Chapter 52

2866 Words
Chapter 52 LIGAYA'S POV Mag kasama silang dalawa ni Makirit binabaybay ang daan pauwi, pasado alas nuwebe pa lang ng umaga at heto't tapos na akong maka palengke. Inagahan ko talaga na pumunta sa bayan at bumili ng mga kailangan ko para sa ganun, maaga rin akong maka uwi at makapag asikaso. Balak ko kasi mamaya na pag lutuan ng masarap na tanghalian si Dakila at iluluto ko ang paborito nitong ulam kaya't ganun na lang ang aking pag kasabik na maka uwi lamang. "Siya nga pala, Ligaya." Pag babasag na lang ni Marikit ng katahimikan sa panig naming dalawa. "Bukas pala, kaarawan ng aking nakaka batang kapatid at mag hahanda rin ng simpleng salo-salo sa balay. Punta ka ha? Baka naman, may gagawin ka bukas at hindi ka na naman makaka punta." Naka nguso nitong wika na mapa ngiti na lang ako. Naka busanggot na ang mukha ngayon ni Marikit, nag tatampo base pa lang sa mustra ng mukha. "Oo naman Marikit, pupunta ako bukas." Tugon ko na lamang na hindi inaalis sakanya ang titig. "Hindi ko kaya nakaka limutan ng kaarawan niyong mag kapatid kaya't maasahan mo akong pupunta talaga ako sainyo." Taas-noo ko pang tinig at unti-unti naman naging maaliwalas ang mukha ni Marikit sa sinabi ko.. Sobrang napaka lapit ko talaga kay Marikit at kahit sa kanyang nakakabatang kapatid, na madalas ko sila ang kasa-kasama at ka-kwentuhan. Sa totoo lang talaga, hindi ko naman talaga nakaka limutan ang kaarawan nilang mag kapatid at kahit simpleng okasyon na pinag daraos sakanilang pamilya. "Talaga, makaka punta kana?" Nag nining na lang ang mata ni Marikit at may anong kislap na pag kasabik sa sinabi ko. Lumawak pa lalo ang ngiti sa aking labi na ngayon nakita ko siyang masaya. Sa ngayon talaga, hindi na kami madalas nag sasama ni Marikit. Hindi na namin nagagawa ang mga dati namin nagagawa na mamasyal at kong ano-ano pang mga ginagawa namin noon. Naging abala na kasi ako simula no'ng ikinasal na kami ni Dakila at ang ibang bagay na mga nagagawa namin noon, unti-unti na akong nawawalan ng oras. Nag kikita at paminsan nag kakaroon pa rin kami ni Marikit ng oras na mag kasama subalit limitado na at hindi na kagaya ng mga dati. May pag kakataon rin na sa tuwing nag aaya siya hindi ko rin siya mapaboran dahil abala na talaga ako. "Oo naman, pangako pupunta talaga ako sa kaarawan ng iyong kapatid." "Maraming salamat naman at pupunta ka Ligaya. Aasahan ko talaga iyan ha?" Tumango na lang ako bilang sagot na pinag dikit niya na lang ang kanyang palad. "Kapag hindi ka talaga pumunta bukas, mag tatampo na talaga ako sa'yo." Singit na lang nito na mapa labi na lang talaga ako. "Oo nga, pupunta talaga ako." Giit ko na lamang na makapante naman ito sa sinabi ko. "Sige, isama mo na rin si Dakila sa akin, para lalong masaya." Tinaas-baba pa ni Marikit ang kilay nito na napa iling na lang ako ng aking ulo at pinag patuloy namin ang aming pag lalakad, na napuno lamang iyon ng masayang kwentuhan at tawanan. Maka lipas lamang ng dalawang minuto na aming masayang kwentuhan, naputol na lamang ang pag uusap naming dalawa na marinig na lang ang familiar na boses. "Ligaya." Ang pag tawag sa pangalan ko ang pareho kami matigilan ni Marikit. Hinanap ko kong saan nag mumula ang boses at nakita ko naman si Dolores na abot langit na ang ngiti sa kanyang labi na palapit sa gawi namin. Napaka ganda ng kanyang prostura na pag lalakad, na suot lamang ang maganda at kalidad na mamahalin na damit. Napaka aliwalas naman ng mukha ni Dolores panay ngiti at naka sunod naman sa kanyang likuran ang kaibigan nitong si Hiraya at Benilda. Humawak na lang ako ng mahigpit sa hawak kong basket na kina-tigil naman nila sa harapan namin. Napako na lang ang mata ni Dolores sa hawak kong basket, sabay bawi naman kaagad ng tingin sa akin. "Oh, mukhang pauwi kana ata sa iyong balay, Ligaya.” "Oo, Binibini." Magalang ko na lang na sagot at pasimpleng sinulyapan ang dalawang kaibigan nitong naka tayo sa likuran ni Dolores walang emosyon na pinapakita at hindi ko gusto ang paraan na pag titig nila sa akin. Ewan, hindi ko masabi. Sobrang lamig at sinusukat ako sa paraan ng tingin nila na matalim lamang na hindi ako maging komportable bigla sa kanilang presinsiya. Nag patay-malisya na lamang ako at bumalik ang mata ko kay Dolores na ngayo'y ibang-iba ang aura na pinapakita ngayon. Sobrang aliwalas at panay ngiti niya pa sa akin na hindi niya naman ginagawa sa akin noon. Bakit ganito? Nakakapanibago. Nakapag tataka. Bakit, bigla atang kinakausap niya ako? Bakit, panay ngiti niya na sa akin? Sa totoo lang talaga buong akala ko guni-guni ko lamang ang nakita ko, na minsan na ngumiti sa akin si Dolores, no’ng minsan siyang dumalaw sa balay namin noon. Akala ko nag kataon lamang na maganda ang kanyang mood kaya’t hindi niya ako inaaway. Hindi niya ako sinu-sungitan. At heto’t ngumi-ngiti na naman siya sa akin na labis ko naman talagang pinag tataka nang husto. Anong nangyari sakanya? Bakit, bigla atang umiba ang ihip ng hangin? Nag tataka pa talaga ako sa kanyang kinikilos, na malayong-malayo naman talaga ito sa pinapakita na trato niya sa akin noon. Bakit bigla siyang bumait sa akin? “Sayang naman at pauwi kana pala.” Dugtong naman nito. “Baka gusto mong sumalo muna sa amin ni Hiraya at Benilda.” Paanyaya na lang ni Dolores na pinakita sa likuran nito ang kanyang kaibigan na naka tayo lamang doon at walang kibo na naka pako lang ang mata sa gawi namin. Pinag dikit na lang ni Dolores ang kanyang palad at sa pag kakataon na ito, naging maaliwalas at domoble ang ngiti na sumilay sa kanyang labi. “Mag kakaroon kasi kami ngayon ng salo-salo sa balay namin at inaanyayahan ko rin ang ibang mga kaibigan at mga binibini sa Nayon natin na pumunta doon. Sumama kana Ligaya at isama mo na rin itong si Marikit para masaya,” sa totoo lang talaga, hindi ko alam ang isasagot. Dapat ba kaming sumama na dalawa? Kinagat ko na lang ang ibaba kong labi at dahan-dahan na kina-lingon sa tabi ko ang kaibigan kong si Marikit para huminggi sakanya ng opinyon, sa paanyaya lamang ni Dolores dahil ako mismo hindi ko alam ang sasabihin ko. Kaagad naman akong natigilan, na ngayo’y wala lamang na kibo si Marikit sa tabi ko. Naka pako lamang ang titig lamang niya sa gawi ni Dolores, na masungit at may pag tataray niya kong paano niya ito titigan. Nag pakawala na lang ako ng malalim na buntong-hiningga lamang at binalik ang atensyon ko naman kay Dolores. “Mukhang masaya ata iyan, Binibini subalit salamat na lang sa iyong paanyaya ngunit kayo na lang siguro. Gusto ko man sanang sumama pero kailangan ko pa kasing mag handa para sa aking mga ititinda mamaya.” Pag dadahilan ko na lamang. Mukhang maganda naman na sumama sakanila pero, ewan. Hindi lang talaga ako komportable. “Ganun ba?” Pinalungkot pa ni Dolores ang kanyang tinig sa aking sinabi at hindi na lamang maipinta ang mukha nito. “Ngayon lang ako nag aya sa'yo Ligaya tapos tatanggihan mo pa ang aking paanyaya. Hindi ba pwedeng, huwag ka munang mag tinda ngayon at sumama na lang sa amin muna? Gusto ka rin makilala kasi ng mga kaibigan ko, eh.” Pag kukumbinsi na lamang nitong muli na mas naging malungkot pa ang mukha nito, kaysa kanina. Naging malilikot na lamang ang mata ko at hindi ko talaga alam ang sasabihin ko sakanyang paanyaya. Pasimple ko na lang sinilip si Marikit sa tabi ko, hindi pa rin nag babago ang paraan ng mustra kong paano niya titigan ng malamig si Dolores, iyong titig na pinapatay niya ito sa paraan na titig niya doon lamang. Bakit, ganun na lang katalim ang titig niya dito? “Gustuhin ko man sana Binibining Dolores, subalit hindi talaga pwede eh. Sa susunod na lang siguro.” Wika ko na lamang na matigilan naman si Dolores. Unti-unting nag laho ang lungkot sa kanyang mukha sa aking sinabi at umayos siya ng tindig sa harapan ko at pag katapos nag pakawala lamang ng malalim na buntong-hiningga. “Sige na nga, hindi na ako mangungulit pa sa'yo kong hindi ka talaga makakasama.” Naka nguso nitong wika at hinakbang niya ang kanyang paa palapit sa akin. Humawak naman sa kabila kong balikat kaya’t napa titig na lang ako sa kamah niya. Hindi na maalis ang matamis na ngiti sa labi ni Dolores, na kulang na lang mapunit ang labi nito sa lawak ng ngiti lamang. “Pero sa susunod, sasama kana, Ligaya ha? Sabik na sabik pa naman ang mga kaibigan kong makilala ka ng lubusang.” Tinapik-tapik pa ni Dolores ang balikat kong alangan na lang akong ngumiti. “Sige Ligaya, mauna na kami sa’yo.” Paalam na lang nito at bago pa ako magawang maka sagot nauna nang mag lakad si Dolores paalis, at narinig ko na lang ang yabag ng kanyang paa paalis. Naka sunod naman sakanya ang dalawang kaibigan niya sa kanyang likuran, na kina-sunod ko na lang ng tingin sakanilang tatlo hanggang tuluyan na nga silang maka layo. “Naniniwala ka talaga sa pinag sasabi ng babaeng iyon?” Ang galit na tinig ni Marikit ang mag papukaw sa atensyon ko. Kina-lingon ko naman ng tingin si Marikit na hindi pa rin nag babago ang paraan na expression nito, na malamig at medyo galit na paraan kong paano niya sinundan ng tingin si Dolores at kahit na rin ang mga kaibigan nito kanina. Puno ng galit at talim niya ito titigan na animo’y hindi niya gusto kanina pa ang presinsiya ng mga ito. Hindi na lang ako naka kibo dahil ngayon ko lang nakitang magalit at mainis si Marikit, at masasabi ko talagang hindi niya gusto ang kanyang mga nasaksihan niya kanina. “Ts, inaanyayahan tayong maki-salo sakanila sa kanilang balay kasama ang ibang mga Binibini sa Nayon natin? Pftt." Napa buga na lang ng hangin si Marikit at iniling pa niya ang kanyang ulo, na naiinis at nagagalit na nag hihimutok pa rin. “Patawa talaga siya. Alam naman natin na matagal ng may lihim na galit sa'yo si Binibining Dolores simula pa noon, Ligaya. Naamo'y ko na may masamang binabalak na naman ang babaeng iyan kaya't lumalapit sa'yo!” Giit na lamang nito. "Hayaan mo na Marikit, baka gusto niya lang makipag lapit sa atin.” "Ano? Makipag lapit?" Napa awang na lang ng labi si Marikit sa sinabi ko at hinarap ako, na namula na ang mukha nito sa labi na inis. “Ngayon pa talaga naisip niya iyon, bakit noon hindi niya ginawa, aber? Alam natin pareho na ingit na ingit sa’yo ang babaeng iyon noon pa, kaya lagi ka niyang inaaway eh!” “Marikit,” saway ko na lamang ng mababang tinig at pinanlakihan siya ng mata. “Huwag kang mainggay at baka may maka rinig sa atin, na pinag uusapan natin ang Binibini at baka tayo’y maparusahan niyan.” lumingon-lingon sa kaliwa’t ko para maka siguro na walang maka rinig sa amin ng ibang tao lalong-lalo na tauhan ng Datu. Mahirap na at baka sila’y maparatangan pareho ng kaparusahan kapag nag kataon. “Oh, bakit totoo naman ah?” Depensa na lamang ni Marikit na kinagat ko na lang ang ibaba kong labi at nangangamba ng husto. “At huwag kang matakot Ligaya dahil totoo naman ang sinasabi ko, kaya’t wala ka dapat katakutan. Sila dapat ang matakot sa atin dahil nag sasabi tayo ng totoo… Kaya’t ikaw Ligaya, huwag kang mag padala sa matatamis na salita at pag bait-baitan sa'yo ni Binibining Dolores na iyan, naamo'y ko talaga na may pina-plano talaga siya kaya't ikaw mag-iingat ka sakanya.” Mataray na bigkas na lang ni Marikit na hindi na ako kumibo pa. “Hayaan mo na lang Marikit, baka gusto niya na talaga makipag ayos na. Maganda na rin siguro iyon, hindi ba?” Dugtong ko na lamang. Siguro wala naman masamang intensyon si Dolores. Oo, noon pa man hindi na talaga kami nag kakasundo na dalawa. Noon pa man, alam ko naman na ayaw niya talaga sa akin. Malay natin, nag bago na talaga siya at gusto niya ng makipag ayos. “Ay basta, hindi ko pa din talaga siya gusto.. Ang isang Dolores na napaka sama ng ugali hindi na iyan mag babago, iyan ang tandaan mo Ligaya.” giit na lang nito na may galit pa rin sa mata ni Marikit. “Kahit anong ipakita niyang pag babait-baitan at magandang pakikitungo, hindi ko talaga siya magugustuhan.. Sa tuwing nakikita ko pa nga lang siya eh, kinikilabutan na ako ng husto. Nakaka kilabot talaga siya.” Hinimas na lang ni Marikit ang kanyang mag kabilang balikat pareho at umaakto na kinikilabutan sa presinsiya lamang ni Dolores kanina. Inayos na lang ni Marikit ang suot nitong damit at sabay na tumikhim. “Halika na, Marikit.” Aya ko na lang kay Marikit at alangan na lang akong ngumiti sakanya. Hinakbang ko na ang aking paa pauna sakanya at ramdam ko naman ang pag sunod niya sa akin. Nakaka dalawang hakbang pa lang ako ng paa na maka ramdam ako ng matinding pag kahilo. Bakit? Anong nangyari? Napa pikit na lang ako ng mata ko at umiikot na talaga ang paningin ko. Napa hawak na lang ako ng mariin sa aking ulo at bahagyang matutumba na kaagad naman naka aalalay sa akin bigla si Marikit na napa hawak sa kabila kong kamay. “Ligaya, okay ka lang ba?” Nag aalalang tinig na lang ni Marikit at pinikit ko ng mariin ang mata ko. “Oo, okay lang ako Marikit.” Hinang-hina ko pang pag kakasabi at bigla akong naka ramdam ng matinding pag hihina. “Bigla ka atang namutla. Sigurado ka bang maayos ka lang ba talaga?” Tumango na lang ako bilang sagot kay Marikit. “Oo, dala siguro ito ng matinding init.” Tugon ko na lamang at hindi pa rin siya bumibitaw sa pag aalalay sa akin. “Salamat Marikit, siguro kailangan ko lang ipag pahingga ito saglit sa balay namin. Sige na mauna na ak——-“ “Huwag na.” Pag mamatigas lamang nitong napa tingin ako kay Marikit, na domoble ang pag alala sa kanyang mga mata kong paano niya ako titigan. “Mabuti pang, ihatid na lang kita sainyo at baka mapano ka pa.” “Maraming salamat, Marikit.” Matamlay na lang akong ngumiti sakanya at sabay na naming dalawa, binaybay ang daan pauwi. DOLORES POV Napa pikit na lang ako ng aking mata na malanghap ang masarap na simo’y ng hangin. Naka tayo lamang ako sa loob ng aming balay, at malaya kong pinag mamasdan ang malawak naming lupain at mga taga silbi namin na kanya-kanya ang kanilang mga ginagawa. May nakita rin akong mga tauhan namin na malalaki at nakaka takot ang kanilang mga itsura na naga bantay sa labas at loob ng aming balay, para masiguro lamang na walang makaka pasok na kong sino-sino dahil mahigpit silang nag mamatyag. Hindi ko na namalayan kong ilang minuto na akong naka tayo doon at ang aking mustra ng aking mga mata nanatiling malamig at nakakatakot. Ilang sandali lamang ng katahimikan ramdam ko na lang ang yabag ng paa na huminto sa likuran ko. Yabag ng paa na kaagad ko naman na nakilala. Yabag ng paa na hindi ko na kailangan pang lingunin pa dahil kilala ko na, kong sino iyon. “Nagawa mo na ba ang pinapagawa ko sa’yo, Bughaw?” Gumuguhit na lang ang malamig na aking tinig na naka pako lang ang mata ko sa kawalan, hindi inaatensyonan na lingunin ito sa likuran ko. “Opo, Binibini.” Sagot nitong makampante naman ako sa kanyang sinabi. “Nagawa ko na ang iyong pinag uutos sa akin, naka handa na ang lahat.” “Mabuti na lang kong ganun.” Napa labi ko na lang na wika at unti-unti na lang lumiwanag ang mukha ko. “Siguraduhin mo na lang na walang makaka-alam nito kahit na sino, at kahit na rin si Ama. Sige na, gawin mo na ang iba ko pang pinapagawa ko sa’yo at siguraduhin mo lang na hindi tayo papalpak.” Hindi na kumibo pa si Bughaw at ang pag yuko na lang nito sa likod ko ang palatandaan na nakuha na nito ang aking pinag uutos sakanya. Wala na akong narinig pa na salita pa mula kay Bughaw at kasunod lamang no’n ang yabag ng kanyang paa paalis. Pinag laruan ko lamang sa palad ko ang hawak kong baso na lamang inumin at marahan na sinimsim ang laman. Humahagod sa aking lalamunan ang tamis ng aking ininom na mag pasilay pa lalo ng nakaka lokong ngisi sa labi ko lamang, na nag lalaro ang plano sa aking isipan. Ang mata ko naman nabahiran ng kakaibang talim at galit na naka pako pa rin ang mata sa mga tauhan. “Malapit kanang, mapa sa akin Dakila.” Umarko na lang ang gilid ng labi ko at sumilay doon ang mala demonyong ngisi doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD