Chapter 15

3050 Words
Chapter 15 LIGAYA'S POV Hindi ko na mabilang kong ilang beses na ako nag pakawala ng malalim na buntong-hiningga. Naroon kami sa maliit naming sala at kasalukuyan na sinusuklay ni Liwayway ang mahaba kong buhok. "Ayos ka lang ba, Ligaya?" Tanong naman ni Liwayway na mapansin siguro nitong kanina pa ako hindi mapakali. Nag pakawala na lamang ako ng matamis na ngiti sakanya para ipahiwatig na maayos lang naman ako kahit ang totoo, hindi naman talaga. "Oo Liwayway, ayos lang ako. Kinakabahan lang talaga ako nang husto." Pag aamin ko pa dahil iyon naman talaga ang nararamdaman ko na, kina-tigil naman ng kaibigan sa ginagawa nitong pag aayos sa mahaba kong buhok. Nilapag ni Liwayway ang hawak na suklay sa isang tabi at piniling humarap sa akin, panaka-naka ko nang napapa diin na lamang sa pag kakakagat ko sa ibabang labi, sabay lunok ng laway na tumitig na lamang sa kanyang mukha. "Normal lang na kabahan ka," aniya nitong hinawakan niya ang kamay ko kaya't mapa titig na lamang ako sa mukha ng kaibigan ko. "Dapat maging masaya ka ngayong araw dahil ito na ang araw ng iyong kasal." Wika na lamang nitong tumango naman ako. Alangan na lang ako ngumiti kay Liwayway at mariin na hinaplos nito ang aking kamay na mag dagdag tulong naman sa akin na mapakalma kahit papaano. Sa totoo lang talaga, hindi ko alam ang nararamdaman ko na kinakabahan, natatakot at hindi ako mapakali. Ganito siguro nararamdaman kapag ikakasal, na hindi ko alam ang gagawin ko sa bawat pag sapit ng oras na palapit na nang palapit na ang aming pag iisang dibdib ni Dakila sa harap ng maraming tao. Ganito ba talaga ito? Normal lang ba ito? Simula kagabi, hindi na ako naka tulog ng maayos sa kakaisip lamang at ngayon sumapit na ang araw ng tinakdang araw ng aming pag iisang dibdib, lalong domoble ang kaba sa aking dibdib. Ito na ang araw ng ka-pyestahan sa Nayon namin at ito na rin ang araw na ikakasal na ako kay Dakila mamaya bago sumapit ang pag patak ng alas- dyes ng umaga. Suot ko na ngayon ang puting off shoulder na bestida na simple lamang ang desinyo at pag kakaburda ng mga maliliit na mga bulaklak doon na makikita mo talaga sa kalidad ng tela, na kay ganda ng pag kakagawa. Saktong-sakto lang naman sa akin ang bestida at komportable rin naman ako suotin, na ginamit ng aking Ina simula no'ng ikasal siya sa aking Ama noon. Inalagaan at tinago pa niya ang bestida na ito dahil mahalaga iyon sakanya kaya't mapanatili lamang ang kagandahan ng kalidad na hindi man lang iyon nadumihan o kaya naman nasira. Isang simpleng sapin lamang sa paa ang aking sinuot na mag babagay naman sa aking bestida. Nag lagay naman si Liwayway ng konting ayos sa aking mukha at nag lagay rin ng mala-rosas na tint sa aking labi na lumabas lamang ang maganda at natural kong kagandahan. Nang matapos ayusin ako ni Liwayway, sunod naman nitong inayos ang aking mahabang buhok na hinayaan niya na lamang naka-lugay iyon at nag tirintas pa siya sa gilid ng aking pisngi ng aking buhok at nilagyan niya pa iyon ng sariwa at magagandang bulaklak mula sa tanim namin mula sa harden na mag dagdag palamuti no'n. "Ayan, tapos na." Masayang winika na lamang ni Liwayway na matapos nitong makapag ayos. Kinuha niya ang katamtaman lamang na salamin at binigay niya iyon sa akin. "Kumusta? Nagustuhan mo ba ang aking pag aayos sa'yo?" Hindi na maalis ang matamis na ngiti sa labi ni Liwayway na sinasabi ang katagang iyon na wala naman sa sarili na mapa-titig na lamang ako sa repleksyon ko salamin. Sandali, ako ba ito? Lumiwanag at lumabas ang natural na kagandahan ko sa pag aayos lamang ni Liwayway, at hindi ko alam na may igaganda pa pala ako. "Oo, nagustuhan ko, maraming salamat Liwayway." Tugon ko na lamang na humawak naman siya sa mag kabila kong balikat kaya't nakita ko ang repleksyon niya sa salamin mula sa likuran ko. "Mabuti naman at nagustuhan mo, Ligaya." Wika nitong muli at sa isang iglap bigla naman mataranta ang kaibigan ko na may maalala. "Kailangan na pala natin pumanhik at baka tayo na lang ang hinihintay nila sa bayan. Ilang minuto na lang at sasapit na ang alas dyes at baka mahuli ka sa iyong kasal." Ang salita na lamang ni Liwaway ang mag balik ng kaba sa aking dibdib. Kumilos na siya at niligpit niya na rin ang mga pinag gamitan nito kanina samantala naman ako tumayo na sa upuan gawa lamang sa kahoy. Tinulungan ko na si Liwayway sa pag aayos para hindi na kami mahuli sa seremonya. Nauna na kanina pa sa bayan si Tiya, Belinda, Lira kasama nila si Dakila. "Halika na, Ligaya." Aya na lamang sa akin ni Liwayway at mariin na lamang akong napa lunok mg laway para kumuha ng lakas bago mag salita. "Sige." Alangan ko na lamang na sagot at sabay na kaming dalawa, lumabas sa balay. STILL LIGAYA'S POV Mag kasabay na kaming dalawa ni Liwayway na nag lalakad sa lupa at medyo mabato na daan. Ilang minuto lamang ang babaybayin namin na lalakarin bago makapunta sa bayan kong saan gaganapin ang seremonya. Nakaka-salubong namin sa daan ang ilan na mga ka-Nayon namin, binabati at binibigyan nila kami ng matamis na ngiti sa labi na kina-susukli ko rin naman. Sa kaliwa't-kanan ko makikita mo ang ilang palamuti sa paligid, na mag bigay buhay at palatandaan ang masayang araw ng ka-pyestahan sa Nayon namin ngayon. Umaga pa lang maaga na silang gumigising bilang pag hahanda at pag aasikaso na makikita mo naman sa kilos at mukha ng mga tao ang pananabik lamang, na taon-taon na inaabangan ng lahat ang selebrasyon ng ka-pyestahan. Bago sumapit ang ka-pyestahan, hindi rin mawawala ang pag tatanghal at ilang ganap sa bayan bilang pag salubong lamang ng pyesta na pina-ngungunahan iyon ng aming si Datu Magwat sa pamamaraan lamang ng pag bibigay ng mga pag kain, mga palaro at sayawan sa bayan. Ilang sandali lamang at palapit na palapit na kami ni Liwayway sa bayan, nakikita ko na rin na parami na nang parami ang nakaka-salubong namin na mga tao at ilan doon mga kakilala ko rin naman. Bumalik na lamang ang matinding kaba sa aking dibdib na tinatahak namin ang daan kong saan gaganapin ang seremonya sa malawak at patag na lupain, na makita ko na doon ang magandang palamuti at desinyo ng paligid na pinag handaan talaga. "Dito kana muna mag hintay Ligaya, hahanapin ko si Lira at Tiya Belinda, sa paligid." tumango na lamang ako kay Liwayway at nauna na itong mag lakad. Pinili ko na lamang ang tumayo sa isang tabi na hinintay na lamang mag simula ang seremonya. Pinag siklop ko ang aking palad at lumingon-lingon na rin sa palagid at hinahanap ko ng aking mata si Dakila sa mga taong naroon subalit hindi ko siya makita. Asan na ba siya? Saan kaya siya pumunta? May ilan-ilan na rin akong nakita na mga taong naka tayo sa isang tabi, na maging saksi at manunuod sa kasalanan na magaganap at maririnig mo na lang talaga na lumakas na lamang ang inggay na aking narinig. Sa bandang tabi naman naroon na ang mga Binibining naka- suot ng puting kasuotan at katabi nila ang mga Ginoo na naka suot ng maayos na damit, na sila ang kanilang magiging kapareho. Hindi naman pare-pareho ang mga edad ng mga Ginoo na naroon, na ang iba kasing gulang ko rin naman at ang ilan naman matatanda at may edad na rin. Kulang-kulang sampung kapareha kaming ikakasal no'ng araw na iyon at ako lang ang walang kapareho sa mga nag hihintay. Sa aking malalim na pag mamasid lamang napako na lamang ng aking mata sa unahan at doon naka-pwesto sa mamahalin na upuan si Datu Magwat. Seryoso ang kanyang mukha at naka suot ng magandang kasuotan, hindi rin mawawala ang suot ang kumikinang na mga alahas kagaya kagaya ng ginto at pilak. Tahimik lamang nag mamatyag na nag hihintay ang Datu sa kanyang upuan at sa likuran niya naman naka-pwesto ang tatlong lalaki na masusungit at nanatiling naka-posisyon na naka-tayo na mga tauhan nito. "Okay ka lang ba?" ang malagong na boses na lamang na narinig ko ang mag papukaw muli sa akin. Kina-lingon ko naman para hanapin ko ang boses na kaagad akong natigilan na mag tagpo na lamang ang mata naming dalawa ni Dakila. "Huh?" wala sa sariling salita ko na lamang at dinaanan niya ako na malamlam at seryosong titig kaya't ako napa-lunok na lamang. Hindi ko namalayan na mabilis na pala siyang naka lapit sa akin, na kanina lamang wala siya dito. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na pasadahan si Dakila ng tingin sa tabi ko. Aaminin kong domoble na bumagay sakanya ang simple lamang na kasuotan na suot nito na, lumabas pa ang ka-guwapuhan at katikasan niyang taglay kahit may tumubong bigote hindi pa rin mababawasan ang kagandahang lalaki nito. Sobrang angas niya talaga at kahit sino man maagaw talaga ang kanyang atensyon lalong-lalo na ang mga kababaihan. Ang matangos niyang ilong. Ang perpekto niyang panga. Ang mapungay at misteryoso niyang mga mata, iyon ang nag bibigay atraksyon akin nang husto, sabayan pa nang malapad na balikat at magandang hubog ng pangangatawan nito. "O-Oo, maayos lang ako." Tugon ko na lamang at alangan na ngumiti sakanya subalit wala man lang na reaksyon na gumuhit sa mata nito. "ahh," tugon nito sabay lihis ng tingin na tumitig sa kawalan na hindi na kami nag kausap pa. Humingga na lamang ako ng malalim at bumabalik na naman ang matinding kaba sa aking dibdib lalo't ilang minuto na lamang ang aming hihintayi at mag sisimula na ang seremonya, at ikakasal na kaming dalawa. Ilang sandali lamang nag simula na ang selebrasyon at isa-isa nang tinawag mula unahan ang mag kakapareha na ikakasal, na dinaga naman ang aking dibdib sa nerbyos lamang. Ilang beses na akong napapa-lunok sa sarili kong laway para pakalmahin lamang ang sarili ko na ngayo'y ang kamay ko bakas na ang panginginig no'n, na hindi mapakali lalo't malapit na tawagin ang pangalan namin. Natigilan na lamang ako nang may humawak sa aking kamay at pinag siklop ang mga kamay namin, wala sa sariling umanggat na lamang ako ng tingin at nakita ko ang seryosong mukha ni Dakila na kanina pa pala siya naka-tingin sa akin. Hinawakan niya ng mariin ang aking kamay kaya't mag kahawak kamay na kaming dalawa, na mag bigay init naman sa aking mag kabilang pisngi sa simpleng ginawa nito. "D-Dakila, ano iyong ginagaw---" "Siguro naman ngayon, hindi kana kakabahan?" matabang na wika na lamang nitong salita na mag tagpo ang mga mata namin. Hindi na ako nakapag-salita pa, na kusang umatras na lamang ang dila ko sandaling napa titig na lamang ako sa guwapo at puno ng misteryoso niyang mga mata. Kahit masunggit ang pakikitungo niya sa akin, ramdam ko naman na nag aalala siya na ayaw niya lang iparamdam at ipakita. Alangan na lang akong ngumiti at wala sa sariling napa-tingin na lamang sa mag kahawak kamay pa rin namin naming mga kamay. ** Matapos ng ilang minuto natapos rin ang selebrasyon ng aming pag-iisang dibdib at nag pahanda si Datu Magwat ng espesyal at magarbong mga pag kain para sa lahat. Busog na busog ang lahat sa mga masasarap na pinalabas na mga pag kain ng Datu at hindi rin mawawala mamaya ang konting sayawan na gaganapin at iba pang pag tatanghal bago matapos ang araw na ito. Hindi rin buo ang kasalan na magaganap tuwing ka-pyestahan, ang unang sayaw na mga mag-asawa sa gitna ng lahat ng malawak na lupain. Iyon ang naging tradisyon na kailangan na sumayaw hanggang matapos ang tugtog. Kanina pa pinag iinitan ang mag kabila kong pisngi na ngayo'y mag kadikit ang katawan namin ni Dakila, ginagalaw namin ang aming katawan na sumasabay lamang sa pag galaw dala ng mahina at magandang tugtog. Naka-hawak ako sa kanyang mag kabilang balikat samantala naman siya naka hawak sa aking baywang na maging gabay na lamang sa aming sayaw, na kahit naka suot ako ng damit tumatagos pa rin talaga ang init ng kanyang palad na naka hawak sa akin. Tinignan ko na lamang si Dakila, tahimik lamang ito at walang kibo simula kanina pa. Hindi ko talaga mabasa kong ano ang tumatakbo sa isipan niya ngayon. Masaya kaya siyang ikakasal sa akin? Magagalit ka kaya sa akin, Dakila na malaman mo ang totoo? Totoong nag sinunggaling ako sa’yo? Gumuhit na lang ang tamlay sa aking mata na patuloy pa rin kaming nag sasayaw ni Dakila sa gitna kasama ang ilang mag kakapareha. Sa gilid naman namin nanunuod ang ilang ka-Nayon namin habang kami sumasayaw. Hanggang ang tahimik kong pag masid lamang, biglang umakyat na ang matinding pag tataas ng balahibo sa katawan ko, na maramdaman na lamang ang matang kanina pa naka masid sa akin. Matang umapoy na matinding galit. At ang matang iyon ang nag bigay kaba sa aking puso. Naging alerto naman ang aking pakiramdam na hinanap na lamang ang matang kanina pa naka-tingin sa akin, na kusa na lamang nanikip ang dibdib ko na makita na lamang ang bulto ng isang tao na naka tayo sa gilid namin ni Dakila. Makisig? Napa-kurap ako ng aking mata aat nanalaytay na lamang ang matinding kaba sa aking puso na naka-tayo lamang siya sa likod ng mga taong nakikinuod lamang sa isang tabi. Hindi ako naka ligtas sa galit ng kanyang mata at nabahiran ng maitim na aura ang pag katao nito, na pinag pawisan ako ng malala sa pag babanta at tagos niya ako kong titigan. Hindi ko mawari kong bakit na lamang, nabigyan ng matinding kaba at takot ang aking puso na hindi inaalis ang mata ko kay Makisig. Ilang segundo nag katitigan kami sa mata at iyon na ata ang pinaka matagal na sandali na naramdaman ko sa tanang buhay ko. “Makisi——“ “Okay ka lang, Ligaya?” Malagong na tanong na lamang ni Dakila na mapukaw ang aking atensyon. Gumuhit na ang matinding takot sa mata ko na binaling ang tingin ko sa aking asawa, na kanina pa pala niya akong pinag mamasdan “Oo, o-okay lang.” Nauutal ko na lamang na wika at dama ko ang pag daplis na lamang ng malamig na pawis sa buong katawan ko. Lumingon ako muli at ang mata’y ko naging malilikot na sa takot na hindi na mapakali na maalala lamang ang nakaka-takot na mata ni Makisig. “Ano bang tinitignan mo?” Wika niya na lamang na bago pa ako makapag salita pa, lumingon na si Dakila ng tingin kong saan ako naka-tingin kanina na pinag pawisan naman ako ng malagkit. “W-Wala naman, para kasing nakita ko kanina si Makisi—-“ hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na lumingon ako sa dating pwesto kong saan naka tayo si Makisig kanina subalit, labis na lamang ang pag kagimbal sa aking puso na wala na siya doon. Sandali, asan na siya? Saan na siya pumunta? Kanina, nandito lang siya naka tayo at pinapanuod niya kami, bakit bigla-bigla na lang siya nawala? Nag palingon-lingon ako sa paligid, hinahanap ng mata ko kong saan na pumunta si Makisig, subalit hindi ko na siya makita pa. Tuluyan na siyang nag laho na bigla na lang nawala sa mga taong naroon na mag bigay tinik sa aking dibdib. “Sino?” “Si Makisi——-“ bago ko pa matapos ang sasabihin ko na kusa na lamang natapos ang tugtog ng musika na tumigil rin ang pag sasayaw namin. Nanatili pa rin naka hawak si Dakila sa aking baywang at ilang sandali lamang tumayo na si Datu Magwat sa kanyang kina-uupuan, na awtomatiko naman na tumahimik ang lahat para pakinggan kong ano man ang sasabihin ng Datu. “Bago matapos ang seremonyang ito para sa nag gagandahang mga Binibini at nag titikasan na mga Ginoo. Hihinggiin lang namin ang unang halik niyo sa iyong mga asawa.” Masayang wika na lamang ng Datu na kumunot na lamang ang noo ni Dakila na hindi ata alam ang ibig sabihin nito. Lumakas pa ang palakpakan at hiyawan ng mga taong naroon, na mawala ang pangamba na nararamdaman ko kanina kundi napalitan naman ng kaba. “Kiss, kiss.” Hiyaw ng mga tao na uminit pa lalo na lumakas ang kanilang hiyawan at palakpakan na isa-isang nang hinalikan ng mga Ginoo ang kanilang mga kapareha, na pinag initan naman ako ng pisngi na nag kakalapat na nakita ang kanilang mga labi. Paktay, bakit hindi ko man lang naisip ito? Kailangan talaga na humalik kaming dalawa? Kami ni Dakila? Kinabahan na naman ako muli, lalo’t wala pa akong karanasan ng unang halik at hindi ko rin alam ang gagawin ko. Tumingin na lamang ako kay Dakila na wala itong pakialam base pa lang sa itsura nito, na pinapanuod niya na lang ang ganap na nangyayari. Nang mapansin siguro nito na kanina pa ako naka titig sakanya, kaya’t umanggat na lamang ang isa niyang kilay at nilingon ako. “Ano?” “Halik daw.” Mahinang bulong ko na lamang sakanya na nahihiya pa rin na paraan.. “Hindi mo naman ako kailangan na halikan sa labi, kong hindi mo gusto ang paraan na iyon. Pwede na ako kahit sa pisngi laman——-“ hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko nang hinapit na hinatak na lamang ako ni Dakila palapit sakanya, kaya’t tumama na lamang ang katawan ko sa makisig nitong pangangatawan. Nag karerahan na tumibok ang aking dibdib at napa-tingin na lang ako sa guwapo at misteryoso niyang mukha na mapa-lunok na lang ako dahil parang hinihigop niya ako sa paraan na titig niya sa akin. Nanalaytay na lamang ang init at kuryente sa aking katawan na ngayo’y sobrang dikit na ng katawan namin. “Sige.” “Ano? Sige na an—-“ hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na siniil niya na lamang ako ng matamis na halik sa labi, na mamilog naman ang mata ko sa pag kagulat. Domoble na lamang ang lakas ng pintig ng aking puso, na wala sa sariling napa hawak na lamang ako sa matipuno niyang dibdib. Sandali, bakit ganito? Bakit napakalakas ng t***k ng aking puso?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD