Chapter 2

1223 Words
Chapter 2 LIGAYA'S POV "Mukhang malalim ang iyong iniisip, may bumabagabag ba sa iyong isipan, Ligaya?"Napukaw ang malalim kong pag iisip na na mag salita sa tabi ko ang kaibigan kong si Liwayway. Nilingon ko na lamang siya sa tabi ko na may pag aalala ang mata kong paano niya ako titigan. Siya ang matalik kong kaibigan na si Liwayway, isang taon lamang ang tanda ko sakanya at para ko na din itong kapatid. Simpleng suot lamang nito ang medyo may kalumaan na duster na bumagay naman sakanya. Balingkinitan ang katawan ni Liwayway at bilugan naman ang mukha, na simple lamang ang ganda nito. Kayumanggi ang kanyang kutis at kasing itim ng gabi ang mahaba nitong buhok na hanggang likod. "Napagod siguro ako sa pag kukuha natin ng mga gulay kanina." Wika ko pa na tinatahak namin ang daan pauwi. Pareho namin bitbit ang basket laman ng mga inani namin na mga gulay. Dapit alas syete pa lang ng umaga no'n, hindi pa naman gaanong masakit ang sinag ng araw sa aming mga balat at sariwa din ang ihip ng hangin. Nginingitian at binabati na lamang namin ang mga ka baryo namin na nakaka-salubong sa daan. Matapos lamang ng ilang seguhdo na pag babaybay namin sa daan, ramdam ko ang pag sulyap sa akin ni Liwayway na may gusto itong sabihin. "Iniisip mo siguro ang nalalapit na pag iisang dibdib niyo ni Makisig, hindi ba?" Ang salita ni Liwayway ang mag palingon ako sakanya muli. Kay lungkot kong tinignan ang kaibigan ko at hindi naman ako naka sagot dahil tama naman siya. "Hindi ko tunay na iniibig si Makisig, Liwayway." May pait sa salita kong binibigkas ang katagang iyon. Una paman talaga tutol na talaga ako na siya ang aking naka pareha. Siya ang aking papakasalan pag sapit ng ka-pyestahan sa Nayon sa nalalapit na ka-pyestahan. Gusto ko man tumanggi, pero wala naman akong magawa. Wala akong magawa na pigilan ang iisang dibdib namin. "Ayaw ko mag pakasal sakanya, hindi ko kaya.. H-Hindi ko ata kayang mag pakasal sakanya sa nalalapit na ka-pyestahan." Uminit na ang mag kabilang mata ko habang sinasabi ang katagang iyon. Sa kaibigan ko lamang nai-kukwento ang mga bagay na hindi ko masabi sa iba. Sakanya ko lang nasasabi, na lahat ng saloobin at bigat sa dibdib ko. "Alam ko ang nararamdaman mo, Ligaya. Maski rin ako siguro kapag pinag kasundo sa taong hindi ko naman gusto, ganiyan din ang mararamdaman ko." Anito at pareho na kami napa tigil ni Liwayway sa pag lalakad. Hinawakan ng kaibigan ko ang kabila kong balikat, para sa ganun iparamdama niya sa akin, na hindi ako nag iisa. "Liwayway, may alam ka bang ibang paraan para hindi matuloy ang pag iisang dibdib ko kay Makisig? May paraan b-ba para matakasan ko ito?" Maluha-luha ang mata kong tumitig sakanya at natahimik naman si Liwayway. Ayaw ko talaga. Ayaw ko. "Hindi ko alam Ligaya, hindi na natin mapuputol pa kong ano man ang naka gisnan na tradisyon sa Nayon natin." Kinabagsak ko naman ng balikat at sinabi nito at pinang-hinaanan na ako na hindi na ako makakatakas pa sa aming pag papakasal ni Makisig. Gulong-gulo na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. "Ang alam ko lang, kong gusto mo talaga mawala ang bisa ang kasunduan na pag papakasal niyong dalawa ni Makisig, dapat maka hanap ka ng bagong ipapalit sakanya na magigi mong asawa," nagulantang ako sa sinabi ni Liwayway at hindi ako nakapag salita. Dapat maka hanap ako ng bagong ipapalit? Sino naman? ***** Dapit alas tres ng hapon, at mag kasama sila ng kanyang naka babatang kapatid na kumuha ng kahoy na ipang gagatong. Nasa malayo at masukal na kakahuyan na sila, malayo na sa kanilang Nayon at wala kana rin na makikita pang mga bahay sa paligid kundi lamang ang nag tataasan na mga puno at mga damo. Nilakad pa nila ng halos trenta minuto bago lamang maka rating dito. Dito na sila kumukuha ng mga kahoy at iba pa na kanilang kakailanganin. "Bilisan mo na, Lira." Utos kong wika sa aking nakaka babatang kapatid na naka sunod lamang sa likuran ko. Pumulot na rin ako ng mga kahoy na kaya ko lamang bitbitin at siniguro ko talaga na magagandang klase iyon. "Oho, Ate." Tugon naman nito at narinig ko na lamang ang pag sunod nito sa akin sa likuran. Nag patuloy lamang ako sa pag lalakad samantala naman ang kapatid kong si Lira, nag simula na rin pumulot na kaya nitong maidadala. Nag kahiwalay na kaming dalawa sa pag pupulot ng mga kahoy na aming nakita lamang, sa lupa. Medyo malayo-layo na rin ang nilakad ko at natatanaw ko pa naman ng aking mga mata ang aking kapatid na patuloy pa rin sa pag kukuha ng mga kahoy. Naging abala ako sa pag pupulot hanggang, pumunta pa ako sa may pinaka dulo at bibihira lamang namin dalawa puntahan. Natigilan ako sa pag pupulot ng mga kahoy sa lupa nang mahagip ang aking mata ng isang bagay. Bagay na mag paagaw pansin sa akin. Bagay na hindi niya mawari kong ano iyon. "Ano iyon?" Nag tataka kong wika dahil hindi ko gaanong nakita ang isang pulang bagay, sa may pinaka dulo at hindi ko matukoy kong ano ba talaga iyon. Kabado ako na gusto ko pa rin alamin, kong ano ba talaga iyon. Nag patuloy ako sa pag lalakad, na hindi inaalis ang mata ko sa bagay na nakita ko. Nang kusa na akong napa hinto, ng aking mga paa, nagimbal ako sa aking nasaksihan. Nabitawan ko ang hawak kong mga kahoy, hudyat narinig ko na lamang ang nakaka-hindik na pag bagsak no'n sa lupa. Napaka bilis na ang pintig ng puso ko, na hindi ko mawari kong ano ba dapat ang mararamdaman ko, halong sindak, takot at kaba sa aking dibdib sa aking nakita. Ano ito? Nakita ko ang pulang sasakyan na sirang-sira at mukhang naaksidente at basag rin ang salamin na halos, mayupi na iyon sa lakas na pag bagsak nito galing sa itaas. Ramdam ko na ang panunuyo't ng aking lalamunan at mabilis na lumapit sa sasakyan. Una ko kaagad nakita ang isang lalaki na sakay nitong naka yungko sa manibela at hindi gumagalaw. Hinawakan ko ang pintuan ng sasakyan at pilit iyon hinahatak pabukas. Ginamitan ko ng aking lakas ngunit, sobrang tigas no'n na hindi ko mahatak-hatak. Pikit-mata pa ako at sa huling pag kakataon, ginamit ko na ang pwersa ko at matagumpay ko rin iyon nabuksan. Pag bukas ko nang pintuan, una kaagad nalaglag ang kaliwang kamay nito at doon umagos ang malapot na dugo sa kanyang kamay, hanggang sa loob ng sasakyan. Niyugyog ko ang balikat nito pero wala na itong tanda pa ng buhay at base pa lang sa itsura at pananamit nito, hindi iyon taga rito sa amin. "Gumising ka, gising." Hindi ko na alam ang gagawin ko at halos mangiyak-ngiyak na ako na ganun ang tagpong makikita ko. Puno ng sugat at dugo ang katawan nito. "Lira." Sigaw ko pang tinatawag ang pangalan ng kapatid ko na naka alalay pa rin sa katawan ng lalaki. "Lira, tulungan mo ako. Lira!" Mamaos na ako kakasigaw at malilikot na ang mata ko sa labis na takot. Balisa na ako at halos mamutla na, kinakapa ang pulsuhan nito sa parteng leeg nito. Naramdaman kong napaka-hina na lamang ng pulso nito. Buhay siya. Buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD