Chapter 39

3811 Words
Chapter 39 LIGAYA'S POV Dapit alas otso pa lang nang umaga, mag isa kong binabaybay ang daan papunta sa bayan. Sa kabila ko naman na kamay, hawak ang basket laman ng aking ititinda na mga kakanin at hindi ko na napansin ang pag bati ng ilang mga nakaka salubong ko sa daan dahil lamang napaka lalim ng aking iniisip. Nakapako lamang ang isipan ko sa kawalan, at hanggang ngayon bumabagabag pa rin sa aking isipan kong ano ang narinig ko kagabi. Tunog ng pag bukas ng pintuan. Tunog ng yabag ng paa papasok sa loob ng balay namin. Sa tuwing naalala ko ang tunog ng yabag ng paa at pag bukas nang pintuan, pinaninindigan kaagad ako ng balahibo sa katawan. May kong anong nanunuot sa aking kalamanan na takot ng sandaling iyon. Hindi ako pwedeng mag kamali, alam ko sa sarili ko kung ano ang mga narinig ko. Totoo ang lahat ng iyon at hindi lamang guni-guni iyon. Napaka likot na ng aking mga mata na nabahiran ng takot iyon at hindi ko na lamang namalayan na sobrang diin na pala ang pag kakakagat ko sa ibabang labi, sa labis na kakaisip. Kong hindi si Dakila iyon, sino iyon? May nag panggahas na may pumasok sa balay namin? Pero sino naman? Sino siya? "Magandang umaga, Ligaya." napukaw na lamang ang malalim kong iniisip na sumulpot na lamang sa harapan ko ang naka ngiting si Makisig. Abot-taenga na ang matamis na ngiti sa kanyang labi na ako'y mapa kurap naman ng mata. Akmang lilihis na dadaan ako sa gilid niya na kaagad naman akong napa tigil muli na humarang na naman siya sa dinaraanan ko. Sumimanggot na lang ako bilang tugon kong gaano ako naiinis sa pag harang niya na naman sa akin. "Hindi mo ba ako babatiin pabalik na magandang umaga rin, Ligaya?" mahangin na wika nitong hindi man lang ako natutuwa sakanya. "Oh bakit, naka simanggot ka diyan? Hindi ka ba natutuwa na makita ako?" "Hindi," matabang na sagot ko naman na unti-unting napawi ang matamis na ngiti sa kanyang labi. "Ano na naman ba ito Makisig, akala ko malinaw na ang napag usapan natin na hindi mo na ako guguluhin. Ano na naman ito?" mababa ko na lamang na tinig at ayaw kong masira ang araw ko nang dahil lang sakanya. "Oo tama ka nga, titigil na ako sa pangungulit sa'yo," anito. "Baka naman nakaka-limutan mo Ligaya na malalapit ako sa lahat ng mga Ka-Nayon natin na kahit sino binabati at nilalapitan ko. At isa pa, hindi ba'y mag kaibigan na tayo? Wala naman sigurong masama kung paminsan-minsan lapitan at kausapin kita.. Sandali lang, mukhang hindi ata maaliwalas ang mukha mo ngayon." puna na lang nitong mapa titig na lang ako sakanya. "Wala naman at tyaka, hindi kasi ako naka tulog nang maayos kagab----" pinutol na nito ang anumang sasabihin ko nang mag salita siya. "Nag palit kana pala ng kasuotan ngayon, Ligaya," puna na lang nito na hindi inaalis ang mata ko sa aking kasuotan. Ha? Ano daw? "Hinubad mo na pala ang suot mong tube na kahel na suot mo, bagay na bagay pa naman iyon sa'yo." maka hulugang tinig na lang nito na kumalabog naman ang aking puso sa katagang sinabi niya. Namilog na lang ang mata ko at gumuhit na lang ang pag tataka at gulat sa kanyang sinabi. Paano? Paano niya nalaman na suot ko iyon? Hindi ko alam kong bakit may kakaibang impact sa aking dibdib ang kanyang sinabi pero ito lang ang nakaka siguro ako, may alam siya. Alam niya ang suot ko. "Huh?" napa kurap ko na lang na tinig. "Paano mo na laman na iyon ang suot ko kagabi, Makisig? Eh, hindi naman na ako lumabas ng aming balay no'ng suotin ko ang pang bahay na damit ko." tinig ko na lamang na pilit na hinuhuli ang titig niya subalit, umiiwas siya. Hindi na mawala-wala ang malakas na kalabog ng aking dibdib na hinihintay ang anumang kasagutan mula sakanya. Paano niya nalaman iyon? Nakaka siguro ako, na hindi na ako lumabas kagabi matapos na suotin ko ang kasuotan na iyon. Eh, paano niya nalaman? Paano niya nalaman ang bawat detalye na suot ko kagabi? Napa-kamot na lang nang ulo si Makisig ng kanyang ulo at sumilay na lang ang mapag larong ngisi sa labi niya, na tila ba'y may tinatago siya sa akin. "Ah eh, iyon ba ang suot mo kagabi?" dinadaan na lamang nito sa patawa-tawa ang kanyang sinasabi na hindi na siya maka tingin ng diretso sa akin. "Napaka galing naman at nahulaan ko pala na iyon ang kasuotan mo kagabi na tube na kulay kahel." "Hindi eh," giit ko na lamang na dinapuan ng pangamba ang dibdib ko. "Sandali nga lang Makisig, pumasok ka ba sa balay namin kagab-----" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na bumaling na lang si Makisig sa hawak kong basket. "Tutulungan na kita sa pag bibitbit ng mga paninda mo Ligaya at mukhang may kabigatan pa naman iyan," pag lilihis nito nang usapan at akmang kukunin na sana ni Makisig sa pag kakahawak ko ang basket, subalit napa singhap na lang ako na may mainit na kamay na humawak sa pulsuhan ko. Kumalabog naman ang aking puso na hinigit ako nang misteryosong kamay palayo kay Makisig at tinago niya ako sa kanyang likuran "Sandali lan----" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na namilog na lang ako na makita ko ang malapad na likod ni Dakila sa harapan ko. "Mahal," tinig ko na lamang na ngayo'y hawak ni Dakila ang pulsuhan ko at hindi niya pa rin binibitawan iyon, hindi naman mahigpit ang pag kakahawak niya subalit ramdam ko ang tensyon. Mariin na lang akong napa lunok ng aking laway at sinilip na lang si Dakila na ngayo'y kay dilim ng mustra ng kanyang mukha na ngayo'y hinarap si Makisig. Kay talim ng pinukulan niyang titig dito na tila ba'y papatayin niya ito sa paraan ng titig na mangilabot ako nang husto. Ibang-iba ang paraan ng titig niya na para bang galit siya na hindi ko maipaliwanag kong bakit, ganun na lang ang talim ng titig niya kay Makisig. "Anong ginagawa mo? Ginugulo mo na naman ba ang asawa ko?" gumuhit na lang ang makapanindig balahibo niyang tinig na kina-lapit pa ni Dakila ang sarili niya kay Makisig na animo'y nakikipag sukatan siya dito ng titig. "Tantanan mo na siya, kong ayaw mong mag kagulo tayo!" nakakatakot ang kanyang boses, na kahit na sino masisindak na lang sa banta niya dito. Imbes masindak si Makisig, pinakita niya na lang ang mapag larong ngisi sa kanyang labi, na hindi pa rin nag babago ang emosyon sa mata ni Dakila. "Napaka-initin kaagad ng ulo mo, Dakila. Ang totoo kasi niyan, nakikipag usap lang naman ako sa asawa mo at wala naman akong ginagawa sakanya. Baka hindi mo pa alam na nag kaayos na kami ng asawa mo, at mag kaibigan na kaming dalawa." pag bibitin na lang nito ng sasabihin na pasimple naman na sumulyap si Dakila sa gawi ko, na napa kurap naman ako ng mata ko. Parang naging slow-motion lamang na bumalik kaagad ang atensyon ni Dakila sa gawi ni Makisig. "Mabuti na rin at nandito kana Dakila, gusto kong mag kaayos tayong dalawa.. Ipag paumanhin mo ang naging asal ko sa'yo noon na hindi naging maganda ang simula nating dalawa, nadala lang ako ng galit ko at mabilis kung minsan uminit ang ulo ko.. Alisin natin ang galit sa isa't-isa Dakila at mag simula tayo ulit, na payapa at walang gulo. Ano sa tingin mo?" nilapit ni Makisig ang kanyang kaliwang kamay para makipag kamay kay Dakila, na hindi na maalis ang matamis na ngiti sa kanyang labi.. Tahimik lamang akong naka tayo sa likod ni Dakila, pinag aaralan ng palihim ang mustra ng mukha nito at masasabi ko talaga na hindi ko nababasa ang tumatakbo sa kanyang isipan. Malamlam lamang ang mata ni Dakila na tumitig sa kamay ni Makisig, na wala siyang balak na makipag kamay dito pabalik. "Halika, na mahal." matabang na pag kakabigkas ni Dakila at hinigit niya na ang pulsuhan kong hatak-hatak nito na nilampasan na lang namin si Makisig. Nag patanggay na lang ako sa pag hila niya sa akin at mabibigat na ang pag hingga ni Dakila na patuloy na nag lalakad. Wala lamang akong imik na maka lipas lamang ng ilang hakbang namin palayo sakanya, bumaling ako ng tingin sa direksyon ni Makisig na ngayo'y naka tayo pa rin siya sa pinag iwanan namin sakanya at sinusundan niya kami ng tingin ni Dakila palayo. Naka tindig siya ng maayos, samantala naman ang isa niyang kamay naka lagay sa loob ng kanyang bulsa at sumilay na lang ang maka hulugang ngiti sa kanyang labi, na hindi pa rin inaalis ang mata niya sa akin. Hindi ko maipaliwanag kung bakit may anong kilabot ang nanuot sa kalamnan ko sa makahulugang ngiti nito na animo'y may gustong ipa hiwatig. Bakit kakaiba ang ngiti niya sa akin? Bakit ako, biglang kinilabutan bigla? Normal lang ba ito? O sadyang nag iisip lang ako na hindi dapat? DOLORES POV Sumilay na lang ang matamis na ngiti sa aking labi, at umikot ako sa harapan ng salamin para tignan ang aking sarili na suot ang magandang kasuotan. Sa likod ko naman ang abalang mga taga silbi kong inaayusan ang buhok gamit sa pag suklay no’n, samantala naman ang isa abala sa pag tapos na pag aayos ng damit ko. Nilakihan ko pa ang ngiti sa labi ko, lumabas na lang ang aliwalas ng aking mukha lalo’t ayos na ayos ako ngayon. Hindi ko inaalis ang mata ko sa repleksyon ko sa salamin dahil hindi ko maikakaila kong gaano ako nagagandahan sa kanilang pag aayos nila sa akin ngayon. Ilang segundo akong naka tayo sa harapan ng salamin at maya’t-maya lumitaw na lang ang repleksyon ni Ama na bagong dating na naka tayo lamang sa likuran ko. “Ama.” Wika ko na lamang na sa isang senyas ko lamang ng aking kamay, kaagad din naman na umiwas ang mga taga silbi na nag aayos sa akin. Nakuha nila ang ibig kong sabihin kaya’t mas pinili nilang tumayo at pomosisyon, muna sa isang tabi. Huminto si Ama sa harapan ko at naka porma at maganda ang kasuotan na suot niya. “Napaka ganda ng umaga mo ngayon, Dolores at bagay na bagay sa’yo ang suot mong damit.” Puna na lang nito na pinakita ko lalo ang matamis na ngiti sa labi ko. “Nagustuhan mo ba, Ama ang suot ko ngayon?” Umikot pa ako sa harapan niya para ipakita kong gaano iyon kaganda. “Ako mismo ang nag pili ng damit na ito Ama at ako’y natutuwa at nagustuhan niyo.” Humawak si Ama sa balikat ko na hindi maalis ang titig ko sakanya. “Sa susunod na linggo, gusto ko sanang ganyan kaganda ang iyong ngiti at aura Dolores. Labis akong natutuwa na makita kang masaya.” Anito na lamang. “Mag handa ka Dolores, at naka usap ko na si Datu Magwat at balak nilang bumisita rito ng kanyang anak na si Bayani dito sa ating balay sa susunod na linggo. Gusto kong pag handaan mo ang sunod niyong pag kikita na dalawa.” Paalala na lamang nito na unti-unti na lamang nawala ang matamis na ngiti sa labi ko. Ano, sa susunod na Linggo na iyon? Bakit, napaka bilis naman ata ng mga araw? Malayo pa man, pinaalalahanan na ako ni Ama sa balak na pag bisita ng Datu at anak nitong si Bayani sa aming Nayon, na mahigit na isang linggo silang mananatili dito. Balak kasi ng dalawa na pag tibayin pa ang samahan ng dalawang panig at sa paraan na iyon, mapag usapan na rin ang bagay-bagay sa nalalapit na aming pag iisang dibdib. Sa totoo lang talaga, tutol ako sa kagustuhan ng aking Ama sa pag iisang dibdib ko kay Makisig. Hindi ko masabi-sabi sakanya na ako’y may nagugustuhan na iba subalit ayaw ko naman siyang biguin. Ayaw kong magalit siya sa akin kapag nalaman nitong hindi ko naman talaga lubos na nagugustuhan si Bayani. “Opo Ama, hindi ko naman po iyan nakaka limutan.” Matamlay na wika ko na hindi ko na lang pinahalata sakanya na hindi ko naman nagugustuhan ang kanilang pag bisita sa aming lugar sa susunod na linggo. “Mabuti naman kong ganun, Dolores.” Anito. “Gusto kong umayos kana sa pag kakataon na ito, na huwag kanang gagawa ng anumang bagay na makakasira ng relasyon naming dalawa ng Datu.. Mahalaga sila sa Atin at lalong-lalo na rin sa Nayon natin, Dolores at sana naiintindihan mo ako.” “Opo Ama, naiintindihan ko po.” Magalang ko na lang na pag kakasabi na tumango naman siya bilang pahiwatig na nakuha ko ang kanyang paalala. “Siya, maiwan na kita Dolores at baka naka istorbo na ako sa iyong ginagawa.” Tinapik-tapik pa ni Ama ang balikat ko tanda lamang ng pag papaalam nito, na kina tango ko na lamang. Nag lakad na si Ama palabas nang aking silid at sinundan ko na lamang siya ng tingin hanggang kusa na siyang mawala sa paningin ko. Sa isang iglap ang matamis kong ngiti sa labi, napalitan lamang iyon ng kakaibang seryoso ng aking mga mata. “Makaka-alis na kayo, kaya ko na ito.” Pasaring ko na lamang na tinig na tinutukoy ang dalawang babae na taga-silbi na nag tutulong sa pag aayos sa akin kanina na naka tayo lamang sa gilid ko, at nakikiramdam lamang. “Sige po, Binibini.” Magalang na sabay pa sila sa pag kakabigkas at dinaanan ko lamang sila ng titig. Yumuko na sila sa harapan ko, tanda ng pag galang at sunod ko na lang narinig ang yabag ng kanilang paa paalis sa silid. Nang maka siguro na naka alis na silang lahat, tinawag ko na ang katiwala kong tauhan. “Bughaw.” Isang tawag ko pa lang lumapit na kaagad si Bughaw at pomosisyon na siyang tumabi sa akin. “Nagawa mo na ba ang pinapagawa ko sa’yo?” “Tapos na po, Binibini.” Inabot niya sa akin ang katamtaman lamang na basket na aking hini-hinggi sakanya. Napa ngiti na lang ako na maamo’y ang mabangong aroma ng pag kain na nanunuot sa aking ilong na aking pinahanda sakanya. “Naihanda ko na po lahat at naka lagay na riyan ang mga hinihinggi mo sa akin.” “Mabuti kong ganun. Si Ama?” Umayos na lang ako ng tindig at kinuha sa kamay niya ang basket. “Naka alis na ho ang iyong Ama, Binibini.” Labis naman akong napanatag na sabihin nitong naka alis na nga si Ama. “Maraming salamat, Bughaw.” Humigpit na lang ang pag kakahawak ko sa basket. “Huwag kanang sumunod pa sa akin, Bughaw. Kaya ko na ito.” Paalala ko na lamang na hindi ko na siya, nilingon pa at dire-diretso na akong nag lakad at iniwan siya. Ramdam ko na lamang ang presinsiya ni Bughaw na naka tayo sa likuran ko at gaya nga nang pinag uutos ko sakanya, hindi na siya sumunod pa sa akin. Matagumpay akong naka labas sa aming balay at nalampasan ko rin ang mga taga bantay. Nag patuloy lamang ako sa pag lalakad, hanggang maka rating na ako sa bayan na hawak ko naman sa kabilang kamay ang hawak kong basket na dala-dala ko. Habang binabaybay lamang ang daan, hindi na maalis ang matamis na ngiti sa aking labi sa labis na saya at excitement sa aking dibdib na balak kong supresahin si Dakila. Balak ko siyang bisitahin para ihandog lamang sakanya ang espisyal na pag kain para sakanya at hindi na ako makapag hintay na masilayan muli siya. Ilang minuto na akong nag babaybay ng daan at dapit alas kwartro na nga nang hapon ng sandaling iyon at tamang-tama at maabutan ko pa si Dakila. Mga ganitong oras patapos pa lang siya sa kanyang trabaho at dapat ko lang bilisan ang kilos ko para sa ganun, maabutan ko pa siya kay Manong Basyo. Kinagat ko na lamang ang ibaba kong labi at naging mabilis ang paraan ng yabag ng paa ko. Ilang sandali lamang na binabaybay ko ang daan, kumalabog na lang ng napaka bilis ang aking dibdib na mahagip na lamang ang familiar na bulto na medyo may kalayuan sa akin. Nakita ko kaagad ang naka talikod na bulto ng isang lalaki na at ako’y kinabahan, na kahit hindi ko makita nang maayos ang kanyang mukha. Alam ko sa sarili kong, siya iyon. Si Dakila iyon. Kulang na lang mapunit ang ngiti sa aking labi at binilisan ko pa lalo ang yabag ng paa ko palapit sakanya para sa ganun, maabutan ko siya. “Dakila.” Tawag ko na lamang sakanya na kaagad naman siyang napa hinto na marinig nito ang pag tawag ko. Tumigil ako sa kanyang harapan na ngayo’y wala lamang siyang expression na pinapakita. “Magandang hapon, Binibini.” Bati na lamang nito, ewan ko ba kung bakit kinilig ako sa simpleng pag tawag niya sa akin. Akmang lilihis na siyang aalis para lampasan ako, na kaagad naman akong humarang sa kanyang dinaraanan na kina-hinto niya naman. Kumunot-noo na lang si Dakila at pinakita ko na lang ang matamis kong pag ngiti. “Aalis kana ba?” “Oo, kailangan kong pumanhik na umalis,” pasimple ko na lamang siyang inobserbahan at mukhang kakatapos lang ng kanyang trabaho, at siya’y pauwi na. “Mamaya na, Dakila.” Tugon ko na lang na binigay ko sakanya ang basket na hawak ko. “Para sa’yo pala.” “Ano iyan?” Malamlam na lamang siyang tumitig doon. “Pag kain,” wika ko na lang. “Nag pahanda ako ng masarap at espisyal na pag kain para sa’yo, Dakila. Naisip ko lang kasi, gusto ko lang suklian ang kabutihan mo sa pag ligtas mo sa akin na dalawang beses mo na akong tinutulungan kaya’t hayaan mo sana akong maka bawi sa’yo. Tanggapin mo itong hinandog kong pasasalamat, Dakila.” Nilapit ko pa sakanya ang basket para kunin niya iyon sa aking kamay, na kulang na lang mapunit na ang matamis kong labi. Malamlam na lang na tumitig si Dakila sa basket na hawak ko, at nakikita ko na wala siyang balak na kunin iyon sa kamay ko. “Ginagawa ko lang ang nararapat pero Binibini subalit hindi naman ako humihinggi ng anumang kapalit. Sige, at maiwan ko na kayo marami pa akong dapat gawin.” Hinakbang na ni Dakila ang kanyang paa para dumaan sa gilid ko, subalit mabilis naman ang kilos kong humarang muli sakanya. Nag ka salubong na lang ang kilay ni Dakila at nakita ko ang pag kairita niya sa pagiging makulit ko pero wala akong pakialam. Aba, hindi ko sasayangin ang pag kakataon na ito! “Bakit, Binibini? May gusto ba kayong sabihin?” “Gusto kita, Dakila.” Pag aamin ko na lamang na kinagat ko na lang ang ibabang labi ko. Nilakasan ko na ang loob kong aminin sakanya ang tunay kong nararamdaman. At baka sa pag kakataon na ito, may rason na akong maka wala sa pag iisang dibdib ko kay Bayani. Baka sa paraan na ito, may rason na ako kay Ama na sabihin sakanya ang tunay kong nararamdaman. “May nararamdaman ako para sa’yo, hindi ko alam subalit no’ng una kitang nakita, nagustuhan na kita Dakila.” Kinagat ko na lamang ang ibaba kong labi at wala man lang akong nakuhang emosyon o reaksyon mula sakanya. “Mahal kita, pinigilan ko man nq pigilan ang nararamdaman ko para sa’yo dahil alam kong mali ang mag kagusto sa’yo subalit ikaw pa rin ang hinahanap-hanap ko.” “Ipag paumanhin mo, subalit may asawa na ako Binibini at si Ligaya iyon.” Pag aamini na lamang nito. “Ayos lang sa akin, Dakila kung siya ang tunay na iyong iniibig. Mahal kita, at hayaan mo akong na ipakita sa’yo na totoo ang nararamdaman ko para sa’yo Dakil——“ “Ayaw kong saktan ka Binibini, subalit hindi tayo pareho nang nararamdaman.” Anito na lamang na pinag bagsakan ako ng langit at lupa sa kanyang sinabi. Ano? Hindi niya ako mahal? Akala ko, pareho kami ng nararamdaman? Subalit, ano ito? Namanhid na lamang ang buong katawan ko at aaminin kong, may anong kirot ang sumuntok sa aking dibdib sa katagang sinabi niya. Tumitig na lang ako kay Dakila at pinipigilan ko ang sarili kong ipakita na nasasaktan ako sakanyang sinabi subalit kailangan kong tatagan ang loob ko. Dapat hindi ako maapektuhan sakanya, pero bakit ganito? Bakit nag durugo ang puso ko ngayon? “P-Pero Dakila.” “Ibaling mo na lang ang nararamdaman mo sa iba Binibining Dolores, ngunit mahal ko ang asawa ko at wala akong intensyon na saktan at lokohin siya.” Parang tumigil na lamang ang inog ng aking mundo sa kanyang sinabi, na uminit naman ang sulok ng aking mata na kahit igalaw ko ang katawan ko hindi ko na magawa. “Siya, maiwan ko na kayo,” magalang na lamang na yumuko sa harapan ko para mag bigay galang at sunod ko na lamang narinig ang yabag ng kanyang paa paalis, para iwan ako. Namanhid na ang buong katawan ko, at anumang segundo babagsak na ang luha sa mata ko. “Pero Dakila, hayaan mo lang akon——Dakila, Dakila.” Tawag ko na lamang sakanya subalit nag patuloy lamang siya sa kanyang pag lalakad. “Sandali lamang, Dakila. Dakila .” Tawag ko na lamang sakanya subalit hindi niya na ako nilingon pa na tila ba’y nag bingi-bingihan siya sa bawat pag tawag ko sakanya. Ramdam ko ang pamumula ng aking mag kabilang pisngi sa inis at pag kadismaya lamang na sinusundan na lamang siya ng tingin palayo hanggang kusa na siyang mawala sa paningin ko. Umakyat na lamang ang inis at galit sa aking dibdib at kinuyom ko na lang ang kamao ko sa galit, na pinipigilan ko na ilabas ang emosyon at totoo kong pag katao. “Hayop ka talaga, Ligaya.” Buong gigil kong asik na ang mata ko’y nabahiran ng galit at pang gigilid ng luha ng aking mga mata. “Hayop! Hayop!” Malakas ko na lamang na sigaw at hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na ibalibang na lamang ang hawak kong basket kong saan, at kasabay na lang no’n ang nakaka hindik na tunog na pag tama no’n sa lupa at pag tilapon ng mga pag kain na aking pinahanda para kay Dakila. Ramdam ko na ang panginginig ng kalaman ko sa galit at emosyon sa aking dibdib na hindi ko malabas-labas na tumatatak sa isipan ko ang mukha ni Ligaya. Sa isang iglap nakaka takot at nanlilisik na ang mata ko sa galit, na kahit na sino masisindak na tumitig sa mga mata ko. Hayop ka talaga! Panira ka talaga, Ligaya! Dapat mawala ka na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD