Chapter 29

4085 Words
Chapter 29 LIGAYA’S POV Napaka ganda ng panahon ng sandaling iyon, kulay asul ang kalangitan at may makikita ka pang mga ibon na nag sisiliparan. Masarap din ang simo’y ng hangin na kusa na lang tinatanggay ang aking mahabang buhok at suot na off-shoulder dress sa ihip habang binabaybay ko ang daan. Nakaka salubong ko naman ang ilan sa mga ka-Nayon namin na nginingitian ko at sinusuklian rin ng matamis na pag bati na maka salubong ko sila sa daan. May mga nakikita rin akong mga batang masayang nag lalaro, na hindi na maalis ang matamis na ngiti sa kanilang labi. Inipit ko na lang sa likod ng taenga ko ang ilang hibla ng buhok ko at pinag patuloy sa pag lalakad habang sa kaliwang kamay, bitbit lamang ang abacca na gawa sa basket. Dapit alas dyes pasado pa lang ng umaga at medyo hindi naman nakaka paso ang sinag ng araw, na tumatama sa balat ko dahil na rin sa matatayog na puno sa paligid. “Ligaya.” Ang masaya at familiar na boses na lang ang mag pahinto sa akin sa pag lalakad. Nakita ko na lang ang kaibigan kong si Liwayway na abot langit na ang ngiti sa kanyang labi at nag mamadali na itong lumapit sa akin. “Oh, ikaw pala Liwayway, magandang umaga.” Pag bati ko naman sakanya na hinigpitan ang pag kakahawak ko sa basket na humarap naman sa kaibigan ko. “Saan ka pupunta?” Naitanong ko na lang sakanya na tumabi naman ang kaibigan ko sa akin, at sabay namin binabaybay ang daan na mag kasama. “Ahh, pupunta lang naman ako sa bayan dahil may bibilhin pa ako pangangailangan sa pananghalian namin.” Kina-tango ko maman ang sagot ng kaibigan ko at hindi ako naka ligtas sa pag suri niya sa akin. “Ikaw, saan ka pupunta? Mag titinda ka ba ng mga kakanin sa bayan muli?” Ang mata naman ni Liwayway napako na lang sa basket na hawak ko, sabay iling naman ng ulo ko para bilang sagot sa tanong niya. “Hindi.” Dugtong ko na lang sakanya. “Balak ko sanang dalhan si Dakila ng tanghalian ngayon kay Manong Basyo, naka limutan niya kasi dalhin kanina ang pabaon ko sakanyang tanghalian.” Kina-tango naman ni Liwayway ang sinabi ko at ngumiti na lang ako sakanya ng matamis, na kina tuon ko naman ng atensyon sa pag lalakad. Natigilan na lang ako na patukso naman na siniko ako ni Liwayway sa tagilian at hindi na maalis-alis ang maka hulugang ngiti sa labi nito. “Napaka sweet mo naman Ligaya, na hahatidan mo pa ng pag kain si Dakila. Akala ko ba pag papanggap lang ang pag sasama niyo at bakit parang nagugustuhan mo na ang asawa mo? Hmm.” Pag tutukso na lang na tinig nito na kina laki naman ng mata ko. “Hindi ah, huwag kang mainggay Liwayway.” Saway ko naman sa kaibigan kong, kina-lingon ko naman sa kaliwa’t-kanan ko para alamin kong mayron na naka rinig sa sinabi ni Liwayway. Parang nabunutan naman ng tinik sa aking dibdib na makompirma kong walang ibang tao. “Anong hindi?” Pinanlakihan niya naman ako ng mata na hindi siya kumbinsado sa sinabi ko. “Kitang-kita naman sa kakaibang kislap ng mata mo at paraan ng mga kilos mo, na may nararamdaman kana sa asawa mo.” Giit na lang nito na nilapit niya pa ang sarili niya sa akin kaya’t mag tagpo na lang ang titig naming dalawa. Pakiramdam ko nag init kaagad ang mag kabila kong pisngi sa paraan na pag lilitis sa akin ni Liwayway na mababasa ko naman kaagad sa kanyang mga mata na marami pa itong gustong ipa habol na tanong. “Liwayway.” Saway ko na lang sakanya na mababang tinig lamang, saway lihis ng tingin dahil ayaw kong ipakita sakanya na tama nga siya. Ayaw kong ipakita na nangangamatis na kapula ang pisngi ko. “Aba, bakit mali ba ako?” Natigilan na lamang ako na tumingin na lang sa kaibigan ko. “Matagal na tayong mag kaibigan Ligaya, simula no’ng mga bata pa lang tayo kilang-kilala ko ang buong pag katao mo kaya’t huwag mo na sa akin ilihim na may nararamdaman kana diyan sa asawa mo.. Tignan mo oh, iba ang saya at aliwalas ng mata mo ngayon na binabanggit pa lang ang pangalan ni Dakila.” Hindi na ako naka kibo pa. Tama nga naman talaga si Liwayway, maski ako hindi ko rin malaman at makompirma sa sarili ko kong ano na ba itong nararamdaman ko. Hindi ko alam pero, parang nag kakagusto na ako sakanya. Paunti-unti na akong nahuhulog kay Dakila. Alam kong hindi naman ito dapat. Alam kong mali na mag kagusto at mahulog ako sakanya dahil hindi naman ito kasama pa sa mga kasinunggalingan ko, pero hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung bakit sa tuwing lumalapit na lang siya sa akin. Iba ang epekto ang binibinigay niya sa akin. Iba ang nararamdaman ko sa tuwing nag tatama na lang ang aming katawan. At higit sa lahat, kaya niya akong pabaliwin sa simpleng pag hawak at pag titig niya lang sa akin. Hindi ko alam kong bakit sa karami-rami naman na mga Ginoong nag kakagusto sa akin at nanliligaw, si Dakila lang talaga ang umanggat sa lahat. Pilit ko naman pinipigilan ang sarili ko ko. Pilit ko naman winawaksi sa isipan ko ang namumuong pag kagusto sakanya ngunit, hindi ko alam kong bakit sa bawat araw na nag daan lalo lamang lumalalim ang nararamdaman ko para sakanya. Sa loob ng dalawang buwan naming pag sasama ni Dakila bilang mag-asawa, unti-unti ko nang nakikilala ang kanyang pag katao. Hindi ko alam kong anong mayron si Dakila pero kampanti ang loob ko sa tuwing kasama ko siya. Pakiramdam ko, ligtas ako sa tuwing nasa tabi ko siya. Kahit hindi ko lubusang kilala ang totoo niyang pag katao ramdam at alam ko sa sarili kong mabuti siyang tao. “Kumusta Ligaya, wala naman na kakaibang kinikilos ang asawa mo?” Ang salita ni Liwayway ang mag paputol na lang ng malalim kong iniisip. Napa baling na lang ako kay Liwayway sabay kunot-noo na hindi mahulaan ang ibig niyang sabihin. “Kakaiba na anong paraan, Liwayway?” “Ang ibig kong sabihin, wala pa ba siyang naalala sa kanyang naka raan? Hindi niya pa ba alam ang tungkol sa pag sisinunggaling mo sa tunay niyang katauhan?” Ang salita ni Liwayway ang mag bigay takot naman sa dibdib ko muli. “Wala pa naman.” Mahinang wika ko na lang na tinuon na lang ang mata ko sa daan. May ibang emosyon na ang gumuhit sa mata ko ng sandaling iyon at nangingibabaw pa rin talaga ang takot at bahala sa dibdib ko sa tuwing napag uusapan ang bagay na iyan. “Hindi pa bumabalik ang kanyang ala-ala niya Liwayway pero no’ng isang araw nag karoon siya ng masamang panaginip at may nakita siya doon na mukhang parte ng ala-ala niya noon.” Humigpit lalo ang pag kakahawak ko sa basket na hawak ko na napaka lalim na lang ang iniisip ko. “Paano na niyan? Handa kana ba Ligaya na dumating ang araw na bumalik ang kanyang ala-ala? Handa na ba ang puso mo sa posibleng mangyari na malaman ni Dakila ang totoo?” Ang salita ni Liwayway ang mag patigil na lang sa akin at kay lungkot ko na lang siya tinitigan at hindi na ako naka sagot pa. Humawak na lang si Liwayway sa balikat ko kaya’t wala sa sarili na mapa titig na lang ako sakanya. “Hindi natin alam kong kaylan at kong anong oras babalik ang ala-ala ng asawa mo Ligaya kaya’t habang maaga pa, gusto kong maging handa ka at handain ang sarili mo kapag dumating ang araw na iyon.” Paalala na lang ni Liwayway at ngumiti siya ng kay tamis sa akin. “Sige, mauna na ako sa’yo Ligaya at dito na ang daan ko. Mag-iingat ka.” Wala sa sariling napa tango na lang ako sa sinabi ni Liwayway. “Ikaw rin, Liwayway.” Tugon ko pa at kumilos naag lakad ang kaibigan ko at kina-sunod ko na lang siya ng tingin hanggang kusa na siyang mawala sa paningin ko. Nang mawala na si Liwayway, nag pakawala na lang ako ng malalim na buntong-hiningga at wala sa sariling napa hawak na lang ako sa dibdib ko na may konting kaba at takot na namuo doon sa naging usapan naming dalawa. Huwag kang kabahan, Ligaya. Malayo pa naman mangyari iyon, diba? Hindi pa babalik ang ala-ala ng asawa mo. Hindi pa naman iyon doon. May panahon ka pa para handain ang sarili mo kapag dumating ang araw na iyon. Pinilig ko na lang ang aking ulo at umayos ng tindig at pinag patuloy ko na lang ang aking pag lalakad. Binabaybay ko na ang daan na malalim ang aking iniiip at maka lipas lamang ng sampung minuto at naka rating rin naman ako sa balay ni Tiyo Basyo. Bago maka pasok sa kanilang munting tarangkahan, naabutan ko naman ang matanda na abala itong may hinahakot at nilalagay niya iyon sa kanyang kariton. “Magandang umaga po Manong Basyo.” Matamis ko na lang na pag bati, na kina-tigil naman ng matanda sa kanyang ginagawa na makita niya ako. Inalis ng matanda ang suot-suot nitong sumbrero na gawa lang sa karagumoy at ngumiti ng kay tamis sa akin ng makilala ako. “Ikaw pala iyan, Ligaya at napadalaw ka.” Lumapit naman ako sakanya para mag mano. “Maraming salamat sa’yo Binibini.” Mag kabila ko naman na kamay hawak ang basket.“Gusto ko sanang dalawin si Dakila, nandiyan po ba siya Manong Basyo?” Bahagya akong similip-silip sa kanilang malaki at mataas tarangkahan para tignan kong nasa loob ba ang asawa ko. “Oo, nasa loob siya at may ginagawa. Halika.” Aya na lang nito na iniwan muna saglit ang ginagawa nito at nauna na siyang nag lakad papasok, na kina sunod ko naman. Habang nag lalakad kami ni Manong Basyo, hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko na pasadahan ng tingin ang bawat paligid, na makikita ko talaga ang mga naka imbak na iba’t-ibang klase ng mga kahoy doon na ginagamit sa pang gawa ng bahay. Minsan na akong naka punta sa bahay ni Tiyo Basyo pero hindi naman ako madalas na nakaka pasok talaga mismo sa loob ng kanyang lupain. Malawak naman pala iyon at sa parteng gilid may naka tayong malaking balay, kong saan iniimbak niya ang mga iba’t-ibang klase ng mga kahoy doon na hindi dapat mabasa ng ulan. “Ano ba iyan na dala mo?” Sa kalagitnaan ng aming pag lalakad na dalawa at napansin ng matanda ang bitbit kong basket. “Tanghalian po, balak ko po sana na sabay kaming kumain ngayon ni Dakila.” Pinakita ko na lang sakanya ang matamis kong ngiti na kina-tango naman nito. “Napaka mapag mahal mo naman na asawa, kay Dakila, Ligaya” Anito. “Ako’y hanggang-hanga talaga nang husto diyan sa kasipagan ng asawa mo na nakaka tulong siya sa amin ng asawa ko at lalong-lalo na rito sa negosyo ko. Kusa na siyang nag tra-trabaho na kahit hindi mo na utusan at. kaagad niyang natatapos ang mga pinapagawa ko..” pag ku-kwento naman nito na tahimik lang akong nakikinig sakanya. “Kahit hindi na parte ng trabaho niya ang pag tulong sa iba pang gawain sa amin ng asawa ko, dito sa balay namin at tumutulong pa rin. Kahit pinag sasabihin ko na iyan si Dakila na huwag nang tumulong pero mapilit pa rin. Kung minsan, may katigasan rin ng ulo iyan si Dakila pero napaka buting bata.” Napapa-iling at napapa ngiti na lang na kwento ni Manong Basyo. “Ganun ho siya, Tiyo kapag may gusto talaga siyang gawin, wala hong makakapag pigil sakanya na gagawin at gagawin pa rin talaga ang gusto niya.” Pag sasang-ayon ko naman dahil ganun talaga si Dakila. May ugali rin siya na matigas kong minsan ang ulo. Kapag may gusto siyang gawin, hindi mo talaga mapipigilan kapag ginusto niya talagang gawin. “Kaya nga ako’y hanga talaga sakanya at hindi ka nag kamali na napangasawa ang isang kagaya niyang mabait at napaka sipag.” Dugtong na lang na wika nito hanggang ang aming pag uusap na dalawa, napunta na lang kami sa likod ng kanilang balay, kong saan malaki pa pala ang lupain doon. Malaki ang espasyo na nakikita ko na lang talaga na mas marami pa doon na mga kagamitan sa pag puputol ng mga kahoy at kung ano-ano pang kagamitan doon na hindi naman gaanong familiar sa akin. Hangang naka punta na kami ni Tiyo Basyo sa parteng likod ng kanilang balay at nakita ko kaagad si Dakila na nag hahakot ito ng mga malalaki at mabibigat na mga kahoy na pasan-pasan niyang binubuhat. Hindi alintana sakanya ang nakaka pasong sinag ng araw sa kalagitnaan ng umaga, na determinado talaga siya nang husto na tapusin ang kanyang trabaho na walang arte man lang na kumilos na bulto-bulto niyang hinahakot ang mga iyon. Parang wala lang sakaniya ang mabibigat na mga kahoy na kanyang pasan-pasan na bumabatak na ang kakisigan at bicep niya sa tuwing kumikilos siya at pag katapos nilalagay na lang iyon sa isang tabi. Dumaplis na rin ang pawis sa kanyang noo at leeg, sa puspusan na pag tra-trabaho lamang na kahit ang suot niyang damit hindi na naka ligtas na pag pawisan iyon. “Dakila, may bisita ka. Narito ang asawa mo.” Tawag na lang ni Manong Basyo kaya’t maagaw na lang namin ang atensyon ni Dakila sa kanyang ginagawa. Nilagay na lang ni Dakila ang mabibigat na kahoy na kanyang buhat sa isang tabi kasama ng mga nauna niyang mga naimbak at kina-lingon niya naman sa gawi namin ni Manong Basyo. “Sige na Binibini, at lapitan mo na ang asawa mo. Siya at mauna na ako at kaylangan ko pang tapusin ang trabaho ko, kayo na muna bahala riyan.” Pasunod na lang ng matanda na kina-tango ko na lamang. “Sige ho, maraming salamat.” Matamis akong ngumiti sakanya na kina-kilos naman ng matanda na mag lakad na ito para iwan na kaming dalawa ni Dakila. Kay tamis na lang ng ngiti sa labi kong, kina-lapit na lang kay Dakila na ngayo’y pinupunasan niya gamit ng bimpo ang daplis na pawis sa kanyang noo. Nag lakad na si Dakila na kina sunod ko naman, hanggang tumigil siya sa parteng upuan at maliit na lamesa sa isang tabi na hindi naman direkta na nasisikatan ng araw ang pwesto na iyon. “Mahal, anong ginagawa mo dito?” “Pumunta lang ako dito para hatidan ka ng tanghalian,” nilapit ko pa na pinakita kay Dakila ang hawak kong basket, na kina-kunot naman ng noo nito. “Naiwan mo kasi kanina ang pina-baon ko sa’yong tanghalian kaya’t naisipan ko na lang na dalhan kana lang dito para sabay na tayong kumain.” Pinakita ko na lang ang matamis kong ngiti sakanya na kina tango naman nito. “Ahh.” Sabay kamot ng ulo ni Dakila. “Oo nga pala, naiwan ko nga pala ang baon ko kanina sa pag mamadali ko kanina.” “Ayos lang, gumawa na lang ako ng bago.” Nilapag ko na lang sa katamtaman na lamesa ang basket at binuksan na rin. Isa-isa ko ng nilabas ang laman no’n ng tanghalian na aking ginawa at nag dala rin ako ng pinggan at kubyertos para sa aming dalawa. “Mas masarap at espisyal itong niluto ko ngayon.” Pag mamalaki ko pa na nilabas ang lalagyan ng tinola at ginataang langka na niluto ko, na lalo pa akong magutom nang husto na maamoy lamang ang mabangong aroma na nag papanuot sa aking ilong. “Mukhang masarap nga iyan, mahal.” “Aba, syempre naman pinasarap ko pa lalo ang luto ko.” Tuloy kong tinig na inayos ko ang gamit sa ibabaw ng lamesa. “Siya nga pala mahal, mamaya lalako ako ng mga paninda ko sa bayan.” “Sige.” Kinuha na ni Dakila ang pinggan at sumandok na siya ng kanin. Wala sa sariling napa titig na lang ako sa kanyang guwapong mukha at sumagi na lang sa isipan ko ang napag usapan namin kanina ni Liwayway, na mag bigay pait at lungkot naman sa mga mata ko. Mapapatawad mo pa ba ako mahal, kapag nalaman mo ang totoo? Totoong nag sinunggaling ako sa’yo? Matatanggap mo pa kaya ako? O kakamuhian mo ako sa bandang huli? May kong anong kirot at bigat na naka patong na lang sa aking dibdib ng sandaling na hindi inaalis ang mata ko sakanya. **** Pag tayo ko sa kina-uupuan, hindi sinasadya lamang na masagi ko ang mga kakanin na tinitinda kong naka display, hudyat na mahulog iyon sa lupa. Nag kalat na lang sa lupa ang mga paninda ko, na kaagad ko naman na kina-kilos para kunin ang mga iyon. Bahagya na akong naupo ulit na medyo payuko na paraan at kinuha na rin ang basket ko para doon iyon ilagay ang mga nahulog. Hindi naman gaanong nadumihan ang aking mga paninda dahil naka balot naman iyon ng makakapal na gawa sa dahon ng saging at siniguro ko talaga na hindi basta-basta mag titilapon ang laman no’n. Isa-isa ko nang dinampot iyon na nilalagay na lang sa basket sa tabi ko at natigilan na lang ako sa pag pupulot nang may yabag na lang ng paa na huminto sa harapan ko. Nang mapansin siguro nitong abala ako sa pag pupulot ng mga kakanin, hindi ko na lang inaasahan na yumuko na rin siya para tulungan ako sa pag pulot ng mga nasagi ko kanina. Hindi ko na tinapunan pa ng pansin kong sino ang nag tulong sa akin, dahil kailangan ko na rin mag madali dahil mag sasapit alas singko na rin iyon ng hapon. Gusto ko na rin maka uwi kaya’t hinayaan ko na lang siyang tulungan ako, na nilalagay rin sa basket ang mga kakanin na mga nahulog. Base pa lang sa kamay at presinsiya ng misteryosong taong nag tulong sa akin, isa iyon na Ginoo lamang. Dinampot na ng Ginoo ang huling kakanin na nalaglag sa lupa, na kina-tayo ko naman na hawak ko na sa kabilang kamay ko ang basket. Tumayo na rin ang Ginoo at inabot niya sa akin ang kakanin. “Maraming salamat pala, sa pag tulong sa aki—-“ Unti-unti na lang nag laho ang matamid na ngiti sa aking labi at napalitan iyon ng pag kainis lamang na makilala kong sino iyon. “Ito na, ang kakanin mo Ligaya.” Pinakita na lang niya ang matamis na ngiti sa labi na makita ko ang maputi at pantay-pantay niyang ngipin. “Makisig.” Mahina ngunit may pag didiin sa aking tono na hindi inaalis ang matalim na titig sakanya. Hindi ko mawari kong bakit bigla-bigla na lang sumama ang timpla ng mood ko na makita siya. “Oh, kunin mo na sa kamay ko.” Tumingin pa siya sa kakanin na hawak niya pa rin, na kina-titig ko naman doon. Tiim-baga ko na lang na tinignan si Makisig, nag dadalawang isip pa rin kong kukunin ko pa iyon sa kamay niya o hindi na lang. Basta, bigla akong nabwisit na makita lamang siya. Bakit sa karami-rami pang tao na makita ko, bakit ang hambog pang Makisig na ito? “Sige na Ligaya, kunin mo na sa kamay ko. Nangangalay na ako.” Nilapit niya pa ang kamay niya sa akin para lang kunin ko na iyon na may kakaibang ngisi sa kanyang labi. Ewan ko, kinikilabutan talaga ako nang husto sa paraan na titig at pag ngisi niya sa akin. Nanunuot sa buto at laman ko. Walang pasabi at padabog ko na lang na kinuha ang kakanin sakanya at walang pag aalinlangan na nilagay iyon sa basket. “Napaka lamig mo naman sa akin, Ligaya. Galit ka ba?” “Hindi ba halata?” Pag tataray ko na lamang. Naalibadbaran akong makita at maramdaman lang ang presinsiya niya sa tabi ko. “Bakit ka pa nagagalit sa akin, tinulungan na nga kita.” Preskong tinig na lang nito na mapa awang na lang ang gilid ko, halatang naiirita sakanya. “Talaga lang, huh? Baka nakaka limutan mong, hindi ako huminggi ng tulong sa’yo at kusa kang tumulong sa akin!” Giit ko na lang na nakikipag hamunan ng titig sakanya. “Baka nakakalimutan mong, may atraso ka pa sa akin Makisig at lalong-lalo na sa ginawa mo kay Dakila!” Hindi ko makkalimutan ang ginawa niya kay Dakila. Sino ba siya para mag hanap ng gulo? Hindi niya pa ba kami tatantanan? Napa-awang na lang ng labi si Makisig at nilagay ang kamay nito sa loob ng bulsa, na nilapit pa ang sarili niya sa akin kaya’t sumukli naman ako ng masamang titig. Masamang titig, na sinasabi na ayaw ko ang presinsiya niya. “Tantanan mo na ako, at pati na rin ang asawa ko. At pwede bang tumigil kana at huwag mo na kaming guluhin pa!” “Ang init-init naman kaagad ng ulo mo, Ligaya. Gusto ko lang naman makipag kaibigan sa’yo kaya’t kita kinakausap.” Tinaas-baba pa nito ang kilay na nag papa-guwapo lang naman sa akin. Nakaka-sura. Hindi ako nadadala sa simple mong pag ngiti sa akin, akala mo madadala mo ako diyan? Neknek mo. “Mag simula tayong muli Ligaya, huwag kang mag alala at hindi na ako makikigulo pa sa’yo at kahit na rin ang asawa mo. So, mag kaibigan na tayo?” Nilapit pa ni Makisig ang kanyang kanang palad para makipag kamay sa akin. Tumitig na lang ako sa kanyang kamay at inirapan na lang ito. Tinabig ko na lang ang kamay ni Makisig at walang pasabi na tinalikuran na ito, na dire-diretso na nag lakad. Bahala ka diyan. Hmpp. Patuloy lamang ako sa pag lalakad na mabibigat na ang pag hingga ko at mariin na lang akong napa pikit ng mata ko na maramdaman ang mainit na kamay na humawak sa pulsuhan ko. Buong higpit ko na lang ang pag kakahawak sa basket at lalo pa akong nainis na kahit hindi ko na lingunin kong sino man ang humawak sa akin, alam ko na sa sarili ko kong sino iyon. Walang buhay na hinarap ko na lang si Makisig na hawak na nga ang pulsuhan ko. “Sandali lang, Ligaya.” “Bitaw!” Asik ko na lang na tinignan ang kamay nitong naka hawak pa rin. “Hindi ka bibitaw? O ihahampas ko itong hawak ko sa pag mumukha mo, mamili ka!” Banta kong ambang na tinaas ng konti ang hawak kong basket para ipakita sakanya. Aba! Hindi ako mag dadalawang isip, na ingudngud at ihampas itong hawak-hawak ko sa makapal niyang pag mumukha para tantanan niya lang ako. Hindi ako nakikipag biro sa mga sinasabi ko. Umanggat na lang ang sulok ng labi ni Makisig at hindi naka ligtas ang masama kong pag titig sakanya. Lumihis na lang ng titig si Makisig, na gumalaw na lang iyon sa parteng likuran ko na para bang may tinitignan siya doon. “Oh ano na? Hindi ka talaga, bibitaw talaga?” Napipikon ko na wika. “Aba, tarantado ka talag——“ akmang itataas ko na sana ang hawak kong basket na itatama sa makapal niyang pag mumukha subalit hindi na lang iyon natuloy na naramdaman kong unti-unti na lang lumuwag ang pag kakahawak nito sa pulsuhan ko. Tuluyan nang napa bitaw si Makisig sa pulsuhan ko subalit nanatili siyang naka tayo sa harapan ko at mukhang nasisiyahan pa ang tarantado. “Bibitaw na, Ligaya. Ito naman at napaka initin ng ulo. Siya una na ako sa’yo, mag kikita pa tayong muli, Binibini.” Pinakita niya na lang ang matamis na ngiti sa kanyang labi na bago pa ako maka sagot pa, na hinakbang niya na ang kanyang paa at tuloy-tuloy na nag lakad. Mabibigat naman ang pag hingga kong, kina-sunod na lang siya ng tingin at ako’y biglang natigilan na lamang na makita na lang ang presinsiya ni Dakila na naka tayo pala sa likuran ko, na mukhang kanina pa siya doon. Hindi ko na lang talaga maipaliwanag ang kaba sa aking dibdib na hindi inaalis ang mata kay Dakila na ngayo’y malamig na sinundan na lang ng tingin si Makisig palayo. Hindi ko maipaliwanag kong bakit ang kanyang mga mata’y nabahiran ng kay talim kong paano niya ito titigan lamang. Sandali, galit ba siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD