Kabanata 24

1511 Words
Oliver POV Sa loob ng tatlong oras nakalabas rin ng operating room si Phoebe,tulog na tulog pa ito ng ilabas ng mga doctor.Awang awa ako sa itsura nito kitang kita ang hirap at sakit na dinanas nito kay Kenjie,Kahit ang mga magulang ko ay nakaramdam ng awa para kay Phoebe. "Paanong nagawa ito ng kapatid mo Oliver? Nasisiraan na ba siya ng bait.Kawawa naman si Phoebe look at her,halos buong mukha niya ay may bakas ng pananakit ni Kenjie.Pati ang dapat na magiging anak nila ay nadamay pa.Grabe! Kailangan magbayad si Kenjie sa ginawa niya kay Phoebe." Mahabang paliwanag ni Mom hawak nito ang kamay ni Phoebe kita ko sa mukha ni Mom at Dad ang awa.Kahit ako man ay lubos na nasasaktan at naawa sa ginawang ito ni Kenjie.Kaya naman bigla akong may naisip hindi pwedeng hayaan ko na lamang ang ginawang ito ng hayop kung kapatid.Lalo't alam kung wala naman talaga ginawa mali si Phoebe isa ako sa saksi doon. "Son? Saan ka pupunta?" Pigil sa akin ni Dad,Hinawakan ako nito sa aking balikat kaya napatigil ako sa paglabas. "Dad,Hindi pwedeng managot si Kenjie dito.Pagbabayaran niya ang ginawa niya kayo na muna ni Mom ang bahala kay Phoebe." Tugon ko kay Dad,Mukha nahulaan naman nito kaagad ang ibig kong sabihin. Kaya naman tumangu-tango na lamang ito,tuluyan na akong lumabas ng silid. --- "Kenjie,Ano ba talagang nangyari sa kamay mo na 'yan anak? Isa pa bakit ganyan ang itsura mo? Sabihin mo nga Anak may nangyari ba?" Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na nagawa ko ang lahat ng pananakit kay Phoebe,Halos muntikan ko na itong mapatay kanina.Nataohan lang ako ng magdrive ako at muntik ng mapabangga,doon lamang ako nataohan sa mga ginawa ko sa Asawa ko,dapat hindi ko ginawa 'yun kay Phoebe.Dahil sa matindi galit nagawa ko iyon sakanya hindi ko lang kasi lubos maisip na magagawa akong lokohin nito.Ang buong akala ko matino itong babae peeo hindi ko alam na niloloko rin pala ako nito.Isipin ko pa lang na may ibang lalaki ang a-angkin sa Asawa ko ay hindi ko na matanggap kaya naman ng mapanood ko at makita ang mga video at litrato nito kasama ang lalaking 'yun.Agad akong nag inom at sa sobrang lasing ko inintay ko na ang paguwi nito at doon na nagsimula ang pananakit ko kay Phoebe.Para akong naging isang demonyo sa ginawa ko sa kanya hindi ko nagawang kontrolin ang sarili ko,Kung hindi pa ako umalis sa mismo bahay nmain baka napatay ko na ito.Binalikan ko pa ito sa bahay namin ngunit wala na ito doon.Pumunta din ako sa malalapit na ospital pero wala si Phoebe doon.At ngayon nga ay kababalik ko lamang dito sa bahay ng mga mgulang ko.Gulong gulo ang aking isipin hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Phoebe baka kung ano na ang masamang nangyari dito.Naisambunot ko ang aking kamay sa aking buhok. "Kenjie,Ano bang nangyayari sayo bata ka? Magsalita ka nga?" Muling tanong sa akin ni Mom,Hindi ko ito pinansin.Magulo ang isipan ko sa mga nangyari,lalo na ngayon na hindi ko alam nag lagay ng Asawa ko. "Okey,Okey,Alam ko na dahil ito sa malandi mong Asawa na si Phoebe tama ba anak? Pwede ba niloko ka na niya,Kaya dapat lang na makipaghiwalay ka na sakanya.Ang babaeng 'yun." Magsasalita pa sana ako ng biglang may puli na dumating at kasama ng mga ito si Oliver na galit na galit ang matang nakatingin sa akin. "Oliver?!T-teka,Sino kayo huh?! Bakit basta na lamang kayo papasok sa pamamahay ko.Syaka,Ikaw Oliver anong kalokohan ito?Bakit may kasama kang mga pulis?" Natatarantang tanong ni Mom sa mga pulis at kay Oliver.Tumayo ako at mabilis naman akong sinugod ni Olivee binigyan ako nito ng dalawa agad na suntok sa mukha.Napaupo naman ako sa sahig. "Ano ba?! Oliver baka nakakalimutan mo na nasa pamamahay ka namin.Ano bang problema mo sa kapatid mo?Bakiy mo siya sinasaktan baliw ka na ba huh?! Oliver?!" Galit na wika ni Mom kay Oliver,at ng makapwelo ako sinugod ko rin ito at binigyan ng suntok ngunit mabilis nitong nailagan ang suntok na binigay ko dito.Bagkus binigyan ako nitong muli ng sunod-sunod na suntok sa mukha at sikmura. "Bakit hindi mo tanungin ang demonyo mong anak? Bakit hindi mo sabihin Kenjie sa Mommy mo kung ano ang ginawa mo kay Phoebe?! " Nakita kung nanlaki ang mata ni Mom,At mukhang alam na ni Oliver ang nangyari kay Phoebe.Alam ko noon pa na may lihim na pagtingin ito kay Phoebe at wala itong iba minahal kundi ang Asawa ko.Kaya naman noong una pa lamang na malaman ko na may gusto na ito kay Phoebe inunahan ko na itong manligaw hanggang sa naging mag asawa na kami ni Phoebe ang buong akala ko nawala na ang pagtingin nito kay Phoebe.Pero mukhang nagkamali ako hanggang ngayon ay mahal pa rin nito ang asawa ko. "K-kenjie? A-anong ginawa mo kay Phoebe? Magsalita kang bata ka? Anong ginawa mo sa asawa mo?" Galit na tanong ni Mom sa akin.Napayuko na lamang ako dahil alam ko ito man ay magagalit sa ginawa ko kay Phoebe. "Ayaw mo bang magsalita huh!! Kenjie! Pwes,,, ako ang magsasalita.Muntik nang mapatay ng magaling mong Anak si Phoebe nag aagaw buhay pa rin ito sa ospital." Nakaramdam ako bigla ng takot para kay Phoebe.Hindi ko mapapatawad ang aking sarili pag may masamang nangyari dito. "Binulbog ng magaling mong anak si Phoebe halos basag ang mukha ni Phoeb sa tinamong pang bubulbog ng HAYOP NA 'YAN.! at gusto ko lang malaman mo Kenjie na pati ang sarili mong anak ay pinatay mo.Napakagago mo!" Nanlaki ang aking mata tama ba ako sa narinig ko pinatay ko ang sarili kung anak.Napahawak naman sa kanyang bibig si Mom at bahagya nanginig ang kamay nito kaya dahan dahan ito umupo. "Anong? Paanong buntis si Phoebe? Hindi ko alam na buntis siya." Sagot ko naman kay Oliver na may matang nanlilisik sa akin. "Buntis si Phoebe at magtatatlong buwan na sana ang pinagbubuntis niya.Pinatay mo ang sarili mong laman at dugo.Animal ka Kenjie.Sige na Kunin niyo na ang taong 'yan.Dapat lang d'yan ang makulong dahil sa pagpatay niya sa anak niya ay pambubulbog sa asawa niyang nag aagaw buhay pa rin sa ospital." Mahabang Sabi ni Olive,lumapit naman kaaga sa akin ang mga pulis magpupumiglis pa sana ako ng bigla kong nakita si Dad na palapit sa akin.At nang makalapit na ito sa akin hindi ko inaasahan ang ginawa nito.Bigla na lamang ako nitong sinapak,Agad naman tumayo si Mom at inawat si Dad na galit na galit din sa akin marahil narinig nito ang lahat ng sinabi ni Oliver. "Hindi kita pinalaki Kenjie para lamang maging isang Demonyo,Hindi mo dapat sinaktan ng ganoon si Phoebe,Pati ang apo ko ay idinamay mo pa sa kademonyohan mo!!." Wika ni Dad na masama pa rin ang tingin sa akin yakap na ito ni Mom.Pinakakalma na ito ni Mom,ngunit galit pa rin ang itsura ni Dad. "Ano ka ba naman tao ka! Nagawa iyon marahil ng anak natin dahil sa nalaman niya nagloko si Phoebe.Normal lang na magalit si Kenjie dahil sa nalaman niya ginawa ng asawa niya."Pagtatanggol naman ni Mom sa akin. "Alam kung hindi 'yun magagawa ni Phoebe,pareho nating alam 'yun.Marahil nga may kasama siyang lalaki sa video,pero inalam mo ba Kenjie ang katotohanan sa likod ng Video na 'yun.Maaring isang set up lamang ang video at mga litrato na 'yun.Alam mo sa sarili mo Kenjie na marami kang atraso sa mga naging babae mo kahit na mag asawa na kayo ni Phoebe." Wika ni Dad,Alam ko tama ito masyado akong nagpadala sa emotion ko,Masyado akong nagselos hindi ko matanggap na iniputan ako sa ulo ni Phoebe. "Sige na dalhin niyo na ang anak ko.Hindi ko kayang pagtakpan ang mga mali mong ginawa Kenjie! Pagbayaran mo ang ginawa mo sa Asawa mo." Nagulat ako sa sinabi ni Dad,bakit Okey lamang dito ang makulong ako.Anak niya ako pero pinabayaan niya lamang ako sa problema kung ito. "Sumama ka na sa amin ng maayos,Huwag ka na manlaban.Lalo lang lala ang kaso mo Mr.Kenjie." Gusto ko sanang manlaban sa mga pulis na agad na lumapit sa akin,Ngunit alam kung wala akong laban sa mga ito.Kinuha ng isang pulis ang dalawang kamay ko at syaka nilagyan ng posas.Bago ako lumabas tumigil ako sa harap ni Oliver na masama pa rin ang tingin sa akin. "Kung aklaa mo nanalo ka sa akin Oliver,Para sabihin ko sayo at itatako mo sa isipan mo na,Hinding hindi mo makukuha sa akin si Phoebe.Alam kung mahal na mahal ako ng Asawa ko.Kaya huwag ka nang umasa na makukuha mo pa siya sa akin." Saad ko kay Oliver na nginitian lamang ako,Ngiting mapang asar.Kaya naman lalo akong nagpanting sa ginawa nito. "Sa tingin mo ba sa ginawa mong ito kay Phoebe ay magkakabalikan pa kayo.Walang sino man babae ang gustong makasama ang isang Hayop na katulad mo! Sorry Bro,kung hindi mo kayang alagaan at panindigan ang Asawa mo,Pwes! ako kayang kaya ko.Sige na dalhin niyo na 'yan," Nagpupumiglas pa ako sa pagkakahawak ng mga pulis sa akin.Ngunit wala na akong nagawa ng isakay na ako ng mga ito sa dala nilang mobile.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD