot ang gumuhit sa mata kong tinatatagan ko na lang ang aking kalooban, na maka ramdam ako ng takot na palayo na ako nang palayo. Hindi ko na rin nakaka bisado ang aking dinaraanan na patuloy pa rin tinatahak ang daan. Kinagat ko na lang ang ibaba kong labi at nag pakawala na lang ng malalim na buntong-hiningga. "Asan na ba, maha——-“ hindi ko na lang natapos ang anumang sasabihin ko na kaagad akong napa hinto na makita na lang ang misteryosong bulto ng tao na naka tayo sa harapan ko. Napa kurap na lang ako ng aking mata na makilala kong sino iyon. Bughaw? Anong ginagawa mo dito? Tanong ko na lang sa isipan ko, na hindi inaalis ang mata sakanya na maanggas na naka tayo na may sampung hakbang ang pagitan niya sa akin. Malaki ang kanyang pangangatawan at matangkad siya kumpara sa akin. Ang pag titug ko naman napunta paakyat sa kanyang mukha na naka poker face lamang si Bughaw, at masungit na nakaka takot ang emosyon na pinapakita. Hindi mo man lang nito magawang ngumiti man lang. "I-Ikaw pala Bughaw." Alangan ko na lamang na tinig at lumingon ako sa kaliwa't-kanan ko at labis na pinag tataka ko na mapag alaman na wala akong makita na kasama nito. Mag isa lang siya? “Akala ko na kong sino na.” Napa hawak na lang ako sa dibdib ko at nakapamanti naman ang kalooban ko, na hindi lang pala ako nag iisa sa lugar na ito, na wala dapat akong ikabahala pa. “Pauwi kana ba?” Tanong ko na lang subalit naka titig lang siya sa akin at walang plano sumagot. Ha? Bakit hindi niya magawang sumagot? Hindi naman mahirap sagutin ang tanong ko ah? Nabalutan na lamang ng malamig na atmosphere sa pagitan naming dalawa na hindi man lang magawang kumilos at igalaw ni Bughaw ang kanyang katawan. Nanatili lamang siyang naka tayo, at ganun na ganun ang kanyang emosyon kong paano niya ako titigan, sobrang lamlam at matalim. Humigpit na lang ang pag kakahawak ko ng basket at umipon muli ng malalim na buntong-hiningga para putulin na lamang ang malamig na gumuhit sa panig naming dalawa. "Sabi kasi ni Binibining Dolores na dumaan daw si Dakila dito pero kanina ko pa siya hinanap pero hindi ko siya makita. Nakita mo ba siya dito, Bughaw?” Lumingon ako sa kaliwa’t-kanan ko subalit walang anumang bakas ni Dakila sa paligid. Bumalik ang mata ko sa gawi ni Bughaw na ngayo’y hindi niya inaalis ang mata niya sa akin at aaminin ko naka ramdam ako, na hindi komportable sa paraan ng titig niya sa akin. Ewan. May laman at ibang pahiwatig ang titig niya sa akin. Titig na puno ng galit. Titig na kinikilabutan ako ng husto, na tumatagos sa laman ko kong paano niya ako titigan ngayon. Ilang segundo akong nag hintay sa magiging sagot ni Bughaw sa naging tanong ko subalit, para bang hindi niya ako narinig. Para bang wala siyang balak sagutin ang tanong ko. Bumigat na lang ang paraan ng pag hingga ko, at aaminin kong hindi ko rin gusto ang paraan na pag titig niya sa akin na malamig at ang kanyang aura na nakaka takot. Lumunok na lang ako ng laway at pilit na pinapakalma ang sarili ko. “Hihi, mukhang hindi mo nga nakita si Dakila,” alangan na lang akong ngumiti para itago na lang ang takot na nanunuot sa aking katawan sa malamig na presinsiya na pinapakita niya sa akin. Ang madilim niyang aura. Ang nakaka takot niyang mukha, yumayakap ang sindak sa puso ko ang tagos niyang pag sunod ng mata sa akin. Hindi ko na makakaya na tumagal pa ng segundo at minut sa aking kina-tatayuan lalo’t may matang naka masid sa akin. Dumaplis na lang ang malamig na pawis sa katawan ko, na tinago ko na lang ang namumuong takot sa aking puso sa pagiging tahimik pa rin nito. "Ahh, sige, mauna na ako sa'yo Bughaw." Paalam ko na lang sakanya na humigpit na lang sa pag kakahawak sa sa basket. Kagaya ng dati, wala pa rin akong nakuhang sagot mula kay Bughaw at wala pa rin siyang kibo. Umiwas na ako ng tingin dahil hindi ko na kayang makipag titigan pa ng matagal sa mata nitong nakaka takot. Hindi ko na hinintay pa ang anumang sasabihin ni Bughaw at hibakbang ko na lang ang paa ko paalis. Sa bawat yabag ng paa ko, para bang may naka patong na mabigat na bagay sa dibdib ko lalo’t nakita ko sa gilid ng mata ko, ang pag sunod ng mata niya sa akin na nag lalakad. Ano ba, Bughaw. Huwag mo na akong titigan. Palapit na ako nang palapit kay Bughaw at sa bawat pag hakbang ko ng paa palapit sakanya, mas lalong nararagdagan ang kaba sa aking puso. Tatlong hakbang na lang ang layo ko kay Bughaw at pinasadya kong dumaan sa gilid niya na, lilihis sanang dumaan para lampasan siya. “Sige na Bughaw, maiwan na kita sito, at kailangan ko pang hanapin si Dakil——-"Ah!” Mahinang ungol ko na lamang na nanunuot sa laman ko ang matinding kirot at hapdi. Maluha-luha naman ang mata kong napa atras na lang ng dalawang hakbang palayo kay Bughaw, at nanginginig ang katawan kong napa titig na lang sa aking kanang braso na ngayo’y nakita ko na lang ang pag agos ng malapot na dugo doon. Ano ito? Dugo? Nanginginig ang kalamnan ko at namutla na lang ang labi ko na makita na lang ang malaking hiwa sa laman ko. Maluha-luha ang mata kong tumitig na lang kay Bughaw na ngayo'y napaka lawak ng ngisi sa kanyang labi at para siyang nakaka takot na nilalang sa harapan ko. “B-Bughaw.” Garalgal kong tinig at nangilabot pa nang husto ang buong pag katao ko, na bumaba ang tingin ko at napunta sa kanang kamay nito na hawak ang katamtaman lamang na patalim, na ngayo’y nabahiran na rin ng sarili kong dugo. Ano ito? Bakit? Bumilis na lang ang kalabog ng aking dibdib na ngayo'y, sa takot lalo’t para siyang halimaw sa harapan ko na kikitil ng buhay kong kanyang nanaisin. Wala sa sariling napa hawak na lang ako sa kanang braso ko na may sugat at napa igtad at napa ungol na lang ako na mahina maramdaman ang sakit, na para bang hinuhukay ang laman ko. “B-Bakit Bughaw?” Mahina kong tinig at nag lalaro ang kapilyuhan at maitim na plano sa kanyang isipan, na hindi inaalis ang matalim niyang mata sa akin. Bumigat na ang aking pag hinga sa matinding takot sa dibdib ko na hinakbang ni Bughaw ang sarili niya palapit sa akin. Nanginig ang katawan ko, inatras rin ang paa ko palayo na takot na takot na nilalayo ang sarili ko sakanya. “B-Bakit mo ito ginagawa, Bughaw? Ha? Bakit?” Basag kong tinig at humigpit lalo ang pag kakahawak niya sa patalim, na mamuhay ang takot at hilakbot sa buong katawan ko sa bawat segundo na lumipas. Huwag kang lalapit. Diyan ka lang. Diyan ka lang, Bughaw. Naging blangko na ang isipan ko basta ang alam ko lang ang maka layo sakanya. Uminit na lang ang sulok ng aking mata at nabahiran ng takot ang mukha na ilang hakbang na lang ang layo niya sa akin. Atras ako nang atras at sa bawat hakbang niya ng paa palapit sa akin, namumuo ang kilabot sa akin. “Diyan ka lang huwag kang lalapit!” Banta ko na matapang na tinig na imbes sumunod, pinag patuloy niya ang pag lapit niya sa akin. Tama na. Diyan ka lang. Diyan ka lang sabi eh. “Ano ba! Diyan ka lang! Hindi mo ba ako narini——-“ hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na tumama na lang ang likod ko sa malamig at matigas na puno. Gumilid na lang ang bakas na luha sa mga mata ko, at dahan-dahan na lumingon sa gawi ni Bughaw na ngayo’y domoble ang ngisi sa labi nito. Mariin na lang akong napa lunok ng laway na tumitig sa kanyang mga mata na umapoy ang matinding galit at sumilay na lang ang mala demonyong ngisi sa labi nito. Diyos ko po. Tulungan niyo ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD