Chapter 33

4273 Words
Chapter 33 DOLORES POV "Dolores, Dolores." Ang pag tawag sa akin ni Benilda ang mag pabalik sa akin sa realidad. "Huh?" Naiwika ko na lamang na ngayo'y naka tingin na si Hiraya at Benilda sa akin na para bang hinihintay nila ang magiging sagot ko. Mag kakasama kaming nag lalakad ngayon sa malawak na lupain ng aming Nayon at magandang mamasyal-masyal ngayon lalo't maaga pa naman, na makaka salubong namin sa daan ang ilang mga taong maaga na kong gumigising at nag aasikaso para mag trabaho. Mga batang nag lalaro at nag hahabulan sa daan. Inayos ko na lang suot kong maganda at mamahalin na damit at umayos ng tindig. "Ang ibig, sabihin ni Benilda kong bakit hindi kana nag pakita pa kagabi?" Si Hiraya na ang sumagot, na tanong nila sa akin at ako'y napa labi na lamang. "Sayang naman bigla kana lang nawala Dolores kagabi. Tinanong ko si Bughaw kong asan ka at sinabi niya sa akin na maaga ka daw pumasok sa iyong silid para makapag pahingga. Sayang naman at yayain ka pa sana namin na mag pakasaya at uminom." Alangan at pilit na lang akong ngumiti. "Ahh iyon ba." Aniya ko. "Ipag paumanhin niyo kong hindi na ako lumabas at nag pakita pa sainyo kagabi. Napaka sama kasi ng pakiramdam ko kaya't mas pinili ko na lang mag pahingga." Pag sisinunggaling ko na lamang na kabaliktaran naman doon ang totoo. Totoong, hindi naman talaga masama ang pakiramdam ko. Hindi na lang ako kumibo pa at gumuhit na lang ang tabang at sakit sa aking mga mata na maalala ang pangyayari. Pangyayari na mag bibigay paninikip ng aking dibdib. At pangyayari, na hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap. Matapos ng masaksihan ko kagabi, kong paano ko nakitang nag halikan si Ligaya at Ginoong nagugustuhan ko doon na bumuhos ang lahat ng emosyon at luha sa mga mata ko. Umuwi na lang akong umiiyak ng gabing iyon na durog na durog at nag kulong na lang sa aking silid hanggang maka tulog ako. Hindi ko maipaliwanag kong bakit ganun na lang ang aking naramdaman. Hindi ko maipaliwanag kong bakit nasasaktan na lang ako nang ganun. Pigilan ko man ang sarili ko na hindi umiyak at maging emosyonal, ngunit hindi ko maitatago na naapektuhan ako, na makita ko silang mag kadikit ang kanilang mga labi. "Sayang naman Dolores kong ganun. Ayos lang at naiintindihan ka naman namin kong hindi kana naka labas." Hiraya na may tamis sa kanyang labi. "Kailangan mo rin kung minsan na alagaan at unahin ang iyong kalusugan at kami'y nagagalak ngayon ni Benilda at maayos na ang iyong nararamdaman ngayon." "Maraming salamat, Hiraya." Tugon ko na lang na nag kangitian na lamang kaming tatlo. "May susunod pa naman sa aking kaarawan at doon na lang ako babawi sainyo at sa lahat ng mga Ka-Nayon natin." Nag patuloy na lang kami sa pag lalakad na mag kasama. Nililibang ko naman ang aking sarili sa pag mamasid ng paligid, nginingitian ko rin ang mga taong nakaka salubong ko. Habang nag lalakad, nabahiran na lang ng takot at pangamba ang aking puso na maalala na naman ang sandaling nakita ko kagabi. Sandali, bakit kasama ni Ligaya ang Ginoong iyon? Bakit sila nag hahalikan? Anong mayron sila at bakit ganun na lang na mag kadikit ang kanilang mga katawan? Kinagat ko na lang ang ibaba kong labi samantala naman ang mga mata ko naging malilikot na hindi alam ang gagawin. Hindi ako mapapakali at mapapanatag ang aking dibdib hangga't hindi ko malalaman ang totoo. Totoo sa tunay na namamagitan sakanilang dalawa. Lumunok na lang ako ng laway at kina-baling ko naman ng tingin si Benilda at Hiraya. Gumuhit na lang ang pag aalinlangan at hiya sa aking dibdib na itanong sakanila ang bagay na gusto kong malaman. Itatanong ko pa ba ito? Pero gusto kong malaman ang totoo. Bahala na nga. Nag pakawala na lang ako ng malalim na buntong-hiningga at inipon ko na lang ang aking sarili, na mag hanap ng tyempo na isisinggit ang sasabihin ko. "Hiya, Benilda," pukaw ko na lang na tawag sa kanilang pangalan na hindi na ako maka tiis pa at sabay naman ang dalawa na napa lingon sa akin. "Ano iyon Binibini?" Magalang na wika ni Benilda samantala naman si Hiraya tahimik lamang naka tingin sa akin. Kinagat ko na lang ang ibaba kong labi, para ipunin muli ang lakas sa aking dibdib. "Diba na ikwento niyo sa akin noon, na may ibang napangasawa si Ligaya at hindi iyon si Makisig?" pag bibitin ko na lang ng aking sasabihin, na naka tuon naman ang mata at atensyon nila sa akin. "Kilala niyo ba ang napangasawa ni Ligaya at ano ang itsura niya?" Naging intense na lang ang aking pag hingga at aaminin kong may kaba na sa puso ko. "Ahh si Dakila ata ang tinutukoy mo, Binibini?" si Benilda na ang sumagot na kina-kunot naman ng noo ko. Dakila? Sino iyon? At bakit parang ngayon ko pa lang narinig ang pangalan na iyan sa Lugar namin? Matagal na ako sa Nayon namin at halos kakilala ko na ang mga tao dito subalit ngayon ko pa lang narinig ang pangalan na iyan. "Siya ang tinutukoy namin sa'yo dati na Ginoong dayuhan sa lugar natin Binibining Dolores na napa ngasawa ni Ligaya kaya't hindi mo sila gaanong kilala." Wika ni Benilda. "No'ng nag pakasal kasi sila wala ka rito dahil pumunta ka noon sa lugar ni Bayani ng ilang araw.. Kahit na rin ang Ginoong iyon ngayon pa lang namin nakita sa lugar natin Binibini at usap-usapan rin na hindi naman iyon taga rito sa Nayon natin ang napangasawa ni Ligaya," kina-tango ko naman ang sinabi nito pero may isang parte sa dibdib ko naman na gustong alamin ang katauhan ng Ginoo na iyon. Ang Dakila ba na iyon, na napangasawa ni Ligaya, iyon din ang aking nagugustuhan ngayon? May anong impact na lang na kaba sa aking dibdib na maisip ko ang bagay na iyon at aaminin kong natakot ako bigla na makompirma na posible nga talagang tama ang hinala ko. Hindi! Hindi sila mag asawa. Malakas ang kutob kong, walang namamagitan sakanilang dalawa. "Talaga ba? Ano bang itsura niya Benilda?" Tanong ko pa na napa titig na lang kay Benilda, nag aabang ng mga susunod niya pang sasabihin. "Hmm," pag puputol ni Benilda na para bang nag iisip ito na mapa lunok naman ako. "Matangkad, medyo Moreno ang kanyang kutis. Maganda ang pangangatawan at higit sa lahat magandang lalaki. Kapag una mo pa lang siya nakita, mapag kakamalan mong dayuhan at may lahi dahil na rin kakaiba sa mga ka-nayon natin ang kanyang itsura," tuluyan na akong nag hina sa aking mga narinig. Nag tugma naman ang mga sinabi ni Benilda sa Ginoong aking nagugustuhan na nag sagip sa akin. Lumakas na lang ang kalabog ng aking dibdib at dumaplis na ang malamig na pawis sa buong katawan ko subalit hindi ko na lang pinahalata pa. Hindi puwede. Siguro nag kataon lang iyon, tama. Nag kataon nga lang talaga na mag kaparihas ang katangian ni Dakila sa Ginoong nagugustuhan ko. Naging malilikot na lang ang aking mga mata at aaminin kong nabahala ako nang husto sa aking mga narinig. Pilit ko na lang pinapakalma ang sarili ko kahit sa loob-loob ko naman kinakain na ako ng kaba at takot sa aking puso. Huwag kang maging praning diyan, Dolores! Napaka impossible naman na ang napangasawa ni Ligaya at ang iyong nagugustuhan, ay iisa! "Ano pa, Benilda? Ang Dakila ba na iyong tinutukoy mayron siyang parang tumubong begote na konti at mayron siya sa parteng kanang kamay na tatt-----" "Mukhang interesado kang malaman Binibining Dolores sa katauhan ng napangasawa ni Ligaya," hindi ko na lang natapos ang anumang sasabihin ko na dumugtong na si Hiraya sa naiwika ko. Napa baling naman ako kay Hiraya na may kahulugang ngiti sa kanyang labi, na mag pawala nang sigla at aliwalas ng aking mukha. "Hindi naman nag tatanong lang naman," matabang kong tinig sabay iwa na lang ng tingin. "Gusto ko lang malaman ang katauhan ng napangasawa ni Ligaya. Iilan sa mga Binibini rito't kilala ko ang kanilang nakapareha at ang Ginoo lang iyon ang hindi ko lubusang kilala. Hindi naman ata masama na mag tanong ako sainyo, hindi ba?" Matabang na wika ko na lang na pareho naman silang matigilan. Lumunok na lang ako ng laway at pinakita ko na lang ang malamlam at matabang na emosyon lamang. "Siya nga pala, Binibining Dolores," dugtong naman ni Hiraya na mapa lingon naman ako. "Iyong katangian na binanggit mo kanina, nag tutugma lahat ng iyon kay Dakila." ang salita ni Hiraya ang mag pamilog sa aking mga mata. Ano? Hindi puwede! Hindi pwedeng mangyari ito. Parang binuhusan na lang ng malamig na yelo ang aking katawan na napa kurap na lang ako ng mata sa sinabi ni Hiraya. Hindi ko maipaliwanag kong ano ba talaga ang mararamdaman ko sa aking narinig subalit, ito lang ang makaka siguro ako. Sobrang bigat ng aking dibdib. Sobrang bigat na hindi na ako maka hingga ng maayos. Bakit? Bakit kaylan na iisa lang sila? Hindi na ako naka imik pa at para bang nabanggi na lang ako sa mga nangyari, hindi makapaniwala at litong-lito pa rin. "Nakapang-hihinayang talaga si Dakila dahil si Ligaya ang kanyang napili na pakasalan sa rami ng magagandang dilag sa ating Nayon. Alam mo ba Binibining Dolores, napaka gandang Ginoo naman talaga niya kasi kahit na rin ang mga kababaihan sa Nayon natin nag karoon ng pag hanga at pag tingin kay Dakila, na kahit nga kami ni Benilda nag kagusto rin eh." Hagikhik na tugon naman ni Hiraya na unti-unti nang bumigat ang aking pag hingga sa aking mga nalaman. Hindi na lang ako naka imik pa at parang tuluyan nang mamanhid ang buong katawan ko na patuloy na pinapakinggan ang kanilang pag-uusap. "Kaso wala na tayong magagawa dahil si Ligaya na ang nanalo sa puso ni Dakila. Hindi lang sa magandang Ginoo si Dakila kundi mabait at napaka sipag kaya't napaka swerte talaga ni Ligaya. Nakaka-inggit talaga siya." Wika na lang nito na maramdaman ko na lang ang pag kirot ng aking puso sa aking mga narinig. Gumilid na lang ang daplis na luha sa aking mga mata ang sigla roon napalitan ng lamig at galit na lamang na maalala ang mukha ni Ligaya. Hindi ko na lang namalayan na naka kuyom na pala ang kamao ko sa galit at ang mata ko naman nanlilisik na iyon at nakaka takot. Hindi maari! Hindi maari na kay Ligaya lang siya! LIGAYA'S POV Abala na lang ako sa pag luluto ng aming hapunan, napa ngiti na lang ako na maamo'y na lang ang mabangong aroma nang niluto kong adobong manok na mag pakalam pa lalo ng aking tyan sa gutom. Nilagyan ko na lang ng pang palasa ang aking ginawa at hinalo na lang iyon gamit na sandok na katamtaman ang laki na hawak ko. Samantala naman ang aking niluluto naka salang pa iyon, na binawasan ko nang konti ang naka lagay na pang gatong na kahoy sa apo’y dahil malapit na rin naman iyon maluto. "Iyan, malapit na itong maluto.” Nawika ko na lamang at natigilan na lang ako na maramdaman ang mainit na katawan na yumakap sa aking likuran na nanigas na lang ang katawan ko. Kumalabog na lang ng malakas ang aking dibdib na parang hihimatayin ako na maramdaman ko ang mainit na katawan ni Dakila na lumapat sa akin. May kong anong bultahe ng kuryente ang nanalaytay sa katawan ko sa simpleng pag dikit niya na kahit ako mismo, naapektuhan. “Hmm, mukhang napaka sarap nang niluluto mo, mahal.” Malambing at mababa na lang na boses ni Dakila, na diniinan pa lalo ang katawan niya sa akin na pag initan naman ako sa simpleng ginawa nito. Naramdaman ko na lang ang mainit na palad ni Dakila na naka yakap sa aking maliit na baywang na kahit naka suot naman ako ng saplot, tumatagos pa rin iyon. Bakit bigla na lang ako pinag initan biglav Bakit bigla na lang ako nasabik at hindi maipaliwanag na nararamdaman, sa simpleng pag lapit niya lang sa akin? Kinontrol ko na lang ang aking sarili na maapektuhan sa simpleng init na aking naramdaman at kinalas ko ang kamay ni Dakila na naka yakap sa akin. “Narito kana pala, mahal." Wika ko na lang na kina-harap kay Dakila na ngayo'y naka tayo sa harapan ko. Hindi ko maipaliwanag kong bakit domoble ang angas at kaguwapuhan niyang taglay na kahit simpleng damit lang ang kanyang suot, bagay na bagay naman sakanya. May kakaibang dating at charisma naman talaga si Dakila at ang kanyang mata'y mapupungay at puno ng lamig na mag bigay impact bigay dating naman sa akin. "Oo kakarating ko lang..Nilagay ko na muna sa isang tabi ang mga nakuha kong mga pang gatong, siniguro kong hindi mababasa kapag umulan mamaya, mahal.” Anito na kina-tango ko naman. “Ano pala ang niluluto mo mahal? Bigla akong naka ramdam ng pag kagutom na maamo'y pa lang sa labas ng balay natin ang masarap mong niluluto.” Bahagyang kina-silip naman ni Dakila ang naka salang kong niluluto at hindi inaalis pa rin ang isa nitong kamay na naka hawak sa baywant ko. "Ahh, nag handa ako ng adobong manok para sa hapunan natin, at sinabayan ko na rin na nilagang okra at talbos ng kamote.” Wika ko na lang at napa titig na lang ako sa hawak kong sandok. “Sandali lang mahal," dali-dali naman akong tumalikod kay Dakila at gamit lang ng sandok na hawak ko, kumuha ako ng konting sabaw ng adobo at nilagyan ko na rin iyon ng konting manok para naman maipatikim ko sakanya kong ayos na ba sakanya ang lasa. Kapag nag luluto kasi ako, hindi ko ugali na tumikim. Tamang tantya-tantya na lang ako sa aking mga niluluto kaya't kung minsan hindi ko talaga alam ang lasa no'n kung minsan. Nang matapos na akong maka-kuha, humarap muli ako kay Dakila at bahagyang hinipan ang sandok para maalis ang init no'n at pag katapos nilapit ko sakanya ang sandok para matikman niya na iyon. “Tikman mo mahal, ang niluto ko kong ayos na ba sa'yo ang lasa.” Tumitig na lang si Dakila sa hawak kong sandok at malamlam ang kanyang mata na tumitig doon. Walang kibo na lang siyang tinanggap ang pag subo ko at tinikman na iyon. Naka pako lang ang mata ko kay Dakila na walang kibo at walang reaksyon matapos niyang tikman ang ginawa ko. “Hmm.” Patango-tango nitong wika na kaagad ko naman na tinabi ang hawak kong sandok at nilagay iyon sa isang tabi. "Kumusta? Masarap ba?" Tanong ko na lamang na medyo kabado na paraan dahil hindi ko alam kong tama na ba ang lasa no'n o hindi. “Kulang ba ang lasa, mahal?" Daig ko pa ang sumali sa paligsahan sa pasarapan ng mga luto at si Dakila ang hahatol ng lasa ng aking gawa. "Hmm, oo, masarap.” Patango-tango pa nitong wika na kaagad naman akong napanatag na makompirma na pumasa sa kanyang pang lasa ang gawa ko. “Mabuti naman at nagustuhan mo.” “Pero alam mo mahal, may masarap pa akong natikman na mas masarap pa sa mga luto mo.” Ang salita na lang ni Dakila ang mag patigil sa akin. Huh? Ano daw? “Huh? Ganun?” Wika ko na lang na tumitig na lang sa asawa ko. “Ano naman ang masarap na natikman mo na pinag mamalaki mo sa akin, aber?" Hamon ko na lang sakanya at sumilay na lang ang kapilyuhan sa ngisi nito na domoble pa ang ka-guwapuhan niyang taglay sa pag ngisi nito. Huwag ka sabing ngumi-ngisi nang ganiyan sa akin, Dakila at baka ako’y mahulog sa’yo niyan. "Gusto mong malaman?” Nilapit pa ni Dakila ang sarili niya sa akin na mapa lunok na lang ako. "Oo nama----“ hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko nang hinatak na lang ako ni Dakila palapit sakanya, na mapa hawak na lang ako sa malapad niyang dibdib. Bumilis na lang ang kalabog ng aking dibdib at hindi maipaliwanag na nararamdaman na ngayo'y sobrang mag kadikit na ang mga katawan namin. Nanginginig naman akong napa anggat ng mukha na mag kapantay naman kami ng titig na ngayo’y nag lalaro ang kakaibang kislap ng kanyang mata. “Ikaw iyon mahal.” Britonong boses na lang nito na bumilis na lang ang kalabog ng aking dibdib sa sinabi niya. Ang paraan na titig niya sa akin inaakit at puno ng lagkit na naramdaman ko na lang ang pamumula ng aking pisngi sa mapungay niyang mga mata. Umiwas na lang ako ng titig kay Dakila dahil hindi ko na matiis ang lagkit na para bang tinutunaw niya ako kong paano niya ako titigan at sunod-sunod na lang akong napapa lunok ng laway. “Hmm, a-akala ko na kong ano na.” Nauutal kong tinig at marahan na pinikit ang aking mata ko na kino-kontrol ang aking sarili na hindi maapektuhan na lamang. “Sige na mahal at ako’y mag aasikaso pa para sa ating hapuna——“ akmang kikilos na lang ako na umalis subalit hindi ko na lang natuloy na napa singhap na lang ako na hinatak pa ako ni Dakila pasubsob sa kanyang matigas na katawan, na sumikip pa ang aking pag hingga. "Mamaya na, mahal.” Aniya nito. "Bakit hindi mo ba nagugustuhan ang posisyon natin ngayon?" Tila nag aakit ang kanyang boses na naririnig ko na mismo ang malakas na kalabog ng aking puso. "Eh k-kasi, baka masunog ang niluluto ko maha——" hindi ko na lang natapos ang anumang sasabihin ko na parang naging slow motion na hinawakan na lang ni Dakila ang aking pisngi, at mainggat na inanggat na mag kapantay kami ng titig. May kakaibang kislap at lagkit kong paano niya ako tinitigan na unti-unti niya na lang nilapit ang mukha niya sa akin. Naramdaman ko na lang ang mainit na labi ni Dakila na lumapat sa akin na na napa pikit na lang ako ng mata. Sobrang tamis at lambot, na mainggat naman ang pag galaw ng kanyang labi na ako’y hinahalikan na unti-unti naman akong bumigay sa mainit niyang mga halik. “Mahal.” Ungol na lang ni Dakila na kamay niyang naka hawak sa aking pisngi, dumaosdos na lang iyon na bumaba at tumigil na lang sa aking leeg. Sumukli na rin ako ng mainit na halik kay Dakila na lalong umaapoy ang pag nanasa at naninibughong damdamin na pinag sasaluhan namin ang mainit na halik sa isa’t-isa. Ang isang mainit na palad naman ni Dakila na humahaplos at minamasahe ang aking baywang na mapa ungos na lang ako. “Hmm.” Mahinang ungol ko na lang na unti-unting gumalaw ang katawan ni Dakila at sumunod naman ako sakanya, na hindi pa rin napuputol ang mainit na halik. Patuksong kinagat-kagat na lang ni Dakila ang aking ibabang labi na mapa singhap na lang ako, na kadahilanan na maibuka ko ang aking labi. “Hmm.” Impit ko na lang na maramdaman ang mainit na dila ni Dakila, nag karoon ng pag kakataon na maka pasok sa aking bibig. Napa hawak na lang ako ng madiin sa malapad na dibdib ng aking asawa na ngayo’y mauubusan na ako ng pag hingga lalo’t nag sawa na lang ang mainit na dila sa akin ni Dakila na sinisipsip at nag lalaro sa aking bibig. “Hmm, mahal.” Ungol ko na lang nang mahina lalo’t gumalaw na lang ang kanyang expertong dila sa aking bibig na tila ba’y may hinahanap. Nag halo na ang aming laway na dalawa na hindi pa rin matapos-tapos ang mainit na sandali na mag kalapat ang aming mga labi, na para bang hagok na hagok na matikman namin ang isa’t-isa. Napa tigil na lang ako na sumampa na lang ang aking likod sa matigas na lamesa sa aking likuran. Humawak naman ang mainit na kamay ni Dakila sa aking pang-upo at mainggat niya akong niyakap at binuhat na pinaupo na lang sa lamesa. Pomisyon na si Dakila na pumwesto sa pagitan ng aking hita na ngayo’y nag eespadahan na ang aming mainit na dila at napa igtad na lang ako na hinigop na lang ni Dakila ang aking dila, na pag initan pa ako nang husto. “Hmm.” Ungol ko na lang na siniil muli ako ni Dakila ng matamis na halik na mag sawa na ito. Mariin ko na lang pinikit ang aking mata na bumaba na lang na humalik ang mainit na labi ni Dakila, binibigyan ako nang nakaka paso at maliliit na halik papunta sa aking pisngi, pababa sa aking panga. Bumibigat na lang ang aking pag hingga, na napa hawak na lang ako sa buhok ni Dakila na ngayo’y lumandas na lang ang mainit niyang labi sa balat ko, na mag paapoy pa ng aking damdamin. Naramdaman ko ang pamamasa ng pagitan ng aking hita na ngayo’y wala siyang pinapaligaya ako sa pamamagitan ng mainit niyang halik at haplos lamang. “Hmm.” Kinagat-labi ko na lang ang ibaba kong labi para pigilan na lang mag pakawala nang malakas na unggol na ngayo’y humahaplos na ang katawan ni Dakila sa aking hita, minamasahe na mabaliw ako sa sarap lamang. “Gusto mo ba ito, mahal?” May pag tutukso na tinig na lang ni Dakila na mapa pikit ako ng mariin na nilabas niya ang mainit niyang dila at dinilaan ang aking leeg, na mapa-igtad na lang ako. Nag laro na lang ang mainit niyang halik at labi sa aking balat, patuksong kinakagat-kagat at hinahalikan na dumiin na lang ang pag kakahawak ko sa lamesa para kumuha ng suporta lamang sa sarap. Alam kong mag iiwan ng marka pag katapos ang aking balat sa pag bigay niya ng pag kagat at pag sipsip no’n na mag kasabay na mapa ungol pa ako nang malakas. “Ahh.” Ungol ko na lang na pulang-pula na ang aking mukha na sarap na sarap na pinapaligaya niya ako. “Hmm, o-oo mahal.” Hirap kong tinig na maiyak na ako sa sarap lalo’t mas pinag butihan niya ang ginagawa niya. Lumunok na lang ako ng mariin na ang isang kamay ni Dakila, humawak naman sa aking balikat at unti-unti niyang binaba ang suot na strap ng sleeves na suot kong bestida. Sinunod niya rin hinubad ang isa pa at binitawan kaya’t kusa na lang iyon na nalaglag ang aking suot hanggang sa aking baywang, na tumambad na sakanya ang kagandahan ng aking katawan at maputi-puting kutis. Yumakap na lang sa akin ang malamig na simo’y ng hangin lalo’t wala na akong suot na saplot na tangi ko na lang suot ang bra. Lumunok na lang ako ng mariin at nauubusan na ako ng laway sa aking lalamunan lalo’t wala pa rin siyang tigil. Hunawak na lang ako ng madiin sa buhok ni Dakila para sa ganun, lalo niya pang pag butihan ang ginagawa. Gusto ko pang damhin ang kanyang mainit na halik at ng kanyang labi. “Sige pa m-mahal.” Walang katapusan na ungol ko at napadako naman ang mainit na palad ni Dakila papunta sa ilalim ng suot kong bestida, na mapa mulat na lang ako ng mata ko. Mapupungay na ang mata ko at kagat-labi pa rin na wala sa sariling mapako na lang ang mata ko sa bintana na gawa sa kawayan at mag paagaw sa aking atensyon. Mula sa siwang ng bintana, at nakita ko na lang ang matang nanlilisik mula sa kadiliman, na mag bigay kilabot sa buong katawan ko. Ang matang puno ng pag nanasa. Ang matang hagok na hagok sa laman. Matang kanina pa nanunuod at sinisilip kami ni Dakila mula sa loob ng balay. Nanalaytay na lang sa buong katawan ko ang lamig at kilabot na hindi inaalis ang aking mata sa matang sarap na sarap kaming pinapanuod na dalawa. “M-Mahal, mahal.” Tawag ko na lang kay Dakila na mababang boses subalit, hindi pa rin siya tumigil. Naririnig ko na ang malakas na kalabog ng aking dibdib kaya’t ginamit ko ang buong lakas at pwersa kong itulak si Dakila palayo sa akin at hindi naman ako nabigo. Tinulak ko siya nang malakas kaya’t napa bitaw na lang siya sa akin at halatang gulat na gulat at dismayado sa aking ginawa. Napaka lakas na lang nang pintig ng aking puso na dali-dali ko naman na inayos ang aking suot na damit at ang aking bestida. Takot na takot at nag mamadali naman akong nag bihis na kina-lapit naman sa akin ni Dakila. “Mahal, bakit?” Gulong-gulong wika na lang ni Dakila na sinuklay niya na lang ang kanyang buhok gamit ang kanyang palad. “May problema ba?” Pilit na hinuhuli ni Dakila ang aking titig, na wala sa sariling napa tingin na lang ako sa bintana at ganun na lang kilabot sa aking katawan dahil wala na. Wala na ang matang kanina pang nag mamasid sa aming dalawa. Matang nanlilisik ang mata sa pag nanasa na kanina pa kami pinapanuod. Matang nag tatago sa dilim, na mag bigay takot sa aking puso. Maluha-luha ang aking mata na bumigat na lang ang aking pag hingga at mariin na napa lunok ng laway. “Mahal.” Pukaw na lang na tawag sa akin ni Dakila na tumitig na lang ako sakanya dahil kanina pa ako hindi maka sagot na para bang takot na takot. “M-Maayos lang naman ako,” tugon ko na lang na hindi inaalis ang mata ko sa bintana. Hindi ako pwedeng mag kamali. Kilala ko ang matang iyon. At ang matang iyon, ay mata ni Makisig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD