Kabanata 27

1445 Words
Phoebe POV "Dahil asawa ka ng kapatid ko,Dahil asawa ka ng kapatid ko.Bwesit 'yun lang pala ang dahilan niya dahil asawa ako ng kapatid niyang si Kenjie kaya siya ganoon sa akin.Hindi ba niya alam na pinahihirapan na niya ako sa kakaisip kung bakit niya ako tinutulungan.at kung bakit niya ito ginagawang lahat.Kakainis ka naman Oliver." Wika ko sa aking sarili padabog akong umupo sa mahabang sofa.At kinain ko na lamang ang dala nitong pizza at pasta.Nakita ko naman pumasok na rin ito sa loob at kumuha na rin ito ng pasta at pizza.Namayani ang katahimikan sa pagitan namin ni Oliver,Sakto naman kukuha ako muli ng pizza nang magkasabay ang aming kamay kaya naman nagbanggaan ang mga ito,Pareho rin kami napatingin sa isat isa ni Oliver,Nauna pa itong magbaba ng paningin at binawi rin nito kagaad ang kanyang kamay.Ano bang problema ng lalaking ito bigla na lamang parang na ilang sa akin. "Umm,,,, Tapos na pala ako kumain aakyat na lang muna ako." Wika ko kay Oliver,ewan ko pero bigla akong nainis dito.Umakyat ako ng kwarto at naghubad ng damit siguro maliligo na lang muna ako.Nakapaghubad na ako ng suot kung damit at panjama ng biglang may butiki ang tumalon sa akin at sumuot iyon sa may parteng dibdib ko,dahil sa sobrang takot ako sa butiki napasigaw ako. "Phoebe? Anong nangyari? Oww, Sorry." Biglang pumasok si Oliver napatingin pa ako dito at ganoon na lamang ang kinalundag ko kay Oliver ng gumalaw ang butiki na nasa loob ng aking bra.Para akong aatakihin dahil gumagalaw ang buti sa dibdib ko. "P-phoebe?" Narinig ko pang sabi ni Oliver na gulat na gulat sa paglundag ko sa kanya, "Tulungan mo ako tanggalin ang butiki sa dibdib ko Oliver,Please! Please! Tanggalin muna bilis! Ahhh,,,,,, Shocks!! Gumagalaw pa buhay pa! Bilis na Oliver!." Halos pasigaw ko nang sambit kay Oliver,at ng gumalaw nanaman ang bwesit na butiki napatalon ako muli at dahil nga sa sobra takot ko nahigit ko si Oliver kaya naman bumagsak ako sa kama at nakadagan naman sa akin si Oliver.Saglit pa kami nagkatitigan nito at bigla tumigil ang mundo habang titig na titig sa akin si Oliver at ako man ay nakatitig lamang sa maganda nitong mata.Unti-unting lumalapit ang mukha nito sa aking mukha,Napadako ang mata nito sa aking labi at at lalo pa nitong inilapit ang mukha sa akin halos kahibla na lamang ang pagitan namin.Sa isang iglap naramdaman ko na lamang ang labi nito na nakalapat sa labi ko.Napapikit ng kusa ang aking mga mata,Nag-umpisang gumalaw ang labi ni Oliver sa loob ng aking bibig,Hinanap nito ang aking dila at hindi na nahiya ang dila ko at kusa na rin itong tumugon sa nang a-ayang dila ni Oliver,Lumalim ang halik nito at ako man ay nadadala na rin.Gumalaw na rin ang isang kamay nito na humaplos sa aking tagiliran.Napaangat ako ng kaunti dahil sa biglang kuryenteng dumaloy bigla sa buong katawan ko.Gusto kung itulak ito pero bakit ayaw gumalaw ng aking kamay at katawan. Hinayaan ko lamang ang sarili kung tugunin ang bawat pagkilos nito. "Phoebe I Lo-" "Ahhhh,,,,,, Butiki! Oliver bilis tanggalin mo! ohhh,,, No!!" Naputol ang sasabihin nito nang bigla na lamang umultas ang butiki na nasa dibdib ko,sanhi para magsisigaw at mataranta nanaman ako.kinuha ni Oliver ang buti na nasa dibdib ko,buti na lamang at lumabas na ito ng kusa.kaso putol na ang buntot nito at may isa pang nagalaw sa loob ng aking bra.Gusto ko man ito dukutin pero takot talaga ako.Kaya naman napatingin ako kay Oliver na mukhang nahulaan agad ang gusto kung mangyari nasa ibaba ko pa rin ito. "Sigurado ka ba Phoebe?" Tanong nito sa akin.Sunod-sunod na pagtango ang ginawa ko,Inalalayan naman ako nito para makaupo ng maayos ng madali nitong makuha ang buntot ng butiki na galaw ng galaw pa rin. "Oo na bilis na kasi,Dukutin muna bilis! Nandidiri na ako Oliver bilis na!" Utos kung muli kay Oliver na napansin ko pang napangiti. "Sigurado ka huh! Okey ito na ipapasok ko na." Sambit nito sa akin na nakapikit pa. "Oo na,Dahan-dahan lang baka dumugo naman!" Tugon ko naman dito. "Oo na,Ito nga at dinadahan-dahan ko na ang pagpasok e." Muling tugon nito na naramdaman ko na ang kamay sa loob ng aking bra.Pakiramdam ko pulang pula na ako sa sobrang kahihiyan pero wala ako magagawa malaki talaga ang takot ko sa butiki. "Ahhh,,Ayan na! Umm,,, Ayan na! Bilisan muna Oliver! Malapit na!" Tugon ko dito habang nakahawak ako sa ulo nito. "Ohh,,Ayan na! Tapos na pinagpawisan ako doon ahh." Nakahinga ako ng maluwag ng makita ang butot ng butiki na hawak nito,Mukhang naduguan na ang aking dibdib.lalo pa ako nandiri kaya dalian ako sa pagtayo. "Maligo ka na,Phoebe lalabas na muna ako.Pwede ba akong gumamit ng Cr.sa baba.?"Wika nito sa akin habang nakatalikod,Ano naman kaya ang nangyari sa lalaking ito at nakikipag usap ng nakatalikod. "Oo naman sige na nandidiri na talaga ako sa dugo ng butiki na 'yun." tugon ko dito na dalian naman sa pagbaba. "Oliver!"Muli kung sigaw ko kay Oliver kaya napahinto ito sa paglalakad,nakatalikod pa rin ito sa akin. "Ano 'yun Phoebe?" Tugon nitong muli. "Salamat." Pagkasabi ko noon ay nagmadali nang nagtungo Sa C.R si Oliver at ako naman ay naligo na kaagad.Habang naliligo naalala ko ang nangyari kanikanina lamang nakita nanaman ni Oliver ang buo kung katawan ang kinaibahan lang ngayon ay may suot ako bra at panty,Ngunit nag nakakailang pa ay ang ipasok nito ang kanyang kamay sa loob ng aking bra, "Kasalanan ito ng butiki na 'yun eh" Bulong ko sa aking sarili,Napahawak ako bigla sa aking labi. "Ano kaya ang ibig sabihin ng halik na 'yun? Bakit naman bigla ako hinalikan ni Oliver? Ahhhh,,,,,, Ano ba Phoebe hindi pa nga tapos ang problema mo sa asawa mo gusto mo na naman magdagdag ng isa pang problema.Wala lang ang halik na 'yun.Wala iyon ibig sabihin Okey,Isa pa alalahanin mo na kapatid ni Kenjie si Oliver at isa pa Boss mo 'yun" Naiinis kung wika sa aking sarili.Napailing iling na lamang ako saka mabilis nang nagbanlaw. --- Oliver POV Buti na lamang hindi napansin ni Phoebe ang galit kung alaga,Kaya naman nagmadali na akong pumaibaba at pumunta ng Cr.Kung nadako ang tingin nito sa ibaba ko baka nakita pa nito ang nagwawala ko nang alaga.Kung bakit ba naman kasi naka bra at panty lamang ito.At ako pa ang pinakuha nito sa buntot ng butiki sa kanyang dibdib.Tuloy halos makapa ko na ang kabuuan ng dibdib nito.Mabuti na lamang at nasa gitna lamang ng dibdib niya nakalagay nag buntot ng butiki. "Buti na lang din may butiking dumating.Salamat kaibigang butiki ng dahil sayo nalasahan ko ang matamis na labi ni Phoebe na noon ko pa gustong angkinin." Napangiti ako sa aking naisip,Saktong kalalabas ko lamang ng Cr ng makita ko si Vivian na nasa salas kumakain ito ng pizza na kanina lamang ay kinakain din namin ni Phoebe.Iniikot ko ang aking paningin mukhang hindi pa ata bumababa si Phoebe.Babalik sana ako sa cr ng makita ako ni Vivian. "Boss! Hala boss,anong ginagawa mo dito.Syaka B-bakit ka nakatapis lamang?" Wika ni Vivian na parang malapit na atang tumulo ang laway sa sobrang pagkakatitig sa aking katawan.Napansin ko pa ito na napakagat labi.Tumikhim ako para mawala ang atensyon nito sa aking katawan.Bigla naman ito napaderetso ng upo at napansin ko pang napalunok ito. "Ahh,, Ehh,b-boss.hahaha kakaloka ano ba 'yan nawala ako sa wisyo kasi naman 'yang mga abs mo boss eh. Nakakasilaw,Kain ka boss ohh! Ang sherep!" Wika ni Vivian sabay subo sa pizza hawak hawak pa rin niya.Nakatitig pa rin ito sa aking katawan. "Hoy,,Vivian nakabalik ka na pala agad,Nabili mo ba ang pinabibili ko sayo? Naku,pasensya na huh! nautusan pa tuloy kita sa pagbili nitong mga seeds.Hoyy! Hala anong nagyari sayo babae ka para kang namanegno." Wika ni Phoebe na kababa lamang hindi ako nito napansin kaya naman napatikhim ako para kunin ang atensyon nito. "Ay,, butiki, " sambit nito halatang nagulat ito sa presensya ko.naglakbay din ang mata nito sa aking katawan.Napangiti na lamang ako nang mapansin na napalunok rin ito kagaya ni Vivian. "Oh,,Say! Tamo boss pati itong si Phoebe napatulala sa ka-matchohan mo.Haha kaloka girl ang laway, ang laway,baka tumulo.Haha" Wika ni Vivian na lumapit na kay Phoebe,halatang napahiya iti kaya napakurap kurap ang mata bago tumingin kay Vivian na nakangiti lamang sabay kindat nito sa akin.Napailing-iling na lamang ako sa kapilyahan ni Vivian. "Ahh,Hindi ko alam na naligo ka na rin pala.Oliver,Umm,, teka gusto mo ba kunin ko muna yong damit mong naiwan dito noong isang araw teka.Kunin ko lang sa taas." Nagmadaling umakyat si Phoebe at naisipan ko naman itong sundan.Masyado na rin kasing busog ang mata ni Vivian kakatitig nito sa aking katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD