Chapter 17

2385 Words
Chapter 17 DAKILA'S POV Sobrang dikit ng katawan namin sa isa’t-isa ni Ligaya, at hindi ko maipaliwanag ang init na namumuo sa katawan ko sa simpleng pag lapat lamang ng mga katawan namin. Kusa akong napapa-lunok ng laway at ilang segundo na ganun ang posisyon namin na dalawa at kahit may suot akong damit ramdam ko pa rin ang mainit na palad nitong naka hawak sa aking dibdib, na bumigat pa lalo ang aking pag hingga. Sobrang init. Nakaka-paso. Ganito ba talaga ito? Bakit sa tuwing nag kakalapat ang katawan namin, iba ang nararamdaman ko sa aking asawa? Nag katitigan kami sa mata ni Ligaya at nakita ko ang magandang mukha ng aking asawa. Sapat na ang liwanag na nanggagaling sa gasira na mapag masdan ko kong gaano ito kaganda. Kakaiba ang pag ningning at kislap no’n na gustong-gusto ko iyon titigan ng matagal. Hanggang ang aking mata’y bahagyang dahan-dahan bumaba na napunta sa kanyang matangos na ilong at pababa sa kanyang mamula-mula at korting puso niyang mga labi. Ilang segundo akong napa-titig sa kanyang mga labi, at nanuyuan ang aking lalamunan na hindi inaalis ang mata ko doon. Gusto ko muling damhin ang matamis niyang labi. Gusto kong muli na damhin kong gaano iyon kalambot at kasarap. Tangina. Ano ba itong pumapasok sa isipan ko? Nababaliw na ba ako? Bago pa ako mabalik sa wisyo, napa-kurap na lamang ng mata si Ligaya sabay iwas ng tingin. “Ahh, siguro ayaw mo nga ng tsa-a.” Alangan na salita na lamang nito at nilayo niya pa ang sarili niya sa akin kaya’t napa bitaw na ako sa pag kakahawak sakanya. May pag hihinayang sa aking dibdib, na hindi ko pa ginawang halikan siya. Tangina. Ano ba, Dakila? “Sige, a-at, aayusin ko lang ang higaan natin para sa ganun makapag pahingga na tayo.” Bago paman ako maka sagot tumalikod na si Ligaya sa akin, nakita ko ang pamumula ng kanyang mag kabilang pisngi lamang na nahihiya at nag mamadali nang mag lakad para iwan ako. Sinundan ko na lamang ng tingin si Ligaya hanggang pumasok ito sa silid at naiwan na lamang akong naka-tayo na mag-isa. Inis na lamang akong napa-sapo ng aking mukha na hindi inaalis ang mata sa pintuan ng silid kong saan pumasok si Ligaya. Ilang minuto akong naka tayo sa labas ng balay, pinag mamasdan ang tahimikan na gabi na wala kana lang ibang marinig kundi ang mga huni ng kuliglig at ibang hayop sa paligid. Nanatili ako doon hanggang humupa ang init na nararamdaman kanina, ayaw ko munang pumasok sa loob at baka hindi ko makontrol ang aking sarili na halikan ito muli. Ano na ba ang nangyayari sa akin? Wala naman akong nararamdaman sakanya, pero iba naman ang inaakto ng aking katawan sa tuwing nag kakalapit kami sa isa’t-isa? Normal ba ito? Kahit na rin ako hindi ko alam nag nangyayari sa akin at naguguluhan na rin ako Bumuntong-hiningga ako ng malalim at tumingin sa kalangitan, doon ko napag mamasdan ang mga nag niningningan na mga dyamante na nag sasayaw pa iyon na kumikilislap at ang aking mata’y nabahiran ng lamig lamang. Nanatili pa ako doon ng ilang minuto bago napag pasyahan na pumasok sa balay. Sumalubong kaagad sa akin ang katahimikan ng balay at hindi ko na nakita pa si Ligaya sa maliit na sala. Kinuha ko na ang gasira na mag mistulang patintihan sa isang tabi, na mag bigay liwanag sa maliit na sala. Nag lakad na ako at pumasok sa silid. Hinawi ko na lamang ang kurtina, na nag mimistulang pintuan ng silid na iyon at nag lakad na ako papasok. Sa kabila kong kamay hawak ang gasira na mag bigay liwanag sa katamtaman lamang na kwarto na iyon. Tinaas ko ang aking kamay, na may hawak na gasira para sa ganun, masaksihan ko mismo ang buong silid na wala naman masyadong kagamitan doon. May maliit lamang na lamesa sa isang tabi at katabi na doon ang isang katamtamam lamang na papag na gawa sa kawayan kong saan naka-higa doon si Ligaya na mahimbing na natutulog. Mukhang napa-tagal ata ako sa labas, at naka tulog na siya. Sa isip-isip ko na lamang sabay iling ng aking ulo. Nilapag ko na ang gasira sa lamesa at piniling tumayo sa gilid ng papag, na doon ko napag mamasdan ng mabuti ang mahimbing na pag kakatulog ni Ligaya. Naka-pwesto itong naka-higa sa kanang bahagi ng papag at naka-taligid ito na naka-harap sa direksyon ko. Nag palit na siya ng damit na suot, na isa lamang iyon na sleeveless na pahaba, na hanggang tuhod niya na damit na mukhang presko naman na suotin na mag pabagay pa lalo sakanya nang husto. Hindi ko alam kong anong tawag sa kanyang suot subalit, bagay na bagay naman sakanya. Nag pakawala na lamang ako ng malalim na buntong-hiningga at piniling maupo sa gilid ng papag at ang mga paa ko naman naka-baba na katabi niya lamang ito. Sa huling pag kakataon, tinignan ko ang mahimbing na pag kakatulog ni Ligaya. Mariin kong pinag aralan at pinag masdan ang magansa nitong mukha at mariin na lamang akong napa-pikit ng mga mata ko. Ano ba itong nangyayari sa akin? Ano ba itong nararamdaman ko sakanya? LIGAYA’S POV Nagising na lamang ako ng may pumasok na hangin sa loob ng kwarto. Umingos muna ako sa mahimbing na pag kakatulog at minulat ang aking mga mata, sumalubong kaagad sa akin ang katahimikan ng kwarto. Gagalaw na sana ako sa pag kakahiga subalit kaagad akong nahinto na lamang na hindi lang pala ako mag-isa sa papag. Namilog na lamang ang aking mata’y na ngayon napag tanto na katabi ko pala si Dakila. Nanikip ang aking dibdib at hindi ko alam ang gagawin ko ngayon naka-talikod siya sa akin at mukhang mahimbing ang pag kakatulog. Sandali, gising ba siya? Nag iisip ka ba, Ligaya? Syempre tulog iyan! Kong kanina pa iyan gising, hindi sana hindi mo na aiya katabi sa kama. Hindi ba? Pagalit ko na lamang sa aking sarili at mariin na lamang na kinagat ang aking ibabang labi, hindi na maka-kilos ang aking katawan na tuluyan na lamang iyon nanigas na maling kilos at galaw ko mag tatama na ang katawan namin. Paano na ito? Paano na ako aalis? Naging malilikot na ang aking mata at nag hahanap lamang ng tyempo na makaalis ng matiwasay na hindi ito magigising. Lumunok pa ako ng laway para kumuha ng lakas na unti-unti kong kinikilos ang katawan ko patayo na lamang sa papag, sobrang mainggat ang aking katawan na gumagalaw lamang na kahit pag hingga ko pinipigilan ko na rin na para bang magigising rin siya doon. Hindi ko rin maipaliwanag kong bakit ganito ang ginagawa ko, na pwede naman akong kumilos at nag lakad sa natural na paraan. Gustong-gusto ko talaga paminsan na pinapahirapan ang sarili ko. Matagumpay naman akong naka-tayo at pag apak ko sa papag, napa-pikit na lamang ako na marinig na lamang ang pag langitngit sa pag-apak ko no’n. Paktay na! Pawisan naman akong lumingon sa gawi ni Dakila para tignan kong nagising ba ito. Para naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib na tulog mantika naman ito, na hindi man lang magising-gising. Binilisan ko na lamang ang kilos ko, nag mamadali na akong naka baba sa papag at lumabas na rin ng silid. Ang una kong ginawa ang mag ligpit at mag linis muna sa aming munting balay. Kaagad din naman akong natapos dahil wala naman masyado ligpitin kaya’t, sinunod ko na rin ang pag luluto ng almusal at pag hahanda na rin ng aking ititinda para mamaya. Sa kalagitnaan ng aking pag aayos na marinig na lamang ang yabag ng paa na parating kaya’t ako matigilan. Nilingon ko naman at nakita ko si Dakila na palabas pa lang ng silid namin at mukhang kakagising lamang nito. Naka suot siya ng luma at simple lamang na t-shirt at pantalon na mag pabagay naman sakanya. Medyo magulo ang kanyang buhok, na mag dagdag appeal na lumalabas ang kaguwapuhan na taglay nito. Sa aking pag mamasid, napa titig na lamang sa masungit at malamig na mata ni Dakila. Ang matang iyon puno ng mysteryoso at kakaiba sa akin. Naalala ko muli ang kakaibang pag kislap ng mata ni Dakila kagabi kong paano niya ako titigan. Titig na kakaiba at may ibig ipahiwatig. At ang titig na iyon, hindi maalis-alis sa aking isipan. “Bakit?” Masungit na wika na lamang ni Dakila na mabalik ako sa realidad. Napaka kurap na lamang ako ng mata ko, na ngayo’y naka titig na pala siya sa akin na masungit na paraan. “Halika na dito at sabay na tayong kumaing ng almusal.” Umiwas na lamang ako ng titig at iniwan ko muna saglit ang ginagawa ko. Inalis ko na ang mga naka takip na pinggan sa ginawa kong almusal na naroon sa lamesa at sa gilid ng mata ko ang pag sunod ng tingin sa akin ni Dakila. Walang salita na lamang akong narinig kay Dakila, na kumilos na mag lakad papunta sa hapag-kainan at piniling maupo sa mahabang upuan na gawa sa kahoy. Naka handa na rin sa lamesa ang dalawang pares ng pinggan, baso at mga kubyertos. Simple lamang ang aking ginawang almusal na itlog lamang at prinitong isda na partner naman sinanggag. “Hindi na kita ginising, dahil ang sarap-sarap ng pag tulog mo kanina.” Wika ko na lamang para putulin ang malamig na atmosphere sa pagitan naming dalawa at kumuha na ako pitsel at sinalinan ng tubig ang baso nito. Naupo na rin ako sa bakanteng upuan na kaharap niya lamang at nilapag ko ang baso sa tapat lamang ni Dakila. Sumamdok na si Dakila ng pag kain kaya’t kumuha naman ako ng saktong portion lamang na kaya kong ubusin at nang may naka-limutan ako. “Ito, oh baka gusto mo Dakila. Ako ang may gawa nito.”Kinuha ko muli ang isang lalagyan na ginawa ko kanina at inalok kay Dakila. Umasim na lang ang mukha ni Dakila na naka-titig sa mga pepino na aking ginawa na nilagyan ko iyon ng ilang panimpla na maging masarap naman. Sandali, hindi niya ba nagustuhan? Kumunot-noo na lamang si Dakila na hindi inaalis ang mata doon na nag taka naman ako ng husto. “Huh? Hindi mo ba gusto?” “Hindi naman sa ayaw. Araw na lamang ba tayo kakain ng pepino?” Masungit na wika na lamang na mapa-titig ako sa malamig niyang mata. “Ahh, pasensiya kana.” Alangan ko na lamang na wika. Dumaan kasi dito si Tiya Belinda kanina at hinatid niya ng isang basket puno ng mga pepino. Sayang naman kasi kong hindi natin kakainin.” “Ahh. Aalis ka mamaya?” Wika na lamang ni Dakila na may tinignan ito sa isang dako, kaya’t kina sunod ko naman na makita na nito ang pag hahanda na ginagawa ko. “Ahh, oo.” Wika ko na lamang. “Mamaya mag titinda ako sa bayan para ilako ulit ang mga bebingka at ilang mga kakanin na aking ginawa. Dito kana muna sa balay at ipag pahingga mo muna ang pilay mo, at hindi pa gaanong magaling iya——-” hindi ko na natapos ang sasabihin ko na mag salita siya. “Sasama ako.” “Eh, malayo kong saan ako mag lalako mamaya Dakila.. Mas malayo iyon kumpara sa bayan at ayaw ko lang na mahirapan ka sa pag lalakad mo.” “Edi mabuti.” “Huh?” Napa-kurap ko naman na tugon. Ayaw ko naman siyang mahirapan at mapagod sa pag sama na lamang sa akin kaya’t gusto ko na nandito lang talaga siya sa balay pansamantala. “Malayo pala, kaya’t kailangan mo nang tulong ko sa pag bibitbit mo ng mga paninda mo.. Sasama ako sa’yo mamaya.” Final na tinig na lamang nito na tututol pa sana ako. “P-Per——-“ hindi ko natapos muli nang tinignan na lamang ako ni Dakila na seryoso na paraan at sa pag kakataon na ito, hindi na ako maka-anggal pa. “Sige na nga.” Napilitan ko lamang na wika at pinag patuloy na lamang ang pag kain ko. Nag salo na kami ng almusal ni Dakila, katahimikan na lamang ang yumakap sa amin habang kumakain. Hanggang ilang minuto natapos na rin kami kaya’t tumayo na ako para iligpit na ang pinag kainan namin at para mahugasan na iyon. “Ako na rito, Dakila.” Tugon ko na lamang na isa-isa nang niligpit ang baso at kahit na rin ang pinggan. Sa isa kong kamay hawak na ang pinggan at aalis na sana ako para dumako sa kusina na may may mainit na pumigil na lamang sa aking pulsuhan kaya’t ako napa-hinto. Nanalaytay na naman ang init at kuryente sa katawan ko sa simpleng pag hawak lamang nito kaya’t dahan-dahan nilingon ko naman si Dakila na seryoso at ngayo’y naka tayo na sa harapan ko. “B-Bakit?” Nauutal ko na lamang na wika. Hindi ko rin alam kong bakit niya ako pinigilan na walang dahilan na lamang. “May kailangan ka pa ba, Dakil——-“ hindi ko na lamang natapos ang sasabihin ko na nilapit niya ang mukha niya sa akin kaya’t naninikip na lamang ang aking pag hingga. Nanatili lamang akong naka titig sakanya at hinihintay ang susunod niyang gagawin hanggang tinaas niya ang kabila niyang kamay, palapit nang palapit sa pisngi ko. Anong gagawin niya? Hahawakan niya kaya ako? Hinawakan na lamang ni Dakila ang gilid ng parte ng aking labi at sabay kurap ng mata na may inalis siyang pag kain na naka-kapit doon samantala naman ako naka-nganga na naka titig lamang sa guwapo niyang mukha. Bakit, lalo siyang gumuwapo sa paningin ko ngayon? Oo, guwapo naman talaga si Dakila pero iba eh. Iba ang dating niya ngayon na lalo pa siyang umangas “Tignan mo, may pag kain ka pa na naka-kapit.” Pasimple na lamang si Dakila na napa-ngisi at bago pa ako makapag react na bumitaw siya sa aking pulsuhan at nag lakad na paalis kaya’t naiwan na lamang akong naka-tayo at sinusundan siya ng tingin. Sandali, Anong nangyari? Ano ka ba, Ligaya umayos ka nga. Hindi siya, guwapo. Hinding-hindi talaga. Mariin ko na lamang pinikit ang aking mata at hindi ko namalayan na sobrang diin na ang pag kakakagat ko sa ibabang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD