Chapter 34

3445 Words
Chapter 34 LIGAYA’S POV “Mahal? Mahal?” Ang malagong na pag tawag sa akin ni Dakila ang mag papukaw ng malalim kong iniisip. “Huh?” Wala sa sariling sagot ko na ngayo’y nakita ko si Dakila na naka upo sa harapan ko at para bang kanina niya pa ako pinag mamasdan. Sabay kurap ng mata at umayos ng pag kakaupo lamang sa upuan na mag tagpo ang mga mata namin. “Ano ang iyong sinabi mahal?” Pag uulit ko na lamang dahil wala akong idea kong bakit tinatawag niya ako. “Tinatanong kita, kong ayaw mo ba nang niluto ko? Kanina mo pa hindi ginagalaw ang pag kain sa pinggan mo.” Ang salita nitong muli ang mag pabaling ng tingin sa akin kong saan nakita ko ang pinggan sa lamesa at naka lagay doon ang masarap na almusal na ginawa ni Dakila para sa aming dalawa. Nakita ko ang pag sunod ng mata ni Dakila sa akin, palihim akong inoobserbahan sa paraan ng pag titig niya sa akin kaya’t ako’y mariin na lang napa lunok ng laway. Nakita ko rin na may bawas na ng pag kain ang pinggan ni Dakila, na mukhang naka ilang subo na siya samantala naman ako halos lumamig na ang pag kain sa plato ko na kanina ko pa iyon hindi ginagalaw. “Ahh, pasensiya na mahal.” Wika ko na lamang na kinuha na lang ang kubyertos para makaka-kain na at sa gilid naman ng mata ko hindi pa rin inaalis ang mata niya sa akin, na para bang ihahabol pa siyang sasabihin. “Ayos ka lang ba, mahal? Napapansin ko kagabi ka pa tahimik na animo’y napaka lalim ng iyong iniisip.” Ang salita niya ang mag patigil naman sa akin, na bumalik na lang ang matinding pangamba sa aking puso sa naiwika niya at sabay mariin napa lunok ng laway. Inanggat ko ng unti ang ulo ko at doon ko na nakita ang matinding pag aalala ng mata niya sa akin. “No’ng umupo ka kanina sa silya, hindi na kita maka usap. May problema ba mahal?” Sa totoo mang talaga, hindi ko alam ang isasagot sa tanong ni Dakila sa akin. Maski ako, hindi ko alam kong paano ko pa, sisimulan na sabihin sakanya ang bagay na nag papa-pagabagab sa akin. Bagay kong bakit kagabi pa akong walang imik at hindi maka usap ng maayos. Kagabi pa ako, hindi mapakali at mapalagay na halos hindi na ako maka tulog ng maayos sa kakaisip lamang ng mga nangyari. Yumakap na lang ang matinding pangamba sa puso ko. Sa tuwing pinipikit ko ang aking mata, bumabalik na naman ang kakaibang takot at kilabot na nanalaytay sa katawan ko na maisip lamang ang nanlilisik na mga mata niya. Matang puno ng pag nanasa na pinapanuod lamang kami sa mismong loob ng balay namin. Pakiramdam ko tuloy, nariyan lang siya sa paligid at palihim kaming pinapanuod at nag tatago lang siya sa dilim. Kinikilabutan talaga ako nang husto sa tuwing naalala ko ang kanyang mga matang ayaw ko nang alalahanin pa. “Wala naman, ayos lang talaga ako mahal.” Patay malisya ko na lang nawika para sa ganun, hindi na siya mag tanong pa sa akin. “Medyo masama lang talaga ang pakiramdam ko kagabi kaya’t ganun. Medyo maayos-ayos na ang pakiramdam ko kaya huwag kanang mag alala pa, mahal.” Pinakita ko na lang ang matamis at maaliwalas kong pag ngiti sakanya at mukhang naniwala naman ito sa sinabi ko. Hindi na sumagot pa si Dakila, nanatili siyang tahimik lamang na patango-tango pa at napanatag naman ako nang husto na hindi na siya dumugtong pa nang sasabihin. Nag simula na akong sumubo ng pag kain at sabay na kaming dalawa na kumakain sa hapag-kainan. Hindi ko mapigilan ang aarili kong palihim, siyang obserbahan na kunakain sa harapan ko na wala nang gustong bumasag pa ng katahimikan sa panig naming dalawa. Gumuhit na lang ang lungkot sa aking mga mata na tinignan na lang ang guwapong mukha ni Dakila at may parte rin sa loob-loob ko ang na gu-guilty na hindi ko masabi-sabi sakanya ang bagay na nakita ko kagabi. Bagay na dapat alam niya rin. Malakas ang kutob kong si Makisig nga talaga ang nakita ko kagabi, subalit gusto ko munang kompirmahin kong siya nga ba talaga iyon para mak siguro ako. **** Matapos naming kumain nang almusal, nag panhik na si Dakila na umalis dahil kailangan niyang umagang pumasok sa trabaho kay Manong Basyo. Pag kaalis na pag kaalis ni Dakila, inuna ko muna ang mga dapat gawin sa pag sisimula lamang ng pag liligpit ng aming pinag kainan at hinugasan na rin iyon pag katapos. Habang nag sasaing ng kanin, pinag sasabay ko na ang sarili kong kumilos na mag linis at mag ligpit ng mga kalat para walang masayang na minuto o kaya naman oras. Ganun kasi ako parati, na ayaw kong may sinasayang na oras na dapat na ikilos o kaya naman mga dapat gawin para madali matapos. Tinupi ko na ang mga tuyong mga damit namin ni Dakila na nilabhan ko at pag katapos sinunod ko naman na gawin ang ang pag handa ng mga kakanin na aking ititinda mamaya ulit sa bayan. Gamay na gamay ko na ang mga pasunod-sunod na mga dapat kong gawin at asikasuhin kaya’t matapos lamang ng ilang oras na pag hahanda at ako’y natapos rin naman sa pag luluto ng mga kakanin. Nilagay ko na ang mga paninda ko sa basket at ilang kailangan ko para sa ganun mamaya na aking pag panhik paalis, wala na akong makalimutan pa. Hinugasan at niligpit ko na rin ang mga pinang gamitan ko sa aking pag luluto ng kakanin at pag katapos no’n ako’y naligo na sinuot lamang ang simpleng bestida na presko na tela at nag gayak nang umalis sa aming balay na bitbit ang basket na parati kong dala-dala. Siguro pasado ala-una na ako naka alis sa aming balay at ilang minuto lang na lalakarin at naka rating naman ako sa bayan. Naabutan ko doon ang ilang kasabayan at kasa-kasama ko na rin sa pag titinda at ako’y nag pwesto na para makapag simula na maka benta. Mga ilang minuto lamang at isa-isa nang dumaraan ang mga tao at may bumibili na rin sa aking mga paninda. Nalibang naman ako nang husto dahil nakuha ko na rin ang pakikipag usap sakanila lalo’t na sa aking mga suki kaya’t madali lang naman sa akin ang maka ubos, lalo ang ilan sa kanila pabalik-balik lang naman na bumibili sa akin. Dapit alas tres pasado nang hapon at ako’y masaya na dahil iilang piraso na lang na kakanin, ang natira sa dalawang basket na dala ko kanina. Ilang minuto na lang ang aking hihintayin at ako’y matatapos na rin at panigurado maaga na naman ako netong makaka-uwi. Hindi na maalis ang matamis na ngiti sa aking labi, dahil excited rin akong maka uwi nang maaga dahil balak ko rin naman na pag lutuan si Dakila nang masarap na hapunan mamaya. Nawaglit na sa isipan ko pansamantala kong ano man ang mga nakita ko kagabi, at hindi ko na rin naisip si Makisig dahil nalibang ko na ang aking sarili. “Mukhang masaya ka ata diyan, Ligaya.” Puna na lamang ni Aling Cora na mapansin nito ang matamis na ngiti sa labi ko. Katabi ko siya sa pwesto at si Aling Bebang naman, hindi naka pag tinda dahil raw may sakit daw ang anak niya kaya’t kami lang ang nag uusap na dalawa. “Tignan mo, ilang oras ka palang naka upo sa iyong pwesto at mapapa-ubos mo na naman ang mga paninda mo. Napaka lakas mo talaga.” Aniya nito na sinilip na lang ang iilan na mga naka lagay na kakanin na naka display doon na konti na lang ang natira. “Oo nga po, Aling Cora.” Dugtong ko na lang. “Napaka saya at mapapaubos ko na naman ang mga paninda k———“ hindi ko na lang natapos pa ang anumang sasabihin ko na lumakas na lang ang kalabog ng aking dibdib na mag paagaw ng aking atensyon. Bagay na mag bigay pangamba sa aking dibdib lamang na ako’y matigilan. Naging seryoso ang aking mga mata at nakita ko na lang si Makisig na maangas lamang na nag lalakad. Pormang-porma ito sa kanyang kasuotan at pangisi-ngisi pang nakikipag biruan sa mga taong naroon na nakaka salubong niya. Sinundan ko na lang ng pag titig si Makisig, pinag aaralan ang kanyang pag kilos lamang sa paraan ng pag lalakad at bumigat na ang aking pag hingga na manumbalik na naman sa isipan ko ang mga nangyari kagabi. Pangyayari na nag bigay pangamba sa aking dibdib. Hindi ko maipaliwanag kong bakit ganun na lang ang impact na binigay niya sa akin nang makita ko siya kaya’t ako’y nanigas na lamang. “Sandali lang po, Manang Cora at babalik rin ho ako.” Wala sa sarili kong tinig na tuloy-tuloy ko pang tinig, na hindi ko na hinintay pang makapag salita ang matanda at ako’y nag mamadali nang kumilos at tumayo. Binilisan ko na ang hakbang ng aking paa na sinundan na lang si Makisig na nauna nang mag lakad, aligaga at pasulyap-sulyap ko siyang sinisilip na baka tuluyan siyang maka alis at maka wala sa aking paningin. Lakad-takbo lang ang aking ginawa, hindi ko na inalintana ang mga nakaka salubong at nakaka banga ko sa daan, sa pag mamadali lamang na maabutan ito. Pinanuyuan na ako ng laway sa aking lalamunan na ngayo’y mahigit sampung hakbang lang ang layo ni Dakila sa akin at dumaplis na ang pawis sa aking noo. Hindi din ako maka singgit na maka lapit sakanya dahil nag dadagsaan na ang mga tao kaliwa’t-kanan ko na hindi ako makalapit-lapit sakanya . “Makisig.” Tawag ko na lang sa kanyang pangalan na tinaas ko na lang ang kaliwang kamay ko para tawagin siya subalit nakipag siksikan siya sa mga taong dumaraan. “Makisig, sandali lang.” Medyo nilakasan ko ang pag tawag ko sakanya subalit wala pa rin. Bumigat na ang aking pag hingga at naroon lamang talaga ang determinasyon na maka usap ko siya. Maka usap, na matanong ang bagay na nag papapag pagabagab sa akin. Bagay na gustong-gusto ko nang malaman mula sa kanya. At sa paraan lang ito ang naisip ko. “Sandali lang,” tawag ko sakanya subalit para bang hindi niya narinig ang pag tawag ko, siguro na rin sumasabay ang inggay ng mga tao bayan kaya’t hindi niya napansin siguro ang pag tawag ko. Binilisan ko pa lalo ang yabag ng aking mga paa para maabutan lamang si Makisig. “Makisig, sandali!” Medyo napa lakas ang pag tawag ko sakanyang pangalan at ako’y natigilan na lamang, na kusa na lang napa tigil si Makisig sa pag lalakad. Parang naging slow-motion lamang ang nangyari na unti-unting humarap sa akin si Makisig, para hanapin niya ang boses na tumawag sa kanyang pangalan. Binilisan ko na ang pag lakad ko at piniling huminto sa harapan niya. Para akong pinanayuan ng laway sa aking lalamunan sa pag mamadali para mahabol lamang siya. “Oh, Ligaya.” Tawag nito na preskong tinig na umaliwalas kaagad ang mukha nitong makilala niya ako. Sinilid ni Makisig ang kamay niya sa bulsa at maangas lamang na tumindig na nasisiyahan at nag papa-cute pa sa akin. “Ako’y natutuwa nang husto na bumaliktad na ang pag kakataon, dati-rati ako ang nag hahabol at nag papansin sa’yo pero heto’t ngayon ikaw na ang nag hahabol sa akin.” Hambog na salaysay nito na hindi na lang maalis ang nakaka kilabot na pag ngisi nito. “Huwag kang ngumiti, hindi nakaka-tutuwa.” Pag babara ko na lamang na hindi nasisiyahan. Sino ba naman masisiyahan kong ganiyan lang ang makaka harap ko, na dakilang hambog at napaka sama nang pag uugali? “Napaka seryoso mo naman, Ligaya. Alam mo, ako’y nasasabik sa’yo nang husto kapag nakikita kitang nagagalit nang ganiyan.” Pangisi-ngisi na salaysay lamang na kilabutan ako sa may laman at kakaibang pag titig niya sa akin. “Bakit mo pala ako tinatawag? Bakit, nami-miss mo na ba, ako huh?” Anito na akmang hahawakan ako sa siko, na mabilis ko naman na kina-layo ang sarili ko sakanya na para bang diring-diri naman. Matapang at puno ng galit ko siya tinitigan, na naririndi sa kanyang presinsiya. “Huwag mo akong hahawakan, kundi uupakan talaga kita!” Banta ko na lamang, at hindi ako mag dadalawang isip na gawin iyon kapag nag kataon! Babasagin ko ang pag mumukha niya kapag sinubukan niya lang na hawakan maski isang hibla nang buhok ko! Makikita at maririnig ko pa lang ang kanyang boses, kinikilabutan na kaagad ako at hindi ko masisikmurang dumaplis ang nakaka diri niyang kamay sa akin. Lunawak na lang ang ngisi sa labi ni Makisig, hindi na naka sagot kaya’t nag hahamon naman na kina-lapit ko ang sarili ko sakanya. “Kagabi, anong ginagawa mo sa balay namin, Makisig?” Wala na akong paligoy-ligoy pang puno ng diin na tinanong iyon sakanya. Alam kong siya ang nakita ko kagabi. Siya ang naninilip sa aming dalawa ni Dakila sa balay namin at hindi ko papalampasin ang pag kakataon na ito na hindi siya mananagot! At malaka ang kutob kong, siya nga talaga iyon! “Ano bang kalokohan iyan, Ligaya.” Pailing-iling pa siya ng kanyang ulo at hindi ko mapigilan na palihim siyang obserbahan. Wala akong anumang takot at bahid ng emosyon sa kanyang mga mata sa sinabi ko. “Ano bang sinasabi mo? At bakit mo naman naisipan na ako’y pupunta sa balay niyo?” “Huwag kang mag maang-maanggan sa akin, Makisig dahil alam ko ang nakita ko. Ikaw ang nakita ko kagabi sa labas balay namin ni Dakila na sumisilip sa aming dalaw——“ “Makisig!” Ang malakas na boses na pag tawag na lamang ang mag patigil ng init ng tensyon sa panig naming dalawa. Hindi ko na natapos pa ang sunod na sasabihin kong, na bigla na lang na lumapit sa amin ang matangkad at morenong lalaki na si Raul. “Mabuti naman at naabutan kita, Makisig at kanina pa kita hinahanap.” Preskong salita na lang na piniling pumwesto ni Raul sa tabi ni Makisig at piniling umakbay na parang tropa-tropa lang. “Ikaw pala, Raul.” Makisig. “Ako’y labis talagang nasiyahan sa inuman natin kagabi. Pasensiya na pare kong inumaga na tayo natapos nang ating inuman. Kilala mo naman ako, kapag ginusto kong uminom at mag pakalasing, walang uwian talaga.” Walang preno na salaysay lang ni Raul na nakikinig lamang ako sa usapan naming dalawa. Ano? Inuman? Ano iyon? “Ulitin mamaya Makisig, may bago akong matapang na lambanog sa aking balay at iinom naman tay——Oh nariyan ka pala, Ligaya.” Kina- baling naman ng atensyon sa akin ni Raul na mapansin niya ako. “Sige, Raul at ako’y wala naman na gagawin mamaya at pwedeng-pwde tayong mag inuman mamaya.” “Iyan ang gusto ko sa’yo Makisig at palaban lagi sa mga aya ko!” Lumawak pa lalo ang ngisi sa labi ni Raul na umabot na hanggang taenga ang saya. “Siya nga pala, baka ako’y nakaka abala sa inyong pag-uusap na dalawa.” “Hindi naman, Raul.” Tugon naman ni Makisig. “May tinatanong kasi itong si Ligaya sa akin, sinabi niyang nakita niya raw ako kagabi sa balay nila. Mukhang namamalikmata kana ata Binibining, Ligaya at hindi ako ang nakita mo kagabi.” May pahiwatig na tinig ni Makisig sabay ngisi na bumaling sa akin muli. “Hindi ako namamalikmata lang, Makisig. Alam kong nakita ko kagabi!” Bumigat na lang ang aking pag hingga, hindi maka kibo subalit hindi pa rin maalis ang nag babantang titig sakanya. “Tama si Makisig, Ligaya at napaka imposible naman na makita mo siya sa balay niyo dahil kasama ko siya kagabi.” Pag kompirma naman ni Raul. “Nag simula kami mag inuman pasado alas singko pasado nang hapon at natapos kami umaga na kaya’t napaka imposible talaga ang iyong sinasabi.” Giit na lamang nitong natigilan naman ako aa aking narinig. Ano? Mag kasama silang dalawa ni Raul? Pero ano iyon na nakita ko kagabi? Malinaw na malinaw sa akin na si Makisig iyon. Si Makisig ang nakita ko kagabi, at hindi ako pwedeng mag kamali doon. Gulong-gulo naman ako sa mga nangyari at nagimbal na lamang ang buong katawan ko na naramdaman ko na ang pag lamig ng aking katawan, na paano nangyari iyon? “Pero talaga, Raul. Si Makisig ang nakita ko, napaka imposible naman na mangyari iyon n——-“ “Binibining Ligaya.” Tawag na lang ni Raul na mag patigil naman sa akin. “Totoo ang aking sinasabi, at hindi talaga pumunta si Ginoong Makisig sainyo dahil kami mag kakasama na nag inuman kagabi. Kong hindi ka pa naniniwala, tanungin mo pa si Manong Dado at si Manong Lino dahil sila ang kainuman namin.” Naging mabigat na lang ang aking pag hingga na para bang nalinlang ako doon. Malilikot na ang mga mata ko at marami na lamang na sumagi na mga katanungan sa isipan ko, na kahit ako hindi ko alam ang sagot o kong paano iyon nangyari. “Oh, siya at kukunin ko muna sa’yo Ligaya si Makisig para makapag simula na kaming makapag inuman na dalawa. Maiwan kana namin.” Paalam na lang nito at sabay na lang sila nag lakad ni Makisig paalis samantala naman ako naiwan na nanigas ang paa sa lupa at gulong-gulo pa rin sa mga nangyari. Ano iyon? Paano iyon nangyari? Imposible. Alam ko sa sarili kong totoo ang mga nakita ko kagabi. Si Makisig iyon. At hindi ako pwedeng mag kamali doon. DOLORES POV Napaka ganda at tahimik ng gabi, nag kikislapan ang mga bituin sa kalangitan at napa pikit na lang ako nang mata na yumakap na lang sa akin ang malamig na simo’y ng hangin na nag mumula sa bintana. Mag-isa lamang ako sa aking silid, at kasalukuyan na naka upo sa matibay at mamahalin na upuan at sinusuklay ang mahaba kong buhok. Pinag mamasdan ko ang repleksyon ko mula sa salamin, na kay ganda at aliwalas na lang ang aking mukha. Sapat na ang ilaw mula sa kandila at ibang mga ilaw sa loob ng kwarto ko, na sapat na para sa akin na mag karoon ng liwanag sa silid ko. Ilang minuto akong nag susuklay at ilang sandali lamang narinig ko ang mahinang pag katok mula sa pintuan, hindi na ako sumagot pa. Ilang sandali lamang rinig ko na ang yabag nang mabigat na paa na pumasok sa loob ng aking silid, hindi na ako nag tangka pang lingunin at tignan kong sino iyon dahil kilala ko na siya base pa lamang sa tunog at yabag ng kanyang mga paa sa sahig. Lumapit na lamang ang katiwala kong si Bughaw at piniling huminto sa gilid na kaliwang parte ko, para ipamalita sa akin ang bagay na pina-imbestigahan ko sakanya. Nilapit na lang ni Bughaw ang bibig niya sa taenga ko at may binulong na ayaw iparinig na kahit na sino ang kanyang ibabalita. Naging seryoso na lang ang aking mata at sabay kunot-noo sa aking mga narinig. Tumalim na lang ang aking mga mata sa aking mga nalaman at unti-unti na lang kina-layo ni Bughaw ang sarili niya sa akin at mula sa repleksyon ko sa salamin, nakita ko siya sa likuran ko na naka posisyon na naka tayo lamang. Walang buhay na nilapag ko na lang ang hawak kong suklay at sa isang iglap, nawalan na ako ng gana at unti-unti nang napalitan ng madilim na aura ang aking pag katao. “Totoo nga pala, na asawa ni Ligaya ang Ginoong dayuhan sa Nayon natin.” Matabang ko na lang na tinig na gumuhit na lang ang selos at inggit sa aking tinig. “Opo, Binibini.” Pag sang-ayon naman ni Bughaw na sumilay na lang ang ngisi sa aking labi. “Sabihin mo sa akin Bughaw, ano nga ang pangalan ng Ginoong iyon?” “Dakila ang kanyang pangalan, Binibini.” Magalang na wika ni Bughaw na napalitan ng tamis at kilig ang aking mga labi na marinig ang kanyang pangalan muli. “Dakila pala ang kanyang pangalan, napaka ganda naman.” Wika ko na lamang na sumilay na lang ang kakaibang ngisi sa aking labi na maalala ang guwapo niyang itsura. Napaka kisig naman ng kanyang pangalan, Dakila. Ako’y lalong nasasabik. Lalo ko siyang nagugustuhan. At higit sa lahat, gusto kong maging siya. Sumilay na lang ang mala-demonyong ngisi sa aking labi, na pinapanuod ko ang repleksyon ko sa salamin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD