Chapter 28

2385 Words
CHAPTER 28 LIGAYA'S POV Nagising na lang ako na walang kadahilanan sa kalagitnaan ng gabi. Umupo na lang ako sa papag na sinasapo na lang ang mukha ko, na nilingon ko naman si Dakila sa tabi ko na mahimbing pa rin na natutulog. Hindi ko alam kong anong oras na nang sandaling iyon subalit malalim na rin ang gabi na tanging huni ng mga hayop at kuliglig na lang ang maririnig mo sa ikalaliman ng gabi. Nilamon na nang dilim ang kwarto naming dalawa, na wala kana rin makikita pang anumang bakas ng ilaw kundi lamang sa liwanag na nag mumula sa buwan na pumapasok sa aming silid. Mainggat na ang akong bumaba sa papag na maka ramdam ako ng matinding pag kauhaw na lamang. Mabagal at puno ng pag iinggat akong nag lakad hanggang naka punta na ako sa maliit na kusina namin para maka-inom na. Nang maka rating na ako doon, kumuha ako ng baso at sinalinan iyon ng tubig. Pag katapos iniinom ko na ang laman na, kaagad naman nahimasmasan ang lalamunan ko na humahagod sa lalamunan ko ang preskong tubig. Nang matapos na akong uminom nilagay ko na ang baso sa lababo at nag lakad na ako pabalik sa silid namin ni Dakila para ibalik muli ang sarili ko sa mahimbing na pagkaka tulog. Hinawi ko na ang kurtina ng silid namin at nag lakad na ako papasok. Aakyat na sana ako sa papag para maka tulog na, ngunit kaagad naman akong natigilan ng makita ko si Dakila na pabaling-baling ang kanyang ulo at kasabay ang mahinang ungol na pinakawala sa bibig neto. Kaagad naman naagaw ang pansin ko na ngayo'y dumanak na ang malamig na pawis sa noo ni Dakila at ang kanyang pag hingga naging mabigat na rin na para bang nag kakaroon siya ng masamang panaginip. Lumapit na ako kay Dakila at mahina lamang na niyugyog ang kanyang balikat para gisingin ito dahil iba na ang kanyang kilos na pabaling-baling lang ang kanyang ulo. "Mahal," mahinang tawag ko na lang sakanya na hinawakan ang kanyang balikat para gisingin na ito. "Hindi, H-Hindi," iyan lang ang paulit-ulit niyang sinasabi sa panaginip, na dumaplis na ang pawis sa kanyang leeg. "Mahal gising. Maha-----" "HINDI!" malakas niyang sigaw sabay na napaupo na lang si Dakila sa aming papag. Naging mabigat na ang kanyang pag hingga na tila ba'y hinahabol na siya dahil kinakapos na. Wala sa sariling hinawakan ko na lang ang balikat ni Dakila para pakalmahin siya ng mga sandaling iyon. "Maha------" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa na tinabig niya na lang ang kamay kong naka hawak sa kanyang balikat, na kamuntik na akong tumalsik sa lakas ng kanyang pwersa at lakas. "Ano ba!" Nag bigay takot sa dibdib ko, na dumaongdong na lang ang nakaka hindik niyang sigaw sa loob ng silid namin. Mabuti na lang talaga at na kontrol ko pa ang sarili ko na hindi matumba sa lakas nang kanyang pwersa na pag kakatulak sa akin. Kumalabog na lang ng napaka lakas ang dibdib ko na ngayo'y naka tingin sa mukha ni Dakila na kahit madilim ang silid namin, malaya kong nakita ang kanyang mata'y nanlilisik sa galit. Ang kanyang mga mata'y kakaiba at nakaka takot, na para bang ibang nilalang itong kasama ko. Sa tanang buhay ko doon lang ako dinapuan ng matinding takot at kilabot sa aking kalamanan na hindi inaalis ang mata ni Dakila na naka tingin sa akin, na makita ko ang makapanindig balahibo niyang pag katao. Pakiramdam ko, ibang tao na ang kasama ko sa silid na ito. Parang hindi si Dakila iyon kundi ibang tao sa ibang katauhan. Hindi pa rin humuhupa ang matinding lakas ng t***k ng aking puso lamang at aaminin kong nangatog na ang tuhod ko sa pag kabigla lamang, na hindi ko inaasahan na magagawa niya iyon sa akin. Magagawa niya akong itulak na ganun kalakas. Gumuhit na lang ang matinding takot sa mga mata ko, na kahit ako mismo hindi ko na magawang igalaw pa ang katawan ko sa labis na takot at trauma sa kanyang ginawa. "Mahal, ako ito.” pag papakilala ko lamang na mababang tinig at bumaling ng tingin sa akin si Dakila na hindi pa rin nag babago ang expression sa kanyang mga mata. Tumiim-baga na lang siya sa akin at hindi pa rin maalis ang mabigat na pag hingga nito at nanlilisik na ang kanyang mata sa galit. Mariin na lang akong lumunok ng laway sa lalamunan ko ang mata ko naman nabahiran ng takot at pag ningning na hindi inaalis ang mata ko sakanya. "Mahal ako ito, si Ligaya." Wika ko na lamang na wala sa sariling napa-sapo na lang si Dakila ng kanyang mukha at pag katapos bumaling ng tingin sa akin. Ang kanyang mga mata'y nanlilisik unti-unting nag laho. Ang makapanindig balahibo at madilim niyang aura at biglang napawi na lamang at ngayo'y ibang tao na ang nasa harapan ko na ngayon. Biglang naging kalmado at nawala ang mabigat niyang pag hingga kaya’t wala sa sariling hinakbang ang paa ko palapit sakanya. "Okay ka lang ba, mahal?" mababa ko na lang na tinig wala akong nakuhang anumang sagot mula kay Dakila. "Ipag kukuha lang kita ng tubig, sandali dito ka lang maha----" akma sana akong aalis, na hindi ko na naman nataposa ng sasabihin ko nang kinulong niya na lang ako sa kanyang bisig na labis ko naman kina-bigla. Yumakap lang si Dakila sa baywang ko at sinandal niya naman ang ulo neto sa aking dibdib na para ipag pahingga muna ang sarili niya saglit. Wala akong narinig na anumang bigkas na salita mula kay Dakila at pinakikiramdaman ko lamang siya ng sandaling iyon pero ito lang ang madmanaman ko na ayaw niyang bumitaw sa akin ng sandaling iyon. Ano ba kasi ang nangyari sa’yo, Dakila? ** "Mahal nag luto ako ng prinitong isda na paborito mo," wika ko na lang na hawak ko ang pinggan laman ng prinitong isda na ginawa kong almusal naming dalawa. "Dinamihan ko na niluto ngayon para may babaunin ka mamaya sa trabaho mo, at dinagdagan ko na iyan na nilagang okra iyan." tuloy-tuloy ko na lang na tinig na kina-upo na lang ang sarili ko sa bakanteng silya na kaharap niya lang para makakain na, sabay lapag ng pinggan na hawak ko sa lamesa laman ng ulam namin. Kinuha ko na ang pinggan para mag sandok ng kanin at hindi pa natapos doon ang kwento ko. "Mamaya pala, mag titinda muli ako sa bayan at baka hapon na ako maka-uwi n-----" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang mapako na lang ang atensyon ko kay Dakila na kanina pa tahimik sa harapan ko. Tahimik lamang siyang naka-upo sa harapan ko na para bang napaka lalim ng kanyang iniisip. Simula no'ng umupo siya kanina sa silya, wala na akong narinig pa na anumang sasabihin kay Dakila at ang kanyang mga mata naman puno ng lamlam at seryoso ang mga iyon. Kakaiba na ang kanyang kilos at maya’t-maya ko na lang siya napapansin na para bang wala siya sa sarili. "Mahal? Mahal?" pukaw ko na lang sakanya at nabalik naman sa realidad si Dakila sa pag tawag ko. "Ano iyon, Mahal?"Nag tagpo ang mga mata namin at umayos ako ng pag kakaupo. “Kanina pa ako nag sasalita dito, at mukhang tulog pa ang isipan mo. Okay ka lang ba? Hindi mo ba nagustuhan ang ginawa kong almusal ngayon?" Napa kurap naman ng mata si Dakila sabay baling ng hinanda kong almusal para sa aming dalawa, sabay sagot. "Hindi, hindi. Gusto ko, mahal." Tugon naman nito muli na mahimasmasan naman ang sarili ko sa sinabi niya. Sinapo na lang ni Dakila ang kanyang mukha at sinandal ang kabilang siko sa lamesa at ang kanyang mga mata'y naman puno ng mga katangunan na para bang naguguluhan, na hindi ko maipaliwanag kong bakit ganun ang inaakto niya. “Ipag paumanhin mo, hindi lang talaga ako naka tulog masyado ng maayos matapos no'ng magising ako kagabi. Napaka sama lang talaga ng panaginip ko," pag bubukas niya na lang ng usapan. “Ano naman iyong panaginip mo?" puno ng kuryusidad ko na lang na malaman kong ano nga ba talaga ang napanaginipan niya kagabi at bakit parang masama, ata? Hindi ko rin maipaliwanag pero gusto ko lang talaga alamin kung bakit, ganun na lang kalamig ang kanyang mga mata? At kong bakit parang ibang tao ang nakita ko sa katauhan niya kagabi? Sa tuwing pinipikit ko na lang ang mata ko at naalala ko ang malamig at nakakatakot niyang itsura na, hindi ko mapigilan ang sarili ko ang mabahala at mag tanong rin sa sarili ko. Parang ibang tao talaga ang nakita ko kagabi. Ibang Dakila ang nasaksihan ko, na ayaw ko nang makita pa ang mga mata’y nitong umaapoy na sa galit. Matang nag bibigat takot sa dibdib ko. "Hindi klarado sa akin mahal ang pangyayari pero ang natatandaan ko, naka sakay ako sa parang isang sasakyan na ngayon ko pa lang nasaksihan a-at parang may humahabol sa akin." ang salita ni Dakila ang mag bigay pangamba sa dibdib ko. Ito na ba? Ito na ba ang pag babalik ng ala-ala niya? May takot na lang ang namuo sa aking dibdib ng kanyang pag kakabigkas na salita at mariin na lang akong napa lunok na lang ng laway. “Napaka bilis ng pangyayari at may narinig pa akong malalakas na mga putok, tapos… tapos..” pag aalala niya na lang sa kanyang panaginip at bigla siyang tumigil saglit. Naging bukas ang taenga at sarili ko na pakinggan ang susunod niyang sasabihin para kumuha ng impormasyon sakanya. "Tapos? Ano pa ang napaginipan mo? May nakita ka pa bang iba sa iyong panaginip?” Sunod-sunod ko naman na tanong na kina-iling naman ng ulo ni Dakila bilang sagot. “Wala na, naputol na doon ang panaginii ko at wala na akong matandaan pa, mahal.” Pag tatapat na lang nito na mariin na lang pinikit ni Dakila ang kanyang mga mata para alalahanin lang ang pangyayari sa kanyang panaginip, ngunit bahagya siyang napa ungol ng mahina na sumakit na naman ang kanyang ulo. “Ahh," mahinang daing niya na napa pikit na lang ng mata na kumikirot na lang iyon kapag pilit niyang inaalala ang pangyayari. Hinawakan ko na lang ang kamay ni Dakila na naka patong sa lamesa at bahagyang pinisil iyon. "Huwag mo na munang pilit alalahanin mahal, at baka maka sama pa sa’yo.” mababa kong tinig na mapa mulat naman ng mata si Dakila pero nandon pa rin ang pananakit ng kanyang ulo ngunit tinitiis niya lamang. “Babalik na lang ala-ala mo sa takdang panahon at maalala mo rin ang lahat.” pinisil ni Dakila ang kamay kong naka hawak kaya’t wala sa sariling napa tingin na lang ako sakanya. “Siguro mahal, napaka rami na natin na napag saluhan na mga magagandang ala-ala bago tayo mag kakilala at pano nag simula ang pag ibigan natin.” Pag bibitin na lang nito ng sasabihin na may kong akong sigla at ningning ang mata niya, na sinasabi ang bagay na iyon. “Hindi na ako makapag hintay na bumalik na ang ala-ala ko mahal, para sa ganun maka bawi naman ako sa’yo.” Tugon na lang nito na may kong anong kirot naman sa dibdib ko sa katagang sinabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam ang idudugtong ko sa sinabi niya. Handa kaya akong dumating ang araw, na malaman mo na ang totoo? Hindi pa ako handa. Hindi pa ako handa na dumating ang araw, na bumalik na ang iyong ala-ala. “Oo, ako rin mahal. Hindi na ako makapag hintay na bumalik na ang ala-ala mo.” May pait na lang na gumuhit sa aking labi na binigkas ang katagang iyon, na gumuhit na lang ang lungkot at sakit sa aking mga mata na tumitig na lang sa mukha ni Dakila. DOLORES POV Napaka ganda ng araw na iyon para sa akin na hindi na maalis ang matamis na pag ngiti ko habang nag lalakad mula sa aming palikuran. Parang mga bulaklak lamang sa aming harden kaaliwalas at kay ganda ang mustra ng aking mukha na binabaybay na nag lalakad. "Mukhang maganda ang iyong araw, Binibini," puna na lang ni Bughaw na mag patamis pa lalo ng ngiti sa labi ko na naka sunod siya sa likuran ko. "Parati naman, Bughaw," "Dahil ba ito Binibini sa iyong Ginoo na iyong nagugustuhan?" Ang salita nito ang mag bigay lakas loob sa aking dibdib. “Oo, at ako'y nabighani talaga sakanya, Bughaw at hindi na ako makapag hintay pa na mag tagpo muli ang mga landas namin." Pinag siklop ko na lang ang aking palad. "Nalaman mo na ang pangalan ng Ginoo?" "Sa ngayon, hindi pa Bughaw ngunit madali lang para sa akin na malaman ang kanyang pangalan," taas-noo ko pang wika. “Hindi ko alam kong bakit ako nabighani sakanya ng ganito na hindi na siya maalis-alis sa aking isipan kahit may naka takda na sa akin.” "Dapat huwag niyo rin alisin Binibini sa iyong isipan ang iyong katungkulan sa Nayon natin at posible rin na magalit ang iyong Ama kapag nalaman niyang nag puslit kang lumabas muli sa balay kahapon para lang hanapin ang Ginoo, na iyong napupusuan..” ang salita ni Bughaw ang mag patigil sa aking pag lalakad at sa isang iglap nag laho naman ang matamis na ngiti sa labi ko. Tumigil rin si Bughaw sa pag sunod sa akin nang matigil ako na may agwat lamang na dalawang hakbang siya naka posisyon na layo, na naka tayo sa likuran ko. "Walang malalaman ang aking Ama, Bughaw kong ititikom mo rin ang bibig mo sakanya," mariin na asik ko na lang na hindi na naging maganda nag timpla ng mga mata ko. “Huwag kang babangit ng kong ano sakanya lalong-lalo na sa katauhan ng Ginoo na aking napupuusan ngayon. Nag kakaintindihan ba tayong dalawa?” May pag diin sa aking tinig na kina-yuko naman nito sa likuran ko. “Masusunod po, Binibini.” Umayos na lang ako ng tindig lamang at sumilay na lang ang matamis na ngiti sa aking labi na maalala ang guwapong mukha ng Ginoo. Hindi na ako makapag hintay pa sa susunod na pag kikita nating dalawa, Ginoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD