Kabanata 25

1458 Words
Phoebe POV Dahan dahan ko iminulat ang aking mga mata,Bahagya pa akong nasilaw sa liwanag na nagmumula sa sikat ng araw.Napadako naman ang aking mata sa isang taong nakasubsob sa aking tabi,Iginalaw ko ang aking kamay at doon ko lamang napagtanto na may swero pala ako,Inilibot ko ang aking paningin nakita ko rin ang isang babae na nakahiga sa isang mahabang sofa nang pagmasdan ko ito.Napakunot ang aking noo ng mapagtanto ang Mommy ni Sir Oliver ang babaeng nakahiga sa sofa.Muli ko naman tiningnan ang lalaking nakasubsob sa tabi ko,alam kong si Sir,Oliver ito napansin kung hawak hawak nito ang isang kamay ko.Nang tangkang aalisin ko na ang kamay ko hawak nito,saka naman ito nagising at tumingin sa akin. "Phoebe mabuti gising ka na.Mom,gising na si Phoebe." Tawag nito sa kanyang Mommy na agad naman nagising.Hindi ko alam kung bakit ang mga ito ang nagbabantay sa akin ngayon. "Mabuti at nagising ka na Iha.Alam mo va alalang alala sayo itong anak kung si Oliver.Kagabi ka pa kasi umiiyak habang tulog,siguro dahil na rin sa bigla ka na lamang nilagnat ng mataas.Pero okey ka naman na iha,Sabi ng doctor mabuti at nadala agad sa gamot ang paglalagnat mo kung hindi masamang senyales daw iyon." Mahabang paliwanag ng Mommy ni Sir,Oliver na hinawan naman ako sa kamay ko na may swero.Kita ko sa mga mata nito ang pag aalala at awa,Hindi ko makakalimutan kung paano ako saktan ni Kenjie,muntik na ako nitong mapatay.Buti na lamang ay dumating si Sir Oliver at iniligtas ako sa bingit ng kamatayan. "Salamat po Ma'am sa pag aalala sa akin,pasensya na rin po kung nakaabala na po ako sa inyo." Tugon ko naman sa mommy ni Boss Oliver na ngumiti naman sa akin. "Tita,na lang Iha, ang itawag mo sa akin hindi ka na iba sa amin Iha.Ohh,Teka maigi pa tawagin ko na muna ang Doctor para malaman nila na gising ka na.Oliver anak,Ikaw na muna ang bahala kay Phoebe,Maigi pa pakainin mo na muna siya." Utos ng mommy ni Boss Oliver.Tumango-tango lamang si Boss,At umalis naman agad ang mommy nito.Napatingin ako kay Boss na nakatingin rin pala sa akin kaya naman nagkatitigan kami ng ilang minuto.Ako na rin ang bumawi ng tingin dito,medyo nailang na ako sa paraan ng pagtingin nito sa akin.Hawak pa rin nito ang kamay ko at bahagyang pinisil pisil pa nito iyon. "Boss,Salamat po at dumating kayo at iniligtas niyo ako sa bingit ng kamatayan.Ang buong akala ko katapusan ko na ng mga panahon na 'yun.Sobrang sumakit kasi ang puson ko at parang may lalabas na kung ano.Sa sobrang sakit sigaw na lamang ang nagawa ko.Salamat naman sa Dios at bigla kayong dumating para iligtas ako." Wika ko kay boss Oliver,bigla naman ito napayuko na pinagtaka ko pa.Bumuntong hininga ito bago tumingin muli sa akin.Napansin kung lumungkot ang mata nito. "B-bakit boss? may gusto ka bang sabihin?" Pakiramdam ko may gustong sabihin si Boss,Oliver.At bigla ako nakaramdam ng kaba.Ang pakiramdam ko may nawala na mahalaga sa akin. "Phoebe," Magsasalita na sana ito ng biglang magbukas ang pintuan at inilabas noon ang mommy nito at ang Doctor na isang babae. "Hi,Phoebe,Kumusta ang pakiramdam mo? Masakit pa ba ang parteng puson mo?" Tanong kaagad sa akin ng Doctor,bago ko pinakiramdaman ang aking sarili.Medyo nakaramdam pa nga ako ng masakit sa parteng puson ko. "Umm,,, medyo masakit sakit pa rin po siya Doc,pero hindi na po kagaya nang nagdaang gabi." Tumangu-tango ang Doctor na tumingin sa akin.Nagkatinginan pa si Oliver at ang Doctor.Nakita ko naman na parang suminyas si Oliver sa Doctor bago tumingin muli sa akin.Napakunot pa ang noo ko at naguguluhan na rin ako kung bakit parang ang pakiramdam ko ay may masama balitang sasabihin ang mga ito sa akin. "Ah,,,Phoebe normal lang 'yan medyo nasakit sakit pa ang puson mo,Ahm,,, wag ka mag alala may mga gamot naman na kami ibinibigay sayo kaya mawawala rin ang pananakit nanararamdaman mo." Wika ng Doctor sa akin,Hindi ako kumbinsido sa sinabi nito.Kaya naman naisip ko na tanungin na ito sa kondisyon ko at kung bakit sumakit ng ganoon kasakit ang parte puson ko. "Doc,Bakit sumakit ng ganoon kasakit ang puson ko.At noon ko lamang iyon naramdaman,dapatin niyo nga po ako may malala po ba akong sakit." Lumapit pa mismo ang Doctor sa akin at hinawakan ako sa balikat.Marahil pinakakalma ako nito dahil sa totoo lang bigla akong nag alala sa kondisyon ko. "Wala,wala kang malubhang sakit Phoebe.Normal na sumakit ang puson mo dahil naagasan ka.Hindi na namin naisalba ang baby mo dahil kusa na rin ito lumabas kaya marami dugo ang lumabas sayo.Umm,,,, mabuti na lamang at dinala ka kaagad sa ospital ni Sir,Oliver at agad ka rin namin nasalinan ng dugo.Kung nahuli huli pa ang pagdala sayo sa Ospital baka masama na ang naging lagay mo.Pero sorry to say nawala na ang baby mo.Mag- ta-tatlo buwan na sana ang baby mo.Ngunit napaaga na ang paglabas nito,marahil sa tindi ng pang bubulbog sayo ng asawa mo." Halos hindi ko na naunawaan ang iba pang sinabi ng Doctora kaharap ko,ang tanging naiintindihan ko lang ay ang naagasan ako at nawala na ang dapat ay magiging anak namin ni Kenjie.Hindi ko alam na buntis ako at mag ta-tatlo buwan na pala ito sana.Napahagulhol ako dahil sa pang hihinayang sa magiging anak ko na sana.Nilapitan naman agad ako ni Oliver at niyakap kaya napayakap na rin ako dito. "H-hindi ko alam na buntis ako,iregular ang menstruation ko.Kaya hindi ko inaasahan na buntis ako k-kung naging maingat lang sana ako hindi sana baka buhay pa ang anak ko.Kasalanan ko itong lahat Boss,Oliver.Sana buhay pa ang magiging baby ko." Humihikbi kung wika at lalo pa ako niyakap ni Oliver samantalang ang mommy naman nito ay hinagud-hagod ang aking buhok.para pakalmahin ako,ngunit hindi ako makapaniwala na buntis pala ako at kung hindi dahil sa pambubulbog ni Kenjie sa akin hindi sana nawala ang anak namin.Nakaramdam ako ng galit kay Kenjie at Lara buhay ang magiging anak nila samantalang ako nawala ang anak ko ng dahil sa kanila. "G-gusto ko magbayad si Kenjie sa pagkawala ng anak namin.Boss Oliver,Pati si Lara magbabayad sila sa pagkawala ng anak ko.Sisingilin ko sila sa mga panloloko at pananakit sa akin lalo na sa pagpatay nila sa anak ko.Magbabayad sila!" Umiiyak ko pa rin saad habang tikom ang dalawa kong kamao,hindi ko na inalintana na may swero ako sa isang kamay,Ang tanging naiisip ko ay ang makaganti sa dalawang tao pumatay sa aking anak.Iniangat naman ako ni Oliver at pinunasan ang aking mga luha. "Wag ka mag alala Phoebe nasa kulungan na si Kenjie.Mismong ang Daddy niya na rin ang pumayag para makulong ito at pagbayaran ang mga ginawa niya sayo at sa anak niyo." Wika ni Oliver,Kahit makulong ito hindi pa rin iyon sapat.Lalo na kay Lara alam kong siya ang may kagagawan ng lahat ng ito,malakas ang kutob ko na siya ang kumuha ng video at ng litrato ko na kumakalat.Traydor ang babaeng 'yun. "Gusto kong mag file na ng annulment sir Oliver,Matutulungan mo ba ako? Ibibigay ko ang gusto ni Kenjie at Lara. Total 'yun din naman ang gusto ni Kenjie.Pwe! Ibibigay ko sakanya ang gusto niya." Handa na akong kalimutan ang kung ano meron sa amin ni Kenjie,Muntik ako nito mapatay dahil sa ginawa nitong pambubulbog at pati anak namin ay idinamay pa nito.Bumagsak muli ang luha sa aking mata. "'Yan ba talaga ang gusto mo Phoebe? Sigurado ka ba sa gagawin mo?" Tanong sa akin ni boss Oliver,kaya naman tumingin ako dito at nagkatitigan pa kami dalawa.Kinuha ko ang dalawang kamay nito at hinawakan. "Alam kong sobrang pang aabala na itong ginagawa ko sa inyo ng pamilya mo at lalo na sayo Boss,Pero wala akong iba matatakbuhan kundi ikaw lang.dahio ikaw lang din naman ang palagi nandya'n para sa akin.Ikaw ang palagi sumasagip sa akin.Alam kung matutulungan mo ako Boss,Gusto ko nang makawala kay Kenjie tama nang minsan ay naging bulag at tanga ako sa labis na pagmamahal ko dito." Nginitian ako ni boss Oliver saka hinawakan ako nito sa aking baba.Muli rin nitong pinahid ang luha sa aking pisngi.ewan ko pero mas asawa ko pa ito kung kumilos at mag alaga sa akin kesa kay Kenjie.Ayaw ko sana pagisipan si boss Oliver ng hindi maganda pero sa bawat pagtitig nito sa aking mata may kakaiba akong nababasa at nararamdaman.Hindi ko pa lamang masigurado kung ano iyon,at ayaw ko rin magkamali baka sadyang mabait lamang ito at ang pamilya niya. "Kung sigurado ka na sa disisyon mong 'yan Phoebe sige matutulungan kita para mapawalang bisa ang kasal niyo ni Kenjie.Mas madali mong makukuha ang kalayaan mo dahil sa ginawa ni Kenjie sayo." Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni boss Oliver na tutulungan ako nito.Alam kong madali akong matutulungan nito at umaasa ako na hindi ako nito bibiguin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD