Chapter 54

4142 Words
Chapter 54 LIGAYA'S POV "Ano ba! Diyan ka lang! Hindi mo ba ako narini——-" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko, na lumapat na lang ang likod ko sa matigas at malamig na puno. Nanginig ang aking kalamnan na lumingon sa likuran ko, nag danak lamang ang malamig na pawis sa buong katawan ko na wala na akong takas pa. Wala na akong matatakbuhan pa. Narinig ko na ang malakas na tambol ng puso ko sa takot na dahan-dahan na lumingon sa gawi ni Bughaw sa harapan ko na ngayo'y domoble ang galit at kakaibang ngisi na sumilay sa kanyang labi. Napaka dilim ng kanyang aura ngayon, na mas nakakatakot pa siya at tila ba'y napaka bangis siyang hayop sa harapan ko na anumang oras kikitil ng buhay. Apat ang hakbang ang layo sa akin ni Bughaw at maluha-luha naman ang mata kong napa tingin na lang sa braso ko na ngayo'y hawak pa rin na ngayon, na umaagos ang sariwang dugo. Ramdam ko ang matinding kirot at hapdi mula sa sugat ko pero, tiniis ko lang. Anong gagawin ko? Paano na ito? Naging blangko na ang isipan ko sa mga nangyari at pasimple na lamang akong lumingon sa kaliwa't-kanan ko para humanap ng daan na maka takas. Para maka hanap ng pag kakataon, na makakalayo sakanya subalit sa bawat segundo at minutong tumatakbo lalo lamang dinadaga ang dibdib ko sa takot, na wala akong makitang tao na pwede kong hinggan ng tulong. "Wala kanang takas pa ngayon, Ligaya!" Humigpit na lang ang pag kakahawak ni Bughaw sa hawak nitong patalim at pinosisyon niya na iyon na hinawakan. Maliksi at parang kisap-mata lamang kabilis ang kanyang pag atake, ambang itatarak sa akin ang hawak na patalim na kaagad naman akong naka iwas. Tuluyan na akong nag hina na tumarak na tumama ang patalim sa puno ng kahoy, at isang pulgada lamang ang layo ng tulis ng kutsilyo sa kina-tatayuan ko na kamuntik na akong matamaan Maluha-luha na lamang ang mata ko sa takot lalo't nag siklab lamang ang nanlilisik na mga mata ni Bughaw sa galit na hindi niya ako natamaan. Taranta na inatras ko ang paa ko palayo, na ramdam ko na ang pang hihina ng tuhod ko sa takot. Hinugot na lang ni Bughaw ang hawak na patalim, na naka tarak sa puno ng walang kahirap-hirap. Nanalaytay na lang ang kilabot sa kalaman ko, na marinig na lang ang tunog ng pag bunot niya doon na palatandaan na kailangan kong umiwas. Kailangan kong maka takas. Sa pag kakataon na ito, swinerte pa ako na naka ilag sa kanyang pag atake. At baka sa susunod, hindi na ako maka takas pa. Baka sa sunod, hindi na ako maka iwas pa. Parang naging slow-motion lamang na humarap sa akin si Bughaw at naka ambang pa rin na hawak ang patalim na hawak. Atras lang ako nang atras palayo sakanya samantala naman siya hinahakbang niya ang paa niya palapit sa akin. Sa bawat yabag ng kanyang paa, nanunuot ang kilabot at hilakbot sa aking puso lalo't ang mata niya'y nakaka takot. Lalong naging hagok na paslangin niya ako. "Diyan ka lang, huwag kang lalapit." Banta ko na lamang na matapang na tinig at kahit takot na takot na ako, pinapakita ko pa rin na matapang ako kahit sa loob-loob ko kinakain na ako ng takot sa aking puso. Ayaw kong ipakita na mahina ako at baka gamitin niya iyon pang laban sa akin. “Huwag kang lalapit, diyan ka lang!” Asik ko na lamang na imbes sumunod siya sa akin, nag patuloy lamang niyang hinahakbang ang paa niya palapit sa akin. Para bang naging bingi-bingihan lang siya sa mga sinasabi ko na, pag hinaan pa ako nang husto. “Ang sabi ko, h-huwag kang lalapit!” Malakas kong sigaw at malakas kong binato sakanya ang hawak kong basket, na kaagad naman akong napa kurap ng mata na sinangga niya lang iyon na walang kahirap-hirap na kadahilanan na tumalsik na lang iyon kong saan. Mariin na lang akong napa lunok ng laway, na marinig ko na lang ang pag tilapon ng basket kong saan at kasabay na lang ang nakaka kilabot na aura ni Bughaw, na hindi man lang nito ininda ang lakas na pag babato ko sakanya. “L-Lumayo ka! Lumayo ka!” Asik ko na lamang at sa pag kakataon na ito, malakas kong hinampas ang hawak kong basket at sa pag kakataon naman ito hindi niya lamang ininda ang lakas na pag kakahampas ko. Tumalksik na lamang ang basket na tumilapon sa patag na lupa, na bumigat na lang ang pag hingga kong napa tingin muli sa gawi ni Bughaw na animo’y nakikipag laro lamang ito. “Huwag mo nang pahirapan pa ang sarili mo, Ligaya.” Anito lamang na lumawak na lang ang ngisi sa labi. “Halika, lumapit ka sa akin, hindi naman kita sasaktan! Halika na, Ligaya.” Pag hikayat na lamang nitong iniling ko na lamang ang ulo ko pahiwatig na ayaw kong sumunod. “Hindi, hinding-hindi ako lalapit sa’yo!” Matapang kong tinig at atras pa rin ako nang atras ng aking paa palayo sakanya. Nanginginig na ang buong katawan ko at ang mata ko naman maluha-luha na sa takot. Pag atras ko lamang ng paa ko, hindi ko inaasahan na matisod ako ng naka usling ugat ng puno na maapakan ko kaya’t kadahilanan na mawalan ako ng balanse at natumba. Napaka bilis lamang ang pangyayari, at hindi ko nakontrol ang sarili ko na bumagsak na lang na mapa higa sa patag na lupa at kasunod no’n ang tunog ng pag bagsak ko. “Ahh.” Mahinang ungol ko na lamang. Pinikit ko na lang ang mata ko sa sakit at kirot ng sama ng pag kakabagsak ko. Hirap na hirap na kinilos ko na lang ang katawan kong maupo na lamang sa patag na lupa, na napapa-ngiwi na lang ako sa sakit lalo’t ngayo’y nabahiran ng galos at sugat ang siko, na tumama na lang iyon sa matulis na bato na masama akong bumagsak. Gusto ko na lamang mag pakawala ng impit ng iyak sa sakit subalit pinili ko na lang itikom ang bibig ko lalo’t ang sugat ko sa parteng braso lalo lamang dumugo iyon. Pinag halong luha na ang mata kong tumingin na lang kay Bughaw na ngayo'y huminto siya sa harapan ko. Sumilay na ang mala demonyong ngisi sa kanyang labi na pinapanuod niya ako na para bang napaka gandang palabas na kanyang pinapanuod. Mariin na lang ako napa lunok ng laway at lumingon-lingon pa ako, na humahanap ng bagay na pwedeng idedepensa sakanya kapag sinubukan niya ulit na umatake sa akin. Lalo lamang akong napapa-iyak nang husto na wala akong makitang kahoy o anumang armas na pwede kong gamitin laban sakanya. Tinignan ko na lang ng matalim si Bughaw sa harapan ko, na kay sama na pinapatay siya sa paraan na titig ko hanggang hindi ko napigilan na mapa kuyom na lang ako ng kamao sa matinding galit na gusto kong maka ganti subalit wala pa ako na lakas. Wala sa sariling napa tingin na lang ako sa kamay ko na ngayo’y hawak ko ang lupa, patay-malisya at hindi nag pahalata na lamang kay Bughaw na may hawak ako no’n. Kinuyom ko na lang ng mariin ang kamao ko, na hindi pa rin binibitawan kong ano man ang hawak ko ngayon. “Huwag kanang mag matigas pa sa akin, Ligaya.” Ang salita na lamang ni Bughaw ang mag paagaw muli ng atensyon na bumaling ng tingin sakanya muli, patawa-tawa na lamang. “Kong sumunod kana sana sa akin, di sana hindi kana nahihirapan pa ng ganito! Hindi sana, hindi kana nasasaktan pa ng ganito! Pasensiyahan na lang tayo, pero kailangan ko ng tapusin ang buhay mo!” Humigpit na lang ang pag kakahawak niya sa patalim at mabilis siyang sumugod sa akin. Umagos na lang na pumatak ang butil ng luha sa mga mata ko at bago pa siya tuluyang maka lapit sa akin, sinipa ko na lamang nang malakas ang pagitan ng hita ni Bughaw na mag pakawala na lamang siya ng malakas at nakaka hindik na sigaw na ungol sa sakit. “Ughh, tangina talaga!” Lumitid na lamang na lumabas ang ugat sa leeg ni Bughaw sa sakit na ngayo’y hawak niya ang kanyang pag kalalaki at bahagyang napa yuko at kasabay ang malakas na sigaw nito. “Putangina talaga!” Nakaka takot na lang ang sigaw nito at namula na ang mukha nito sa sakit na palatandaan lamang na napaka lakas ng pag kakasipa ko doon. Wala na akong pinalipas na pag kakataon na kumaripas na ako na kumilos, na gumapang na tumakbo paalis. Wala na akong lingon-lingon pa na wala na akong sinayang na pag kakakataon na kumilos, at walang humpay na umaagos ang luha sa mga mata ko. Iyak lang ako nang iyak at halos matumba pa ako sa labis na pag kataranta na maka takas lamang. “Tangina, Ligaya!” Dumaongdong na lamang ang nakaka kilabot na sigaw ni Bughaw nabahiran ng luha ang mata kong takot na takot, na tanging impit na lamang na pag iyak ang naging sagot ko. Naririnig ko na lamang ang nakaka takot na pag sigaw ni Bughaw sa galit. Lalo lamang ako naging porsigedo maka alis sa lugar na ito. Ang maka takas sa kanyang mga kamay. Namimilipit na sa sakit ngayon si Bughaw na nanunuot sa kanyang laman ang kirot at sakit na pag kakasipa ko. Takbo lang ako nang takbo at walang humpay na umaagos ang butil ng luha sa mga mata ko. Wala na akong pakialam kong maging kaawa-awa man ang aking itsura na pinag halong bakas na luha at pawis ang mukha ko basta ang gusto ko lang, matakasan ko ang halimaw na gustong manakit sa akin. Ang halimaw na nag tangkang paslangin ako. “T-Tulong!” Sigaw ko sa pagitan ng impit ng pag iyak ko. Walang tigil na bumubuhos ang luha sa mga mata ko na hagolhol na lamang na umiiyak na lumingon ako sa kaliwa’t-kanan ko para maka hinggi ng tulong subalit wala akong makita. Wala akong makitang ibang tao. Binilisan ko pa lalo ang pag takbo ko at hindi ko na tinapunan pa na lingunin si Bughaw na sulyapan sa likuran ko basta ang gusto ko maka layo lamang dito. “Tulungan niyo ako. Tulungan niyo ak——Ahh, hindi!” Impit ko na lamang na sigaw sa hindik na may marahas na may humawak na lamang sa buhok ko. Napa sigaw na lang ako sa sakit at kirot lalo’t buong pwersa niya akong hinatak pabalik ma pakiramdam ko may natanggal na buhok sa anit ko. “Ahh!” Impit ko na lamang na ungol at hinila niya ang buhok ko kaya’t napa anggat na lang ako ng tingin. Bumuhos na lamang ang butil na luha sa mga mata ko na sumalubong sa akin ang nakaka takot na itsura ni Bughaw at mas nakaka takot pa ang mukha niya ngayon. Nangilabot ang kalaman ko lalo’t naabutan niya na naman ako. Wala na akong takas pa sakanya. Humawak ako sa kamay nitong naka hawak ng mariin sa buhok ko at buong pwersa na inaalis iyon subalit gamitan ko man ng lakas ko, hindi pa rin sapat ang lakas ko kumpara sakanya. “Tangina mo talaga! Hindi pa ako tapos sa’yo!” Tiim-baga na asik na lang ni Bughaw na humigpit pa lalo ang pag kakahawak niya sa buhok ko, na mapa ungol na lang ako. Pinag halong sakit na lang ang gumuhit sa mga mata ko ng sandaling iyon na hindi ko pa rin inaalis ang mata ko sakanya. “Akala mo ba, makaka takas ka lang nang ganun-ganun lang sa akin? Nag kakamali ka! Walang tutulong dito sa’yo Ligaya! Ako lang ang nandito!” Nabahiran ng iritasyon ang mata nito na nag pupumiglas pa rin akong maka takas subalit hindi pa rin ako makawala-kawala. “Hayop ka, Bughaw!” Matapang kong tinig at inis ko na lang na dinurahan siya sa kanyang mukha, at tiim-baga akong tumingin sakanya. Napa pikit na lang ng mata si Bughaw sa impact ng pag kakadura ko sa kanyang pisngi. Bumigat na lang ang kanyang pag hingga at ang mata nito naging matalim at nakaka takot, na gamit ang isa niyang kamay inalis niya ang bakas ng laway sa kanyang pisngi na dinura ko. Umigting na lang ang panga ni Bughaw na tinignan na lang ang kamay nitong may bakas na laway. Pinag halong galit at iritado ang gumuhit sa kanyang mga mata niya sa ginawa ko. Parang naging slow-motion na humarap sa akin si Bughaw at hindi ako naging handa sa susunod niyang gagawin at sinampal niya ako nang ubod ng kay lakas sa aking pisngi, na kadahilanan na mahilo ako sa lakas nang impact. “Ahh.” Impit na ungol ko na lamang na pakiramdam ko nahilo ako sa lakas ng pag kakasampal niya, na nanunuot sa pisngi ko ang matinding kirot at hapdi pero lahat ng iyon tiniis oo. “Tangina mo!” Malakas na mura na lang ni Bughaw at hinatak niya ang aking buhok palapit sakanya kaya’t nag kasalubong na lang ang titig naming dalawa na mapa ungol na lang ako muli. Mamula-mula na ang pisngi kong matapang pa rin na tinignan si Bughaw, naging porsigedo akong maka takas sa pamamagitan lamang ng pag pag pupumiglas ko. “Ano ba! Bitawan mo ako! Ano ba!” Singhal ko na lamang, na hindi pa rin napapagod. “Bitawan mo na ako, Bughaw!” “Kanina pa ako nag titimpi sa’yo!” Uyam nitong tinig at nilapit niya pa ako lalo kaya’t sumiklab lamang ang tensyon sa pagitan naming dalawa at ang mata niya’y umaapoy na sa galit. “Bilib ako sa’yo Ligaya, napaka tapang mo, pero tignan na lang natin kong saan aabot ang tapang-tapangan na mayron ka ngayon!” “Hayop ka! Tangina talaga, Bughaw!” Asik ko na lamang na nag pupumiglas pa rin na naging determinado na akong maka alis subalit sa bawat pag alis ko ng kamay kong naka hawak ng mariin sa buhok ko, iyon din ang pag hatak niya nang malakas na mapa pikit na lang ako sa sakit. “Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa'yo, huh? Bakit mo ito ginagawa sa akin?" Uminit na lang ang sulok ng mata ko na tumitig sakanya. Isa pa ring katanungan sa isipan ko, kong bakit ginagawa niya ang lahat ng ito sa akin. Bakit niya ako pinapahirapan ng ganito? Hindi maabot ng aking pag iisip, kong bakit nagawa niyang saktan ako na wala naman akong kasalanan sakanya. Wala naman akong atraso sakanya. Bakit? Bakit? “A-Ano ba ang kasalanan ko sa’yo ha? Ano?” Matapang kong tinig at lalong tumalim na lang ang mga mata ko, na humihinggi sakanya ng kasagutan sa mga nangyayari. “Hindi mo pa rin talaga, naiintindihan Ligaya kong bakit ginagawa ko ito sa’yo.” Iniling na lang nito ang kanyang ulo at mapag larong ngisi na lang ang sumilay sa kanyang labi. “Wala naman akong problema sa'yo Binibini, subalit kailangan ko lang gawin ang katungkulan ko dahil iyon ang pinag uutos sa akin ni Binibining Dolores.” Nanalaytay ang kilabot sa aking pag katao na marinig ang sinabi ni Bughaw. Ano? Si Dolores? Si Dolores ang may pakana nito? Bakit? “S-Si Dolores?” Mahina ko na lamang na pag kakasabi at pakiramdam ko lalo akong natakot sa kanyang sinabi. “B-Bakit? Bakit niya ito nagawa sa akin? Ano bang nagawa kong kasalanan sakanya, para gawin niya ito, huh? Bakit?” Singhal ko na gulong-gulo pa rin. Oo, alam ko. Alam kong ayaw ni Dolores sa akin. Alam kong, hindi niya ako gusto. Pero hindi naman sapat na rason iyon, para gawin niya iyon sa akin na saktan ako. Ano bang rason? Lumawak pa lalo ang ngisi sa labi ni Bughaw at humigpit pa ang pag kakahawak niya sa buhok ko, kaya’t napa ungol na lang ako ng mahina. “Gusto mo talagang malaman, kong bakit?” Unti-unti na lang na tinaas ni Bughaw ang hawak nitong patalim at tinapat niya iyon sa aking tyan. Maluha-luha naman ang mata ko na takot na takot na itarak niya iyon sa akin. Kumilos na paakyat ang hawak na patalim ni Bughaw papunta sa tagiliran, papunta sa dibdib na naririnig ko na ang malakas na kalabog ng aking puso sa takot. Takot na ilapat niya ang kutsilyo sa laman ko. Takot na patayin niya ako. Bumigat na lang ang pag hingga ko na kumilos na lang ang patalim ng kutsilyo nang dahaa-dahan na may kilabot na napunta sa collar bone ko ang patalim, hanggang huminto iyon sa tapat ng leeg ko. Umagos na lang ang daplis na luha sa mga mata ko, na ngayo’y si Bughaw dumiin ng konti ang pag tarak ng patalim sa leeg ko, na maka ramdam ako ng sakit na pag baon doon na alam kong mag iiwan iyon ng marka pag katapos. “Sasabihin ko sa’yo Binibini ang rason kong bakit, kaso nga lang patay kana!” Mala demonyong ngisi na lang ang gumuhit sa kanyang labi na mariin na lang akong napa lunok, na hindi inaalis ang mata sakanya. “Hinding-hindi mangyayari ang bagay na iyon, Bughaw.” Matapang kong tinig na mag kasalubong na lang ang kilay ni Bughaw sa sinabi ko, na naguguluhan sa sinabi ko. Humigpit na lang ang pag kakahawak ko sa kamao ko at walang ano-ano sinaboy ko sakanya ang hawak kong lupa sa mukha ni Bughaw, kasabay na lang no’n ang matinis na pag sigaw niya sa sakit. “Ahhh.” Napa pikit ng mata si Bughaw na mapuwing na lang ito na maraming buhangin ang naka pasok sa kanyang mata. Lumawag na lang ang pag kakahawak niya sa buhok ko, kaya’t doon ako nag karoon ng pag kakataon na maka takas at tumakbo ng napaka bilis. “Putangina mo talaga, Ligaya! Papatayin kita!” Sigaw na lamang nito na takbo lang ako nang takbo na napa hawak na lang si Bughaw sa mag kabila niyang mata. Takbo lang ako nang takbo na umagos na lang ang luha sa mga mata ko, hindi ko na nilingon pa si Bughaw na ngayo’y maririnig mo pa rin ang nakaka takot na sigaw nitong paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ko. “Tangina Ligaya! Bumalik ka dito! Papatayin kitang, hayop ka! Papatayin kita!” Dumaongdong na lang ang malakas na sigaw nito at kasabay na lang no’n ang pag agos ng luha sa mga mata ko, na binilisan ko pa lalo ang pag takbo ko. Diyos ko, tulungan niyo ako. Dakila, asan kana ba? Kailangan kita ngayon, mahal. DAKILA'S POV Maanggas siyang nag lalakad at dinaanan niya lang ng tingin ang bawat maka salubong niya sa daan. Ilang minuto na binabaybay niya ang daan, natanaw niya kaagad ang isang balay sa hindi kalayuan, dire-diretso lamang siyang nag lalakad hanggang maka pasok na siya sa munting lupain. Pag pasok niya doon wala siyang nakitang anumang tao sa paligid, kaya't hinakbang niya na lang ang kanyang paa papunta sa kabilang bahagi para kunin ang kanyang pakay. Nang maka lapit na siya doon, kaagad niyang nakita ang lalagyan na kanyang naiwan kaya't kinuha niya muna iyon at inayos. Sa kalagitnaan lamang ng kanyang pag aayos, narinig niya ang munting yabag na namumuo sa kanyang likuran. Mabagal ang yabag ng paa, at pinapakiramdaman niya iyon base pa lang sa kilos at paraan ng pag lakad nito. Naging malakas ang pakiramdam sa yabag ng paa na kanyang narinig at umayos na lang siya ng tindig na tumigil na lang iyon sa likuran niya. "Dakila?" Ang malambing na boses sa likuran niya ang mag patigil sa ginagawa niya. Nang matapos na siya sa pag aayos na humarap na lang siya at nakita niyang naka tayo ang asawa ni Tiyo Basyo at may hawak itong maliit na timba. "Oh, ikaw pala iyan. Akala ko ba naka uwi kana?" Gulat na gulat na wika nitong makita siya nito. "Ahh, may kinuha lang ako Tiya." Wika ko na lang na pinakita sakanya ang hawak ko. "Naiwan ko ang gamit ko, kaya't bumalik ako dito." "Kaya naman pala." Napa tango pa nitong wika at wala sa sariling napa tingin na lang ako sa hawak nitong timba na may lamang tubig. "Tutulungan ko na kayo, Tiya sa pag bubuhat niyang timba." Presinta ko na lamang at akmang kukunin ko sa kamay niya iyon, na kaagad nito naman kina iwas. "Hindi na kailangan at kaya ko na ito." Pag tatangi nito. "Hindi naman ito gaano kabigat kaya't kayang-kaya ko na ito buhatin. Siya at ikaw, ba'y uuwi na?" Isang tango na lang ang sagot ko at inayos ko ang pag kakahawak sa gamit na naiwan kanina. "Siya, maiwan ko na kayo Tiya." Akmang ihahakbang ko na ang paa ko paalis na mag pahabol ito ng sasabihin. "Siya nga pala Dakila." Pag bibitin na lang nitong malamlam ang mata kong tumitig sa mata ng matanda. "Kamuntik ko ng maka limutan, kanina pala dumaan dito si Ligaya." Kumunot-noo na lang ako sa sinabi nito. Si Ligaya? "Kani-kanina lang pumunta dito ang asawa mo at hinahanap ka niya kaso hindi na kayo nag paabutan pa na dalawa kasi nauna kanang umalis. Sinabi ko sakanya na maaga kang umuwi kaya't hindi rin siya tumagal dito." Naging bukas lamang ang taenga ko sa susunod nitong sasabihin. "Sige ho." "Kong uuwi kana ngayon, hindi pa siguro nakaka uwi ang asawa mo." "Ano po ang ibig niyong sabihin?" Naging matalim ang paraan na titig ko sakanya sa sinabi nito. Imposible naman! Imposible naman na hindi pa siya nakaka-uwi sa balay sa mga oras na ito. "Kanina pag labas ko para mag tapon ng basura, nakita ko kanina kausap ni Ligaya si Binibining Dolores at parang masinsinan ang kanilang pag uusap na dalawa. Hindi ko kasi narinig ang pinag uusapan nila dahil medyo malayo ako sakanila." Anito na hindi maalis-alis sakanya ang titig. "Nang papasok na ako sa balay para makapag handa na, nakita kong mag-isang pumasok ang asawa mo doon sa daanan. Iyong daanan na malapit dito na hindi masyado dinadaanan ng mga taga-rito sa atin." Huh? Anong ginagawa niya doon? Bakit, mag isa lang siyang pumasok doon? "Sige ho, maraming salamat." "Siya at maiwan na kita Dakila." Ngumiti na lang ng matamis ang matanda at nauna na itong mag lakad papasok sa loob ng kanyang balay. Nanatili lamang ako sa kinatatayuan ko ng ilang segundo hanggang ang mata ko naging matalim at nakakatakot sa aking mga nalaman. Hindi na ako tumagal pa doon at hinakbang ko na ang paa ko palabas sa lupain ni Tiyo Basyo, na mag-isa kong tinatahak ang daan hanggang tumigil na lang ang yabag ko na matapat na ako sa isang daanan. Daanan na hindi masyado dinaraanan ng mga tao. Daanan kong saan, pumasok doon ang aking asawa. Pinagalaw ko na lang ang panga ko at ang mata'y ko hindi pa rin nag babago ang emosyon na pinapakita, na hindi inaalis sa masukal na daan na medyo may kadiliman dahil na rin sa makakapal na mga halaman at mga puno. Pinag aralanan ko ng mabuti ang masukal na daanan na iyon at mabibinggi kana lang talaga sa katahimikan kundi maririnig mo na lamang ang tunog ng pag lagaspas ng halaman sa bawat pag hampas ng hangin doon. Ano ba ang ginagawa mo dito, mahal? Hinakbang ko na lang ang paa ko papasok sa masukal na daanan na hinahawi ko ang sanga at mga dahon na humaharang sa aking dinaraanan. Luminga ako sa kaliwa't-kanan hinhanap ng mata ko si Ligaya subalit hindi ko siya makita. Nag patuloy lamang ako sa pag lalakad, na unti-unti nang bumababa ang araw sa kalangitan at tuluyan na tumayakap na ang kadiliman. Asan kana ba Ligaya? Saan kana ba, nag punta? Naging nakaka takot na ang mustra ng mukha kong binabaybay lamang ang daan, naging malakas at matalas na lang ang pakiramdam ko sa bawat paligid. Maka lipas lamang ng mahigit sampung minutong pag lalakad, kaagad naman akong natigilan sa pag lalakad na may humarang sa dinaranaan ko. Napa anggat na lang akong tingin at malamlam na tinignan ang limang lalaki sa harapan ko na nakaka takot ang kanilang itsura. Lihim ko na lang sila inobserbahan, matatangkad at malalaki ang kanilang mga katawan. Ang paraan na pag titig nila sa akin, tila ba'y pinapatay na nila ako sa paraan ng tingin nila sa akin na puno ng talim. Hanggang ang aking mata napa hinto na lang sa kamay ng mga lalaki, na ngayo'y may hawak na iyon ng iba't-ibang armas at patalim. Napa awang na lang ako ng labi at wala man lang akong naramdaman na takot para sa sarili ko na kaharap silang lahat. Mapag laro na lang ang aking ngisi at isa-isang kinikilatis ang mga lalaki sa harapan ko na base pa lang sa kanilang itsura at paraan na pananamit, tauhan iyon ng Datu. Tangina talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD