Chapter 56

4826 Words
Chapter 56 LIGAYA'S POV "M-Mahal." Mahinang tinig ko na lamang na hindi inaalis ang mata sa lalaking naka tayo sa harapan ko. Sapat na napag mamasdan ko ang malapad niyang likod na makompirma kong paano nakaka kilabot ang itsura niya ngayon. Napanatag naman ang kalooban ko dahil nandiyan na siya. May tao nang mag liligtas sa akin. May tao ng kayang protektahan ako sa mga taong gustong manakit sa akin. Kabilang bahagi lang ni Dakila ang napag mamasdan ko, nakita ko ang madilim at nanlilisik niyang mata kong paano niya tignan si Bughaw ngayon. Ilang segundo kong pinag aaralan ang itsura ngayon ni Dakila na walang kibo at hindi pa rin nag babago ang expression na pinapakita at alam ko sa sarili kong hindi niya gusto kong ano man ang naabutan niya. Mariin na lang akong napa lunok ng laway at napa dako naman ang mata ko sa kamay ni Dakila kong saan may hawak siyang matulis na patalim at nabahiran na kong kanino man na dugo iyon. Ano iyan? Dugo ba talaga iyan? Bakit siya may hawak na patalim? May sinaktan siya na tao? Kundi sino? Maraming mga katanungan ang sumagi sa isipan ko ng sandaling iyon subalit nanaig pa din sa dibdib ko ang matinding takot lalo't nariyan pa rin si Bughaw. Hindi pa rin kami ligtas. Tinukod na lang ni Bughaw ang hawak na patalim at tuhod sa patag na lupa ng mariin. Parang naging slow-motion lamang para sakanya na umayos ng tindig, na para bang walang nangyari, na hindi dinarama ang malakas na pag atake sakanya ni Dakila kanina. Lumitaw na lang ang mapag larong ngisi sa labi nito at pomosisyon na siya muli ng kanyang sarili na handa na itong makipag p*****n. Maluha-luha at takot na takot naman ang mata kong sumulyap ng tingin sa gawin ni Dakila, na ngayo'y nanatili pa ring tahimik at kalmado na para bang wala sakanya ang nakaka takot na presinsiya ni Bughaw. DAKILA'S POV Hindi na nag bago ang malamig at matalim na mga mata ko, kong paano ko tignan si Bughaw, na tagos at matalim ang mga mata niyang naka titig sa akin. Palihim ko na lang siyang inobserbahan at kinikilatis ang kanyang sarili, lihim na lang akong napapa ngiti na wala. Mahina ang isang ito. Humigpit na lang ang pag kakahawak ni Bughaw sa patalim at lalong naging determinado ang kagustuhan na mapabagsak ako. Mabilis at maliksi ang pag sugod na pag atake ni Bughaw palapit sa akin at ambang itatarak ang hawak na patalim, na kaagad ko naman inilag ang ulo ko sa mabilis depensa nito. Umapoy na lang sa galit ang mga mata ni Bughaw na hindi niya ako natamaan at naging malakas ang bawat pwersa na atras lang ako nang atras na nakikipag laro lamang sakanya. Sumugod si Bughaw palapit muli at determinado na pinapatamaan ako ng saksak nang paulit-ulit subalit, nalilihisan naman akong nakaka ilag. Pang apat na atake, umikot ang katawan ni Bughaw at malakas ang depensa nitong umatake muling isasaksak na naman sa akin ang kutsilyo na hawak at bago pa iyon tumama sa mukha ko, maliksi naman akong naka kilos at nasangga ko ang atake niya sa patalim na hawak ko. Umigting na lang ang panga ni Bughaw sa galit at napa atras siya ng isang hakbang lamang sa lakas ng depensa sa pagitan naming dalawa. Umipon ito ng lakas muli at patakbo pa siyang umatake sa akin muli na inambang na itarak ang kutsilyo sa mukha ko, pero kasamaang palad naka ilag na lang ako muli. Lumihis na lang ang kamay ni Bughaw sa kaliwang pisngi ko na hawak ang patalim, na pag iwas ko doon sa kanyang pag atake. Tumalim na lang ang aking mga mata, at hindi siya naging handa sa susunod kong atake, na naka ambang na ang kanang kamao ko at sinuntok ko na lang siya nang ubod ng malakas sa mukha kaya't napa atras na lang siya ng kanyang paa palayo sa akin. Tinukod na lang ni Bughaw ang paa niya sa lupa, sa lakas ng pwersa at impact ng malakas kong pag kakasuntok at napa yuko na lang siya ng kanyang ulo at naka pako ang mata sa lupa. Umayos na lang ako ng tindig at mala pilyong ngisi ang pinakawala kong pinapanuod siyang natamaan ko na siya ng suntok, na paraang parang nag iinsulto pa. Pinagalaw na lang ni Bughaw ang kanyang panga at dahan-dahan na umanggat ng mukha. Nag tagpo na lang ang mga mata naming dalawa at sa pag kakataon na ito domoble ang galit at pag lilisik ng kanyang mga mata sa galit. Humawak na lang si Bughaw sa kanyang pisngi, dinarama ang malakas kong pag kakatama na alam ko sa sarili kong, napuruhan ko na nga siya sa malakas na pwersa ko. Lalo lamang dumilim ang kanyang mukha at hindi niya matanggap na naisahan ko siya. Oh ano, masakit ba? Pinosisyon muli ni Bughaw ang kanyang sarili na hawak ang patalim at sa pag kakataon na ito naroon ang panginginig na palatandaan hindi na ito makapag pigil pa. Sumugod siya muli na umatake palapit sa gawi ko at parang hangin kabilis ang kanyang kilos, at sunod-sunod ang kanyang pag atake ng hawak niyang armas. Napaka lakas ng pwersa niya na pinapatamaan sa katawan ko ang hawak na patalim. Umaatras lang ako ng paa ko, nakikipag larong umiilag na lang at hindi ko siya pinapahirapan masyado sa bawat suntok at pakikipag laban ko sakanya. Nasisiyahan pa ako sa mga nangyayari. Hindi ko pa siya ginagamitan ng todong lakas kong sumasagot sakanya sa pag atake ng aking lakas. "Tangina mo!" Sigaw na lang ni Bughaw at inambangan ako ng mag kasunod na suntok gamit ng kanyang kaliwang kamao, na naka ilag naman ako sa kanyang pag atake. Pang tatlo na suntok lamang nito, mabilis ang kilos kong sinangga iyon gamit ng kanang kong braso na lalo pang sumiklab ang galit sa kanyang mga mata.. "Papatayin kitang demonyo ka!" Sigaw na lanang ni Bughaw at imbes magalit, pinakita ko na lang ang mala demonyo kong ngisi sa labi, na wala lamang nararamdaman na anumang takot sa kanyang presinsiya. "Ako, demonyo?" Pag iinis ko pa lalo. "Napaka sarap naman pakinggan iyon, Bughaw. Bagay na bagay sa akin." "Tangina mo!" nilabas na lamang ni Bughaw ang kanang kamay ang hawak na patalim at itatarak niya sa mukha ko ang kutsilyo subalit bago pa iyon tumama, inilag ko na lang ang ulo ko sa kaliwang bahagi. Sumiklab lamang ang inis at iritado sa mga mata ni Bughaw na kanina pa siya hindi nakaka tama. Naging porsigedo at lakas ng kanyang bawat kilos at atake na nararamdaman kong gustong-gusto niya ako patumbahin subalit, hindi niya alam kong papaano. Inambang isasaksak ang patalim muli sa mukha ko subalit, inilag ko na lang sa kanang bahagi na mangalaiti pa ito lalo sa galit. "Putangina talaga!" Umalingawngaw na lang ang nakaka sindak na sigaw ni Bughaw at inipon niya ang buong lakas at pwersa niya sa katawan na itatarak ang hawak na patalim sa mukha ko, na maliksi na niyuko ko ang ulo paiwas sa kanyang atake. Inatras ko na lang ang paa ko, palayo kay Bughaw. Maliksi ang kilos at malalaki ang hakbang niyang nilalapit ang sarili niya sa akin, na itarak muli sa katawan ko ang patalim, na naka iwas na naman ako kaya't sumiklab na lang ang galit sakanya na kanina pa hinsi nakaka tama. Sige lang, mainis ka! Naging kalmado lamang akong umaatras na sunod-sunod ang pag atake ni Bughaw na ginagamitan niya ng pwersa at lakas bawat pag sugod niya sa akin, samantala naman ako nakikipag laro lamang sa kalaban ko. Nakikipag laro na paunti-unti ko siyang pinapagod, at inuubusan ng lakas sa paraan ng pag iwas ko sakanya. Umikot na lang ang katawan ni Bughaw at patalon na lamang na umatake at kanyang pag bagsak tinarak niya ang hawak niyang patalim, na kaagad ko naman iyon sinangga ng kutsilyo na hawak ko. Humigpit na lang ang pag kakahawak ko sa patalim na ngayo'y nakikipag kompitensiyahan ng lakas sa akin si Bughaw na lalo niya pang dinidiinan palapit sa akin ang kutsilyo na hawak. Hindi rin ako nag patalo, na ginamitan ko pa ng lakas ang hawak kong patalim at nilapit ko sakanya kaya't tumindi pa lalo ang tensyon sa pagitan namin. Ilang pulgada na lang ang layo ng mukha namin ni Bughaw sa isa't-isa, uhaw na uhaw siya sa kagustuhan na kitilin ang buhay ko at hindi ko hahayaan na mangyari iyon. Ginamitan ko nang lakas kong, tinulak na lang pabitaw ang kutsilyo namin na mag kasangga. Napa layo ng ilang hakbang si Bughaw sa akin subalit, galit na galit pa rin. "Papatayin talaga kita, Dakila!" "Gawin mo, na. Ang tagal mo!" Pamimilosopo ko pa at hindi naman ako nabigo dahil lalo lamang ito nagalit sa sinabi ko. "Huwag kang makialam dito Dakila, si Ligaya ang kailangan ko!" "Hindi naman halata, hindi ba?" Pag iinis ko pa lalo na umusok na lang ang ilong nito sa iritasyon. "Tangina mo!" Mura nito. "Binibigyan kita ng pag kakataon, na umalis na lang Dakila at huwag makialam dito kundi hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo!" Banta nito na imbes sumunod lalo pa akong napa ngisi sa sinabi nito. Tangina. Inuutusan niya ba ako? Ako na ngayon ang tinatakot niya? Nakaka tawa! "Anong gagawin mo? Papatayin mo ako?" Aniya ko. "Iyon na ba ang kaya mong gawin, Bughaw? Naiinip ako lalo sa'yo, ang hina-hina mo!" Napa anggat na lang ako ng gilid ng labi na matinis na lang itong napa mura sa pag iinsulto ko sa kakayahan niya. Tama naman. Napaka hina niya! "Tarantado ka!" "Dapat kanina ko pa tinapos ang buhay mo kanina pa, dahil mabait ako hindi ko muna wawakasan ang buhay mo. Anong gusto mo, paunti-unti kitang pahirapan sa kamay ko Bughaw, o pupugutan kita ng ulo ngayon? Mamili ka!" Sumilay na lang ang mala demonyong ngisi sa aking labi. Hindi na lang sumagot si Bughaw, ngunit tiim-baga na lamang ito. Naging alerto ang aking pakiramdam na naka posisyon pa siya ang sarili sa harapan ko, walang planong sumagot. Gumalaw na lang ang mata niya at naging matalas naman ako na sinundan kong saan siya naka tingin, at ako'y napa mura na lang na makita na sinulyapan noya ng tingin si Ligaya sa isang tabi. Sumilay na lang ang mapag larong plano na lang sa isipan ni Bughaw na hindi inaalis ang mata sa gawi ni Ligaya, at mabilis niya rin naman binawi at binalik ang tingin sa akin na pamgisi-ngisi pa. Tangina talaga! "Paano ba iyan, Dakila. Paunahan na lang tayo, kong sino ang unang mapupugutan ng ulo ngayon!" Lumawak pa ang ngisi sa kanyang labi, at matinis na lang akong napa mura na mabilis siyang tumakbo sa gawi ni Ligaya at para atakehin ito. Putangina! Maliksi at binilisan ko na lang ang pag takbo ko na hinahabol si Bughaw para pigilan itong saktan si Ligaya. Palapit nang palapit na kami sa kinaroonan nito at bago pa tuluyang maka lapit si Bughaw kay Ligaya inambang niya na ang hawak na patalim at akmang sasaksakin ito. Bago pa tuluyang lumapat ang patalim sa katawan ni Ligaya, inapak ko na lang ang paa ko sa malaking puno sa gilid ko at tumalon na lang akong nag double kick na sinipa na lang si Bughaw nang malakas sa kanyang dibdib, palayo sa gawi ni Ligaya. Tumalsik na lang tumilapon nang malakas ang katawan ni Bughaw pahandusay sa lupa sa malakas kong pag kakasipa ko sakanya. Napaka anggas na lang akong tumayo muli sa lupa na ngayo'y pinapanuod siyang namimilipit ka sa sakit. "Ugh." Ungol na lang nito na maririnig mo na lang daing nito sa kirot. Liningon ko na lang si Ligaya ngayon sa likod kong nanginginig na sa takot at yakap-yakap nito ang kanyang sarili. Lihim ko na lang siyang inobserbahan na ngayo'y nabahiran ng munting galos at sugat ang katawan nito at ang mata'y naman maluha-luha na sa takot. Tangina talaga. Pina galaw ko na lang ang panga ko palatandaan kong gaano ako naiinis sa nangyari lalo't nakita ko siyang nadamay na dito. Hayop talaga! Binawi ko ang tingin ko sa gawi ni Bughaw na ngayo'y paunti-unti niyang tinatayo ang sarili niya sa malakas na pag talsik nito kanina sa pag atake ko. Naka hawak ngayon si Bughaw sa dibdib, iniinda ang malakas na pag kakasipa ko sakanya samantala naman hindi pa rin binibitawan ang hawak na patalim. Matapang ko na lang siyang hinarap at sa pag kakataon na ito ang mata'y ko nakakatakot na. "Tapusin na natin ito Bughaw at ako'y nababagot na sa'yo!" Pinosisyon ko na ang katawan kong mabilis na umatake palapit kay Bughaw. Inambang kong pinatamaan nang sunod-sunod na pag atake ng hawak kong patalim na kaagad naman nakaka iwas si Bughaw. Atras lang siya nang atras at hindi nag kakaroon ng pag kakataon, na sumukli rin ng pag atake kaya't akong napapa ngisi na lamang. Hinanda ko na lang ang kamao kong sinuntok na lang ai Bughaw ng malakas sa pisngi at inikot ko ang katawan kong nag double kick na sinipa na lang ang kamay nito, kaya't tumalsik na lang kong saan ang hawak niyang patalim. Namilog at nabigla na lang si Bughaw, hindi niya inasahan na gagawin ko iyon kaya't sinilid ko muna sa likod ko ang hawak na patalim. Umatake naman ng suntok si Bughaw na naka iwas naman ako sa mabilis at puno ng lakas na mga suntok nito. Unang atake niya kaagad akong naka ilag at kay liksi ng katawan kong pinatamaan siya sa tagiliran nang dalawang malalakas na suntok sa tagiliran, na mapa ungol na lang ito sa sakit. Hindi ko na siya binigyan pa ng pag kakataon na maka ganti, na inikot ko pa ang katawan ko tumalon ako na sinuntok na lang siya nang malakas sa kanyang pisngi kaya't tumalsik na lang ang sariwang dugo doon. Napa atras na lang ng isang paa si Bughaw na ngayo'y may daplis na sugat ang kabila niyang labi na pumutok na iyon sa malakas kong pag kakasuntok doon. Mabilis akong sumugod sakanya na umatake na hinanda niya ang kanyang kamao na itatama sa akin subalit yumuko na lang ako pailag at inambangan siya nang malakas na upper cut, na mahilo na lang si Bughaw sa lakas nang impact. Hindi pa ako nakuntento at pinaulanan siya nang sunod-sunod na suntok sa mukha na tuluyan nang mag hina ang katawan nito. Pang apat kong atake, na hinawakan ko na lang ang kaliwang kamay ni Bughaw at sabay hatak ng malakas kaya't tumama na lang ang malapad nitong likod sa malaking puno. "Ah." Daing na lang nito na ngayo'y bugbog sarado na siya. Hinanda ko na lang ang katawan kong patakbo na lang sumugod sa gawi ni Bughaw na susuntok sana siya sa akin, na maka ilag na yumuko na lang ako sa kanyang pag atake. Pag yuko ko, inambangan ko na naman siya nang malakas na suntok sa sikmura kaya't napa ubo na lang itong nag hihina na tumalsik ang dugo galing sa bibig nito. "Ugh." Ungol na lang nito na humawak ako sa kabila niyang braso at bumitin na lang ako patiwarik sa sanga ng puno at sinabit ko ang panga ko sa sanga. "Hayop!" Sigaw na lang ni Bughaw na hinanda niya na ang kamao na susuntukin ako na dinepensahan ang mukha ko sa paraan ng pag sanga ng braso ko sa kanyang pag atake na balak niyang patamaan iyon. Aatake pa sana si Bughaw nang suntok, at mabilis akong kumilos na hinawakan ko ang kanyang ulo at malakas ko na lang hinampas ang ulo niya sa puno. "Ahh." Walang katapusan na ungol nito, at hinawak ko ang kamay ko sa katawan ng puno at inikot ko na lang ang katawan kong paalis na naka sabit ang paa ko sa sanga. Sa pag kakataon na ito, naka kapit na ang dalawa kong kamay sa sanga na naka bitin doon. Umatake na sumugod muli si Bughaw at bago pa ito tuluyang maka lapit lakas ko siyang sinipa nang kay lakas kaya't napa atras na lang ito sa lakas nang impact. Pag atras niya ng kanyang paa sakto naman, bumitaw ako sa sanga kaya't tinukod ko na lang ang kaliwang kamay ko sa lupa para kumuha ng suporta pag baba ko. Pangisi-ngisi pa akong tumayo na ngayo'y umiipon pa si Bughaw ng lakas muli. Mabilis akong umatake na sumugod sa gawi ni Bughaw at tumalon na lang akong tinuhod siyang pinatamaan sa kanyang dibdib, kaya't parehong tumalsik ang katawan nila pareho. Malakas na tumalsik na lang ang katawan ni Bughaw pabagsak sa lupa, samantala naman ako nag pagulong-gulong ang katawan ko ng dalawang beses at diniinin ko na lang ang kamay at tuhod ko sa lupa para gawing suporta. Ngumisi na lamang ako at umayos ng tindig, mapag larong pinapanuod si Bughaw, na pilit nitong bumabangon sa kanyang pag kakahiya kaya't wala na akong pinalampas pang oras at lumapit sakanya. Bago pa tuluyang maka bangon si Bughaw marahas ko na lang hinawakan ang kanyang buhok at hinila kaya't napa anggat na lang siya ng kanyang mukha. "Ahh." Daing na lang nito sa sakit, sa rahas ng pag kakahawak ko at naka posisyon naman ako sa likuran nito, na hindi pa rin binibitawan ang ang buhok nito. Nilabas ko ang naka kubling patalim sa likod ko at tinatapat na lang ang talim sa leeg nito at walang awa na nilaslas na lang ang leeg ni Bughaw, kaya't bumulwak na lang sariwang dugo na parang gripo na sumisirit. "Uckkk!" Tila ba'y manok na kinakapos na umiingos sa pag hingga na ngayo'y maririnig mo ang napaka sarap na tunog na pinapakawala nito. “Uckk!” Tinig ni Bughaw at hindi pa siya nakuntento, nilapit niya ang mukha niya sa gilid ng pisngi nito at wala siyang awa na naramdaman, na pinapanuod niya si Bughaw na nag aagaw-buhay. “Diba, sabi ko sa'yo pupugutan kita ng ulo bago ka pa maka gawa ng anumang tunog.” Gumilid na ang bakas na luha sa mata ni Bughaw, nag aagaw buhay at pilit na lumaban ngunit marami ng umagos na dugo mula sa kanyang leeg. Inis niyang binitawan ang ulo ni Bughaw na ngayo'y naka dapa na bumulagta na lamang sa lupa na ngayo’y at nangingisay na parang manok na nakikipag laban pa rin sa huling sandali ng kanyang buhay. “Ughck.” Ungol na lang ni Bughaw at hanggang tuluyan ng manigas ang katawan nito at tuluyan ng nalagutan ng hiningga. Umagos na lang ang sariwang dugo mula sa lupa at sarap na sarap siyang nalagutan ito sa kanyang harapan. Humigpit pa lalo ang pag kakahawak niya ng patalim na ngayo'y tumutulo ang bakas ng dugo mula sa lupa at sa isang iglap ang mata niya’y lalong nakaka takot. DOLORES POV Kanina pa ako pabalik-balik na nag lakad sa loob ng aking silid. Pinag lalaruan ang kamay kong, hindi mapakali na pinag papawisan na ang palad ko. Tumingin ako sa kalangitan at ngayo'y wala ng anumang bakas ng liwanag kundi kadiliman na ang lumamon. Napaka tahimik ng gabi at nag lalarong alas otso na ng sandali ng iyon, na makikita mo na lang ang nag kikislapang mga bituin sa kalangitan at napaka liwanag na buwan na mag bigay ng malamig na hangin na pumapasok sa loob ng kwarto ko. Mariin na lang akong napa lunok ng laway, kabado at hindi mapandaugaga lalo't hanggang ngayon wala pa akong balita. Asan kana ba Bughaw? Bakit wala ka pa? Nag pakawala na lang ako ng malalim na hiningga at ang dibdib ko'y naman bumigat na lang na hanggang ngayon hindi pa rin siya dumadating at kahit na rin ang mga tauhan na inutusan ko kanina. Wala pa rin siyang panibagong balita na natanggap sa aking pinag uutos. Asan na ba sila? Bakit ang tagal-tagal nila? Naiinip at pinag halong inis na lang ang naramdaman ko ng sandaling iyon subalit naroon pa rin ang pag kabahala, na hindi ko pa rin nasisilayan ang kanilang mga anino. Umayos na lang ako ng tindig at pilit na tinatatak sa isipan ko na dapat huwag na akong pangambahan, na dapat makampanti lang ako dahil anumang minuto babalik sila. Darating sila. Huwag kang mabahala, Dolores. Tiyak na hindi papalpak si Bughaw at ang mga inutusan mo. Napaka galing nila sa kanilang serbisyo kaya't huwag kang mag isip ng kong ano-ano. Siguro natagalan lang sila. Baka sa pag kakataon na ito, hindi pa sila nakaka balik dahil nililigpit pa nila ang katawan ni Ligaya hanggang ngayon. Ganun nga, Tama nga. Ganun ang kanilang ginagawa kaya't hindi pa rin sila nakaka balik. Dapat maging masaya kana Dolores. Dapat sa pag kakataon na ito, mag diwang kana dahil pag katapos ng gabing, ito wala nang sagabal pa sa pag mamahal mo kay Dakila. Maso-solo mo na rin siya sa wakas. "Akin kana ngayon, Dakila." Pinikit ko na lang ang mata ko at sumagi sa isipan ko ang guwapong mukha ni Dakila. Sa pag mulat ng mata ko, lumitaw na lang ngisi sa labi ko at napaka mapanganib kong mga mata. "Inalis ko na sa landas mo ang asawa mo, Dakila at ako na ang papalit sakanya. Ma so-solo na kita ngayon." Kulang na lang mapunit na lang ang labi ko sa lawak ng ngiti ko. Kinuha ko na lang ang baso sa isang tabi at sinilinan ng masarap na inumin. Kinuha ko na lang ang baso at nilalasap ang sandaling nilalagok ko iyon ng dahan-dahan at ninanamnam ang sandali. Napa tigil na lamang ako na marinig ang mahinang katok mula sa pintuan at hindi na ako nag atubili pang lingunin kong sino iyon na naka harap lamang ako sa malaking bintana, malaya kong pinag mamasdan ang napaka gandang kalangitan. Tatlong mag kasunod na katok ang narinig ko. "Pasok." Bigay ko ng pahintulot na pumasok sa silid ko. Nanatili lamang ako sa aking kinatatayuan, at narinig ko na lang ang mabagal at hindi gaanong mabigat na yabag nito sa sahig. Nakikiramdam lamang ako at alam ko sa sarili kong, hindi iyon ang hinihintay ko ng mga sandaling ito kundi isa ito sa mga tauhan ko. Huminto na lang ang yabag ng paa sa likuran ko, mismo na ilang hakbang lang ang layo niya sa akin. "Binibining Dolores." Boses babae at isa rin sa pinag kakatiwalaan kong tauhan. "May bago ka bang balita ngayon?" Panimula kong tinig at wala akong nakuhang sagot. "Siguro naman magandang ang matatanggap ko ngayong gabi, dahil nag tagumpay tayo, diba? Dapat ipag diwang natin ang gabing ito, Tala." "Hindi po." Unti-unting nag laho na lang ang matamis na ngiti sa labi ko at napalitan ng pag tataka sa kanyang sinabi. Parang naging slow-motion lamang na humarap ako sakanya na ngayo'y hindi na niya magawang tumingin sa akin ng diretso. Takot na takot na ang itsura nito, na namutla na ang labi nito. Pansin ko ang pag lilikot ng kanyang mga mata at halatang kabado na maka sagot ng pag kakamali lalo't alam niya kong paano ako magalit. Tumaas na lang ang kilay kong nag tataray, na lalo pa itong namutla. "Anong, hindi?" May pag didiin at pag tataas pa ng boses ko na maging tensyonado pa ito. Mariin na lang napa lunok ng laway si Tala at umipon ng lakas para sumagot. "May naka rating po sa akin na balita Binibini, natagpuan na pong walang buhay ang mga tauhan na pinadala mo kanina at hanggang ngayon hindi pa rin makilanlan kong sino ang pumaslang sakanila." Ano? Tangina! Paano nangyari iyon? Patay na sila? Imposible! Napaka husay nilang mga tauhan ng aking Ama. Tandyag silang mahuhusay sa larangan ng pakikipag laban at ilang taon silang nag insayo tapos ganito lang ang mangyayari? Naging matapang na lang ang mukha ko at nangangalaiti na sa inis at galit lalo sa naka rating sa akin na balita. Sino ang pumaslang sakanila? Sino? Umayos na lang ako ng tindig at hindi naman sila importante na sa akin. "Si Bughaw? Asan na?" Pinag laruan ko lang sa kamay ko ang hawak na inumin. "Siguro naman nag tagumpay siyang iligpit si Ligaya. Mahusay talaga siya, kaya't siya ang pinaka tiwala kong tauhan sa lahat." Pangisi-ngisi pa ako dahil alam ko ang kakayahan ni Bughaw, hindi niya ako bibiguin. "Masamang balita Binibini subalit patay na rin ho si Bughaw." Nagimbal na lang ako sa aking narinig at ang mata'y ko lalong sumiklab sa gulat sa kanyang sinabi. Hindi. Hindi maaring mapatay si Bughaw. "Napa daan ho kanina ako sa bayan, at nakita kong mag kasama si Dakila at si Ligaya.. Base ho sa itsura ni Ligaya maayos naman po siya at walang natamong anumang galos at sugat." Hindi ko namalayan na sobrang higpit na ang pag kakahawak ko sa baso, na anumang oras babaliin ko na iyon sa higpit na pag kakahawak ko at ang mata ko naman nanlilisik na sa galit. Hayop talaga. Paano nangyaring hindi man lang siya nasaktan? Dapat patay na siya sa pag kakataon na ito. Dapat pinag lalamayan na sa pag kakataon na ito, si Ligaya! Marami pang sinabi si Tala, at lumalabas na lang sa taenga ko ang mga sinasabi niya dahil lamang sa galit na hindi ko matanggap na palpak ako! Naging mabigat na lang ang aking pag hingga, na hindi pa rin humuhupa ang galit at bigat sa aking dibdib. "Anong gagawin natin ngayon, Binibini? Narinig ko po na usap-usapan ngayon ng mga taga silbi, na kumikilos na ang ibang tauhan ng iyong Ama at inaalam kong sino ang nasa likod at anong motibo ng pag paslang sa mga tauha———" "Ahhh!" Malakas ko na lang na tila na sigaw at hindi na ako nakapag pigil pang malakas na lang hinampas ang baso na hawak ko sa pader, na maririnig mo na lang kasunod ang nakaka hindik na tunog na pag kabasag no'n na tumama. Napa takip naman si Tala ng kanyang dalawang taenga gamit ang kamay, halatang takot na takot na hindi niya inaasahan na gagawin ko iyon. Maluha-luha na ang mata niya sa takot at pansin ko rin ang panginginig ng kalamnan niyang tumitig na lang sa gawi kong nag babaga ang mata sa galit. Nangamatis na kapula ang mukha ko at bumaon na ang kuko ko sa laman sa higpit na pag kakakuyom no'n. "Labas!" "P-Po?" Pag uulit nitong tinig, na anumang segundo lulupasay na ito sa pangangatog lang tuhod nito. "Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko, labas! Labas!" Dumaongdong na lang ang alingawnyaw kong sigaw lamang na tinituro ang pintuan. Namutla na ang mukha ni Tala sa takot, na kinilos ang kanyang sarili palabas ng aking silid. Sunod ko na lang narinig ang yabag ng kanyang paa paalis at pag sara ng pintuan na palatandaan, na naka labas na nga ito. Nang masiguro kong naka alis na nga si Tala, inis ko na lang na sinuklay ang buhok ko gamit ang palad, pabalik-balik na nag lakad na hindi pa rin humuhupa ang bigat at galit sa dibdib ko. "Bwisit! Bakit hindi ka mamatay, matay Ligaya! Dapat ikaw ang namatay at hindi si Bughaw!" Inis ko na lang na himutok. Hindi ako makakapayag! Dapat mawala kana sa landas ko, Ligaya! Kong hindi mawala-wala sa landas ko, ako na mismo ang tatapos ng buhay mo! Nakaka takot na ang mga mata ko na nabahiran ng galit at talim iyon na maalala ko ang mukha ni Ligaya, na mag patindi pa lalo ng kagustuhan kong tapusin na ang kanyang buhay! Naputol na lang ang tahimik kong pag iisip, na marinig na lang ang mahinang pag katok na lang sa pintuan ko muli. Tangina talaga. Sino na naman ba ang nag iistorbo sa akin? "Ano na naman ba?" Iritado kong tinig na nag patuloy lamang ang pag katok sa pintuan ko na mahina at paputol-putol lamang. "Tangina, diba pinalabas na kita kanina Tala?" Asik ko na lang na bumaling ng tingin sa pintuan na ngayo'y narinig ko pa rin ang pag katok doon. Nairita at sumasakit na lang ang taenga ko na paulit pinapakinggan ang pag katok na mawala ako sa konsentrasyon. Tiim-baga na lang akong tumitig ng kay talim sa pintuan, at hindi ko namalayan na hinakbang ko na lang ang paa ko at hindi na ako makapag pigil pang saktan siya. Ganito talaga ang gusto mo huh? Sige mag handa ka, Tala! Inis kong hinawakan ang siradura ng pintuan at walang pag aalinlangan na pinihit pabukas iyon. "Bwisit ka talaga. Ano na naman ba, Tal——" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na imbes na si Tala ang bumunggad sa akin, kundi ibang tao. Sandali, Siya? Anong ginagawa niya dito? Paano siya naka pasok dito? Imbes matuwa na siya ang makita ko, kundi kakaibang kilabot na lang ang nanalaytay sa katawan ko na tumitig sa kanyang mga mata na napaka lamig at walang bahid ng emosyon. Napa kurap na lang ako ng mata ko at para siyang nakaka takot na nilalang sa harapan ko. "D-Dakila." Iyan na lang ang nasambit ko kasabay ang pag danak ng malamig na pawis sa katawan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD