Chapter 55

4368 Words
Chapter 55 DAKILA'S POV Isa-isa kong binalingan ng tingin ang limang lalaki sa harapan ko at hindi na maganda ang paraan ng tingin nila sa akin. Pangisi-ngisi lamang sila sa harapan ko at hawak nila ang iba't-ibang armas sa kanilang mga kamay. Pasimple kong pinag aralan at kinikilatis ang kanilang tindig at ayos, at gumuhit sa kanilang mata ang determinasyon na patayin nila ako. Mariin ko na lang pina galaw ang aking leeg at kasunod no'n ang nakaka kilabot kong pag papatunog doon, wala man lang na takot na yumakap sa aking pag katao na isa-isa silang binalingan ng tingin. "Isa, dalawa." Umayos ako ng tindig na nag simula na mag bilang na mapako naman ang mata ko sa lalaking malaking katawan at balbas sarado, at may hawak itong patalim na kutsilyo. Lumipat naman ang tingin ko sa katabi nito na naka suot na kulay itim na kasuotan, na medyo payat subalit matangkad at hawak naman ang kahoy na armas. "Tatlo, apat, lima." Mapag larong pag bibilang ko naman na napa baling sa katabi nitong lalaki na brusko ang pangangatawan na naka suot ng sandong puti at hawak rin ang patalim. Katabi naman nito ang lalaking maraming tattoo sa katawan na walang armas na hawak at pang huli sa lahat ang lalaking, na naka suot grey na kasuotan at hawak naman na patalim. Napaka dilim at sama ng paraan ng tingin nila sa akin, na nag sisiklab lamang ang matinding apoy at kagustuhan na patayin nila ako. Pomosisyon na sila ng ayos lahat sa harapan ko na handa na silang sumabak sa malaking gyera na hindi nag babago ang galit sa kanilang mga mata. Umayos lang ako ng tindig, maanggas at pangisi-ngisi lamang na hindi man lang nasisindak sa kanilang presinsiya subalit nasisiyahan lamang. "Sige na, sugod!" Sumilay na lang ang mala demonyong ngisi sa aking labi at lalong tumalim ang kanilang mga mata. Humigpit na ang pag kakahawak sa kanilang mga armas at pomosisyon na sila sa kanilang mga sarili. Tinukod nila ang kanilang paa sa lupa, mabilis at maliksi ang paraan na pag atake nila pasugod sa gawi ko. "Ah!" Sigaw na lamang ng balbas sarado na lalaki at inamba niyang itatarak ang hawak niyang patalim na kaagad naman akong naka iwas. Inatras ko ang paa ko ng dalawang hakbang palayo at hindi ko inaasahan na maliksi na sumugod ang kanyang kasamahan na naka suot ng sandong puti at itatarak niya ang patalim na hawak na, kaagad kong nahawakan ang kamay nitong may hawak na armas. Hindi ko pa rin binibitawan ang kamay nito, gamit lamang ng kanang kamao sinuntok ko nang malakas sa mukha nito na mapa-ungol na lamang ito sa sakit kasabay na lang ang pag bitaw ko ng kanyang kamay. Maliksi naman na sumugod muli sa gawi ko ang balbas sarado na lalaki, at tumalim pa lalo ang mata nitong puno ng galit na naging determinado lamang na patayin ako. Ambang niyang itatarak sa mukha ko ang hawak na patalim, na kaagad naman akong naka iwas muli. Naging alerto na lang ang aking kilos na nahawakan ko ang kamay nitong may hawak na patalim at gamit ang isa kong kamay siniko ko na lang nang ubod ng kay lakas ang likod ng ulo nito at humigpit pa lalo ang pag kakahawak ko sa kanyang kamay. Pinilipit ko na lang nang kay lakas ang kamay nito na kasunod na lang ang malakas na pag ungol nito sa sakit. Hindi pa ako nakuntento at walang kahirap-hirap lamang na naianggat ang katawan nito sa ire at binalibag ko ang kanyang katawan na sanhi na umikot ng dalawang beses ang katawan nito bago tuluyang bumagsak ang likod nito sa patag na lupa. "Ugh." Ungol na lang ng balbas sarado lalaki na ngayo'y namimilipit na sa sakit na hawak ang parteng likod nito, na iyon ang unang bumagsak ng kay sama sa lupa na walang lakas para bumangon pa. Umaapoy ang aking mata at nakaka takot at naging alerto naman ang pakiramdam ko, na maramdaman ang kasamahan nitong pasugod sa gawi ko. "Mamatay kana!" Sigaw na lamang ng isang kasamahan nito na naka grey na suot na kasuotan at galit na galit ang mata nito. Ambang itatarak sa dibdib ko ang hawak na patalim, na maliksi ang kamay kong kumilos na hinawakan rin ang kamay niyang may hawak na armas. "Tangina mo!" Lalong sumiklab ang mata nito sa galit na gamit ang kanyang buong pwersa at lakas na pilit na nilalapat ang patalim sa dibdib ko, na ilang pulgada na lang ang lapit. Sumilay na lang ang mala demonyong ngisi sa aking labi na ngayo'y pulang-pula na ang kanyang mukha, na humigpit rin ang kamay ko sa kamay nitong may hawak na patalim at nakikipag agawan sakanya. Gamit ang lakas kong, inaalis ang kamay niya sa hawak na patalim at nilalayo iyon patarak sa dibdib ko. Sumiklab lalo ang galit at nanlilisik ang mata ng naka suot na grey na kasuotan, na unti-unti ko nang natatalo ang kanyang lakas kahit na hindi ko man gamitan ng buong lakas ko. Umigting na lang ang panga nito at lalo pang umipon siya ng lakas na tinutulak ang kanyang kamay na mag kabilang naka hawak sa patalim, palapit sa dibdib ko. Ilang pulgada na lang ang layo ng tulis ng kutsilyo sa laman ko at bago pa iyon tuluyan na bumaon sa laman ko, walang kahirap-hirap na binali ko na lang ang kanyang isang kamay na naka hawak kasabay na lamang ng bahagyang pag bagsak ng kanyang balikat na nasasaktan. "Ugh." Impit na ungol na lang nito sa sakit, na kahit hirap na hirap pa, determiado talagas siyang maisakatuparan ang kanyang balak at iyon ang itarak ang hawak na patalim sa dibdib ko. Binaling ko na lamang ng tingin ang naka grey na lalaki, hindi na maipinta ang mukha sa sakit lamang subalit nakikipag matigasan pa rin siya sa bandang huli na gawin ang gusto niya. Lalo ko pang pinilipit ang kamay nitong hawak ko pa rin, na mag pakawala na lang siya ng malakas na sigaw pag katapos. Hindi niya inaasahan na mabilis ang susunod kong pag atake, na hinablot ko sa kamay nito ang hawak na patalim at inambangan nang dalawang suntok nang malakas sa kanyang mukha, na tuluyan na siyang mapa ungol lamang. Huling atake ko, na sinipa ko na lang nang malakas ang kanyang leeg, na tuluyan ng nawalan ng balanse ang katawan nito at hinang-hina na bumagsak na lang sa lupa. Pangisi-ngisi na lang ako na kina-sulyap ng tingin ang naka suot na grey na kasuotan at bahagya na lang lumitaw sa gilid mo ang balbas saradong lalaki na ngayo'y lalong umapoy ang mata nito Gamit lamang ang hawak kong patalim tinapon ko na lang sa ire at sinipa ko nang double kick nang kay lakas ang patalim kaya't lumipad na lamang iyon, patarak sa gawi ng kinatatayuan ng balbas sarado na sampung hakbang ang kayo sa kina-tatayuan ko. Parang hangin lamang kabilis ang pag lipad ng kutsilyo at ilang pulgada na lang ang layo sa mukha ng balbas sarado na lalaki. Mabilis ang kanyang kilos lamang na hawak ang patalim na hawak, sinangga niya ang lumipad na sinipa kong patalim, kaya't lumihis na lang na tumama iyon sa puno sa likod niya lamang at nakaka kilabot na pag tama no'n doon. Sumilay na lang ang mala demonyong ngisi sa aking labi, at hindi ko inaasahan na kaagad niyang madedepensahan ang pag atake ko. Hindi na lang gumalaw sa kinatatayuan ang balbas sarado na lalaki at lumitaw na naman sa gilid ko ang naka kilalabot na itsura ng lalaking suot ang sandong puti, at tinapon niya patarak sa gawi ko ang armas na kutsilyo na hawak na bago pa iyon tumama sa aking mukha na kaagad naman akong naka iwas at nasalo ang ng walang kahirap-hirap ang kutsilyo. Napa kurap na lang ng mata ang lalaking naka sandong puti, halatang gulat na gulat na hindi niya inaasahan na maiiwasan ko ang kanyang pag atake. Naging matalas na lang ang pakiramdam ko, na nakita ko na lang ang pag sulpot ng kanyang kasamahan na lalaki na maraming tattoo sa kanyang katawan. Wala siyang anumang hawak na armas at hinanda na lang niya naka posisyon ang kanyang kamao, na maliksi ang kanyang kilos na pag atake at bago pa tuluyang maka lapit sa akin. Naging mabilis ang katawan kong, tinarak na lang na tinapon angang hawak kong patalim na nasalo kanina at sakto na tumama na lang ang kutsilyo sa kanyang noo, na kadahilanan na napa tigil na lang ito. Namutla na ang mukha ng maraming tattoo sa katawan na lalaki na gumuhit na lang ang matinding takot sa kanyang mukha na umagos na lang ang malapot na dugo mula sa kanyang noo, na naka tarak pa din doon ang kutsilyo. Namanhid na ang katawan ng lalaking maraming tattoo at lupaypay na ang katawan na napa luhod na lang sa lupa, at sunod na lamang tuluyang bumulagta ang katawan nito na pahiga at doon na nalagutan ng hiningga. "Ahh!" Sigaw na lamang na mag kakasunod na sumugod sa gawi niya ang naka suot ng grey, puti at balbas sarado na lalaki at nag salit-salitan sila ng suntok at patake na inaambangan rin siya pinapatamaan ng hawak na patalim at armas nito. Tuluyan niya rin hinaharangan at dine-depensahan ang bawat suntok at pag atake nila sa pamamagitan ng pag iwas at pag sagot niya rin ng malalakas niyang suntok at pag papahirap sakanila. "Putangina!" Sigaw na lang ng naka grey na suot na damit na pinaulanan siya ng mag kabilang mga suntok sa mukha, na kaagad naman siyang naka iwas. Pang tatlong atake nito, kaagad siyang naka iwas at hindi nito alam na naging handa na siya at inambangan niya ng malakas na suntok sa mukha nito kaya't napa atras na lang ito ng dalawang hakbang sa lakas nang impact. Sa likod niya naman naka posisyon na ang sandong puti na lalaki, at naka posisyon na ang kamao na handa ng umatake na itatama na sana ang suntok sakanya, na kaagad niyang napansin ang pag atake nito kaya't mabilis siyang naka iwas. Sunod-sunod ang pag atake nitong mga suntok, na nakikipag laro lamang siya sa mga ito. Pang apat na atake na sana nito sakanya, naka iwas siya muli at sinipa niya na lang nang ubod ng kay lakas ang dibdib nito kaya't napa hawak na lang ito doon na dinarama ang malakas niyang atake. Naka pikit na ang isang mata ng naka suot ng sandong puti kaya't lalo lamang gumuhit sa kanyang mga mata ang determinasyon na pabagsakin ito. Tinukod niya na lang ang paa niya sa lupa at parang kisap-mata na lang ang kanyang kilos na hindi nito inaasahan na mabilis siyang naka lapit dito. Pinaulanan niya na lamang ng mag kakasunod na suntok sa mukha ang lalaki, at pang huli niyang atake kaagad niyang nahawakan ang ulo nito at brutal na lamang na hinampas nang kay lakas sa puno na kadahilanan na bumagsak na lang ang katawan nito sa patag na lupa. Maliksi na sumugod naman sakanya ang balbas sarado na lalaki, ambang sunod-sunod na tinararak ang hawak na patalim na kaagad naman siyang nakaka iwas. Lalo pang sumiklab ang mata nito sa galit at huling atake nito na itatarak ang patalim sa kanyang tagiliran, na kaagad niyang nahawakan ang kamay nito. Walang awa niyang pinilipit ang kamao nitong hawak niya pa rin na may patalim, at gamit ng kanyang isa niyang kamay na hinawakan ang ulo at paulit-ulit na tinuhod na lang ang mukha nito. "Ugh." Ungol na lamang nito sa sakit na lalo niya pang pinilipit ang kamay nito kaya't napa sigaw na lang ito sa sakit kasabay ang pag bagsak na lang ng hawak nitong patalim sa lupa. Hinawakan niya ang ulo na lang ng balbas sarado na lalaki at brutal niyang pinilipit at binali na lang ang leeg nito at tuluyan na itong bumagsak sa patag. Mapag laro na lang ang ngisi sa kanyang labi na pinulot na lang ang kutsilyo na nalaglag kanina ng balbas sarado na lalaki, at bahagya niyang inipit sa likuran niya. Naging nakaka takot na ang kanyang mga mata lamang na nilingon ang naka itim na lalaki at naka suot na grey na damit na naka tayo sa gilid niya. "Ahh." Sigaw na lang ng naka grey na lalaki na ngayo'y nabahiran ng sugat ang gilid ng labi nito sa pag suntok niya doon kanina. Mabilis itong sumugod sa gawi niya para maka ganti sa paraan ng mabilis na pag atake at liksi sa kilos nito na inambangan siya nang mag kasunod na mga suntok. "Mamatay kana!" Sigaw lamang nito na pinaulanan siya ng suntok at umaatras lamang siya na umilag na lang sa bawat atake. Pang huling atake nito na suntok, kaagad niyang nahawakan ang kabilang kamao nito na kina-laki na lang ng mata nito sa gulat. Gamit ang isa niyang kamay malakas niyang hinampas na lang ang kamao nitong hawak niya pa rin at sunod na pinatamaan ang leeg nito kaya't napa daing na lang ito ng malakas. Binunot niya na lamang ang patalim na naka tago sa likod ng kanyang damit at walang awa na pinag sasaksak niya ang kamay nito kasabay na lang ang malakas na ungol nito sa sakit . "Ughh." Sigaw na lamang nitong namimilipit sa sakit na kanyang narandaman at hindi pa siya nakuntento na binunot niya na lang ang hawak na patalim na naka baon sa laman nito at tinarak muli sa kanyang braso at maririnig mo na lang ang nakaka kilabot na sigaw nito na humihinggi ng tulong. Sa pag kakataon na ito binunot at pinag sasaksak niya nang walang humpay ang kamay nitong hawak niya pa rin kaya't sumirit na lang ang malapot na dugo nito sa bawat pag baon at pag bunot niya. Sarap na sarap siyang panuorin na ito'y namimilipit na sa sakit at pag daing nito sa hirap na iyon naman talaga ang gusto niyang panuorin. "Tangina talaga. Ughh." Sigaw nitong iniling na lang ang ulo at hindi niya ibabaling iyon sa sakit na nanunuot sa kanyang balat na walang humpay niyang pinapatamaan ang kamay nitong simirit na ang malapot na dugo. Imbes tumigil, pinag butihan niya pa lalo ang kanyang ginagawa na nakaka takot na ang kanyang mga mata na pinapahirapan pa rin ito.. "Ugh. Tama na! Hayop! Hayop!" Walang humpay na pag sigaw lamang nito at binunot niya ang patalim na naka baon sa laman no'n at nakaka sindak na pag sigaw na lang nito ang iyong maririnig kasunod. Humigpit ang pag kakahawak niya sa patalim at walang awa na lamang na huling atake niya, binaon niya nang ang kutsilyo sa leeg nito. "Ughkk." Hirap na hirap na ungol nitong kinakapos sa pag hingga na sumirit na lang ang malapot na dugo mula sa kanyang leeg at bibig. Naging kakaka takot ang kanyang mata lamang na paulit-ulit niyang binabaon ang kutsilyo sa laman nito, na sarap na sarap naman niyang pakinggan na para itong baboy na kinakapos ng pag hingga. Binunot niya ang patalim sa leeg nito at saka tinarak muli na tuluyan nang nag hina ang lalaki na naka suot ng grey na kasuotan na nauubusan na ito ng dugo. Walang pag aalinlangan niyang binunot ang patalim na naka tarak sa leeg nito kaya't tumalsik na lang ang malapot na dugo nito sa kanyang suot na damit at parteng leeg, na wala lamang sakanya ang bagay na iyon. Binitawan niya na ang kamay ng lalaki, lupaypay at hinang-hina nang bumulagta ang malamig at walang buhay na katawan nito sa patag na lupa. Umagos na lamang ang malapot na dugo nito, na palatandaan kong paano niya iyon brutal na pinaslang sa kanyang mga kamay. Umayos na lang siya ng tindig at pinapanuod na lang ang naka grey na lalaki na naliligo na ito sa sarili nitong dugo. "Ahh, tangina talaga." Mura niya na lamang na bahagyang pinunasan ang daplis na dugo na kumapit sa kanyang leeg at ang mata niya'y naging iritado kasunod. Nilagay niya ang kaliwa niyang kamay sa loob ng kanyang bulsa at binalingan niya ang naka itim na lalaki na may hawak na armas. Naka tayo lamang ito sa gilid at kilabot at takot ang gumuhit sa kanyang mga mata sa kanyang mga nasaksihan kong paano niya brutal na pinatay ang kanyang mga kasamahan na ang iba walang malay at marami. Lumunok pa ang lalaki ng mariin ng kanyang laway, mabilis na sumugod sakanya at hinampas sakanya ang hawak na malaking kahoy. Sinangga niya na lang gamit ang kanyang kamay ang pag atake lamang nito kasunod ang kakaka binging tunog na pag kasira ng kahoy, na wala man lang siyang natamo na anumang galos at sugat. Napa kurap na lang ng mata ang naka itim na lalaki, domoble ang takot at sindak sa kanyang mga mata na ngayo'y naka tayo pa siya at hindi man lang ininda ang malakas niyang pag hampas dito. Naging malilikot ang kanyang mga mata nito sa takot na ngayo'y nasaksihan niya ang kanyang mga mata na mala demonyo na ito sa dilim kaya't napa atras na lang siya ng isang hakbang palayo. Dumanak na ang malamig na pawis sa buong katawan ng lalaki at hindi siya naging handa sa susunod niyang gagawin na mabilis niyang sinakmal na hinawakan ang leeg ng lalaki, at walang kahirap-hirap na inanggat ang katawan nito sa ire. Domoble ang sindak at takot sa kanyang mga mata na ngayo'y buong higpit siyang naka hawak sa leeg nito na kinakapos na ito sa pag hingga. "Ugh." Ungol na lang nitong hindi maka hingga ng maayos. Lumitaw na lang ang nakaka takot niyang itsura at walang kahirap-hirap lamang na tinarak niya ang hawak na patalim sa leeg nito, na kina-lawak pa lalo ng ngiti sa kanyang labi. Namula na ang mukha ng lalaki at binaon pa niya lalo ang talim ng kutsilyo sa laman nito na sanhi, umagos na lang ang malapot na dugo sa leeg nito. Walang awa ang bumahid sa kanyang mga mata na hinugot niya na lang ang patalim sa leeg nito na maririnig mo na lang ang nakaka kilabot na tunog pag katapos. Hindi pa siya nakuntento tinapon niya na lang ang walang buhay na katawan nito na kay lakas at humampas na lang na tumama sa malaking puno. Kasunod na lang ang nakaka hilakbot na tunog ng pag bagsak ng katawan nito sa patag na lupa, na dilat na dilat ang mga mata nito. Napa anggat na lang siya ng labi at pinasadahan niya na lang ng tingin ang limang lalaki na napabagsak niya na hindi man lang siya natamo ng anumang sugat at galos sa pag atake ng mga ito. Iniling niya na lang ang kanyang ulo, na minamaliit ang kakayahan ng mga ito at hinakbang niya ang paa niya paalis na iyon na kahit ika’y mismo kikilabutan sa madilim at nakakatakot niyang mga mata. LIGAYA'S POV Dumaplis na lang ang pinag halong pawis at luha sa aking mata at leeg. Nabahiran ng dumi, galos at sugat ang aking katawan na wala pa ring tigil na tumatakbo ng mabilis. Hawak-hawak ko ang kabila kong braso para pigilan lamang na umagos ang dugo doon, na hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang hapdi at sakit sa malaking pag kakahiwa doon. Malilikot na ang aking mga mata, takot na takot na binaling ko na lang sa kaliwa’t-kanan na wala akong makitang ibang tao. Wala akong makita na mahingan ng tulong. Sa bawat segundo at minutong lumilipas, lalo lamang bumibigat ang aking dibdib na wala akong makitang ibang tao sa paligid at kinakain ng takot sa aking puso na dumidilim na ang paligid. Tanging huni na lang ng ibon at ibang mga hayop sa paligid na yumakap na lang ang kilabot sa aking puso lalo’t wala na masyado na liwanag sa kalangitan. “M-Mahal.” Impit ko na lamang na pag iyak na takot na takot na binilisan ko pa lalo ang pag takbo ko na walang katapusan lamang na umaagos ang luha sa mga mata ko. “M-Mahal, asan kana?” Garalgol ko na lamang na tinig at nanikip na lang ang dibdib ko lalo’t katahimikan ang sumalubong sa akin. Asan kana ba, mahal? Kailangan kita ngayon. Tulungan mo ako. Ayaw ko na dito. Parang gripo na lang na umaagos na pumapatak ang luha sa mata ko at ramdam ko na ang pananakit ng aking paa na walang humpay na tumatakbo lamang. Nang mapagod na ako, huminto na lamang ako sa isang tabi at kinakapos sa pag hingga na napa hawak na lamang sa puno. Mariin akong napa lunok ng laway at pakiramdam ko, naubusan na ako ng laway sa lalamunan sa ilang minuto na akong tumatakbo palayo. Luminga ako sa paligid, takot na takot lalo’t hindi na sa akin familiar kong ano man ang nakikita ko ngayon. Hindi ko alam kong asan na ako. Hindi ko alam kong saan na ako pupunta. Hindi ko alam, kong paano na ako makaka alis sa lugar na ito. Ilang segundo akong naka tayo doon, umiipon ng lakas ko muli at napukaw na lang ang katahimikan na mag bigay kilabot na lang sa puso ko na marinig ang nakaka kilabot na pag apak ng paa sa tuyong sanga. Naging alerto ang aking pakiramdam at yumakap na lang ang panlalamig sa katawan ko dahil nandiyan na siya. Naabutan niya ako. Paano na ito? Nanginig na lang ang katawan kong takot na takot na lamang na kumaripas ng takbo ulit. Lalo pa akong nagimbal na marinig na lang ang mabigat na yabag ng paa na hinahabol ako. Pabilis nang pabilis ang kanyang pag takbo para maabutan lamang ako. Para siyang mabangis na hayop na sasakmalin na lang ako anumang minuto kaya’t mas binilisan ko pa lalo ang pag takbo ko. Lumayo ka. Lumayo ka sa akin. Ayaw ko na. Umalis kana. Sigaw na lamang ng isipan kong umaagos ang luha sa mata ko na mas binilisan ko pa lalo para hindi niya ako maabutan. Pabigat na nang pabigat ang pag hingga ko sa lalo’t ayan na siya. Ramdam kong ilang hakbang na lang siya palapit sa akin kaya’t lalo pa akong napa hagolhol ng pag iyak lamang. Maabutan niya na ako. Malapit na siya sa akin. “Lumayo ka sa akin, l-lumayo ka.” Hagolhol ko na lamang na pag iyak na pabigat nang pabigat ang yabag ng paa sa likuran ko at sa pag kakataon na ito naging determinado na maabutan niya ako. Nakaka kilabot ang yabag ng paa nitong tumatakbo na hinahabol ako na mag paiyak pa lalo sa akin. “Lumayo ka sa akin! Lumayo k——-“ hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na napa ungol na lang ako na may marahas na humablot na lang sa buhok ko ng marahas na mangilabot ako. “Ahhh!” Malakas kong tili na sigaw at hindi ako naging handa sa susunod niyang gagawin na napadali lamang sakanya na binalibag ang katawan ko na parang papel at kay lakas na lang humampas sa malaking puno. Napa daing na lang ako nang malakas at buong pwersa na lang na tumama ang katawan ko, na namilipit na ako sa sakit. Nag pagulong-gulong na bumagsak na lang ang katawan ko ng dalawang beaes patag at mabato na lupa at kasabay na lang na malakas na ungol na tumama na lang ang tyan ko sa malaking bato na mamilipit ako sa sakit. “Ahh.” Impit na sigaw ko sa sakit lalo’t para na akong bulate na namimilipit na hawak-hawak ang tyan ko. Namula na ang aking mukha na nanunuot sa kalaman ko ang sakit, na diniin ko pa lalo ang pag kakahawak doon at baka maka tulong na maalis ang hirap na nararamdaman ko subalit hindi pa rin iyon nakaka tulong. Mahina na lamang akong umiiyak ng tahimik at wala ng lakas pang bumangon sa pag kakahiga sa patag na lupa. Tumindi pa lalo ang kirot ng katawan ko na bugbog sarado na at ramdam kong lalong nadagdagan ang galos at sugat sa katawan ko. Hinang-hina na tinukod ko na lang ang kamay ko sa lupa na bangon para maka takas muli. Para matakbuhan ko siya muli subalit, pilit ko man ginagalaw ang katawan ko lalo lamang akong napa napapa ngiwi sa humapdi pa lalo ang sugat sa katawan ko. Mariin na lang akong napa lunok ng laway at inipon ko pa ang natitira kong lakas para maka bangon sa pag kakahiga, subalit napa tigil na lang ako na huminto na lang ng pares ng paa sa gilid ko. Nanginig na lang ang katawan ko at unti-unti kong inanggat ang aking ulo para tignan kong sino iyon at lalo lamang akong napa iyak na tama nga ako. Si Bughaw iyon. Nangilabot na lang ako nang husto lalo’t abot taenga na ang ngisi sa labi ni Bughaw na pinapanuod niya akong nasisiyahan na nahihirapan sa harapan niya. “Huwag kanang pumalag pa Ligaya.” Pinag lalaruan sa kamay nito ang hawak na patalim at bumigat na lang lalo ang pag hingga ko. “Ito ang pinaka gusto ko sa lahat ang pinahirapan muna ang mga laruan ko, bago ko sila tuluyang patayin!” Mariin na lang akong napa lunok at napa kurap na lanh ako ng mata na nilabas pinosisyon na lang nito ang hawak na patalim. Ito na ba iyon? Ito na ba ang katapusan ko? Humigpit ang pag kakahawak ni Bughaw sa armas at maliksi siyang umatake pasugod sa akin, at para na lang iyon kisap-mata kabilis. Umagos na lang ang bakas na luha sa mga mata ko at huli na lang natandaan, na tumalsik na lang ang katawan ni Bughaw bago paman tuluyan maka lapit sa akin. Nag pagulong-gulong na lang na bumagsak ang katawan ni Bughaw sa lupa at tuluyan na akong nanghina sa aking mga nasaksihan. Tumambad na lamang sa harapan ko ang isang lalaking naka tayo at nakaka takot ang kanyang aura at dating. Naka talikod siya sa akin, kaya’t ang malapad niya lang na likod ang nakita ko at wala sa sariling napa takip na lang ako ng aking bibig para pigilan na mag pakawala ng impit na iyak sa aking bibig na makompirma kong sino iyon. “M-Mahal.” Wika ko na lamang at kasabay ang pag patak ng luha sa mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD