Chapter 18

3459 Words
Chapter 18 LIGAYA'S POV Mag kasabay kaming dalawa ni Dakila na nag lalakad papunta sa balay ni Tiya Belinda para ito'y besitahin. Hinayaan ko na lamang naka lugay ang mahaba kong buhok at tangi kong suot ang presko na bulaklakan lamang na bestida. Sa tabi ko naman ang seryosong mukha ni Dakila, na suot lamang ang tshirt na itim at maong na pantalon at kabilang kamay naman na hawak ang basket lamang na laman ng aming pasalubong. Medyo maayos-ayos na siyang nakapag lalakad kumpara no'ng dahil medyo gumaling na ang kanyang pilay, nagagawa niya nang mag lakad na mag-isa na walang dalang sungkod subalit medyo paika-ika pa rin kanyang pag lalakad na tila ba'y nahihirapan pa rin sa pag lalakad. Masaya akong nakikita siyang paunti-unti nang gumagaling at ang iba niyang mga sugat na mabababaw lamang, tuluyan na rin nag hilom. Tuminggala na lamang ako sa kalangitan at doon oo nasaksihan ang napaka gandang panahon, na kulay asul rin ang kalangitan at napaka gandang araw. Maaga kaming nagising ni Dakila para mag handa at pag sapit ng alas otso ng umaga nag panhik na silang nag lakad papunta sa balay ni Tiya Belinda. Medyo malayo-layo rin ang kanyang bahay na kaylangan mo pang baybayin na lakarin ang mahigit kinse minutos lamang na lakaran. Hindi rin naman mainit dahil napaka aga pa naman at preskong hangin ang malalasap mo. Nag daan kami sa patag na lupa at sa kaliwa't-kanan namin naman ang matatayog na mga halaman at mga kakahuyan na kay sarap pag masdan. Ilang sandali pa, narating na namin ang balay ni Tiya Belinda at napa ngiti na lamang ako na makita ang aking Tiya na abalang nag wawalis sa kanyang munting bakuran. Nag lakad na kami ni Dakila at gamit lamang ang munting tarangkahan namin, tinulak ko na iyon pabukas at mag kasama na kaming dalawang ni Dakila na nilapitan si Tiya. "Magandang umaga po Tiya Belinda." Bati ko na lamang kay Tiya na nahinto naman ito sa kanyang pag wawalis. Nag mano ako sakanya at ganun rin naman si Dakila, nakita ko kaagad sa kanyang mukha ang pag kasabik at saya na makita niya kaming dalawa. "Maraming salamat." Wika nito na hawak sa isang kamay ang walis-tingting. "Kumain na ba kayo ng agahan? Halika na sa loob, at may naihanda ako doon na konting pag kain na natira sa pag aalmusal namin ni Lira kanina." Paanyaya na lamang nito na umiling na lang ako ng aking ulo bilang pag tatanggi. "Maraming salamat Tiya, pero busog na po kami ni Dakila.. Kumain na kami sa balay kanina bago kami umalis." Tugon ko pa na kina-tango naman nito. "Ate Ligaya." Ang pag tawag sa akin ng aking kapatid ang mag paagaw ng aking atensyon ko. Nakita ko naman ang kapatid kong si Lira na palabas pa lang ng balay at patakbo itong lumapit sa amin, hindi na maalis-alis ang matamis na ngiti. "Lira." Niyakap ko siya nang mahigpit at kinulong sa aking bisig ang aking kapatid. Nag pagaan pa ng aking naramdaman na madama ko ang mainit na katawan, at ako na rin ang unang kumalas sa pag kakayakap naming dalawa. "Kumusta kana? Kumusta na ang pag aaral mo?" "Okay na okay po, Ate." Aniya nito na naka tayo sa harapan ko. "Pinag bubutihan ko naman sa pag aaral ko po gaya ng iyong bilin sa akin." Bahagya kong hinaplos ang buhok ng kapatid ko. "Eh, hindi ka naman nag papasaway kay Tiya? Huwag mo siyang bibigyan ng sakit ng ulo, ha?" Paalala ko na lamang na lumaki pa ang kanyang ngiti. "Napaka bait ko kaya Ate, tumutulong ako sa mga gawaing bahay at kahit na rin kay Tiya." Taas-noo na salaysay na lamang nito.. "Kaylan ka babalik dito Ate? Miss na miss na kita. Baka pwede niyo na lang ako isama sa balay niyo ni Kuya Dakila, sige na.." pag pupumilit na lamang nito na makikita ko naman na gustong-gusto niyang sumama. "Dapat sinama niyo na ako sa bagong tahanan niyo. Ayaw ko na rito at wala na akong katulong sa pag kukuha ng mga tanim na mga pepino ni Tiya Belinda araw-araw." Napa ngiti na lamang ako sa sumbong ng aking kapatid. "Tigilan mo ako diyan, Lira." Singit naman ni Tiya sa isang tabi kaya't napa nguso na lamang ito. "Hindi ka pwede doon na sumama sa Ate Ligaya mo at may asawa na siya, hindi naman maganda kong mag sasama kayong tatlo sa iisang bubong.. Dito ka lang kasama ko, para sa ganun may kasama ako sa pag aani ng mga paborito kong mga pepino." Dagdag pa ni Tiya na kina-busanggot naman ng kapatid ko na si Lira. Napapangiti na lang talaga ako nang husto na pinag mamasdan ang kanyang kagustuhan, na kahit ako gusto ko siyang isama pero hindi talaga pwede. Isa rin sa patakaran sa Nayon namin na kapag may asawa kana, mag-sasama kayo sa iisang bubong at kailangan mo na rin mag bukod para sa tatayuin niyong bagong pamilya ng iyong napangasawa. Ganun na lang ang pag hihinayang ko nang husto dahil napa layo na ako sa kapatid ko at hindi ko na siya maisasama pa sa munting balay namin lalo't mag asawa na kaming dalawa ni Dakila Nasa iisang Nayon naman kami naka-tira ng kapatid ko subalit hindi na kami nag kakasama pa. Hindi rin madali sa akin ang bagong buhay na mayron ako ngayon, at ako'y nalulungkot nang husto na hindi ko na makakasama ang kapatid ko sa iisang balay, pero ganun talaga. Nasanay talaga ko na kaming dalawa na ni Lira ang mag kasama simula no'ng mamatay ang mga magulang namin at sobrang malapit ako sa kapatid ko at isang linggo lang na napalayo ako sakanya pakiramdam ko na kaagad napaka tagal ko na siyang hindi nakasama. Hinawakan ko na lang ang balikat ng kapatid ko na hindi na maipinta ang mukha sa pag kadismaya at kagustuhan lang talaga na sumama sa akin. Kahit ako nalulungkot ako, na hindi ko siya mapag bibigyan. "Hayaan mo, at bibisitahin kita dito para sa ganun, hindi kana malungkot. Kong na-mimiss mo si Ate, pwedeng-pwedw ka naman na pumunta at dalawin ako sa balay namin.. Ano, gusto mo ba iyon?" Wika ko na lamang dahil hindi ako sanay na makita siyang nalulungkot. May ibang kislap rin ang mata ni Lira kaya't malamlam ang mata na tumingin sa akin. Unti-unting lumiwanag ang mukha ng kapatid ko sa sinabi ko, na mag pagaan naman sa akin. "Sige po, Ate." Pinakita na lamang sa akin ni Lira ang matamis niyang ngiti sa labi "Ahh siya nga pala Tiya, may dala pala kaming pasalubong sainyo." Wika ko pa na tinignan si Dakila sa tabi ko. "Para po sainyo, Tiya." Nilapit ni Dakila ang basket, na laman ng aming munting pasalubong na laman lamang ang ibang kakanin na aking ginawa. "Maraming salamat Dakila, at siya ipasok mo na lang iyan sa balay at ilagay mo na lang sa lamesa. Lira, samahan mo ang Kuya Dakila mo at mag handa ka na rin ng munting pag kain para sakanila." Pasunod na lamang ni Tiya na kina- tingin naman ng kapatid ko na naka tayo sa tabi ko lamang. "Sige ho, Tiya." Lira. "Halika na po, Kuya Dakila." Mag kasama na ang dalawa nag papanhik sa loob ng balay at sabay naming pinanuod ni Tiya Belinda ang dalawa hanggang tuluyan na silang naka pasok. Samantala naman kami mag katabi na naka tayo sa may bakuran. Nilapit pa ni Tiya ang sarili niya sa akin, at nakita ko sa gilid ng mata ko ang simple niyang pag masid sa akin. "Kumusta, ang unang gabi niyo ni Dakila? Masarap ba? Dinala ka ba niya sa langit?" Tinaas-baba ni Tiya ang kanyang kilay na kaagad naman akong pina-mulahan ng pisngi sa tanong nito. "Tiya." Saway ko naman na nahihiya na abot-langit na ang ngiti sa kanyang labi. Nakita ko ang pag kasabik niya lamang na malaman ang iku-kwentomo sa aming pag sasama na dalawa. "Huwag po kayong maingay at baka may maka rinig." Lumingon-lingon ako sa kaliwa't-kanan masiguro lang na walang iba na naka rinig ng kanyang sinabi. Pinanlakihan lamang ako ni Tiya ng mata. "Ano ka ba, Ligaya hindi naman masama ang tanong ko sa'yo, dahil mag asawa na kayong dalawa ni Dakila. Normal lamang na ginagawa iyon kapag naikasal na ang mag kapareha." Giit na lamang nito pero hindi ako komportable na pinag uusapan iyon. "Ang regalo lang maibibigay mo sa iyong asawa kapag kinasal kayo, ay ibigay ang iyong sarili, Ligaya. Ginawa niyo na ba? Masarap diba?" Lumawak na lamang ang ngiti sa labi ni Tiya at pinamulahan naman ako ng pisngi. "Walang ganun Tiya na nangyari, at walang mangyayari na ganun sa amin ni Dakila." Wika ko na lamang na namilog na lang ang mata ni Tiya sa sinabi ko. Sapat na sa akin ang mag kasama kami sa iisang balay, ni Dakila at hindi na ako nag hahanggad pa na higit pa doon. Ito naman naman ang gusto ko, sa simula pa lang. Ang kagustuhan ko lang naman ang maka takas sa pag iisang dibdib ko kay Makisig. Ginamit ko lamang si Dakila para makatakas sa aking kapalaran at okay na ako doon. "Ibig mong sabihin, isang linggo na kayong dalawa ni Dakila na mag asawa at nag sasama sa iisang buhong pero wala pang nangyayari sainyo?" "Oho." Kagat-labi ko na lamang na sagot. "Aba, dapat kumilos na kayo at simulan niyo na." Aba, simulan kaagad? Hindi ba, pwedeng sandali lang muna? Makapag salita ka naman Tiya, na ang pag sisiping ay parang pag kain na isusubo na lang, ah? Kinagat ko na lamang ang ibaba kong labi at hinarap siya. "Ayaw ko ho, Tiya tyaka hindi naman ako handa sa ganun." Pag aamin ko na lamang sakanya. "Malaki na ang kasalanan ko kay Dakila na tinago ko sakanya ang totoo at ayaw ko nang dagdagan pa iyon.. Masaya na ako kong anong meron kami ngayon na tahimik at payapa na nag sasama." Pag bibitin ko pa na may lungkot at pag aalinlangan sa aking tinig. Katahimikan ang sumagot sa amin pareho ni Tiya at tumingin na lang ako sa kawalan. Alam ko naman na ngayo'y na mag asawa na kami, gagawin na namin ang mga bagay na ginagawa ng mag asawa at iyon ang pag sisiping. Alam ko talaga sa ganung ang mangyayari pero ayaw ko talaga na may mangyari sa amin at baka lalo pa akong mapa-lapit sakanya. Na baka sa pag lapit ko kay Dakula, unti-unti akong mapa-ibig sakanya kaya't habang maaga pa iniiwasan ko ang mahulog at hindi mag kagusto sakanya dahil natatakot ako. Natatakot ako dahil may hangganan ang lahat ng ito. May hangganan ang pag sisinunggaling ko sakanya. Alam ko rin na balang araw, darating na malalaman at malalaman ni Dakila ang totoo. At ang totoo na babalik ang kanyang ala-ala. Kapag nangyari iyon doble ang mararamdaman kong sakit kong sakali man na tuluyan akong mapa mahal sakanya. "Bakit, may problema ba Ligaya?" "Ang totoo po kasi niyan, Tiya natatakot ako." Pag aamin ko na lamang na tumitig sakanya muli. "Paano na lang kong isang araw bumalik ang alaala ni Dakila at kamuhian niya ako?" May kakaibang kislap na lungkot at pag kabahala sa aking mga mata habang sinasabi sa akin ang bagay na iyon. "Panigurado naman maiintindihan naman ni Dakila ang rason kong bakit nagawa mo nagawang mag sinunggaling sakanya.. Huwag mo na muna isipin ang hindi pa nangyayari Ligaya." Wika ni Tiya at hinawakan niya ang aking kamay kaya't napa titig ako sakanya. "Ang isipin mo muna ngayon ang masaya niyong pag sasama ngayon ni Dakila.. Huwag mo na muna problemahin ang mga bagay na wala pa naman at hindi pa nangyayari.. Habang wala pa, gusto kong maging masaya ka, Ligaya at enjoyin mo ang kasalukuyan na kasama mo ang iyong asawa ngayon." Ngumiti siya ng kay tamis sa akin na medyo gumaan naman ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Sa gilid na lang ng mata ko nakita ko na lamang ang palabas ng bulto ng tao mula sa balay ni Tiya, ng kina-lingon ko naman nakita ko si Dakila na naka tingin sa aming dalawa. *** Tahimik akong nag lakad papasok sa aming munting silid at hinawi ang kurtina, bigla akong napa hinto nang maabutan ko si Dakila na naka-upo sa papag. Sapat na ang liwanag ng ilaw ng gasira na mapag masdan ko ang seryoso niyang mukha. Naka suot si Dakila ng maong na pantalon at wala siyang anumang suot na saplot sa itaas kaya’t napag masdan ko ang malapad at maganda nitong pangangatawan. Nanatili lamang ako sa aking pwesto, naka tayo at hindi niya siguro napansin ang pag dating kong presinsiya dahil naka talikod siya sa akin at naroon lamang ang kanyang atensyon sa pag gagamot ng kanyang sugat. Napa titig na lamang ako kay Dakila na nilalagyan ng gamot ang kanyang sugat sa parteng likod gamit lamang ang natira pang ginawa ni Manong Kadyo na gamot sakanya. Kunot-noo at halatang iritable na ang mukha ni Dakila na ngayo’y nahihirapan ito sa pag lalagay ng gamot lalo’t nasa likuran parte niya na hindi niya maabot-abot. “Ts.” Naririnig ko na lamang na iritableng nitong pag kairita lamang na hindi siya matapos-tapos sa kanyang ginagawang pag gagamot, kaya’t nang hindi na ako maka-tiis na pinapanuod siya na ganun na nahihirapan kaya’t dali-dali na akong pinag patuloy ang pag pasok ko para lapitan siya. “Amin na, tutuluyan na kita riyan.” Presinta ko na lamang na napa baling naman ang tingin siya sa akin. Naka lukot pa rin ang kanyang noo at halata ngang masama ang araw nito na naiinis na. Hindi ko na lamang pinansin ang iritableng mustra ni Dakila at walang pag aalinlangan lamang na umupo na ako sa papag na katabi, kinuha na rin ang gamot para matulungan siya. Dumukwat lamang ako ng saktong porsyon ng gamot at pumwesto na ako sa parteng likod ni Dakila para masimulan na itong gamutin. “Tumalikod ka sa akin, para magamot ko na ang sugat mo.” Walang kibo na lamang na sumunod na lamang sa akin si Dakila pero wala na akong nakuha pang sagot sakanya. Mariin ko na lamang na nilagyan ng gamot ang ilang sugat niya na hindi pa tuluyan na nag hilom at ang iba naman doon, ay mga gasgas lamang at konting mababaw lamang na mga sugat, na tuluyan rin gumaling. Rinig ko na lamang ang mabibigat na pag hingga ni Dakila at habang nag lalagay ako ng gamot hindi ko mapigilan ang aking sarili na pasadahan ng tingin ang kabuuan niyang likod. Napaka lambot ang kanyang kutis at medyo malapad, na napaka ganda ng kanyang pangangatawan. Ilang segundo nabalutan ng katahimikan sa panig naming dalawa ni Dakila at walang sino man ang bumasag na lamang ng malamig na atmosphere sa pagitan namin. Ang naririnig ko na lamang ang huni ng kuliglig at palaka sa kalaliman ng gabing iyon. Hanggang sa aking pag lalagay ng ilang gamot sa sugat niya, kaagad nag paagaw na lamang ng atensyon ko ang mga sugat at ilang parte ng mga peklat niya sa likod. Hindi naman iyon nanggaling sa sugat mula sa kanyang mga aksidente. Iilan doon, masasabi ko talaga na matatagal na iyon na mga peklat base pa lamang sa korte at itsura. Hanggang napako na lamang ang mata ko sa parang pahabang korte ng peklat ni Dakila sa parteng pababa sa likod nito. Ilang segundo ako napa titig doon at hindi ko maipaliwanag kong kutsilyo ba o anumang mahaba na armas ang may kaggawa ng mahabang peklat niya ng sugat doon. Hindi ko maipaliwanag kong bakit napako na lamang ang mata ko sa peklat na iyon at hindi ko namalayan ang sarili ko, na tinaas ko ang aking kamay at wala sa sariling hinawakan at hinaplos iyon. Saan niya ito nakuha? Bakit ang rami niyang sugat at peklat? Namuo na lamang ang katanungan sa isipan ko, na gusto kong tanungin kong saan galing ang mga sugat niya subalit hindi naman maalala ni Dakila ang kanyang nakaraan. “Anong ginagawa mo?” Ang malamig na wika na lamang ni Dakila ang mag pabalik sa akin sa realidad. Pinanuyuan kaagad ako ng laway sa aking lalamunan na ngayo’y naka titig na siya ng malamlam sa akin na medyo matamlay kaya’t ako napa lunok naman. “Huh?” Napapaso naman na inalis ko ang kamay kong naka hawak sa kanyang peklat sabay lunok ng mariin muli. Ilang segundo nag katitigan kaming dalawa ni Dakila sa mata. “Dito, lagyan mo dito sa parte ng gamot. Hindi ko pa riyan nalagyan.” May tinuro siyang sugat doon sa kaliwang likod niya na kina-sunod ko naman ng tingin. “A-Ahh oo.” Napaka-kurap na lamang ako ng mata at nawala na lamang ang matinding nerbyos sa aking dibdib na kina-lihis na ni Dakila ng tingin sa akin at tumingin na lamang sa bintana. Dali-dali naman ako kumuha ng gamot muli at nilagyan ang tinuro niya sa akin at iyon ang sugat niya doon na hindi pa gaanong gumaling. Mainggat ko na lamang na nilagyan ng gamot iyon, na sa aking pag pahid lamang, bahagyang gumalaw ang katawan ni Dakila na para bang nasasaktan siya. “Masakit ba?” “Hindi ba halata?” Pinalabas na lamang sa ilong nito ang sinabi na bahagyang napapa-pikit ng mata si Dakila, na at makikita ko sa kanyang mukha na naroon pa rin ang hapdi at sakit no’n. “Dahan-dahan lang.” “Oo.” Kurap kong wika. “Ts.” “Sandali lang, at malapit na ito matapos, konti na lang.” Wika ko pa na kumuha pa ulit ng gamot at nilagyan ang kanyang sugat at hindi na lamang sinasadya na napa diin ang pag kakahawak ko doon kaya’t napa daing na lamang si Dakila sa sakit. “Ahh, tangina.” Matinis na mura nito’y ako’y kabahan. “Ipag paumanhin mo, hindi ko talaga sinasadya Daki——“ bago ko na lamang matapos ang sasabihin ko na mabilis na hinuli ni Dakila ang aking pulsuhan at tinulak niya ako pahiga sa papag kaya’t naka patong na siya sa akin. Nag karerahan na ang malakas na tambol ng aking puso na para bang hihimatayin na ako na ngayon sobrang mag kadikit na ang katawan namin sa isa’t-isa. Kahit naka bukas naman ang bintana, pinag initan nang husto ang katawan ko Sapat na ang liwanag ng gasira na makita ko ang seryoso at guwapong mukha ni Dakila. Napa-lunok naman ako ng laway na ngayo’y puno ng seryoso at lagkit niya ako tinitigan na tuluyan akong pinang lalambutan ng aking mga tuhod. Hindi rin ako komportable lalo’t sobrang lapit na nang katawan namin sa isa’t-isa at mag bigay init sa akin ang mainit na hiningga na tumatama sa aking balat. “Nanadya ka ba?” “H-Hindi. P-Pasensiya na talaga, hindi ko talaga sinasadya.” Pawisan kong tinig na lamang na umawang na lamang ang labi ni Dakila sa sinabi ko. “Hindi ko na talaga iyon, uulitin. P-Pangako.” Humawak ang isa kong kamay sa malapad na dibdib ni Dakila para itulak ito paalis sa ibabaw ko subalit bago pa ako maka alis, napa singhap na lamang ako na diniin niya pa ako pahiga sa kama kaya’t domoble ang malakas na kalabog ng aking dibdib. Tumama na lang ang aking likod sa matigas na papag at tumitig na lang sa kanyang mukha. “Sandali lang.” Pag pipigil na lamang nito, na pinag pawisan ako. Hindi ko na lamang mabilang kong ilang beses na ako napapa-lunok sa sarili kong laway dahil lamang sa init at kakaibang kuryente ang nanalaytay sa katawan ko sa simpleng pag dikit lamang namin. Kailangan ko nang maka alis. Baka tuluyan pa ako matakasan ng bait, kapag pinatagal ko pa ito. “D-Dakila.” Mahinang tawag ko na lang sakanya. Nilapit pa ni Dakila ang mukha niya sa akin lalo’t kaya bumigat ang aking pag hingga. “Parang mas gusto ko ang posisyon natin ngayon, Ligaya. Hindi mo ba gusto aking asawa?” Tila ba may pag aakit at hini-hypnotismo niya ako sa paraan na titig, na pinapasunod sa kanyang gusto. Nanigas na naman ang aking katawan, na diniin pa ni Dakila ang sarili niya sa akin, at naramdaman ko na lamang ang matigas na bagay na tumama sa aking puson. Sandali, ano iyon? Bakit ang tigas? Bakit parang galit na galit? Armas niya ba iyon? Lalo akong nataranta at kinabahan nang husto na mapag tanto na lamang kong ano ang matigas na bagay, na tumatama sa puson ko. “D-Dakil hmmp——-“ bago ko pa natapos ang anumang sasabihin ko na siniil niya na lamang ako ng halik sa labi. Tuluyan nang namilog ang aking mata sa pag kabigla na lamang at maramdaman na lamang ang malambot niyang labi at tuluyan na rin akong bumigay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD