Kabanata 26

1325 Words
Kenjie POV "Hoy! Ikaw! Oo,Ikaw na nga! Lumapit ka dito.Bilis!" Ano bang problema ng gagong lalaking ito,akala mo kung sino makaasta.Hindi ko ito pinansin,Iniisip ko pa rin si Phoebe ang kalagayan nito.Sana naman ay Okey na ito,lubos kung pinagsisihan ang nagawa kung pananakit dito.Nabigla lamang ako kaya ko ito nasaktan at pinagsisihan ko na ngayon ang nagawa ko dito,Lalo na sa pagkamatay ng magiging anak sana namin.Hinayang na hinayang ako dahil nawala ang anak namin ni Phoebe.Kung nalaman ko lang sana ang pagbubuntis ni Phoebe hindi ko sana nagawa ang bagay na 'yun na naging dahilan para mawala ang anak namin. Naihilamos ko ang aking dalawang kamay sa aking mukha.Sobrang sinisisi ko ngayon ang aking sarili,kailangan ko mabawi ang asawa ko kay Oliver alam kong gagawin nito ang lahat para tuluyan na kaming maghiwalay ni Phoebe,pero hindi ako papayag na basta na lamang niya makuha ang aking asawa,hindi ako makakapayag na tuluyan mawala sa akin si Phoebe.Lasing lamang ako kaya ko nasabi maghiwalay na kami at mag pa annul, ng aming kasal. "Talagang bingi ka ahh! Anong akala mo boss ka dito sa kulungan huh!" Bigla akong hinigit ng isang malaking lalaki na tadtad ng puro tattoo sa katawan.Tiningnan ko ito ng masama at saka tinanggal ang kamay nito na nakahawak sa aking damit. "Aba! Bossing,pumapalag si tisoy ahh! Bossing balita ko nangbulbog daw 'yan ng asawa at nasa ospital ang asawa n'yan." Wika pa ng isa pang preso na puro tattoo din ang katawan.Ngumisi naman sa akin ang lalaking malaking katawan at mas lumapit pa ito sa akin,at hinaltak ako nitong muli kaya sinamaan ko ito ng tingin. "Babae lang ba ang kaya mo huh!" Bigla ako nitong sinikmuraan,kaya naman sa inis ko sinuntok ko ito sa mukha ang akala ata ito ay uurungan ko siya.Muli naman ako nitong inupakan sa mukha at pati ang ibang kasama nito sa kulungan ay nakisali na rin.Pinilit kung labanan ang mga gogong na ito ngunit ang lalakas nila anim sila at mag isa lamang ako. "Hoy!! Ano 'yan huh? Tama na 'yan! gusto niyo bang ibartolina ko kayong lahat huh!" Sigaw ng isang pulis na nakaduty buti na lamang at bigla itong dumating kundi baka bulbog sarado na ako sa mga ito. "Hoy!! Ikaw,Laya ka na.Bilisan muna lumabas bago magbago isip ko.Hindi pa kita palabasin sa dya'n." Agad ako lumabas at naiwan ang anim na lalaking masama pa rin ang tingin sa akin.Tumigil naman ako sa paglalakad at muli kung nilingon ang anim. "Mga gago kayo babalikan ko kayo!" Wika ko sa mga ito na kinangisi pa nila.Mukhang wala nang kinatatakutan ang mga ito,mga halang na ang bituka ng mga ito. "Sige bumalik ka at ng matikman ka namin." Lalong nag init ang ulo ko balak ko sanang sugurin ang mga ito kung hindi nga lamang may kamay ang biglang humawak sa braso ko. Nang tingnan ko kung sino ito, Nakita ko si Lara. "Anong ginagawa mo dito Lara?" Tanong ko kaagad dito niyakap naman ako nito kaagad.Hindi ako gumanti ng yakap dito dahil isa si Lara sa dahilan kung bakit ko nasaktan si Phoebe.Ito ang nag udyok sa akin na saktan ko si Phoebe.Wika nito hindi dapat ako pumayag na niloloko lamang ako ng asawa ko. "Miss na miss na kita Babe,Dapat kahapon pa kita pupuntahan dito eh.Kaso naghanap pa ako ng pandagdag para sa pang pyansa mo dito. Buti na lamang at kinontak ako ng mommy mo para dagdagan ang pera kailangan ko para mapyansahan ka lang.Ang laki rin kasi ng naging bill mo rito eh.Pero Okey lang 'yun babe,kahit ano gagawin ko makalaya ka lang alam ko naman na alam mo 'yan.Gagawin ko lahat para sayo Kenjie." Saad ni Lara na lalo pang yumakap sa akin.Kung ganoon pinabayaan na talaga ako ni Dad,talagang wala pala itong balak na tulungan ako para makalabas sa bwesit na kulungan na ito.Niyakap ko na lamang din si Lara,dahil sa pagtulong nito sa akin para makalaya ako. --- Oliver POV Sa loob ng isang buwan nanatili pa rin ako sa tabi ni Phoebe.Ikinuha ko ito ng isang bahay na maari niyang tirahan pansamantala habang hindi pa lumabas ang resulta ng annulment paper nila ni Kenjie at balita ko mabilis din nakalaya si Kenjie at nagsasama pa rin sila ni Lara.Nagtangka pa itong kausapin si Phoebe ngunit napigilan ko rin ito kaagad dahil 'yun din ang kagustuhan ni Phoebe.Ayaw na nitong makita muna si Kenjie dahil lalo lamang bumabalik ang ginawa nito sa kanya. "Phoebe?Phoebe?" Nandito ako ngayon sa bahay ni Phoebe,at saktong bukas ang gate nito marahil nakalimutan nitong sarahan ang gate.Dereretso lang ako sa loob,wala si Phoebe sa salas,wala rin ito sa kusina.Mag iintay na lamang sana ako sa salas nang makarinig ako ng ingay sa bandang garden kaya mabilis akong napatakbo sa maliit na garden ni Phoebe. "Pho-" Napahinto ako nang makitang nag tatanim ng mga gulay si Phoebe sa bagong bungkal na lupa.Napasandal ako sa pintuan habang pinagmamasdan si Phoebe na busy sa pagtatanim ng gulay sa maliit na garden nito.Bigla naman may dumapong maliit na kulay puti paruparo sa kamay nito.Napangiti si Phoebe habang dahan dahan na hinihipo ang paruparong nasa kamay nito.Ang sarap nitong pagmasdan ng nakangiti buti nakakangiti na rin ito hindi gaya ng nagdaang linggo na lagi pa rin ito umiiyak.Malaking tulong rin ang pagdating ng magulang nito at kapatid ngunit mabilis rin umalis ang mga ito dahil sa kanikanilang trabaho.Lihim naman ako kinausap ng magulang ni Phoebe,At doon ay pinagtapat ko sa mga ito ang lihim kung pagtingin kay Phoebe. Noong una ay nagalit ang mga ito sa akin,dahil baka pinaglalaruan ko lamang ang anak nila at sinasamantala ko raw ang pagiging broken hearted nito at pinaliwanag rin ng mga ito na kasal pa ang anak nila,ngunit ng paliwanagan ko ang mga ito saka nila naunawaan ang lahat.Sinabi ng mga ito na dapat noon pa lang na high school si Phoebe naglakas loob na ako magtapat dito.Sa huling pag uusap namin ng magulang ni Phoebe,pinakiusapan ako ng mga ito na ako na muna ang gumabay at bahala kay Phoebe.Total ayaw ni Phoebe umalis ng Pilipinas nangako naman ako sa mga ito na hindi ako aalis sa tabi ni Phoebe. "Hey! Oliver,Halika! tingnan mo ohh,,, marahil si baby ito dinadalaw niya siguro ako." Naputol ang pag iisip ko ng tawagin ako ni Phoebe nakita na pala ako nito.Agad ako lumapit dito habang nakangiti rin. "Ikaw,talaga kanina ka pa ata nag ga-garden ahh.Tama na 'yan may dala akong Pizza at pasta tara kumain na muna tayo" Wika ko kay Phoebe na nakatingin pa rin sa paruparo. "Oliver,Salamat huh,Hindi moko iniwan.Salamat kasi lagi kang nandya'n para sa akin.alam kung malaking abala na ang ibinibigay ko sayo.Pero salamat talaga.May isa lang sana ako tanong Oliver sana sagutin mo ng totoo." Sa pagkakataon na ito ngayon lang tumingin sa akin si Phoebe,Nagtitigan pa kami dalawa,mukhang seryoso ito sa itatanong niya sa akin. "Oliver,B-bakit mo ito ginagawa?" "Ang alin?"Tugon ko kay Phoebe. "Ang lahat ng ito,Bakit moko tinutulungan?,Bakit lagi kang nandya'n pag malungkot o may problema ako?Bakit Oliver?,Bakit ka nag a-aksaya ng oras sa akin?" Nagbaba ako ng tingin,Alam kung darating yong time na itatanong ito sa akin ni Phoebe,pero bakit ako kinakabahan.Natakot ako bigla na baka paglaman nito ang totoo kung nararamdaman para sa kanya ay iwasan ako nito. "Oliver?,"Muling tawag sa akin ni Phoebe. "D-dahil,Asawa ka ng kapatid ko." Gusto ko sanang sapukin ang sarili ko.Pagkakataon ko na ito para magtapat kay Phoebe pero inabutan pa ako ng pagiging torpe.Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Phoebe,Maya-maya pa tumayo na ito pinagpagan muna nito ang kamay niyang bahagyang nadumihan. "Umm,,Hali ka na kumain na tayo sabi mo may dala kang pizza at pasta 'di ba? Let's go." Wika ni Phoebe saka naglakad papasok ng bahay. "Gago! Gago! Ang Gago ko talaga!Pagkakataon ko nang magtapat kay Phoebe pero sinayang ko lang ang pagkakataon napaka mo talaga Oliver." Naiinis kung bulong sa aking sarili.naihampas ko ang hawak hawak kung Gloves sa sobrang inis ko sa kapalpakan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD