Chapter 31

4988 Words
Chapter 31 DOLORES POV "Dolores, anak." Ang salita ni Ama ang mag patigil sa akin sa pag subo ng pag kain. Mainggat ko naman na nilapag ang hawak kong kubyertos sa pinggan at umayos ng pag kakaupo sa hapag-kainan kong saan mag kasama kaming dalawa nag sasalo ng tanghalian. "Bakit, ho aking Ama?" Naka lagay naman sa lamesa ang mga masasarap at nakaka takam na iba't-ibang mga putahe na kahit kami lang na dalawa ang mag kasalo daig pa namin ang nag karoon ng magarbong okasyon, sa rami lang ng mga pag kain na pina handa. Naka poker face lang ang mukha ni Ama at pinapanuod ko siyang sumisimsim ng tubig at pag katapos mainggat niyang nilapag ang baso sa lamesa bago siya nag bitaw ng kanyang sasabihin. “Malapit na sumapit ang iyong ika dalawagpung taong gulang, Dolores. Wala ka bang balak ngayong taon sa iyong nalalapit mong kaarawan?” Oo nga pala. Limang araw na lang mula ngayon, at sasapit na ang aking kaarawan. Nasasabik na din talaga ako nang husto dahil marami akong naiisip at na-plano na mga dapat gawin na maging espisyal ang aking kaarawan na sasapit kaya’t ako’y nasasabik na talaga. "Sa totoo lang Ama'y, may naiisip na po ako." "Talaga, at ano naman ang iyong naiisip kong ganun?" Anito. "Gusto mo ba ng mga bagong damit? Mga alahas o baka gusto mong mag bakasyon muli tayong dalawa na mag kasama na parati nating ginagawa taon-taon sa tuwing sumasapit ang iyong kaarawan? Sabihin mo lang sa akin, Dolores ang iyong gusto at gagawin ko para sa kaisa-isa at pinaka mamahal kong anak." "Hindi po Ama," pinag siklop ko na lang ang aking palad bilang pag tatangi sa kanyang gusto. Sa totoo lang may naiisip na akong mas masaya at tiyak na hindi ko makaka limutan sa tanang buhay ko. "Huwag na tayong mag bakasyon Ama, na parati natin ginagawa taon-taon. Ang balak ko ho sana ngayon taon, na ipag diwang ang kaarawan ko Ama dito na lang sa Nayon natin." Maski siguro siya, hindi niya inaasahan na sasabihin ko iyon dahil hindi naman madalas iyon na mangyari. Sanay kasi siyang, kami lang na dalawa ang mag kasama na nag didiwang tuwing kaarawan ko kaya't kahit na rin siya nag taka na lang sa sinabi ko. Taon-taon namin kasing ginagawa, ay ang mag bakasyon kaming dalawa sa karatig Nayon at sinusulit lang namin ang buong araw na mag saya na mag kasama. Kinagat ko na lang ng mariin ang ibaba kong labi bago dumugtong pa muli ng sasabihin. “Gusto ko sana Ama'y iyong regalo niyo sana sa akin na ibibigay na mga mamahalin na damit at mga alahas sa aking kaarawan, baka ho pwedeng gamitin na lang natin iyon sa ibang paraan?" Pag hihinto ko na lamang na maging bukas naman ang atensyon at taenga niya sa susunod ko pang sasabihin. "At ano naman iyon, Dolores?" "Balak ko ho sanang gamitin na lang natin ang mamahalin na regalo niyo sa akin, ay mag salo-salo at mag tipon-tipon na lang tayong lahat ng mga Ka-Nayon natin sa araw ng kaarawan ko… Gusto kong ipag diwang ito na masaya lamang na paraan, na mag papahanda na lang tayo Ama ng masasarap na pag kain para sa lahat at bibigay tayo konting tulong na rin sakanila..." pag bibitin ko na lang na umayos na lang ng pag kakaupo bago dumugtong muli. "Hindi lang natin mapapasaya ang mga tao sa ating nasasakupan kundi ang mga bata na rin Ama." Tuloy-tuloy ko pang salita at tumango-tango naman si Ama'y dakapwat parang nag iisip. Napa hinto na lang si Ama at wala na akong narinig pang salita sakanya. Hindi na lang naputol ang pag titig sakanya at ako'y nag darasal na sana paboran niya ako sa aking gusto. "Kong minsan talaga, pinapa hanga mo talaga ako Dolores sa iyong sinasabi. Hindi ko lubusang akalain, na makaka isip ka ng mga bagay na ganiyan at masaya akong iniisip mo rin ang mga tao sa nasasakupan natin." Pag pupuri na lang sa akin ni Ama'y mag karoon pa ng lakas ng loob ako sa aking sarili. Alam ko naman papaboran niya ang mga sinasabi ko. "Bueno, at matutupad kaagad ang iyong hiling na iyong gusto sa nalalapit na iyong kaarawan. Mag kakaroon tayo ng magarbong pag sasalo para sa lahat at mag bibigay rin tayo ng tulong sa mga nasasakupan natin kagaya ng iyong hiling, Dolores." "Maraming salamat, aking Ama." Nang matapos kumain pakanta-kanta pa akong nag lalakad lamang sa magandang harden namin. Kulang na lang mapunit na ang matamis na ngiti sa labi ko at kay gaan at aliwalas na lang ang aking mukha na naiisip na lang ang sandali na pumabor si Ama sa aking gusto. Hindi na ako makapag hintay pang sumapit ang araw ng aking kaarawan at iyon talaga ang inaabangan ko nang hustler Nginingitian ko na lang ang mga taga silbi na makaka salubong ko sa daan tahimik naman si Magwat naka sunod at nag mamasid lang naman sa akin sa likuran. "Mukhang napaka ganda ng iyong ngiti ngayon, Binibini." Puna na lang nito sa akin na kina sulyap ko naman si Magwat. "Narinig ko kanina sa pag usap-usap sa mga taga silbi na mag kakaroon ng handaan sa pag sapit ng iyong kaarawan, ano ang iyong pina-plano ngayon Binibini? Dahil ba ito sa Ginoong iyong nagugustuhan ngayon?" Pinag dikit ko na lang ang aking palad at hinarap na lang si Magwat kaya't siya'y napa hinto naman sa pag lalakad. Dalawang hakbang lang naman ang layo ni Magwat sa akin at ang kanyang mukha seryoso at mukhang suplado kung iyong titignan. "Tama ka nga riyan, Magwat dahil nga sakanya ito." napa labi ko na lang na tinig. Huminggi ako ng pabor kay Ama sa Ginoo na aking nagugustuhan. Dahil ito lahat sakanya. Binalik ko na lang ang tingin ko sa daan, na hindi na lang naalis ang ganda at aliwalas sa mukha ko. “Naisip ko lang kasi Magwat, napaka hirap para sa akin na makita ang Ginoong nag ligtas sa akin kahit napaka liit lang ng Nayon natin kaya’t ako na lang ang gumawa ng paraan. Nakaka-tiyak akong kung hindi man siya mag papakita sa akin ngayon, malakas ang kutob kong lalabas siya sa araw ng aking kaarawan at mag tatagpo ang aming mga landas.” Sumilay na lang ang matamis na ngiti sa aking labi at may namumuo doon na mga plano. Mag hintay ka lang, Ginoo at malapit na tayong dalawa mag kita. LIGAYA'S POV Abala ko na lang na inaayos at nililigpit ang aking mga gamit sa aking pag titinda, labis naman akong natutuwa dahil hindi pa naman sumapit ang alas singko ng hapon, napaubos ko kaagad ang mga paninda ko. Hindi naman kasi araw-araw na malakas ang benta ng mga kakanin at mayron din na mga araw na matumal din talaga at kung minsan hindi ko napapaubos sa buong araw. Tumayo na ako at hinanda na rin ang basket sa isang tabi para maka handa ng umalis. "Uuwi kana ba, Ligaya?" ang tanong na lang ni Aling Bebang na kasamahan kong nag titinda rin sa bayan ang mag patigil na rin sa akin. Nasa sisenta na ang kanyang edad at katamtaman lang naman ang pangangatawan. Siya ang madalas na katabi ko sa pwesto sa bayan na tinitinda niya naman kamote at ube. "Oho, Aling Bebang." "Napaka swerte mo naman at napa ubos kana naman ng mga paninda mo, Ligaya. Tignan mo naman kami ni Bebang at mukhang, kami na naman ang maiiwan dito na kailangan pa namin paubusin ang mga paninda namin bago umuwi." Dugtong naman ni Aling ni Cora na katabi lang naman ni Aling Bebang sa pwesto, na ang tinitinda niya naman mga sariwang mga gulay. Ngumiti na lang ako sa dalawa at sila naman ang matandang kasama-kasama ko sa pag titinda, mababait naman sila at hindi naman mahirap maka sundo dahil pala-kwento sila na hindi nauubusan ng sasabihin. "Hayaan niyo at mauubos rin naman ang mga paninda niyo maya-maya, Aling Cora." "Sana nga talaga. Napaka swerte mo talaga Ligaya kapag ikaw ang titinda at maaga kang umuuwi at karamihan sa mga bumibili sa’yo, pinapakyaw talaga ang mga kakanin na mga tinitinda mo. Bilib talaga ako sa sarap ng mga ginagawa mong mga kakanin at talento mo rin sa pag luluto." Puri na lang ni Aling Bebang. "Swertehan din kung minsan Aling Bebang, mayron din na mga araw na medyo matumal nga talaga a-----“ “Mahal.” Tawag ko na lang sakanya na lumapit na sa akin. Simple lang naman ang suot niyang kasuotan na kupas na maong na pantalon at manipis na longsleeve na white na wala man lang kaamor-amor ang mukha nito. “Magandang hapon po sainyo,” magalang na bati ni Dakila kay Aling Bebang at Cora, na seryoso naman itong bumaling sa akin. “Tapos kana ba sa pag titinda mo?” "Oo, napa ubos ako ngayon ng mga paninda ko, mahal." Sabik naman akong ikwento sakanya na napa ubos ko lahat ng mga paninda ko kaya't tuwang-tuwa talaga ako nang husto. Tumango-tango naman si Dakila sa naging sagot ko at walang pasabi na lang na kinuha ang hawak-hawak kong basket kasama na rin ang ilang gamit na dala ko kanina sa pag titinda na naka lapag lang naman iyon sa isang tabi. Pinapanuod ko na ngayon si Dakila na hawak sa mag kabila niyang kamay ang mga gamit ko na katamtaman lang naman ang bigat no'n. “Napaka sweet at lambing mo naman Dakila na pakatapos ng iyong trabaho Manong Basyo at heto't sinusundo mo pa si Ligaya," kinikilig naman na wika ni Cora sa isang tabi na naka pako na pala ang mata niya sa amin na kanina pa kami pinapanuod. “Sinasang-ayunan ko ang sinabi ni Cora, na hindi lang guwapo kundi masipag at mapag mahal ang asawa mo, Ligaya. Kung ganiyan lang ang asawa ko sa akin baka araw-araw akong sisipagin niyan sa pag titinda, kung ganiyan naman na matikas at guwapong Ginoo ang susundo sa akin araw-araw." Tugon naman ni Aling Bebang na isang matamis na ngiti lang ang kina-sagot ko. Si Dakila naman hindi kina-pansin ang sinabi ng dalawang matanda na kinikilig na lamang sa isang tabi bagkus kina-lingon niya na lang sa akin. LHalika na mahal at baka gabihin pa tayo sa daan. Mauna na ho kami sainyo," paalam na lang ni Dakila sa mga ito, na kina-tango naman ng dalawang matanda. "Mauna na ho kami,” "Aalis na kayo kaagad?" Ang tanong niya ang mag pahinto na lang sa amin pareho. “Hindi ba kayo dadalo sa kaarawan ni Dolores mamayang gabi? Usap-usapan na rin ng ilang ka Nayon natin na mag papahanda ang Datu ng masarap na mga pag kain at engrandeng kasiyahan mamaya sa kaarawan ng kaisa-isa niyang anak, at imbetado ang lahat na pumunta. Dadalo nga kaming dalawa ni Bebang at isasama namin ang mga anak namin," “Oo nga Ligaya at Dakila, pumunta na rin kayo doon dahil tiyak na masaya iyon." Dugtong naman ni Aling Bebang na hindi na maalis ang matamis na ngiti na kinu-kwento nila kung gaano kasayang pumunta doon. “Mag kakaroon daw mamayang gabi ng kasiyahan, sayawan at mag bibigay tulong na rin ang Datu sa ating lahat kaya't sayang naman kung hindi kayo pupunta na dalawa.. Sumama na lang kayo sa amin para mag kakasama tayo na pumunta sa balay ng Datu," pag hikayat na lang nito na mamilog na lang ang mata ko sa mga narinig. Mukhang masaya at magandang pumunta doon mamaya. Maraming mga pag kain ang ipapahanda ang Datu at higit sa lahat mag bibigay rin ang Datu ng tulong para sa lahat. "Talaga? Mukhang masaya nga iyon, Aling Bebang hayaan niyo at pupunta kaming dalawa ni Dakila mamaya doo----" “Hindi na siguro, Aling Bebang,” singit na salita ni Dakila na pag tatapos ng anumang sasabihin ko. Unti-unting nawala na lang ang matamis na ngiti sa labi ko na napa lingon naman kay Dakila na malamlam ang emosyon na pinapakita sa dalawang matanda sa harapan namin. “Maraming salamat na lang sa paanyaya niyo ngunit hindi po kami pupunta ng aking asawa doon,” final na wika na lang nitong mamilog na lang ang mata ko sa kanyang sinabi. Ha? Hindi kami, pupunta doon? Bakit? "Ay ganun ba? Sayang naman Dakila kong hindi kayo pupunta doon ni Ligaya, na halos lahat ng Ka-Nayon natin pupunta rin sila. Masaya doon at tiyak na mag eenjoy kayong dalawa mamaya." Pag hihikayat na lang na tugon ni Aling Bebang na kahit rin ang matanda nag taka at nag hinayang rin na hindi kami makaka punta. “Maraming salamat na lang ho, at siya mauna na kami,” pag tatapos na lang ni Dakila ng sasabihin na bago pa ako maka sagot na hinakbang na lang niya ang paa niya paalis na kina-taranta ko naman. Dire-diretso at walang lingon lang si Dakila na nag lakad na para bang wala siyang kasama, na kina lingon ko naman kay Aling Cora at Bebang na nag katinginan na lang ang dalawa. Alangan na lang akong ngumiti sa matanda at pag katapos ngumiti na lang ako ng kay tamis bago ako nag paalam na sakanila. Binilisan ko na lang ang hakbang ng paa ko na palingon-lingon para hanapin ng aking mata si Dakila. Humingga na lang ako ng malalim na binilisan ko pa lalo ang yabag ng paa ko para maabutan lang siya. “Mahal.” Tawag ko na lang kay Dakila ngunit wala man lang akong nakuhang sagot mula sakanya. Nilakad-takbo ko na lang ang daan hanggang sa naabutan ko na si Dakila at kusa na lang akong huminto sa harapan niya, na kina hinto naman ni Dakila. Kulang na lang habulin ko ang ang pag hininga ko sa pag mamadali lang na maabutan siya. Pinanuyuan na ako ng laway sa aking lalamunan na ngayo'y malamlam at malamig na tumitig lang siya sa akin. "Bakit?" "Bakit sinabi mo naman kay Aling Bebang na hindi tayo pupunta mamaya sa kaarawan ni Binibining Dolores?" "Hindi naman talaga tayo pupunta, hindi ba?" “Hub? Eh, wala naman akong sinabi na ganun.” Tugon ko na lang na para bang wala lang sakanya ang mga sinabi ko. “Pupunta tayo mamaya doon mahal. Sabi ni Aling Bebang masaya raw doon at nag pahanda pa ang Datu ng mga masasarap na pag kain para sa lahat. Pupunta rin silang lahat doon kaya’t sayang naman kong hindi tayo makaka punta doo——“ “Hindi tayo, pupunta doon.” Puno ng diin ng pag kakasabi ni Dakila na mahinto na lang ako. “Mainam nang nasa balay lang tayo.” Huh? Bakit ayaw niyang pumunta doon? “P-Pero.” "Sumunod kana lang sa akin, Ligaya." Pag didiin na lang nitong tinig na kina kagat na lang ng ibaba kong labi. Akmang dadaan si Dakila sa gilid ko para lampasan ako, na humarang muli ako sa kanyang dinaraanan kaya’t nag pakawala na lang siya ng mabigat na pag hingga at tiim-bagang tumitig sa akin na hindi niya nagustuhan ang pag harang ko. “Ligaya,” mahina ngunit may pag didiin sa tinig nito. “Hindi ako aalis sa dinaraanan mo hangga't hindi ka pumapayag na pumunta tayo doon," pag pupumilit ko na lang na hindi pa rin nag babago ang emosyon na pinapakita sa akin. Ay basta, hindi ako aalis sa harapan niya hangga't hindi siya papayag sa gusto ko. Minsan lang naman mag karoon ng kasiyahan sa Nayon namin, na sa isang taon. Isang beses lang nag kakaroon ng okasyon at pag titipon sa Nayon namin at iyon ang araw ng ka pyestahan kaya't hindi ko papalampasin ang pag kakataon na hindi kami pumunta doon. “Ipag hahanda na lang kita ng mas masarap na pag kain, kung gusto mong kumain ng masarap. Gagawan na lang kita," Eh hindi naman habol ko doon ang masasarap na pag kain at handaan. "Eh bakit ba kasi ayaw mong pumunta doon?" Giit ko na lang na mapa 'ts' na lang si Dakila sa akin. “Bakit ba kasi, mahal hmm?" Malambing at may pag kaka kumbinsi kong tinig na uyam na lang nitong pina galaw ang panga kong paano siya naiirita sa nangyari. “Maraming tao doon at magulo dahil may pag titipon. Sa balay na lang tayong dalawa at huwag kanang mapilit pa, Ligaya," pag tatapos na naman ng pag uusap namin na tangkang dadaan na naman si Dakila sa gilid ko na humarang na naman ako muli kaya't tumalim lalo ang pag titig sa akin. Hindi na maipinta ang mustra ng kanyang mukha lamang na galit iyon, na hindi mo na maintindihan. “Bakit na naman ba kasi?" Iritable nitong tinig na alam kong nag pipigil lang siya ng kanyang emosyon at galit lamang. "Hindi pa ba talaga tayo, pupunta doon?" Uyam na lang pinagalaw ni Dakila ang kanyang panga at kasabay na lang ang mabigat na pag buntong-hiningga. "Hindi nga sabi at hindi mo ako mapipilit!” ** "Mahal, bilisan mo dali,” hindi na maalis ang matamis na ngiti sa aking labi na hatak-hatak ang pulsuhan ni Dakila papunta sa balay nang Datu kung saan nag kakaroon ng kasiyahan at pag titipon. "Ts," pag susungit na lang ni Dakila na wala na lang siyang magawa kundi mag patanggay sa pag hila ko sakanya. Kina-lingon ko na lang si Dakila na ngayo'y hindi na maipinta ang kanyang mukha na naroon ang labag sa kagustuhan subalit wala rin naman siyang magagawa. Hindi na maitago ang saya at excitement sa aking dibdib na maka rating na kami doon na makita ko na lang ang mga nag kukumpulan na mga KA-Nayon namin sa mismong malawak na bakuran ng Datu kung saan nagaganap ang okasyon. Pag pasok mo pa lang doon, una kaagad sasalubong sa'yo ang magaganda at makukulay na mga palamuti sa paligid na mukhang pinag handaan nga talaga. Sa paligid rin makikita mo naman ang mga tauhan ng Datu na manggas na naka posisyon na naka tayo na makikita mo naman sa paligid at nag babantay. Nag bigay liwanag at ganda naman ng gabing iyon, ang makukulay na mga ilaw at halos lahat ata ng mga Ka-Nayon namin nakikinuod at nakikisaya na rin sa pag titipon na iyon. Sa isang tabi naman makikita mo mahabang lamesa kung saan naka lagay ang masasarap at magarbong pag kain na pinahanda ng Datu para sa lahat. Hindi naman mawawala ang mga kalalakihan naka pwesto na sa mga lamesa at nag sisimula na silang uminom ng mga matatapang na inumin. Iyong iba naman mas piniling makipag kwentuhan at makisaya na rin sa espisyal na gabing iyon kasama ang kanilang kaibigan o kaya naman pamilya. Nadaanan na lang namin ni Dakila ang mga batang masayang nag hahabulan kasama ang kanilang mga kalaro, na hindi na maalis ang matamis na ngiti sa kanilang mga labi. “Saan ba tayo, pupunta?" naiinip na wika na lang ni Dakila na hindi pa rin ako bumibitaw sakanya. "Basta mahal," wika ko na kina-ismid naman neto. "Ts," pag susungit na lang nito na hindi ko na kina-pansin pa. Palingga-linga na lang ako sa paligid at inoobserbahan at tinitignan ang mga taong naroon at isa kaagad ang mag paagaw ng atensyon ko, iyon ang masarap na musika na aking napapakinggan. Narinig ko na lang ang masayang hiyawan at inggay ng mga taong nag kukumpulan sa isang tabi kaya't kaagad naman napako ang mga mata ko doon. May pinag kakaguluhan sila sa isang dako na para bang may pinapanuod sila doon na hindi ko mahulaan kung ano nga ba talaga iyon kaya't wala sa sariling hinakbang ko na lang ang paa kong palapit na lamang doon. Humingga na lang ako ng malalim na hinatak na lang si Dakila palapit doon sa mga nag kukumpulan na mga taong nanunuod lamang. Tumigil na kami doon ni Dakila nang matapat na kami doon, na binitawan ko naman ang pag kakahawak ko sakanyang pulsuhan. Kina lingon mo naman si Dakila sa tabi ko na hindi na maipinta ang kanyang mukha niya ng gabing iyon, subalit hindi ko na lang kina pansin. Kinintid ko pa ang mga paa ko para klarado kong mapanuod kong ano ba ang kanilang pinag kakaguluhan, na mapa ngiti na lang ako na makita na lang ang mga taong masayang nag sasayaw sa gitna ng malawak na lupain. May nakita akong matanda, bata, dalaga at binata na aliw na aliw na sumasayaw na sinasabayan nila ang masarap na musika sa pag indak ng kanilang katawan lamang. Sa isang tabi naman naroon ang pitong mga kalalakihan, hawak ang iba't-ibang intrumento na gamit sa pag gawa ng magandang musika ng gabing iyon. Nabalutan ng masayang gabi ang pag titipon lalo’t hindi na maalis ang ngiti sa kanilang labi habang nag sasayaw. Ang mga ilan naman na mga taong masayang nakikinuod sa isang tabi kasama namin, pinapalakpak rin ang kanilang kamay na mabagal lamang na sinusundan ang pag beat ng tugtog na mag paaliw pa lalo sa mga taong naroon. Tumagal kami ni Dakila ng ilang minuto doon na pinapanuod ang mga sumasayaw at ilang sandali nag simula na ang pag titipon na pinapangunahan no Datu Magwat na nag bigay siya ng maikling sasabihin at pasasalamat rin para sa lahat ng mga pumunta sa kanilang balay. Pag katapos mag bigay ng Datu ng sasabihin, nakisaya na rin ang lahat sa magarbong kaarawan ni Dolores. Mag kasama na kaming dalawa ni Dakila na nag lalakad at pinapasadahan namin pareho ang makaka salubong namin. Palihim ko na lang pinag masdan si Dakila sa tabi kong, naka lagay ang isa niyang kamay sa bulsa. Maanggas siyang nag lakad at hindi ko mabasa kong ano ba talaga ang tumatakbo sa isipan niya ng sandaling iyon. Hindi na lang maalis ang matamis na ngiti sa aking labi na naka pako naman ang mata ko sa daan. “Oh, bakit? Masaya kana niyan?” Ang malagong na tinig ni Dakila ang mag paagaw ng atensyon ko, na ngayo’y naka pako na pala ang mata niya sa akin na kanina niya pa ako pinapanuod. “Wala lang masaya lang ako, mahal.” Pag aamin ko na kina kunot na lang ng noo nito. “Masaya akong pumayag ka na pumunta tayo dito sa balay ng Datu at maki saya rin kasama nila.” Buong akala ko talaga, na hindi ko na siya mapipilit pang pumunta kami dito kaya’t sobrang saya ko talaga na ilang pag kukumbinsi ko lang kay Dakila, at napapayag ko rin siya. “Ts, hindi mo lang naman ako titigilan kaya’t pinag bigyan lang kita.” Masunggit na pag kakasabi nito kaya’t hindi na lang maalis ang saya sa aking dibdib. “Baka nakaka limutan mong pinag bigyan lang kita, hindi rin naman tayo, tatagal rito.” Sa likod ng masungit at malamig niyang pinapakita sa akin na emosyon at pakiki-tungo, alam kong nahihiya lang siyang ipakita iyon sa akin. “Basta salamat pa rin, mahal. Ngayon ko lang nalaman na malakas talaga ako sa’yo.” Pag tutukso ko na lang na mapa ‘ts’ na lang ito sa sinasabi ko. “Bilisan mo na riyan at malalim na ang gab——“ hindi na natapos ni Dakila ang sasabihin na kumalam na lang ang kanyang sikmura. Napa baling naman ako ng tingin sakanya na ngayon mariin na lang napa pikit ng mata. “Nagututom ka, mahal?” “Hindi.” “Mukhang narinig ko ang tyan mo eh. Gusto mong kumain muna tayo?” “Hindi nga, bilisan mo na para maka uwi na kaagad tayo.” Tumikhim na lang siya at ayus ng kanyang tindig na para bang walang nangyari, na tinitiis niya lang ang gutom na nadarama. Sige lang, kahit hindi mo sabihin alam kong nagugutom ka talaga. Napa baling naman ang tingin ko sa kabilang dako kong saan doon naka lagay ang mahabang lamesa, kung saan naka patong doon ang masasarap at nakaka takam na mga pag kain. “Sandali lang, mahal.” Pag hihinto ko na lang sa aming pag lalakad kaya’t napa hinto naman si Dakila. Naka kunot na ang noo niyang bumaling ng tingin sa akin na kahit na rin siya, nahihiwagaan kong bakit ako napa hinto na lang. “Bakit na naman?” “Basta may pupuntahan lang ako, dito ka lang at babalik rin naman ako.” Nasasabik kong tinig at at hindi ko na hinintay pa ang susunod niyang sasabihin na mabilis na akong pumunta sa mahabang lamesa para kumuha ng pag kain para lang sakanya. Kilala ko naman ang ugali ni Dakila, na kahit yayain ko man na kumain kami rito at hatakin ko man siya palapit sa mahabang lamesa, kong nasaan ang mga pag kain. Alam ko naman sa sarili kong makikipag matigasan pa rin siya. Hindi pa rin siya kakain kahit yayain ko kaya’t ipag kukuha ko na lang siya ng makakain. Nang maka lapit na ako sa mahabang lamesa, nasaksihan ko pa lalo kung gaano iyon kasasarap at ka engrande. May mga ilan-ilan rin na mga taong kumukuha ng mga pag kain na kahit pabalik-balik na silang kumukuha roon, nag lalagay pa rin naman sila ng panibago. Kumuha na ako ng pinggan kong saan ko ilalagay ang pag kain na kukunin ko doon. Kumuha na ako ng mga pag kain na alam kong masasarap na panigurado magugustuhan rin naman ni Dakila kaya’t nag lagay lang ako sa pinggan ko nang iba’t-ibang mga putahe talaga. “Alin pa kaya, ang masarap?” Tanong ko na lang sa sarili kong nag pabaling ng tingin sa mga masasarap na mga naka handa doon na para bang hindi ko na alam kong ano pa ang kukunin ko dahil pawang nakaka takam talaga ang mga iyon. Hanggang ang mata ko na lang napako sa isang masarap na putahe medyo may kalayuan rin sa akin kaya’t kinilos ko na ang katawan kong palapit roon. “Ah, mukhang masarap nga iyo——-“ “Magandang gabi, Ligaya.” Ang salita ng lalaki sa gilid ko ang mag patigil na lang sa akin. Nakita ko na lang ang dalawang lalaki na naka tayo sa gilid ko na tantya ko naman matanda lang sila sa akin ng limang taon lang naman. “Magandang gabi rin sainyo,” magalang ko na lang na pag bati, na tinutuon na lang ang atensyon ko sa pag hanap ng pag kain subalit nakikita ko naman sa gilid ng mata ko ang pag sunod ng tingin nila sa akin. Matang ayaw pa akong lubayan. Matang kay lagkit ako tinitigan. “Baka gusto mong sumama sa amin Ligaya, iinom kaming dalawa ni Darius. Kailangan namin ng magandang Binibini na kagaya mong sasamahan kaming umiinom, habang nakikipag kuwentuhan kami sa’yo.” Preskong tugon naman ni Pedro na nag palitan silang dalawa ni Darius ng maka hulugang titig sa bawat isa. “Hindi na, kayo na lang at hindi kasi ako umiimom.” Pag tatanggi ko na lamang na nilapit pa nila ang sarili nila sa akin kaya’t inuusog ko na lang ang sarili ko palayo sakanila ng konti. “Ngayon lang kami nag aya sa’yo Ligaya kasi ngayon lang nag karoon ng engrandeng okasyon. Tatanggi ka pa ba sa amin? Sige na, madali lang naman.” Darius. “Kayo na lang siguro at kailangan ko rin umalis lalo’t ibibigay ko itong pag kain sa asawa ko.” Pinakita ko na lang sakanila ang pinggan na hawak ko para sa ganun, tantanan na nila ako. Para naman tigilan na nila ako. “Pinag bibiro mo naman kami Ligaya, na wala ka ngang kasama ngayon. Baka nag dadahilan ka lang dahil ayaw mong sumama sa amin.” Pedro na lumawak pa ang ngisi sa labi nito, na aaminin kong pinanayuan naman ako ng balahibo sa katawan sa simpleng pag nakaw niya ng tingin sa akin. “Hindi talaga, totoo kasama ko talaga ang asawa ko.” Wala na ngang kaamor-amor ang paraan na pag sagot ko sakanila baka sa ganun, hindi na nila ako kulitin. “Oo kasama ko talaga si Dakila ngayon at naroon siya doo—-“hindi mo na natapos ang sasabihin ko na mapa pako naman ang mata ko kung saan iniwan ko lang si Dakila doon subalit wala akong nakita kahit anino niya Huh? Dakila asan kana? Napa kurap na lang ako ng mata at hinahanap ko rin si Dakila sa mga taong naroon subalit, hindi ko siya mahagilap. Kina sunod naman ni Darius at Pedro kong saan ako naka tingin kaya’t gumuhit na lang ang matamis na ngiti sa kanilang labi na wala silang makitang Dakila doon at nakita ko sa kanilang mata ang kakaibang kislap na tila ba’y pina-plano sila sa kanilang mga isipan. Sumilay na lang ang nakaka kilabot na ngisi sa labi ni Darius na bumaling na lang muli ng tingin sa akin. “Wala ka naman Ligaya na kasama, mapag biro ka talaga. Sumama kana lang sa amin ni Pedro at tiyak kong mag eenjoy ka talaga nang husto.” “Halika na, Ligaya madali lang naman tayo.” akmang hahawakan na lang sana ako ni Pedro sa pulsuhan ngunit bago pa magawa iyon may kamay na lang na pumigil sa pulsuhan ni Pedro kaya’t nanlaki naman ang mata ko. “Anak nan——-“ hindi na natapos pa ni Pedro ang kanyang sasabihin na tumalim na lang ang kanyang mata na kina-sunod na lang ng tingin kung sino ang humawak sa kanyang pulsuhan, na ngayo’y pinag pawisan na lang siya nang malala ng makilala niya kong sino iyon. Napa lunok na lang ako ng laway at dahan-dahan ko naman kina sunod ng tingin kong kaninong kamay iyon at ako’y kinabahan na lang nang husto na makita ko na lang ang malamig niyang mata. Matang may bahid ng galit, na kikilabutan ka sa mata nitong puno ng dilim at nakaka takot. “D-Dakila.” Nauutal ko na lang na tinig at aaminin kong may takot at kaba rin ang lumukob sa aking dibdib na hindi inaalis sa mata’y niyang nanlilisik na sa galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD