Chapter 16

4363 Words
Chapter 16 MAKISIG'S POV Sunod-sunod na lamang ang pag tungga ko ng alak. Hindi na alintana sa akin ang pait at tapang na humahagod sa aking lalamunan, na para bang nakikipag paligsahan ako sa pag inom ng matatapang na inumin na ginagawa ko na lamang iyong tubig. Gusto kong mag pakalasing! Gusto kong mag paka-lunod sa alak. Baka sa paraan na ito, maka-limutan ko ang nangyari. Kalimutan ang pangyayari na nag pupuno lamang ng galit sa aking dibdib. Mag-isa lamang akong naka-upo sa tabi at tagong pwesto. Puno ng galit ang aking mga mata at nakaka-takot na iyon, na wala man lang ang nag atubili na lapitan o nag tangkang mag marahas na gaguhin ng mga tao sa paligid ko dahil kilala nila ako kong paano magalit! Naririnig ko lamang ang munting tawanan, at inggay sa paligid ng mga kalalakihan na kasama kong umiinom. Naka ilang bote na siya ng matapang na inumin subalit parang hindi pa siya sinasapian ng espiritu ng kalasingan na nag patuloy lamang siya sa pag iinom hanggang inabutan na siya ng dilim doon. Napaka-dilim ng paligid at nag kikislapan, nag sasayawan na lamang ang mga bituin sa kalangitan na kay sarap pag masdan sabayan ng masarap na pag ihip ng hangin. Bilang na lamang sa kanyang kamay ang mga taong naroon pa, na nag papakasaya at ang iba pumili na lang na uminom kasama ng kanilang pamilya o kaya naman kaibigan. Sa kabilang pwesto naman maririnig mo ang munting tawanan ng mga Binibini na masayang sumasayaw, na sinasabayan na lamang ang indak na tugtog ng musika. Konti na lamang ang mga tao at ang iba mas piniling mag pahingga at umuwi ng maaga. Iniling ko na lamang ang kanyang ulo at pinasadahan na tinignan ang mga taong naroon pa. Pinag aaralan at inoobserbahan ang kanilang kilos at galaw ang mga ito hanggang walang pag aalinlangan na kinuha niya na lamang ang baso laman ng alak, tinungga na lamang iyon na ininom. Mariin na lamang akong napapa-pikit ng mata at nag pakawala ng mahinang ungol na lamang na humahagod ang tapang at mainit na inumin sa aking lalamunan na mag bigay gaan sa nararamdaman ko.. Sinandal ko muna ang likod sa upuan at mariin ko na lamang pinikit ang mata. Biglang sumagi na lamang sa isipan ko ang magandang mukha ni Ligaya. Ang maganda at mala-angel nitong boses. Sa pag mulat ko ng aking mga mata gumuhit na lamang ang matabang at nanlilisik na mata sa galit na maalala ang sandali kung ano ang nangyari kanina. Kong paano kinasal si Ligaya sa iba, at hindi sa akin. Kinuyom ko na lamang ang aking kamao at ang panginginig ng kanyang kalamnan, na nag papahiwatig kong gaano ako nag titimpi at nag pipigil lamang ng aking emosyon. Sa tuwing naiisip ko ang sandaling iyon, kinakain ng inggit at matinding selos ang kanyang dibdib. Hindi ko matanggap na napunta lamang ang binibini na matagal ko ng inaasam-asam, sa isang bago at dayuhan lamang na Dakila na iyon. Pakiramdam ko tinapakan at ininsulto ang aking pag katao sa pag gagago na lamang nila sa akin! Kinuha ko muli ang baso at sinalinan ng bago at matapang na inumin at sa pangalawang pag kakataon tilagok ko muli ang alak. Bumigat na lamang ang aking pag hingga, kong paano ko mismo nasaksihan ng mga mata ko ang pag hawak na lamang ni Dakila kay Ligaya. At kung paano mag kadikit ang kanilang mga katawan sa isa't-isa. At sandaling paano nag lapat ang kanilang mga labi. Nabahiran ng maitim na aura ang aking pagkatao na hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap-tanggap na tuluyan nang nawala sa akin si Ligaya. Tuluyan nang nawala sa akin ang babaeng pinaka- mamahal ko. Sa bawat segundong lumilipas nababahiran ng galit at puot ang aking dibdib at hindi ko namalayan na sobrang diin ang pag kakahawak sa baso na kulang na lamang, basagin ko iyon sa higpit at pang gigil lamang na aking naramdaman. Tangina talaga! Hindi ko ito matatanggap! Akin ka lang Ligaya, akin ka lang! Hindi ako makakapayag na mawala ka sa akin. Hindi ako makakapayag na may ibang lalaki ang humahawak sa'yo, dapat ako lang! Pabagsak ko na lamang na nilapag ang baso laman ng alak na maka-gawa iyon ng malakas at nakaka-hindik na tunog na mag pabalot ng malamig na gabing iyon, kasabay na lamang no'n ang mabigat niya na lamang na pag hingga. "Napaka-swerte talaga ni Ligaya," pag bubukas usapan ng isang lalaking balbas sarado at sakto lamang ang pangangatawan na mapa-tigil na lamang ako. "Biruin mong nakapa-ngasawa siya ng dayo sa Nayon natin, hindi lang sa magandang lalaki ni Dakila ito kundi mukhang mabait pa," dugtong nitong muli na nanatili lamang ako sa aking pwesto pinapakiramdaman at pinapakinggan ang kanilang pag uusap. Ano? Mabait? Magandang lalaki ang Dakila na iyon? Kalokohan! Uyam ko na lamang na pinasadahan ng tingin ang dalawang lalaki na nag uusap, isang pwesto lamang ang pagitan mula sa akin. Nag lalaro lamang ang kanilang edad sa trenta anyos at base pa lang sa kanilang boses at paraan na kilos, mga lasing na iyon sa rami na nilang nainom simula kanina pa. Sumalin muli ako ng inumin sa aking baso at pinili na lamang na hindi sila pansinin at tuonan ng atensyon na tahimik lamang nakikinig sa kanilang pag-uusap. "Tama ka diyan, pare!" sang-ayon naman ng kanyang kasamahan na lalaki na sakto lamang ang kanyang pangangatawan. Medyo batak ang kanyang katawan sa pag tratrabaho ngunit wala pa rin binatbat sila kumpara sa akin dahil mas malaki at maganda naman ang katawan ko kaysa sakanila. "Aba, napaka swerte din ni Dakila sa kanyang napangasawa na si Ligaya dahil napaka-gandang binibini naman ang kanyang naka-tuluyan. Magaling at masarap pang mag luto.." pag bibitin na lamang nito ng sasabihin na mapa-awang na lamang ako ng labi. "Matagal ko ng kilala ang angkan ng pamilya ni Ligaya at lalong-lalo na rin ang kanyang yumaong Ina niya na si Cora, na mababait at masisipag ang pamilyan iyan na kahit ako walang masabi," napa- iling na lang ako ng aking ulo. "Kaya kawawa naman pare, ang isa diyan. Tignan mo nanalo na sana sa kanyang mapapangasawa, kundi tignan mo, naging bato pa!" parinig na lamang na salaysay ng balbas sarado na lalaki, na sa isang iglap hindi ko nagustuhan ang pahiwatig at parinig ng mga ito. Hindi ako tanga, na hindi malaman na ako ang kanilang pinag uusapan na dalawa. Ang lakas talaga ng apog nilang pag usapan ako! Sa harapan pa ng maraming tao! "Haha! Kong hindi lang puro init ng ulo at hangin ang pinapa-iral ng isa diyan, hindi sana nag sasalo na sila ngayon ni Ligaya ng unang gabi nila bilang mag-asawa. Napaka-hina naman kasi," manunuya na salaysay ng balbas sarado na laki, na kina-bigat naman ng aking pag hingga. Bahagya kong ginalaw ang aking leeg, bahagyang pinatunog iyon at ang mata'y ko naman nabahiran ng galit na marinig ang kanilang munting kwentuhan at tawanan. Sige lang, pag tawanan at pag usapan niyo lang ako. Kamatayan ang mag hihintay sainyo! "Haha sinabi mo pa, pare!" Sang-ayon naman ng kasamahan nito na sa gilid ng aking mata nakikita ko ang parinig at pag sulyap nila ng tingin sa pwesto ko. "Kong hindi niya lang sana sinaktan si Ligaya hindi sana sila nag katuluyan ngayon na dalawa at hindi siya naunahan ng dayuhan na Dakila na iyon," Tumiim-baga na lamang ako sa aking mga narinig at ang mabibigat kong pag hingga ang palatandaan na galit na lamang na namumuo sa aking dibdib. Kinuha ko na lamang ang baso at sinalinan muli ng alak. Balak ko na sanang itutungga iyon, na natigilan na lamang ako na bumaling ng tingin sa akin ang balbas sarado na lalaki. "Sa tingin mo kaya Makisig, sang-ayon ka ba sa sinabi ko?" pangisi-ngisi pa ang balbas sarado na lalaki at iniinsulto siya sa paraan na titig nito na hindi na ako umimik pa. "Jackpot na jackpot kana sana kay Ligaya pero pinakawalan mo pa. Tignan mo tuloy may una ng tumikim ng pinaka-mamahal mo," Sumilay na lamang ang kapilyuhan na ngisi sa labi nito na walang buhay naman akong humarap sakanya. Matabang at puno ng pag babanta ko na lamang na tinignan ang balbas sarado na lalaki, at hindi rin naka ligtas ang kasamahan nito sa matatalim kong titig nila. "HAHA, napaka-hina mo talaga Makisig. Hindi na ako mag tataka kong tatanda kang mag-isa diyan sa kainitan ng iyong ul-——" hindi ko na ito pinatapos pa ng anumang sasabihin na walang pag aalinlangan na lamang na binato ko sa gawi nila ang hawak kong baso sa direksyon nilang dalawa, na sakto naman tumama iyon sa kasamahan nito. Maririnig mo na lang talaga ang malakas at nakaka hindik na tunog ng pag kakatama ng baso sa katawan nito kaya't naagaw namin ang atensyon ng mga taong tahimik lamang na umiinom sa isnag tabi. "Aba! Tarantado ka ah!" Sigaw naman ng bruskong katawan na kasamahan nito na hindi mag papigil na tumayo na lamang sa kina-uupuan nito at nabahiran ng galit ang kanyang mga mata sa aking ginawa. Tumayo na rin ako sa aking kinauupuan, at mabilis na lamang ang aking kilos na sumugod sa gawi nilang dalawa. Hindi sila naging handa sa aking pag atake na malakas ko na lamang na sinipa ang upuan ng balbas sarado na lalaki, kaya't tumumba at malakas na lamang nahulog sa lupa ang katawan nito at nakaka hindik na tunog ang maririnig mo pag katapos. "Ugh." Ungol na lamang nitong daing na wala ng lakas pang kumilos at gumalaw sa lakas nang impact. Hindi pa ako nakuntento na kinuha na lamang ang pitsel na naka patong sa lamesa at walang pag aalinlangan na himampas sakanya iyon na matamaan ito sa kanyang mukha. Maririnig mo na lang talaga ang nakakanindig balahibo na ungol na lamang nito. "Tangina mo." Sigaw na lamang ng kasamahan nitong bruskong lalaki. Naging alerto ang kanyang pakiramdam na sumugod sa gawi niya at sunod-sunod ang ginawang pag atake na suntok na naka-iwas naman siya kaagad. "Mamatay kana!" Sigaw na lamang nito na gamit ang isang kamao na itatama na sana sakanya ngunit hindi naging handa ang bruskong lalaki sa kanyang kilos, na naka handa na pala ang kamao niyang kamao na tinamaan ng suntok nang malakas ang mukha nito. "Ugh." Ungol nito muli na naging porsigedo talaga itong patumbahin siya ngunit hindi siya basta-basta mapapabagsak ng ganun-ganun lamang ng mga ito. Pinag handaan niya talaga ito nang husto at hindi siya makakapayag na hindi niya mababasag ang pag mumukha ng mga ito. Umatake muli ng sugod ang lalaki, na kaagad naman siyang nakaka lihis na umiwas na lamang sa pag sugod nito na dumi-depensa rin siya. Nabahiran ng galit ang mata nito at makikita niya ang determinasyon na kitilin siya mismo sa mga kamay nito kaya't nag paambang muli ito ng suntok at naka iwas na naman siya. "Papatayin kita, Makisig! Hayop ka!" Sigaw nitong muli na naka posisyon na ang katawan nito na nauhan niya sa pag atake na malakas niyang sinikmurahan na lamang ito, kaya't napa-ubo na lamang ito ng malakas sa lakas nang impact ng kanyang pag suntok. "Ugh." Pikit-mata at napa hawak na lamang ang bruskong lalaki sa kanyang sikmura, dinarama ang malakas kong pag kakatama doon. Gumuhit na lamang ang mala-demonyong ngisi sa aking labi, na maliksi naman na gumalaw ang aking paa na hindi siya naging handa sa sunod kong pag atake na mabilis na sumugod sa gawi niya at inambangan siya nang sunod-sunod na suntok, na sa pag kakataon na ito hindi na siya maging handa pa. Bugbog sarado na ang lalaki na marami na itong tama kumpara akin at nasisiyahan lamang ako na makita na nabahiran ng dugo ang kanyang mukha. Inambangan ko pa siya ng malakas na suntok sa mukha na sumirit na lamang ang malapot na dugo at hindi pa ako nakuntento, na hinawakan ang kwelyo ng damit nito na walang kahirap-hirap na lamang na inanggat ang kanyang katawan sa ire at malakas na binalibag na lamang kong saan. Malakas na tumama na lamang ang katawan nito sa lamesa na masagi nito ang ibang naka patong doon na mga gamit. "Ahh." Malakas niya na lamang na inggay sa sakit, na kusang tumama pa ng malakas ang balakang nito sa kanto ng lamesa. Maririnig mo na lang talaga ang nakaka hindik na tunog at pag kahulog ng mga gamit na naka patong sa lamesa at kasabay na rin ang nakaka pandinindig balahibo na tunog ng pag bagsak ng katawan ng bruskong lalaki sa lupa. "Ahh." Daing na lamang nito na wala ng lakas pang bumangon pa, sa rami ng kanyang tama na natanggap. Umayos lamang ako sa pag kakatayo na sarap na sarap ko naman pinapanuod ang bruskong lalaki na namimilipit na sa sakit at duguan na. Sumilay na lamang ang ngisi sa aking labi, pinasadahan ng tingin ang mga taong naka tayo sa gilid takot na takot at walang sinuman ang mag lalakas-loob na humarang at pumigil sakanya. Nakita niya kaagad ang matinding takot sa kanilang mukha na kahit mga kalalakihan walang binatbat na sakanya. Uyam niya na lamang na pinagalaw ang kanyang panga at nilingon na lamang ang balbas sarado na lalaki na naka higa pa rin sa lupa. Naging mabibigat ang kanyang pag hingga na nilapitan iyon, at hinawakan niya ang kwelyo nito at gamit lamang ang kanyang kanang kamao pinag susuntok niya nang paulit-ulit ang mukha nito. "Ahh." Daing na lamang nito. "T-Tama na." Pakiusap na lamang ng lalaki na hirap na hirap na subalit hindi niya pa rin ito tinitigilan. Walang emosyon na ang bumahid sa kanyang mga mata na walang humpay na pinag susuntok niya ang mukha nito. Bumulwak na ang dugo sa mukha nito na hindi pa rin siya tumitigil kahit hinang-hina at wala na itong lakas. "Ah, h-huwag. T-Tama na Makisig." Pakiusap nito na mahinang tinig subalit hindi pa siya nakuntento. Gusto niya na basagin ang pag mumukha nito. "Tama na, huh!?" Panunuya kong wika na hinigpitan pa ang kwelyo sa pag kakahawak at pinag susuntok ito hanggang sumirit na lamang ang malapot na dugo na madaplisan ang kanyang leeg at damit. "Sige! Ibibigay ko sa'yo ang impyernong nararapat sa'yo!" Parang nababaliw niyang asik na sigaw na lamang na inambangan ng malakas na suntok sa mukha na tuluyan na itong nawalan nang malay. "Hahaha!" Patuloy niyang pag tawa na binitawan na lamang ang lupaypay at walang malay na katawan ng balbas sarado na lalaki. Tinignan niya ito na kulang na lang maligo sa sarili nitong dugo at sumilay na lamang ang ngisi sa kanyang labi na pinapanuod ang itsura nito ngayon. Wala ng lakas pang lumaban. Iyan lamang ang nararapat sa’yo! Taas-noo na siyang tumindig ng tayo at kumilos na nag lakad na parang wala lang nangyari. Kusang umiiwas ang mga tao sa gilid niya na takot na takot na ayaw galitin ang isang Makisig. "Ahh, tangina." Iritado niyang wika na makita ang bahid ng dugo sa kanyang damit at ang kanyang kamao naka-kuyom pa rin na nabahiran na iyon ng dugo at sugat na walang humpay niya lamang pinapahirap ang mga naka-away niya kanina. Maanggas niya na lamang na pinagalaw ang kanyang leeg, bahagyang pinatunog na maka gawa ng nakakakilabot na tunog. Uyam niya na lamang na pinagalaw ang kanyang panga at parang hari na nag lakad na lamang paalis sa lugar na iyon. Sige lang, mag pakasaya ka lang ngayon Ligaya sa iyong asawa. Mag hintay ka lang at susunudin kong papatayin ang asawa mo, para sa ganun wala nang hadlang pa sa pag iibigan natin. Sumilay na lamang ang nakaka-kilabot na ngisi sa kanyang labi at ang kanyang mata’y nakakatakot na. DAKILA'S POV "Pasok kayo, bilis." Aya na lamang sakanila ni Tiya Belinda na mauna na itong pumasok sa simpleng bahay-kubo lamang sa gitna ng mga kakahuyan. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mag matyag at mag masid na lamang sa bawat paligid. Mabibinggi ka rin sa katahimikan ng gabi, na maririnig mo na lang talaga ang huni ng mga kuliglig at mga ibon sa paligid. Nag katinginan lamang silang dalawa ni Ligaya, pareho naguguluhan kong ano ang ginagawa nila sa lugar na ito na dapat sa balay na dapat sila dumiretso matapos ang selebrasyon. Sinundan na nila si Tiya Belinda at pag pasok pa lang nila sumalubong na sakanila ang katamtaman lamang na laki ng sala, na may upuan at may lamesa na doon gawa sa kahoy. Sapat na ang liwanag ng ilaw na nanggagaling sa gasira, na mag bigay tulong na mapag masdan nila ang simple at munting balay na sa una mo pa lang titignan na kompleto na iyon sa gamit. Sa kabilang dako, mayron na lamesa at may upuan na iyon ang mistula nilang hapag-kainan. May kusina rin at may isang pintuan rin sa kabilang dako na hula niya naman kwarto iyon. Simple lamang at sakto ang balay na iyon, na gawa sa matitibay na kahot ang pader at kahit na rin ang kisame. Ang bubong naman gawa sa dahon ng nipa, na napaka presko. "Tiya, kanino po ba itong balay at bakit po nandito tayo?" Naiwika na lamang ni Ligaya, na hindi inaalis ang mata sa buong paligid na pinag aaralan. Lumapit sakanilang dalawa si Tiya Belinda at isang matamis na ngiti sa labi ang sinukli nito bago nag salita. "Ang balay na ito ay regalo ko sainyong dalawa ni Dakila." Namilog ang mata ni Ligaya na hindi makapaniwala, na tumingin sa kanyang Tiya, na hindi alam ang sasabihin. "Naisip ko kasi, na hindi naman magandang tignan na mag asawa na kayo ni Dakila at mag-sasama pa tayong apat nila Lira sa maliit na balay.. Kaya't naisipan ko na lang na mag patayo ng munting bahay-kubo na ito para sainyong dalawa." "Talaga ho, Tiya? Sa amin ang balay na ito?" Hindi makapaniwala na wika na lamang ni Ligaya. "Oo, at sana magustuhan niyo ang munting handog kong regalo sainyo." "Maraming salamat ho, Tiya." Hindi mapigilan ng kanyang asawa na mayakap na lamang sa pag kagalak at saya ang Tiya niya at siya una rin ang kumalas. "Sobra ko talagang nagustuhan." "Sige na, libutin at tignan mo muna ang bago niyong munting tahanan." Pag papasunod na lamang ni Tiya Belinda na kina-tingin naman sakanya ni Ligaya. Lalo pang umaliwalas ang mukha nito sa matamis na ngiti sa labi, at hindi na nag patumpik-tumpik pang kumilos ito na para tignan ang paligid. Tahimik lamang akong naka tayo sa isang tabi, sinusundan ng tingin si Ligaya na suriin at libutin ang munti na magiging tahanan nila. Ang tahimik na panunuod niya na lamang sa isang tabi, na mapansin niya ang matang kanina pang naka masid sakanya. Kina-lingon niya naman para kompirmahin kong tama ba ang pakiramdam niya at nakita niya na lamang si Tiya Belinda naka tayo sa gilid niya at kulang na lang mapunit ang labi sa lawak ng ngiti, na naka titig sakanya. Ano bang trip, ng matandang ito? Kumunot-noo na lamang siya na binigay sakanya ng matanda ang isang lalagyan lamang. "Para sa' iyo iyan Dakila, handog kong regalo." Nilapit pa ng matanda ang lalagyan para tanggapin at kunin niya na lamang iyon na tumitig na lamang siya sa lalagyan. Nag dadalawang isip siya kong kukunin o tatanggihan na lamang iyon subalit alam niyang magiging mapilit pa rin ito. "Maraming salamat ho." Kinuha niya na lamang ang lalagyan subalit hindi niya alam kong ano ba ang laman no'n dahil may takip. "Kainin mo iyan mamaya Dakila, dahil maganda iyan sa katawan at mabibigyan ka ng lakas." May pahiwatig na laman ang pag kakasabi nito. "Sa anong paraan ako, mabibigyan ng lakas nito, Tiya?" Hindi niya pa rin mahulaan ang ibig sabihin nito. Lalo pang lumaki ang ngiti sa labi ng matanda at may kahulugan kong paano siya tinignan nito. Kanina pa ito, pangiti-ngiti ha. Ano bang tinira nito? "Mabuti na din at naitanong mo iyan, Dakila." Lumapit sakanya ang matanda at hinawakan siya sa kaliwang balikat, nag lalaro ang kapilyahan sa mata nito. "Espisyal ang pag kain na iyan, na wala kang makikitang ganito niyan sa lugar natin. Ako lang ang mayron niyan." Espisyal na pag kain? Ano naman kaya ang espisyal na pag kain na ito, na hindi ko makikita sa lugar na ito? Ts. Kalokohan. Baka pinag tri-tripan na naman ako nito. Nag tataka naman siya nang husto kong ano ba ang espisyal na pag kain ang sinasabi nito, kaya't minabuti niya mismo na silipin at tignan ng kanyang mga mata kong ano ba talaga ang laman no'n. Pag alis lamang niya ng takip ng lalagyan, kumunot na lamang ang kanyang noo na hindi inaalis ang mata sa lalagyan. Anak nang? Pepino? Ito na iyon? Ito ba ang espisyal na pag kain na tinutukoy ng tandang ito? Paano ba naging espisyal ang lintik na pepino na ito na araw-araw ito naman ang madalas nilang kainin. Halos naumay na nga siya sa araw-araw na kinakain nila sa balay, tapos bibigyan pa ako nito? Umawang na lamang ang gilid ng kanyang labi, na hindi inaalis ang mata sa mga pepino. Hindi niya malaman kong maiinis o mabwi-bwisit siya sa matandang ito, na mukhang hina-hanginan lamang siya nito. "Oh, ano diba napaka- espisyal?" Tinaas-baba na lamang ng matanda ang kilay nito at nilapit pa ang sarili sakanya. "Espisyal ang pepino na iyan Dakila dahil ako mismo ang nag tanim niyan sa aking lupain at espisyal rin na aking recipe sa pag kakagawa niyan." Pahabol na wika na lamang na malamlam niya na lamang na tinignan ang pepino. May naka lagay pa na iba’t-ibang mga panimpla ng matanda sa hiniwang mga pepino, na para lamang sakanya napaka basic at dali lamang ang pag kakagawa no’n. Ito na nga ba ang sinasabi. Kaya ko din gawin ito kahit nakapikit pa ang mga mata ko. "Sa tulong ng espisyal na pepino na iyan papalakasin niya ang iyong mga tuhod at mag bibigay maraming katas sa'yo mamaya," dagdag pa nitong muli Kanina espiyal, tapos ngayon naman katas? Ibang klaseng pepino naman ito, ah! Mukhang kakaiba nga, na ang raming benepisyo. Naguguluhan na talaga ako nang husto sa sinasabi ng tandang ito. At sa paanong paraan ako matutulungan ng mga pepino na ito na paramihin ang aking katas? Tinapik-tapik pa ni Tiya Belinda ang kanyang balikat, at hindi na masukat ang ngiti sa labi. "Galingan mo mamaya ang performance mo Dakila, at dalhin mo ang pamangkin ko sa sukdulan ng langit." Ano? Langit? Anong ibig niyang sabihin sa bagay na iyon? Ewan, naguguluhan ako na hindi ko maintindihan ang ibig niyang ipahiwatig. Bago paman ako makapag salita, na tinapik-tapik pa ng matanda ang balikat ko sa huling pag kakataon at nag paiwan ng sasabihin. "Siya, at mauna na akong umuwi para naman mabigyan ko kayo ng oras sa isa't-isa. Ito pa naman ang unang gabi niyo bilang mag asawa kaya't galingan mo nang husto, Dakila. Isirit mo ang iyong pinag palang katas sa aking pamangkin." Pangiti-ngiti pang lumisan ng alis si Tiya Belinda at naiwan na lamang siyang naka-tayo naguguluhan sa sinabi nito. Anak nang. Anong pinag sasabi ng tandang iyon? Sinundan niya na lang ng tingin ang matanda hanggang kusa ng mawala sa kanyang mga mata. Bahagya na lamang siyang napa titig sa hawak niya pa rin na mga pepino at ilang segundo napa titig doon, nilapit niya ang kanyang mukha para amuyin iyo na hindi na lamang maipinta ang mukha niya sa mga sumunod na nangyari. Tangina. Ano ito? Bakit ang sama ng amoy? Panis na ata ito. Pinag lalaruan ata ako ng tandang iyon. "Dakila?" Mabilis niya naman na tinago ang pepino sa kanyang likod at nakita niya na lamang ang kanyang asawa na kagagaling lang nito sa kusina. "Asan si Tiya Belinda?" Lumingon-lingon pa ito sa paligid na hinanap ang matandang iyon, at kina lapit sakanya. Hindi ko mawari kong bakit, subukan ko man na ilihis ang aking mata sakanya, parang may magnet na lamang na hinihila ang mata ko na titigan pa siya nang matagal. Bagay na bagay din sakanya ang suot na puting bestida na lumabas na lamang ang magandang korti ng katawan nito, na biglang uminit na lamang ang aking katawan. "Wala na, kakaalis niya lang." Sabay lihis ko na lamang ng tingin, na pinipigilan ang aking sarili na tignan siya muli. "Sayang naman, gagawan ko pa naman siya ng tsa-a, bago umalis." May pag hihinayang na tinig ha lamang nito na hindi na maabutan ang Tiya. "Ikaw, Dakila gusto mo ba ng tsa-a at ipag titimpla kita." Presinta na lamang nito. "Huwag na." Sabay lunok ng mariin na hindi pa rin binabalik ang titig sakanya. Tumalikod na ito sakanya at nag lakad para bumalik sa kusina. "Sandali, dito ka lang at babalik din kaagad ak——" hindi na natapos ang anumang sasabihin na bigla na lamang ito natisod sa kanyang dinaraanan, nawalan ng balanse ang kanyang katawan, na bago pa ito bumagsak mabilis naman na kumilos ang aking katawan na napa-hawak na lamang sa pulsuhan nito. Sabay hinila siya palapit sa akin kaya't nag kadikit na lamang ang katawan namin sa isa't-isa. Napa sandal na lamang si Ligaya sa aking malapad na dibdib na hawak-hawak ko pa rin ang pulsuhan nito. Paramg naging slow-motion lamang ang mga nangyari at unti-unti niyang inanggat ang kanyang mata na sa paraan na iyon nag tagpo ang aming mga titig. Sobrang dikit na ng katawan namin ni Ligaya at hindi ko mapigilan na maka ramdam ng init at kakaibang sensasyon sa aking kalamnan na simpleng pag kiskis ng kanyang katamtaman na dibdib sa aking katawan. Bigla na lamang tumigas ang aking galit na galit na pepino na nag kukubli sa aking pantalon, na binubuhay at ibang epekto sa akin sa tuwing nag kakalapat ang mga katawan namin. Tangina. Napa-lunok na lamang ako ng sarili kong laway, at hindi ko mawari sa sarili ko, kong bakit ganun na lamang kainit ang aking nararamdaman ngayo'y hindi naman mainit sa loob ng balay. Sunod-sunod na lamang ang pag lunok ko ng laway, at iyon din ang pag galaw ng adams apple ko. Sapat na ang liwanag ng gasira na mapag masdan ko ang napaka ganda at inosente nitong mga mata at malamlam na lamang napa titig sa labi nitong korting puso. Sandali, ano itong nararamdaman ko? Tama ba ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD