Chapter 32

4238 Words
CHAPTER 32 LIGAYA'S POV "D-Dakila." Iyan na lang ang lumabas sa aking bibig na hindi inaalis ang mata ngayo'y kay Dakila na hawak-hawak niya pa rin ang pulsuhan ni Pedro. Hindi na maipinta ang mukha ngayon ni Dakila at aaminin kong may lumukob naman na kaba at takot sa aking dibdib na ngayo'y kay dilim ng mustra ng mukha niya ngayon na may sindak at pag babanta kong paano niya ito tinitigan. "Anong ginagawa mo?" Gumuhit na lang ang nakaka kilabot na tinig ni Dakila sa hangin na kaagad naman kina-kurap ng mata ni Pedro, gulat na gulat at may halong takot na rin sa mata'y hindi inaasahan na susulpot na lang na darating ito. "D-Dakila." Pawisan naman na tinig ni Pedro, aligaga at hindi na maipaliwanag ang kanyang itsura lamang na naka titig doon. "Ikaw pala iyan." Anito sabay hatak na lang kanyang pulsuhan paalis subalit hindi pa rin binibitawan iyon. Patuloy lamang hinatahak ni Pedro pabawi sa pag kakahawak kay Dakila ang kanyang pulsuhan subalit, kahit gamitan niya man iyon mg lakas at pwersa hindi niya iyon mabawi-bawi. Hindi na nag bago ang paraan ng titig ni Dakila kay Pedro na malamlam subalit naroon ang pag babanta, kaya't hindi na lang naka kibo sa isang tabi si Darius, halatang natakot rin ito. Kay lamig at nabahiran ng mainit na aura ang pag katao ni Dakila at bigla akong kinilabutan sa paraan ng matalim na pag titig niya kay Pedro na para bang may laman iyon na pinapatay niya sa matatalim na pag gawaran niyang titig sakanya. Uminit pa lalo ang tensyon sa panig nilang dalawa na naririnig ko na mismo ang malakas na kalabog ng aking dibdib. "Ginugulo ka ba nila?" Ang malamig at nakaka kilabot na tanong ni Dakila sa akin ang mag palamig ng buong katawan ko. Kaagad naman akong pinanuyuan ng laway sa lalamunan na ngayo'y naka pako ng tingin na pala sa akin si Dakila. Kay lamig at wala man lang nabahiran ng emosyon iyon, para bang napaka mapanganib ng kanyang mga mata na ngayon ko pa lang nakita. Hindi ako naka sagot at wala sa sariling napa tingin ako sa gawi ni Pedro na ngayo'y pinag pawisan na nang malala. "D-Diba, hindi ka namin ginugulo Ligaya?" Singit naman na wika ni Pedro at pinapahiwatigan ako sa paraan na titig na sang-ayunan ko ang kanyang sinabi. "Hindi ka namin ginugulo ni Darius, nag uusap lang naman tayo dit——-" hindi na natapos pa ni Pedro ang kanyang sasabihin, na naging slow motion lang ang pag baling ni Dakila ng tingin dito kaya't tuluyan nang namutla ang mukha nito sa takot. Aligaga at naging malikot na ang mga mata ni Pedro at kahit hindi niya ipahalata, makikita mo talaga ang takot at sindak niya lang sa presinsiya ni Dakila. "Hindi kita kinakausap, ang asawa ko ang tinatanong ko!" Mahina subalit may laman ang bawat pag kakabigkas ni Dakila na mapa lunok na lang si Pedro ng mariin. "Haha!" Natatawa na wika ni Pedro para alisin lamang ang mabigat na atmosphere sa panig nilang dalawa na tinatawanan na lang nito kahit sa loob-loob, kinakain na siya ng takot sa sarili. "Kalmahan mo lang Dakila, ang init-init naman ng ulo mo. Hindi namin ginugulo ang asawa mo, kahit tanungin mo pa siya." Preskong tinig na lang ni Pedro sabay hatak ng kanyang pulsuhan, na kahit hindi naman mahigpit ang pag kakahawak ni Dakila doon, parang may anong pwersa na hindi iyon mabawi. Namutla lalo ang mukha ni Pedro at pinag pawisan ng malamig ang katawan nito, na hindi niya matiis ang nakaka kilabot na paraan na titig sakanya ni Dakila lalo't hindi pa nababawi ang kanyang pulsuhan. "Tangina, bitaw." Asik na lang nito na mapa-awang na lang ng labi si Dakila na hinahatak pa rin. "Bitaw sabi eh." Hinatak nang kay lakas ni Pedro pabawi ang kanyang pulsuhan, na kina bitaw naman sakanya ni Dakila kaya't kamuntik na siyang matumba sa lakas ng pwersa. Mabuti na lang talaga at nabalanse ni Pedro ang kanyang sarili na ngayo'y napa lunok na lang siya ng laway ng mariin sabay iwas ng tingin kay Dakila. " "H-Halika na Darius, alis na tayo dito. Dalian mo." Parang takot na takot na tuta na saad ni Pedro, na hindi niya na hinintay pang makapag salita ang kanyang kaibigan na nag mamadali na siyang nag lakad paalis. Napa-kurap naman ng mata si Darius, na kina-sunod naman sakanyang kaibigan, na nag mamadali na ayaw nang mag pahabol pa. Sinundan ko na lang sila ng tingin palayo hanggang kusa na silang mawala sa aking paningin. Natigilan na lang ako na makita sa gilid ng mata ko ang malamig na mata ni Dakila, pinanuyuan naman ako ng laway sa lalamunan sabay baling ng tingin sakanya. "Mahal." Kabado kong tinig lalo't hindi pa rin nag babago ang emosyon ng kanyang mata. "Kinuhanan kita ng makakain, dahil nagugutom ka kanin——" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na walang pag aalinlangan na inagaw ni Dakila ang hawak kong pinggan at pag katapos pabalang na nilagay sa lamesa, katabi ng mga pag kain na naka handa doon. Namilog na lang ang aking mata sa kanyang ginawa lalo't naka kunot ang kanyang noo at halatang iritable. "Bakit mo nilagay diyan? Ayaw mo bang kumain? Kong ayaw mo, ako na lang ang kakain." Akmang kukunin na lang ang pinggan na nilagay niya sa lamesa subalit hindi ko na natuloy na humawak na si Dakila sa aking pulsuhan na nanlaki naman ang mata ko. "Sandali lang, mahal ang pag kai——" hindi ko na natapos ang sasabihin ko na pwersahan akong hinatak na lang ni Dakila paalis sa lugar na iyon, na wala na lang sa sarili na mag pahila sa kanyang pag hatak. Hindi pa rin binibitawan ni Dakila ang pulsuhan ko na hatak-hatak niya pa rin na mag bigay pangamba naman sa aking dibdib ang madilim na mustra ng kanyang mukha ngayon. Hindi na lang ako kumibo at nag salita, na kina-lingon ko naman ang malapad na likod nito na kay bigat ng kanyang pag hingga. Kahit madilim nasaksihan ko ang madilim na mustra ng mukha nito, na kusang umiiwas ang mga taong nakaka salubong namin. Tuluyan na kaming naka labas sa lupain ng Datu at pansin ko na ang pananahimik ni Dakila na mag bigay kaba naman sa dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag pero ganun ang impact sa dibdib ko dala ng pananahimik niya. Tinatahak na lang namin ni Dakila ang daan pauwi na nag lalakad kami sa mabado at patak na lupa. Napaka dilim na nang paligid at wala na rin akong makitang tao, na makikita mo na lang ang matatayog na mga puno sa paligid. "Mahal maman sandali lang." Wika ko pa dahil hindi ako maka sabay sa malalakihang hakbang ng kanyang paa at kay bilis mag lakad subalit parang nag bingi-bingihan lang siya sa pag tawag ko. "Mahal." Tawag ko na lang ng mababang boses baka sa pag kakataon na ito papakinggan niya na ako subalit ganun pa rin. Napa singhap na lang ako na medyo napapadiin ng konti ang nag pag hawak niya sa pulsuhan ko, na maka ramdam naman ako ng sakit sa pag kakahawak niya doon subalit tiniis ko na lang. Pilit kong inaalis ang pag kakahawak ni Dakila sa pulsuhan ko subalit, hindi pa rin sapat ang lakas ko kumpara sakanya. "Bilisan mo." Maowtoridad at madiin na asik niya na hinatak niya ako muli, kaya't parang papel naman na nadala ako sa malakas niyang pwersa. Kumalabog na nang napaka bilis ang aking puso at sa bawat segundo na nag daan, lalo akong kinakain ng pangamba sa aking dibdib lalo't medyo dumiin muli ang pag kakahawak niya sa pulsuhan ko, na alam kong mag iiwan iyon ng marka pag katapos. Maluha-luha na ang mata ko sa sakit lamang dahil ngayon ko lang siya nakita nang ganito. "Mahal, sandali lang." Wika ko na lang na kabadong boses. "Mahal, a-aray." Daing ko na lang nang malakas, na medyo napa diin ang pag kakahawak niya doon kaya't kusa na lang napa tigil si Dakila sa pag lalakad at ganun rin ako. Bumaling ng tingin si Dakila sa akin at napag tanto niyang nasasaktan niya na ako, biglang umiba ang emosyon ng kanyang mata. Ang galit na mata niya'y napalitan ng takot ng makita niya akong may kirot at sakit ang mukha. Ramdam ko ang pag luwag ng pag kakahawak ni Dakila sa aking pulsuhan ko kaya't doon naman ako nag karoon ng pag kakataon na bawiin ang kamay ko sakanya. Nangilid na lang ang luha sa mata kong napa titig na lang sa pulsuhan ko ngayo'y namumula na iyon tanda ng buong higpit at gigil niyang pag kahawak doon. "Mahal." Malumanay na pag tawag ni Dakila sa akin na hindi inaalis ang mata ko doon. "Ipag paumanhin mo ang aking ginawa, hindi ko sinasadya." Wala pa rin akong kibo na napa titig na lang sa pulsuhan ko. Napa hilamos na lang sa mukha si Dakila na animo'y naguguluhan at hindi niya alam ang gagawin na ngayo'y hindi na ako umimik sa harapan niya pag katapos ang malutong niyang mura pag katapos. "Tangina, ito na nga ba ang sinasabi kaya't ayaw kong pumunta sa mga mararaming tao, dahil ganiyan lang ang nangyayari!" Asik na lang nito na mapa tingin na lang sa kanyang mukha na hindi na maipinta iyon na pinag halong galit at pag kainis lang sa nangyari. "Ano?" Naguguluhan kong tinig na humihinggi ng kasagutan sakanya. "Anong sinasabi mo?" "Iyong mga lalaking iyon kanina." Giit nito na mapa kurap naman ako ng mata. Sinong lalaki? Si Pedro at Darius ba ang tinutukoy nila? "Hindi mo nakikita ang ginagawa nila sa'yo?" Puno ng diin at medyo pag tataas sa tinig nito. "Hindi kita maintindihan, mahal." Wika ko pa na mapa mura naman ito muli. Oo, lumapit sila kanina sa akin at inaaya ako. Hindi naman ako tanga para hindi mahulaan ang pakay at motibo sa akin, pero umiwas naman ako. Mabuti na lang dumating si Dakila para mag karoon sila ng rason na, hindi na ako pilitin. "Tangina!" Mura na lang nito at uyam na lang na pinagalaw ang panga. Nag susukat ang paraan na titig sa akin ni Dakila na lalong nabahiran ng inis ang mata nito. "Hindi ko gusto ang pag lapit nila sa'yo! Ang pag titig nila sa'yo! Ang pag ngiti nila sa'yo at balak ka nilang hawakan kanina! Iyon ang hindi ko gusto kaya't iniiwas kita sakanila!" Hinihinggal na asik na lang nito na mapa titig na lang ako sa mukha niya. "Sandali lang mahal." Pag pipigil ko na lang na uyam siyang tumitig sa akin. “Nag seselos ka ba?" Aniya ko at katahimikan ang sumagot sa akin kasabay ang malamig na pag ihip nang hangin. Babae ako, at nararamdaman ko iyon. Hindi ako tanga at manhid para hindi malaman ang kakaibang inaakto at kinikilos. Uminit pa lalo ang tensyon sa panig naming dalawa ni Dakila at mabibigat ang yabag ng paa na nilapit niya ang sarili niya sa akin. Tumigil siya sa harapan ko kaya't tuminggala naman ako para mag katitigan lang kaming dalawa, hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isipan niya ngayon. "Oo, nag seselos ako!” Pag aamin nito na hindi na ako maka sagot sa labis na pag kabigla. “Nag seselos ako sa mga lalaking lumalapit at nag papansin sa’yo. Iyon ang totoo, Ligaya!" Pag aamin na lang nito na kumalabog ng sobrang bilis ang aking puso, na hindi ako maka react sa kanyang sinabi. Hinawakan ni Dakila ang mag kabila kong pisngi na maka ramdam ako ng init sa simpleng pag haplos ng palad niya doon. May kakaibang kislap at emosyon ang kanyang mga mata kong paano niya ako titigan, na mag bigay na nag sisilaparan na mga paru-paro sa aking tyan. Bahagya niyang niyuko ni Dakila ang sarili at namilog na lang ang mata ko na lumapat na lang ang mainit niyang labi sa akin, kasunod no’n ang malakas na kalabog ng aking puso. DOLORES POV Kanina pa ako naka-upo sa matibay na upuan na gawa sa kahoy, hindi ko maiwasan ang aking sarili na panaka-nakang sumisilip at para bang hinahanap na importanteng tao na nag kakasaya at nag dalo sa aking kaarawan. Maririnig ko na lang ang masaya nilang kuwentuhan, kasiyahan at ilan pa roon masaya silang sumasayaw sa gitna na sinasabayan nila ang magandang musika na pinapatugtog ng mga kalalakihan na may hawak na instrumento sa kanilang mga kamay. Pawang masasaya ang lahat na para bang wala silang problema na iba't-ibang tao ang makikita mo doon na ilan naman doon, kakilala ko rin naman at malalapit sa akin. Pinag dikit ko na lang ang aking palad at napako naman ang aking mata sa kabilang dako kong saan naka handa ang magarbong handaan na kung saan kumakain at kumukuha ng iba't-ibang masasarap na mga putahe at sa isang dako naman ang mga kalalakihan na naka pwesto na sila sa kanya-kanyang upuan at lamesa, kung saan nag sisimula nang mag pakasaya sa pag inom ng matatapang na mga inumin. Kinagat ko na lang ng madiin ang aking ibabang labi at hindi ko mapigilan ang sarili kong mabahala na rin dahil sa bawat segundong lumilipas tumatakbo ang oras. Hindi ko na lang mapigilan ang aking sarili na mag pakawala nang malalim na buntong-hiningga lamang, na ang isang taong inaasahan kong pumunta ngayon sa aking kaarawan hindi ko man lang nasilayan. Hindi siya dumating sa aking kaarawan? Buong akala ko kapag nag patapon ako ng magarbong okasyon at pag titipon, mag kakaroon ako ng pag kakataon na mag tagpo muli ang mga landas natin pero bakit ganun? bakit ganun, na hanggang ngayon wala ka pa rin? May isang parte naman sa aking dibdib ang kinakabahan lalo't palalim na nang palalim ang gabi at lumiliit na rin ang tyansa na makikita ko muli ang Ginoong nag sagip sa akin. Gumuhit na lang ang mapait na ngiti sa aking labi na kina-bagsak naman ng aking balikat pag katapos na pinapasadahan nang tingin ang mga masasayang Ka-Nayon namin na nag papakasaya nang gabing iyon. Silay nag kakasaya at nag kakaroon ng masayang gabi samantala naman ako heto't naka upo sa isang tabi at hinihintay ang iyong pag dating aking Ginoo. "Napapansin ko Dolores, mukhang kanina ka pa riyan tahimik," ang salita ni Ama sa tabi ko ang mag papukaw ng aking malalim na iniisip. Kina-baling ko naman si Ama sa tabi ko at mag katabi lang naman kami sa upuan na kanina niya pa ako pinag mamasdan. Sa likod naman ni Ama naka posisyon na naka tayo ang kanyang katiwalang tauhan at si Bughaw na rin sa likod ko. "Hindi mo ba nagustuhan ang aking pina handang magarbong okasyon para sa iyong kaarawan? Buong akala ko naman na magugustuhan mo itong gabi at mukhang hindi ka ata masaya ngayon?" tanong na lang nito at ako'y naman nanahimik bigla. Umayos ako nang pag kakaupo at sabay baling ng tingin sa parteng likuran ko at napansin ko ang matang pag masid sa akin ni Bughaw, siguro alam niya rin ang dahilan ng kanina pa ako tahimik. Nag patay malisya naman ako sa sinabi ng aking Ama at hindi ko naman pwedeng sabihin sakanya na ang dahilan ng aking pagiging malungkot, na hindi ko nakita ang Ginoong nag sagip sa akin. Hindi ko siya nasilayan sa aking kaarawan. Ayaw ko naman na magalit at malaman ni Ama, na hanggang ngayon hindi ko pa rin sinunod ang kanyang payo na kalimutan ko ang anumang nararamdaman ko sa Ginoong iyon kahit naka takda na para sa akin na pakasalan si Bayani. Naka pako lang ang mata sa akin ni Ama at hinihintay ko nito ang aking sasabihin. Hindi rin ako naka ligtas sa matang sinusuri at palihim akong inoobserbahan. "Nagustuhan ko Ama, maraming salamat talaga at pinaboran mo ang aking gusto para sa aking kaarawan. Ako'y nagagalak at nasisiyahan rin lalo't nakikita kong napasaya natin ang ating nasasakupan subalit ipag paumanhin mo kong napansin niyong wala akong gana ngayong gabi. Medyo masama lang talaga ang aking pakiramdam," pag sisinunggaling ko naman para sa ganun hindi na siya mag tanong pa sa akin. Kabaliktaran naman ng totoong rason ang aking sinabi kay Ama dahil ang totoo talaga no'n ako'y nalulungkot na wala pa rin ang Ginoong nagugustuhan ko. "Kaya naman pala kanina ka pa walang gana, Bueno. Bughaw," ang ma owtoridad at nakaka takot na pag tawag ni Ama na kaagad naman kina-kilos ni Bughaw na nag mamadali na umalis sa kanyang pwesto sa likuran ko para pumunta lamang sa gilid ni Ama para sundin kong ano man ang ipag uutos nito. Magalang na lang na yumuko si Bughaw sa aking Ama para mag bigay galang dito. "Ipag kuha mo ang iyong Binibini ng maiinom at herbal na gamot para sa kanyang nararamdaman." "Masusunod po, Datu," malagong na boses ni Bughaw na akma sana siyang kikilos at aalis na sana na mag salita naman ako. "Huwag na aking Ama," pareho si Ama at Bughaw natigilan sa aking sinabi. "At bakit naman Dolores? Mainam na inumin mo ang herbal na inumin para naman maging mabuti ang iyong nararamdaman at kapag naging mabuti na ang pakiramdam mo at maki salo ka rin sa ating nasasakupan at iyong mga kaibigan na rin. Kanina ka pa kasi dito naka upo at nag iisa."pinasadahan ni Ama ng tingin ang ilang mga kababaihan na kaidaran ko rin sa isang tabi kasama ng ilang malalapit ko rin na kaibigan na naroon. Sinunod ko, kong saan naka titig si Ama at ako'y napa kagat labi na lang na kina-balik ko naman ang mata ko sakanya. Wala akong ganang samahan at makipag kuwentuhan sakanila dahil inaasahan ko pa rin ang Ginoo na dumating ngayong gabi. "Hindi na kailangan," tugon ko pa sabay tayo sa kina-uupuan na kina-sunod naman ng tingin sa akin ni Ama. "Siguro mag lalakad-lakad na lang ho ako sa labas at mag papahangin muna saglit, Ama." "Kung ganun papasamahan kita kay Bughaw, mahirap na't malalim na ang gabi at baka kong ano pa ang mangyari sa'yo sa labas," "Hindi na kailangan Ama," pag tututol ko na lamang at humawak na lang sa balikat ni Ama para ito'y lambingin. Ayaw ko naman na may bubuntot-buntot sa akin parati lalo't gusto ko muna mapag-isa. "Kayo ko na ho ang sarili ko at babalik rin naman ako," pinakita ko na lang ang matamis na ngiti sa aking Ama para sa ganun payagan niya ako sa aking gusto. Sa una nakikita ko ang pag aalinlangan sa mata ni Ama na paboran na lang ako sa aking gusto at pinako muli ang mata sa akin. "Sige bibigyan kita ng sampung minuto para mapag-isa muna Dolores at kapag hindi ka pa nakaka balik, papasundan kita kay Bughaw," anito na lang na tumango naman ako kaagad, mahirap na't at baka mag bago pa ang isipan. "Maraming salamat, Ama," humalik na ako sa pisngi ni Ama at lalo pang lumawak lamang ang matamis na ngiti sa aking labi. Lumayo na ako kay Ama pag katapos at taas-noo na akong nag lakad na naging aliwalas na lang ang aking mukha. Kina-hinto ko na lang na madaanan ko si Bughaw sa gilid ko, pinasdahan ko siya nang tingin at dire-diretso lamang ako nag lakad na. Kagalang-galang lang akong nag lalakad at pinapadaanan ng tingin ang nag kakasaya pa rin na mga taong naroon. Ang ilan sa kanila binabati at nginingitian naman ako na aking makaka salubong, na kina-sukli ko naman kaagad sakanila ng pag bati rin. Aliw na aliw ako sa aking napag mamasdan hanggang sa aking pag lalakad, naka rating na lang ako sa malaking tarangkahan namin kong saan naka posisyon na naka bantay ang mga katiwala ni Ama na mga tauhan. Nginitian ko sila at binigyan naman ako nila ng daan. Pag labas ko lamang sa aming malaking lupain sumalubong naman sa akin ang katahimikan at kalaliman ng gabi. Maririnig mo na lang ang huni ng kuliglig at palaka sa paligid sabayan pa nang pag hampas ng malamig na hangin sa aking balat lamang. Nag patuloy ako sa aking pag lalakad at sobrang gaan lang sa aking pakiramdam dahil napaka payapa at wala na rin akong tao na nakikita sa paligid. Hindi naman ako naka ramdam ng takot at pangamba na mag isang nag lalakad dahil alam ko naman sa sarili kong ligtas ako sa sarili namin na nasasakupan. Sa kaliwa't-kanan ko makikita ko naman ang matataas na mga puno at mayayabong na mga halaman sa paligid. Naging gabay naman sa aking pag lalakad na makita ang aking dinaraanan na nanggagaling sa liwanag ng buwan at mga bituin naman na nag kikislapan na nag sasayawan ang mga iyon sa kalangitan. Ilang minuto na pala akong nag lalakad na hindi ko na namalayan ang pag takbo ng oras dahil nalibang na lang ako nang husto. Napa hinto ako sa pag lalakad sabay lingun sa aking dinaraanan, medyo malayo-layo na pala ang napadpad ko. Malayo na ako sa balay namin at hindi ko na rin makita pa ang dinaraanan ko dahil malalim na nga ang gabi. "Hindi ko napansin na malayo na pala ang narating ko," naiwika ko na lang sabay sapo ng aking mukha. Sa pag kakataon na ito, panigurado hinanap na ako ni Ama. Ihahakbang ko na sana ang paa ko paalis para bumalik sa aming balay, subalit kaagad naman ako matigilan na marinig ko na lang ang kaluskos ng mga halaman sa parteng gilid ko na maagaw naman ang pansin ko. Sandali, Ano iyon? Anong ingay na iyon? Napa lunok at napa titig na lang ako sa kakahuyan na kahit ako mismo hindi ko matukoy kong ano bang inggay ang aking narinig. Wala naman akong naramdaman na takot at kaba sa aking dibdib na hindi pa rin inaalis ang mata doon. Ilang sandali lamang, narinig ko na ang inggay at boses mula sa loob ng kakahuyan, na para bang nag tatalo sila na hindi ko rin talaga maintindihan. Hindi naging klaro sa aking pandinig ang boses na aking narinig at kahit na rin ang kanilang pinag uusapan dahil malayo ako sakanila. Nanatili ako sa aking kina-tatayuan, pinag aaralan at kinikilala ko kong kaninong boses iyon subalit hindi ko talaga matukoy. Nag patuloy na lang ang boses na aking narinig hanggang natagpuan ko na lang ang sarili kong kinilos na lang ang katawan ko papasok sa kakahuyan para silipin at alamin kong sino iyon. Tahimik ko na lang binabaybay ang kakahuyan na kahit ako mismo hindi ko alam ang ginagawa ko. May kong anong enerhiya na nag pahatak sa akin na alamin kong ano ba ang inggay na naririnig ko. Nag patuloy ako sa pag lalakad sa masukal na kakahuyan at hinahawi ko ang matataas na halaman na nadaanan ko para maka daan ng maayos. Lalong dumilim ang paligid at hindi rin ako familiar sa dinaraanan ko subalit nag patuloy lang ako sa pag lalakad, naging gabay na lang sa akin ang pag sunod sa ingay na aking narinig lamang. Palinga-linga na rin ako sa masukal na kakahuyan, palakas na nang palakas ang boses na narinig ko. Alam ko sa sarili kong malapit na ako. Kusa na lang akong napa tigil na maririnig mo na lang ang pag apak ng aking panga sa sanga ng kahoy at tuyong dahon. Nakita ko na lang ang dalawang tao na naka tayo medyo malapit sa akin na nag uusap pa rin sila subalit, kaagad naman akong tumago sa mayabong na halaman sa takot na makita at maagaw ko ang kanilang atensyon. Kainis. Bakit ba ako tumatago? Wala naman akong kasalanan, ah? Ts. "Ano ba itong ginagawa ko?" Himutok ko na lang na tanong na mapag tanto ko ang pinag gagawa ko. Bakit ba kasi ako napunta dito? Hays! "Lalo ko lang pinapagalit si Ama, nito Dolores." Pabulong ko na lang na tinig na hindi paparinig sakanila. Akma na sana ako aalis subalit natigilan na naman ako na lingunin ang dalawang bulto na parang nag tatalo kanina na ngayo'y mag kalapat na ang kanilang mga labi. Ang aking pag titig naman napako na lang sa babae na kasama nito at may sumuntok sa aking dibdib na para bang familiar siya sa akin. Hindi ko alam, pero alam ko sa sarili kong para bang nakita ko na siya subalit hindi ko lang matandaan kong saan Pinag aralan ko ng mabuti at kinikilanlan ang kanyang mukha ng babae kahit medyo may kadiliman ang kanilang pwesto at naging determinado talaga akong alamin kong sino siya. Natigilan na lang ako na makilala ko ang babae, na kina laki naman kaagad ng mga mata ko. "Ligaya?" Wala sa sarili kong naiwika na lamang na makilala kong sino ito. Ang mata ko naman biglang gumalaw at napako naman sa Ginoong kahalikan nito at doon pa ako nagulantang nang makilala ko kong sino iyon. Walang iba, kundi ang Ginoo. Ang Ginoong nag sagip sa akin. At ang Ginoong nagugustuhan ko. Bakit? Anong nangyayari? Bakit sila mag kahalikan ni Ligaya? Gulong-gulo na ako ng sandaling iyon na kahit ako mismo, wala akong nakuhang kasagutan sa mga tanong ko. Nanigas na ang katawan ko at para akong binuhusan nang malamig na yelo sa buong katawan ko, na hindi ko maikilos o maka galaw sa kina-tatayuan. Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa aking nasasaksihan ko na mag kalapat ang kanilang mga labi, pero ito lang ang alam ko sobrang sakit ng puso ko. Hindi ko na lamang namalayan na tuluyan nang umagos ang luha sa aking mga mata. Hindi. Hindi, totoo ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD